Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 8

Noong nakaraan, nagbahaginan tayo tungkol sa apat na pahayag ng tradisyonal na kultura tungkol sa wastong asal. Sabihin ninyo sa Akin kung anu-ano ang mga iyon. (“Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian,” “Isakripisyo ang sarili mong mga interes alang-alang sa iba,” “Ang isang babae ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal,” at “Kapag umiinom ng tubig ng balon, huwag dapat kalilimutan kung sino ang naghukay niyon.”) Malinaw ba ang pagkaunawa ninyo kung anu-ano ang dapat na suriin at maunawaan sa bawat pahayag? Ang bawat pahayag sa tradisyonal na kultura ay malapit na nauugnay sa tunay na buhay ng mga tao at kung paano sila gumagawi. Walang duda na may partikular na impluwensya ang mga pahayag na ito ng tradisyonal na kultura sa tunay na buhay ng mga tao at sa paraan ng kanilang paggawi. Ang mga prinsipyo ng mga salita, kilos at paggawi ng sarili ng mga tao sa tunay na buhay ay pangunahing nagmula sa mga pahayag at perspektibang ito ng tradisyonal na kultura. Malinaw na medyo malalim na nakaiimpluwensya at na nakatanim na sa isip ng mga tao ang tradisyonal na kultura. Pagkatapos Kong magbahagi noong huling pagtitipon, mas nagbulay-bulay at nagbahaginan ba kayo? (Nagbahaginan kami at naunawaan namin ang kaunti sa mga pahayag na ito tungkol sa wastong asal, at bahagya naming nabago ang aming mga pananaw at perspektiba sa ganitong mga uri ng bagay, ngunit hindi pa rin lubos ang aming pagkaunawa sa mga iyon.) Isang bahagi ng pagtatamo ng lubos na pagkaunawa ay na kailangan ninyong ibatay ang inyong pagkaunawa sa ibinahagi Ko; ang isa namang bahagi ay na kailangan ninyong umunawa batay sa mga perspektiba na taglay ninyo sa tunay na buhay, pati na sa mga naiisip at ikinikilos ninyo kapag may nangyayari sa inyo. Hindi talaga sapat na makinig lang sa mga sermon. Ang layunin ng pakikinig sa mga sermon ay ang makilala ang mga negatibong bagay sa tunay na buhay, ang mas tumpak na makilala ang kaibahan ng mga negatibong bagay, at pagkatapos ay maunawaan ang mga positibong bagay at magkaroon ng dalisay na pagkaunawa sa mga iyon, upang ang mga salita ng Diyos ang maging batayan kung paano umasal at kumilos sa tunay na buhay. Sa isang aspekto, ang pagkilatis sa mga negatibong bagay na ito ay may epektong nakapagtutuwid sa pag-uugali at pagkilos ng mga tao, yamang naitatama nito ang mga maling ideya, perspektiba, at saloobin ng mga tao sa mga pangyayari at bagay-bagay; bukod doon, sa positibong papel nito, mahihikayat nito ang mga tao na gumamit ng mga tamang paraan at proseso pati na ng mga tumpak na prinsipyo ng pagsasagawa pagdating sa kanilang mga pananaw sa mga tao at bagay-bagay, at sa kanilang pag-uugali at kilos. Ito ang layunin at ang nilalayong epekto ng pagbabahaginan at pagsusuri sa mga pahayag na ito tungkol sa wastong asal.

Dalawang beses na tayo ngayong nagbahaginan tungkol sa mga pahayag tungkol sa wastong asal sa tradisyonal na kulturang Tsino, na pangunahin ay mga kinakailangan para sa wastong asal ng mga tao na mula sa malaking kontekstong panlipunan. Sa perspektiba ng isang indibiduwal, malilimitahan at makokontrol ng mga pahayag na ito ang pag-uugali ng mga tao hanggang sa isang partikular na antas; mula sa isang mas malawak na perspektiba, nilalayon ng mga iyon na lumikha ng mabuting pamantayan ng moralidad ng lipunan, at, siyempre, na tumulong sa mga namumuno na mas mabuting mapamunuan ang mga tao. Kung ang mga tao ay may sariling mga ideya, malayang nakapag-iisip, at nahahanap ang sarili nilang mga moral na pamantayan sa pag-uugali, o kung maaari silang magpahayag ng sarili nilang mga opinyon, mamuhay ayon sa sarili nilang mga ideya, kumilos nang ayon sa palagay nila ay nararapat, at gumamit ng sarili nilang paraan ng pagtingin sa mga bagay-bagay, sa mga tao, sa lipunan nila, at sa bansang tinitirahan nila, walang duda na hindi ito isang magandang bagay o isang magandang tanda para sa mga namumuno, dahil direkta nitong isinasapanganib ang posisyon ng kapangyarihan ng mga ito. Sa madaling salita, ang mga pahayag na ito tungkol sa wastong asal ay pangunahing ipinanukala ng mga diumano’y moralista, intelektuwal, at tagapagturo bilang paraan para magbigay-lugod at magpalakas sa mga namumuno, na ang layunin ay ipakitang magagamit nila ang mga ideya at teoryang ito, pati na ang sarili nilang reputasyon at katanyagan, para paglingkuran ang mga namumuno. Ito ang pangunahing kalikasan ng lahat ng pahayag na ito na tungkol sa wastong asal na pinagbahaginan natin; ang layunin ng mga iyon ay walang iba kundi limitahan ang mga kaisipan, wastong asal, at mga pananaw ng mga tao sa mga bagay-bagay sa isang saklaw ng kawastuhan na sa palagay ng mga tao ay bahagyang mas mabuti, mas positibo, at mas marangal, upang mabawasan ang alitan sa pagitan ng mga tao, magdulot ng pagkakasundo sa kanilang mga pakikisalamuha, at magdulot ng katahimikan, nang sa gayon ay magbigay-pakinabang sa kapamahalaan ng mga namumuno sa mga tao, at higit pa roon, mapatatag ang katayuan ng uring namumuno, at mapanatili ang pagkakasundo at katatagang panlipunan. Sa gayon, nakuha ng mga taong ito na nagpanukala ng pamantayan ng mga wastong asal ang lahat ng ninanais nila, iyon ay ang mapahalagahan at mailagay ng uring namumuno sa mga importanteng katungkulan. Ito talaga ang landas ng karera na hinahangad at inaasam nila, at kahit pa hindi sila maging matataas na opisyal, kahit papaano, maaalala sila ng mga susunod na henerasyon at maitatala sa kasaysayan. Pag-isipan ninyo—sino sa mga taong nagpanukala ng mga pahayag na ito tungkol sa wastong asal ang hindi iginagalang ng lipunang ito? Sino ang hindi hinahangaan ng sangkatauhan? Maging sa panahon ngayon, sa mga Tsino, itong mga diumano’y intelektuwal, tagapagturo, at moralista, tulad nina Confucius, Mencius, Laozi, Han Feizi, at mga tulad nila, ay nananatiling tanyag, tinitingala, at iginagalang. Siyempre, iilan-ilang pahayag lamang tungkol sa wastong asal ang inilista natin, at ang mga ibinigay na halimbawa ay ilan lamang sa mga tipikal na pahayag. Kahit na nagmula sa maraming tao ang mga pahayag na ito tungkol sa wastong asal, ang mga ideya at perspektiba na ipinapanukala ng mga diumano’y luminaryong ito ay lubos na naaayon sa kagustuhan ng mga namumuno at ng uring namumuno, at lahat ng konsepto nila ng pamamahala at pangunahing mga ideya ay iisa: Ang magbalangkas ng ilang wastong pamantayan ng pag-uugali at mga kilos na dapat sundin ng mga tao upang kumilos ang mga ito nang maayos, mababang-loob na mag-ambag sa lipunan at sa bansa nito, at mabuhay nang mababa ang loob kasama ang mga kapwa nito—iyon lamang talaga. Ang mga ideya at perspektiba nila ay iisa ang layunin, sa alin mang dinastiya o kanino mang tao nagmula ang mga pahayag na ito ng wastong asal: ang paglingkuran ang uring namumuno, at iligaw at kontrolin ang sangkatauhan.

Napagbahaginan na natin ang walong pahayag tungkol sa wastong asal. Ang kalikasan ng walong pahayag na ito ay pangunahin na ang pangangailangan na talikdan ng mga tao ang mga makasarili nilang pagnanasa at ang sarili nilang kalooban, bagkus ay paglingkuran ang lipunan, ang sangkatauhan, at ang sarili nilang bansa, at matamo ang pagiging di-makasarili. Halimbawa, sa alin mang grupo ipinapanukala ang mga pahayag tungkol sa wastong asal na tulad ng “Isakripisyo ang sarili mong mga interes alang-alang sa iba,” “Ang isang babae ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal,” at “Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba,” hinihingi ng lahat ng iyon sa tao na magpigil sa sarili—pigilan ang sarili nilang mga pagnanasa at di-wastong asal—at magtaglay ng mga kaaya-ayang ideolohikal at moral na perspektiba. Gaano man naiimpluwensyahan ng mga pahayag na ito ang sangkatauhan, at positibo man o negatibo ang impluwensyang iyon, ang layunin ng mga diumano’y moralistang ito, sa maikli at malinaw na salita, ay ang limitahan at kontrolin ang wastong asal ng mga tao sa pamamagitan ng pagpapanukala ng gayong mga pahayag, upang magkaroon ang mga tao ng pangunahing pamantayan kung paano sila dapat umasal at kumilos, kung paano nila dapat tingnan ang mga tao at bagay-bagay, at kung paano nila dapat unawain ang kanilang lipunan at bansa. Kung titingnan ang positibo, ang paggawa sa mga pahayag na ito tungkol sa wastong asal, ay nagkaroon ng papel sa paglimita at pagkontrol sa wastong asal ng sangkatauhan hanggang sa isang partikular na antas. Ngunit kung titingnan ang mga walang kinikilingang katunayan, naudyukan nito ang mga tao na tanggapin ang ilang di-tapat at mapagpanggap na kaisipan at perspektiba, na ginagawang mas mapaminsala, mas tuso, mas magaling magpanggap, at mas limitado sa kanilang pag-iisip ang mga taong naimpluwensyahan at nataniman ng tradisyonal na kultura. Dahil sa impluwensya at pagkatanim sa isip ng tradisyonal na kultura, unti-unti nang tinanggap ng mga tao ang mga maling pananaw at pahayag na iyon ng tradisyonal na kultura bilang mga positibong bagay, at sinamba bilang mga banal ang mga luminaryo at dakilang taong ito na nagliligaw sa mga tao. Kapag nailigaw na ang mga tao, nagiging magulo, manhid, at mapurol ang kanilang mga isip. Hindi nila alam kung ano ang normal na pagkatao, o kung ano ang dapat hangarin at sundin ng mga taong may normal na pagkatao. Hindi nila alam kung paano dapat mabuhay ang mga tao sa mundong ito o kung anong uri ng pamamaraan o mga panuntunan sa pag-iral ang dapat nilang gamitin, lalong hindi ang wastong layunin ng pag-iral ng tao. Dahil sa impluwensya, pagkatanim sa isip, at pati na paglilimita ng tradisyonal na kultura, ang mga positibong bagay, ang mga hinihingi at panuntunan mula sa Diyos, ay nasupil na. Sa diwang ito, sa isang malawak na antas ay matindi nang nailigaw at naimpluwensyahan ng iba’t ibang pahayag tungkol sa wastong asal sa tradisyonal na kultura ang pag-iisip ng mga tao, nililimitahan ang kanilang mga naiisip at inililigaw sila, palayo sa tamang landas sa buhay, at palayo nang palayo sa mga hinihingi ng Diyos. Nangangahulugan ito na habang mas malalim kang naiimpluwensyahan ng iba’t ibang ideya at perspektiba tungkol sa wastong asal sa tradisyonal na kultura, at mas matagal kang natataniman ng mga iyon, mas napalalayo ka sa mga kaisipan, mga adhikain, layon na dapat hangarin, at mga panuntunan sa pag-iral na dapat taglayin ng mga taong may normal na pagkatao, at lalo kang napalalayo sa pamantayan na hinihingi ng Diyos sa mga tao. Matapos malason, maindoktrinahan, at mataniman ng mga ideyang ito mula sa tradisyonal na kultura, ginagamit ng mga tao ang mga ito bilang mga tuntunin, itinuturing pa nga ang mga ito bilang mga katotohanan, at bilang pamantayan kung paano titingnan ang mga tao at bagay-bagay, at aasal at kikilos. Hindi na pinag-iisipan o pinag-aalinlanganan ng mga tao kung tama ba ang mga bagay na ito o hindi, ni hinihigitan nila ang iba’t ibang pahayag ng tradisyonal na kultura tungkol sa kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan para isipin kung paano sila dapat mabuhay. Hindi iyon alam ni iniisip ng mga tao. Bakit hindi nila iniisip iyon? Dahil napuno at nasakop na ang isip ng mga tao nitong mga moral na kasulatan na ipinangangaral ang kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan. Kahit na maraming tao ang nananalig sa tunay na Diyos at nagbabasa ng Bibliya, napagkakamalan pa rin nila ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan bilang ang maraming pahayag tungkol sa wastong asal na nagmumula sa kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan. Itinuturing pa nga ng ilang tao ang marami sa mga pahayag na ito sa tradisyonal na kultura bilang mga kasulatan tungkol sa mga positibong bagay at pinalalabas nilang katotohanan ang mga iyon, ipinangangaral at isinusulong ang mga iyon bilang gayon, at sinisipi pa nga ang mga iyon bilang paraan ng pagtuturo sa iba. Isa itong napakalubhang problema; isa itong bagay na ayaw makita ng Diyos, isang bagay na kinasusuklaman Niya. Kung gayon, makikita ba ng lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ang totoo tungkol sa mga bagay-bagay sa tradisyonal na kultura at malinaw na makikilatis ang mga iyon? Hindi palagi. Tiyak na mayroong ilang tao na nananatiling masambahin at sumasang-ayon sa mga bagay-bagay sa tradisyonal na kultura. Kung hindi lubusang maaalis ang mga satanikong lasong ito, mahihirapan ang mga tao na maunawaan at matamo ang katotohanan. Kailangang maunawaan ng mga hinirang ng Diyos ang isang katunayan: ang salita ng Diyos ay salita ng Diyos, ang katotohanan ay katotohanan, at ang mga salita ng tao ay mga salita ng tao. Ang kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan ay mga salita ng tao, at ang tradisyonal na kultura ay mga salita ng tao. Ang mga salita ng tao ay hindi kailanman ang katotohanan, ni kailanman ay magiging katotohanan ang mga iyon. Ito ay katunayan. Gaano man nauunawaan ng mga tao ang kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan sa kanilang mga kaisipan at pananaw, hindi mapapalitan ng mga iyon ang mga salita ng Diyos; gaano man napatunayan at nakumpirmang tama ang gayong mga prinsipyo, sa loob ng libo-libong taon ng pag-iral ng tao, hindi magiging mga salita ng Diyos ang mga iyon o mapapalitan ang mga ito, lalong hindi mapagkakamalang mga salita ng Diyos. Kahit pa naaayon ang mga pahayag tungkol sa kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan sa konsensiya at katwiran ng mga tao, ang mga iyon ay hindi mga salita ng Diyos, ni mapapalitan ng mga iyon ang Kanyang mga salita, lalong hindi matatawag na katotohanan. Ang mga pahayag at hinihinging may kaugnayan sa kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan sa tradisyonal na kultura ay naglilingkod lamang sa lipunan at sa uring namumuno. Nilalayon lamang ng mga pahayag at hinihinging ito na limitahan at kontrolin ang pag-uugali ng mga tao upang magkaroon ng mas mabuting pamantayan ng moralidad ng lipunan, isa na nakatutulong sa pagpapatibay ng kapangyarihan ng uring namumuno. Natural, gaano ka man kahusay sumunod sa mga prinsipyo ng kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan, hindi mo mauunawaan ang katotohanan, at hindi ka makakapagpasakop sa Diyos, ni magiging isang katanggap-tanggap na nilikha sa huli. Gaano ka man kahusay sumunod sa mga bagay na ito, kung hindi mo naman nauunawaan ang katotohanan, hindi mo magagampanan ang iyong tungkulin sa isang katanggap-tanggap na antas. Kung gayon ay ano ang magiging tingin sa iyo ng Diyos? Magiging isa ka pa ring walang pananampalataya at pag-aari ni Satanas. Taglay ba ng isang taong diumano’y may pambihirang moral na kalidad at marangal na etika ang konsensiya at katinuan ng normal na pagkatao? Tunay ba niyang matatanggap ang katotohanan? Makasasampalataya ba siya sa Diyos at makasusunod sa Kanya? Hinding-hindi! Dahil ang sinasamba niya ay si Satanas, ang mga diyablo, mga nagkukunwaring banal, at mga huwad na banal na tao. Sa kaibuturan ng kanyang puso at buto-buto, tutol at napopoot siya sa katotohanan. Samakatuwid, tiyak na isa siyang taong lumalaban sa Diyos at kaaway Niya. Ang mga taong sumasamba sa mga diyablo at mga Satanas ang pinakamapagmataas at may labis na pagtingin sa sarili at walang katinuang mga tao—sila ang mga imoral sa sangkatauhan, na ang mga buto ay puno ng mga satanikong lason, puno ng mga satanikong erehiya at maling paniniwala. Sa sandaling makita na nila ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan, namumula ang kanilang mga mata at nanggagalaiti sila sa galit, inihahayag ang kahindik-hindik na mukha ng isang diyablo. Samakatuwid, ang sinumang gumagalang sa tradisyonal na kultura at pikit-matang naniniwala sa mga tradisyonal na maling paniniwala tulad ng kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan ay tutol at napopoot sa katotohanan. Hindi siya nagtataglay ng katinuan ng normal na pagkatao kahit kaunti, at hinding-hindi niya tatanggapin ang katotohanan. Ang mga bagay sa tradisyonal na kultura at mga pahayag sa wastong asal ukol sa kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan ay hindi talaga naaayon sa katotohanan o sa mga salita ng Diyos. Gaano man kaingat isagawa ng mga tao ang mga prinsipyong ito o gaano man nila kahusay na itaguyod ang mga iyon, hindi ito kapareho ng pagsasabuhay ng normal na pagkatao. Ito ay dahil ang mga tao ay may mga tiwaling disposisyon. Iyon ang katunayan doon. Puno sila ng lahat ng uri ng mga satanikong pagtuturo, at naging kalikasang diwa na ng mga tao ang “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba.” Gaano mo man gawing magandang pakinggan ang mga iyon, gaano man katayog ang iyong wika, o gaano man kadakila ang iyong mga teorya, hindi maaaring isagawa ang mga pahayag na ito ng tradisyonal na kultura tungkol sa wastong asal. Kahit pa sumunod ka sa bawat panuntunang iniuutos batay sa mga prinsipyo ng kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan sa tradisyonal na kultura, mukha lamang mabuti ang asal mo. Ngunit pagdating sa pananampalataya sa Diyos, pagsunod sa Kanya at pagganap sa iyong tungkulin, at pagpapasakop sa Diyos, pati na sa iyong saloobin at mga pananaw sa Kanya at sa katotohanan, walang anumang saysay ang mga prinsipyo ng tradisyonal na kulturang ito. Hindi mapipigilan ng mga ito ang pagrerebelde mo, ni mababaligtad ang iyong mga kuru-kuro sa Diyos, ni maaayos ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, lalong hindi malulutas ang problema ng pagiging pabasta-basta ng mga tao sa pagganap sa kanilang tungkulin. Walang anumang naitutulong ang mga prinsipyong ito sa paglilimita sa tiwaling pag-uugali ng mga tao sa anumang paraan, at pangunahin na hindi mahihikayat ng mga ito ang mga tao na magsabuhay ng normal na pagkatao.

Karamihan sa mga tao, kapag kasisimula pa lang nilang sumampalataya sa Diyos, ay iniisip na napakasimpleng manampalataya. Iniisip nila na ang ibig sabihin ng manampalataya at sumunod sa Diyos ay ang matutong maging mapagpasensya at mapagparaya, maging handang magkawang-gawa, maging handang tumulong sa iba, maging maingat sa kanilang pananalita at pagkilos, hindi maging masyadong mapagmataas, o masyadong malupit sa iba. Pakiramdam nila na kung kikilos sila nang ganito, malulugod ang Diyos, at hindi sila mapupungusan habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin. Kung naglilingkod sila bilang lider o manggagawa, naniniwala sila na hindi sila papalitan o ititiwalag. Naniniwala sila na garantisadong magtatamo sila ng kaligtasan. Ganoon ba talaga kasimple ang sumampalataya sa Diyos? (Hindi.) Maraming tao ang ganito ang perspektiba, ngunit sa huli, ang kanilang mga ideya, perspektiba, at ang paraan nila ng paggawi sa buhay ay humahantong lahat sa pagkabigo. Sa huli, ibinubuod ng ilang taong hindi nakaaalam sa posisyon nila sa sansinukob sa isang pangungusap: “Naging isa akong kabiguan bilang tao!” Iniisip nila na ang pagkilos bilang isang tao ay nangangahulugang pagsunod sa mga prinsipyo ng kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan. Ngunit matatawag ba iyong pagkilos bilang isang tao? Hindi iyon pagkilos bilang isang tao; pagkilos iyon ng isang demonyo. Doon sa mga taong nagsasabing, “Naging isa akong kabiguan bilang tao,” itatanong Ko, kumilos ka ba bilang isang tao? Ni hindi mo nga sinubukang kumilos bilang isang tao, kaya papaano mo nasasabing, “Naging isa akong kabiguan bilang tao”? Kabiguan ito ng mga tradisyonal na kultural na prinsipyo, tulad ng kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan, na gampanan ang pakinabang ng mga iyon sa mga tao, hindi isang kabiguang kumilos bilang isang tao. Kapag ginagampanan ng mga tao ang kanilang tungkulin sa sambahayan ng Diyos, ang mga bagay na tulad ng kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan ay talagang walang pakinabang at wala nang kabuluhan. Bago pa nila mamalayan, humahantong na ang mga tao sa paghihinuha na, “Ah, ang kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan—hindi gumagana ang mga iyon! Dati ay iniisip ko na simple lang na kumilos nang maayos, at na simpleng-simple lang din at hindi gaanong komplikado na sumampalataya sa Diyos. Ngayon ko lang napagtanto na labis kong pinasisimple ang pananampalataya sa Diyos.” Pagkatapos makinig sa mga sermon sa loob ng mahabang panahon, sa wakas ay napagtatanto na nilang hindi pupuwede na hindi maunawaan ng mga tao ang katotohanan. Kung hindi nauunawaan ng mga tao ang isang aspekto ng katotohanan, malamang na magkamali sila sa aspektong iyon at mapungusan, mabigo, at mahatulan at makastigo. Ang mga bagay na dati nilang pinaniniwalaang tama, mabuti, positibo, at marangal ay nawawalan ng kabuluhan at nawawalan ng halaga sa harap ng katotohanan. Lahat ng iba’t ibang pahayag tungkol sa kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan ay nagkaroon ng kaunting impluwensya sa mga kaisipan at perspektiba ng mga tao, pati na sa mga sistema at paraan kung paano nila isinasagawa ang kanilang mga gawain. Kung hindi sangkot ang gawain ng pamamahala ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan, at magpapatuloy ang sangkatauhan sa paraan nila ng pamumuhay, sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, ang kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan, na mga bagay na may pagka-positibo, ay magkakaroon ng maliit na positibong papel sa pag-iisip ng mga tao at sa pamantayan ng moralidad ng lipunan at kapaligirang panlipunan. Kahit papaano man lang, ang mga bagay na iyon ay hindi nag-uudyok sa mga tao na gumawa ng kasamaan, pumatay, at manunog, o na manghalay at magnakaw. Gayunpaman, pagdating sa gawain ng Diyos ng pagliligtas ng mga tao, wala ni isa sa mga bagay na ito—kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, o pagiging mapagkakatiwalaan—ang may kaugnayan sa katotohanan, sa daan, o sa buhay na nais ipagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan. At hindi lamang iyon: Kung titingnan ang iba’t ibang ideyang itinataguyod ng mga prinsipyo ng kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan, ang mga hinihingi ng mga iyon sa wastong asal ng mga tao, at ang mga impluwensya at paglilimita ng mga iyon sa wastong asal ng mga tao, wala sa mga iyon ang nagkaroon ng papel sa paggabay sa mga tao pabalik sa Diyos o pag-akay sa kanila patungo sa tamang landas sa buhay. Sa halip, naging malalaking hadlang ang mga iyon na pumipigil sa mga tao na hangarin at tanggapin ang katotohanan. Ang mga pahayag tungkol sa wastong asal na ating pinagbahaginan at sinuri noong nakaraan—huwag mong ibulsa ang pera na iyong napulot; maging masaya sa pagtulong sa iba; maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba; gantihan ng kabutihan ang kasamaan; ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian; isakripisyo ang sarili mong mga interes alang-alang sa iba; ang isang babae ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal; kapag umiinom ng tubig ng balon, huwag dapat kalilimutan kung sino ang naghukay niyon—nalinaw naman na natin ang mga iyon sa pagbabahaginan, at kahit papaano ay nauunawaan na ng lahat ang pangkalahatang kahulugan ng mga iyon. Ang katunayan ay na sa anumang aspekto ng wastong asal patungkol ang gayong mga pahayag, nalilimitahan ng mga iyon ang pag-iisip ng mga tao. Kung hindi mo makita kung alin ang gayong mga bagay, at hindi mo malinaw na nauunawaan ang diwa ng mga pahayag na ito, at hindi mo babaguhin ang mga nakalilinlang na pananaw na ito, hindi mo mabibitiwan ang mga pahayag na ito tungkol sa wastong asal, ni maaalis ang impluwensya ng mga iyon sa iyo. Kung hindi mo mabibitiwan ang mga bagay na ito, mahihirapan kang tanggapin ang katotohanan mula sa Diyos, ang pamantayan ng mga salita ng Diyos, at ang mga partikular na hinihingi ng Lumikha para sa wastong asal ng mga tao, at magiging mahirap na sundin at isagawa ang mga salita ng Diyos bilang mga prinsipyo at pamantayan ng katotohanan. Hindi ba’t malubhang problema ito?

Ngayong araw, magpatuloy tayo sa pamamagitan ng pagbabahaginan at pagsusuri sa susunod na pahayag tungkol sa wastong asal na: “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.” Naglalarawan ito ng isang pamamaraan ng pakikipag-ugnayan sa iba na ikinintal ni Satanas sa mga tao. Nangangahulugan ito na kapag nakikipag-ugnayan ka sa iba, dapat mo silang bigyan ng kaunting laya. Hindi ka dapat maging masyadong malupit sa iba, hindi mo puwedeng ungkatin ang mga dati nilang pagkakamali, kailangan mong panatilihin ang kanilang dignidad, hindi mo maaaring sirain ang magandang pakikitungo mo sa kanila, dapat kang maging mapagpatawad sa kanila, at iba pa. Ang kasabihang ito tungkol sa moralidad ay pangunahing naglalarawan ng isang uri ng pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na nagdidikta sa pakikipag-ugnayan sa mga tao. May isang doktrina sa mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na nagsasabing, “Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga kasalanan ng mabubuting kaibigan.” Nangangahulugan ito na para maingatan ang isang pagkakaibigan, dapat manahimik ang isang tao tungkol sa mga problema ng kanyang kaibigan, kahit malinaw niyang nakikita ang mga iyon—na dapat niyang sundin ang mga prinsipyo ng hindi paghampas sa mga tao sa mukha o pagpuna sa kanilang mga pagkukulang. Lilinlangin nila ang isa’t isa, pagtataguan ang isa’t isa, iintrigahin ang isa’t isa; at bagama’t alam na alam nila kung anong klaseng tao ang isa’t isa, hindi nila iyon sinasabi nang tahasan, kundi gumagamit sila ng mga tusong pamamaraan para maingatan ang kanilang maayos na samahan. Bakit nanaisin ng isang tao na ingatan ang gayong mga relasyon? Tungkol iyon sa hindi pagnanais na magkaroon ng mga kaaway sa lipunang ito, sa loob ng grupo ng isang tao, na mangangahulugan na madalas na malalagay ang sarili sa mapanganib na mga sitwasyon. Dahil alam mong magiging kaaway mo ang isang tao at pipinsalain ka niya matapos mong punahin ang kanyang mga pagkukulang o matapos mo siyang saktan, at dahil ayaw mong ilagay ang sarili mo sa gayong sitwasyon, ginagamit mo ang doktrina ng mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na nagsasabing, “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.” Batay rito, kung gayon ang relasyon ng dalawang tao, maituturing ba silang tunay na magkaibigan? (Hindi.) Hindi sila tunay na magkaibigan, lalong hindi sila magkatapatang-loob. Kaya, ano ba talagang klaseng relasyon ito? Hindi ba’t isa itong pangunahing relasyong panlipunan? (Oo.) Sa gayong mga relasyong panlipunan, hindi naihahandog ng mga tao ang kanilang damdamin, ni wala silang malalalim na pag-uusap, ni sinasabi ang anumang gusto nila. Hindi nila masabi nang malakas ang nasa puso nila, o ang mga problemang nakikita nila sa isa’t isa, o ang mga salitang makakatulong sa isa’t isa. Sa halip, pumipili sila ng magagandang bagay na sasabihin, para patuloy silang magustuhan ng iba. Hindi sila nangangahas na sabihin ang totoo o itaguyod ang mga prinsipyo, dahil baka maging sanhi pa ito para mapoot sa kanila ang iba. Kapag walang sinumang banta sa isang tao, hindi ba’t mamumuhay ang taong iyon nang medyo maginhawa at payapa? Hindi ba’t ito ang layon ng mga tao sa pagtataguyod sa kasabihang, “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.” (Oo.) Malinaw na ito ay isang tuso at mapanlinlang na paraan ng pag-iral, na may elemento ng pagtatanggol sa sarili, na ang layon ay pangalagaan ang sarili. Ang mga taong ganito ang pamumuhay ay walang mga katapatang-loob, walang matatalik na kaibigan na mapagsasabihan nila ng kahit anong gusto nila. Maingat sila laban sa isa’t isa, at tuso, at madiskarte, kinukuha ang kailangan nila mula sa relasyon. Hindi ba ganoon iyon? Sa ugat nito, ang layon ng “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila” ay para hindi mapasama ang loob ng iba at hindi magkaroon ng mga kaaway, para protektahan ang sarili sa pamamagitan ng hindi pamiminsala sa sinuman. Isa itong diskarte at pamamaraan na ginagamit ng isang tao para hindi siya masaktan. Kung titingnan ang ilang aspektong ito ng diwa nito, marangal ba na igiit sa wastong asal ng mga tao na, “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila”? Positibo ba ito? (Hindi.) Kung gayon, ano ang itinuturo nito sa mga tao? Na kailangan ay hindi mo mapasama ang loob o masaktan ang sinuman, kung hindi, sa huli ay ikaw ang masasaktan; at gayundin, na hindi ka dapat magtiwala kaninuman. Kung sasaktan mo ang sinuman sa iyong mabubuting kaibigan, unti-unting magbabago ang inyong pagkakaibigan: Mula sa pagiging mabuti at matalik mong kaibigan ay magiging estranghero siya o isang kaaway. Anong mga problema ang malulutas ng pagtuturo sa mga tao na kumilos nang ganito? Kahit na, sa pamamagitan ng pagkilos sa ganitong paraan, hindi ka nagkakaroon ng mga kaaway at nawawalan pa nga ng iilan, dahil ba dito ay hahangaan at sasang-ayunan ka ng mga tao, at palagi kang ituturing na kaibigan? Ganap ba nitong nakakamit ang pamantayan para sa wastong asal? Hindi na ito hihigit pa sa isa lamang pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo. Maituturing bang mabuting wastong asal ang pagsunod sa pahayag at kaugaliang ito? Hinding-hindi. Ganito magturo ang ilang magulang sa kanilang mga anak. Kung mabubugbog ang kanilang anak habang nasa labas, sasabihin nila sa anak nila, “Ang lampa mo naman. Bakit hindi ka lumaban? Kung susuntukin ka niya, sipain mo siya!” Ito ba ang tamang paraan? (Hindi.) Ano ang tawag dito? Pang-uudyok ang tawag dito. Ano ang layunin ng pang-uudyok? Ang maiwasan na malugi at ang manamantala ng iba. Kung susuntukin ka ng isang tao, sasakit iyon nang ilang araw, sa pinakamatagal; kung pagkatapos ay sisipain mo siya, hindi ba’t magiging mas malubha ang mga kalalabasan? At sino ang nakapagsanhi nito? (Ang mga magulang, dahil sa kanilang pang-uudyok.) Kaya hindi ba’t bahagya itong katulad ng kalikasan ng pahayag na “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila”? Tama bang makisalamuha sa ibang tao ayon sa pahayag na ito? (Hindi.) Hindi, hindi tama. Kung titingnan ito mula sa anggulong ito, hindi ba’t isa itong paraan ng pang-uudyok sa mga tao? (Oo, ganoon nga.) Tinuturuan ba nito ang mga tao na maging matalino kapag nakikisalamuha sa iba, na matukoy ang pagkakaiba-iba ng mga tao, na makita nang tama ang mga tao at bagay-bagay, at na makisalamuha sa mga tao sa matalinong paraan? Itinuturo ba nito sa iyo na kung makakikilala ka ng mabubuting tao, ng mga taong may pagkatao, dapat mo silang tratuhin nang may sinseridad, bigyan sila ng tulong kung kaya mo, at kung hindi naman, dapat kang maging mapagparaya at tratuhin mo sila nang maayos, matuto kang palampasin ang kanilang mga pagkukulang, pagtiisan ang mga maling pagkaunawa at panghuhusga nila sa iyo, at matuto mula sa kanilang mga kalakasan at mabuting katangian? Iyon ba ang itinuturo nito sa mga tao? (Hindi.) Kaya, ano ang nagiging resulta ng itinuturo ng kasabihang ito sa mga tao? Ginagawa ba nitong mas matapat ang mga tao, o mas mapanlinlang? Nauuwi ito sa pagiging mas mapanlinlang ng mga tao; lalong napapalayo ang puso ng mga tao sa isa’t isa, lumalawak ang distansya sa pagitan ng mga tao, at nagiging kumplikado ang relasyon ng mga tao; katumbas ito ng komplikasyon sa panlipunang relasyon ng mga tao. Nawawala ang tapatang pag-uusap ng mga tao, at umuusbong ang maingat na pag-iisip ng mga tao sa isa’t isa. Magiging normal pa rin ba ang relasyon ng mga tao sa ganitong paraan? Gaganda ba ang mga pananaw sa lipunan? (Hindi.) Kaya nga malinaw na mali ang kasabihang “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.” Ang pagtuturo sa mga tao na gawin ito ay hindi makatutulong na makapamuhay sila ng isang normal na pagkatao; bukod pa riyan, hindi nito magagawang malinis, matuwid, o prangka ang mga tao. Hinding-hindi ito makapagtatamo ng anumang positibo.

Ang kasabihang “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila” ay tumutukoy sa dalawang kilos: ang isa ay ang paghampas, at ang isa naman ay ang pagpuna. Sa mga normal na pakikisalamuha ng mga tao sa iba, tama ba o mali na hampasin ang isang tao? (Mali.) Ang paghampas ba sa isang tao ay pagpapakita at pag-uugali ng normal na pagkatao sa pakikisalamuha ng isang tao sa iba? (Hindi.) Talagang mali na hampasin ang mga tao, sa mukha man o sa ibang bahagi mo man sila hampasin. Kaya, ang pahayag na “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha” ay likas na mali. Ayon sa kasabihang ito, lumilitaw na hindi tamang hampasin ang isang tao sa mukha, ngunit tama na manghampas sa ibang bahagi, dahil pagkatapos mahampas ang mukha ay namumula, namamaga, at napipinsala ito. Nagiging masama at hindi presentable ang hitsura ng tao, at ipinakikita rin nito na masyadong bastos, magaspang, at di-marangal ang paraan ng pagtrato mo sa mga tao. Kaya, marangal ba na hampasin ang mga tao sa ibang bahagi? Hindi—hindi rin iyon marangal. Sa katunayan, hindi nakatuon ang kasabihang ito sa kung saan dapat hampasin ang isang tao, kundi sa salitang “hampasin” mismo. Kapag nakikisalamuha sa iba, kung palagi kang nanghahampas ng iba bilang paraan ng pagharap at pagtugon sa mga problema, mali ang mismong pamamaraan mo. Nagagawa ito dahil sa pagiging padalos-dalos at hindi ito nakabatay sa konsensiya at katwiran ng pagkatao ng isang tao, at siyempre, lalong hindi ito pagsasagawa ng katotohanan o pagsunod sa mga katotohanang prinsipyo. May ilang tao na hindi nang-aatake ng dangal ng iba kapag kaharap ang mga ito—maingat sila sa kanilang sinasabi at iniiwasan nilang manghampas ng iba sa mukha, ngunit lagi naman silang gumagawa ng masasamang pakana kapag hindi kaharap ang mga ito, kinakamayan ang mga ito sa ibabaw ng mesa ngunit sinisipa naman ang mga ito sa ilalim niyon, nagsasabi ng mabubuting bagay sa harapan ng mga ito ngunit nakikipagsabwatan naman laban sa mga ito kapag nakatalikod ang mga ito, humahanap ng kasiraan at ginagamit iyon laban sa mga ito, naghihintay ng mga pagkakataon upang maghiganti, nagpaparatang ng mali at nagpapakana, nagpapakalat ng mga sabi-sabi, o gumagawa ng mga alitan at gumagamit ng ibang tao upang atakihin ang mga ito. Ano ang higit na ibinuti ng mga mapaminsalang pamamaraang ito kaysa sa paghampas sa isang tao sa mukha? Hindi ba’t higit pang malubha ang mga iyon kaysa sa paghampas sa isang tao sa mukha? Hindi ba’t higit pang mapaminsala, malupit at hindi makatao ang mga iyon? (Oo, ganoon nga.) Kung gayon, ang pahayag na “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha” ay likas na walang saysay. Mismong ang perspektibang ito ay isang pagkakamali, na may pahiwatig ng pagkukunwari. Isa itong mapagpaimbabaw na pamamaraan, na ginagawa ito na lalo pang karima-rimarim, kasuklam-suklam, at kamuhi-muhi. Ngayon ay malinaw na sa atin na ang mismong paghampas sa mga tao ay nagagawa dahil sa pagiging padalos-dalos. Ano ang basehan mo para manghampas ng isang tao? Ipinahihintulot ba ito ng batas, o karapatan ba itong ibinigay sa iyo ng Diyos? Parehong hindi. Kaya, bakit ka manghahampas ng mga tao? Kung kaya mong normal na makisama sa isang tao, makagagamit ka ng mga tamang paraan para makasundo siya at makisalamuha sa kanya. Kung hindi mo siya makasusundo, maaari kayong maghiwalay ng landas nang hindi kinakailangang kumilos nang padalos-dalos o magkasakitan. Sa loob ng saklaw ng konsensiya at katwiran ng pagkatao, isa itong bagay na dapat gawin ng mga tao. Sa sandaling kumilos ka nang padalos-dalos, kahit pa hindi mo hampasin ang tao sa mukha kundi sa ibang bahagi, isa itong malubhang problema. Hindi ito normal na paraan ng pakikisalamuha. Ganito makisalamuha ang magkakaaway, hindi ang normal na paraan ng pakikisalamuha ng mga tao. Hindi ito katanggap-tanggap na katinuan ng pagkatao. Ang salita bang “punahin” sa kasabihang “kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila” ay mabuti o masama? Ang salita bang “punahin” ay may antas kung saan tumutukoy ito sa pagkahayag o pagkalantad ng mga tao sa mga salita ng Diyos? (Wala.) Mula sa Aking pagkaunawa sa salitang “punahin” batay sa pag-iral nito sa wika ng tao, wala itong gayong kahulugan. Ang diwa nito ay isang medyo mapaminsalang uri ng paglalantad; nangangahulugan ito na ibunyag ang mga problema at pagkukulang ng mga tao, o ang ilang bagay at pag-uugali na lingid sa kaalaman ng iba, o ilang intriga, ideya, o pananaw na nasa likod. Ito ang kahulugan ng salitang “punahin” sa kasabihang “kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.” Kung ang dalawang tao ay magkasundo at magkatapatang-loob, na walang mga hadlang sa pagitan nila, at kapwa sila umaasa na maging pakinabang at tulong sa isa’t isa, magiging pinakamainam para sa kanila na umupo nang magkatabi at ilantad ang mga problema ng isa’t isa nang bukas at taos-puso. Ito ay nararapat, at hindi ito pagpuna sa mga pagkukulang ng iba. Kapag natuklasan mo ang mga problema ng ibang tao ngunit nakita mong hindi pa niya kayang tanggapin ang payo mo, huwag ka na lang magsalita ng kahit ano, para maiwasan ang away o alitan. Kung gusto mo siyang tulungan, maaari mong hingin ang kanyang opinyon at tanungin muna siya, “Nakikita kong medyo may problema ka, at nais kong bigyan ka ng kaunting payo. Hindi ko alam kung makakaya mo itong tanggapin. Kung makakaya mo, sasabihin ko sa iyo. Kung hindi mo makakaya, sasarilinin ko muna ito sa ngayon at hindi ako magsasalita.” Kapag sinabi niyang “Pinagkakatiwalaan kita. Anuman ang sasabihin mo ay magiging katanggap-tanggap; kaya ko itong tanggapin,” ang ibig sabihin niyon ay nabigyan ka ng pahintulot, at maaari mo nang isa-isang ipaalam sa kanya ang kanyang mga problema. Hindi lamang niya lubusang tatanggapin ang sasabihin mo, kundi makikinabang din siya mula rito, at maaari pa ring mapanatili ninyong dalawa ang isang normal na relasyon. Hindi ba iyan pagtrato sa isa’t isa nang may sinseridad? (Oo.) Ito ang tamang pamamaraan ng pakikipag-ugnayan sa iba; hindi ito pagpuna ng mga pagkukulang ng iba. Ano ang ibig sabihin ng huwag “punahin ang mga pagkukulang ng iba,” gaya ng sabi ng kasabihang pinag-uusapan? Nangangahulugan ito na huwag magsalita tungkol sa mga kakulangan ng iba, na huwag magsalita tungkol sa mga pinakamaselan nilang problema, na huwag ilantad ang diwa ng kanilang problema, at na huwag masyadong maging lantaran sa pagpuna. Nangangahulugan ito na magbigay lang ng ilang mabababaw na komento, sabihin ang mga bagay na karaniwang sinasabi ng lahat, sabihin ang mga bagay na naiintindihan na ng tao mismo, at huwag magbunyag ng mga pagkakamaling nagawa ng tao dati o mga sensitibong isyu. Anong magiging pakinabang nito sa tao kung kikilos ka nang ganito? Marahil ay hindi mo sila nainsulto o naging kaaway, pero ang nagawa mo ay hindi nakakatulong o nakakabuti sa kanila. Kaya, ang mismong pariralang “huwag mong punahin ang mga pagkukulang ng iba” ay hindi tuwiran at isang uri ng panlilinlang na hindi hinahayaan na tratuhin ng mga tao ang isa’t isa nang may sinseridad. Maaaring sabihin ng isang tao na ang pagkilos sa ganitong paraan ay pagkimkim ng masasamang layunin; hindi ito ang tamang paraan ng pakikipag-ugnayan sa iba. Itinuturing pa nga ng mga walang pananampalataya ang “kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila” bilang isang bagay na dapat gawin ng isang taong may marangal na moralidad. Malinaw na isa itong mapanlinlang na pamamaraan ng pakikipag-ugnayan sa iba, na ginagamit ng mga tao para protektahan ang kanilang sarili; hindi talaga ito isang tamang sistema ng pakikipag-ugnayan. Ang mismong hindi pagpuna sa mga pagkukulang ng iba ay kawalan ng sinseridad, at marahil ay may lihim na intensyon sa pagpuna sa mga pagkukulang ng iba. Sa anong mga sitwasyon mo karaniwang nakikita na pinupuna ng mga tao ang mga pagkukulang ng isa’t isa? Heto ang isang halimbawa: Sa lipunan, kung tumatakbo ang dalawang kandidato para sa isang partikular na katungkulan, pupunahin nila ang mga pagkukulang ng isa’t isa. Sasabihin ng isa, “Nakagawa ka ng isang masamang bagay, at nangdispalko ka ng magkano mang halaga ng pera,” at sasabihin naman ng isa pa, “Nakapinsala ka naman ng maraming tao.” Ibinubunyag nila ang ganoong mga bagay tungkol sa isa’t isa. Hindi ba’t pagpuna ito sa mga pagkukulang ng isa’t isa? (Oo, ganoon nga.) Ang mga pumupuna sa mga pagkukulang ng isa’t isa sa politikal na entablado ay magkakalaban sa pulitika, samantalang kapag mga ordinaryong tao ang gumagawa niyon, sila ay magkakaaway. Sa simpleng pananalita, masasabi na hindi magkasundo ang dalawang taong ito. Sa tuwing magkikita sila, magsisimula silang magtalo, punahin ang mga pagkukulang ng isa’t isa, husgahan at kondenahin ang isa’t isa at palakihin pa nga ang maliliit na bagay at magparatang ng mga kabulaanan. Hangga’t may anumang kahina-hinala sa ginagawa ng kalaban niya, ilalantad niya ito at kokondenahin ang kalaban niya dahil doon. Kung maraming pinupuna ang mga tao tungkol sa isa’t isa pero hindi ang mga pagkukulang ng iba, marangal ba na gawin iyon? (Hindi.) Hindi marangal, ngunit itinuturing pa rin ng mga tao na marangal na wastong asal ang prinsipyong ito at pinupuri nila ito, na talagang kasuklam-suklam! Ang kasabihang “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila” ay nabibigo sa ganang sarili nito sa pagtataguyod ng anumang positibo. Naiiba ito sa mga kasabihang “Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian,” “Gantihan ng kabutihan ang kasamaan,” at “Ang isang babae ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal,” na kahit papaano ay nagtataguyod ng kapuri-puring wastong asal. Ang sawikaing “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila” ay isang pahayag tungkol sa wastong asal na nag-uudyok ng negatibong pag-uugali at na walang anumang positibong pakinabang sa mga tao. Hindi nito sinasabi sa mga tao kung ano ang mga tamang paraan o prinsipyo para kumilos sa buhay sa mundong ito. Hindi ito nagbibigay ng anumang gayong impormasyon. Ang tanging ginagawa nito ay sabihan ang mga tao na huwag hampasin ang iba sa mukha, na para bang ayos lang na hampasin sila kahit saan maliban sa mukha. Hampasin ninyo sila hangga’t gusto ninyo; iwanan ninyo silang bugbog-sarado, baldado, o agaw-buhay pa nga, basta’t humihinga pa sila. At kapag may alitan ang mga tao, kapag nagkikita ang magkakaaway o magkakalaban sa pulitika, puwede nilang punahin ang anumang naisin nila tungkol sa isa’t isa, basta’t hindi nila pupunahin ang mga pagkukulang ng isa’t isa. Anong uri ng pamamaraan iyon? Dati ba ay hindi kayo gaanong sumasang-ayon sa kasabihang ito? (Oo.) Ipagpalagay ninyong nagkaroon ng alitan ang dalawang tao at nagsimulang magtalo. Sabi ng isa sa kanila, “Alam kong hindi ang asawa mo ang ama ng anak mo,” at sabi naman ng isa, “Alam ko ang mga pandarayang ginagamit sa negosyo ng pamilya ninyo para magkapera.” Magkokomento ang ilang tao tungkol sa nilalaman ng kanilang away, sinasabing, “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila. Panoorin ninyo silang ungkatin ang ilang pagkukulang at nakahihiyang lihim ng isa’t isa at palakihin ang mga iyon. Mababaw na pag-uugali! At malaking kawalan din ng integridad. Magpakita man lang sana kayo ng kaunting respeto sa mga tao, kung hindi ay paano na sila aasal sa hinaharap?” Tama ba o mali na magbigay ng ganitong mga komento? (Mali.) Mayroon ba itong ni katiting na positibong epekto? Kahit bahagya ba ay naaayon sa katotohanan ang alinman dito? (Hindi.) Anong uri ng mga ideya at perspektiba ang kailangang taglayin ng isang tao upang magbigay ng gayong mga komento? Nagmumula ba ang gayong mga komento sa isang taong may diwa ng katarungan na nakauunawa sa katotohanan? (Hindi.) Sa anong batayan nagmumula ang gayong mga komento? Ibinigay ba ang mga iyon dahil lubusan silang naiimpluwensyahan ng ideya ng tradisyonal na kultura na “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila”? (Oo.) Ang mga komentong ito ay lubos na nakabatay sa ideya at perspektibang ito sa tradisyonal na kultura.

Tungkol sa alitan ng dalawang taong pinag-usapan natin, kung titingnan ninyo ang bagay na ito mula sa perspektiba ng isang taong sumasampalataya sa Diyos, paano ito dapat harapin, ayon sa mga salita ng Diyos at na ang pamantayan ay ang katotohanan? Hindi ba’t isa itong bagay na dapat pagnilayan ng mga tao? (Oo, ganoon nga.) Isa itong bagay na dapat ninyong pagnilayan. Ano ang mga prinsipyo na dapat sundin ng mga mananampalataya? Kailangan nilang tingnan ang mga tao at bagay, at umasal at kumilos sila, nang ganap na ayon sa mga salita ng Diyos, na ang kanilang pamantayan ay ang katotohanan. Kung magkakaroon ng alitan sa pagitan ng mga kapatid, kailangan nilang maging mapagparaya at mapagpasensya sa isa’t isa, at tratuhin ang isa’t isa nang may pagmamahal. Kailangan muna nilang magnilay-nilay at magtamo ng kamalayan sa sarili, pagkatapos ay lutasin ang problema alinsunod sa katotohanan sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, nang makilala nila ang mga sarili nilang pagkakamali at maghimagsik laban sa laman, at matrato ang iba alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Sa ganitong paraan, malulutas nila ang problema sa pinakaugat nito. Dapat kayong magtamo ng lubos na pagkaunawa sa problemang ito. Ang kasabihang “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila” ay hindi isang pamantayan sa pagsukat ng pagkatao, kundi isa lamang batayang pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, isa na hindi talaga makalilimita sa tiwaling pag-uugali ng mga tao. Talagang walang saysay ang kasabihang ito, at hindi kinakailangang sundin ng mga mananampalataya ang gayong panuntunan. Dapat na makisalamuha ang mga tao sa isa’t isa alinsunod sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo. Ang mga iyon ang dapat na sundin ng mga mananampalataya. Kung sumasampalataya ang mga tao sa Diyos ngunit naniniwala pa rin sa mga tradisyonal na kultural na pananaw at satanikong pilosopiya, at gumagamit ng mga ideya ng tradisyonal na kultura na tulad ng “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila” upang sukatin ang mga tao at limitahan ang iba, o upang magpataw ng mga kahilingan sa kanilang mga sarili, katawa-tawa at hibang sila, at sila ay mga hindi mananampalataya. Ang kasabihang “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila” ay isang satanikong pilosopiya para sa pakikisalamuha sa mga kaibigan ng isang tao, na hindi makalulutas ng mahahalagang pinag-uugatang problema ng mga ugnayan sa pagitan ng mga tao. Samakatuwid, ang kasabihang ito ay isang napakababaw na panuntunan, isang napakababaw na pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo. Labis nitong hindi naaabot ang mga pamantayan ng mga katotohanang prinsipyo, at walang anumang makakamit sa pagsunod sa gayon kababaw na panuntunan at wala talaga itong saysay. Makatarungan bang sabihin ito? (Oo, makatarungan.) Kapag nagkakaroon ng alitan sa pagitan ng mga kapatid, ano ba ang dapat na maging prinsipyo sa pagtingin at paglutas dito? Ito ba ay ang sundin ang mga panuntunan ng tradisyonal na kultura, o ang gamitin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos bilang prinsipyo? Sabihin ninyo sa Akin ang inyong pananaw. (Una sa lahat, dapat nating himayin at malaman ang kalikasan ng kanilang alitan at ang mga padalos-dalos nilang paratang laban sa isa’t isa alinsunod sa mga salita ng Diyos, nang kinikilala na ang mga ito ay mga pagpapakita ng mga tiwaling disposisyon. Pagkatapos, dapat tayong magbahagi sa kanila tungkol sa nauugnay na landas ng pagsasagawa. Dapat nilang tratuhin ang isa’t isa nang may pagmamahal, dapat silang magtaglay ng konsensiya at katwiran, at ang kanilang sinasabi at ginagawa ay dapat na makabuti sa kabilang panig sa halip na makasakit dito. Kung ang kabilang panig ay may mga kakulangan o nakagawa ng mga pagkakamali, dapat nila itong harapin nang tama sa pamamagitan ng pagtulong kung kaya nila, sa halip na atakihin, husgahan, o kondenahin ito.) Isa itong uri ng pagtulong sa mga tao. Kaya, ano ang maaaring sabihin upang matulungan sila at malutas ang kanilang alitan? (Nagtatalo sila sa loob ng iglesia, at ito mismo ay hindi karapat-dapat sa mga banal at hindi naaayon sa mga hinihingi ng Diyos. Kaya puwede tayong magbahagi sa kanila sa pamamagitan ng pagsasabi na, “Kapag natuklasan ninyong may mga problema ang isang tao, tumulong kayo kung kaya ninyo. Kung hindi kayo makatutulong, hindi kinakailangang makipagtalo, kung hindi ay magugulo nito ang buhay ng iglesia, at kung magpapatuloy kayo sa kabila ng paulit-ulit na pagpapayo, tutugunan ito ng iglesia alinsunod sa mga atas administratibo nito.”) Mukhang alam na ninyong lahat kung paano pakikitunguhan ang mga taong nanggugulo sa buhay ng iglesia alinsunod sa mga prinsipyo, ngunit hindi pa rin ninyo gaanong alam kung paano haharapin ang mga alitan sa pagitan ng mga tao, o kung alin sa mga salita ng Diyos ang dapat gamitin para harapin ang mga iyon—hindi pa rin ninyo alam kung paano gagamitin ang mga salita ng Diyos at ang mga katotohanang prinsipyo upang lumutas ng mga problema. Sa bagay na ito, ano ang mga problemang mayroon mismo ang bawat partido? Pareho ba silang mayroong mga tiwaling disposisyon? (Oo.) Yamang pareho silang mayroong mga tiwaling disposisyon, tingnan ninyo kung ano ang mga tiwaling disposisyong ipinakita ng bawat tao noong maganap ang alitan, at kung ano ang mga pinagmumulan niyon. Tukuyin ninyo ang mga naipakitang tiwaling disposisyon, at pagkatapos ay gamitin ang mga salita ng Diyos upang ilantad at himayin ang mga iyon, upang pareho silang bumalik sa harap ng Diyos at magtamo ng kamalayan sa sarili alinsunod sa mga salita ng Diyos. Kaya, anu-ano ang mga pangunahing bagay na dapat ninyong ibahagi sa kanila? Maaari mong sabihin ang katulad nito: “Kung kinikilala ninyong dalawa na mga tagasunod kayo ng Diyos, huwag kayong magtalo, dahil hindi makalulutas ng mga problema ang mga pagtatalo. Huwag ninyong tratuhin nang ganyan ang mga taong sumasampalataya at sumusunod sa Diyos, at huwag ninyong tratuhin ang mga kapatid tulad ng pagtrato ng mga walang pananampalataya sa mga tao. Ang paggawa niyon ay hindi alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Paano hinihingi ng Diyos na tratuhin ng mga tao ang iba? Napakalinaw ng mga salita ng Diyos: Maging mapagpatawad, mapagparaya, at mapagpasensya, at mahalin ninyo ang isa’t isa. Kung nakikita mo na may malulubhang problema ang taong iyan at hindi ka nasisiyahan sa nagawa niya, dapat kang magbahagi tungkol dito sa isang makatwiran at epektibong paraan, nang may mapagpatawad, mapagparaya, at mapagpasensyang saloobin. Mas makabubuti kung kikilalanin at tatanggapin ito ng taong iyon mula sa Diyos. Kung hindi niya ito tatanggapin mula sa Diyos, natupad mo pa rin ang responsabilidad mo, at hindi mo kailangang maglunsad ng mga padalos-dalos na atake laban sa kanya. Kapag nagtatalo ang mga kapatid at pinupuna nila ang mga pagkukulang ng isa’t isa, pag-uugali iyon na hindi karapat-dapat sa mga banal, at hindi ito nakaayon sa mga layunin ng Diyos. Hindi dapat ganoon ang asal ng mga mananampalataya. At para naman sa taong pinararatangan, kahit na sa palagay mo ay kumilos ka nang makatwiran at hindi ka dapat punahin ng taong iyon, kahit gayon pa, dapat mong bitiwan ang mga personal mong pagkiling, at harapin ang problema at ang mga paratang ng kabilang partido nang mahinahon at bukas-loob. Hinding-hindi ka dapat lumaban nang padalos-dalos. Kung pareho kayong magiging padalos-dalos at hindi ninyo mapipigilan ang inyong mga sarili, dapat kayong magsimula sa pamamagitan ng pag-alis sa sitwasyong iyon. Kumalma kayo at huwag na ninyong ipagpatuloy na harapin ang problemang iyon, upang hindi kayo mahulog sa patibong ni Satanas at matukso ni Satanas. Maaari kayong magdasal nang sarilinan, humarap sa Diyos upang hingin ang Kanyang tulong, at pagsikapang gamitin ang mga salita ng Diyos upang lutasin ang inyong mga problema. Kapag pareho na ninyong kayang kumalma at tratuhin ang isa’t isa nang mahinahon at makatwiran, nang hindi kumikilos o nagsasalita nang padalos-dalos, maaari na kayong magsama para magbahaginan tungkol sa mga pinagtatalunang problema, hanggang sa magkasundo kayo, magkaisa sa mga salita ng Diyos, at magkamit ng solusyon sa problema.” Hindi ba’t angkop na sabihin iyon? (Oo.) Ang katunayan, kapag nagtatalo ang dalawang tao, pareho silang nagpapakita ng mga tiwaling disposisyon, at pareho silang nagpapakita ng pagiging padalos-dalos. Pawang satanikong pag-uugali iyon. Wala sa kanila ang tama o mali, at wala sa pag-uugali ng dalawa ang naaayon sa katotohanan. Kung tiningnan at hinarap mo sana ang problema alinsunod sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, hindi kayo magkakaroon ng alitan. Kung ang isang partido ay tiningnan lang sana ang mga tao at bagay-bagay, umasal at kumilos alinsunod sa mga salita ng Diyos, hindi magkakaroon ng alitan. Samakatuwid, kung pupunahin ng dalawang tao ang mga pagkukulang ng isa’t isa at hahampasin ang isa’t isa sa mukha, pareho silang padalos-dalos na siga. Walang mabuti tungkol sa kanila; wala sa alinman sa kanila ang tama, at wala sa alinman sa kanila ang mali. Ano ang batayan sa pagsukat ng tama at mali? Nakasalalay ito sa perspektiba at paninindigang gagamitin mo ukol sa bagay na ito, kung ano ang mga motibo mo, kung taglay mo ba ang batayan ng mga salita ng Diyos, at kung ang ginagawa mo ba ay naaayon sa katotohanan. Malinaw na ang motibo sa likod ng alitan ninyo ay ang supilin at daigin ang kabilang partido. Ibinubunyag at sinasaktan ninyo ang isa’t isa gamit ang masasakit na salita. Hindi mahalaga kung ang ibinubunyag ninyo ay tama, ni kung tama o mali ba ang punto ng alitan ninyo—dahil hindi ninyo hinaharap ang bagay na ito alinsunod sa mga salita ng Diyos, gamit ang katotohanan bilang inyong pamantayan, at ang ipinakikita ninyo ay ang inyong pagiging padalos-dalos, at ang pamamaraan at mga prinsipyo ng inyong mga kilos ay lubos na nakabatay sa pagiging padalos-dalos, matapos maudyukang gawin iyon ng mga tiwaling satanikong disposisyon, samakatuwid, kahit sino pa ang nasa tama, ni sino ang nakalalamang at sino ang nalulugi, ang katunayan ay pareho kayong mali at may pananagutan. Ang paraan ng pagharap ninyo sa bagay na ito ay hindi nakabatay sa mga salita ng Diyos. Dapat ay huminahon kayong pareho at maingat ninyong pag-isipan ang sarili ninyong mga problema. Kapag kaya na ninyo parehong maging payapa sa harap ng Diyos at harapin ang problema nang malamig ang ulo ay saka lamang kayo maaaring maupo at magbahaginan tungkol doon sa isang kalmado at mahinahong paraan. Basta’t ang mga pananaw ng parehong tao ukol sa mga tao at bagay-bagay, at ang kanilang mga asal at pagkilos, ay nakabatay sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo, gaano man magkaiba ang kanilang mga ideya at perspektiba sa isang partikular na bagay, wala talagang tunay na pagkakaibang masasabi, at walang problema. Basta’t hinaharap nila ang kanilang mga pagkakaiba gamit ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan bilang kanilang prinsipyo, sa huli, tiyak na magkakasundo sila at malulutas ang kanilang mga di-pagkakaunawaan. Ganito ba ninyo harapin ang mga problema? (Hindi.) Sadyang hindi ninyo alam kung paano gamitin ang katotohanan upang lumutas ng mga problema, maliban sa pamamaraan ninyo ng paggamit ng mga parusang administratibo. Kung ganoon, ano ang pangunahing aral sa pagharap sa kabuuan ng bagay na ito? Hindi ito tungkol sa paghiling sa mga tao na kalimutan na ang kanilang mga di-pagkakaunawaan, kundi tungkol sa paglutas sa mga iyon sa tamang paraan at pagtatamo ng pagkakaisa. Ano ang batayan sa paglutas ng mga di-pagkakaunawaan? (Ang mga salita ng Diyos.) Tama iyan: Hanapin ninyo ang batayan sa mga salita ng Diyos. Hindi ito tungkol sa pagsusuri kung sino ang tama at kung sino ang mali, kung sino ang nakatataas at sino ang nakabababa, o kung sino ang may katwiran at sino ang wala. Bagkus, tungkol ito sa paglutas sa problema ng mga ideya at perspektiba ng mga tao, na nangangahulugang paglutas sa mga maling ideya at perspektiba at mga maling paraan ng mga tao sa pagharap sa isang partikular na problema. Tanging sa paghahanap ng batayan sa mga salita ng Diyos, at tanging sa pag-unawa sa mga katotohanang prinsipyo, na tunay na malulutas ang mga problema at tunay na makapamumuhay ang mga tao nang magkakasundo, nang may pagkakaisa. Kung hindi, kung gagamit ka ng mga pahayag ng tradisyonal na kultura at mga pamamaraang tulad ng “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila” para harapin ang mga bagay-bagay, hindi kailanman malulutas ang mga problema, o kahit papaano, hindi malulutas ang mga pagkakaiba ng mga ideya at perspektiba ng mga tao. Samakatuwid, kailangang matutuhan ng lahat na maghanap ng batayan sa mga salita ng Diyos. Ang mga salita ng Diyos ay pawang katotohanan, at walang nagkakasalungatan sa mga iyon. Ang mga iyon ang tanging pamantayan sa pagsukat sa lahat ng tao, usapin, at bagay-bagay. Kung ang lahat ay nakahahanap ng batayan sa mga salita ng Diyos, at ang kanilang mga pananaw sa mga bagay-bagay ay nagkakaisa sa mga salita ng Diyos, hindi ba’t madali na para sa mga tao na humantong sa kasunduan? Kung kayang tanggapin ng lahat ang katotohanan, magkakaroon pa rin ba ng mga di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga tao? Magkakaroon pa rin ba ng mga alitan? Kakailanganin pa rin bang gumamit ng mga ideya at perspektiba at pahayag na tulad ng “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila” bilang mga limitasyon sa mga tao? Hindi na, dahil kayang lutasin ng mga salita ng Diyos ang lahat ng problema. Anumang di-pagkakasunduan ng mga tao, o gaano man karami ang iba’t ibang perspektiba, dapat maiharap ang lahat ng iyon sa Diyos, at makilatis at masuri alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos ay magiging posible nang matukoy kung alinsunod ang mga iyon sa katotohanan. Kapag naunawaan na ng mga tao ang katotohanan, makikita nila na karamihan sa mga ideya at perspektiba ng tiwaling sangkatauhan ay nagmumula sa tradisyonal na kultura, mula sa mga luminaryo at dakilang taong sinasamba ng mga tao—subalit sa ugat ng mga iyon, nagmumula ang mga iyon sa mga satanikong pilosopiya. Samakatuwid, ang mga nakalilinlang na ideya at perspektibang ito ay madali lang talagang lutasin. Bakit Ko sinasabing madaling lutasin ang mga iyon? Dahil, kung susukatin mo ang mga ideya at perspektibang ito ng tao gamit ang mga salita ng Diyos, makikita mo na pawang baluktot, di-mapaninindigan, at di-makatwiran ang mga ito. Kung kayang tanggapin ng mga tao ang katotohanan, madaling bitiwan ang mga bagay na ito, at sa gayon ay malulutas ang lahat ng problema. Ano ang natatamo pagkatapos malutas ang mga problema? Mabibitiwan na ng lahat ang kanilang mga opinyon at mga personal at pansariling ideya at perspektiba. Gaano man karangal at kawasto sa palagay mo ang mga iyon, gaano man katagal nang lumalaganap ang mga iyon sa mga tao, basta’t hindi naaayon ang mga iyon sa katotohanan, dapat mong tanggihan at itigil na ang mga iyon. Sa huli, sa sandaling tanggapin na ng lahat ng tao ang mga salita ng Diyos bilang kanilang batayan at tanggihan na ang lahat ng nanggagaling sa mga tao, hindi ba’t magkakaisa na ang kanilang mga ideya at perspektiba? (Oo.) Kapag pawang nagkakaisa na ang mga ideya at perspektibang tumutukoy sa mga pananaw ng mga tao ukol sa mga tao at bagay-bagay, pati na ang kanilang asal at mga kilos, ano pa ang mga magiging di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga tao? Pinakamalaki na na magkakaroon ng kaunting pagkakaiba sa pagkain at paraan ng pamumuhay. Ngunit pagdating sa mga bagay na may kinalaman talaga sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao, sa landas na kanilang tinatahak, at sa diwa ng sangkatauhan, kung tatanggapin ng lahat ng tao ang mga salita ng Diyos bilang ang kanilang batayan at ang katotohanan bilang ang kanilang pamantayan, magkakasundo-sundo sila. Hindi mahalaga kung ikaw ay taga-Silangan o taga-Kanluran, matanda o bata, lalaki o babae, o kung isa kang intelektuwal, isang manggagawa, o isang magsasaka: Basta’t kaya mong makisalamuha sa iba alinsunod sa katotohanan sa mga salita ng Diyos, magkakaroon pa rin ba ng mga pag-aaway at alitan sa pagitan ng mga tao? Hindi na. Kaya, maipapanukala pa rin ba ang mga pambatang utos na tulad ng “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila” bilang solusyon sa mga alitan ng mga tao? Maaari pa rin ba ang mga iyong maging mga salawikaing susundin ng mga tao sa mga pakikisalamuha nila sa isa’t isa? Ang gayong mabababaw na panuntunan ay walang halaga sa sangkatauhan, at hindi maaapektuhan ng mga iyon ang mga pananaw ng mga tao ukol sa mga tao at bagay-bagay, pati na ang kanilang asal at mga kilos, sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Pag-isipan mo: Hindi ba’t ganoon nga? (Oo, ganoon nga.) Dahil talagang napakalayo ng mga iyon sa katotohanan, at walang anumang epekto sa mga pananaw ng mga tao ukol sa mga tao at bagay-bagay, o sa kanilang asal at mga kilos, dapat nang itakwil ang mga iyon, nang lubusan.

Kung titingnan ang pinagbahaginan natin sa itaas, hindi ba’t masasabi nang may katiyakan na ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan ang pamantayan kung saan masusukat ang lahat ng tao, pangyayari, at bagay-bagay, at na ang tradisyonal na kultura at mga moral na kasulatan ng sangkatauhan ay di-mapaninindigan at walang halaga sa harap ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan? (Oo.) Tungkol naman doon sa “marangal” na moral na kahingian na “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila,” na iginagalang ng sangkatauhan, anong uri ng pananaw at perspektiba ang dapat gamitin ng mga tao para tingnan ito ngayon? Dapat bang ipagpatuloy ng mga tao ang pagsamba at pagsunod sa gayong mga salita? (Hindi.) Paano dapat itakwil ang mga iyon, kung ganoon? Magsimula sa pagiging hindi padalos-dalos o pabigla-bigla kapag may mga nangyayari sa iyo. Tratuhin nang tama ang lahat ng tao at lahat ng bagay, huminahon, humarap sa Diyos, hanapin ang mga katotohanang prinsipyo sa mga salita ng Diyos, at maghanap ng landas ng pagsasagawa, upang matrato mo ang mga tao at pangyayari nang tumpak na batay sa mga salita ng Diyos, sa halip na maigapos o mapigilan ka ng kasabihan tungkol sa wastong asal na nagsasabing, “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.” Hindi ba’t magiging mas madali at mas kagalak-galak para sa iyo ang pamumuhay nang ganoon? Kung hindi tatanggapin ng mga tao ang katotohanan, imposible para sa kanila na makawala sa pagpipigil ng mga tiwaling disposisyon, at mahirap para sa kanila na makisalamuha sa iba sa grupong kinabibilangan nila. Maaaring may tao na hindi mo inaapi, ngunit gusto ka niyang apihin. Gusto mong makasundo ang isang tao, ngunit palagi siyang nagdudulot ng problema sa iyo. Nag-iingat ka sa mga partikular na tao at iniiwasan sila, ngunit sa kabila niyon ay patuloy sila sa panggugulo at pangungulit sa iyo. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan at wala kang batayan sa mga salita ng Diyos, ang tanging magagawa mo ay ang magpatuloy sa pakikipaglaban sa kanila hanggang sa huli. Kung magkakataong makaharap ka ng isang nakasisindak na nang-aapi, mararamdaman mong wala kang magagawa kundi sundin ang kasabihang, “Hindi pa huli ang lahat para maghiganti ang isang maginoo.” Maghihintay ka ng tamang pagkakataon para maghiganti sa kanya, gamit ang mauutak na pamamaraan para pabagsakin siya. Bukod sa maipahahayag mo na ang iyong hinaing, mahihikayat mo pa ang lahat na purihin ka dahil sa iyong pagpapahalaga sa katarungan, at mapaiisip mo sa kanila na ikaw ang maginoo at siya ang kontrabida. Ano ang palagay ninyo sa pamamaraang ito? Ito ba ang tamang paraan ng pag-asal sa mundo? (Hindi.) Ngayon ay nauunawaan na ninyo. Kaya, sino ang mabuting tao: ang maginoo o ang kontrabida? (Wala sa kanila ang mabuti.) Ang mga maginoong tinitingala ng mga walang pananampalataya ay kulang ng pang-uri: “huwad.” Sila ay “mga huwad na maginoo.” Kaya, anuman ang gawin ninyo, huwag kayong maging maginoo, dahil ang lahat ng maginoo ay nagpapanggap lamang. Kaya, paano kailangang kumilos ang isang tao upang makapanatili sa tamang landas? Ayos lang ba na kumilos na tulad ng isang “tunay na maginoo” na, “kung manghahampas siya ng iba, hindi niya sila hahampasin sa mukha; at kung pupuna siya ng iba, hindi niya pupunahin ang mga pagkukulang nila”? (Hindi.) Lahat ng mga maginoo at tanyag na taong iyon ay peke at mapanlinlang, at mga huwad na maginoo sila. Maaari na silang lahat mapunta sa impiyerno! Kung ganoon ay paano dapat umasal ang isang tao? Sa pamamagitan ng pagiging isang taong naghahangad sa katotohanan, na tinitingnan ang mga tao at bagay, at umaasal at kumikilos, nang ganap na ayon sa mga salita ng Diyos, na ang pamantayan ay ang katotohanan. Sa gayong pag-asal lamang nagiging tunay na tao ang isang tao. Ito ba ang tamang paraan o hindi? (Ito nga.) Ano ang dapat mong gawin kung patuloy na pinupuna ng isang tao ang iyong mga pagkukulang? Maaari mong sabihing, “Kung pupunahin mo ako, pupunahin din kita!” Mabuti bang puntiryahin ang isa’t isa nang ganoon? Ganoon ba ang dapat na asal, pagkilos, at pagtrato ng mga tao sa iba? (Hindi.) Maaaring alam ng mga tao na hindi nila dapat gawin ito dahil sa doktrina, subalit maraming tao pa rin ang hindi mapagtagumpayan ang gayong mga tukso at patibong. Maaaring hindi mo pa naririnig na pinuna ninuman ang iyong mga pagkukulang, o pinuntirya ka, o hinusgahan ka habang hindi ka nakaharap—ngunit kapag narinig mo nang magsabi ng gayong mga bagay ang isang tao, hindi mo ito matitiis. Bibilis ang tibok ng iyong puso at lalabas ang pagiging mainitin ng ulo mo; sasabihin mo, “Ang lakas ng loob mong punahin ako! Kung hindi ka mabait sa akin, magiging salbahe ako sa iyo! Kung pupunahin mo ang mga pagkukulang ko, huwag mong isiping hindi ko pupunahin ang mga kahinaan mo!” Sasabihin ng iba, “May kasabihang nagsasabing, ‘Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila,’ kaya hindi ko pupunahin ang mga pagkukulang mo, ngunit maghahanap ako ng ibang mga paraan para harapin at pahiyain ka. Tingnan natin kung sino ang matibay!” Mabuti ba ang mga pamamaraang ito o hindi? (Hindi.) Para sa halos kahit sino, kapag nalaman niyang may isang taong pumuna sa kanya, nanghusga sa kanya, o nagsabi ng masamang bagay tungkol sa kanya habang hindi siya nakaharap, ang unang reaksyon niya ay ang magalit. Magpupuyos siya sa matinding galit, hindi makakakain o makatutulog—at kung makatutulog man siya, kahit sa mga panaginip niya ay magmumura siya! Walang hangganan ang pagiging padalos-dalos niya! Napakaliit na bagay nito, subalit hindi niya ito makalimutan. Ito ang epekto ng pagiging padalos-dalos sa mga tao, ang masasamang resulta na ibinubunga ng mga tiwaling disposisyon. Kapag naging buhay na ng isang tao ang isang tiwaling disposisyon, saan ito pangunahing nakikita? Nakikita ito kapag nakahaharap ang taong iyon ng isang bagay na para sa kanya ay hindi kanais-nais, unang naaapektuhan ng bagay na iyon ang kanyang damdamin, at pagkatapos ay lalabas ang pagiging padalos-dalos ng taong iyon. At sa paglabas niyon, mabubuhay ang taong iyon sa pagiging padalos-dalos niya at titingnan niya ang bagay na iyon mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Uusbong ang mga pilosopikal na pananaw ni Satanas sa kanyang puso, at sisimulan niyang pag-isipan kung aling mga paraan at diskarte ang gagamitin niya upang maghiganti, sa gayon ay inilalantad ang kanyang tiwaling disposisyon. Ang mga ideya at perspektiba ng mga tao sa pagharap sa mga problemang tulad nito, at ang mga paraan at diskarteng naiisip nila, at pati na ang mga damdamin at pagiging padalos-dalos nila ay nagmumulang lahat sa mga tiwaling disposisyon. Kaya, ano ang mga tiwaling disposisyong lumalabas sa pagkakataong ito? Ang una ay tiyak na masamang hangarin, sinusundan ng pagmamataas, panlilinlang, kabuktutan, pagmamatigas, pag-ayaw sa katotohanan, at pagkapoot sa katotohanan. Sa mga tiwaling disposisyong ito, maaaring ang pagmamataas ang pinaka-hindi maimpluwensya. Ano, kung ganoon, ang mga tiwaling disposisyon na pinakakayang mangibabaw sa mga damdamin at kaisipan ng isang tao, at ang tumutukoy kung paano niya haharapin ang bagay na ito sa huli? Ang mga iyon ay ang masamang hangarin, pagmamatigas, pag-ayaw sa katotohanan, at pagkapoot sa katotohanan. Napakahigpit na iginagapos ng mga tiwaling disposisyong ito ang isang tao, at malinaw na nabubuhay siya sa lambat ni Satanas. Paano ba nabubuo ang lambat ni Satanas? Hindi ba’t mga tiwaling disposisyon ang nagdudulot nito? Naghabi ang iyong mga tiwaling disposisyon ng lahat ng uri ng satanikong lambat para sa iyo. Halimbawa, kapag nabalitaan mong may isang taong gumagawa ng bagay na tulad ng panghuhusga sa iyo, pagmumura sa iyo, o pagpuna sa mga pagkukulang mo kapag hindi ka nakaharap, hinahayaan mo ang mga satanikong pilosopiya at tiwaling disposisyon na maging buhay mo at mangibabaw sa iyong mga kaisipan, pananaw, at damdamin, sa gayon ay nagdudulot ng sunud-sunod na mga kilos. Ang mga tiwaling kilos na ito ay pangunahing resulta ng pagkakaroon mo ng satanikong kalikasan at disposisyon. Anuman ang mga sitwasyon mo, hangga’t ikaw ay nakagapos, kontrolado, at pinangingibabawan ng tiwaling disposisyon ni Satanas, ang lahat ng isinasabuhay mo, lahat ng ibinubunyag mo, at lahat ng ipinakikita mo—o ang mga damdamin mo, ang mga iniisip at pananaw mo, at ang pamamaraan at diskarte mo ng paggawa sa mga bagay-bagay—ay satanikong lahat. Ang lahat ng ito ay lumalabag sa katotohanan at laban sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Habang mas napapalayo ka sa salita ng Diyos at sa katotohanan, mas lalo kang kontrolado at nasisilo ng lambat ni Satanas. Kung sa halip, kaya mong makawala sa mga gapos at kontrol ng iyong mga tiwaling disposisyon, at maghimagsik laban sa mga iyon, humarap sa Diyos, at kumilos at lumutas ng mga problema gamit ang mga pamamaraan at prinsipyong sinasabi sa iyo ng mga salita ng Diyos, unti-unti kang makakawala sa lambat ni Satanas. Pagkatapos makawala, ang isasabuhay mo pagkatapos ay hindi na ang dati pa ring wangis ng isang satanikong taong kontrolado ng kanyang mga tiwaling disposisyon, kundi ng isang bagong taong tinatanggap ang mga salita ng Diyos bilang kanyang buhay. Magbabago ang buong paraan ng pamumuhay mo. Ngunit kung padadaig ka sa mga damdamin, kaisipan, pananaw, at kaugaliang idinudulot ng mga satanikong disposisyon, susunod ka sa isang kalipunan ng satanikong pilosopiya at iba’t ibang pamamaraan, tulad ng “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila,” “Hindi pa huli ang lahat para maghiganti ang isang maginoo,” “Mas mabuti nang maging tunay na kontrabida kaysa sa isang huwad na maginoo,” “Hindi lalaki ang hindi naghihiganti.” Ang mga ito ang magiging laman ng puso mo, ang magdidikta ng iyong mga kilos. Kung gagamitin mo ang mga satanikong pilosopiyang ito bilang batayan ng iyong mga kilos, magbabago ang kalikasan ng iyong mga kilos, at gagawa ka ng kasamaan, at lalaban sa Diyos. Kung gagamitin mo ang mga negatibong kaisipan at perspektibang ito bilang batayan para sa iyong mga kilos, malinaw na napalayo ka na sa mga turo at salita ng Diyos, at nahulog ka na sa lambat ni Satanas at hindi ka na makawala. Sa halos buong pang-araw-araw na buhay ninyo ay nabubuhay kayo sa gitna ng mga satanikong disposisyon—nabubuhay kayo sa lambat ni Satanas. Ang ugat ng paghihirap ng mga tao ay dahil kontrolado sila ng kanilang mga satanikong disposisyon hanggang sa puntong hindi na sila makawala. Nabubuhay sila sa kasalanan, at nagdurusa kahit ano pa ang gawin nila. Naghihirap ka kahit pa natalo mo na ang iyong kalaban, dahil hindi mo alam kung sino ang susunod na kaaway na haharapin mo, ni kung matatalo mo ito sa parehong paraan. Natatakot at nahihirapan ka. At paano naman ang taong natalo? Siyempre, nahihirapan din siya. Matapos maapi, pakiramdam niya ay wala na siyang dignidad o integridad sa buhay. Mahirap tanggapin ang maapi, kaya palagi siyang naghihintay ng angkop na sandali para umatake at naghahanap ng pagkakataong makaganti—mata sa mata, at ngipin sa ngipin—upang parusahan ang kalaban niya. Ang gayong pag-iisip ay pagpapahirap din. Sa maikling salita, ang taong gumaganti at ang taong ginagantihan ay parehong nabubuhay sa lambat ni Satanas, palaging gumagawa ng kasamaan, palaging naghahanap ng mga paraan upang makaalis sa mapanganib nilang sitwasyon, at habang ginagawa iyon ay nagnanais na makahanap ng kapayapaan, kaligayahan, at kapanatagan. Sa isang banda, ang mga tao ay kontrolado ng mga tiwaling disposisyon at namumuhay sa lambat ni Satanas, ginagamit ang iba’t ibang pamamaraan, kaisipan, at perspektibang ibinigay sa kanila ni Satanas para lutasin ang mga isyung nangyayari sa paligid nila. Sa kabilang banda, umaasa pa rin ang mga tao na matamo ang kapayapaan at kaligayahan mula sa Diyos. Gayunpaman, dahil palagi silang iginagapos ng tiwaling disposisyon ni Satanas at nakakulong sa lambat nito, na hindi magawang kusang lumaban upang maghimagsik laban dito at makalabas dito, at dahil napapalayo sila sa salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo, hindi kailanman nakakamit ng mga tao ang kaginhawahan, kasiyahan, kapayapaan, at kaligayahang nagmumula sa Diyos. Sa anong kalagayan namumuhay ang mga tao, sa huli? Hindi nila kayang hangarin ang katotohanan, bagama’t nais nila, at hindi nila kayang tugunan ang mga hinihingi ng Diyos, kahit na gusto nilang gampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin. Hindi sila makaalis sa kinaroroonan nila. Isa itong matinding pagdurusa. Nabubuhay ang mga tao sa tiwaling disposisyon ni Satanas, kahit hindi nila gusto. Mas tila mga demonyo sila kaysa mga tao, madalas na naninirahan sa madidilim na sulok, naghahanap ng mga kahiya-hiya at masasamang pamamaraan para lutasin ang maraming paghihirap na kinakaharap nila. Ang katunayan ay na sa kaibuturan ng kanilang kaluluwa, handa ang mga tao na maging mabuti at hangarin ang liwanag. Umaasa sila na mamuhay bilang mga tao, nang may dignidad. Umaasa rin sila na magagawa nilang hangarin ang katotohanan at umasa sa salita ng Diyos para mabuhay, at gawing buhay at realidad nila ang salita ng Diyos, subalit hindi nila kailanman kayang isagawa ang katotohanan, at sa kabila ng maraming doktrina na kanilang nauunawaan, hindi nila malutas ang kanilang mga problema. Naiipit ang mga tao sa mahirap na kalagayang ito, hindi makasulong at ayaw umatras. Hindi sila makaalis sa kinalalagyan nila. At ang nararamdaman kapag “naiipit” ay paghihirap—matinding paghihirap. Gusto ng mga tao na hangarin ang liwanag, at ayaw nilang iwanan ang salita ng Diyos at ang tamang landas. Gayunpaman, hindi nila tinatanggap ang katotohanan, at hindi nila kayang isagawa ang mga salita ng Diyos, at nananatili silang hindi makawala sa gapos at kontrol ng kanilang tiwaling satanikong disposisyon. Sa huli, maaari lamang silang mamuhay sa paghihirap, nang walang anumang tunay na kaligayahan. Hindi ba’t ganito ang mga bagay-bagay? (Ganoon nga.) Anuman ang mangyari, kung gusto ng mga taong isagawa ang katotohanan at matamo ang katotohanan, kailangan nilang maranasan nang paunti-unti ang mga salita ng Diyos, simula sa maliliit na bagay upang maalis ang impluwensya ng mga kasabihang ito tungkol sa wastong asal sa kanilang mga ideya at perspektiba, at sa kanilang paghahangad sa katotohanan. Ito ang pinakamahalaga; kailangang malutas ang mga problemang ito.

Kung gusto ng mga taong baguhin ang kanilang mga disposisyon at magtamo ng kaligtasan, kailangan ay magkaroon sila ng hindi lamang determinasyon, kundi ng isa ring hindi natitinag na pag-iisip. Kailangan nilang kumuha ng karanasan mula sa kanilang mga pagkabigo, at magtamo ng landas ng pagsasagawa mula sa kanilang karanasan. Huwag kang maging negatibo at panghinaan ng loob kapag ikaw ay nabibigo, at lalo nang huwag kang sumuko. Ngunit hindi ka rin dapat maging kampante kapag nagkakaroon ka ng kaunting tagumpay. Kahit pa saan ka mabigo o panghinaan sa paggawa, hindi nito idinidikta na hindi ka na maliligtas sa hinaharap. Kailangan mong maunawaan ang mga layunin ng Diyos, makabangong muli, makasunod sa mga salita ng Diyos, at maipagpatuloy ang pakikipaglaban sa iyong mga tiwaling satanikong disposisyon. Kailangang magsimula ang isang tao sa pamamagitan ng malinaw na pagkakita sa pinsala at hadlang na idinudulot ng iba’t ibang hinihingi at kasabihan tungkol sa wastong asal na galing kay Satanas sa paghahangad ng mga tao sa katotohanan. Na palaging iginagapos at pinipigilan ng mga kasabihang ito tungkol sa wastong asal ang isip ng mga tao, habang pinalalago rin ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao. Siyempre, nakagagambala rin ang mga iyon sa pagtanggap ng mga tao sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos sa iba’t ibang antas, na nagdudulot sa mga tao na pag-alinlanganan at labanan ang katotohanan. Ang isang kasabihang gayon ay ang “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.” Ang pilosopiyang ito para sa mga makamundong pakikitungo ay nag-ugat na sa mga murang kaluluwa ng mga tao, at hindi namamalayan ng mga tao na naiimpluwensyahan ng mga ganitong uri ng ideya at pananaw ang pagtingin nila sa iba at kung paano nila harapin ang mga nagaganap sa paligid nila. Hindi kapansin-pansing naitatago at napagtatakpan ng mga ideya at pananaw na ito ang mga disposisyon ng kabuktutan, panlilinlang, at masamang hangarin na nasa mga tiwaling disposisyon ng mga tao. Bukod sa nabibigo ang mga iyong lutasin ang problema ng mga tiwaling disposisyon, ginagawa pa ng mga iyong mas tuso at mapanlinlang ang mga tao, na lalong pinalalala ang mga tiwaling disposisyon nila. Sa madaling salita, hindi lamang naiimpluwensyahan ng mga kasabihang ito tungkol sa wastong asal at ng mga pilosopiyang ito para sa mga makamundong pakikitungo na nasa tradisyonal na kultura ang mga naiisip at pananaw ng mga tao, malaki rin ang epekto ng mga ito sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao. Samakatuwid, kinakailangang maunawaan ang nagiging impluwensya sa mga tao ng mga ideya at pananaw ng tradisyonal na kultura na tulad ng “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila”. Hindi ito dapat na ipagwalang-bahala.

Ngayon lang, pangunahin nating pinagbahaginan kung, kapag nagkakaroon ng mga alitan sa pagitan ng mga tao, ay dapat bang harapin ang mga iyon sa pamamagitan ng mga kasabihan at perspektiba ng tradisyonal na kultura, o kung dapat bang harapin ang mga iyon alinsunod sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo; kung ang mga pananaw ng tradisyonal na kultura ba ang makalulutas sa mga problema, o kung ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan ang makalulutas sa mga problema ng tao. Kapag malinaw nang nakita ng mga tao ang mga bagay-bagay na ito, magpapasya sila nang tama, at mas magiging madaling lutasin ang mga alitan sa iba alinsunod sa katotohanan na nasa mga salita ng Diyos. Kapag nalutas ang gayong mga problema, pangunahin na ring malulutas ang isyu ng pag-impluwensya at paggapos sa kaisipan ng mga tao ng kasabihan tungkol wastong asal na nagsasabing “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.” Hindi na maaapektuhan ng ganitong mga uri ng ideya at pananaw ang pag-uugali ng mga tao, kahit papaano; makakawala na sila sa lambat ng panlilihis ni Satanas, matatamo nila ang katotohanan mula sa mga salita ng Diyos, mahahanap nila ang mga katotohanang prinsipyo para sa pakikisalamuha sa mga tao, at magagawa nilang buhay nila ang mga salita ng Diyos. Sa pagsusuri at pagkilatis lamang sa mga maling pananaw ng tradisyonal na kultura at sa mga gapos at pang-aalipin ng mga satanikong pilosopiya, nang alinsunod sa mga salita ng Diyos, na magkakaroon ng kakayahan ang isang tao na maunawaan ang katotohanan at magkakaroon siya ng pagkilatis. Binibigyang-kakayahan nito ang isang taong maiwaksi ang impluwensya ni Satanas at makalaya sa pang-aalipin ng kasalanan. Sa ganitong paraan, nagiging buhay mo na ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan, napapalitan ang dati mong buhay, na ang diwa ay mga satanikong pilosopiya at disposisyon. Sa gayon ay magiging ibang tao ka na. Bagamat ikaw pa rin ang taong ito, isang bagong tao na ang lumitaw, isang taong tinatanggap ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan bilang kanyang buhay. Handa ba kayong maging gayong tao? (Oo.) Mas mabuting maging gayong tao—kahit papaano ay magiging masaya kayo. Sa simula ng pagsasagawa mo ng katotohanan, magkakaroon ng mga paghihirap, balakid, at kirot, ngunit kung kaya mong hanapin ang katotohanan upang lutasin ang iyong mga paghihirap hanggang sa makapaglatag ka na ng isang saligan sa mga salita ng Diyos, mawawala ang sakit, at sa pagpapatuloy ng iyong buhay, mas magiging masaya at palagay ka. Bakit Ko sinasabi iyon? Dahil unti-unting mababawasan ang impluwensya at kontrol ng mga negatibong bagay na iyon sa kaibuturan mo, at habang nangyayari iyon, parami nang parami sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan ang papasok sa iyo, at lalalim nang lalalim ang tatak ng mga salita ng Diyos at ng mga katotohanan sa iyong puso. Magiging mas malakas at matalas ang iyong kamalayan sa paghahanap sa katotohanan, at kapag may mga nangyayari sa iyo, lilinaw nang lilinaw ang iyong panloob na landas, direksyon at layon ng pagsasagawa, at kapag nakikipaglaban ka sa iyong kalooban, lalo pang mangingibabaw ang mga positibong bagay. Hindi ba’t madaragdagan ang kaligayahan ng iyong buhay kung magkagayon? Hindi ba’t madaragdagan ang kapayapaan at kagalakang iyong natatanggap mula sa Diyos? (Madaragdagan nga.) Mababawasan ang mga bagay sa iyong buhay na nagdudulot sa iyong maligalig, magdalamhati, malugmok sa depresyon, at maghinanakit, bukod pa sa ibang negatibong damdamin. Kapalit ng mga bagay na ito, magiging buhay mo ang mga salita ng Diyos, na magdadala sa iyo ng pag-asa, kaligayahan, kagalakan, kalayaan, pagpapalaya, at karangalan. Kapag nadagdagan ang mga positibong bagay na ito, ganap na magbabago ang mga tao. Kapag dumating ang panahong iyon, suriin mo kung ano ang nararamdaman mo at ihambing mo ang mga bagay-bagay sa dati: Hindi ba’t ibang-iba na ang mga iyon sa dati mong paraan ng pamumuhay? Tanging kapag naiwaksi mo na ang lambat ni Satanas at ang mga tiwaling disposisyon nito, ang mga kaisipan at perspektiba nito, pati na ang iba’t ibang pamamaraan, perspektiba, at pilosopikal na doktrina nito sa pagtingin sa mga tao at bagay-bagay, at sa pag-asal at pagkilos—tanging kapag ganap mo nang naiwaksi ang mga bagay na ito, at nagagawa mo nang isagawa ang katotohanan at tingnan ang mga tao at bagay-bagay, tratuhin ang iba, at makisalamuha sa kanila alinsunod sa mga salita ng Diyos, at maranasan sa Kanyang mga salita kung gaano talaga kabuti na tratuhin ang mga tao nang alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, at magkaroon ng panatag at kagalak-galak na buhay—nagtamo ka na noon ng tunay na kaligayahan.

Ngayon, pinagbahaginan at sinuri natin ang kasabihan tungkol sa wastong asal na, “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.” Nauunawaan ba ninyo ang mga problema sa mismong kasabihang ito? (Oo.) Kung ganoon ay nauunawaan na rin ba ninyo kung anu-ano ang mga hinihingi ng Diyos sa mga tao? (Oo.) Matapos maunawaan iyon, sa huli ay paano ninyo ito isasakatuparan sa inyong mga sarili? Sa pamamagitan ng hindi pagiging padalos-dalos kapag may nangyayari sa inyo, o paghahanap ng batayan sa tradisyonal na kultura, o paghahanap ng batayan sa mga kalakaran sa lipunan, o paghahanap ng batayan sa opinyon ng publiko, o, siyempre, paghahanap ng batayan sa mga legal na probisyon. Sa halip, maghanap kayo ng batayan sa mga salita ng Diyos. Hindi mahalaga kung gaano kalalim o kababaw ang inyong pagkaunawa sa katotohanan; sapat nang makalulutas ito ng problema. Kailangan mong makita nang malinaw na nabubuhay ka sa isang masama at mapanganib na mundo. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, makasusunod ka lang sa kalakaran ng lipunan at matatangay sa buhawi ng kasamaan. Kaya, kapag may nangyayari sa iyo, ano ang una mong dapat gawin, anuman iyon? Kailangan mo munang huminahon, patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos, at madalas na basahin ang Kanyang mga salita. Bibigyang-kakayahan ka nito na magkaroon ng kalinawan ng paningin at pag-iisip, at na makita nang malinaw na nililihis at ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhang ito, at na naparito na ang Diyos upang sagipin ang sangkatauhang ito mula sa impluwensya ni Satanas. Ito, siyempre, ang pinakapangunahing aral na dapat mong matutuhan. Kailangan mong magdasal sa Diyos at hanapin ang katotohanan mula sa Kanya, at hilingin sa Kanyang patnubayan ka—na patnubayan ka tungo sa pagbabasa ng mga nauugnay Niyang salita, na patnubayan ka tungo sa pagtanggap ng nauugnay na kaliwanagan at pagtanglaw, upang maunawaan mo ang diwa ng bagay na nangyayari sa harapan mo at kung paano mo ito dapat na tingnan at harapin. Pagkatapos, gamitin mo ang pamamaraang itinuro at sinabi sa iyo ng Diyos upang harapin at tugunan ang bagay na iyon. Dapat kang lubos at ganap na umasa sa Diyos. Hayaan mong Diyos ang maghari; hayaan mong Diyos ang maging Panginoon. Sa sandaling napatahimik mo na ang iyong sarili, hindi na ito tungkol sa paggamit sa sarili mong isip sa pagsasaalang-alang sa kung ano ang sistema o pamamaraang dapat gamitin, ni tungkol sa pagkilos ayon sa sarili mong karanasan, o ayon sa mga satanikong pilosopiya at pandaraya. Bagkus, tungkol ito sa paghihintay sa kaliwanagan ng Diyos at sa patnubay ng Kanyang mga salita. Ang kailangan mong gawin ay talikdan ang sarili mong kalooban, isantabi ang iyong mga iniisip at pananaw, magalang na humarap sa Diyos, makinig sa mga salitang sinasabi Niya sa iyo at sa mga katotohanang sinasabi Niya sa iyo, at sa mga aral na ipinakikita Niya sa iyo. Pagkatapos, kailangan mong patahimikin ang iyong sarili at detalyadong pag-isipan at paulit-ulit na basahin nang padasal ang mga salitang itinuro sa iyo ng Diyos, upang maunawaan mo kung ano ba talaga ang gustong ipagawa sa iyo ng Diyos at kung ano ang dapat mong gawin. Kung malinaw mong nauunawaan kung ano talaga ang ibig sabihin ng Diyos at kung ano ang mga turo Niya, dapat mo munang pasalamatan ang Diyos sa pagsasaayos ng kapaligirang iyon at pagbibigay sa iyo ng pagkakataong kumpirmahin ang Kanyang mga salita, at isakatuparan at isabuhay ang mga iyon, upang ang mga iyon ang maging buhay sa iyong puso, at upang makapagpatotoo ang iyong isinasabuhay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan. Natural, habang hinaharap mo ang mga problemang ito, maaaring magkaroon ng maraming tagumpay at kabiguan, suliranin at paghihirap, pati na ng ilang pakikipaglaban, at pahayag at komento mula sa iba’t ibang tao. Ngunit basta’t nakasisiguro ka na malinaw na malinaw ang mga salita ng Diyos tungkol sa gayong mga problema, at na ang nauunawaan at sinusunod mo ay mga turo ng Diyos, dapat mong isagawa ang mga iyon nang walang pag-aalinlangan. Hindi ka dapat mahadlangan ng iyong kapaligiran, o ng sinumang tao, o ng anumang pangyayari o bagay. Dapat kang manatiling matatag sa paninindigan mo. Ang pagsunod sa mga katotohanang prinsipyo ay hindi pagmamataas o pag-aakalang mas matuwid ka kaysa sa iba. Sa sandaling maunawaan mo na ang mga salita ng Diyos at magawang tingnan ang mga tao at bagay-bagay, at umasal at kumilos, nang alinsunod sa Kanyang mga salita, at magawang sumunod sa mga prinsipyo nang hindi kailanman nagbabago, isinasagawa mo na ang katotohanan. Ito ang uri ng saloobin at determinasyong dapat taglayin ng mga nagsasagawa at naghahangad sa katotohanan.

Sapat na tayong nakapagbahaginan tungkol sa mga problema ukol sa kasabihang “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.” Nahihirapan pa rin ba kayong unawain ang gayong mga problema? Nagtamo ba kayo ng ganap na bagong pagkaunawa sa kasabihang ito tungkol sa wastong asal sa tradisyonal na kultura sa pamamagitan ng pagbabahaginan at paghihimay ngayon? (Oo.) Batay sa ganap na bagong pagkaunawa ninyong ito, ituturing pa rin ba ninyong katotohanan at positibong bagay ang kasabihang ito? (Hindi na.) Maaaring malalim pa ring umiiral ang impluwensya ng kasabihang ito sa isipan at natatagong kamalayan ng mga tao, ngunit sa pamamagitan ng pagbabahaginan ngayong araw, tinalikuran na ng mga tao sa kanilang mga isipan at kamalayan ang kasabihang ito tungkol sa wastong asal. Kaya naman, susundin mo pa rin ba ito sa mga pakikisalamuha mo sa iba? Kapag naharap ka sa isang alitan, ano ang dapat mong gawin? (Una, dapat naming talikuran ang satanikong pilosopiyang ito na “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.” Dapat kaming tahimik na humarap sa Diyos upang magdasal at hanapin ang katotohanan, at hanapin sa mga salita ng Diyos ang mga katotohanang prinsipyo na dapat isagawa.) Kung hindi natin pinagbahaginan ang mga bagay na ito, mararamdaman ninyong hindi ninyo kailanman tiningnan ang mga tao at bagay-bagay, o hindi kayo kailanman umasal o kumilos, nang alinsunod sa pamantayan ng moralidad na “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.” Ngayong nabunyag na ang problemang ito, ikaw mismo ang tumingin kung naiimpluwensyahan ka ba ng gayong mga ideya at pananaw sa susunod na mangyari sa iyo ang kaparehong bagay, ibig sabihin, kung umiiral ba ang mga bagay na ito sa iyong mga ideya at pananaw. Sa panahong iyon, natural na matutuklasan mong naiimpluwensyahan ka ng gayong mga ideya at pananaw sa maraming bagay, na nangangahulugang sa maraming kapaligiran at kapag maraming bagay ang nangyayari, naiimpluwensyahan ka pa rin ng gayong mga ideya at pananaw, at malalim nang nag-ugat ang mga iyon sa iyong kaluluwa, at patuloy na dinidiktahan ng mga ito ang iyong mga salita at gawa at dinidiktahan ang iyong mga iniisip. Kung hindi mo pa ito napagtatanto, at hindi mo bibigyang-pansin o haharapin ang problemang ito, talagang hindi mo ito mamamalayan, at hindi mo malalaman kung naiimpluwensyahan ka ba ng gayong mga ideya at pananaw. Kapag tunay mong hinaharap ang problema at masusi ang pagharap mo rito, malalaman mo na madalas pumapasok sa iyong isipan ang mga lason ng tradisyonal na kultura. Hindi sa hindi mo taglay ang mga iyon, hindi mo lang dinidibdib ang mga iyon dati, o na talagang nabigo kang mapagtanto kung ano ba mismo ang diwa ng mga kasabihang ito ng tradisyonal na kultura. Kaya, ano ang kailangan mong gawin upang magkaroon ka ng kamalayan sa gayong mga problema sa kaibuturan ng iyong isipan? Kailangan ninyong matutuhang mag-isip-isip at magsaalang-alang. Paano dapat mag-isip-isip at magsaalang-alang ang isang tao? Tila napakasimple ng dalawang terminong ito; kaya, paano dapat intindihin ng isang tao ang mga iyon? Halimbawa, sabihin nating nagpapalaganap ka ng ebanghelyo at nagpapatotoo ka tungkol sa Diyos sa ilang taong nagsisiyasat sa tunay na daan. Sa simula, maaaring handa silang makinig, ngunit matapos mong magbahagi sa loob ng ilang panahon, ayaw nang makinig ng ilan sa kanila. Sa puntong iyon, tiyak na iniisip mong, “Ano ba ang nangyayari dito? Hindi ba masyadong angkop ang pagbabahagi ko sa kanilang mga kuru-kuro at problema? O hindi ko ba malinaw at lubusang naibahagi ang katotohanan? O nagulo ba sila ng kung anong sabi-sabi o maling paniniwala na kanilang narinig? Bakit ayaw nang ipagpatuloy ng ilan sa kanila ang pagsisiyasat? Ano ba talaga ang problema?” Pag-iisip-isip ito, hindi ba? Ang pag-iisip sa bagay sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa bawat aspekto, nang hindi nag-iiwan ng ni isang detalye. Ano ang layon mo sa pagsasaalang-alang sa mga bagay na ito? Ito ay ang mahanap ang ugat at diwa ng problema, at pagkatapos ay malutas ito. Kung hindi mo mahahanap ang mga kasagutan sa mga problemang ito kahit gaano mo pa pag-isipan ang mga iyon, dapat kang maghanap ng isang taong nakauunawa sa katotohanan at maghanap ka mula sa kanya. Tingnan mo kung paano siya nagpapalaganap ng ebanghelyo at nagpapatotoo tungkol sa Diyos, at kung paano niya tumpak na nalalaman ang mga pangunahing kuru-kuro ng mga taong nagsisiyasat, at kung paano niya nilulutas ang mga iyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng katotohanan alinsunod sa mga salita ng Diyos. Hindi ba’t nasisimulan niyon ang pagkilos? Pagsasaalang-alang ang unang hakbang; pagkilos ang pangalawang hakbang. Ang layunin ng pagkilos ay ang kumpirmahin kung ang problema bang iyong isinasaalang-alang ang tamang problema, kung lumihis ka ba. Kapag natuklasan mo kung saan nagmumula ang problema, sisimulan mong kumpirmahin kung ang problemang iyong isinasaalang-alang ay ang tama o maling problema. Pagkatapos, simulan mong lutasin ang problemang nakumpirma mong tama. Halimbawa, kapag ang mga taong nagsisiyasat sa tunay na daan ay nakaririnig ng mga sabi-sabi o maling paniniwala at nagkakaroon ng mga kuru-kuro, basahan mo sila ng mga salita ng Diyos sa paraan na pumupuntirya sa kanilang mga kuru-kuro. Sa malinaw na pagbabahagi tungkol sa katotohanan, masusi mong suriin at lutasin ang kanilang mga kuru-kuro, at alisin ang mga balakid sa kanilang mga puso. Pagkatapos ay magiging handa na silang ipagpatuloy ang kanilang pagsisiyasat. Nasisimulan na nitong lutasin ang problema, hindi ba? Ang unang hakbang sa paglutas sa problema ay ang isaalang-alang ito, pag-isipan ito, at masusing suriin sa iyong isip ang diwa at ugat na sanhi nito. Sa sandaling makumpirma mo na kung ano ito, simulan mo nang lutasin ang problema alinsunod sa mga salita ng Diyos. Sa huli, kapag nalutas na ang problema, matutupad na ang layon. Kaya, umiiral pa rin ba o hindi na sa iyong mga iniisip at pananaw ang mga pahayag tungkol sa wastong asal na gaya ng “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila”? (Oo, umiiral pa.) Paano dapat lutasin ang gayong mga problema? Kailangan mong isaalang-alang ang lahat ng bagay na karaniwang nangyayari sa iyo. Isa itong napakahalagang hakbang. Una, alalahanin mo kung paano ka umaasal kapag nangyayari sa iyo ang gayong mga bagay dati. Nangingibabaw ba sa iyo ang mga kasabihang tulad ng “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila”? At kung ganoon nga, ano ang mga layuning tinaglay mo? Ano ang sinabi mo? Ano ang ginawa mo? Paano ka kumilos? Paano ka umasal? Sa sandaling huminahon ka na at mapag-isipan mo ang mga bagay na ito, matutuklasan mo ang ilang problema nang hindi mo namamalayan. Sa puntong iyon, dapat mong hanapin ang katotohanan at makipagbahaginan ka sa iba, at lutasin mo ang mga problemang ito alinsunod sa mga nauugnay na salita ng Diyos. Magsikap ka sa iyong tunay na buhay na ganap na talikuran ang mga maling pananaw na iyon na ipinapanukala ng tradisyonal na kultura, at pagkatapos ay gamitin mo ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan bilang mga prinsipyo sa pakikisalamuha sa mga tao, at tratuhin mo ang mga tao, pangyayari, at bagay-bagay alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Ito ang paraan para lumutas ng mga problema, sa pamamagitan ng pagsusuri sa iba’t ibang ideya, pananaw, at kasabihan ng tradisyonal na kultura alinsunod sa mga salita ng Diyos, pagkatapos ay pagtingin nang may lubos na kalinawan kung talagang positibo at tama ba ang tradisyonal na kultura, batay sa mga kahihinatnan ng pagsunod ng sangkatauhan sa mga maling pananaw na ito. Pagkatapos ay malinaw mong makikita na ang “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila” ay isa lamang paiwas na pamamaraan ng pag-uugaling ginagamit ng mga tao upang mapanatili ang kanilang mga pakikipag-ugnayan sa mga tao. Ngunit kung hindi magbabago ang kalikasang diwa ng mga tao, magkakasundo ba sila nang matagalan? Hindi magtatagal, magkakagulo-gulo ang mga bagay-bagay. Samakatuwid, walang tunay na magkakaibigan sa mundo ng tao—ang makapagpanatili nga lang ng isang pisikal na relasyon ay mabuti na. Kung ang mga tao ay may kaunting konsensiya at katinuan, at mababait sila, makapagpapanatili sila ng mababaw na relasyon sa iba, nang hindi ito nasisira; kung sila ay buktot, mapaminsala, at malupit, magiging imposible para sa kanilang makisama sa iba, at magsasamantala lang sila sa isa’t isa. Matapos makita nang malinaw ang mga ito—ibig sabihin, matapos makita nang malinaw ang kalikasang diwa ng mga tao—pangunahin nang matutukoy ang pamamaraang dapat gamitin ng mga tao sa kanilang mga pakikisalamuha sa isa’t isa, at maaari itong maging tama, di-nagkakamali, at alinsunod sa katotohanan. Sa kanilang karanasan sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, makikita na nang kaunti ng mga hinirang ng Diyos ang diwa ng sangkatauhan. Kaya, sa mga pakikisalamuha ng mga tao—ibig sabihin, sa mga normal na pag-uugnayan ng mga tao—makikita nila ang kahalagahan ng pagiging isang matapat na tao, at na ang pagtrato sa mga tao alinsunod sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan ang pinakamataas na prinsipyo at pinakamatalinong pamamaraan. Hindi ito kailanman magdudulot ng paghihirap o pagdurusa sa mga tao. Gayunpaman, hindi maiiwasang magkaroon ang mga tao ng kaunting pagtatalo sa kanilang kaluluwa kapag naranasan nila ang mga salita ng Diyos at isinagawa nila ang katotohanan, sa diwa na madalas na lilitaw ang mga tiwaling disposisyon upang guluhin sila at pigilan silang isagawa ang katotohanan. Palagi kang hahadlangang magsagawa ng katotohanan at ng mga salita ng Diyos ng iba’t ibang ideya, damdamin, at pananaw na ibinubunga ng mga tiwaling disposisyon ng tao, sa iba’t ibang antas, at kapag nagkagayon, hindi mo mamamalayang mahaharap ka sa maraming hadlang at balakid sa pagsasagawa ng katotohanan. Kapag lumitaw ang mga balakid na ito, hindi mo na sasabihin, gaya ng sinasabi mo ngayon, na madali ang pagsasagawa ng katotohanan. Hindi mo na masasabi iyon nang walang pag-aalinlangan. Sa oras na iyon, nagdurusa at malungkot ka na, hindi makakain at hindi makatulog nang maayos. Maaari pa ngang isipin ng ilang tao na masyadong mahirap manampalataya sa Diyos at nais na nilang sumuko. Naniniwala Akong maraming tao na ang nagdusa nang matindi upang maisagawa ang katotohanan at makapasok sa realidad, at na napungusan nang napakaraming beses, at na nakipaglaban nang napakaraming beses sa kanilang mga puso, at na napakarami nang iniluha. Hindi ba’t ganoon nga? (Oo.) Ang pagdanas sa mga paghihirap na ito ay isang kinakailangang proseso, at ang lahat ng tao, walang eksepsiyon, ay kailangang magdaan dito. Noong Kapanahunan ng Kautusan, nakagawa ng pagkakamali si David, at kalaunan ay nagsisi at nagtapat siya sa Diyos. Gaano karami ang kanyang iniluha? Paano ito inilarawan sa orihinal na teksto? (“Gabi-gabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha” (Awit 6:6).) Tiyak na napakarami ng kanyang iniluha, upang mapalangoy ang kanyang higaan! Ipinakikita nito ang tindi at lalim ng pagsisisi at paghihirap na kanyang naranasan noon. Lumuha na ba kayo nang ganoon karami? Ang dami ng inyong nailuha ay wala man lang sa ikasandaang bahagi ng sa kanya, na nagpapakita na ang antas ng pagkapoot ninyo sa inyong mga tiwaling disposisyon, laman, at mga paglabag ay kulang na kulang, at na ang inyong determinasyon at pagsusumikap sa pagsasagawa ng katotohanan ay kulang na kulang. Hindi pa ninyo naaabot ang pamantayan; malayo pa kayong makaabot sa antas nina Pedro at David. Tapusin na natin dito ang pagbabahaginan sa araw na ito.

Abril 16, 2022

Sinundan: Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 7

Sumunod: Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 9

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito