Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Klasikong Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

I Mga Klasikong Salita tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Pagliligtas sa Sangkatauhan

1. Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang Aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa katangian ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto angkop ang gawaing ito sa mga pangangailangan ng tao—o, para mas malinaw, ginagawa ito ayon sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikidigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay mailigtas ang buong lahi ng tao, na sumasailalim sa kapangyarihan ni Satanas. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, at ibunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas; higit pa riyan, ito ay upang tulutan ang mga nilalang na mapaghiwalay ang mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Pinuno ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang tiwali, ang siyang masama, at upang masabi nila, nang may lubos na katiyakan, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at ano ang hamak. Sa gayon ay makakaya ng mangmang na sangkatauhan na magpatotoo sa Akin na hindi Ako ang nagtitiwali sa sangkatauhan, at Ako lamang—ang Lumikha—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang maaaring magkaloob sa tao ng mga bagay na makasisiya sa kanila; at malalaman nila na Ako ang Pinuno ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa mga nilalang na Aking nilikha at na paglaon ay kinalaban Ako. Ang Aking anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto, at nagsisikap Akong makamit ang epekto ng pagbibigay-kakayahan sa Aking mga nilalang na magpatotoo sa Akin, at maunawaan ang Aking kalooban, at malaman na Ako ang katotohanan.

—mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

2. Ang tatlong yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakaaalam tungkol sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayahang tantuin kung paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, ni hindi rin nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos, at nananatili silang mangmang tungkol sa maraming paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan. Ang tatlong yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Yaong mga hindi nakaaalam ng tatlong yugto ng gawain ay magiging mangmang tungkol sa iba’t ibang mga paraan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu; yaong mga mahigpit na kumakapit lamang sa doktrina na naiiwan mula sa isang yugto ng gawain ay mga taong nililimitahan ang Diyos sa doktrina, at ang kanilang paniniwala sa Diyos ay malabo at alanganin. Ang mga taong ganoon ay hindi kailanman makatatanggap ng pagliligtas ng Diyos. Ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos lamang ang lubos na makapaghahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos, at ganap na makapaghahayag ng hangarin ng Diyos na pagliligtas sa buong sangkatauhan, at ng buong proseso ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ito ang katunayan na natalo na Niya si Satanas at nakamit ang sangkatauhan, ito ay katunayan ng tagumpay ng Diyos, at ang pagpapahayag ng kabuuang disposisyon ng Diyos.

—mula sa “Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

3. Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto ng gawain. Walang nag-iisang yugto ang kayang kumatawan sa gawain ng tatlong kapanahunan nguni’t kaya lamang kumatawan sa isang bahagi ng kabuuan. Ang pangalang Jehova ay hindi maaaring kumatawan sa lahat ng disposisyon ng Diyos. Ang katunayan na nagsagawa Siya ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay maaaring maging Diyos lamang sa ilalim ng kautusan. Nagtakda si Jehova ng mga batas para sa tao at nagbaba ng mga kautusan, na humihingi sa tao na magtayo ng templo at mga altar; ang gawain na ginawa Niya ay kumakatawan lamang sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain na ginawa Niya ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay ang Diyos na humihingi sa tao na panatilihin ang kautusan, ang Diyos sa templo, o ang Diyos sa harapan ng altar. Hindi masasabi ito. Ang gawain sa ilalim ng kautusan ay maaari lamang kumatawan sa isang kapanahunan. Samakatuwid, kung ginawang mag-isa ng Diyos ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, bibigyang-kahulugan ng tao ang Diyos at sasabihing, “Ang Diyos ay ang Diyos sa templo. Upang makapaglingkod sa Diyos, kailangan nating magsuot ng mga kasuotang pangsaserdote at pumasok sa templo.” Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi naisagawa kahit kailan at ang Kapanahunan ng Kautusan ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan, hindi malalaman ng tao na ang Diyos ay maawain din at mapagmahal. Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagawa, at tanging yaong sa Kapanahunan ng Biyaya ang nagawa, ang malalaman lamang ng tao ay na ang Diyos ay nakakapagtubos lamang sa tao at nakakapagpatawad lamang sa mga kasalanan ng tao. Ang malalaman lamang nila ay na Siya’y banal at walang-sala, na kaya Niyang isakripisyo ang Sarili Niya at mapako sa krus para sa tao. Ito lamang ang malalaman ng tao at wala na siyang magiging kaunawaan sa iba pa. Kaya ang bawa’t kapanahunan ay kumakatawan sa isang bahagi ng disposisyon ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kautusan ay kumakatawan sa ilang mga aspeto, ang Kapanahunan ng Biyaya sa ilang mga aspeto, at ganoon din ang kapanahunang ito sa ilang mga aspeto. Ang disposisyon ng Diyos ay maibubunyag lamang nang lubusan sa pamamagitan ng kombinasyon ng lahat ng tatlong yugto. Tanging kapag nalalaman ng tao ang lahat ng tatlong yugto saka magagawa ng tao na tanggapin ito nang buo. Walang isa sa mga tatlong yugto ang maaaring kaligtaan. Makikita mo lamang ang disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito kapag nalaman mo itong tatlong yugto ng gawain. Ang pagtatapos ng Diyos sa Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na Siya lamang ang Diyos sa ilalim ng kautusan, at ang pagtatapos ng Kanyang gawain ng pagtubos ay hindi nagpapakita na ang Diyos ay tutubos sa sangkatauhan magpakailanman. Ang lahat ng mga ito ay mga konklusyon na binuo ng tao. Dahil ang Kapanahunan ng Biyaya ay dumating na sa katapusan, hindi mo masasabi sa gayon na ang Diyos ay para lamang sa krus at na ang krus ang natatanging kumakatawan sa pagliligtas ng Diyos. Kung ginagawa mo ang ganoon, binibigyan mo ng pakahulugan ang Diyos. Sa yugtong ito, ang Diyos higit sa lahat ay gumagawa ng gawain ng salita, nguni’t hindi mo maaaring sabihin na ang Diyos ay hindi kailanman naging maawain sa tao at na ang lahat ng nadala Niya ay pagkastigo at paghatol. Ang gawain sa mga huling araw ay naglalantad sa gawain ni Jehova at ni Jesus at sa lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao. Ginagawa ito upang ibunyag ang hantungan at ang katapusan ng sangkatauhan at tapusin ang lahat ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng sangkatauhan. Itong yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ay naghahatid sa lahat ng bagay sa katapusan. Lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao ay dapat malutas upang pahintulutan ang tao na magkaroon ng panloob na pananaw sa bagay na ito at magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Doon pa lamang maaaring mahati ang mga tao ayon sa kanilang mga uri. Pagkatapos lamang na maganap ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala saka maiintindihan ng tao ang kabuuang disposisyon ng Diyos, dahil ang Kanyang pamamahala ay doon lamang darating sa pagtatapos.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4. Walang nag-iisang yugto sa tatlong yugto ang maaaring itaas bilang ang tanging pangitain na dapat malaman ng buong sangkatauhan, sapagka’t ang kabuuan ng gawain ng pagliligtas ay ang tatlong yugto ng gawain, hindi ang isang yugtong kabilang sa kanila. Habang ang gawain ng pagliligtas ay hindi pa natatapos, ang pamamahala ng Diyos ay hindi makakarating sa ganap na katapusan. Ang pagiging Diyos, disposisyon, at karunungan ng Diyos ay inihahayag sa buong gawain ng pagliligtas, hindi ibinunyag sa tao sa pinakasimula, nguni’t unti-unting nahahayag sa gawain ng pagliligtas. Ang bawat yugto ng gawain ng pagliligtas ay naghahayag ng bahagi ng disposisyon ng Diyos, at bahagi ng Kanyang pagiging Diyos; hindi lahat ng yugto ng gawain ay maaaring tuwiran at ganap na maghayag ng kabuuan ng pagiging Diyos ng Diyos. Dahil dito, ang gawain ng pagliligtas ay maaari lamang matupad nang lubusan kapag ang tatlong yugto ng gawain ay naganap na, at sa gayon ang kaalaman ng tao tungkol sa kabuuan ng Diyos ay di-maihihiwalay mula sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos. Ang natatamo ng tao mula sa isang yugto ng gawain ay tanging ang disposisyon ng Diyos na inihayag sa iisang bahagi ng Kanyang gawain. Hindi nito makakatawan ang disposisyon at pagiging Diyos na inihayag sa mga yugto bago o pagkatapos nito. Iyan ay dahil sa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi matatapos agad sa isang panahon, o sa isang lugar, kundi unti-unting nagiging mas malalim ayon sa antas ng pagsulong ng tao sa iba’t ibang panahon at mga lugar. Ito ay gawain na isinasakatuparan sa mga yugto, at hindi natatapos sa iisang yugto. Sa gayon, ang buong karunungan ng Diyos ay pinagbubuu-buo sa tatlong yugto, sa halip na sa isang indibiduwal na yugto. Ang kabuuan ng Kanyang pagiging Diyos at buong karunungan ay inilatag sa tatlong yugtong ito, at ang bawat yugto ay naglalaman ng Kanyang pagiging Diyos, at ito ay tala ng karunungan ng Kanyang gawain. Dapat malaman ng tao ang buong disposisyon ng Diyos na inihayag sa tatlong yugtong ito. Lahat nitong tungkol sa pagiging Diyos ng Diyos ay ang pinakamahalaga sa buong sangkatauhan, at kung ang mga tao ay wala nitong kaalamang ito kapag sumasamba sila sa Diyos, kung gayon sila ay walang pagkakaiba sa mga sumasamba kay Buddha. Ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay hindi itinatago sa tao, at dapat malaman ng lahat niyaong mga sumasamba sa Diyos. Dahil tinupad ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao, dapat malaman ng tao ang kahayagan ng kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya sa panahon ng tatlong yugtong ito ng gawain. Ito ang dapat na gawin ng tao.

—mula sa “Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5. Ang tatlong yugto ng gawain ay isang talâ ng buong gawain ng Diyos, ang mga ito ay talâ ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, at hindi kathang-isip ang mga ito. Kung tunay na nagnanais kayong maghanap ng kaalaman sa kabuuang disposisyon ng Diyos, kung gayon ay dapat ninyong alamin ang tatlong yugto ng gawain na isinakatuparan ng Diyos, at bukod dito, wala kayong dapat tanggaling anumang yugto. Ito ang pinakamaliit na dapat makamit ng mga nagnanais na makilala ang Diyos. Ang tao mismo ay walang kakayahang magbunga ng totoong pagkakilala sa Diyos. Ito ay hindi isang bagay na kayang wariin ng tao mismo, hindi rin ito ang bunga ng natatanging pabor ng Banal na Espiritu para sa isang tao. Bagkus, ito ay pagkakilala na dumarating matapos na naranasan na ng tao ang gawain ng Diyos, at ito ay isang pagkakilala sa Diyos na dumarating lamang matapos maranasan ng tao ang mga katotohanan ng gawain ng Diyos. Ang ganoong pagkakilala ay hindi makakamit nang biglaan, hindi rin ito isang bagay na maituturo. Ito ay lubos na may kaugnayan sa personal na karanasan. Ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay nasa kaibuturan nitong tatlong yugto ng gawain, ngunit sa loob ng gawain ng pagliligtas ay kasama ang maraming paraan ng paggawa at paraan kung paano ang disposisyon ng Diyos ay inihahayag. Ito ang pinakamahirap na tukuyin ng tao, at ito ay mahirap maunawaan ng tao. Ang pagkakahiwa-hiwalay ng mga kapanahunan, mga pagbabago sa gawain ng Diyos, mga pagbabago sa kinaroroonan ng gawain, mga pagbabago sa mga tagatanggap nitong gawain, at iba pa—lahat ng ito ay kasama sa tatlong yugto ng gawain. Sa partikular, ang pagkakaiba ng paraan ng paggawa ng Banal na Espiritu, gayundin ang mga pagbabago sa disposisyon, anyo, pangalan, pagkakakilanlan ng Diyos, o ang iba pang mga pagbabago, ay bahagi lahat ng tatlong yugto ng gawain. Ang isang yugto ng gawain ay maaari lamang kumatawan sa isang bahagi, at ito ay limitado sa loob ng isang tiyak na saklaw. Wala itong kaugnayan sa pagkakahiwa-hiwalay ng mga kapanahunan, o mga pagbabago sa gawain ng Diyos, lalong wala sa ibang mga aspeto. Ito ay malinaw na nakikitang katotohanan. Ang tatlong yugto ng gawain ay ang kabuuan ng gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Dapat malaman ng tao ang gawain ng Diyos at disposisyon ng Diyos sa gawain ng pagliligtas, at kung wala ang katotohanang ito, ang iyong pagkakilala sa Diyos ay mga hungkag na salita lamang, walang iba kundi mabubulaklak na pananalita.

—mula sa “Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

6. Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos. Ngayon, nararapat mong maunawaan na ang lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa ngayon ay ang gawain ng nag-iisang Diyos, gawain ng isang Espiritu, at ito ay hindi maipagkakaila.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

7. Ang gawain ng buong plano ng pamamahala ng Diyos ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo. Ang unang yugto—ang paglikha ng mundo—ay personal na ginawa ng Diyos Mismo, at kung hindi nangyari ito, walang sinumang may kakayahang likhain ang sangkatauhan; ang ikalawang yugto ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan, at ito ay personal ding ginawa ng Diyos Mismo; ang ikatlong yugto ay malinaw: Mas malaki ang pangangailangan na ang Diyos Mismo ang tumapos sa Kanyang buong gawain. Ang gawain ng pagtubos, panlulupig, pagtamo, at pagpapasakdal sa buong sangkatauhan ay personal na isinasakatuparang lahat ng Diyos Mismo. Kung hindi Niya personal na ginawa ang gawaing ito, kung gayon ang Kanyang pagkakakilanlan ay hindi makakatawan ng tao, o magagawa ng tao ang Kanyang gawain. Upang talunin si Satanas, upang makamit ang sangkatauhan, at upang bigyan ang tao ng isang normal na buhay sa lupa, personal Niyang pinangungunahan ang tao at personal na gumagawa sa gitna ng tao; para sa kapakanan ng Kanyang buong plano ng pamamahala, at para sa lahat ng Kanyang gawain, kailangang personal Niyang gawin ang gawaing ito.

—mula sa “Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

8. Ang tatlong yugto ng gawain ay ginawa ng isang Diyos, ito ang pinakadakilang pangitain, at ito ang tanging daan upang makilala ang Diyos. Ang tatlong yugto ay maaari lamang magawa ng Diyos Mismo, at walang tao ang kayang gumawa ng gawaing iyon sa ngalan Niya—na ibig sabihin ang Diyos Mismo lamang ang makagagawa ng Kanyang sariling gawain mula sa umpisa hanggang sa ngayon. Kahit ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay naisakatuparan na sa magkakaibang mga kapanahunan at mga lugar, at kahit na ang gawain ng bawat isa ay magkakaiba, lahat nang ito ay ginawa ng isang Diyos. Sa lahat ng pangitain, ito ang pinakadakilang pangitain na dapat malaman ng tao, at kung ito ay maaaring ganap na maintindihan ng tao, kung gayon siya ay makakatayo nang matibay.

—mula sa “Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

9. Naisulong na ng gawaing ginagawa sa kasalukuyan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; iyan ay, ang gawain sa ilalim ng buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay nakasulong na. Bagama’t natapos na ang Kapanahunan ng Biyaya, nagkaroon na ng pag-unlad sa gawain ng Diyos. Bakit paulit-ulit Kong sinasabi na ang yugtong ito ng gawain ay nagtatayo sa ibabaw ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan? Nangangahulugan ito na ang gawain sa kasalukuyan ay pagpapatuloy ng gawaing ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya at isang pagsulong doon sa ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang tatlong yugto ay mahigpit na magkakaugnay at ang bawat kawing sa kadena ay nakadugtong sa isa. Bakit sinasabi Ko rin na ang yugtong ito ng gawain ay nakatayo roon sa ginawa ni Jesus? Kung sakaling hindi nakatayo ang yugtong ito sa gawaing ginawa ni Jesus, isa pang pagpapapako sa krus ang kailangang maganap sa yugtong ito, at ang gawaing pagtubos ng nakaraang yugto ay kailangang ulitin muli. Magiging walang saysay ito. Kaya’t hindi sa ganap nang natapos ang gawain, kundi nakasulong na ang kapanahunan at ang antas ng gawain ay naitaas nang mas mataas pa kaysa rati. Maaaring sabihin na ang yugtong ito ng gawain ay itinatayo sa pundasyon ng Kapanahunan ng Kautusan at sa bato ng gawain ni Jesus. Ang gawain ay itinatayo nang yugtu-yugto, at ang yugtong ito ay hindi isang bagong pasimula. Tanging ang pinagsamang tatlong yugto ng gawain ang maaaring ituring na anim-na-libong-taong plano ng pamamahala.

