Mga Kabatirang Nakamit Mula sa Pagkakapungos

Pebrero 17, 2025

Ni Stacy, Timog Korea

Noong Agosto 2022, ako ang nangangasiwa sa gawain ng pagdidilig sa iglesia. Isang araw, sinabi sa akin ng isang lider na ang ilang kapatid ay nag-ulat na hindi ko raw sinubaybayan ang mga kalagayan o paghihirap ng mga baguhan bago ang mga pagtitipon, at na hindi malutas ng pagbabahaginan sa mga pagtitipon ang mga aktuwal na isyu. Iniulat din nila na hindi dumadalo sa mga pagtitipon ang ilang baguhan at na hindi ko pa agad inusisa o tiningnan kung ano ang nangyayari. Wala akong sinabing anuman, pero sa puso ko, nagdadahilan ako, iniisip ko, “Maagap kong kinumusta at tiningnan ang kalagayan ng ilang baguhan, pero hindi lang talaga sila sumagot sa mga mensahe ko, kaya wala akong kamalay-malay sa nangyayari sa kanila. Gayundin, kahit na minsan ay wala akong kamalayan sa ilang baguhan na hindi pumupunta sa mga pagtitipon, kalaunan ay bumalik naman sila para regular na dumalo sa mga pagtitipon, kaya ano ang problema?” Hindi ko maiwasang medyo madismaya sa mga kapatid na nag-ulat ng mga isyu. Naisip ko, “Bago iulat ang mga isyung ito, kinausap mo muna sana ako at tinanong tungkol sa sitwasyon at sa konteksto. Kung hindi ko tinanggap ang mga iyon, saka mo na ako iulat sa lider. Ngayon na direkta ka nang nag-ulat sa lider nang walang sinasabing anuman, paano na ako titingnan ng lider? Hindi ba’t iisipin niya na hindi ko tinanggap ang mga mungkahi o ang katotohanan?” Nainis ako dahil sa mga kaisipang ito. Bagama’t alam kong nakakatulong sa mga tungkulin ko ang mga mungkahi ng mga kapatid, at na dapat ko munang tanggapin ang mga iyon, pagnilayan at kilalanin ang sarili ko, at hindi makipagtalo at subukang bigyang-katwiran ang sarili ko, nang isipin ko kung paanong masisira ang dangal at katayuan ko, nag-atubili akong harapin ang sitwasyon.

Kalaunan, kumalma ako at pinagnilayan ang mga isyung iniulat ng mga kapatid, at napagtanto ko na talagang kailangan ng mga pagbabago. Kaya, nagpadala ako ng isang mensahe sa grupo na hinihiling sa lahat na tukuyin ang anumang isyu ko na napansin nila. Hindi nagtagal, tinukoy ni Brother Jayden ang ilang isyung nakita niya at binigyan din ako ng ilang mungkahi. Nang marinig ko na katulad ng sinabi ng lider ang mga komento niya, naghinala ako, iniisip na, “Siya siguro ang nag-ulat sa akin sa lider. Bakit pa kaya nila sasabihin ang gayong magkaparehong bagay?” Sa ganitong kaisipan, nahirapan akong tratuhin nang tama ang mga isyu at mungkahing inilahad niya, at sinagot ko isa-isa ang bawat punto. Pagkatapos ay nagpadala siya ng mensahe sa grupo, “Sinabi mong puwede kaming magsabi ng mga mungkahi at sabihin ang tungkol sa anumang problema, kaya ngayong ginawa na namin iyon, bakit ka gumagawa ng mga dahilan at nagpapakita ng pagtangging maghanap o tumanggap?” Nang inilantad niya ako sa harap ng napakaraming kapatid, lubha akong napahiya. Nagsimula akong bumuo ng pagkiling laban sa kanya, iniisip na, “Talagang ipinapahiya mo ako! Hindi mo lang iniulat nang pribado sa lider ang mga problema ko, kundi binigyan mo rin ako ng mga mungkahi at inilantad ako sa harap ng lahat ng taong ito. Ano pang mukha ang maihaharap ko? Paano ko haharapin ang mga kapatid pagkatapos nito? Hindi ba puwedeng sinabi mo na lang ito sa akin nang pribado kung may problema ako? Bakit mo ako kailangang tukuyin sa harap ng napakaraming tao? Sinasadya mo bang hiyain at hamakin ako sa harap ng lahat? Malinaw na sinusubukan mo lang na pahirapan ang buhay ko. Kung hindi ko ipapakita sa iyo kung sino ang masusunod, iisipin mong kaya mo akong paikutin.” Mayroon pa nga akong malisyosong kaisipan sa puso ko, “Ako ang responsable sa gawain ng pagdidilig. Kung patuloy mo akong ipapahiya, mag-iisip ako ng dahilan para pigilan ka sa pagdidilig ng mga baguhan, dahil kung hindi, sisirain mo ang imahe ko sa iba.” Nang maisip ko ito, kumabog ang puso ko, at naisip ko, “Paano ko nagawang isipin ang gayong malisyosong bagay? Hindi ba’t pag-atake at pagganti ito laban sa iba?” Medyo natakot ako, kaya tahimik akong nanalangin sa Diyos, “O Diyos, pakibantayan Mo ang puso ko para maging kalmado ito at para hindi ko sundin ang tiwaling disposisyon ko sa aking mga kilos. Pakiusap gabayan Mo ako sa sitwasyong ito.” Pagkatapos kong manalangin, nakita kong nagpapadala ng mga mensahe sa grupo ang ilang kapatid na sinasang-ayunan ang mga mungkahi ni Jayden. Napagtanto ko sa wakas na may layunin ang Diyos sa sitwasyong ito na nangyayari sa akin. Kailangan ko munang tumanggap at magpasakop, hanapin ang katotohanan, pagnilayan ang sarili ko, at matuto ng aral.

Isang araw sa aking mga debosyonal, binasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Anuman ang mga sitwasyong nagiging dahilan para pungusan ang isang tao, ano ang pinakamahalagang saloobing dapat taglayin ukol dito? Una, dapat mong tanggapin ito. Sinuman ang pumupungos sa iyo, anuman ang dahilan, hindi mahalaga kung malupit man ang dating nito, o anuman ang tono at pananalitang ginagamit, dapat mong tanggapin ito. Pagkatapos, dapat mong aminin ang nagawa mong mali, ang tiwaling disposisyon na ipinakita mo, at kung kumilos ka ba alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Unang-una sa lahat, ito ang saloobing dapat mong taglayin. At taglay ba ng mga anticristo ang gayong saloobin? Hindi; mula simula hanggang katapusan, ang saloobing inilalabas nila ay paglaban at pag-ayaw. Sa ganoong saloobin, kaya ba nilang maging tahimik sa harap ng Diyos at mapagpakumbabang tanggapin ang pagpupungos? Hindi, hindi nila kaya. Ano ang gagawin nila, kung gayon? Una sa lahat, pilit silang makikipagtalo at mangangatwiran, na ipinagtatanggol at ipinaliliwanag ang mga maling nagawa nila at ang tiwaling disposisyong nailantad nila, sa pag-asang makuha ang pag-unawa at pagpapatawad ng mga tao, upang hindi na nila kailangang managot o tumanggap ng mga salitang pumupungos sa kanila. Ano ang saloobing ipinapakita nila kapag nahaharap sila sa pagkakapungos? ‘Wala akong kasalanan. Wala akong nagawang mali. Kung nagkamali ako, may dahilan iyon; kung nagkamali ako, hindi ko iyon sinadya, hindi ako dapat managot para doon. Sino ang hindi nakagagawa ng ilang pagkakamali?’ Sinasamantala nila ang mga pahayag at pariralang ito, ngunit hindi nila hinahanap ang katotohanan, ni hindi nila kinikilala ang mga pagkakamaling nagawa nila o ang mga tiwaling disposisyong naipakita nila—at talagang hindi nila inaamin ang kanilang layon at mithiin sa paggawa ng kasamaan. Gaano man kalinaw ang mga pagkakamaling nagawa nila o gaano man kalaking kawalan ang naidulot nila, nagbubulag-bulagan lang sila sa mga bagay na ito. Hindi sila nakadarama ng kahit katiting na kalungkutan o pagkakonsensiya, at hindi man lang sila inuusig ng kanilang konsensiya. Sa halip, pinangangatwiranan nila ang kanilang sarili nang buong lakas nila at nakikipagsagutan sila, iniisip na, ‘May makatarungang pananaw ang lahat. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang mga dahilan; ang pinakamahalaga ay kung sino ang mas mahusay magsalita. Kung maipapasa ko ang pangangatwiran at paliwanag ko sa karamihan, ako ang panalo, at ang mga katotohanang sinasabi mo ay hindi mga katotohanan, at walang bisa ang mga katunayan mo. Gusto mo akong kondenahin? Hindi maaari!’ Kapag ang isang anticristo ay pinupungusan, sa kaibuturan ng kanyang puso at kaluluwa, ganap at matigas siyang lumalaban at umaayaw, at tinatanggihan niya iyon. Ang kanyang saloobin ay, ‘Anuman ang sasabihin mo, gaano ka man katama, hindi ko tatanggapin iyon, at hindi ko aaminin iyon. Hindi ako ang may kasalanan.’ Paano man inilalantad ng mga katunayan ang kanyang tiwaling disposisyon, hindi niya iyon kinikilala o tinatanggap, kundi patuloy siya sa kanyang pagsuway at paglaban. Anuman ang sabihin ng iba, hindi niya tinatanggap o kinikilala iyon, kundi iniisip niya na, ‘Tingnan natin kung sino ang mas magaling magsalita; tingnan natin kung sino ang mas mahusay na tagapagsalita.’ Ito ay isang uri ng saloobin ng pagtrato ng mga anticristo sa pagkakapungos(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)). “Ang saloobin at ang iba’t ibang pagpapamalas ng isang anticristo hinggil sa pagpupungos, maging ang kanilang mga kaisipan, perspektiba, ideya, at mga bagay na katulad nito na lumilitaw mula sa sitwasyong ito ay ibang-iba kumpara sa isang karaniwang tao. Kapag ang isang anticristo ay pinupungusan, ang unang ginagawa niya ay labanan at tanggihan ito sa kaibuturan ng kanyang puso. Nilalabanan niya iyon. At bakit ganoon? Ito ay dahil ang mga anticristo, sa kanilang kalikasang diwa, ay tutol at namumuhi sa katotohanan, at hindi nila talaga tinatanggap ang katotohanan(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem: Gusto Nilang Umatras Kapag Wala Silang Katayuan o Pag-asang Magkamit ng mga Pagpapala). Sa pamamagitan ng pag-iisip-isip sa mga salita ng Diyos, sa wakas ay napagtanto ko na kapag pinupungusan ang isang tao na naghahangad ng katotohanan, anuman ang saloobin o tono ng taong pumupungos sa kanya, o sa anong sitwasyon o konteksto nangyayari ang pagpupungos na ito, kaya niya munang tanggapin ito, pagnilayan kung saan niya nilabag ang mga prinsipyo at anong tiwaling disposisyon ang ibinunyag niya, at hanapin ang katotohanan upang lutasin ito. Gayumpaman, sa diwa ay tutol at namumuhi ang mga anticristo sa katotohanan, at kapag pinupungusan at binibigyang gabay sila ng iba, nadarama nila ang panghihimok na lumaban at tanggihan ang mga bagay na ito. Kahit na halata na ang mga problema nila at nagdulot ng mga kawalan sa gawain, hindi pa rin nila inaamin na mali sila, at naghahanap ng lahat ng klase ng katwiran at dahilan para ipagtanggol at ipawalang-sala ang sarili nila. Sa pagninilay ko sa aking saloobin at pag-uugali noong pungusan ako, napagtanto ko na ang disposisyong naibunyag ko sa katunayan ay katulad ng sa isang anticristo. Nang magbigay sa akin ng mga mungkahi ang mga kapatid, hindi ko kaagad tinanggap ang mga iyon, pinagnilayan at nagbalik-tanaw sa mga problema at paglihis, sa halip, nanlaban ako at nainis, at naghanap ng lahat ng klase ng katwiran at dahilan para makipagtalo at bigyang-katwiran ang sarili ko. Kung ganito, talagang hindi ko tinatanggap ang katotohanan at sa halip ay tutol ako dito. Sa katunayan, pagkatapos ng maingat na pagsasaalang-alang at pagninilay-nilay, nakita ko na ang mga isyung sinabi ng mga kapatid ko ay pawang totoo, at na anumang dahilan, kung hindi nadiligan nang maayos ang mga baguhan, ibig sabihin nito ay naging iresponsable ako sa tungkulin ko. Bukod doon, noong iniulat ng mga kapatid na hindi ko inusisa o tiningnan nang napapanahon kung bakit hindi dumadalo sa mga pagtitipon ang mga baguhan, nagdahilan pa ako, iniisip na paminsan-minsan lang napapalampas ng mga baguhan ang mga pagtitipon at regular namang dadalo kalaunan, kaya hindi ito malaking isyu. Sa realidad, bilang isang tagadilig, hindi ko alam na hindi dumadalo sa mga pagtitipon ang mga baguhan at hindi ko sila agad sinubaybayan o nag-usisa sa usaping ito. Iyon mismo ay kapabayaan at nagpakitang pabasta-basta ako. Pero itinanggi at pinabulaanan ko nang may iba’t ibang dahilan ang mga isyu at mungkahing inilahad ng mga kapatid, at habang sa panlabas, mukhang hindi ito isang malaking problema, may kinalaman naman ito sa saloobin ko sa aking mga tungkulin, at ibinubunyag ang saloobin ko patungkol sa katotohanan pati na rin sa Diyos. Nang pagnilayan ko lang ito saka ko napagtanto kung gaano kaseryoso ang kalikasan ng isyung ito. Kung hindi nangyari sa akin ang sitwasyong ito, hindi ko talaga pagninilayan ang sarili ko, ni hindi ko makikilala ang aking satanikong disposisyon na tutol sa katotohanan, at kung nagpatuloy ako nang ganito, hahantong lang ako sa pagtaboy at pagtiwalag ng Diyos.

Sa aking pagninilay-nilay, binasa ko pa ang mga salita ng Diyos: “Pagdating sa usapin ng pagkakapungos, hindi ito kayang tanggapin ng mga anticristo. At may mga dahilan kung bakit hindi nila ito matanggap, ang pangunahing dahilan ay na kapag pinupungusan sila, pakiramdam nila ay napahiya sila, nawalan ng reputasyon, katayuan, at dignidad, na naiwan silang wala nang mukhang maihaharap sa lahat. May epekto sa puso nila ang mga bagay na ito, kaya’t nahihirapan silang tanggapin ang pagkakapungos, at pakiramdam nila, ang sinumang pumupungos sa kanila ay pinupuntirya sila at kaaway nila. Ito ang mentalidad ng mga anticristo kapag pinupungusan sila. Makakasiguro ka rito(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)). “Gustong-gusto ng mga anticristo ng reputasyon at katayuan. Ang reputasyon at katayuan ang dugong nagbibigay-buhay sa kanila; pakiramdam nila ay walang kabuluhan ang buhay kung walang reputasyon at katayuan, at wala silang lakas na gumawa ng anumang bagay kung walang reputasyon at katayuan. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay mahigpit na nakatali sa kanilang mga pansariling interes; ang mga ito ang kanilang matinding kahinaan. Kaya naman lahat ng ginagawa ng mga anticristo ay umiikot sa katayuan at reputasyon. Kung hindi dahil sa mga bagay na ito, baka hindi man lang sila gumawa ng anumang gawain. May katayuan man ang mga anticristo o wala, ang layong ipinaglalaban nila, ang direksiyon na kanilang pinagsusumikapan ay patungo sa dalawang bagay na ito—reputasyon at katayuan. … Kapag nagbabayad sila ng halaga, tingnan ninyo kung bakit sila nagbabayad ng halaga. Kapag masigasig silang nagdedebate tungkol sa isang isyu, tingnan kung bakit sila nagdedebate tungkol dito. Kapag pinag-uusapan o kinokondena nila ang isang tao, tingnan kung ano ang intensiyon at layon nila. Kapag masama ang loob nila o nagagalit sila tungkol sa isang bagay, tingnan kung anong disposisyon ang ipinapakita nila. Hindi nakikita ng mga tao ang nasa loob ng puso ng tao, pero nakikita ito ng Diyos. Kapag tinitingnan ng Diyos ang nasa loob ng puso ng mga tao, ano ang ginagamit Niya para sukatin ang diwa ng mga sinasabi at ginagawa ng mga tao? Ginagamit Niya ang katotohanan para sukatin ito. Sa mga mata ng tao, ang pagpoprotekta sa sariling reputasyon at katayuan ay nararapat. Kung gayon, bakit ito binabansagan sa mga mata ng Diyos bilang ang pagpapakita at pagpapahayag ng mga anticristo, at bilang ang diwa ng mga anticristo? Nakabatay ito sa kasigasigan at motibasyon ng mga anticristo sa lahat ng kanilang ginagawa. Sinisiyasat ng Diyos ang kanilang kasigasigan at motibasyon sa kanilang mga ginagawa, at sa huli, natutukoy ng Diyos na ang lahat ng kanilang ginagawa ay para sa kanilang sariling reputasyon at katayuan, sa halip na para sa paggawa ng kanilang tungkulin, at lalong hindi para sa pagsasagawa ng katotohanan at pagpapasakop sa Diyos(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikalawang Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang dahilan kaya hindi matanggap ng mga anticristo ang mapungusan. Bukod sa kanilang diwa ng pagkamuhi at pagtutol sa katotohanan, mayroong isa pang pangunahing dahilan para rito, na itinuturing nila ang kanilang reputasyon at katayuan na mas mahalaga pa kaysa sa iba pa na nasa puso nila. Sa tingin ng mga anticristo, sinumang tumutukoy sa kanilang mga problema o pumupungos sa kanila ay sinusubukang pahirapin ang buhay ng mga anticristo, ipahiya sila, at mapinsala ang kanilang dangal at katayuan. Para maingatan ang kanilang reputasyon at katayuan, walang-tigil na lumalaban at sumasalungat ang mga anticristo, at tinatrato pa nga nila bilang mga kaaway ang mga nagpupungos sa kanila. Sa pagninilay-nilay nito, nakita ko na mayroon din akong ganitong pananaw. Sa simula, nang malaman ko na iniulat ng mga kapatid sa lider ang mga problema ko, nadama kong sinasadya nilang subukang ilantad sa lider ang mga problema ko, na ipinapahiya ako at inilalagay ako sa isang nakakaasiwang posisyon, at inisip ko na sinabi muna nila dapat sa akin nang pribado ang mga isyung napansin nila o tinukoy ang mga ito sa akin, at kung hindi ko ito tinanggap, saka magiging angkop na iulat nila sa lider ang mga isyung ito. Sa realidad, kung talagang naging isang tao ako na tumanggap ng mga mungkahi at ng katotohanan, hindi ko sana aalalahanin ang konteksto o ang paraan na inilahad nila ang mga isyu, sa halip, iisipin ko sana ang mga isyung inilahad at kung paano ako magbabago at huhusay. Ang dahilan kaya mayroon akong gayong mga kaisipan ay dahil gusto kong protektahan ang reputasyon at katayuan ko at panatilihin ang isang magandang impresyon sa mga mata ng lider. Noong nagmungkahi si Jayden at inilantad ako sa harap ng mga kapatid, lalo ko nang hindi magawang tumanggap. Akala ko ay ginagawa niya ito para subukan at hiyain at hamakin ako sa harap ng lahat, at mawawasak nito nang lubha ang magandang tingin sa akin ng mga tao. Dahil pinapangunahan ako ng pagnanais para sa reputasyon at katayuan, hindi ko tuwirang kinontra ang mga mungkahi niya para mabawi ang reputasyon ko, at mayroon pa nga akong mga malisyosong kaisipan, na gustong gamitin ang aking kapangyarihan at posisyon para supilin siya at pigilan siya sa pakikilahok sa gawain ng pagdidilig. Napagtanto ko na talagang masyado akong nag-aalala sa reputasyon at katayuan, na ang batayan sa likod ng lahat ng salita at kilos ko ay para protektahan ang dangal at katayuan ko, at na gusto ko pang supilin ang mga tao. Nakita ko na ang paghahangad sa reputasyon at katayuan ay talagang hindi ang tamang landas at na magdudulot lamang ito para labanan ko ang Diyos.

Kalaunan, pinagnilayan ko ang disposisyong ibinunyag ko sa pamamagitan ng aking mga malisyosong kaisipan, at nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na lubos na umantig sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pag-atake at paghihiganti ay isang uri ng pagkilos at pagbubunyag na nagmumula sa mapaminsalang satanikong kalikasan. Isa rin itong uri ng tiwaling disposisyon. Ganito mag-isip ang mga tao: ‘Kung hindi ka mabait sa akin, gagawan kita ng masama! Kung hindi mo ako pakikitunguhan nang may dignidad, bakit kita pakikitunguhan nang may dignidad?’ Anong klaseng pag-iisip ito? Hindi ba’t isa itong mapaghiganting klase ng pag-iisip? Sa pananaw ng isang karaniwang tao, hindi ba’t tama ang ganitong perspektiba? Hindi ba’t makatwiran ito? ‘Hindi ako aatake maliban na lang kung inatake ako; kung inatake ako, siguradong gaganti ako ng atake,’ at ‘Ito ang karma mo’—madalas na sabihin ng mga walang pananampalataya ang gayong mga bagay; sa kanila, ang lahat ng ito ay mga pangangatwirang tama at lubos na umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Subalit paano nga ba dapat tingnan ng mga naniniwala sa Diyos at ng mga naghahangad sa katotohanan ang mga salitang ito? Tama ba ang mga ideyang ito? (Hindi.) Bakit hindi tama ang mga ito? Paano ba dapat kilatisin ang mga ito? Saan ba nanggagaling ang mga bagay na ito? (Mula kay Satanas.) Walang pagdududang nanggagaling ang mga ito kay Satanas. Sa aling mga disposisyon ni Satanas nagmumula ang mga ito? Nagmumula ang mga ito sa malisyosong kalikasan ni Satanas; nagtataglay ang mga ito ng lason, at tinataglay ng mga ito ang totoong mukha ni Satanas na puno ng pagkamalisyoso at kapangitan. Naglalaman ang mga ito ng ganitong uri ng kalikasang diwa. Ano ang katangian ng mga perspektiba, kaisipan, pagbubunyag, pananalita, at pati na rin ng mga kilos na naglalaman ng ganoong uri ng kalikasang diwa? Walang duda na ito ang tiwaling disposisyon ng tao—ito ang disposisyon ni Satanas. Nakaayon ba sa mga salita ng Diyos ang mga satanikong bagay na ito? Umaayon ba ang mga ito sa katotohanan? May batayan ba ang mga ito sa mga salita ng Diyos? (Wala.) Ang mga ito ba ang mga pagkilos na dapat gawin ng mga sumusunod sa Diyos, at mga saloobin at pananaw na dapat nilang taglayin? Ang mga kaisipan at paraan ng pagkilos na ito ay naaayon ba sa katotohanan? (Hindi.)” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Paglutas Lamang sa Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao ang Makapagdudulot ng Tunay na Pagbabago). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang mga kaisipan ko ng pag-atake at paghihiganti ay naudyukan ng mga satanikong lason gaya ng “Hindi ako aatake maliban na lang kung inatake ako; kung inatake ako, siguradong gaganti ako ng atake,” at “Ito ang karma mo.” Inakala ko na ang paglalantad ni Jayden sa harap ng mga kapatid ng mga problema ko ay nagpahintulot para mapahiya ako at hindi siya nagiging mabait sa akin, ibig sabihin ay puwede ko siyang gawan ng mali. Nadama ko pa na kung hindi ko ipinakita sa kanya kung sino ang masusunod, iisipin niyang kaya niya akong paikutin, kaya inisip ko na sa hinaharap, hindi ko siya hahayaang makilahok sa gawain ng pagdidilig. Magkagayon makikita natin kung paano niya ako pupungusan. Sa pagninilay-nilay ko sa mga kaisipan at mga layunin ko sa puntong ito, nakita ko na talagang malisyoso at nakakatakot ako. Ang pag-uulat ni Jayden sa lider ng mga problema ko ay nagpakitang may pagpapahalaga siya sa responsabilidad ukol sa gawain at pinoprotektahan niya ang gawain ng iglesia. Gayundin, noong nagpadala ako ng mensahe sa grupo na hinihilingan ang lahat para sa mga mungkahi, aktibong ibinahagi ni Jayden ang mga kaisipan at opinyon niya, na nagpapakitang may pagpapahalaga siya sa pasanin, pero nadama kong sinasadya niyang pahirapin ang buhay ko at sinubukan ko pa ngang makipagtalo sa kanya at bigyang-katwiran ang sarili ko. Ang paglalantad niya sa isyu ko ay totoo at ganap na akma, at ang ilahad ang mga ito nang diretsahan ay makakatulong sa akin sa mga tungkulin ko, at hindi talaga nilayon para ipahiya ako. Bukod doon, ang pagbibigayan ng mungkahi at pagpupungusan ng mga kapatid ay hindi mga usapin ng kabaitan o kasamaan, at sa aking pagkaunawa rito, kapareho ko ng mga pananaw ang mga hindi mananampalataya. Dati, inakala kong may mabuti akong pagkatao, at na hindi ako gagawa ng anuman gaya ng panunupil o pagpapahirap sa iba gaya ng isang anticristo, pero sa pamamagitan ng paghahayag ng mga katunayan, nakita ko na talagang malisyoso ang kalikasan ko. Hindi ko pa nagawa ang mga gayong bagay noon dahil hindi pa dumating ang tamang sitwasyon, pero sa mga partikular na konteksto, kaya kong likas na ibunyag ang mga malisyosong kaisipang ito. Ito ay pagbubunyag ng kalikasan ko. Sa sandaling ito, napagtanto ko sa wakas na talagang dakila ang mapungusan, kung hindi, hindi ko kailanman makikilala ang mga nakalilinlang na pananaw at ang mga satanikong disposisyon sa loob ko, ni hindi rin ako magkakaroon ng paraan para magbawi o magbago. Sobra akong nagpapasalamat sa Diyos at lumapit ako sa Diyos para manalangin, “O Diyos, nakita ko na hindi lamang ako tutol sa katotohanan, kundi malisyoso rin ang kalikasan ko. Para protektahan ang reputasyon at katayuan ko, ninais ko pang salakayin at paghigantihan ang mga kapatid na nagbigay ng mga mungkahi sa akin. Nakikita ko na wala akong pagkatao at hindi ako nararapat na tawaging isang mananampalataya. O Diyos, gusto ko sanang magsisi at magbago. Pakiusap, gabayan Mo akong makita ang isang landas ng pagsasagawa at pagpasok, para matutuhan kong tumanggap ng mga mungkahi ng aking mga kapatid.”

Sa aking mga debosyonal, hinanap ko ang mga salita ng Diyos para basahin ang tungkol sa aking mga problema at nakakita ako ng isang landas ng pagsasagawa. Sabi ng Diyos: “Kung may magbibigay sa iyo ng mungkahi kapag hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at magsasabi sa iyo kung paano kumilos alinsunod sa katotohanan, dapat mo munang tanggapin ito at tulutan ang lahat na magbahagi rito, at tingnan kung tama o hindi ang landas na ito, at kung naaayon ba ito sa mga katotohanang prinsipyo o hindi. Kung makumpirma mong naaayon ito sa katotohanan, magsagawa ka sa ganoong paraan; kung matukoy mo na hindi ito naaayon sa katotohanan, kung gayon, huwag kang magsagawa sa ganoong paraan. Ganoon lang ito kasimple. Kapag hinahanap mo ang katotohanan, dapat kang maghanap sa maraming tao. Kung may masasabi ang sinuman, dapat kang makinig sa kanila, at seryosohin ang lahat ng kanilang sinasabi. Huwag silang balewalain o iwasan, dahil nauugnay ang kanilang sinasabi sa mga bagay na nasa saklaw ng iyong tungkulin at dapat mong seryosohin ito. Ito ang tamang saloobin at ang tamang kalagayan. Kapag ikaw ay nasa tamang kalagayan, at hindi ka nagpapakita ng isang disposisyong tutol at napopoot sa katotohanan, kung gayon, mapapalitan ang iyong tiwaling disposisyon ng ganitong pagsasagawa. Ito ang pagsasagawa sa katotohanan. Kung isasagawa mo ang katotohanan sa ganitong paraan, ano ang magiging mga bunga nito? (Magagabayan tayo ng Banal na Espiritu.) Ang pagtanggap ng patnubay ng Banal na Espiritu ay isang aspekto. Minsan, magiging napakasimple ng bagay at maaaring makamit gamit ang sarili mong pag-iisip; matapos ibigay ng iba ang kanilang mga mungkahi sa iyo at naunawaan mo, magagawa mong iwasto ang mga bagay-bagay at kumilos alinsunod sa mga prinsipyo. Maaaring isipin ng mga tao na isa itong maliit na bagay, ngunit para sa Diyos, isa itong malaking bagay. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat, kapag nagsasagawa ka sa ganitong paraan, para sa Diyos, isa kang taong kayang magsagawa ng katotohanan, isang taong nagmamahal sa katotohanan, at isang taong hindi tutol sa katotohanan—kapag nakikita ng Diyos ang puso mo, nakikita rin Niya ang disposisyon mo, at isa itong malaking bagay. Sa madaling salita, kapag ginagawa mo ang iyong tungkulin at kumikilos sa presensiya ng Diyos, ang isinasabuhay at ipinamamalas mo ay pawang mga katotohanang realidad na dapat taglayin ng mga tao. Ang mga saloobin, kaisipan, at kalagayan na taglay mo sa lahat ng iyong ginagawa ay ang pinakamahahalagang bagay para sa Diyos, at ang mga ito ang sinusuri ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa, na seryosohin ang mga mungkahi ng iba, at sinuman ang magsabi ng mga ito, maunawaan ko man ito nang sandaling iyon, o kung naaayon ba ang mga ito sa kalooban ko, hindi ko dapat balewalain ang mga ito, lalo pa ang isantabi o maliitin ang mga ito. Kailangan ko munang tanggapin ang mga mungkahing ito at hanaping makipagbahaginan sa lahat, at tanggapin at isagawa ang naaayon sa mga katotohanang prinsipyo, at huwag gamitin ang hindi. Ang pinakamahalagang bagay sa panahon ng prosesong ito ay ang hindi mamuhay sa pamamagitan ng isang tiwaling disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan, mapagmatigas, at mapagmataas, sa halip ay ang tratuhin ang mga mungkuhi ng iba nang may isang naghahanap na saloobin. Kalaunan, tinalakay ko sa aking mga kapareha ang ilang problema at mungkahing inilahad ng mga kapatid para isa-isang lutasin ang mga ito. Pagkatapos magsagawa nang ganito, mas maganda na kaysa dati ang mga resulta ng gawain ng pagdidilig, at natuklasan ko na nawala na ang pagkiling ko laban kay Jayden. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos.

Kalaunan, tinanong ko ang aking sarili, “Anong klaseng saloobin ang dapat mayroon ako sa mga kapatid na tumutukoy sa mga problema ko?” Sa aking paghahanap, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Dapat kang maging malapit sa mga taong kayang makipag-usap nang totoo sa iyo; ang pagkakaroon ng mga taong tulad nito sa tabi mo ay lubos na malaking kapakinabangan sa iyo. Sa partikular, ang pagkakaroon ng gayong mabubuting tao sa paligid mo tulad ng mga iyon na, kapag natutuklasan nila ang isang problema sa iyo ay may lakas ng loob na sawayin ka at ilantad ka, mapipigilan kang maligaw ng landas. Wala silang pakialam kung ano ang iyong katayuan, at sa sandaling matuklasan nilang gumawa ka ng isang bagay na labag sa mga katotohanang prinsipyo, sasawayin at ilalantad ka nila kung kinakailangan. Ang gayong mga tao lang ang matutuwid na tao, mga taong may pagpapahalaga sa katarungan, at gaano ka man nila ilantad at sawayin, ang lahat ng ito ay tulong sa iyo, at ang lahat ng ito ay tungkol sa pangangasiwa sa iyo at pagtulak sa iyo pasulong. Dapat kang mapalapit sa gayong mga tao; ang pagkakaroon ng mga gayong tao sa tabi mo, tumutulong sa iyo, magiging mas ligtas ka—ganito ang pagkakaroon ng proteksiyon ng Diyos. Ang pagkakaroon ng mga taong nakauunawa sa katotohanan at nagtataguyod ng mga prinsipyo sa tabi mo araw-araw na nangangasiwa sa iyo ay lubhang kapaki-pakinabang sa paggawa mo ng iyong tungkulin at gawain nang maayos. Wala ka talaga dapat niyong mga tuso, mapanlinlang na mga tao na sumisipsip sa iyo at nambobola sa iyo bilang iyong mga katulong; ang pagkakaroon ng mga taong tulad nito na nakadikit sa iyo ay tulad ng pagkakaroon ng mababahong langaw sa iyo, malalantad ka sa napakaraming bakterya at virus! Ang gayong mga tao ay malamang na guguluhin ka at makakaapekto sa iyong gawain, maaari silang maging sanhi ng pagkahulog mo sa tukso at pagkaligaw ng landas, at maaari silang magdala ng sakuna at kalamidad sa iyo. Dapat kang lumayo sa kanila, mas malayo mas mabuti, at kung makikilatis mo na mayroon silang diwa ng mga hindi mananampalataya at mapapaalis sila sa iglesia, mas mabuti. … Ano ang dapat mong gawin kung gusto mong iwasan ang landas ng isang anticristo? Dapat kang magkusang maging malapit sa mga taong nagmamahal sa katotohanan, mga taong matuwid, maging malapit sa mga taong kayang tukuyin ang iyong mga isyu, na kayang magsalita ng totoo at sawayin ka kapag natutuklasan nila ang iyong mga problema, at lalo na ang mga taong kaya kang pungusan kapag natutuklasan nila ang iyong mga problema—ito ang mga taong pinakakapaki-pakinabang sa iyo at dapat mo silang pahalagahan. Kung ibubukod at aalisin mo ang gayong mabubuting tao, mawawala sa iyo ang proteksiyon ng Diyos, at unti-unting darating sa iyo ang sakuna. Sa pagiging malapit sa mabubuting tao at sa mga taong nakauunawa sa katotohanan, magkakaroon ka ng kapayapaan at kagalakan, at maiiwasan mo ang sakuna; sa pagiging malapit mo sa mga taong ubod ng sama, mga walang hiyang tao, at mga taong nambobola sa iyo, manganganib ka. Hindi ka lang madaling malilinlang at maloloko, kundi maaari pang dumating sa iyo ang sakuna anumang oras. Dapat malaman mo kung anong uri ng tao ang pinakamagiging kapaki-pakinabang sa iyo—ang mga ito ay iyong makapagbababala sa iyo kapag may ginagawa kang mali, o kapag itinataas at pinatototohanan mo ang iyong sarili at nililigaw ang iba, na maaaring maging pinakakapaki-pakinabang sa iyo. Ang paglapit sa gayong mga tao ang tamang landas na dapat tahakin(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Aytem: Itinataas at Pinatototohanan Nila ang Kanilang Sarili). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na para magawa nang maayos ang aking mga tungkulin, kailangan kong aktibong harapin ang mga nangangahas magsalita ng katotohanan at mayroong pagpapahalaga sa katarungan, dahil hindi nila isinasaalang-alang ang katayuan, kapangyarihan, o ang mga interpersonal na damdamin. Sinasabi nila ang anumang makita nila at inilalantad o pinupungusan ang mga tao kapag kinakailangan. Ang pagkakaroon ng gayong mga tao sa palibot ko ay hindi lamang nagpapahintulot sa kanila para pangasiwaan at paalalahanan ako sa aking mga tungkulin, kundi pinipigilan din ang tiwaling disposisyon ko. May mapagmataas akong disposisyon at palaging ginagawa ang mga bagay sa gusto ko. Inaakala ko palagi na tama ako at hindi ako tumuon sa paghahanap ng mga prinsipyo. Dahil sa gayong mga kapatid sa palibot ko, magagawa nilang itama at ilantad ako kapag kumilos ako nang laban sa mga prinsipyo, inuudyukan akong pagnilayan ang aking sarili at hanapin ang katotohanan. Tutulungan din ako nito na makaiwas magkamali at lumakad sa maling landas, at makita nang mas malinaw ang aking kalikasan. Tutulungan ako nitong gawin nang maayos ang mga tungkulin ko. Gaya ni Jayden, na nagawang protektahan ang gawain ng iglesia, at diretsahang sabihin at tukuyin ang anumang problemang nakita niya. Bagama’t minsan ay napahiya ako ng mga bagay na sinabi niya, nakatulong ang mga iyon sa akin sa mga tungkulin ko. Kailangan kong makipag-ugnayan sa gayong mga tao at hayaan silang mas pangasiwaan at paalalahanan ako. Ngayon na iniisip ko na naman ito, napagtanto ko na talagang dakila ang sitwasyong ito na isinaayos ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga mungkahi at pagpupungos mula sa aking mga kapatid, hindi ko lamang nagawang itama ang ilang paglihis sa aking mga tungkulin, kundi nagkamit din ako ng ilang pagkaunawa sa aking tiwaling disposisyon. Taos-puso akong nagpapasalamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply