Saan Nagmula ang Tinig na ito?

Nobyembre 7, 2024

Ni Shiyin, Tsina

Isinilang ako sa isang pamilyang Kristiyano, at marami akong mga kamag-anak na mangangaral. Nanampalataya ako sa Panginoon kasama ang aking mga magulang mula pa noong bata ako. Pagkatapos nang malaki na ako, ganito ang panalangin ko sa Panginoon: Kung makakahanap ako ng isang asawa na nananampalataya rin, iaalay ko ang aking sarili kasama siya sa paglilingkod sa Panginoon. Pagkatapos kong ikasal, talagang nanampalataya rin ang aking asawa sa Panginoon, at sa katunayan ay naging full-time at tapat na mangangaral. Upang patuloy na maituon ng aking asawa ang kanyang isipan sa kanyang gawain para sa Panginoon, nagkusa na akong akuin ang mahirap na gawain na pangangasiwa sa mga gawain sa aming tahanan. Bagama’t medyo mahirap at nakakapagod, napuspos ng kagalakan at kapayapaan ang aking puso kahit gaano kahirap ang mga bagay-bagay dahil nariyan ang Panginoon na tutulong sa akin.

Dumating at lumipas ang taong 1997, at sa ilang pagkakataon natanto ko na ang mga sermon ng asawa ko ay hindi na naglalaman ng liwanag na dati-rati’y taglay nito. Kapag hiniling ko sa kanya na gawin ang isang bagay sa aming bahay gagawa siya ng mga kadahilanan tungkol sa pagiging abala niya sa kanyang pangangaral. Bagama’t ginawa niya ang ilang gawain sa bahay, ang kanyang puso ay hindi nakatuon dito, at madalas siyang nagagalit sa akin dahil sa maliliit na bagay. Bagama’t nagtitimpi ako at hindi hayagang nakipagtalo sa kanya, talagang naramdaman ko sa aking puso ang kalungkutan dahil sa ugali ng aking asawa. Ang mabigat na gawain sa aming tahanan at ang kadiliman sa aking espiritu ay nagpadalamhati sa akin. Ang nagagawa ko na lamang ay dumulog sa Panginoon para manalangin at ibuhos ang nilalaman ng aking puso sa hating-gabi kung kailan tulog na ang lahat, at hiniling sa Kanya na bigyan ako ng dagdag na pananampalataya at lakas. At sa pagkakataon ding ito, isinamo ko sa Panginoon na bumalik agad at iligtas ako mula sa miserable kong buhay.

Isang araw noong Abril ng 2000 nang nagliligpit ako ng mga damit natisod ako sa bag ng asawa ko at nakita ko na puno ito ng laman. Binuksan ko ito para tingnan ang laman at nakita ko ang isang Biblia at isang aklat ng mga himno gayon din ang isang bagong aklat na mayroong pabalat sa labas. Sinabi ko sa aking sarili: “Paanong hindi ko nakita ang aklat na ito noon? Malamang na isa itong uri ng sangguniang aklat para sa pangangaral o mga karanasan ng ilang relihiyosong tao. Kailangang basahin ko ito—marahil makakakuha ako ng bahagyang kalakasan mula rito.” Binuksan ko ito para usisain at nakita ko ang isang pamagat na mababasa nang ganito, “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino.” “Napakagandang pamagat!” Naisip ko, “Kung pagbabatayan ang pamagat, ang karanasan sa pagpipino ay hindi masamang bagay! Dumaranas ako ngayon ng pagpipino na hindi ko malampasan, kaya kailangan kong basahin ito nang mabuti para makita ang kanyang karanasan sa pagpipino. Pagkatapos ay makakahanap ako ng isang landas sa pagsasagawa mula sa nilalaman nito.” Sa sandaling iyan, sinimulan kong basahin ang: “Noong araw, lahat ng tao ay humaharap sa Diyos para gawin ang kanilang mga pagpapasya, at sinasabing: ‘Kahit wala nang ibang nagmamahal sa Diyos, kailangan ko Siyang mahalin.’ Ngunit ngayon, sumasapit sa iyo ang pagpipino, at dahil hindi ito nakaayon sa iyong mga kuru-kuro, nawawalan ka ng pananampalataya sa Diyos. Tunay na pagmamahal ba ito? Nabasa mo na nang maraming beses ang mga gawa ni Job—nalimutan mo na ba ang mga iyon? Ang tunay na pagmamahal ay nabubuo lamang kapag may pananampalataya. … Kapag nagdurusa ka, kailangan mong magawang isantabi ang pag-aalala sa laman at huwag magreklamo laban sa Diyos. Kapag itinatago ng Diyos ang Kanyang Sarili mula sa iyo, kailangan mong magkaroon ng pananampalatayang sundan Siya, na mapanatili ang iyong dating pagmamahal nang hindi ito hinahayaang maging marupok o maglaho. Anuman ang gawin ng Diyos, kailangan kang magpasakop sa Kanyang plano at maging handang sumpain ang iyong sariling laman sa halip na magreklamo laban sa Kanya. Kapag nahaharap ka sa mga pagsubok, kailangan mong mapalugod ang Diyos, bagama’t maaaring mapait ang iyong pagluha o nag-aatubili kang mawalay sa ilang bagay na minamahal mo. Ito lamang ang tunay na pagmamahal at pananampalataya. Anuman ang aktuwal mong tayog, kailangan mo munang magkaroon kapwa ng kahandaang dumanas ng paghihirap at ng tunay na pananampalataya, at kailangan ka ring magkaroon ng kahandaang talikdan ang laman. Dapat ay handa kang magtiis ng personal na mga paghihirap at magdusa ng mga kawalan sa iyong mga personal na interes upang mapalugod ang kalooban ng Diyos. Kailangan mo ring magkaroon ng kakayahang taos na magsisi tungkol sa iyong sarili: Noong araw, hindi mo nagawang mapalugod ang Diyos, at ngayon, maaari kang magsisi sa iyong sarili. Hindi ka dapat magkulang sa anuman sa mga bagay na ito—sa pamamagitan ng mga bagay na ito, gagawin kang perpekto ng Diyos. Kung hindi mo matutugunan ang mga kinakailangang ito, hindi ka magagawang perpekto(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Talagang naantig ng mga salitang ito ang aking puso. Naiyak ako habang binabasa ko ito—hindi ba’t ito nga ang eksaktong pinagdaraanan ko? Noon nagpasiya ako na ilaan ang aking sarili at ang aking asawa sa Panginoon. Talagang masaya ako na gawin ang lahat ng tungkulin sa pangangasiwa sa aming tahanan para masuportahan ang aking asawa sa gawaing ginagawa niya para sa Panginoon sa labas ng aming bahay, kahit mahirap o nakakapagod pa ito. Ngunit sa pagkakataong iyon, at dahil sa mga problema sa tahanan at kawalan ng konsiderasyon sa akin ng asawa ko, nabuhay ako na taglay ang damdaming nagawan ako ng mali; nabuhay ako sa gitna ng pagpipino at nawawalan ng pananampalataya at pagmamahal na nasa akin noon. Hindi ko na magawang panindigan ang pasiyang ginawa ko sa Diyos noon, at madalas na patagong umiiyak nang mag-isa. Naisip ko kung paano tumayong saksi si Job sa Diyos sa gitna ng gayong katindi at mahirap na pagsubok at hindi nawalan ng pananampalataya sa Diyos. Sinabi pa niya, “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). Paano ko nalimutan maging ang gayon? Pagkatapos ay nakadama ako ng matinding pagsisisi tungkol sa lahat ng ginawa ko sa harap ng Panginoon. Mas nanaisin pa ni Job na magdusa mismo at isakripisyo ang kanyang sariling hangarin kaysa mabigong bigyang-lugod ang Diyos. Sa kabila ng napakaraming taon ng pananampalataya sa Panginoon, naglaho ang pananampalataya ko sa Kanya. Nagreklamo ako sa Panginoon habang tinitiis ang pagpipino at hindi nagpahayag ng pagmamahal para sa Kanya kahit bahagya! Nang matanto ito lihim akong nagpasiya na hindi ko na gagawin ang ginawa ko dati, na dapat kong suportahan ang aking asawa sa kanyang gawain para sa Panginoon, at ayos lang sa akin na magdanas ng kaunting hirap.

Nang maisip ko ang bagay na iyan mas bumuti ang pakiramdam ko Nadama ko na napakalinaw na ipinahayag ang mga salitang ito at talagang tumugma sa kaibuturan ng mga aktuwal na nangyayari sa akin. Itinuro ng mga ito sa akin ang landas sa pagsasagawa at bago ko napagtanto, umusbong sa aking puso ang lakas at pananampalataya. Naisip ko, “Sino ang nangusap ng mga salitang ito? Paanong nagtaglay siya ng malalim na pagkaunawa? Nakabasa na ako ng mga aklat na isinulat ng mga kilalang relihiyosong tao, at bagama’t bahagyang nakapagpapasigla ang mga ito, hindi isinulat ang mga ito nang kasing linaw at kasing liwanag ng aklat na ito, ni ang mga ito ay nagtataglay ng katotohanan. Kanino talaga nagmula ang mga salitang ito?” Natuon ako nang husto sa mga salita ng aklat na ito at ninais na patuloy na basahin ito; habang lalo kong binabasa ito lalo kong nadama na napakaganda ng mga salitang iyon. Bawat linya ay nangungusap nang tuwiran sa aking puso. Ipinaunawa ng mga ito sa akin na kahit gaano pa nagdurusa ang isang tao, dapat nating sundin ang Diyos hanggang sa wakas at masayang sumunod sa Diyos sa harap ng pagdurusa. Kahit maging mahina ang tao sa gitna ng pagsubok, dapat silang manampalataya sa Panginoon at magtiwala sa Diyos para maging matatag. Habang lalo ko itong binabasa, lalo akong naliliwanagan sa aking puso at lalo kong nadama na mayroon akong landas sa pagsasagawa. Dumating ang asawa ko sa sandaling iyon, at kaagad ko siyang tinanong, “Saan mo nakuha ang aklat na ito?” Ngumiti siya at sinabi, “Hiniram ko iyan sa isang tao, at kailangan kong ibalik iyan agad sa kanya.” Wala na akong sinabi pang anuman.

Isang araw habang nagluluto ako, naulinigan ko ang ilang bahagi ng isang himno na pinatugtog ng aking asawa. “Sino ang hindi sumasamba? Sino ang hindi nananabik na makita ang Diyos? … Minsa’y nakibahagi ang Diyos sa mga kagalakan at kalungkutan ng tao, at ngayon muli na Niyang nakasama ang sangkatauhan, at nagbabahagi sa kanya ng mga kuwento ng mga panahong lumipas. Pagkatapos Niyang umalis sa Judea, wala nang makitang bakas Niya ang mga tao. Naghahangad sila na minsan pang makita ang Diyos, nang hindi nalalaman na muli na nila Siyang nakatagpo ngayon, at muli na Siyang nakasama. Paanong hindi nito mapupukaw ang mga saloobin ng kahapon? Dalawang libong taon na ang nakakaraan ngayon, nakita ni Simon Bar-Jonas, ang inapo ng mga Judio, si Jesus na Tagapagligtas, nakisalo siya sa parehong mesa sa Kanya, at pagkatapos ng pagsunod sa Kanya sa loob ng maraming taon ay nakadama ng mas malalim na pagmamahal para sa Kanya: Minahal niya Siya mula sa kaibuturan ng kanyang puso; matindi niyang inibig ang Panginoong Jesus. Ngayon ang Diyos ay muling nakasama na ang sangkatauhan, at nagbabahagi sa kanya ng mga kuwento ng mga panahong lumipas(“Dalawang Libong Taon ng Pananabik” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Ang mga titik ng himnong ito ay nagpapahayag ng mismong pinakasaloobin ko at pinukaw ang pananabik ko sa pagbabalik ng Panginoon. Napaiyak ako habang nakikinig, at sinabi ko sa aking sarili, “Mula noong manampalataya ako hanggang sa sandaling ito, naiisip ko ang Panginoong Jesus sa bawat araw, umaasang magbabalik Siya agad nang sa gayon magkasama na kami at gugunitain ang mga panahong lumipas.” Napakaganda at nakakaantig ang mga titik ng himno, at partikular na naipapahayag ang pananabik ng mga tao sa Panginoon. Isinatabi ko ang pagkaing niluluto ko at nakinig nang husto. Isa pang himno ang kasunod na pinatugtog, may pamagat na “Isang Pusong Tapat sa Diyos”: “Wala akong hinihiling sa buhay ko kundi na ang mga iniisip kong mahalin ang Diyos at tanggapin ng Diyos ang hangarin ng puso ko(Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Naisip ko, “Sino ang sumulat ng himnong ito? Paanong napakatatag ng kanyang pasiya?” Ang linyang ito lalo na ay talagang nakapagbigay ng inspirasyon para sa akin: “Wala akong hinihiling sa buhay ko kundi na ang mga iniisip kong mahalin ang Diyos at tanggapin ng Diyos ang hangarin ng puso ko.” Ang ganyang uri ng pagmamahal para sa Diyos ay napakadalisay! Sa aking pananampalataya noon, hindi ko alam ang magmahal sa Panginoon, ngunit ang nais ko lamang ay matamasa ang Kanyang biyaya, at mahanap ang kapayapaan at kagalakan. Talagang nabuksan ng himnong ito ang aking pananaw sa mundo ng araw na iyon, at naunawaan ko na yaong mga nananampalataya sa Diyos ay dapat mahalin ang Diyos, at hindi dapat maghangad ng anumang bagay para sa kanilang sarili—ang ganitong uri ng pagmamahal lamang ang magiging dalisay. Napakahusay ng pagkakasulat sa himnong ito. Palihim akong nagpasiya sa aking puso na gusto ko ring makamit ang mithiing ito, at na mamahalin ko ang Panginoon gawin man ito o hindi ng iba.

Matapos basahin ang mga salita sa aklat na iyon at mapakinggan ang mga himnong iyon, nagsimula akong kumilos ayon sa sinabi sa mga ito. Nang umalis ang asawa ko para mangaral muli at walang oras na tumulong sa gawaing-bahay, hindi na ako nakadama ng pighati gaya noon. Kung ang ibang mga kapatid na lalaki at babae ay may nasabing hindi maganda, nagagawa kong maging mapagpasensya dahil gusto kong malugod ang Diyos. Ang nais ko lamang ay mahalin ang Diyos nang buong puso ko gaya ng nakasaad sa himno.

Mabilis dumaan ang panahon at oras na para magtanim sa aming bukid. Isang gabi, habang naglilinis, sinabi ng asawa ko sa akin, “Kailangan kong pumunta sa isa pang iglesia sa labas ng bayan bukas.” Ang agad kong itinugon ay, “Makakabalik ka ba sa loob ng ilang araw?” “Hindi ko alam,” sabi niya. “Pipilitin kong makauwi agad. Huwag kang masyadong mag-alala sa gawain dito sa bahay.” Agad akong napasimangot at naisip, “Sinabi mong huwag akong mag-alala, pero paanong hindi ako mag-aalala? Aalis ka nang hindi mo alam kung kailan ka babalik, at lahat ng bukid ng ibang tao ay natamnan na. Hindi pa natin naaararo ang bukid natin, at kung huli nang maitatanim ang mga binhi, hindi maganda ang ani natin sa taglagas, At pagkatapos ano ang gagawin natin? Kung tapusin mo na lang kaya ang pagtatanim sa bukid at saka ka umalis para tulungan ang mga kapatid na lalaki at babae!” Nang gabing iyon nakahiga ako sa kama, hindi ako makatulog. Talagang lubos na naghihirap ang damdamin ko, iniisip na: “Noong huling umalis ang asawa ko, hindi siya umuwi nang mahigit sa dalawang linggo, pero wala kaming trabaho sa bukid noon. Kritikal na panahon ito para sa pagtatanim, kaya kung hindi siya uuwi nang dalawang linggo uli, ano ang gagawin ko? Siguro dapat ko sabihin sa kanya na kumuha ng co-worker para gawin ang gawain at tapusin ito.” Pero pinag-isipan ko pa ito nang mabuti: “Hindi, hindi puwede. Hinihintay ng mga kapatid na lalaki at babae ang kanyang tulong. Kung hindi siya pupunta. Hindi ba’t pagkakasala iyon sa Panginoon?” Sa gitna ng pagpipino na ito dumulog ako sa harap ng Panginoon at nagdasal: “Panginoon! Hindi naman po dahil sa ayaw kong umalis ang aking asawa para tulungan ang mga kapatid na lalaki at babae, ang problema lamang po ay kinakailangan naming tamnan ang bukid ngayon. Talagang nararamdaman ko ang mga epekto ng pagpipino na ito at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Panginoon! Humihingi ako ng Iyong tulong, pangalagaan ang aking puso at iadya ako mula sa nakaliligalig na mga bagay na ito.” Pagkatapos magdasal, ang mga salitang ito ay dumating nang napakalinaw sa aking isipan: “Anuman ang aktuwal mong tayog, kailangan mo munang magkaroon kapwa ng kahandaang dumanas ng paghihirap at ng tunay na pananampalataya, at kailangan ka ring magkaroon ng kahandaang talikdan ang laman. Dapat ay handa kang magtiis ng personal na mga paghihirap at magdusa ng mga kawalan sa iyong mga personal na interes upang mapalugod ang kalooban ng Diyos …(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Kaagad tumino ang mga salitang ito sa aking puso at pinasigla ito nang labis. “Tama,” naisip ko, “Kung nais ng tao na bigyang-lugod ang Panginoon, kailangan nilang magpasiya na tiisin ang hirap, at dapat maging masaya sa pagdurusa sa laman at talikdan ang kanilang sariling hangarin kung mangangahulugan ito ng pagsunod sa kalooban ng Diyos!” Ang mga salitang ito ay nagbigay sa akin ng pananampalataya, at naisip ko: “Kung huli nang matatamnan ang bukid, sige lang! Gaano man ang anihin namin Diyos ang magpapasiya, at ang paggawa ng aking asawa para sa Panginoon ang siyang pinakamahalaga.” Nang nasasaisip ito, nakadama ako ng kapanatagan at kaginhawahan sa aking puso, at hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Kinabukasan sinabi ko sa aking asawa: “Lumakad ka na at gawin ang iyong gawain para sa Panginoon at huwag mong alalahanin ang anumang bagay. Anumang araw ka makauwi ayos lang sa akin. Susunod ako sa anumang nais ng Panginoon.” Dahil naisip kong kalugud-lugod sa Panginoon ang ginawa ko, nakadama ako ng kagalakan at katatagan sa aking puso.

Bumalik ang aking asawa pagkaraan ng ilang araw, at parang sa tingin ko ay ibang-iba na siya. Tinulungan niya ako sa gawaing-bahay, at sinabi pa sa akin: “Napakasipag mo! Nahirapan ka nitong mga nagdaang ilang taon, ginagawa ang lahat ng trabaho natin, sa loob at labas ng bahay. Alam ko ito. Basta na lang ako umaalis para mangaral nang hindi ka tinutulungan sa gawain sa bahay. Mula ngayon lalo kitang tutulungan kapag may oras ako.” Nang marinig ko ito naantig ako, dahil hindi kailanman dating nagsasalita nang ganito ang aking asawa. Sinabi ko sa aking sarili: “Mula nang basahin niya ang aklat na iyon ay malaki na ang ipinagbago niya. Hindi lamang puno ng liwanag ang kanyang mga sermon, kundi nagbago na rin ang pakikitungo niya sa akin. Ang pagbabasa ng Biblia sa lahat ng taon na ito ay hindi nagpabago sa kanya, ngunit ngayon malaki ang ipinagbago niya sa napakaikling panahon. Tila ang mga salita sa aklat na iyon ay talagang mayroong kapangyarihang baguhin ang mga tao!” Sa sandaling iyon natanto ko na malaki rin ang naitulong sa akin ng nilalaman ng aklat na iyon. Dahil sa pagbabasa nito napuspos ako ng pananampalataya at lakas, at nang kumilos ako ayon sa sinabi nito, ang pagkadismaya na nadama ko sa aking asawa ay basta na lang napawi. At pagkatapos basahin ito nabago rin ang pakikitungo niya sa akin, naunawaan niya kung paano maging maalalahanin sa akin at pangalagaan ako. Lahat ng pagbabagong ito ay nagpalalalim sa nadarama ko na ang nilalaman ng aklat na ito ay talagang makapangyarihan at may awtoridad. Ngunit naisip ko, sino ang nagsulat ng mga salita sa aklat na ito? Hindi ko nahanap ang sagot.

Isang araw, makaraan ang dalawang buwan, sinabi ng asawa ko na gusto niya akong isama sa pagdalo sa isang pagtitipon. Naramdaman ko na ang pagtitipong ito ay magiging napaka-espesyal, kung hindi ay hindi niya ako isasama. Labis ang pag-asam ako at umasang makita muli ang aklat na iyon. Nang sumunod na araw, ang asawa ko at ako kasama ang dalawang kapatid na babae ay masayang nakasakay sa kotse papunta sa bahay ng isang kapatid na babae. May ilan pang mga kapatid na lalaki at babae ang naroon, kabilang sa kanila ang isang kapatid na babae na nasa edad na tatlumpu pataas na isinama ang Banal na Kasulatan sa pagbabahagi sa amin ng maraming katotohanan tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Talagang naliwanagan ang aking puso nang mapakinggan ko siya, at naunawaan ko nang malinaw ang marami sa mga talata sa Biblia na hindi ko naunawaan noon at ang tungkol sa pagbabalik ng Diyos para gawin ang gawain ng paghatol. Sinabi ko sa aking sarili, “Paanong nangyari na napakaganda ng kanyang ibinahagi, na naipaliwanag niya nang napakalinaw ang Biblia? Paanong marami siyang nauunawaan?” Kapagdaka, sinabi nang malakas sa amin ng kapatid na babae na ito, nakikita ang ngiti sa kanyang mukha, “Gusto kong sabihin sa inyo, mga kapatid na lalaki at babae, ang isang napakagandang balita na talagang napakasaya. Ang Panginoong Jesus na matagal na nating kinasasabikan ay nagbalik na nagkataong-tao sa kalipunan natin upang isagawa ang Kanyang bagong gawain; upang bumigkas ng mga salita at ihayag ang lahat ng mga katotohanan at misteryo; upang hayagang ilahad ang mga misteryo ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang Kanyang anim-na-libong-taon ng plano ng pamamahala, ang mga pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang Biblia. Lahat ng ibinahagi ko ngayon ay nagmula sa mga salitang binigkas ng Diyos.” Kami ng lahat ng mga kapatid na lalaki at babae na naroon ay narinig ang magandang balitang ito at sa huli ay natanto: Kaya pala maraming naunawaan ang kapatid na babae na ito ay dahil lahat ng ito ay ibinahagi sa sangkatauhan ng Panginoon, na nagbalik na. Ngayon napapakinggan na rin namin ang tinig ng Panginoon. Masaya naming niyakap lahat ang isa’t isa at napaluha sa kaligayahan—ang buong lugar ay nagsimulang mayanig sa sobrang saya. Napakasaya ko na parang gusto kong lumundag sa tuwa, at naisip: “Palagi kong inaasam ang pagbabalik agad ng Panginoong Jesus, at ngayon talagang nagbalik na Siya! Talagang napakapalad ko na malugod kong natanggap ang pagbabalik ng Panginoon sa buhay ko!”

Nang patapos na ang pagtitipon, binigyan ng kapatid na babae ang bawat isa sa amin ng isang aklat na may pamagat na Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos. Maingat na hawak ang aklat ng mga salita ng Diyos ng dalawang kamay, biglang sumagi sa aking isipan ang aklat na iyon na nabasa ko noon. Iyon din kaya ang aklat na ito? Pagkauwi namin sa bahay hindi ko na napigilang tanungin ang aking asawa, “Ang aklat na nakita ko noong araw na iyon—iyon rin ba ang aklat ng mga salita ng Diyos na ibinigay sa atin ngayon ng kapatid na babae?” Ngumiti siya at sinabing, “Iyon nga.” Sa sandaling iyon para bang kagigising ko lang mula sa isang panaginip. Ang tinig na iyon ay nagmula nga sa Diyos—iyon ang tinig ng nagbalik na Panginoong Jesus, ang tinig ng Diyos! Hindi na nakakapagtaka kung bakit lubos na nakaantig iyon sa akin, nagbibigay sa akin ng pananampalataya at lakas, nagpapabago sa akin, at inaalis ako sa aking pagdurusa. Pagkatapos ay sinabihan ko ang aking asawa, “Bakit mo inilihim sa akin na tinanggap mo na ang bagong gawain ng Diyos?” Sabi niya, “Noong panahong iyon gusto ko na talagang sabihin sa iyo, ngunit karamihan sa mga kapamilya mo ay mga mangangaral ng relihiyon, at sinasalungat at kinukundena nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Lubos silang hahadlang sa pagsisiyasat natin sa tamang daan. Natakot ako na kung hindi ko ito maipapaliwanag nang malinaw at pagkatapos ay malalaman ng mga kamag-anak mo ang tungkol dito, sa sandaling magsimula silang manira para lituhin at hadlangan ka, hindi lamang nito mawawasak ang iyong pagkakataon na maligtas, kundi maituturing din akong manggagawa ng kasamaan! Kaya nagpasiya ako na sabihin ito sa iyo pagkatapos ko itong masiyasat at maunawaan nang malinaw.” Nang marinig ko ang paliwanag na ito, napawi ang maling akala ko sa aking asawa, at lalo akong nagpasalamat para sa pagliligtas ng Diyos sa akin. Nagpasiya akong basahing mabuti ang aklat na ito ng mga salita ng Diyos.

Ang pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagdala ng lakas at buhay sa aking uhaw na espiritu. Hindi ko kailanman inakala na maririnig ng mismong mga tainga ko ang mga salita ng nagbalik na Panginoon, mapasigla sa harapan ng Diyos, o makaharap ang Diyos. Nakadama ako ng lubos na pasasalamat sa Diyos para sa Kanyang pagmamahal at pagliligtas. Pagkaraan ng sampu o mahigit pang mga araw, nakipagtulungan kami ng asawa ko sa mga kapatid na babae na nagpapalaganap ng ebanghelyo para madala ang iba pang mga kapatid na lalaki at babae sa aming iglesia nang may tunay na pananampalataya sa Panginoon patungo sa presensya ng Makapangyarihang Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Narinig Ko Na ang Tinig ng Diyos

Ni Mathieu, France Tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw mahigit dalawang taon na ang nakakalipas. Sa totoo...

Leave a Reply