Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

321 Kapag Ganap nang Dumating ang Kaharian

Kapag ang kaharian ay ganap nang bumaba sa lupa, mababawi ng lahat ng tao ang kanilang likas na wangis. Kaya, sinasabi ng Diyos, “nasisiyahan Ako mula sa kaitaasan ng Aking trono, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng mga bituin. At naghahandog sa Akin ang mga anghel ng mga bagong awitin at mga bagong sayaw. Hindi na sinasanhi ng kanilang kahinaan na umagos ang mga luha sa kanilang mga mukha. Hindi Ko na naririnig, sa Aking harapan, ang tinig ng pag-iyak ng mga anghel, at wala na ring nagrereklamo sa Akin ng kahirapan.” Ipinakikita nito na ang araw kung kailan matatamo ng Diyos ang ganap na kaluwalhatian ay ang araw kapag tinatamasa na ng tao ang kanyang kapahingaan; ang mga tao ay hindi na magkukumahog bilang resulta ng paggambala ni Satanas, hihinto ang mundo sa patuloy na pagsulong, at ang mga tao ay mabubuhay sa kapahingahan—sapagkat ang napakaraming bituin sa kalangitan ay pinapanibago, at ang araw, buwan, mga bituin, at iba pa, at ang lahat ng bundok at mga ilog sa langit at sa lupa, ay binabago lahat. At sapagkat ang tao ay nagbago, at ang Diyos ay nagbago, kaya, maging ang lahat ng bagay ay magbabago. Ito ang pinakasukdulang layunin ng plano ng pamamahala ng Diyos, at ang yaong matatamo sa bandang huli.

Hango sa “Kabanata 20” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Iba’t-ibang Lugar ng Kapahingahan para sa Diyos at sa Tao

Sumunod:Ang mga Nalinis lang ang Makakapasok sa Kapahingahan

Baka Gusto Mo Rin