Mga Dasal ng Katoliko: Nakikinig Ba ang Diyos sa mga Taong Laging Nagdarasal ng Rosaryo?

Oktubre 14, 2021

Ni Claire, Pilipinas

Ipinanganak ako sa isang pamilyang Katoliko, at mula noong ako ay maliit na bata palang ay sinusunod ko ang lahat ng uri ng mga relihiyosong ritwal kasama ang aking mga magulang. Ang nag-iwan sa akin ng pinakamalalim na impresyon ay ang mga panalangin. Ang Rosaryo ang pinakapundasyon para sa amin bilang mga Katoliko, at bibigkasin namin ito tuwing gabi. Una ay isasabit namin ang isang beaded cross pendant sa isang daliri habang ginagawa ang pag-antanda ng krus at bibigkasin ang Sumasampalataya Ako; bibigkasin namin ang Ama namin nang isang beses, Aba Ginoong Maria ng sampung beses, at ang Luwalhati sa Ama nang isang beses. Sasabihin namin ang misteryo ng Rosaryo sa unang dekada, pagkatapos ay bibigkasin namin ito sa pangalawa, pangatlo at ikaapat na dekada, at ang misteryo ng Rosaryo sa ikalimang dekada. Pagkatapos nito ay bibigkasin namin ang Aba Po Santa Mariang Hari. Ang mga dasal na ito ay talagang mahaba—ang buong paggawa nito ay hindi madali.

Ang nobena ay isa pa sa mga pagdarasal ng Katoliko, at ginagawa ito sa loob ng siyam na araw na may iisang hangarin sa isipan. Ang layunin ay ang mabiyayaan ng tulong ng Diyos. Mayroon kaming isang gabay na libro na may iba’t ibang mga panalangin para sa iba’t ibang mga hangarin. Bago manalangin, itutuon namin ang aming mga saloobin sa inaasahan namin, at pagkatapos ay hahanapin ang tamang dasal na bibigkasin. Kapag natapos na namin ang pagdarasal, binibigkas namin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria, ang Luwalhati sa Ama, at pagkatapos ay tatapusin namin sa tahimik na pagninilay-nilay at isang pangwakas na panalangin. Talagang mahirap din na kumpletuhin ang isang nobena, at palagi ko talagang nadarama ang pagkamaka-Diyos kapag nagawa ko. Ngunit sa paglipas ng panahon, natuklasan ko na ang karamihan sa mga bagay na inaasam ko ay hindi nangyari, at nagsimula akong maguluhan. Hindi ba sinabi nila na kailangan lang naming gawin ang mga dasal na ito siyam na araw nang sunud-sunod na may iisang hangarin sa isipan, at ito ay magkakatotoo? Bakit hindi natupad ang alinman sa aking mga inaasam? At dahil hindi natupad ang mga ito, bakit ginagawa ko pa rin ang dasal na iyon? Nagsimula akong makaramdam ng pag-aatubili na kumpletuhin ang mga dasal na iyon, pero ang iba pa sa simbahan ay ginagawa pa rin ito, kaya’t wala akong ibang pagpipilian kundi ang sumunod.

Mga Dasal ng Katoliko: Nakikinig Ba ang Diyos sa mga Taong Laging Nagdarasal ng Rosaryo?

Mayroon ding Prusisyon ng Rosaryo na nangangailangan sa amin na bumangon ng alas-3 ng madaling-araw at magdala ng estatwa ni Maria sa bahay-bahay, at sa bawat isa, kailangan naming lumuhod at manalangin ng isang oras, na inuulit ang mga dasal na iyon nang walang-tigil. Sa totoo lang ayoko talagang sumali. Sa isang dahilan, nakakapagod at talagang inaantok ako, at ang isa pa, nalilito ako: Bakit hindi na lang kami direktang manalangin sa Diyos, kundi sa halip ay nanalangin kay Birheng Maria? Ngunit sinabi sa akin ng aking mga magulang, “Ang Panginoong Jesus ay ang Banal na Anak at si Maria ang Banal na Ina, kaya’t tuwing nais naming humiling ng isang bagay mula sa Panginoong Jesus, kailangan muna naming magsabi kay Maria at hihilingin niya para sa amin. Sa gayon ay maaaring matupad ito.” Pakiramdam ko ang paliwanag na ito ay medyo malayo sa katotohanan, ngunit naisip ko na ito ang panuntunan ng Katolisismo at ayaw kong labagin ito at pagkatapos ay masumpa ng Diyos. Kaya’t sumunod na lang ako sa agos at patuloy na ginagawa ito. Pagkatapos ay may isang kakaibang nangyari habang nasa isa sa aming mga Rosary Procession….

Umagang-umaga pa, at tulad ng dati, dinala namin ang estatwa ni Maria sa bahay ng isang miyembro ng simbahan. Ang ilan sa amin ay binibigkas ang Rosaryo sa loob ng kanyang bahay habang ang iba naman ay nagdarasal sa labas. Pagkatapos ay isang bagay na kalunos-lunos ang nangyari—ang dalawang palapag na bahay ay biglang gumuho. Ang sahig ay bumagsak, na umipit sa may-ari ng bahay at sa iba pa. Nasa labas lang ako ng pintuan nang nangyari ito, at mabuti na lang at nakatakas ako sa pinsala. Nasaksihan ang kakila-kilabot na tagpong ito, natakot at naguluhan ako. Nasa kalagitnaan kami ng pagsamba sa Diyos, ng pagdarasal sa Kanya, kaya’t bakit Niya hinayaan itong mangyari? Hindi ba Siya nasiyahan sa aming mga panalangin? Natatakot na mangyari muli ang ganoong bagay, hindi na ako sumali muli sa Rosary Procession, bagkus ay binigkas ko na lang ang dasal nang mag-isa.

Pagkatapos isang araw habang nagdedebosyonal ako, nabasa ko ang mga talatang ito ng Kasulatan: “At kapag nagdarasal kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagpaimbabaw, na mahilig tumayo at magdasal sa mga sinagoga at kanto, upang makita sila ng mga tao: Sinasabi Ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag magdarasal ka, pumasok ka sa iyong silid, at pagkasara ng pinto, magdasal sa iyong Ama na nasa lihim: at ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay susuklian ka. At kapag nagdarasal ka, huwag masyadong magsalita, na tulad ng mga hentil. Dahil akala nila na sa pagsasalita nila nang marami’y pakikinggan sila(Mateo 6:5–7). Pinag-isipan ko ito nang mabuti. Sinasabi sa atin ng Diyos na huwag maging katulad ng mga ipokrito, nagdarasal para lamang marinig ng iba, kundi dapat tayong manalangin sa Diyos mula sa puso. Gayundin, ayaw ng Diyos na makarinig ng higit pang mahahabang panalangin. Naalala ko ang lahat ng mga taon ng pagbibigkas ng mga panalangin. Kahit na ang mga ito ay tumagal ng mahabang oras, ang pagsasabi ng parehong mga salita nang paulit-ulit araw-araw ay talagang pagbibigkas lamang ng isang bagay mula sa memorya. Naisip ko rin ang tungkol sa kalunos-lunos na bagay na nangyari noong Rosary Procession, at naisip kong mukhang hindi nagustuhan ng Diyos ang ginagawa namin. Kung hindi, bakit hindi Niya kami pinrotektahan sa panahon ng aming pagdarasal? Naisip ko na baka naligaw ako. At kaya, napagpasyahan kong ititigil ko na ang pag-uulit ng mga dasal para sa Rosaryo, bagkus ay patuloy lamang na gawin ang Ama Namin nang isang beses, ang sampung Aba Ginoong Maria, at sampung Santa Maria, at pagkatapos ay manalangin lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus.

Kahit na ganoon, hindi ko pa rin naramdamang maantig ng Diyos, kundi talagang malayo sa Kanya. Sa isang debosyonal minsan, nakita ko ang pagbanggit ng isang panalangin sa pag-aayuno sa mga banal na kasulatan, kaya naisip ko na maipapahayag ko ang aking pagpipitagan sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno, at kasabay nito ay hilingin sa Kanya na tulungan akong makahanap ng magandang trabaho. Ngunit sa tuwing natatapos ko ang aking dasal sa pag-aayuno, walang laman na tiyan at sakit ng ulo lamang ang naiiwan sa akin. Ipinagpatuloy ko ito sa loob ng maraming buwan, ngunit hindi pa rin naaantig ng Diyos at nanatiling pareho ang sitwasyon ko sa trabaho. At nanghihina ang katawan ko at nagkasakit nang maraming beses, kaya’t tumigil ako sa pag-aayuno. Hindi ko maintindihan ito sa oras na iyon: Bakit hindi pinapakinggan ng Diyos ang aking mga panalangin, kahit na nagsasakripisyo ako nang labis? Itinakwil na ba talaga ako ng Diyos? Nakaramdam ako nang higit na kadiliman at kahungkagan sa aking puso, at ang aking pananampalataya ay humina.

Pagkatapos noong 2017, nakilala ko ang ilang mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Facebook. Sinabi nila sa akin na ang Panginoon ay bumalik na, na Siya ay ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Sinabi rin nila na Siya ay nagpahayag ng mga katotohanan at gumagawa ng isang bagong yugto ng gawain, kaya ang tanging paraan lamang upang makamit ang gawain ng Banal na Espiritu ay manalangin sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi, kahit paano man tayo manalangin, wala itong maidudulot. Ito ay katulad noong pumarito ang Panginoong Jesus upang gumawa—hindi nakikinig ang Diyos sa anumang mga panalangin na ginawa kay Yahweh, at hindi makakuha ang mga tao ng kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu sa ganoong paraan. Ang mga tumanggap lamang sa gawain ng Panginoong Jesus at nanalangin sa Kanyang pangalan ang nakararamdam na ang Diyos ay nasa tabi nila at tinatamasa ang Kanyang mga pagpapala at biyaya.

Sa kanilang pagbabahagi, ito ang unang pagkakataon na narinig ko na ang Panginoon ay bumalik na at may bagong pangalan. Nagdarasal pa rin ako sa Panginoong Jesus, kaya’t hindi ko nakuha ang gawain ng Banal na Espiritu. Ngunit hindi ko pa rin alam kung ano mismo sa lahat ng aking nakaraang mga pananalangin ang hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Pagkatapos isang araw, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Naniniwala ang karamihan sa mga tao na ang isang normal na espirituwal na buhay ay kailangang kapalooban ng pagdarasal, pagkanta ng mga himno, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos o pagninilay sa Kanyang mga salita, mayroon mang tunay na epekto ang gayong mga pagsasagawa o kaya’y humahantong man ang mga ito sa tunay na pagkaunawa. Nakatuon ang mga taong ito sa pagsunod sa mababaw na mga pamamaraan nang hindi iniisip ang magiging resulta ng mga ito; sila ay mga taong nabubuhay sa mga ritwal ng relihiyon, hindi mga taong nabubuhay sa loob ng iglesia, at lalong hindi sila mga tao ng kaharian. Lahat ng kanilang panalangin, pagkanta ng mga himno, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay puro pagsunod sa panuntunan, na ginagawa dahil napipilitan sila at para makaagapay sa mga kalakaran, hindi dahil sa kahandaan at ni hindi mula sa puso. Gaano man manalangin o kumanta ang mga taong ito, hindi magkakaroon ng bunga ang kanilang mga pagsisikap, sapagkat ang isinasagawa nila ay mga panuntunan at ritwal lamang ng relihiyon; hindi talaga sila nagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Nagtutuon lamang sila sa pagkabahala kung paano sila nagsasagawa, at itinuturing nilang mga panuntunang susundin ang mga salita ng Diyos. Hindi isinasagawa ng gayong mga tao ang mga salita ng Diyos; pinagbibigyan lamang nila ang laman, at gumagawa sila para makita ng ibang mga tao. Lahat ng panuntunan at ritwal na ito ng relihiyon ay tao ang pinagmulan; hindi nagmumula ang mga ito sa Diyos. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga panuntunan, ni hindi Siya sakop ng anumang batas. Sa halip, gumagawa Siya ng mga bagong bagay araw-araw, nagsasakatuparan ng praktikal na gawain. Gaya ng mga tao sa Three-Self Church, na nililimitahan ang kanilang sarili sa mga pagsasagawa tulad ng pagdalo sa pagsamba sa umaga araw-araw, pag-aalay ng mga panalangin sa gabi at panalangin ng pasasalamat bago kumain, at pasasalamat sa lahat ng bagay—gaano man karami ang kanilang ginagawa at gaano man katagal nila iyon ginagawa, hindi mapapasakanila ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nabubuhay ang mga tao sa gitna ng mga panuntunan at nakatutok ang kanilang puso sa mga pamamaraan ng pagsasagawa, hindi makakagawa ang Banal na Espiritu, dahil ang kanilang puso ay puno ng mga panuntunan at kuru-kuro ng tao. Sa gayon, hindi nagagawang mamagitan at gumawa ang Diyos sa kanila, at maaari lamang silang patuloy na mabuhay sa ilalim ng kontrol ng mga batas. Ang gayong mga tao ay walang kakayahang tumanggap ng papuri ng Diyos kailanman.

Napagtanto ko lamang na ang lahat ng mga walang bunga na panalangin na iyon ay pagsunod lamang sa agos matapos kong mabasa ang siping ito, na ang mga ito ay hindi hihigit sa mga panuntunan at relihiyosong ritwal. Hindi iyon ang uri ng dasal na nais ng Diyos. Naisip ko ang tungkol sa lahat ng mga Rosaryong iyon, nobena, Prusisyon ng Rosaryo, at mga dasal ng pag-aayuno na nagawa ko na. Nakatuon ang aking pagsisikap sa proseso nang hindi iniisip ang pagiging epektibo nito—ritwal lamang ang isinasagawa ko. At sa paglaon, nagkaroon ako ng pagkalito sa mga ritwal na pagdarasal na iyon at ayaw kong patuloy na gawin ang mga ito, pero nakita ko ang lahat sa simbahan na ginagawa ang mga ito at sinabi nila na iyon ang nais ng Diyos, kaya sumunod nalang ako. Matapos gawin ang mga ito nang mga taong iyon, hindi lamang sa hindi ako makaramdam ng kapayapaan at kagalakan sa aking puso, kundi mas nagiging nakakapagod ito lalo, at ang aking relasyon sa Diyos ay naging mas malayo. Ang pagbabasa nito ay isang tunay na paggising para sa akin—hindi nalulugod ang Diyos sa mga ritwal na panalangin na ito, at kahit gaano pa ito gawin ng isang tao, hindi nila kailanman makakamit ang gawain ng Banal na Espiritu sa ganoong paraan. Naramdaman kong naging mangmang talaga ako.

Kinalaunan, nagbasa pa ako ng ilan pang mga sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa panalangin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang normal na espirituwal na buhay ay isang buhay na ipinamuhay sa harap ng Diyos. Kapag nagdarasal, maaaring patahimikin ng isang tao ang kanyang puso sa harap ng Diyos, at sa pamamagitan ng panalangin, maaari niyang hangarin ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, malaman ang mga salita ng Diyos, at maunawaan ang kalooban ng Diyos.” “Ang panalangin ay hindi lamang basta makatapos ka, o masunod ang pamamaraan, o mabigkas ang mga salita ng Diyos. Ibig sabihin, ang pagdarasal ay hindi pag-uulit ng ilang salita at paggaya sa iba. Sa panalangin, kailangang marating ng isang tao ang kalagayan kung saan maibibigay niya ang kanyang puso sa Diyos, na binubuksan ang puso niya para maantig ito ng Diyos.

Nilinaw ito nang husto ng mga salita ng Diyos. Ang pagdarasal ay hindi tungkol sa pagpapadala sa agos, pagsunod sa isang pamamaraan, o pagbigkas ng mga salita ng Diyos. Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng mas higit na kaliwanagan at pagtanglaw mula sa Banal na Espiritu, at pag-unawa sa kalooban at mga kinakailangan ng Diyos. Napaisip ako sa sarili ko. Palagi kong sinusunod ang lahat ng mga kasanayan sa Katoliko para sa pagdarasal, at sa tuwing nagdarasal ako, sasabihin ko ang parehong mga bagay. Matapos akong magdasal, hindi ko nararamdaman ang pag-antig ng Diyos. Nakararamdam lang ng pagod at pananakit ang mga binti ko, at kung minsan ay inaasam-asam ko na matapos na ito kaagad pagkasimula ko pa lang. Nagpapadala lang ako sa agos sa bawat panalangin. Ipinaalala nito sa akin ang talatang ito sa Biblia: “Ang Diyos ay Espiritu: at ang mga sumasamba sa Kanya ay dapat sambahin Siya sa espiritu at sa katotohanan(Juan 4:24). Walang pakialam ang Diyos kung gaano karami ang sinasabi natin sa pagdarasal o kung gaano tayo katagal magsalita, kundi hinihingi Niya sa atin na manalangin sa Kanya nang may pusong matapat upang maunawaan natin ang Kanyang mga salita. Ang pagkatanto nito ay lalong nakapagpaalala sa akin sa kung paanong mga paraan ako nagdarasal dati na talagang hindi umaayon sa kalooban ng Diyos.

May isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa ko: “Ano ang tunay na panalangin? Ito ay pagsasabi ng nasa puso mo sa Diyos, pakikipagniig sa Diyos habang inuunawa mo ang Kanyang kalooban, pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, pagkadama na talagang malapit ka sa Diyos, pagkadama na Siya ay kaharap mo, at paniniwala na mayroon kang sasabihin sa Kanya. Ramdam mong puno ng liwanag ang puso mo at ramdam mo kung gaano kaibig-ibig ang Diyos. Nadarama mo na mas inspirado ka, at nasisiyahan ang iyong mga kapatid na makinig sa iyo. Madarama nila na ang mga salitang binibigkas mo ay ang mga salitang nasa kaibuturan ng kanilang puso, mga salitang nais nilang sabihin, na para bang ang iyong mga salita ang kahalili ng sa kanila. Ito ang tunay na panalangin.” “Habang nagdarasal, kailangan ay tahimik ang puso mo sa harap ng Diyos, at kailangan kang magkaroon ng pusong tapat. Tunay kang nakikipagniig at nagdarasal sa Diyos—hindi mo dapat subukang linlangin ang Diyos gamit ang mga salitang magandang pakinggan. Dapat ay nakasentro ang panalangin doon sa nais isakatuparan ng Diyos ngayon mismo. Hilingin mo sa Diyos na pagkalooban ka ng higit na kaliwanagan at pagpapalinaw, dalhin ang tunay na mga kalagayan at suliranin mo sa Kanyang presensya kapag nagdarasal ka, pati na ang pagpapasyang ginawa mo sa harap ng Diyos. Ang panalangin ay hindi tungkol sa pagsunod sa pamamaraan; tungkol ito sa paghahanap sa Diyos nang taos-puso. Hilingin mo sa Diyos na protektahan ang puso mo, upang madalas itong maging tahimik sa Kanyang harapan; na sa kapaligiran kung saan ka Niya inilagay, makilala mo ang iyong sarili, kamumuhian mo ang iyong sarili, at tatalikdan mo ang iyong sarili, sa gayon ay magkaroon ka ng normal na ugnayan sa Diyos at tunay na maging isang tao kang nagmamahal sa Diyos.

Nakita ko na ang tunay na panalangin ay pakikipag-usap sa Diyos mula sa puso. Pagbubukas ito sa Diyos tungkol sa mga bagay na nasa isip natin, kasama na ang mga paghihirap na kinakaharap natin. Dapat nating ipanalangin ang Kanyang patnubay at pagbibigay-liwanag, upang makilala natin ang ating sariling katiwalian. Ito ang tanging paraan ng pagbibigay-liwanag sa atin ng Diyos upang maunawaan ang Kanyang kalooban. Sa pagbabalik tanaw sa kung paano ako nagdarasal dati, mas lalo akong nahiya. Sa tuwing nagdarasal ako ay bumibigkas lamang ako ng mga panalangin, hindi ibinabahagi ang nasa aking puso sa Diyos. Hindi rin ako makatwiran kapag nagdarasal ako, bagkus humihiling lamang sa Diyos ng Kanyang biyaya, na humihiling sa Kanya na bigyan ako ng magandang buhay, at iba pa. Ang lahat ay para sa aking sariling kapakinabangan, hindi kailanman upang makakuha ng kaliwanagan ng Diyos o upang maiwaksi ang kasalanan. Naalala ko ang isang sinabi ng Panginoong Jesus: “Kaya’t huwag kayong mag-alala, sinasabing, ‘Ano ang kakainin namin: o ano ang iinumin namin, o ano ang aming isusuot?’ Sapagkat ang lahat ng bagay na ito ay ang hinahanap ng mga hentil. Alam na ng inyong Ama na kailangan ninyo ang mga bagay na ito. Kaya’t hanapin muna ninyo ang kaharian ng Diyos, at ang Kanyang pagiging matuwid, at lahat ng bagay na ito’y idaragdag sa inyo(Mateo 6:31–33). Itinuro sa atin ng Panginoong Jesus matagal na ang nakalipas na huwag isipin ang mga bagay tulad ng ating pagkain o damit—ihahanda ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito para sa atin. Ngunit lagi kong ipinagdarasal ang para sa aking buhay sa laman, hindi para sa aking espirituwal na buhay. Ang uri ng pagdarasal na iyon ay hindi umaayon sa kalooban ng Diyos. Sinasabi ko rin ang ilang mga bagay sa panalangin na parang maganda, ngunit iyon ay pagiging hindi matapat sa Diyos. Nang nabigo akong pigilan ang aking sarili na magkasala, naramdaman kong parang iniwan ako ng Diyos. Hihilingin ko ang kapatawaran ng Diyos at sasabihin na hindi ko na ito gagawin muli, ngunit alam ko talaga na ang aking tayog ay napakaliit, at hindi ko kayang mapagtagumpayan ang kasalanan. Ginagawa ko ito ulit, ngunit hindi ko kailanman ibinahagi ang aking puso sa Diyos. Ngayon naintindihan ko na na ang aking mga panalangin ay hindi nagmumula sa puso, ngunit ang mga ito ay hungkag at huwad. Dapat akong manalangin sa Diyos tungkol sa aking mga pakikibaka sa mga kasalanan na hindi ko mapigilan ang paggawa at hilingin sa Kanya na tulungan akong maunawaan ang aking sariling pagkakamali, upang magabayan Niya ako para makalaya mula sa mga gapos ng kasalanan.

Mula noon, sinimulan kong isagawa ang mga salitang ito ng Diyos. Tuwing may nakakaharap akong bagay sa buhay ko, taimtim akong nagdarasal sa Diyos at hahanapin ang Kanyang kalooban. Hindi na ito nakakapagod, at nakatamo ako ng pakiramdam na pagiging kalmado at kapayapaan pagkatapos ng bawat panalangin. Palagi kong nadarama na mayroon akong bagay na sasabihin sa Diyos. Ang aking mga dating panalangin ay palaging nakakapagod at nakakasawa para sa akin, ngunit sa bagong paraan ng pagdarasal na ito, talagang nasisiyahan ako rito. Nagawa kong patahimikin ang aking puso sa harap ng Diyos, at hindi na ako nakaramdam ng pagod o pagka-inip. At tuwing nagkakaroon ako ng problema o paghihirap, hangga’t hinahangad ko ang kalooban ng Diyos at nagpapasailalim sa Kanyang pamumuno at pagsasaayos, nakikita ko ang Kanyang patnubay at naiintindihan ang Kanyang kalooban nang higit pa. Laking pasasalamat ko sa Diyos sa pagpapakita sa akin kung ano ang tunay na panalangin talaga—ngayon ay nakalaya na ako mula sa mga hadlang ng mga relihiyosong patakaran at ritwal sa panalangin. Sa pamamagitan ng taos-pusong pagdarasal sa Diyos, natamo ko ang pagbibigay-liwanag at inspirasyon ng Banal na Espiritu at ako ay lalong naging mas malapit sa Diyos. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

4 na Prinsipyo ng Mabisang Panalangin

Ang pananalangin sa Diyos ay ang pinaka-direktang paraan para sa mga Kristiyano upang makipag-usap sa Diyos, at tanging ang mga mabisang panalangin ang dinidinig ng Diyos. Kaya, ang paggawa ng mga mabisang panalangin ay mahalagang parte ng pang-araw-araw na buhay ng mga Kristiyano

Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...