149 Sasalubungin Ko ang Iyong Nakangiting Mukha Habang Nagpapakita Ka sa Aking Harapan

May tinig na tumatawag sa 'kin paminsan-minsan,

ginigising mula sa mahabang gabi ang diwa ko.

Nakikita ko'ng nakangiti Mong mukha sa hamog.

'Di ko pinangarap na makikita'ng mukha ng Diyos.

Isa akong tiwaling tao, walang dangal,

gayunman, pinakamaluwalhati't

marangal na Hari ay papalapit sa 'kin.

Mga salita Mo'y hinihila ako't

puso'y puspos ng galak.

Mamuhay araw-araw kasama Ka'y

matamis at masaya.

Salita Mo'ng katotohanan, naangkin ang puso ko.

Ang mamuhay sa salita Mo'ng pinakamaligaya.

Nais kong mahalin, patotohanan at sundan Ka.

Kung patotoo ko'y tapos na,

sasalubungin Kitang nakangiti Ka.


Tahimik sa harap Mo,

nakikinig ako sa mga salita Mo.

Mga salita Mo'y magiliw at makapangyarihan.

Pag-ibig sa pagkastigo't paghatol

Mo'y pumupukaw sa 'kin.

Kita kong mga salita Mo'y katotohanan,

napakahalaga!

Pag-ibig Mo'y napakataos-puso't maganda,

puso'y pinupuno't pinupukaw ang pag-ibig ko.

Napakakaibig-ibig Mo at nakaukit 'yan sa puso ko.

Nais ko'y ihandog sa 'Yo ang puso't pag-ibig ko.

Salita Mo'ng katotohanan, naangkin ang puso ko.

Ang mamuhay sa salita Mo'ng pinakamaligaya.

Nais kong mahalin, patotohanan at sundan Ka.

Kung patotoo ko'y tapos na,

sasalubungin Kitang nakangiti Ka.


Nasa'n Ka na ngayon, pinakamamahal ko?

Habang nananabik sa pag-ibig Mo,

magdamag akong 'di makatulog.

Mahal Mo ako ngunit ba't Ka nagtatago sa 'kin?

Puso ko'y 'di mapalagay

'pag 'di makita'ng 'Yong mukha.

Sa pagdurusa't pagsubok, umaasa ako sa 'Yo.

Sa paggabay ng mga salita Mo,

para na ring nakikita Ka.

Sa pagmamahal at pagsunod sa 'Yo,

pananalig ko'y lumalakas.

Bigay ng pamumuhay sa salita Mo'y

ginhawa't kapayapaan.

Salita Mo'ng katotohanan, naangkin ang puso ko.

Ang mamuhay sa salita Mo'ng pinakamaligaya.

Nais kong mahalin, patotohanan at sundan Ka.

Kung patotoo ko'y tapos na,

sasalubungin Kitang nakangiti Ka.

Kung patotoo ko'y tapos na,

sasalubungin Kitang nakangiti Ka.

Sinundan: 148 Ang Pinakadakilang Kagalaka’y Paghahangad na Mahalin ang Diyos

Sumunod: 150 Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko’y sa’Yo

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger