Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

918 Kapag Pumapasok ang Sangkatauhan sa Walang-Hanggang Hantungan

1 Kapag ang tao ay pumapasok na sa walang-hanggang hantungan, sasambahin ng tao ang Lumikha, at sapagkat natatamo na ng tao ang kaligtasan at nakakapasok na sa kawalang-hanggan, ang tao ay hindi na maghahabol ng anumang mga layunin, ni, higit pa rito, kailangan niyang mag-alala na siya ay kinukubkob ni Satanas. Sa panahong ito, malalaman ng tao ang kanyang lugar, at gagampanan ang kanyang tungkulin, at kahit na hindi sila kinakastigo o hinahatulan, gagampanan ng bawat tao ang kanilang tungkulin. Sa panahong iyon, ang tao ay magiging nilikha sa parehong pagkakakilanlan at katayuan. Wala nang magiging pagkakaiba ng mataas at mababa; bawat tao ay gaganap na lamang ng ibang tungkulin. Ngunit ang tao ay mamumuhay pa rin sa isang maayos, angkop na hantungan ng sangkatauhan, gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin para sa kapakanan ng pagsamba sa Lumikha, at ang isang sangkatauhan na kagaya nito ay magiging ang sangkatauhan ng kawalang-hanggan.

2 Sa panahong iyon, matatamo na ng tao ang isang buhay na pinaliwanag ng Diyos, isang buhay na nasa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, at isang buhay na kasama ang Diyos. Magkakaroon ang sangkatauhan ng normal na buhay sa lupa, at ang kabuuan ng sangkatauhan ay papasok sa tamang landas. Lubos nang natalo ng 6,000-taong plano ng pamamahala ng Diyos si Satanas, ibig sabihin nito’y nabawi na ng Diyos ang orihinal na larawan ng tao kasunod sa Kanyang paglikha, at sa gayon, ang orihinal na hangarin ng Diyos ay matutupad na. Sa pagdating pa lamang sa katapusan ng 6,000-taon na gawain ng pamamahala ng Diyos na opisyal na magsisimula ang buhay ng lahat ng sangkatauhan sa lupa, doon pa lamang magkakaroon ang tao ng kamangha-manghang buhay, at mababawi ng Diyos ang layunin sa paglikha sa tao noong pasimula, pati na ang orihinal na wangis ng tao.

Hango sa “Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Diyos ang Naghahari sa Lahat ng Bagay

Sumunod:Kapag Namahinga na ang Sangkatauhan

Baka Gusto Mo Rin