95 Ang Pag-ibig ng Diyos

1 O, Makapangyarihang Diyos! Dumating Ka sa mundong ito mula sa langit. Sinusunod Mo ang kalooban ng Ama upang iligtas ang tao, nagkakatawang-tao, nagpapahayag ng katotohanan, at nagdadala ng paghatol. Ikaw ay matuwid at maharlika, at walang pinalalampas na pagkakasala ng tao. Upang iligtas ang sangkatauhan, nagdusa Ka hanggang sa Iyong makakaya nang walang isang salita ng hinaing. Araw-araw, taon-taon, Tinitiis Mo ang labis na pagtanggi, paninirang-puri, at pag-uusig, at napakaraming paghihirap. Ipinahahayag Mo ang Iyong mga salita upang tustusan ang Iyong mga hinirang at upang pamunuan sila; Itinatanim Mo sa amin ang katotohanan at buhay. O, Diyos! Ibinibigay Mo ang lahat ng Iyong pag-ibig alang-alang sa sangkatauhan. Nagbabayad Ka ng anumang halaga nang walang pagsisisi at walang hinaing. Napakadakila ng Iyong pag-ibig, ang pagiging marangal ng Iyong disposisyon ay walang kahambing. Paano kami hindi sasayaw sa kagalakan at malakas na aawit ng mga papuri sa Iyo?

2 O, Makapangyarihang Diyos! Ikaw ay lubhang marangal, napakabuti at marilag! Lumalakad Ka sa mga iglesia, naglalabas ng mga pahayag at mga salita. Ginagabayan kami ng Iyong mga salita sa bawat araw, hinahatulan at nililinis ang aming mga tiwaling disposisyon. Sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino, nakikita namin ang Iyong tunay na pag-ibig. Araw-araw, taon-taon, Tinitiis Mo ang aming pagtutol, paghihimagsik, mga maling pagkakaintindi, at mga hinaing. Tinutustusan Mo ang aming mga pangangailangan nang may di-natitinag na pasensiya. Nakamit namin ang katotohanan at nagkaroon ng bagong buhay. O, Diyos! Sa pagdanas ng Iyong gawain, nakilala namin ang Iyong pag-ibig. Matuwid at banal ang Iyong disposisyon, at lubha itong kaibig-ibig. Handa kami na ibigay ang aming mga puso sa Iyo, na ihandog ang buong sarili namin. Ang hiling ng aming puso ay palaging mahalin Ka at magpatotoo sa Iyo.

Sinundan: 93 Bakit Napakahirap Hanapin ang Tunay na Pag-ibig sa Lupa

Sumunod: 96 Nagbayad na ang Diyos ng Gayong Kalaking Halaga

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito