Ano ang Resulta ng Pagprotekta sa Huwad na Lider

Nobyembre 28, 2022

Ni Li Yang, Tsina

Sa huling bahagi ng Oktubre 2020, tinanggal ako sa aking tungkulin bilang lider dahil nabigo akong gumawa ng praktikal na gawain at bumalik ako sa aking lokal na iglesia. May mga isyu sa kaligtasan sa aking tahanan, kaya pansamantala akong ‘di makadalo sa mga pagtitipon. Sobra akong nakaramdam ng pagkanegatibo at panghihina. Isang sister na nagngangalang Li Yan na nakatira sa aming nayon ay isang lider sa ibang iglesia. Kahit na ‘di ako miyembro ng iglesiang pinangangasiwaan niya, kinukumusta niya ang kalagayan ko sa tuwing nagkikita kami at nagbabasa ng mga salita ng Diyos para matulungan ako. Sobra akong nagpapasalamat sa kanya sa hindi paghamak sa akin dahil natanggal ako bilang huwad na lider at tinutulungan pa nga niya ako. Naisip ko: “Kung magkakaroon siya ng anumang mga problema sa hinaharap, tutulungan ko siya sa abot nang aking makakaya.”

Makalipas ang ilang buwan, ako ang namahala sa gawain ng paglilinis sa iglesia at madalas kong katrabaho si Li Yan. Napansin kong lagi siyang huli sa mga pagtitipon dahil sa mga personal na dahilan at tuwing pagtitipon, iniraraos lang niya ‘yon at bihirang nagbabahagi ng mga salita ng Diyos. Kapag hindi matukoy ng mga kapatid ang mga walang pananampalataya, mga anticristo, o masasamang tao, hindi siya nagbabahagi sa kanila ng mga prinsipyo ng katotohanan. Sa panahong ‘yon, narinig ko sa isang diyakono ng iglesia na madalas siyang makipagtalo sa kapareha niya sa pinakamaliliit na isyu, kaya hindi nakapagpapatuloy nang normal ang mga pagtitipon. Nagalit ako nang husto nang marinig ko ito. Bilang lider, hindi lamang nabigo si Li Yan na gumawa ng praktikal na gawain, kundi nagambala rin niya ang buhay-iglesia. Maaantala nito ang pagpasok sa buhay ng iba at ang gawain ng iglesia. Hinanap ko siya upang magbahagi sa kanya at ipaalam na ‘di siya gumagawa ng praktikal na gawain. Binalaan ko rin siyang ‘pag ipinagpatuloy niya ang ganito, magiging huwad siyang lider. Pero parang wala siyang pakialam at sinabing: “Ayos lang, eh ‘di isa na akong huwad na lider. Dahil ‘di ako nagbabahagi ng katotohanan sa kanila, bakit ‘di na lang ikaw?” Pagkatapos nun, napansin kong may ilang miyembro ng iglesia na nagpapakalat ng pagkanegatibo at gumagambala nang husto sa buhay-iglesia. Hiniling ko kay Li Yan na alamin ang pagsusuri sa kanila ng lahat para malaman kung sila ba’y walang pananalig at kailangang paalisin. Pero nagdahilan siya na abala siya, at lagi niya itong ipinagpapaliban, na nagtulot sa mga miyembrong iyon na ipagpatuloy ang paggambala sa buhay-iglesia. Nang makita ko kung gaano kapabaya ang kanyang saloobin sa gawain ng iglesia, binanggit kong muli sa kanya ang problema niya, pero nangatwiran na naman siya. Napagtanto kong patuloy na nabibigo si Li Yan na gumawa ng praktikal na gawain, hindi tumatanggap ng puna, at naantala na niya ang gawain ng iglesia. Kung pagbabatayan ang mga prinsipyo, naisip kong malamang na siya’y huwad na lider kaya gusto kong iulat ang kanyang sitwasyon sa nakatataas na lider. Pero naisip kong, “Tinulungan niya ako noong negatibo ang pakiramdam ko at tinrato ako nang mabuti. Kapag nalaman niyang iniulat ko siya sa nakatataas na lider, Magkakaro’n kaya siya ng pagkiling laban sa’kin? Kung hahantong ‘yon sa pagkatanggal niya, sasabihin niya kayang wala akong konsensya? Baka naman magbago siya ‘pag ‘di ko siya iniulat ngayon at magbahagi pa ako nang kaunti sa kanya.” Pagkatapos nun, tinalakay ko na lang sa kanya ang kahalagahan ng gawain ng paglilinis ng iglesia pati na rin kung paano niya dapat harapin ang kanyang tungkulin. Pero paglipas ng ilang panahon, hindi pa rin gumagawa ng praktikal na gawain si Li Yan, at hindi pa rin niya kinukuha ang mga pagsusuri ng mga miyembrong iyon ng iglesia. Narinig ko rin na iresponsable si Li Yan sa kanyang gawain at nabigong pamahalaan ang pangangasiwa ng mga gamit sa iglesia, na humantong sa pagkasira ng ilang gamit, na nagdulot ng malubhang pinansiyal na pinsala sa iglesia. Pagkatapos nun, hindi siya nagnilay sa sarili at sinubukan pa niyang ipasa ang sisi, sinasabing hindi itinago nang mabuti ng iba ang mga gamit. Nakita kong hindi siya gumawa ng anumang praktikal na gawain. Pabaya siya sa kanyang saloobin sa mga proyekto ng iglesia, at hindi tumanggap ng pagpuna. Nang magkaroon ng mga hadlang sa gawain ng iglesia at mapinsala ang mga ari-arian nito, hindi siya nakonsenya kahit kaunti. Hindi ba’t tanda ‘yon ng isang huwad na lider? Pero hindi ko iniulat ang kanyang mga isyu sa oras. Nang mapagtanto ko ito, nakonsensya talaga ako. Nakakita ako ng sipi ng mga salita ng Diyos. “Lahat kayo’y nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba sa inyo ang talagang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong sa iyong sarili: Ikaw ba’y isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Magagawa mo bang maging matuwid para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapapahintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahahalagang sandali? Ikaw ba’y taong gumagawa sa Aking kalooban? Itanong mo sa iyong sarili ang mga katanungang ito at madalas mong isipin ang mga ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Pakiramdam ko pinagsasabihan ako ng mga salita ng Diyos, lalo na nang makita ko ang mga parteng nagsasabing: “Ikaw ba’y isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Magagawa mo bang maging matuwid para sa Kanya?” “Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas?” Hiyang-hiya ako at talagang nakonsensya. Umaasa ang Diyos na maisasaalang-alang natin ang Kanyang kalooban at mabilis na maninindigan upang ilantad at pigilan ang mga taong gumagambala sa gawain ng iglesia para protektahan ang mga interes ng iglesia. Samantalang ako, medyo matagal ko nang kilala si Li Yan at nasaksihan ko kung paanong ‘di siya gumawa ng praktikal na gawain at ‘di tumanggap ng pagpuna, at alam na alam ko na kung ‘di siya tatanggalin, parehong mapipinsala ang gawain ng iglesia at ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Pero naisip ko kung paanong tinulungan niya ako, at nag-alala akong kamumuhian niya ako ‘pag nalaman niyang iniulat ko siya at sasabihin niyang wala akong konsensya. Kaya para protektahan ang aming relasyon, ayokong iulat ang kanyang mga problema, kahit malinaw kong nakitang nabibigo siyang gumawa ng praktikal na gawain, dahilan kaya ang ilang walang pananampalataya’y ‘di agad napaalis sa iglesia’t patuloy na nakagagambala sa buhay-iglesia. Napakamakasarili ko’t kasuklam-suklam! Sa paglabag sa mga prinsipyo ng katotohanan, pagtulong at pagprotekta sa huwad na lider, at pagpapahintulot sa kanyang gambalain ang buhay-iglesia, hindi ba’t naging alipores ako ng huwad na lider na ito’t naging kabahagi sa kanyang masasamang gawain? Nang mapagtanto ko ito, kinamuhian ko ang sarili ko sa hindi pag-uulat kay Li Yan sa oras at nagdesisyong talakayin agad ang kanyang mga isyu sa lider.

Pagkatapos nun, pinakolekta sa akin ng nakatataas na lider ang mga pagsusuri ng mga kapatid kay Li Yan at pagkatapos ay maaari nang pagpasyahan batay sa kanyang palagiang pagganap kung dapat ba siyang tanggalin. Kung siya ay matukoy na huwad na lider, sasama ako sa nakatataas na lider at tatanggalin si Li Yan. Medyo nag-atubili ako nang sabihin ‘yon ng nakatataas na lider, iniisip kong: “Tinulungan ako nang husto ni Li Yan matapos akong matanggal dati. Kung ilalantad ko siya at tutulungan ang ibang tukuyin siya, sasabihin niyang wala akong konsensya.” Nagtalo ang kalooban ko at ayoko siyang ilantad. Napagtanto kong mali ang kalagayan ko, kaya nanalangin ako sa Diyos, hinahangad na malutas ang aking pag-aalinlangan. Nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga taong masuwayin sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga umaangkin na may pananampalataya, subalit salat sa katotohanan? Hindi ba sila yaong mga naghahangad na matamo lamang ang mga pagpapala samantalang hindi magawang magpatotoo para sa Diyos? Nakikihalubilo ka pa rin ngayon sa mga demonyong iyon at nag-uukol ng budhi at pagmamahal sa kanila, ngunit sa pangyayaring ito, hindi ka ba nag-aabot ng mabubuting layon kay Satanas? Hindi ka ba kakampi ng mga demonyo? Kung hindi pa rin magawa ng mga tao sa mga araw na ito na makita ang kaibhan ng mabuti at masama, at patuloy na bulag na maging mapagmahal at maawain nang walang anumang layon na hangarin ang kalooban ng Diyos o magawang kupkupin bilang kanila sa anumang paraan ang mga layunin ng Diyos, magiging higit na kahabag-habag ang kanilang mga katapusan. Kaaway ng Diyos ang sinumang hindi naniniwala sa Diyos sa katawang-tao. Kung nakapag-uukol ka ng budhi at pagmamahal sa isang kaaway, hindi ka ba salat sa kahulugan ng pagiging matuwid? Kung bumabagay ka sa mga yaong kinamumuhian Ko at hindi Ko sinasang-ayunan, at nag-uukol pa rin ng pagmamahal o pansariling damdamin sa kanila, hindi ka ba masuwayin sa gayon? Hindi mo ba sinasadyang labanan ang Diyos? Nagtataglay ba ng katotohanan ang gayong tao? Kung nag-uukol ng budhi ang mga tao patungkol sa mga kaaway, pagmamahal sa mga demonyo, at habag kay Satanas, hindi ba nila sinasadyang gambalain ang gawain ng Diyos sa gayon?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Tinamaan talaga ako sa mga salita ng Diyos. Malinaw na sinasabi ng sipi na ang mga taong naghahanap ng katotohanan at nagtataguyod sa gawain ng iglesia ay dapat tratuhin nang may pagmamahal, habang ang mga namumuhi sa katotohanan at gumagambala sa gawain ng iglesia ay dapat na kasuklaman at talikuran. Pero kahit malinaw ko nang nakitang hindi gumagawa ng praktikal na gawain si Li Yan at ginagambala ang gawain ng iglesia, pinakitaan ko pa rin siya ng kabaitan at hindi ko siya agad iniulat. Tapos, nang panahon na para ilantad siya at tulungan ang ibang makamit ang pagkakilala at matutunan ang mga aral, binalot ako ng pag-aalala, at nabahala akong kamumuhian niya ako’t sasabihing isa akong walang utang na loob na taksil. Kaya pinagtaksilan ko ang aking konsensya, pinrotektahan at pinagtakpan siya. Wala talaga akong pagkatao. Nasaan ang katapatan ko sa Diyos? Hindi ba’t naging isa ako sa mga kampon ni Satanas? Kahit na tinatamasa ko ang labis na panustos ng Diyos, pinagtaksilan ko pa rin Siya. Ayos lang sa’king magdusa ang gawain ng iglesia at ang pagpasok sa buhay ng aking mga kapatid, basta’t napapangalagaan ang mga personal kong interes. Wala talaga akong konsensya at pagkatao! Kung patuloy akong mabibigong magsisi’t magsagawa ng katotohanan, sa huli’y magsasawa sa akin ang Diyos at palalayasin ako.

Pagkatapos nun, nagbasa pa ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos. “Kung nais kang iligtas ng Diyos, kahit kaninong mga serbisyo pa ang ginagamit Niya upang maisakatuparan ito, dapat mo munang pasalamatan ang Diyos at tanggapin ito mula sa Diyos. Hindi mo dapat ibigay lang sa mga tao ang iyong pasasalamat, lalo namang ialay ang iyong buhay sa isang tao nang dahil sa pasasalamat. Ito ay isang matinding pagkakamali. Ang mahalaga ay nagpapasalamat ang puso mo sa Diyos, at tinatanggap mo ito mula sa Kanya(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ano ba ang Paghahangad ng Katotohanan (7)). “Ang pagtulong sa isang taong nangangailangan, sa angkop na oras at lugar, ay isang ganap na normal na pangyayari. Responsibilidad din ito ng bawat miyembro ng sangkatauhan. Ito ay isang uri lamang ng responsibilidad at obligasyon. Ibinigay ng Diyos sa mga tao ang likas na ugaling ito nang likhain Niya sila. … Ang pagtulong sa iba at pagiging mabuti sa kanila ay napakadali para sa mga tao, ito ay bahagi ng likas na ugali ng tao, at isang bagay na kayang-kayang gawin ng mga tao. Hindi na kailangang iranggo ito nang kasingtaas ng biyaya. Gayunpaman, maraming tao ang itinutumbas ito sa biyaya, at palaging pinag-uusapan ito at patuloy na sinusuklian ito, iniisip na kung hindi, wala silang konsensya. Mababa ang tingin nila sa kanilang sarili at hinahamak ang sarili, at nag-aalala pa na masusumbatan sila ng lipunan. Kailangan bang mag-alala tungkol sa mga bagay na ito? (Hindi.) Maraming tao ang hindi ito makilatis, at patuloy na napipigilan ng isyung ito. Ganito ang hindi maunawaan ang mga prinsipyo ng katotohanan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ano ba ang Paghahangad ng Katotohanan (7)). Oo. Ang Diyos ang Panginoon ng paglikha; Siya ang naghahari at nangangasiwa sa lahat ng bagay. Nang ako’y nasa pinakamahina’t pinakanegatibo kong sandali, maaaring tila mabuti ang pakikitungo sa akin ni Li Yan sa kanyang pagtulong at pagbabahagi, pero, ang totoo, lahat ito’y paghahari at pagsasaayos ng Diyos, hindi pagmamalasakit ni Li Yan sa akin. Dapat tinanggap ko ‘yon na mula sa Diyos at nagpasalamat sa Kanya, sa halip na iniugnay ‘yon kay Li Yan. Bukod pa riyan, si Li Yan ay isang lider ng iglesia, kaya tungkulin niya talagang suportahan ang mga kapatid at lutasin ang anumang isyu sa kanilang pagpasok sa buhay. Nang suportahan ako ni Li Yan at bahaginan ng mga salita ng Diyos, tinutupad lang niya ang kanyang tungkulin. At saka, ang pagtrato sa mga kapatid nang may pagmamahal, ang pagtulong at pagsuporta sa isa’t isa ay isa sa mga hinihingi ng Diyos sa Kanyang mga hinirang. Dapat tinanggap ko ang suporta ni Li Yan na mula sa Diyos at pinasalamatan Siya. Sa halip, napagkamalan kong pagmamalasakit ito ni Li Yan sa akin at naisip kong mabuti talaga siyang tao. Paulit-ulit ko siyang pinrotektahan dahil sa aking personal na pagkagiliw. Malinaw na alam kong isa siyang huwad na lider, pero hindi ako nanindigan para iulat at ilantad siya. Napakagulo ng isip ko! Dapat ay isinaalang-alang ko ang kalooban ng Diyos, kumapit sa mga prinsipyo, at inilantad ang huwad na lider para pangalagaan ang gawain ng iglesia. Iyon lang ang pagpapakita ng konsensya at pagkatao. Kung si Li Yan ay isang taong tumatanggap sa katotohanan, kapag iwinasto’t inilantad siya, pagninilayan at kikilalanin niya ang sarili, makikita niya ang sarili niyang katiwalian at pagkukulang, magsisisi’t makakamit ang pagbabago. Makatutulong din ito sa kanya. Kung hindi siya isang taong tumatanggap sa katotohanan, at kapag iwinasto, hindi siya nagsisi, ilalantad nito ang katunayan na hindi niya hinahangad ang katotohana’t dapat siyang tanggalin. Makakatulong ito kapwa sa gawain ng iglesia at sa pagpasok sa buhay ng iba. Mayroon akong kakatwang pag-unawa sa mga bagay: Lagi akong naniniwalang ang pagwawasto’t paglalantad sa mga tao’y pagpapahiya’t pananakit sa kanila. Itinuturing ko ang napakapositibong bagay bilang negatibo. Bilang resulta, patuloy akong pinipigilan ng maling paniniwalang ito at hindi ako naglakas-loob na ilantad ang mga isyu ni Li Yan. Hindi ko talaga naiintindihan ang katotohanan at lubha akong kalunos-lunos. Nang mapagtanto ko ang lahat ng ‘yon, nakaramdam ako ng ginhawa at tumigil akong iwasan ang aking responsibilidad. Kalaunan, matapos siyasatin ang pangkalahatang pagganap ni Li Yan, napag-alamang isa siyang huwad na lider, at siya’y tinanggal. Hindi niya pinagnilayan o kinilala man lang ang sarili, at nagreklamo pa na siya’y ginawan ng mali. Nakipagtalo siya na maraming taon na siyang lider, na isinuko niya ang pagkakataong kumita ng pera sa mundo sa labas, at tiniis ang di-mabilang na paghihirap, kaya pakiramdam niya’y hindi patas ang pagtrato sa kanya ng iglesia. Matapos ‘yon, nahumaling siya sa kayamanan, nagtrabaho para kumita ng pera at tumigil na sa regular na pagdalo sa mga pagtitipon. Matapos siyang matanggal, nagsagawa ng halalan ang iglesia para pumili ng bagong lider, ang mga walang pananampalataya’y pinaalis hindi na nakaranas ng pagkaantala ang buhay-iglesia, at ang iba’t ibang proyekto ng iglesia ay nakapagpatuloy na nang maayos. Nang makita ang lahat ng ito, nakaramdam ako ng higit na kapanatagan. Masayang-masaya ako na nagawa kong hanapin ang katotohanan sa sitwasyong ito, tukuyin ang aking mga isyu sa tamang oras at tuparin ang aking tungkulin.

Kalaunan, nang makasalubong ko si Li Yan, nagalit siya sa akin, sinabing: “Ayokong makita ang pagmumukha mo! Ngayon sinasabi ng lahat na huwad akong lider, at ikaw ang nagsabi sa kanila nun. Kinamumuhian kita!” Medyo nalungkot ako nang marinig kong sinabi niya ‘yon, pero alam kong totoo ang lahat ng iniulat ko sa nakatataas na lider. Isa siyang huwad na lider at dapat ilantad at iulat. Ganap itong naaayon sa kalooban ng Diyos. Pero bakit sobrang sakit marinig na kinamumuhian niya ako? Kalaunan, nakabasa ako ng sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng pagkaunawa sa ugat ng problema. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Bagama’t ang mga tao ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos araw-araw at nagbabasa nang padasal at madalas na pinagninilayan ang mga salita ng Diyos, ang mga pangunahing pananaw, prinsipyo, at pamamaraan na pinagbabatayan kung paano nila tinitingnan ang mga tao at mga bagay, kung paano sila umaasal, at kung paano nila pinangangasiwaan ang mga bagay-bagay ay alinsunod pa rin sa tradisyunal na kultura. Samakatuwid, ang epekto ng tradisyunal na kultura sa isang tao, ay ang mapasailalim pa rin sila sa manipulasyon, pangangasiwa, at kontrol nito sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Para itong isang anino na hindi maiwaksi ng isang tao at hindi niya matakasan. Ano ang dahilan nito? Sapagkat ang mga tao ay hindi kayang isiwalat, siyasatin, o ilantad ang iba’t ibang ideya at pananaw na itinanim ng tradisyunal na kultura at ni Satanas sa kaibuturan ng isipan ng tao; hindi nila kayang kilalanin, kilatisin, labanan, o iwanan ang mga bagay na ito; hindi nila kayang tingnan ang mga tao at mga bagay, umasal, o pangasiwaan ang mga bagay sa paraang sinasabi ng Diyos sa mga tao, o sa paraang ayon sa Kanyang pagtuturo at pagpapaliwanag. Sa anong uri ng suliranin kasalukuyang namumuhay pa rin ang karamihan sa mga tao nang dahil dito? Ito ay isang suliranin kung saan mayroong pagnanais sa kaibuturan ng kanilang mga puso na tingnan ang mga tao at mga bagay, umasal, at pangasiwaan ang mga bagay ayon sa mga salita ng Diyos, na huwag talikuran ang kalooban ng Diyos, o sumalungat sa katotohanan. Ngunit hindi sinasadya at labag sa loob, nakikipag-ugnayan pa rin sila sa mga tao, umaasal, at pinangangasiwaan ang mga bagay ayon sa mga pamamaraan na itinuturo ni Satanas. Kahit na ang mga tao ay may pusong nananabik sa katotohanan, gustong magkaroon ng matinding pagnanais para sa Diyos, gustong tingnan ang mga tao at mga bagay, umasal, at pangasiwaan ang mga bagay ayon sa mga salita ng Diyos, at hindi sumalungat sa mga prinsipyo ng katotohanan, palagi pa ring humahantong na salungat sa kanilang kagustuhan ang mga bagay-bagay. Kahit matapos doblehin ang kanilang mga pagsisikap, ang panghuling resulta ay hindi pa rin ayon sa gusto nila. Gaano man nahihirapan ang mga tao, gaano man kalaki ang kanilang pagsisikap, gaano man sila manindigan at maghangad na matamo ang pagmamahal para sa mga positibong bagay, sa huli, ang katotohanan na kanilang naisasagawa at ang mga prinsipyo ng katotohanan na kanilang napanghahawakan sa totoong buhay ay kakaunti at madalang. Ito ang pinakanakakadismaya sa kaibuturan ng puso ng mga tao. Ano ba talaga ang dahilan nito? Ang isang bahagi ng dahilan ay walang iba kundi ang patuloy na pangingibabaw sa kanilang mga puso ng iba’t ibang ideya at pananaw na itinuturo ng tradisyunal na kultura sa mga tao, kinokontrol nito ang kanilang mga salita, kilos, ideya, at ang mga diskarte at paraan ng pag-asal at pangangasiwa ng mga tao sa mga bagay-bagay. Kaya, ang pagkilala sa tradisyunal na kultura, pagsusuri at paglalantad sa tradisyunal na kultura, pagtukoy at pagkilatis dito, at sa huli ay pagtalikod dito magpakailanman ay nangangailangan ng pagdaan sa isang proseso. Ito ay napakahalaga; walang kaibahan kung gawin mo man ito o hindi dahil ang tradisyunal na kultura ay nangingibabaw na sa kaibuturan ng puso ng mga tao, at lubos pa ngang pinangingibabawan ang mga tao, dahilan kaya hindi nila mapigilan ang kanilang mga sarili na talikuran ang katotohanan sa kanilang buhay, sa kung paano sila umasal, at kung paano nila pinangangasiwaan ang mga bagay; kaya naman hindi nila mapigilan ang kanilang sarili na makontrol at maimpluwensyahan pa rin ng tradisyunal na kultura, hanggang ngayon(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Bakit Dapat Nating Hangarin ang Katotohanan?). Habang pinagninilayan ang mga salita ng Diyos, napagtanto kong namumuhay ako base sa mga tradisyunal at kultural na pagpapahalaga at mga satanikong pilosopiya tulad ng “Suklian ang isang patak ng kabaitan ng isang bukal ng gantimpala.” Ginamit ko ang mga ideyang ito bilang aking gabay na mga prinsipyo. Naniwala akong dapat kong gawin ang makakaya ko upang protektahan at suklian ang mga naging mabait at nakagawa ng mabubuting bagay sa akin mabubuti man sila o masasamang tao o kumikilos ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan. Kahit sila’y nakagawa ng masama’t ginambala ang gawain ng iglesia, dapat ko silang pagtakpan, kung hindi, wala akong konsensya’t pagkatao. Napipigilan ako ng mga satanikong pilosopiyang ito kaya kahit na malinaw ko nang nakikitang hindi gumagawa ng praktikal na gawain si Li Yan at isang huwad na lider, ipinagpaliban ko ang paglalantad at pag-uulat sa kanya dahil tinulungan niya ako dati. Gusto ko siyang laging bigyan ng isa pang pagkakataon at maging maluwag, maging mabait at mapagmahal sa kanya. Hindi ko isinaalang-alang kung ang gawain ng iglesia at pagpasok sa buhay ng mga kapatid ay napinsala ba. Kinukunsinti ko ang paggawa ng masama ng huwad na lider at tumatayo sa panig ni Satanas, nagrerebelde at lumalaban sa Diyos. Nakita kong sa diwa, ang mga tradisyunal na pagpapahalagang ito ay pawang mga kasinungalingan at maling paniniwala na ginamit ni Satanas para linlangin at gawing tiwali ang mga tao. Hindi ito mga prinsipyong dapat nating sundin sa buhay. Lalo lang akong magiging kakatwa at katawa-tawa kung susundin ko ang gayong mga ideya sa buhay ko. Magiging lalong magulo ang isip ko, hindi matutukoy ang mabuti sa masama at lalabagin ko lang ang katotohanan at lalabanan ang Diyos.

Nakakita ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Kung minsan ay napipigilan at naiimpluwensiyahan ng mga emosyon ang gamit ng konsensya, kaya naman ang ating mga desisyon ay sumasalungat sa mga prinsipyo ng katotohanan. Dahil dito, malinaw nating makikita ang isang katunayan: na ang gamit ng konsensya ay mas mababa sa mga pamantayan ng katotohanan, at kung minsan ang pagkilos ayon sa iyong konsensya ay maaaring labag sa katotohanan. Kung nananalig ka sa Diyos, ngunit hindi ka namumuhay ayon sa katotohanan, at sa halip ay kumikilos ayon sa iyong konsensya, makakagawa ka ba talaga ng masama at lalaban sa Diyos? May mga bagay na tunay na masasamang gawa. Talagang hindi mo masasabi na ang pagkilos ayon sa iyong konsensya ay hindi kailanman isang pagkakamali. Ipinapakita nito na kung nais mong mapalugod ang Diyos at sumunod sa Kanyang kalooban, ang pagkilos ayon lamang sa iyong konsensya ay hindi kailanman magiging sapat. Dapat kang kumilos ayon sa katotohanan upang matugunan ang mga hinihingi ng Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ano ba ang Paghahangad ng Katotohanan (2)). Oo. Dapat lahat tayo’y may konsensya, pero hindi iyon ang katotohanan at hindi makapapalit doon. Kung aakto’t kikilos lang tayo ayon sa’ting konsensya sa halip na susundin ang katotohanan, malamang na sasalungat tayo sa katotohana’t lalaban sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na mahalin natin ang minamahal Niya’t kamuhian ang kinamumuhian Niya. Ito ang prinsipyong dapat nating gamitin sa iba. Kung ang isang kapatid ay naghahanap ng katotohanan, pinakitaan man niya ako ng kabaitan o hindi, ‘pag nagkaproblema siya, dapat ko siyang tulungan nang may pagmamahal. Kung gumawa siya ng masasamang gawa o kung siya’y huwad na lider, masamang tao o anticristo, kahit na naging mabuti ang kalooban niya sa akin, dapat ko siyang tratuhin ayon sa mga prinsipyo’t ilantad at iulat siya. Kaya nang ginambala ni Li Yan ang gawain ng iglesia at hindi tinanggap ang katotohanan, nabigong magsisi’t magbago kahit anong pagbabahagi’t pagtulong ang ginawa sa kanya, hindi ko siya dapat pinrotektahan dahil sa tinatawag kong “konsensya,” sa halip, dapat ay inilantad at iniulat ko siya ayon sa mga prinsipyo. Sa hindi paggawa nun, ipinapahamak ko lang ang mga kapatid at higit na pinipinsala ang gawain ng iglesia. Nakapagbibigay-liwanag ang mapagtanto ito, at pakiramdam ko’y nagkaroon ako ng landas ng pagsasagawa at mga prinsipyong magagamit sa pagtrato ko sa iba. Kalaunan, sa sobrang inis ni Li Yan sa pagkakatanggal niya hindi lang siya nagsimulang maghangad ng kayamanan at lumiban sa mga pagtitipon, nagpakalat pa siya ng pagkanegatibo sa iba, ipinagpatuloy ang kanyang paggambala, at maraming beses na tumangging tumanggap ng pagbabahagi at pagpuna. Dapat siyang paalisin ayon sa prinsipyo. Nang panahong ‘yon, hindi ko na siya pinrotektahang muli, sa halip tumulong ako sa mga lider na mangolekta ng mga pagsusuri sa kanya ng mga kapatid. Sa pagsang-ayon ng higit otsenta porsiyento ng mga kapatid, itiniwalag sa iglesia si Li Yan.

Matapos lang maranasan ang lahat ng ‘yon saka ko napagtantong ang pamumuhay ayon sa pilosopiya ni Satanas ay nakakahadlang lamang sa pagsasagawa ng katotohanan at maaaring makaantala pa sa gawain ng iglesia. Tanging ang mga kumikilos at tumitingin sa mga bagay nang ayon sa mga salita ng Diyos ang tunay na may pagkatao at kayang protektahan ang iglesia at bigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos. Itinama ng mga salita ng Diyos ang mga mali kong paniniwala at tinulungan akong maunawaan ang mga prinsipyo kung paano tratuhin ang iba.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Muling Pagsilang

Yang Zheng Lalawigan ng Heilongjiang Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya sa kanayunan na makaluma sa kanilang pag-iisip. Ako ay...