Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

624 Mga Dahilan Kaya Nabibigo ang mga Tao sa Kanilang Pananampalataya sa Diyos

1 Ang pinakasaligang kinakailangan ng pananampalataya ng tao sa Diyos ay ang mayroon siyang tapat na puso, at na buo niyang inilalaan ang kanyang sarili, at tunay siyang sumusunod. Ang pinakamahirap sa tao ay ibigay ang kanyang buong buhay kapalit ng tunay na pananampalataya, kung saan sa pamamagitan nito ay maaari niyang makamit ang buong katotohanan, at isakatuparan ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Ito ang hindi natatamo ng mga nagkakamali, at higit pang mas hindi natatamo ng mga hindi makakatagpo kay Cristo.

2 Dahil ang tao ay hindi magaling sa buong paglalaan ng kanyang sarili sa Diyos, dahil ang tao ay hindi handang gampanan ang kanyang tungkulin sa Lumikha, dahil nakita na ng tao ang katotohanan nguni’t iniiwasan ito at tumatahak ng kanyang sariling landas, dahil laging naghahanap ang tao sa pamamagitan ng pagsunod sa landas ng mga nagkamali na, dahil laging sinasalungat ng tao ang Langit, sa gayon, laging nagkakamali ang tao, laging nadádalá ng panlilinlang ni Satanas, at nabibitag sa sarili niyang lambat.

3 Dahil hindi kilala ng tao si Cristo, dahil ang tao ay hindi sanáy sa pag-unawa at pagdanas ng katotohanan, dahil ang tao ay labis na mapagsamba kay Pablo at masyadong mapag-imbot sa langit, dahil laging hinihingi ng tao na si Cristo ay sumunod sa kanya at nag-uutos sa Diyos, kaya yaong mga dakilang pinuno at yaong mga nakaranas na ng mga di-inaasahang pangyayari sa mundo ay may kamatayan pa rin, at namamatay pa rin sa gitna ng pagkastigo ng Diyos.

Hango sa “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Yaong mga Hindi Naghahanap sa Katotohanan ay Pagsisisihan Ito

Sumunod:Yaong mga Hindi Sumusunod sa Diyos ay Kumokontra sa Diyos

Baka Gusto Mo Rin