—mula sa “Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

10. Ang buong pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto, at sa bawat yugto, ang mga angkop na kinakailangan ay itinatalaga sa tao. At saka, habang lumilipas at sumusulong ang mga kapanahunan, ang mga kinakailangan ng Diyos sa buong sangkatauhan ay nagiging lalong mas mataas. Kaya, isa-isang hakbang, ang gawaing ito ng pamamahala ng Diyos ay nakakaabot sa rurok nito, hanggang napagmamasdan ng tao ang katunayan ng “pagpapakita ng Salita sa katawang-tao,” at sa paraang ito ang mga kinakailangan sa tao ay mas tumataas pa, at ang mga pangangailangan sa tao na sumaksi ay mas tumataas. Habang mas nakakaya ng tao na tunay na makipagtulungan sa Diyos, mas niluluwalhati niya ang Diyos. Ang pakikipagtulungan ng tao ay ang patotoo na kinakailangan sa kanya na dalhin, at ang patotoo na kanyang dinadala ay ang pagsasagawa ng tao. Kaya, kung magkakaroon man ng nararapat na bunga ang gawain ng Diyos o hindi, at kung magkakaroon man ng tunay na patotoo o hindi, ay di-naiiwasang kaugnay ng pakikipagtulungan at patotoo ng tao. Kapag natapos ang gawain, na ang ibig sabihin, kapag narating na ang katapusan ng buong pamamahala ng Diyos, kakailanganin sa tao na magpatotoo nang mas mataas, at kapag ang gawain ng Diyos ay nakakarating na sa katapusan nito, ang pagsasagawa at pagpasok ng tao ay makakarating sa rurok ng mga ito. Sa nakalipas, kinailangan sa tao na sumunod sa batas at mga kautusan, at kinailangan na maging matiisin at mapagpakumbaba. Ngayon, ang tao ay kinakailangan na sundin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos at mag-angkin ng labis na pag-ibig sa Diyos, at sa kahuli-hulihan ay kinakailangan sa tao na mahalin pa rin ang Diyos sa gitna ng paghihirap. Ang tatlong yugtong ito ay mga kinakailangan ng Diyos sa tao, isa-isang hakbang, sa kabuuan ng Kanyang pamamahala. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay mas lumalalim kaysa sa huli, at sa bawat yugto ang mga kinakailangan sa tao ay mas tumindi kaysa sa huli, at sa paraang ito, ang buong pamamahala ng Diyos ay unti-unting nabubuo. Talagang dahil sa ang mga kinakailangan sa tao ay lalo pang mas mataas kaya ang disposisyon ng tao ay mas lalong lumalapit sa mga pamantayang kinakailangan ng Diyos, at saka pa lamang unti-unting nakakalayo ang buong sangkatauhan mula sa impluwensya ni Satanas hanggang, kapag ganap nang natapos ang gawain ng Diyos, ang buong sangkatauhan ay nailigtas na mula sa impluwensya ni Satanas. Kapag dumating ang oras na iyon, ang gawain ng Diyos ay makakarating sa katapusan nito, at ang pakikipagtulungan ng tao sa Diyos nang sa gayon ay magkamit ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon ay wala na rin, at ang buong sangkatauhan ay mamumuhay sa liwanag ng Diyos, at mula roon, mawawala na ang pagkasuwail o paglaban sa Diyos. Wala na ring hihingin ang Diyos sa tao, at magkakaroon ng mas maayos na pagtutulungan sa pagitan ng tao at ng Diyos, isa na magiging ang magkasamang buhay ng tao at ng Diyos, ang buhay na mararanasan pagkaraang ganap nang natapos ang pamamahala ng Diyos, at matapos na lubos na nailigtas na ng Diyos ang tao mula sa mga kamay ni Satanas.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

11. Sa gawain ng pagliligtas sa tao, tatlong yugto ang naisasakatuparan, na ang ibig sabihin na ang pakikipagdigma kay Satanas ay hinati sa tatlong yugto bago ang lubos na pagkatalo ni Satanas. Ngunit ang panloob na katotohanan ng kabuuang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas ay yaong ang mga epekto nito ay natatamo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng biyaya sa tao, at pagiging handog para sa kasalanan ng tao, pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao, paglupig sa tao, at paggawang perpekto sa tao. Bilang katunayan, ang pakikipagdigma kay Satanas ay hindi ang pagsusukbit ng mga armas laban kay Satanas, kundi ang pagliligtas sa tao, ang paggawa sa buhay ng tao, at ang pagbabago sa disposisyon ng tao upang siya ay maaaring magtaglay ng patotoo sa Diyos. Ganito kung paano natatalo si Satanas. Si Satanas ay natatalo sa pamamagitan ng pagbabago sa tiwaling disposisyon ng tao. Kapag natalo na si Satanas, iyan ay, kapag ang tao ay lubos nang naligtas, sa gayon ang napahiyang si Satanas ay tuluyan nang magagapos, at sa ganitong paraan, ang tao ay ganap nang naligtas. At kaya, ang diwa ng pagliligtas sa tao ay ang pakikipagdigma kay Satanas, at ang pakikipagdigma kay Satanas ay unang-unang nasasalamin sa pagliligtas sa tao.

—mula sa “Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

12. Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa, na Kanyang napangunahan na hanggang sa araw na ito. Pagkatapos ay iniligtas Niya ang sangkatauhan at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Sa katapusan ay kailangan pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, iligtas nang buo ang sangkatauhan at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawain na Kanyang pinag-aabalahan mula sa simula hanggang sa katapusan—ang pagpapanumbalik sa tao sa kanyang orihinal na larawan at sa kanyang orihinal na wangis. Itatatag Niya ang Kanyang kaharian at ibabalik ang orihinal na wangis ng tao, ibig sabihin na ibabalik Niya ang Kanyang awtoridad sa lupa at ibabalik ang Kanyang awtoridad sa gitna ng buong sangnilikha. Nawalan ng takot ang tao sa Diyos matapos siyang gawing tiwali ni Satanas at nawalan ng silbi na dapat taglayin ng isa sa mga nilalang ng Diyos, naging isang kaaway na suwail sa Diyos. Namuhay ang tao sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas at sumunod sa mga utos ni Satanas; kaya, walang paraan ang Diyos para kumilos sa gitna ng Kanyang mga nilikha, at lalo pang hindi nagagawang magkaroon ng takot ang Kanyang mga nilikha. Ang tao ay nilikha ng Diyos, at kailangang sumamba sa Diyos, ngunit ang tao ay talagang tumalikod sa Diyos at sumamba kay Satanas. Naging idolo si Satanas sa puso ng tao. Kaya nawalan ng lugar ang Diyos sa puso ng tao, na ibig sabihin ay nawalan ng kahulugan ang Kanyang paglikha sa tao, kaya upang maibalik ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao kailangan Niyang ibalik ang tao sa orihinal wangis ng tao at alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon. Upang mabawi ang tao mula kay Satanas, kailangan Niyang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Sa ganitong paraan lamang Niya unti-unting maibabalik ang orihinal na wangis ng tao at ang orihinal na silbi ng tao, at sa huli ay maipanumbalik ang Kanyang kaharian. Ang panghuling pagwasak sa suwail na mga anak na iyon ay isasakatuparan din upang tulutan ang tao na mas sambahin ang Diyos at mamuhay nang mas maayos sa mundo. Yamang nilikha ng Diyos ang tao, hihikayatin Niyang sambahin Siya ng tao; dahil ibig Niyang ibalik ang orihinal na silbi ng tao, ipanunumbalik Niya ito nang lubusan, at nang walang anumang halo. Ang kahulugan ng pagpapanumbalik ng Kanyang awtoridad ay hikayatin ang tao na sambahin at sundin Siya; ibig sabihin ay bubuhayin Niya ang tao dahil sa Kanya at papatayin Niya ang Kanyang mga kaaway dahil sa Kanyang awtoridad; ibig sabihin ay pamamalagiin Niya ang bawat huling bahagi Niya sa sangkatauhan at nang walang anumang pagtutol ng tao. Ang kahariang nais Niyang itatag ay ang Kanyang sariling kaharian. Ang sangkatauhang inaasam Niya ay yaong sumasamba sa Kanya, yaong ganap na sumusunod sa Kanya at taglay ang Kanyang kaluwalhatian. Kung hindi Niya ililigtas ang tiwaling sangkatauhan, mawawalan ng saysay ang Kanyang paglikha sa tao; mawawalan Siya ng awtoridad sa tao, at ang Kanyang kaharian ay hindi na iiral sa lupa. Kung hindi Niya pupuksain ang mga kaaway na iyon na masuwayin sa Kanya, hindi Niya matatamo ang Kanyang ganap na kaluwalhatian, ni hindi rin Niya maitatatag ang Kanyang kaharian sa lupa. Ito ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang gawain at ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang dakilang pagsasakatuparan: upang lubos na mapuksa yaong mga kasama sa sangkatauhan na suwail sa Kanya, at madala sa kapahingahan yaong mga nagawa nang ganap. Kapag ang sangkatauhan ay naibalik na sa kanilang orihinal na wangis, kapag makakaya nang tuparin ng sangkatauhan ang kani-kanilang mga tungkulin, napapanatili ang kanilang sariling lugar at nasusunod ang lahat ng plano ng Diyos, matatamo na ng Diyos ang isang grupo ng mga tao sa lupa na sumasamba sa Kanya, at maitatatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya. Siya ay magkakaroon ng walang-hanggang tagumpay sa lupa, at yaong mga kumokontra sa Kanya ay malilipol sa buong kawalang-hanggan. Ipanunumbalik nito ang Kanyang orihinal na layunin sa paglikha sa tao; ipanunumbalik nito ang Kanyang layunin sa paglikha ng lahat ng bagay, at ipanunumbalik din nito ang Kanyang awtoridad sa lupa, ang Kanyang awtoridad sa lahat ng bagay at ang Kanyang awtoridad sa Kanyang mga kaaway. Ito ang mga simbolo ng Kanyang kabuuang tagumpay. Simula ngayon papasok ang sangkatauhan sa kapahingahan at papasok sa isang buhay na sumusunod sa tamang landas. Ang Diyos ay papasok din sa walang-hanggang kapahingahan kasama ang tao at papasok sa isang buhay na walang hanggan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao. Ang karumihan at pagsuway sa lupa ay maglalaho, gayundin ang pananaghoy sa lupa. Lahat ng nasa lupa na kumokontra sa Diyos ay hindi iiral. Diyos lamang at yaong mga tao na Kanyang nailigtas ang mananatili; ang Kanyang nilikha lamang ang mananatili.

—mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

13. Ganyan ang pamamahala ng Diyos: upang ipasa ang sangkatauhan kay Satanas—isang sangkatauhan na hindi kilala kung ano ang Diyos, kung ano ang Lumikha, kung paano sambahin ang Diyos, at kung bakit kinakailangang magpasakop sa Diyos—at bigyang-kalayaan ang katiwalian ni Satanas. Pagkatapos, paisa-isang hakbang, binabawi ng Diyos ang tao mula sa mga kamay ni Satanas, hanggang ang tao ay ganap na sumasamba sa Diyos at tinatanggihan si Satanas. Ito ang pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng ito ay parang kathang-isip na kwento; at tila ito'y nakakalito. Nararamdaman ng mga tao na ito ay tila isang kathang-isip na kuwento, at iyon ay dahil wala silang pahiwatig kung gaano katindi ang nangyari na sa tao sa nakalipas na ilang libong taon, mas lalo nang hindi nila alam kung ilang kuwento ang nangyari na sa kalawakan ng sansinukob na ito. At karagdagan dito, iyon ay dahil hindi nila mapahahalagahan ang mas kahanga-hanga, mas nakapagsasanhi-ng-takot na mundong umiiral sa kabila ng materyal na mundo, nguni’t kung saan pinipigilan sila ng kanilang mortal na mga mata na makakita. Pakiramdam dito ay hindi mauunawaan ng tao, at iyon ay dahil ang tao ay walang pagkaunawa sa kabuluhan ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan at kabuluhan ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at hindi nauunawaan kung ano ang lubos na ninanais ng Diyos na mangyari sa tao. Ito ba ay isang sangkatauhang katulad kina Adan at Eva, na di nagawang tiwali ni Satanas? Hindi! Ang pamamahala ng Diyos ay upang makamtan ang isang pangkat ng mga tao na sumasamba sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Ang sangkatauhang ito ay ginawang tiwali na ni Satanas, nguni’t hindi na nakikita si Satanas bilang kanyang ama; nakikilala niya ang pangit na mukha ni Satanas, at tinatanggihan ito, at lumalapit sa harap ng Diyos upang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Alam niya kung ano ang pangit, at kung gaano ito kasalungat ng kung ano ang banal, at kinikilala niya ang kadakilaan ng Diyos at ang kasamaan ni Satanas. Ang sangkatauhang tulad nito ay hindi na maglilingkod kay Satanas, o sasamba kay Satanas, o idadambana si Satanas. Iyon ay dahil sila ay isang pangkat ng mga tao na tunay nang nakamit ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. Sa panahon ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sandaling ito, ang sangkatauhan ang pinag-uukulan ng katiwalian ni Satanas, at kasabay nito ay ang pinag-uukulan ng pagliligtas ng Diyos, gayundin ang bunga na pinaglalabanan ng Diyos at ni Satanas. Kasabay ng pagsasagawa ng Kanyang gawain, unti-unting binabawi ng Diyos ang tao mula sa mga kamay ni Satanas, kaya’t ang tao ay lalo pang napapalapit sa Diyos …

—mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

14. Kapag ang tatlong yugto ng gawain ay dumating sa katapusan, magkakaroon ng isang pangkat niyaong mga nagpatotoo sa Diyos, isang pangkat niyaong mga nakakakilala sa Diyos. Ang mga taong ito ay makikilala ang Diyos at makakayang isagawa ang katotohanan. Magtataglay sila ng pagkatao at katinuan, at malalaman lahat ang tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Ito ang gawain na matutupad sa katapusan, at ang mga taong ito ay ang pagbubuu-buo ng gawain ng 6,000 taon ng pamamahala, at ang pinakamakapangyarihang patotoo sa sukdulang pagkatalo ni Satanas. Yaong makapagpa patotoo sa Diyos ay makakatanggap ng pangako at pagpapala ng Diyos, at magiging ang pangkat na naiiwan sa katapus-tapusan, na nagtataglay ng awtoridad ng Diyos at nagpapatotoo sa Diyos.

—mula sa “Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

15. Matapos Niyang isagawa ang Kanyang 6,000 taon ng gawain hanggang sa kasalukuyan, naibunyag na ng Diyos ang marami Niyang pagkilos, una sa lahat upang matalo si Satanas at mailigtas ang buong sangkatauhan. Ginagamit Niya ang pagkakataong ito upang pahintulutan ang lahat sa langit, ang lahat sa lupa, ang lahat ng nasasakop ng mga dagat gayundin ang lahat ng bagay sa lupa na nilikha ng Diyos na makita ang pagka-makapangyarihan sa lahat ng Diyos at upang makita ang lahat ng pagkilos ng Diyos. Sinusunggaban Niya ang pagkakataong talunin si Satanas upang ibunyag ang lahat ng Kanyang pagkilos sa sangkatauhan at pahintulutan ang mga tao na Siya ay sambahin at purihin ang Kanyang karunungan sa pagtalo kay Satanas. Ang lahat ng nasa lupa, sa langit at napapaloob sa karagatan ay nagbibigay sa Kanya ng kaluwalhatian, pinupuri ang Kanyang pagka-makapangyarihan sa lahat, pinupuri ang lahat ng Kanyang mga pagkilos at isinisigaw ang Kanyang banal na pangalan. Ito ay patunay ng pagtalo Niya kay Satanas; ito ang patunay ng paglupig Niya kay Satanas; mas mahalaga, ito ay patunay ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan. Ang buong nilikha ng Diyos ay nagbibigay sa Kanya ng kaluwalhatian, pinupuri Siya sa pagtalo sa Kanyang kaaway at matagumpay na pagbabalik at pinupuri Siya bilang dakilang matagumpay na Hari. Ang Kanyang layunin ay hindi lamang upang talunin si Satanas, kaya ang gawain Niya ay nakapagpatuloy sa loob ng 6,000 taon. Ginagamit Niya ang pagkatalo ni Satanas upang iligtas ang sangkatauhan; ginagamit Niya ang pagkatalo ni Satanas upang ibunyag ang lahat ng Kanyang mga pagkilos at ibunyag ang Kanyang kaluwalhatian. Siya ay magkakamit ng kaluwalhatian, at ang pulutong ng mga anghel ay makikita ang Kanyang kaluwalhatian. Ang mga mensahero sa langit, ang mga tao sa lupa at ang lahat ng sangnilikha sa lupa ay makikita ang kaluwalhatian ng Lumikha. Ito ang gawain na Kanyang isinasagawa. Ang sangnilikha Niya sa langit at lupa ay lahat makikita ang Kanyang kaluwalhatian, at magbabalik Siya nang matagumpay matapos na lubos na talunin si Satanas at pahihintulutan ang sangkatauhan na purihin Siya. Matagumpay Niyang makakamit ang parehong aspetong ito. Sa katapusan, ang lahat ng sangkatauhan ay malulupig Niya, at Kanyang lilipulin ang sinumang lalaban o susuway, ibig sabihin, lilipulin ang lahat ng kabilang kay Satanas.

—mula sa “Dapat Mong Malaman Kung Paano Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Panimula

Sumunod:(I) Mga Salita tungkol sa Paghahayag sa Gawain ng Kapanahunan ng Kautusan

Baka Gusto Mo Rin