Nakamit mo Ba ang Daan Patungo sa Buhay na Walang Hanggan?

Setyembre 16, 2019

Ni Zhong Cheng

Mga Nilalaman
Bilang mga Mananampalataya sa Panginoon, Nasa Atin Ba ang Daan Patungo sa Buhay na Walang Hanggan?
Bakit Wala Pa rin sa Atin ang Daan Patungo sa Buhay na Walang Hanggan
Paano Makakamit ang Daan Patungo sa Buhay na Walang Hanggan

Bilang mga Mananampalataya sa Panginoon, Nasa Atin Ba ang Daan Patungo sa Buhay na Walang Hanggan?

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan(Juan 4:14). Maraming mga kapatiran sa Panginoon ang nagbabasa ng mga salita ng Panginoon at naniniwalang ang Panginoong Jesus ang daan patungo sa buhay na walang hanggan, at matagal na panahon na Niyang ibinigay sa atin ang daan. Sa mga taon ng ating pananampalataya sa Panginoon, patuloy tayong nangumpisal ng ating mga kasalanan at nagsisi ayon sa Kanyang mga katuruan, naghirap tayo at nagbayad ng halaga upang maibahagi ang ebanghelyo ng Panginoon, pinangalagaan natin ang Kanyang iglesya, nagpasan ng krus sa pagsunod sa Kanya, nagtiyaga tayo at naging mapang-unawa sa iba, at hindi natin tinanggihan ang Kanyang pangalan kapag sinapit natin ang mga kalamidad o pag-uusig. Napananatili natin ang paglakad sa landas ng Panginoon, kaya’t nasa atin na ang daan patungo sa buhay na walang hanggan; at kapag dumating ang Panginoon, iaakyat Niya tayo sa kaharian ng langit, kung saan makakamit natin ang buhay na walang hanggan. Nguni’t ang pananaw ba na ito ay tama? Naaayon ba ito sa katotohanan?

Ang totoo, bagama’t nakakaya nating magtrabaho, gumawa, tumalikod, magbigay ng sarili, magpasan ng krus, at sumunod sa Panginoon, walang sino man ang magkakaila na nakatali tayo at nasa ilalim ng kasalanan, at madalas nating naipagkakanulo ang mga katuruan ng Panginoon at nakagagawa ng mga bagay na laban sa Panginoon. Halimbawa: hinihingi sa atin ng Panginoon na tayo’y maging simple at tapat na mga tao, nguni’t kadalasan tayo’y nagsisinungaling at nandaraya upang pangalagaan ang ating mga sariling kapakanan, dignidad, o katayuan; hinihingi ng Panginoon na tayo’y maging mapang-unawa at mapagtiis sa iba at mapagmahal sa iba katulad ng pagmamahal sa ating mga sarili, nguni’t kapag may bagay na nanghihimasok sa ating sariling kapakanan, nakikipagtalo tayo kahit sa mga maliliit na detalye, at minamasama natin o naiinggit tayo sa iba. Hinihingi ng Panginoon sa atin na ibigin Siya ng buong puso, isipan, at kaluluwa; nguni’t kapag tayo’y nangangaral at gumagawa, kadalasan nabibigo tayong gawin ang lahat upang maitaas at bigyang-patotoo ang Panginoon, maging maalalahanin para sa Kanyang pasanin, at tulungan ang mga kapatiran na maunawaan ang kalooban ng Diyos, at sa halip, kadalasan nagpapasikat tayo at itinataas ang ating mga sarili, sinusubukan nating kunin ang pagtingin at paghanga ng mga kapatiran. At bagama’t tinatalikuran natin ang ating mga tahanan at karera at ibinabahagi ang ebanghelyo kung saan may pagkakataon, madalas pa rin tayong nagbibilang sa ating mga nagawa bilang isang paraan ng pakikitungo sa Panginoon at makakuha ng bahagi ng mga pagpapala ng kaharian ng langit. Hindi ba’t ito’y paggamit at panlilinlang sa Panginoon? Bagama’t madalas tayong tumatangis dahil sa paghihirap habang nangungumpisal tayo ng ating mga kasalanan sa Panginoon, pagkatapos naman nagkakasala pa rin tayong madalas, at nabubuhay tayong nasa bitag ng mapanirang paikot ikot na serye ng pagkakasala at pangungumpisal, walang kakayahang labanan ang pagkaalipin sa kasalanan. Sa ganito, hindi ba’t nananatili pa rin tayo sa ating likas na tiwaling kalagayan? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man(Juan 8:34-35). “Sinasabi sa Bibliya, Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Romans 6:23). Banal ang Diyos, at ang marumi at tiwali ay ipinagbabawal na makapasok sa Kanyang kaharian. Bagama’t sa panlabas tumatalikod tayo at ibinibigay ang sarili para sa Panginoon, nananatili pa rin tayong alipin ng kasalanan, at ang ating huling hantungan pa rin ay kawalan at pagkawasak. Paano natin nasasabi na natamo natin ang daan patungo sa buhay na walang hanggan? 

Bakit Wala Pa rin sa Atin ang Daan Patungo sa Buhay na Walang Hanggan

Sa puntong ito, maaaring ang ilang mga kapatiran ay naguguluhan, sapagka’t sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan(Juan 4:14). Ang Panginoong Jesus ang pinagmumulan ng tubig na buhay; nasa Kanya ang daan patungo sa buhay na walang hanggan, at naniniwala tayo sa Panginoon, nagbabasa ng salita ng Panginoon, at isinasabuhay ang mga katuruan ng Panginoon, nguni’t bakit wala pa rin tayong daan patungo sa buhay na walang hanggang, na siyang makakapagpadalisay at makakapagbago sa atin?

Upang maunawaan ang katanungang ito, kailangan muna nating maunawaan ang gawain ng Panginoong Jesus at ang epekto na natatamo nito. Nang nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, namuhay sa kasalanan ang mga Israelita, hindi nakasunod sa mga batas ni Jehova, at naharap sa panganib na mahatulan ng kamatayan ng batas. Dumating ang Panginoong Jesus, nagturo sa landas na “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17), nagturo sa mga tao na ikumpisal ang kanilang mga kasalanan at magsisi, at sa huli naging katulad ng makasalanang tao at ipinako sa krus bilang handog sa kasalanan ng sangkatauhan, tinapos ang Kanyang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Mula dito, nakikita natin na bagama’t nasa Panginoong Jesus ang daan patungo sa buhay na walang hanggan, batay sa espirituwal na katayuan at mga pangangailangan ng mga tao nang panahon na iyon, ibinigay Niya lang sa atin ang landas patungo sa pagsisisi, at hindi Niya ipinahayag ang daan patungo sa buhay na walang hanggan kung paano maliligtas ang mga tao mula sa kasalanan at ganap na maging dalisay.

Katulad ng sinasabi ng salita ng Diyos, “Nang panahong iyon, nagsalita lamang ni Jesus sa Kanyang disipulo ng magkakasunod na pangangaral sa Kapanahunan ng Biyaya, tulad ng kung paano magsagawa, kung paano magtipong sama-sama, kung paano humingi sa panalangin, kung paano ituring ang iba, at iba pa. Ang gawain na Kanyang isinakatuparan ay yaong sa Kapanahunan ng Biyaya, at Kanyang ipinaliwanag lamang ang tungkol sa kung paano dapat magsagawa ang mga disipulo at iyong mga sumusunod sa Kanya. Ginawa lamang Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya at wala na sa huling mga araw. … Ang gawain ng Diyos sa bawa’t isang kapanahunan ay mayroong malinaw na mga hangganan; ginagawa Niya lamang ang gawain ng kasalukuyang kapanahunan at hindi Niya kailanman isinasakatuparan ang kasunod na yugto ng gawain nang pauna. Sa ganitong paraan lamang naisusulong ang Kanyang kumakatawang gawain ng bawa’t isang kapanahunan. Nagsalita lamang ni Jesus tungkol sa mga patalandaan ng huling mga araw, kung paano maging mapagpasensya at kung paano maligtas, kung paano magsisi at mangumpisal, pati na rin kung paano pasanin ang krus at tiisin ang pasakit; hindi Siya kailanman nagsalita kung paano dapat pumasok ang tao sa huling mga araw o kung paano hanapin na makapagbigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos(“Paano Makatatanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Limitado ang Pagkaintindi tungkol sa Diyos?”). “Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao na namumuhay sa laman, at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang paghahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Mula sa salita ng Diyos, nakikita natin na hinihingi lang ng Panginoong Jesus sa atin na gawin ang mga bagay katulad ng pangungumpisal sa ating mga kasalanan at pagsisisi, itigil na ang pagsuway, talikdan ang ating mga sarili, pasanin ang krus at sumunod sa Panginoon, ibigin ang Panginoon nang buong puso, isipan, at kaluluwa, mahalin ang ibang tao katulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili, maging mapagpakumbaba, mapang-unawa, at maging matiyaga sa iba, at patawarin ang ibang tao nang “makapitongpung pitong” beses. Pagkatapos nating maniwala sa Panginoon, hangga’t nananalangin tayo sa Panginoon, ikinukumpisal ang ating mga kasalanan, at nagsisisi, ang ating mga kasalanan ay patatawarin. Subali’t, walang makatatanggi na ang maka-Satanas na disposisyon na nagtutulak sa atin upang magkasala ay nakaugat nang malalim sa atin, mga bagay katulad ng pagmamataas, pagiging makasarili, pagiging tuso, kasakiman, at kasamaan. Nakokontrol tayo ng mga maka-Satanas na disposisyon na ito, at bagama’t sa panlabas ay may kakayahan tayong gumawa ng mabuti, hindi ito nagpapakita ng pagbabago sa disposisyon. Kapag tayo’y nakikipag-ugnayan sa ibang tao, halimbawa, may kakayahan pa rin tayo ng pagiging tuso at pandaraya. O, kapag may naganap na hindi ayon sa ating mga pagkaunawa, kadalasan ay sinisisi natin at hinahatulan ang Diyos. Sa loob ng 2,000 taon, lahat ng mga nananampalataya sa Panginoon, maging gaano pa ang kanilang pangungumpisal, pagsisisi, pagtatrabaho, at paggawa, ay hindi nakayanang makatakas sa pagkaalipin ng kasalanan, at walang sino man ang nagtamo ng pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Isa itong hindi maikakailang katotohanan. Kaya’t, hindi tayo napalaya mula sa kasalanan at ganap na napadalisay, at hindi natin natamo ang daan patungo sa buhay na walang hanggan.

Ang daan patungo sa buhay na walang hanggan ay hindi isang simpleng bagay na tumutulong sa atin upang ikumpisal natin ang ating mga kasalanan at magsisi, ito ang daan ng katotohanan na hahayaan tayong mabuhay ng walang hanggan. Pwedeng masabi na, maaari nitong ganap na malutas ang ating makasalanang kalikasan, maligtas tayo sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa atin na makalaya mula sa kapangyarihan ni Satanas at tanggalin sa atin ang ating maka-Satanas na disposisyon, bigyang kakayahan tayong maging dalisay at makamit ang ganap na kaligtasan mula sa Diyos, sa gayon ay maging kaayon tayo ng Diyos at ganap na mapasa-Diyos. Ang ganitong landas ang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Ang mga taong nagkamit ng daan patungo sa buhay na walang hanggan bilang kanilang pamumuhay, ay may tunay na karunungan ng Diyos, ay may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, tunay na tumatalima, sumasamba at umiibig sa Diyos, ay ganap na kaayon ng Diyos, at ginagawa ang kalooban ng Diyos ay yaong mga makatatanggap ng pangako at mga pagpapala ng Diyos, at sila ang angkop na makapasok sa kaharian ng langit.

Paano Makakamit ang Daan Patungo sa Buhay na Walang Hanggan

Kaya’t, paano natin makakamit ang daan patungo sa buhay na walang hanggan? Sa katunayan, ang daan patungo sa buhay na walang hanggan ang siyang dala ng Panginoon Jesus sa Kanyang pagbabalik. Maraming beses na nagbigay ng propesiya ang Panginoong Jesus na babalik Siya, at gagawin Niya ito upang dalhin sa atin ang daan patungo sa buhay na walang hanggan, upang makamit natin ang buhay na walang hanggan. Ang propesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12-13). “At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47-48). Ang mga propesiyang ito ang nagsasabi sa atin na sa mga huling araw, babalik ang Panginoong Jesus upang ipahayag ang katotohanan, tuparin ang gawain ng paghatol na magsisimula sa tahanan ng Diyos, bigyang lunas ang ating mga makasalanang kalikasan, bigyan tayo ng kakayahang ganap na makalaya mula sa pagkaalipin ng kasalanan, at bigyan tayo ng kakayahang ipamuhay ang mga katotohanan ng salita ng Diyos at makamit ang buhay na walang hanggan. Tinutukoy dito na bago tayo iligtas ng Diyos at pagkalooban ng buhay, tinubos muna Niya tayo mula sa kasalanan sa pamamagitan ng pagbibigay pahintulot sa atin na makamit ang pagtubos ng Panginoong Jesus, at batay dito, pagkakalooban Niya tayong muli ng katotohanan na magbibigay-pahintulot sa atin upang hindi na muling dumanas ng hirap sa pagkaalipin at mga hadlang dala ng makasalanang kalikasan, dalisayin at baguhin ang ating tiwaling disposisyon, at gawin tayong mga bagong likhang mga tao. Kaya’t, kung nais nating makamit ang daan patungo sa buhay na walang hanggan, kailangan nating tanggapin ang gawain ng nagbabalik na Panginoong Jesus, tanggapin ang katotohanang ipinahayag ng Panginoon sa mga huling araw, at sundan ang yapak ng Tupa.

Salamat sa Diyos sa Kanyang kaliwanagan at patnubay. Nawa’y sikapin nating manalangin sa Diyos at hanapin ang katotohanan nang mas madalas, at nawa’y ang Kanyang patnubay ang magpapahintulot sa ating lahat na makamit ang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Amen!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Inilantad: Ang Tunay na Kahulugan ng “Naganap Na” na Sinabi ng Panginoong Jesus sa Krus

Maraming mga kapatid ang naniniwala na ang ibig sabihin ni Jesus sa sinabi Niyang “Naganap na” noong nasa krus Siya ay nakumpleto na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Pero gano’n nga ba talaga ‘yon? Ano nga ba talaga ang ibig Niyang sabihin sa sinabi niyang “Naganap na”? Ang sumusunod na artikulo ang maglalantad ng tunay na kahulugan ng mga salitang “Naganap na” na sinabi ng Panginoong Jesus sa krus. Mangyaring basahin …