Bakit Hindi Ko Magawang Umasal nang Matapat

Agosto 3, 2022

Ni Xiaofan, Tsina

Noong una kong sinimulan ang pangangasiwa sa gawain ng pagdidilig, nalaman ko na ang partner kong si Sister Zhang ay madalas nagsasalita ng doktrina, itinataas ang sarili, at nagpapakitang-gilas sa mga pagtitipon, at maraming problema sa gawain ang hindi rin nalutas sa tamang oras. Iniulat ko ang pag-uugali ni Sister Zhang sa mga lider, at pagkatapos siyasatin ang sitwasyon, natukoy ng mga lider na hindi angkop si Sister Zhang bilang superbisor at tinanggal nila siya. Pagkatapos niyon, inilipat ko rin ang ilan sa mga hindi angkop na tao sa grupo, at nakipagbahaginan sa mga kapatid para malutas ang mga problema sa kanilang mga tungkulin. Pagkalipas ng dalawang buwan, bumuti ang gawain, at lahat ay aktibo sa kanilang mga tungkulin. Minsan, binanggit sa isang liham mula sa mga lider na bumuti ang aming pagdidilig ng mga baguhan. Sinabi rin ng dalawa kong partner na sister na magaling ako sa gawain at kayang lutasin ang mga praktikal na problema ng mga kapatid. Kapag nagkakaproblema sila, madalas nila akong puntahan para tanungin. Nang makita ang pagsang-ayon ng mga lider sa aking gawain at ang mataas na respeto at paghanga sa akin ng mga partner ko, napakasaya ko. Naisip ko, “Mukhang mayroon ako ng ilan sa mga realidad ng katotohanan at kaya kong gumawa ng ilang praktikal na gawain.” Unti-unti, nagsimulang tumaas ang tingin ko sa sarili ko. Naisip ko, dahil ako ang superbisor, at lider ng grupo sa mga partner ko, siguradong mas mahusay ako kaysa sa iba sa paglutas ng mga problema.

Noong panahong iyon, ako ang pangunahing responsable sa gawain ng isang grupo. Madalas akong makipagkita at makipagbahaginan sa mga miyembro para malutas ang mga problema at mga paglihis sa gawain, at hindi nagtagal ay bumuti nang husto ang gawain. Pero ang mga grupong pinangangasiwaan ng dalawa kong partner ay hindi gaanong umunlad, lalo na ang grupong pinangangasiwaan ni Sister Li, kung saan ang mga miyembro ay hindi kayang makipagtulungan nang maayos at ang mga problema ay nanatiling hindi nalulutas. Balisang-balisa si Sister Li, at tinanong ako, “Paano ka nakipagbahaginan sa kanila? Paano ka nakakakuha ng gayong magagandang resulta?” Sumagot ako sa isang napakalinaw na paglalarawan ng aking mga pamamaraan. Nang matapos ako, naalala ko ang pinangangasiwaan kong isang brother na may mapagmataas na disposisyon at hindi marunong makipagtulungan sa iba. Hindi ko pa rin nalutas ang isyung ito, at binalak ko noong una na banggitin ang usapin sa lahat at makipagbahaginan sa kanila, pero naisip ko, “Ako ang lider ng grupo, huwaran para sa lahat, kaya kung sasabihin kong mayroong ilang problemang hindi ko malutas, ano ang iisipin ng mga kapatid sa akin? Magtataka ba sila kung bakit may mga problema pa rin na hindi nalulutas kung kasasalita ko lang nang may napakalohikal na kalinawan? Hindi ba nila ako mamaliitin?” Sa huli, wala akong lakas ng loob na banggitin ang isyu. Ilang beses pagkatapos niyon, kapag magkasama naming tinatalakay ang gawain, palagi kong ikinukwento kung paano ko nalutas ang mga problema at kung ano ang mga resulta na nakamit ko, pero wala akong anumang sinabi tungkol sa mga hindi nalutas na problema. Dahil dito, tiningala ako ng dalawa kong partner at inisip na magaling akong lumutas ng mga problema. Sinabi rin nila, “Nauunawaan mo ang katotohanan at taglay mo ang mga realidad nito.” Nang marinig ko ito, namalayan ko na hindi tama ang paraan ng pakikipagbahaginan ko, kaya dali-dali kong idinagdag na “May mga problema rin na hindi ko nalulutas,” at tinapos ko na roon.

Kalaunan, may isang grupo na hindi epektibo ang paggawa, at ang mga kapatid ay nahihirapan sa kanilang mga tungkulin. Kaya sinabi sa akin ni Sister Li, “Ilang beses akong nakipagtipon sa kanila para makipagbahaginan, pero hindi ko pa rin malutas ang kanilang mga problema. Ngayon, sobrang negatibo ako.” Nang marinig ko iyon, hindi talaga ako naging komportable, dahil ilang beses na rin akong pumunta para makipagbahaginan, pero hindi ko nalutas ang mga problema. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong gawin. Gusto kong magtapat tungkol sa kalagayan ko, pero nang makita kong negatibo si Sister Li, naisip ko na kung magtatapat din ako tungkol sa mga paghihirap ko noon, baka magkalat ako ng pagkanegatibo. Isa pa, ako ang lider ng grupo. Kapag nagkakaproblema kami, kailangan kong magtiis, kumapit, at huwag maging negatibo. Noon ako tinanong ni Sister Li, “Nahaharap sa mga suliraning ito, paano ko ito dapat danasin?” Hindi ko alam kung paano sagutin dahil wala akong landas, pero para mapanatili ang aking magandang reputasyon sa kanilang paningin, napasubo ako at sinabing, “Sa pagharap sa mga suliranin, kailangan nating umasa sa Diyos. Napakahirap para kay Noe na itayo ang arka, pero nagawa niya ito sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos. Kailangan nating maging katulad ni Noe at direktang harapin ang ating mga problema.” Pagkatapos, ikinuwento ko ang mga pagkakataong naharap ako sa mga suliranin sa aking tungkulin noon, at kung paano ko inakay ang lahat na mapagtagumpayan ang mga paghihirap at magkamit ng magagandang resulta. Ang dalawang sister na walang pagkakilala ay pinuri pa ako sa aking karanasan, pero hindi ako natuwa. Hindi pa rin namin nalutas ang mga suliranin sa kamakailan naming gawain, kaya hindi ba nagsasalita lang ako ng doktrina at niloloko ang mga tao? Tapos inalo ko ang sarili ko, iniisip, “Ano pa ba ang magagawa ko kundi sabihin ito? Bilang lider ng grupo, ano pa ang magagawa ko? Kahit anong mangyari, kailangan kong manatiling matatag!” Bagamat ayaw ko, sinabi ko, “Hayaan ninyo akong asikasuhin ang problemang ito.” Wala talaga akong ideya kung paano ito haharapin. Pakiramdam ko ay nakadagan sa akin ang bigat ng isang bundok, nang walang matatakasan, pero hindi ako nangahas na magtapat at makipagbahaginan sa aking mga sister. Noon sinabi ni Sister Li, “Ang mga problema sa gawain natin kamakailan ay hindi nalutas. Hindi ba dapat nating pagnilayan ito?” Sinabi sa akin ni Sister Xin, “Sa buong panahong ito, tinitingala ka namin. Pakiramdam namin nauunawaan mo ang katotohanan at nalulutas mo ang mga problema, kaya umaasa kami sa iyo sa lahat ng bagay. Hindi tama itong kalagayan namin.” Pagkatapos ay sinabi rin ni Sister Li, “Sa panahon na nagtatrabaho kami kasama ka, bihira kang magsalita tungkol sa sarili mong katiwalian. Ikinukwento mo lang ang iyong positibong pagpasok. Pero sa ganitong panahon, kapag napakarami nating problema at paghihirap sa gawain natin, nasa negatibong kalagayan kaming dalawa, pero wala kaming nakitang anumang kahinaan mo. Nagpapanggap ka ba?” Nang marinig kong sabihin nila iyon, bumilis ang tibok ng puso ko. Lahat ba ito ay resulta ng pagpapanggap ko? Pero nangamba pa rin ako, at naisip ko, “Ako ang lider ng grupo. Kung magtatapat ako at sasabihing mahina ako, hindi ba ito pagkakalat ng pagkanegatibo? Tulad sa isang digmaan, kapag bumagsak ang mga heneral, hindi ba mas mabilis na matatalo ang mga sundalo?” Pero pagkatapos ay naisip ko, dahil tinitingala ako ng mga partner ko, nangangahulugan ito na nadala ko sila sa harap ko, tiyak na may problema sa landas na tinahak ko. Kailangan kong pagnilayan ang sarili ko! Pagkatapos niyon, nalaman ko na ang ilang iba pa ay nasa negatibong kalagayan din at gusto pa ngang bitawan ang kanilang mga tungkulin, na lubhang nakaaapekto sa gawain. Nahaharap sa mga problemang ito, masyado akong naging negatibo. Hindi ko malutas ang anumang praktikal na mga problema noong panahong iyon. Kung magpapatuloy nang ganito ang mga bagay, mahahadlangan lamang nito ang gawain ng iglesia. Kaya ipinasa ko ang sulat ng aking pagbibitiw sa mga lider ko.

Pagkatapos magbitiw, sinimulan kong pagnilayan ang sarili ko, “Bakit ba lagi akong nagkukunwari at nagpapanggap? Bakit hindi ko magawang magtapat at maging matapat na tao?” Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at dahil doon nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa sarili ko. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Kilala ba ninyo kung sino talaga ang mga Pariseo? Mayroon bang mga Pariseo sa paligid ninyo? Bakit tinatawag na ‘mga Pariseo’ ang mga taong ito? Paano inilalarawan ang mga Pariseo? Sila ay mga taong ipokrito, ganap na huwad, at nagpapanggap sa lahat ng kanilang ginagawa. Anong pagpapanggap ang ginagawa nila? Nagkukunwari silang mabuti, mabait, at positibo. Ganito ba sila talaga? Hinding-hindi. Dahil mga ipokrito sila, lahat ng nakikita at nalalantad sa kanila ay huwad; lahat ito’y pagkukunwari—hindi ito ang kanilang tunay na mukha. Saan nakatago ang tunay nilang mukha? Nakatago ito sa kaibuturan ng kanilang puso, hindi makikita ng iba kahit kailan. Ang lahat ng nakikita ay isang palabas, lahat ng ito ay hindi totoo, ngunit maaari lamang nilang maloko ang mga tao; hindi nila maloloko ang Diyos. Kung hindi hinahangad ng mga tao ang katotohanan, kung hindi nila isinasagawa at dinaranas ang mga salita ng Diyos, hindi nila tunay na mauunawaan ang katotohanan, at kaya gaano man kabulaklak ang kanilang mga salita, ang mga salitang ito ay hindi realidad ng katotohanan, kundi mga salita ng doktrina. Ang ilang tao ay nakatuon lamang sa pag-uulit ng mga salita ng doktrina, ginagaya nila ang sinumang nangangaral ng pinakamatataas na mga sermon, na ang resulta ay sa loob lamang ng ilang taon, ang kanilang pagbigkas ng doktrina ay lalo pang tumataas, at hinahangaan at iginagalang sila ng maraming tao, pagkatapos nito ay nagsisimula silang ikubli ang kanilang sarili, at labis na binibigyang-pansin ang sinasabi at ginagawa nila, ipinapakita ang kanilang sarili bilang mga katangi-tanging banal at espirituwal. Ginagamit nila ang mga tinaguriang espirituwal na teoryang ito para ikubli ang kanilang sarili. Ang mga ito lamang ang tinatalakay nila saanman sila magtungo, paimbabaw na mga bagay na akma sa mga kuru-kuro ng mga tao, ngunit walang alinman sa realidad ng katotohanan. At sa pamamagitan ng pangangaral ng mga bagay na ito—mga bagay na nakaayon sa mga kuru-kuro at panlasa ng mga tao—marami silang taong nalilinlang. Para sa iba, ang mga ganoong tao ay tila napakataimtim at mapagpakumbaba, pero hindi talaga ito totoo; tila mapagparaya, matiisin, at mapagmahal sila, pero pagkukunwari talaga ito; sinasabi nilang mahal nila ang Diyos, ngunit ang totoo ay palabas lamang ito. Iniisip ng iba na ang mga ganoong tao ay banal, pero huwad talaga ito. Saan matatagpuan ang isang taong tunay na banal? Ang kabanalan ng tao ay pawang huwad. Palabas lang ang lahat, isang pagpapanggap. Sa tingin, mukha siyang matapat sa Diyos, ngunit ang totoo ay gumagawa lamang siya para makita ng iba. Kapag walang nakatingin, hindi siya matapat ni katiting, at lahat ng ginagawa niya ay hindi pinag-isipan. Sa panlabas, ginugugol niya ang kanyang sarili para sa Diyos at tinalikuran na niya ang kanyang pamilya at propesyon. Pero ano ang ginagawa niya nang palihim? Nagsasagawa siya ng sarili niyang gawain at nagpapatakbo ng sarili niyang operasyon sa iglesia, kumikita mula sa iglesia at palihim na nagnanakaw ng mga handog sa pagkukunwaring gumagawa para sa Diyos… Ang mga taong ito ang makabagong-panahong mga mapagpaimbabaw na Pariseo(“Anim na Pahiwatig ng Pag-unlad sa Buhay” sa Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw). Napakalinaw na inihayag ng mga salita ng Diyos ang diwa ng mga Pariseo. Nagpanggap ang mga Pariseo at nilinlang ang iba sa lahat ng kanilang ginagawa. Gumamit sila ng panlabas na mabubuting gawa para iligaw ang mga tao at makuha ang kanilang mataas na respeto. Napagnilayan ko na katulad mismo ng mga Pariseo ang naging asal ko. Mula sa sandaling sinimulan kong pangasiwaan ang gawain ng pagdidilig, nang makita kong maayos ang pag-usad at mas epektibo ang gawain, at na hinangaan ako ng mga lider at partner ko, pakiramdam ko ay mas nauunawaan ko ang katotohanan kaysa sa iba at may mas maraming realidad, at hindi namamalayang nagsimulang tumaas ang tingin ko sa sarili. Naisip ko na bilang superbisor, at bilang lider ng grupo, kailangan kong maging mas malakas kaysa sa iba at hindi pwedeng maging negatibo, at kailangan kong maging isang halimbawa sa mga kapatid, kaya nagpanggap ako at pinagtakpan ang sarili ko sa lahat ng ginawa ko. Nang makaranas ng mga paghihirap ang partner kong si Sister Li at humingi ng solusyon sa akin, nagkunwari akong nakakaunawa kahit hindi at pinilit kong sumagot gamit ang mga salita ng doktrina para isipin niyang nauunawaan ko ang katotohanan at taglay ang mga realidad nito. Kapag may mga suliranin ako at hindi ko malutas ang mga ito, labis akong nanlulumo, pero upang hindi makita ng mga kapatid ang kahinaan ko, nagkukunwari akong malakas, na naging dahilan kaya nadama ng mga partner ko na mayroon akong mas mataas na tayog at kayang lumutas ng anumang problema. Para bumuo ng magandang reputasyon sa harap ng mga kapatid, hindi ko kailanman ipinagtapat ang sarili kong katiwalian at mga pagkukulang, tiniis ko ang lahat, gaano man kahirap. Pinilit kong magpanggap at ipresenta ang aking sarili at gumamit ng doktrinang tila tamang pakinggan para lituhin at linlangin ang iba. Dahil dito, hindi lang ako nabigo na lutasin ang sarili kong mga problema at paghihirap, higit sa lahat, hinadlangan ko ang gawain ng iglesia. Pinipinsala ko ang iba at ang sarili ko! Tinatahak ko ang landas ng mga mapagpaimbabaw na Pariseo. Noon ko lang naintindihan ang sinabi ng Diyos, “May kabuluhan ang pagiging isang karaniwang tao; maaari kang mabuhay nang malaya sa pagkabalisa, at magkaroon ng kagalakan at kapayapaan ng isipan. Ito ang tamang landas sa buhay. Kung lagi mong gustong maging isang taong namumukod-tangi, na mas mahusay kaysa sa iba, ipinapahamak mo ang sarili mo, sinisira mo ang sarili mo, at pinahihirap mo ang sariling buhay mo(“Gusto Nilang Umatras Kapag Walang Katungkulan o Walang Pag-asang Magtamo ng mga Pagpapala” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Napakatotoo ng mga salita ng Diyos! Ang palaging paghahangad ng paghanga ng iba at pagiging mas mataas ay hahantong lamang sa pagiging laruan ni Satanas at pamumuhay sa pasakit. Sa pamamagitan lamang ng pagbitaw sa katanyagan at katayuan, paghahangad na maging isang matapat na tao, at pagiging isang ordinaryo at praktikal na tao tayo makakaasal nang may kalayaan at ginhawa, at makakadama ng kapayapaan at katiwasayan.

Sa pamamagitan ng pagninilay-nilay, napagtanto ko rin na mali ang pananaw ko. Akala ko ang pagtatapat tungkol sa mga kahinaan at paghihirap ko ay pagpapakalat ng pagkanegatibo, kaya hindi ako nangahas na magtapat. Sa totoo lang, hindi ko naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng magtapat at kung ano ang ibig sabihin ng magpakalat ng pagkanegatibo. Nalito ako sa mga konsepto. Kalaunan, naghanap ako ng mga nauugnay na bahagi ng salita ng Diyos para kainin at inumin. Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos, “Tingnan muna natin kung paano dapat unawain at kilalanin ang nakikitang pagkanegatibo, kung paano dapat tukuyin ang pagkanegatibo ng mga tao, anong mga mensahe at namamalas sa kanila ang nagpapakita ng pagkanegatibo. Higit sa lahat, ang pagkanegatibong ipinapakita ng mga tao ay hindi positibo, isa iyong masamang bagay na sumasalungat sa katotohanan, isang bagay iyon na nanggagaling sa kanilang tiwaling disposisyon. Ang pagkakaroon ng tiwaling disposisyon ay humahantong sa mga paghihirap sa pagsasagawa ng katotohanan at pagsunod sa Diyos—at dahil sa mga paghihirap na ito, nabubunyag ang mga negatibong saloobin at iba pang mga negatibong bagay sa mga tao. Ang mga bagay na ito ay nagmumula sa konteksto ng pagsisikap nilang isagawa ang katotohanan; ito ay mga saloobin at pananaw na nakakaapekto at humahadlang sa mga tao kapag sinisikap nilang isagawa ang katotohanan, at lubos na mga negatibong bagay. Gaano man naaayon sa mga kuru-kuro ng tao at gaano man kamakatwirang pakinggan ang mga negatibong saloobing ito, hindi nagmumula ang mga ito sa pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, lalo nang hindi pagdanas at pagkaalam sa mga salita ng Diyos ang mga ito. Sa halip, nagmumula ang mga ito sa isipan ng tao, at hindi talaga sang-ayon sa katotohanan—kaya nga ito ay mga negatibong bagay, masasamang bagay. Ang layunin ng mga taong nagpapakita ng pagkanegatibo ay makahanap ng maraming obhektibong dahilan para sa kabiguan nilang isagawa ang katotohanan, para makuha ang simpatiya at pag-unawa ng ibang mga tao. Sa iba’t ibang antas, ang ugaling ito ay nakakaimpluwensya at umaatake sa inisyatibo ng mga tao na isagawa ang katotohanan, at maaari pa ngang patigilin ang maraming tao sa pagsasagawa ng katotohanan. Dahil sa mga kahihinatnan at masamang epektong ito, nagiging mas marapat na tukuyin ang mga negatibong bagay na ito bilang masama, laban sa Diyos, at lubos na salungat sa katotohanan. Ang ilang tao ay bulag sa diwa ng pagkanegatibo, at iniisip nila na ang madalas na pagkanegatibo ay normal, na wala itong malaking epekto sa paghahangad nila sa katotohanan. Mali ito; sa katunayan, napakalaki ng epekto nito, at kung hindi na makayanan ang tindi ng pagkanegatibo, madali itong mauwi sa pagtataksil. Ang katakot-takot na kahihinatnang ito ay sanhi ng walang iba kundi pagkanegatibo. Kaya paano dapat tukuyin at unawain ang pagpapakita ng pagkanegatibo? Sa madaling sabi, ang magpakita ng pagkanegatibo ay panlilinlang sa mga tao at pagpapatigil sa kanila na isagawa ang katotohanan; ito ay paggamit ng mga banayad na taktika, ng tila normal na mga pamamaraan, para linlangin ang mga tao at tisurin sila. Nakakapinsala ba ito sa kanila? Talagang lubhang nakakasira ito sa kanila. Kaya nga, ang pagpapakita ng pagkanegatibo ay isang bagay na masama, kinokondena ito ng Diyos; ito ang pinakasimpleng interpretasyon ng pagpapakita ng pagkanegatibo. … Hindi ba naglalaman ng pagsuway, kawalan ng kasiyahan, mga hinaing, at sama ng loob ng mga tao ang pagiging negatibo? Mayroon ding napakaseryosong mga bagay, tulad ng pagkontra, paglaban, at maging pakikipagtalo. Ang mga komentong naglalaman ng mga elementong ito ay maaaring tukuyin bilang pagpapahiwatig ng pagiging negatibo(Pagkilala sa mga Huwad na Lider). “Ang ibig sabihin ng ‘pagbabahagi at pagniniig ng mga karanasan’ ay pagbabahagi ng iyong mga karanasan at kaalaman tungkol sa mga salita ng Diyos, pagsasabi ng bawat kaisipang nasa iyong puso, ng iyong kalagayan, at ng tiwaling disposisyong nalalantad sa iyo, at pagpapahintulot sa ibang kilatisin ang mga iyon, at pagkatapos ay paglutas sa mga problema sa pamamagitan ng pagbabahaginan sa katotohanan. Kapag ang mga karanasan ay ipinagbahaginan sa ganitong paraan, saka lamang makikinabang ang lahat at magkakamit nang marami; ito lamang ang tunay na buhay-iglesia(“Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat” sa Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko. Ang pagpapakalat ng pagkanegatibo ay nangangahulugan na pagpapahayag, nang may sarili mong mga motibo at tiwaling disposisyon, ng kawalang-kasiyahan sa gawain ng sambahayan ng Diyos at ng mga maling pagkaunawa at reklamo tungkol sa Diyos, para magkaroon ang iba ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos, o ayaw pa ngang sundan ang Diyos at tuparin ang kanilang mga tungkulin. Halimbawa, kung ang isang tao ay tinabasan at iwinasto, maaari siyang makipagtalo at magreklamo, nagsasanhing magkaroon ang iba ng mga kuru-kuro at maling pagkaunawa tungkol sa gawain ng Diyos. Ito ay pagpapakalat ng pagkanegatibo. Pero ang pagiging bukas ay pagiging isang matapat na tao. Hindi ito simpleng pagbabahagi sa iyong karanasan ng pagsasagawa ng katotohanan. Dapat ka ring magtapat tungkol sa lahat ng iyong sariling katiwalian, mga paghihirap, mga pagkukulang, at ang karumihan at mga maling layunin sa iyong tungkulin para makita ng lahat, para ang lahat ay matukoy at masuri ang mga ito. Ang layon ng pagtatapat ay para hanapin ang katotohanan upang malutas ang iyong mga problema at paghihirap, at upang malutas ang iyong mga tiwaling disposisyon. Ito ay isang uri ng positibong pagsasagawa. Nang maunawaan ko ang aspetong ito ng katotohanan, sinadya kong magtapat tungkol sa aking katiwalian at mga pagkukulang sa aking tungkulin, at hinanap ang katotohanan kasama ang mga kapatid para malutas ang mga ito. Unti-unti, nagsimulang magbago ang kalagayan ko, at mas naging epektibo ako sa tungkulin ko. Kalaunan, nakita ng mga lider ko na mayroon akong kaunting pagsisisi at pagkakilala sa sarili, kaya tinanong nila kung sa palagay ko ay pwede kong ituloy ang gawain ko bilang isang superbisor ng pagdidilig. Sobra akong naantig. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng pagkakataong magpatuloy sa tungkuling ito. Pinasalamatan ko ang biyaya ng Diyos para sa akin, at handa akong tuparin ang mga responsibilidad ko. Pagkatapos niyon, lalo akong naging kompiyansa sa pagiging isang matapat na tao, at hindi naging ganoon kahirap ang magsagawa ng pagtatapat. Matapos ang maikling panahon, sinabi sa akin ng partner kong si Sister Xin, “Pakiramdam ko ay medyo nagbago ka na ngayon. Mabuti na kaya mong isagawa ang katotohanan sa pamamagitan ng pagtatapat nang ganito.” Tuwang-tuwa ako nang marinig kong sinabi niya iyon, at pakiramdam ko ay nakapagbago na ako sa wakas. Pero ang masasayang sandali ay hindi nagtatagal. Nang maglaon, bumalik ang problema ko.

Sa pagtatapos ng isang pagtitipon, tinanong ko ang lahat kung mayroon silang anumang mga katanungan. Sinabi ng isang sister na kamakailan lamang ay nagkaroon siya ng problema sa mga tungkulin niya at hindi niya alam kung ano ang gagawin, kaya gusto niyang tumulong ako. Sa oras na iyon, wala akong maisip na magandang paraan, kaya tinanong ko ang lahat kung ano ang iniisip nila. Isang brother ang nakaisip ng solusyon, lahat ay tumango bilang pagsang-ayon, at naisip ko na angkop din ang solusyong iyon. Masayang sinabi ng sister, “Maganda ang solusyon mo. Bakit hindi ko ito naisip?” Gusto kong sumagot na, “Hindi ko rin naisip ang solusyong ito.” Pero naisip ko, “Ako ang superbisor. Kung sasabihin ko iyon, ano ang iisipin ng mga tao sa akin? Sasabihin ba nila na hindi ako kasinggaling ng mga kapatid sa paglutas ng mga problema?” Kaya, nagpanggap ako at idinagdag ang ilang sarili kong detalyadong payo sa solusyon na ibinigay ng brother. Pagkatapos kong magbahagi, sinabi ng sister, “Ngayon ay mayroon na akong landas.” Nang marinig ang sinabi niya, medyo nakonsensya ako, at naisip ko, “Hindi ba ako nanlilinlang ng mga tao? Bakit nagpapanggap na naman ako?” Kalaunan, kumain at uminom ako ng ilan sa mga salita ng Diyos na nauugnay sa kalagayan ko. Nakita ko na sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Anong disposisyon iyon kapag ang mga tao ay laging nagpapanggap, laging pinagtatakpan ang kanilang sarili, laging nagkukunwari upang maging mataas ang tingin sa kanila ng iba, at hindi makita ang kanilang mga pagkakamali o pagkukulang, kapag lagi nilang sinisikap na ipakita sa mga tao ang pinakamagandang aspeto nila? Ito ay kayabangan, pagkukunwari, pagpapaimbabaw, ito ang disposisyon ni Satanas, ito ay isang masamang bagay. Tingnan natin ang mga miyembro ng satanikong rehimen: Gaano man sila maglaban-laban, mag-away-away, o magpatayan nang lihim, walang sinumang pinapayagang mag-ulat o magsiwalat nito. Natatakot sila na makikita ng mga tao ang kanilang mala-demonyong mukha, at ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para pagtakpan ito. Sa harap ng iba, ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para pagtakpan ang kanilang sarili, sinasabi nila kung gaano nila kamahal ang mga tao, kung gaano sila kadakila, kamaluwalhati at kawasto. Ito ang kalikasan ni Satanas. Ang prominenteng katangian ng kalikasan ni Satanas ay panloloko at panlilinlang. At ano ang layon ng panloloko at panlilinlang na ito? Para dayain ang mga tao, para pigilan silang makita ang diwa at tunay na mga kulay nito, at nang sa gayon ay makamtan ang layon na mapatagal ang pamumuno nito. … Gumagamit si Satanas ng lahat ng uri ng pamamaraan para linlangin, lokohin, at dayain ang mga tao, na nagbibigay sa kanila ng huwad na imahe. Gumagamit pa ito ng pananakot at pagbabanta para makadama ng pagpipitagan at takot ang mga tao, na ang panghuling layon ay mahikayat silang magpasakop kay Satanas at sambahin ito. Ito ang nagpapalugod kay Satanas; ito rin ang layon nito sa pakikipagpaligsahan sa Diyos para makuha ang loob ng mga tao. Kaya, kapag nakikipaglaban kayo sa ibang mga tao para sa katayuan at reputasyon, ano ang ipinaglalaban ninyo? Para ba talaga maging bantog? Hindi. Ang totoong ipinaglalaban mo ay ang mga kapakinabangang hatid sa iyo ng kabantugan(“Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao” sa Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw). “Ang mga taong hindi nagtatapat kahit kailan, laging may itinatago, laging nagkukunwaring matuwid, laging nagsisikap na respetuhin sila ng iba, na hindi hinahayaan ang iba na lubos silang maunawaan at hinihimok ang ibang hangaan sila—hindi ba hangal ang mga taong ito? Napakahangal ng mga taong ito! Iyon ay dahil sa malao’t madali ay malalantad ang totoo tungkol sa isang tao. Anong landas ang kanilang tinatahak sa kanilang inaasal? Ang landas ng mga Pariseo. Nanganganib ba ang mga mapagpaimbabaw o hindi? Sila ang mga taong pinakakinamumuhian ng Diyos, kaya iniisip mo ba na hindi sila nanganganib? Lahat ng Pariseong iyon ay tumatahak sa landas tungo sa kapahamakan!(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw). Matapos pagnilayan ang salita ng Diyos, naunawaan ko na ang ugat ng pagpapanggap ay ang pagtataguyod sa iyong sarili at pagpapatingala sa mga tao sa iyo, at ang dominahin ang mga tao, kontrolin sila, at patatagin ang iyong sariling posisyon. Ito ay pinamamahalaan ng mapagmataas at masasamang disposisyon, at pagtahak sa landas ng paglaban sa Diyos. Tungkol naman sa problema ng sister ko, malinaw na hindi ko alam kung paano ito lulutasin, pero natakot akong mamaliitin ako ng mga kapatid ko kapag nalaman nila iyon, kaya nagpanggap ako, idinagdag ang aking mga ideya sa kaalaman ng brother na iyon at ipinresenta ito bilang akin, para isipin ng lahat na may pagkaunawa ako, na naiintindihan ko ang katotohanan, at taglay ang mga realidad nito. Gumamit ako ng panlilinlang para makuha ang mataas na respeto ng lahat sa maling pag-aasam na hahangaan nila ako at aasa sa akin. Tinatahak ko ang landas ng paglaban sa Diyos ng mga Pariseo. Ang mga Pariseo ay mga mapagpaimbabaw na manlilinlang, at sila ay kinondena at isinumpa ng Diyos. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nalalabag, kaya kung hindi ako magsisisi, at patuloy akong magpapanggap para makuha ang paghanga ng iba at mapatatag ang aking posisyon, alam ko na sa huli ay palalayasin at parurusahan ako ng Diyos dahil sa paglaban ko sa Kanya. Nang makita ko ang kalubhaan ng problema, medyo natakot ako, kaya agad akong nanalangin sa Diyos para sabihin na gusto kong magsisi.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos na nagpakita sa akin kung paano tratuhin nang tama ang maitaas ng ranggo. Sabi ng mga salita ng Diyos, “May ilang tao na itinataas ng ranggo at nililinang ng iglesia, at mabuting bagay ito, isa itong magandang pagkakataon para masanay. Masasabi na itinaas at biniyayaan sila ng Diyos. Kaya, paano nila dapat gampanan ang kanilang tungkulin? Ang unang prinsipyo na dapat nilang sundin ay ang maunawaan ang katotohanan. Kapag hindi nila nauunawaan ang katotohanan, dapat nilang hanapin ang katotohanan, at kung hindi pa rin nila nauunawaan matapos ang paghahanap, maaari silang humanap ng isang taong nakakaunawa sa katotohanan para makipagbahaginan at maghanap kasama niya, na magiging dahilan para mas mapabilis at tama sa oras ang paglutas sa problema. Kung tututok ka lang sa paggugol ng mas maraming oras sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos nang mag-isa, at sa paggugol ng mas maraming oras sa pagninilay sa mga salitang ito, para makamit ang pagkaunawa sa katotohanan at malutas ang problema, napakabagal nito; ayon nga sa kasabihan, ‘Kailangan makaisip agad ng solusyon para sa problema.’ Pagdating sa katotohanan, kung nais mong umunlad kaagad, dapat mong matutuhan kung paano magtrabaho nang matiwasay kasama ng iba, at magtanong ng mas maraming katanungan, at mas maghanap pa. Saka lamang mabilis na lalago ang iyong buhay, at magagawa mong malutas ang mga problema sa oras, nang walang anumang pagkaantala sa alinman. Dahil katataas pa lang ng ranggo mo at nasa probasyon ka pa rin, at hindi mo tunay na nauunawaan ang katotohanan o taglay ang realidad ng katotohanan—dahil wala ka pa rin ng tayog na ito—huwag mong isipin na ang pagkakataas ng iyong ranggo ay nangangahulugang taglay mo na ang realidad ng katotohanan; hindi iyon ganoon. Ito ay dahil lang may nadarama kang pasanin sa gawain at nagtataglay ka ng kakayahan ng isang lider kaya ka napiling itaas ng ranggo at linangin. Kailangan may ganito kang pag-unawa. Kung, matapos na itaas ng ranggo at gamitin, maupo ka sa posisyon ng lider o manggagawa at maniwala na taglay mo ang realidad ng katotohanan, at na isa kang taong naghahangad ng katotohanan—at kung, kahit ano pa ang mga problemang mayroon ang mga kapatid, nagkukunwari kang nauunawaan mo, at na espirituwal ka—kung gayon ay isa itong kahangalan, at katulad ito ng kapaimbabawan ng mga Pariseo. Dapat magsalita at kumilos ka nang totoo. Kapag hindi mo nauunawaan, maaari ka namang magtanong sa iba o maghanap ng mga kasagutan at pagbabahaginan sa Itaas—walang nakakahiya tungkol sa alinman dito. Kahit hindi ka magtanong, malalaman pa rin ng Itaas ang totoo mong tayog, at malalaman na wala sa iyo ang realidad ng katotohanan. Ang marapat mong gawin ay ang maghanap at makipagbahaginan; ito ang katuturan na dapat makita sa normal na pagkatao, at ang prinsipyo na dapat sundin ng mga lider at manggagawa. Hindi ito isang bagay na dapat ikahiya. Kung iniisip mo na kapag naging lider ka na ay nakakahiyang palaging magtanong sa ibang mga tao o sa Itaas, o na hindi maunawaan ang mga prinsipyo, at kung magkukunwari ka dahil dito, na nagpapanggap na nauunawaan mo, na alam mo, na kaya mo ang gawain, na kaya mong gawin ang anumang gawain ng iglesia, at hindi mo kailangan ang kahit sino para magpaalala o magbahagi sa iyo, o kahit sino para tustusan o suportahan ka, mapanganib ito, at masyado itong mayabang at mapagmagaling, masyadong walang katuturan. Ni hindi mo nga alam ang sarili mong katangian—at hindi ka ba nito ginagawang hangal? Ang gayong mga tao ay hindi talaga natutugunan ang mga pamantayan ng pagtataas ng ranggo at paglinang ng sambahayan ng Diyos, at sa malao’t madali ay papalitan o papalayasin sila(Pagkilala sa mga Huwad na Lider). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko. Ayaw ng Diyos na maging dalubhasa ako o isang taong alam ang lahat ng bagay. Nais ng Diyos na magkaroon ako ng tamang layunin sa tungkulin ko, gampanan ang tungkulin ko nang buong puso at isipan, at anuman ang mga kakulangan ko, mas maghanap at makipagbahaginan sa mga kapatid, at makipagtulungan nang maayos. Ganito ang pagkilos nang may katwiran. Pero naging mayabang ako at ignorante, at lagi kong nararamdaman na bilang isang superbisor, kailangan kong maging mas mataas sa mga kapatid, at kailangan kong malutas ang bawat problema. Dahil dito, nagpanggap ako at ipinresenta ang sarili ko kahit saan at nagkunwaring naiintindihan ang mga bagay-bagay. Pinagod ko ang sarili ko at hinadlangan ang gawain ng iglesia. Sobrang wala akong kahihiyan, at katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw ko! Ang maitaas ng ranggo bilang superbisor ay isang pagkakataon na ibinigay lamang sa akin ng Diyos para magsagawa. Hindi ito nangyari dahil mas nauunawaan ko ang katotohanan kaysa sa iba, at hindi ito isang paraan para patunayan na ang identidad at katayuan ko ay mas mataas kaysa sa iba. Katulad ako ng mga kapatid, maraming katotohanan ang hindi ko nauunawaan, at maraming problema ang hindi ko malinaw na nakikita o nalulutas. Mayroon lamang akong ilang kabatiran sa mga partikular na usapin, at maging iyon ay kaliwanagan ng Diyos; hindi ibig sabihin na taglay ko ang anumang realidad. Pero hindi ko alam ang sarili kong kalidad. Para mapanatili ang aking reputasyon at katayuan, wala akong ginawa kundi subukang magpanggap. Hindi lang ako nabigong maunawaan ang katotohanan at pumasok sa mga realidad nito, lalo pa akong naging masama, tuso, at mayabang. Napakahangal ko! Nang mapagtanto ko ito, nanumpa ako sa sarili ko na hindi na ako magpapanggap o lolokohin ang sarili. Gusto kong isagawa ang pagiging isang matapat na tao at tuparin nang maayos ang mga responsibilidad at tungkulin ko.

Pagkaraan ng ilang araw, habang tinatalakay namin ng mga partner ko ang gawain, sinabi ni Sister Xin na nakakita siya ng isang baguhan na may napakabilis na pag-usad. Kaagad kong sinabi, “Dinidiligan ko ang baguhang iyon.” Nang matapos ako, napagtanto ko, “Hindi ba nagpapakitang-gilas lang ako?” Binalak ko noong una na magtapat at ilantad ang sarili. Pero naisip ko, “Sobrang nakakahiya iyon. Iisipin ba ni Sister Xin na hindi ako makatwiran, at nagpapakitang-gilas ako sa tuwing nakakagawa ako ng magandang bagay sa takot na hindi malaman ng iba?” Napagtanto ko na muli na naman sana akong magpapanggap, kaya mabilis akong nanalangin sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako para matalikdan ko ang aking sarili. Kaya, nag-ipon ako ng lakas ng loob na magtapat at ilantad na ang layon ng mga salita ko ay upang itaas at ihayag ang sarili ko. Sinabi ni Sister Xin, “Napansin ko nga noong sinabi mo iyon. Pero mabuti na kaya mong magtapat tungkol sa sarili mo, at sinasadya mong maging isang matapat na tao.” Napahiya ako nang marinig ko ang sinabi niya, pero naramdaman ko rin na kung hindi ako magpapanggap o manlilinlang, at kung magtatapat ako nang ganito, makakaramdam ako ng labis na katiwasayan at pagpapalaya.

Matapos maranasan ang lahat ng ito, nakita ko nang malinaw ang isang katunayan. Noon, ayaw kong ilantad ang katiwalian ko, palagi kong gustong magpanggap, iniisip na kung hindi ito makikita ng iba, mapapanatili ko ang reputasyon ko. Pero ang totoo, ito ay panlilinlang sa sarili, at napakahangal nito, dahil nakikita ng Diyos ang lahat. Gaano man ako magkunwari o magpanggap, malinaw na nakikita ng Diyos ang mga bagay-bagay, at sa malaon at madali, mabubunyag ako. Isa pa, unti-unting nauunawaan ng mga kapatid ang katotohanan pagkatapos marinig ang mga salita ng Diyos. Mas lalo nilang natutukoy ang iba't ibang uri ng mga tao, at mas lalong nakikita nang malinaw ang mga pagpapamalas ng iba't ibang satanikong disposisyon, kaya gaano man ako magpanggap, ang mga nakakaunawa sa katotohanan ay matutukoy ito kaagad. Mas kumbinsido rin ako ngayon higit kailanman na tanging ang mga naghahangad sa katotohanan at pagiging isang dalisay at bukas na matapat na tao, at ang mga gumaganap sa kanilang tungkulin sa praktikal na paraan ang totoong matatalinong tao na gusto ng Diyos at ng ibang tao, at ito lamang ang landas ng liwanag na itinuro ng Diyos para sa atin.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagtatanggal ng Maskara

Ni Tinghua, France Noong nakaraang Hunyo, nung kasisimula ko pa lang na tuparin ang tungkulin ko bilang isang lider. Sa simula, dahil...

Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao

Sa mga salita ng Diyos nakita ko ang isang paraan para masanay sa pagpasok at nalaman ko kung paano maglingkod na kasama ng iba. Naunawaan ko ang mga kagustuhan ng Diyos: Lahat ay may kalakasan, at nais ng Diyos na gamitin ng lahat ang mga kalakasang iyon sa gawain ng pamilya ng Diyos, at sa paggawa nito ang mga kahinaan ng lahat ay mapupunan.