304 Laging Asamin ang Pag-ibig ng Diyos

I

Walang-muwang ako dati, masaya sa katangahan; hindi ko ito nalaman hanggang ginising ako ng Diyos.

Gaano ko binale-wala ang Kanyang salita at ang Kanyang pag-ibig; nakikita ko ngayon kung gaano karami ang nalaktawan ko.

Madalas ko pagsisihan ang panahong sinayang ko, nananaginip, sa bawat araw.

Hindi ko pinansin ang sinabi ng Diyos, tumalikod akong bingi ang tainga.

O Diyos! Salita Mo, pag-ibig Mo ang gumising sa aking pagtulog.

O pinuno nito ang puso ko!

O Diyos! Salita Mo, Pag-ibig mo ang gumising sa aking pagtulog.

Inaasam ko lagi ang pag-ibig Mo.

Hinahabol pa rin ako ng nakaraan, sinasaktan ako minsan ng pagbabalik-tanaw.

Pero natututunan ko na rin sa wakas ang pagpaparaya; hindi malilimutan ang pag-ibig Mo sa akin.

Ang mga salita Mo ng paghatol at wagas na pag-ibig, lagi kong mamahalin sa aking puso.

Huwag hanapin ang sarili kong kinabukasan, mawawalan ito ng silbi.

Palayain ang nakaraan, iwanang buo ang puso ko sa Diyos.

O Diyos! Salita Mo, Pag-ibig mo ang gumising sa aking pagtulog.

O pinuno nito ang puso ko!

O Diyos! Salita Mo, Pag-ibig mo ang gumising sa aking pagtulog.

Inaasam ko lagi ang pag-ibig Mo.

II

Nakatindig akong nakapagpasya, hindi ako susuko, wala nang pag-aalala, wala nang paglaboy-laboy.

Hahanapin ko ang katotohanan ng Diyos, nakaukol sa pagtupad sa Kanyang kagustuhan.

Nakatindig akong nakapagpasya, hindi ako susuko, wala nang pag-aalala, wala nang paglaboy-laboy.

Hahanapin ko ang katotohanan ng Diyos, nakaukol sa pagtupad sa Kanyang kagustuhan,

hanggang sa aking huling hininga.

O Diyos! Salita Mo, Pag-ibig mo ang gumising sa aking pagtulog.

O pinuno nito ang puso ko!

O Diyos! Salita Mo, Pag-ibig mo ang gumising sa aking pagtulog.

Inaasam ko lagi ang pag-ibig Mo. Inaasam ko lagi ang pag-ibig Mo

Sinundan: 303 Ibinibigay Ko ang Tapat Kong Puso sa Diyos

Sumunod: 305 Ang Minamahal Nating Makapangyarihang Diyos

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messnger

Kaugnay na Nilalaman

124 Awit Ng Mga Mananagumpay

IAng kaharia'y lumalago dito sa mundo.Ito'y nabubuo sa tao. Lumalago sa tao.Walang puwersang sisira sa kaharian ng Diyos.Lumalakad ang...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito