Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

396 Ang Gawain ng Paglupig ay Gawaing May Pinakamalalim na Kabuluhan

1 Ang gawaing panlulupig na natapos sa inyong mga tao ang may pinakamalalim na kabuluhan: Sa isang banda, ang layunin ng gawaing ito ay upang gawing perpekto ang pangkat ng mga tao, iyon ay, upang sila'y maging perpekto para maging pangkat ng mga mananagumpay, bilang ang unang pangkat ng mga tao na naging ganap, nangangahulugang ang mga unang bunga. Sa kabilang banda, ito ay upang hayaan ang mga nilalang na masiyahan sa pag-ibig ng Diyos, tumanggap ng pinakadakilang pagliligtas ng Diyos, at tumanggap ng buong pagliligtas ng Diyos. Ang hinahayaan ng Diyos na matamasa ng tao ay hindi lamang awa at kagandahang-loob, kundi mas mahalaga ang pagkastigo at paghatol. Magmula nang nilikha ang mundo hanggang ngayon, ang lahat ng ginawa ng Diyos sa Kanyang gawain ay pag-ibig, na walang kahit anong poot sa tao. Kahit ang pagkastigo at paghatol na iyong nakita na ay pag-ibig din, isang mas totoo at mas tunay na pag-ibig; umaakay ang pag-ibig na ito sa mga tao sa tamang landas ng buhay ng tao.

2 Sa pangatlong banda, ito ay magpapatotoo sa harap ni Satanas. At sa pang-apat na banda, ito ay upang magtatag ng saligan sa pagpalaganap ng gawaing ebanghelyo sa hinaharap. Ang lahat ng gawain na Kanyang nagawa na ay para sa layunin ng pag-akay sa mga tao sa tamang landas ng buhay ng tao, upang maaari silang magkaroon ng normal na buhay ng sangkatauhan, sapagkat hindi alam ng tao kung paano ang mamuhay. Kung wala ang ganitong pag-akay, ikaw ay makakapamuhay lang ng isang buhay na walang saysay, makakapamuhay lang ng isang walang halaga at walang kabuluhang buhay, at hindi mo malalaman kung ano talaga ang pagiging normal na tao. Ito ang pinakamalalim na kabuluhan ng paglupig sa tao.

Hango sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Pangunahing Mithiin ng Gawain ng Paglupig ng Diyos

Sumunod:Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong

Baka Gusto Mo Rin