569 Ano ang Magiging Tadhana ng Isang Tao sa Huli?

I

Dapat mong malaman ang mga nasa loob mo:

May tala ba ng pagdurusa para sa Diyos?

May tunay na pananampalataya’t katapatan ka ba?

Tunay ka bang nagpasakop

nang lubusan sa Diyos?

Kung “hindi” ang sagot sa mga katanungang ito,

kung malaman mong

tunay na wala ka ng mga bagay na ‘to,

may nananatili sa loob mong pagsuway,

at mayroon ding reklamo,

panlilinlang, at kasakiman.


Dahil ang puso mo’y malayo sa pagiging tapat,

ibig sabihin ay ‘di ka pa nabuhay sa liwanag.

Nangangahulugan din na ‘di mo pa natanggap

ang positibong pagkilala ng Diyos.


Ang magiging tadhana ng isang tao sa huli

ay depende sa dalawang bagay na ito:

kung siya’y may pusong tapat

at kasimpula ng dugo,

at kung siya’y may kaluluwang dalisay

sa kalooban niya.


II

Kung ika’y isang taong lubhang hindi tapat,

o kung isa kang

may pusong may masamang hangad

o may maruming kaluluwa,

ang nakatala na tadhana mo

ay tiyak na sa kung saan ang tao’y parurusahan.

At kung sinasabi mong ikaw ay matapat,

ngunit kilos mo’y ‘di naaayon sa katotohanan,

at wala kang kakayahang magsabi ng totoo,

bakit ka naghihintay

na gantimpalaan ka ng Diyos?


Umaasa ka pa rin bang ituring ng Diyos

na para bang ikaw ang pinakatatangi Niya?

‘Di mo ba nararamdaman na malaking kahibangan

na mag-isip ka ng ganito?


Ang magiging tadhana ng isang tao sa huli

ay depende sa dalawang bagay na ito:

kung siya’y may pusong tapat

at kasimpula ng dugo,

at kung siya’y may kaluluwang dalisay

sa kalooban niya.


III

Kung palagi mong nililinlang ang Diyos,

kung iyong mga kamay ay napakarumi,

paano mo naiisip na ang tahanan ng Diyos ay

maaaring tumanggap ng isang tulad mo?


Ang magiging tadhana ng isang tao sa huli

ay depende sa dalawang bagay na ito:

kung siya’y may pusong tapat

at kasimpula ng dugo,

at kung siya’y may kaluluwang dalisay

sa kalooban niya.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala

Sinundan: 568 Dapat Mong Tanggapin ang Pagmamasid ng Diyos sa Lahat ng Ginagawa Mo

Sumunod: 570 Paano Isagawa ang Pagiging Isang Tapat na Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito