Iuulat o Hindi Iuulat

Pebrero 28, 2021

Ni Yang Yi, Tsina

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Para sa kapakanan ng kapalaran ninyo, dapat ninyong hanapin ang pagsang-ayon ng Diyos. Ibig sabihin, yamang kinikilala ninyong kasapi kayo ng tahanan ng Diyos, sa gayon ay dapat kayong magdala ng kapayapaan ng isip sa Diyos at magbigay-lugod sa Kanya sa lahat ng bagay. Sa madaling salita, dapat kayong maging maprinsipyo sa mga kilos ninyo at sumunod sa katotohanang nasa mga iyon. Kung hindi mo ito maiintindihan, kamumuhian at tatanggihan ka ng Diyos at itatakwil ka ng bawat tao. Kapag nahulog ka sa gayong kalagayan, kung gayon ay hindi ka na mabibilang sa tahanan ng Diyos, na siya mismong kahulugan ng hindi pagsang-ayon ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Hinihingi ng Diyos na gawin natin ang mga bagay nang may prinsipyo, at sang-ayon sa katotohanan. Tungkulin din natin ito bilang mga mananampalataya. Hindi natin makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos nang hindi pumapasa sa pamantayang ito. Noon, palagi akong nahahadlangan ng aking tiwaling disposisyon. Hindi ako nagsasalita o kumikilos nang may prinsipyo. Nang makakita ako ng mga bulaang lider o manggagawa sa iglesia, hindi ako naglakas-loob na ibunyag o iulat sila, at naantala nito ang gawain ng tahanan ng Diyos. Natutunan ko mula sa karanasan kung gaano kahalaga ang gawin ang mga bagay-bagay nang may prinsipyo.

Inilagay ako ng lider ng iglesia namin sa tungkulin ng pagsusulat noong nakaraang tag-init para matulungan ko ang lider ng grupo sa gawain ng grupo. Natanggal ako mula sa huli kong tungkulin tatlong buwan na ang nakakalipas, kaya’t taos-puso akong nagpasalamat sa Diyos para sa isa pang pagkakataon. Talagang pinahalagahan ko ang pagkakataong ito at gusto kong manalig sa Diyos sa pagganap sa gawaing ito. Ipinaliwanag sa akin ng lider ng grupo ang gawain ng grupo, at nakita ko na kulang sila sa tao para mag-edit ng mga dokumento. Nakaapekto ito nang labis sa kanilang pag-usad. Nagrekomenda ako ng ilang kapatid para mapag-usapan namin kung sino ang pinakanararapat para sa tungkuling iyon. Ngunit ang kanyang tugon ay, “Hindi naman tayo nagmamadali. Maghinay-hinay lang tayo—i-edit mo muna ang ilang mga dokumento, tapos titingnan natin.” Kinabahan ako nang makita ko ang kanyang kawalang-bahala. Kulang ang mga tao sa grupo na nakakaunawa sa katotohanan at may mahusay na kakayahan, at naapektuhan na nito ang gawain. Paano niya nasasabing, “Maghinay-hinay lang”? Hindi ba’t iresponsable iyon? Pakiramdam ko’y kailangan ko siyang kausapin tungkol dito. Ngunit naisip ko, “Siya ang nangangasiwa. Mas matagal na niyang ginagawa ang tungkuling ito kaysa sa akin at mas marami siyang prinsipyo na nauunawaan. Dapat ay alam niya kung paano isaayos ang mga bagay-bagay. Kasasali ko pa lang sa grupo at bago pa ang lahat sa akin. Kapag nagsalita ako, hindi ba niya sasabihin na nagiging mapilit ako at wala sa lugar? Kalimutan mo na ito. Titingnan ko na lang ang mangyayari.”

Pagkatapos ng ilang panahon, natuklasan ko na talagang pabaya siya sa pagsasanay sa mga miyembro ng grupo, at wala siyang prinsipyo sa pagtatalaga ng mga gawain sa mga tao. Ginagawa ng ilang kapatid ang isang tungkulin, at nang walang pakundangan sa pangkalahatang sitwasyon, sa kalakasan ng isang tao, o kung saang tungkulin sila nababagay, basta-basta niya silang itatalaga sa ibang pangkat. Nakaapekto ito sa gawain ng tahanan ng Diyos at naantala ang aming pag-usad. Binanggit ko sa kanya na wala sa prinsipyo at hindi angkop ang kanyang mga pagsasaayos, ngunit nagpatuloy pa rin siya. Nais kong magbahagi sa kanya upang himayin at ihayag ang kalikasan ng kanyang ginagawa. Ngunit naisip ko, “Baguhan ako sa pangkat. Kung lagi akong magmumungkahi, hindi ba’t masasabi niya na ako’y mapagmanipula at wala sa katwiran?” Nang maisip ko iyon, hindi na ko nangahas na banggitin muli ito.

Hindi nagtagal, nakatanggap ako ng sulat mula sa isang lider ng iglesia na nagtatanong kung may nahanap na kaming makakapag-eedit ng mga dokumento at kung maayos kaming nagkakatrabaho ng lider ng grupo. Nag-alala ako nang kaunti rito. Hindi ko alam kung paano ako tutugon. Kapag natuklasan ng lider ng grupo na sinabi ko sa lider ng iglesia na hindi siya gumagawa ng praktikal na gawain, paano pa kami makapagpapatuloy na magtrabaho nang magkasama? Isa pa, hindi ko alam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang kasama sa grupo. Kung mali ang obserbasyon ko, sasabihin ba ng pinuno ng iglesia na masyado akong namumuna, na hindi ako patas? Ngunit kapag hindi ako nagsalita, pakiramdam ko’y hindi ako nagiging tapat o iniingatan ang interes ng tahanan ng Diyos. Pagkatapos itong pag-isipang mabuti, napagpasyahan kong alamin muna kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa kanya. Sa susunod na ako tutugon sa liham.

Isang araw, nakita ko si Brother Yang sa isang pagtitipon. Sinabi niya na ilang buwan na siyang nasa grupo, at hindi masyadong naging responsable ang lider ng grupo. Hindi niya sinusubaybayan ang gawain o nangungumusta sa tamang oras, at hindi niya ginagabayan ang mga kapatid o tinutulungan silang makapasok sa mga prinsipyo. May ilan ding dokumentong madalian na hindi niya itinalaga sa mga tao sa tamang panahon, at wala siya masyadong pakialam sa mga problemang binabanggit ng ibang tao. Sinabi rin ni Brother Yang na hindi niya halos naririnig ang lider na nagbabahagi sa mga pagtitipon tungkol sa kung paano pagnilayanan at kilalanin ang kanyang sarili, at kung paano isagawa ang mga salita ng Diyos kapag mayroon siyang problema, kundi nagbabanggit lang siya ng ilang doktrina. Mahusay siyang magsalita, ngunit hindi talaga siya gumagawa ng tunay na gawain. Naisip ko, “Tila nagpapatuloy lamang siya nang hindi gumagawa ng anumang tunay na gawain. Ayaw niyang tanggapin ang katotohanan o ang mga mungkahi ng iba. Hindi ba’t iyon ang depenisyon ng isang bulaang pinuno? Kung magpapatuloy siya sa pagganap sa tungkuling ito, responsable sa napakahalagang gawain sa tahanan ng Diyos, maaari talagang makapinsala iyon sa gawain ng tahanan ng Diyos.” Ipinatanto nito sa akin kung gaano kabigat ang suliranin at na dapat ay sabihin ko agad ito sa isang lider ng iglesia. Ngunit naisip ko, “Kapag iniulat ko ito at hindi siya napalitan, baka pahirapan niya ako o tanggalin pa ako sa aking tungkulin. Nagde-debosyonal ako at nagninilay sa sarili sa loob ng tatlong buwan. Hindi pa ako nagtatagal sa tungkuling ito. Kapag natanggal ako, magkakaroon pa ba ako ng pagkakataon sa iba pang tungkulin? Gaya nang sinasabi sa lumang kasabihan, ‘Ang pakong hindi pinakamatibay ang pagkakabaon ang minamartilyo nang husto.’ Hindi ako dapat magsalita. Hihintayin ko hanggang sa may ibang mag-ulat sa kanya at makikisali na lamang ako. Sa gayong paraan ay hindi ko maisasapanganib ang sarili ko.”

Nais ko lang magpatuloy na nagbubulag-bulagan, ngunit nakikita ng Diyos ang ating mga puso. Hindi ako mapakali noong pauwi na ako. Nakokonsensya ako. Pakiramdam ko’y sinasaway ako ng Banal na Espiritu. Nanalangin ako sa Diyos at hiniling sa Kanyang liwanagan ako upang makilala ko ang aking sarili. Pagkatapos ng aking panalangin, naisip ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Lahat kayo’y nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba talaga ang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong mo sa iyong sarili: Ikaw ba’y isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Makakapagsagawa ka ba ng katuwiran para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapapahintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahalagang sandali? Ikaw ba’y taong gumaganap sa Aking kalooban?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Wala akong maisagot dito. Talagang mabigat ang loob ko. Palagi kong sinasabi ang tungkol sa pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos at pagtataguyod sa gawain ng iglesia, ngunit nang mayroon talagang nangyari na lumabag sa katotohanan at nakapinsala sa tahanan ng Diyos, itinaguyod ko lamang ang sarili kong mga interes. Alam ko nang pabaya ang lider ng grupo sa kanyang tungkulin at hindi siya gumaganap ng tunay na gawain, na naapektuhan na talaga noon ang gawain ng iglesia at kailangan ko iyong sabihin sa lider ng iglesia. Ngunit pinrotektahan ko lang ang aking sarili, natatakot na gagantihan niya ako o baka matanggal pa ako sa aking tungkulin. Umatras ako sa pinakadelikadong sandali, nagbubulag-bulagan, nagkukunwaring hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi ko itinataguyod ni kaunti ang kapakanan ng tahanan ng Diyos. Napakamakasarili at kasuklam-suklam ko, wala akong anumang pagkatao o katinuan!

Nang makauwi ako, nanalangin ako sa Diyos sa paghahanap: “Ano talaga ang nagtulak sa aking hindi magsagawa ng katotohanan, at hindi itaguyod ang gawain ng iglesia?” Kalauna’y nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Karamihan sa mga tao ay nais hanapin at isagawa ang katotohanan, ngunit kadalasan ay may pagpapasiya at hangaring lamang sila na gawin iyon; hindi nila taglay ang buhay ng katotohanan sa loob nila. Dahil dito, kapag nakahaharap sila ng masasamang puwersa o nakatatagpo ng mga taong balakyot na gumagawa ng masasama, o ng mga huwad na pinuno at anticristo na gumagawa ng mga bagay sa isang paraang lumalabag sa mga prinsipyo—sa gayon ay nagdaranas ng mga pagkalugi ang gawain ng tahanan ng Diyos, at napapahamak ang mga taong hinirang ng Diyos—nawawalan ng lakas ng loob ang mga tao na manindigan at magsalita. Ano ang ibig sabihin kapag wala kang lakas ng loob? Ibig bang sabihin niyan ay kimi ka o hindi makapagsalita? O hindi mo ito lubos na nauunawaan, at sa gayon ay wala kang tiwalang magsalita? Hindi sa ganoon; nangyari lamang na kontrolado ka ng iba’t ibang uri ng tiwaling disposisyon. Ang isa sa mga disposisyong ito ay ang pagiging tuso. Inuuna mong isipin ang iyong sarili, na nag-aakalang, ‘Kung magsasalita ako, paano ako makikinabang dito? Kung magsasalita ako at may sumama ang loob, paano kami magkakasundo sa hinaharap?’ Tusong pag-iisip ito, hindi ba? Hindi ba’t bunga ito ng isang tusong disposisyon? … Kinokontrol ka ng iyong napakasama at tiwaling disposisyon; hindi ka man lang panginoon ng sarili mong bibig. Kahit nais mong magsalita nang tapat, hindi mo magawa at takot ka ring sabihin ang mga ito. Hindi mo maipangako kahit ang isang sampu-kalibo ng mga bagay na dapat mong gawin, mga bagay na dapat mong sabihin, at ang responsibilidad na dapat mong tanggapin; nakatali ang iyong mga kamay at paa sa iyong napakasama at tiwaling disposisyon. Ni hindi man lang ikaw ang namamahala. Sinasabi sa iyo ng iyong napakasama at tiwaling disposisyon kung paano magsalita, kaya ka nagsasalita sa ganyang paraan; sinasabi nito sa iyo kung ano ang gagawin, kaya ginagawa mo iyon. … Hindi mo hinahanap ang katotohanan, ni isinasagawa ang katotohanan, ngunit nagpapatuloy ka sa pagdarasal, pinatatatag mo ang iyong determinasyon, gumagawa ka ng mga pagpapasiya, at sumusumpa. At ano ang kinalabasan ng lahat ng ito? Sunud-sunuran ka pa rin: ‘Hindi ko gagalitin ang sinuman, ni hindi ko sasaktan ang sinuman. Kung may isang bagay na hindi ko problema, lalayuan ko ito; hindi ako magsasalita ng anuman tungkol sa mga bagay na walang kinalaman sa akin, at gagawin ko ito para sa lahat. Kung may anumang makakasira sa sarili kong mga interes, sa aking dangal, o sa paggalang ko sa sarili, hindi ko rin iyon papansinin, at maingat kong uunawain ang lahat ng iyon; hindi ako dapat magpadalus-dalos. Ang pakong nakausli ang unang napupukpok, at hindi ako ganoon kabobo!’ Lubos kang sumasailalim sa pagkontrol ng iyong mga tiwaling disposisyon ng kasamaan, katusuhan, katigasan, at pagkamuhi sa katotohanan. Sinisira ka nito, at higit ka pang nahihirapang pasanin iyon kaysa sa isinuot na Ginintuang Singsing ng Haring Unggoy. Ang pamumuhay sa ilalim ng pagkontrol ng isang tiwaling disposisyon ay lubhang nakakapagod at napakasakit!(“Yaon Lamang Mga Nagsasagawa ng Katotohanan ang May Takot sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Inilahad nang mahusay ng mga salita ng Diyos ang aking tuso at masamang satanikong disposisyon. Noong una kong banggitin ang kakulangan ng mga tao sa grupo at nakitang lubos na hindi nababahala ang lider ng grupo at hindi siya tumanggap ng pananagutan, alam na alam kong makakaapekto ito sa gawain ng iglesia. Ngunit hindi ako nangahas na magsalita pa dahil sa takot na sabihin niyang wala ako sa lugar at hindi na niya ako magugustuhan. Kalaunan, nakita ko na naglilipat siya ang mga tao nang walang prinsipyo, ninanakawan si Pedro upang bayaran si Pablo at pinipinsala ang aming gawain. Halos hindi ko pa rin ito binanggit, na bahagya lang dinadaanan ito. Alam kong walang nangyari sa ginawa ko, ngunit natatakot akong pakitunguhan o ilantad siya. Nang may sinabi sa akin si Brother Yang tungkol sa kanya, wala akong pag-aalinlangang hindi siya gumagawa ng praktikal na gawain at hindi niya tinatanggap ang katotohanan, naisa siyang bulaang lider at dapat na iulat ko siya agad sa isang lider sa iglesia. Ngunit natatakot pa rin akong aalisin niya ako sa tungkulin, kaya’t binahag ko ang aking buntot at muling tumakbo para lamang protektahan ang aking posisyon at mga pagkakataon. Napakamakasarili at mapanlinlang ako! Sa tuwing makikita ko ang isa sa kanyang mga suliranin, hindi ako nangangahas na ilantad siya o magsabi sa isang lider ng iglesia. Dahil dito ay naantala ang gawain ng tahanan ng Diyos. Nabubuhay ako samga satanikong lason gaya ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Ang pakong hindi pinakamatibay ang pagkakabaon ang minamartilyo nang husto,” “Kung malakas ka, tama ka,” at “Hindi kayang utusan ng mga opisyal ng bayan ang mga tao sa paligid hindi gaya ng mga lokal na opisyal.” Tunay na katawa-tawa ang aking pananaw, at lalo akong naging interesado sa aking pansariling interes at naging mapanlinlang. Maingat ako at umiiwas magsalita sa lahat ng aking ginagawa, pinoprotektahan ang sarili kong mga interes sa bawat pagkakataon, nangangambang managot para sa anumang kaguluhang malikha. Hindi ko matanggap ang maisip na ako’y naguguluhan. Napakahirap para sa akin ang magsalita ng totoo, para sabihin kung ano talaga ang nangyayari. Wala akong lakas ng loob na mag-ulat at maglantad ng isang bulaang lider. Matibay akong nakagapos at kontrolado nitong mga satanikong disposisyon at lason. Hindi ko masabi ang katotohanan, at talagang wala akong katuwiran. Isa itong napakaduwag na paraan ng pamumuhay. Naranasan ko talaga kung gaanong katawa-tawa ang mga satanikong lason na ito, at habang namumuhay sa pamamagitan ng mga ito, ang lahat ng ginagawa ko’y salungat sa katotohanan at laban sa Diyos. Wala akong anumang pagiging kawangis ng tao.

Noon din, naglabas ang iglesia ng isang gawain ng pagsasaayos. Muli kaming sinabihan na kapag may nakitang sinuman na gumagawa ng masama at anticristo, o bulaang lider o manggagawa na hindi gumaganap ng praktikal na gawain, dapat silang iulat upang maprotektahan ang kapakanan ng tahanan ng Diyos. Iyon ang responsibilidad ng bawat isa sa mga hinirang na bayan ng Diyos. Bumigat ang loob ko nang iharap sa akin ang mga pangangailangang ito mula sa tahanan ng Diyos. Alam na alam kong may bulaang lider sa aming grupo, ngunit hindi ako nangahas na iulat siya. Paano ako naging karapat-dapat na maging isang hinirang ng Diyos? Naghanap ako ng ilang salita ng Diyos na angkop sa aking kalagayan at natagpuan ko ito: “Ano ang saloobing dapat taglayin ng mga tao pagdating sa kung paano tratuhin ang isang pinuno o manggagawa? Kung tama ang ginagawa niya, maaari mo siyang sundin; kung mali ang ginagawa niya, maaari mo siyang ibunyag, at labanan pa siya at magbigay ng ibang opinyon. Kung hindi siya nakakagawa ng praktikal na gawain, at nabunyag na isang huwad na lider, isang huwad na manggagawa o isang anticristo, maaari kang tumangging tanggapin ang kanyang pamumuno, at maaari mo rin siyang isumbong at ibunyag. Gayunman, hindi nauunawaan ng ilang taong hinirang ng Diyos ang katotohanan at lalo nang napakaduwag, kaya nga hindi sila nangangahas na gumawa ng anuman. Sinasabi nila, ‘Kung patatalsikin ako ng lider, tapos na ako; kung hihikayatin niyang ibunyag o pabayaan ako ng lahat, hindi ko na magagawang maniwala sa Diyos. Kung lilisanin ko ang iglesia, hindi ako gugustuhin at hindi ako ililigtas ng Diyos. Ang iglesia ay kumakatawan sa Diyos!’ Hindi ba naaapektuhan ng mga paraang ito ng pag-iisip ang saloobin ng gayong tao tungo sa mga bagay na iyon? Totoo nga kaya na kung itiwalag ka ng lider, hindi ka na maliligtas? Nakasalalay ba ang iyong kaligtasan sa saloobin ng iyong lider tungo sa iyo? Bakit napakaraming tao ang may gayon kalaking takot? Kung, sa sandaling bantaan ka ng isang huwad na lider o isang anticristo, hindi ka mangangahas na isumbong ito sa nakatataas at gagarantiyahan mo pa na mula sa oras na iyon, magkakaisa kayo ng isipan ng lider, hindi ba tapos ka na? Ito ba ang uri ng taong naghahanap sa katotohanan? Hindi ka lamang hindi nangangahas na ilantad ang gayon kasamang pagkilos na maaaring gawin ng napakasasamang anticristo, bagkus, sinusunod mo sila at itinuturing pang katotohanan ang kanilang mga salita, kung saan ikaw ay nagpapasakop. Hindi ba ito ang halimbawa ng kabobohan?(“Para sa mga Lider at Manggagawa, ang Pagpili ng Isang Landas ang Pinakamahalaga (1)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Naliwanagan ang aking puso ng pagbabasa ng mga salitang ito mula sa Diyos. Natatakot akong iulat ang pinuno ng grupo pangunahin dahil sa aking pangambang pahihirapan niya ako kapag nasaktan ko siya, o maaari pa akong matanggal sa aking tungkulin. Na para bang kaya niyang pagpasyahan ang aking tungkulin o kahihinatnan. Isa itong napaka-katawa-tawang paraan ng pagtingin sa usapin. Nasa kamay ng Diyos kung matatanggal ako o kung ano ang nasa tadhana ko. Walang sinumang tao ang may huling pasya. Hindi iyon makukontrol ng mga bulaang lider at anticristo. Hindi kagaya ng sanlibutan ang tahanan ng Diyos. Dito, ang katotohanan at katuwiran ang naghahari. Hindi magkakaroon ng posisyon ang mga bulaang lider at anticristo sa tahanan ng Diyos. Maaari silang magkaroon ng kapangyarihan panandalian, ngunit sa huli, lahat sila’y malalantad at maaalis. Marami-rami na ring tinanggal at inalis na bulaang lider at anticristo ang iglesia sa nakaraan. Nakita ko ito nang napakalinaw, ngunit nang may isang lumitaw sa aking sariling grupo at kinailangan ko siyang iulat upang protektahan ang kapakanan ng tahanan ng Diyos, umatras ako. Mas ginusto ko pang maging utusan ni Satanas. Napakahina at napakaduwag ko. Hindi ko nauunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at talagang hindi ko nakikita na pinamamahalaan at nakikita Niya ang lahat ng bagay. Natatakot ako na makasakit ng isang tao, ngunit hindi na magkasala sa Diyos. Paano iyon naging pagkakaroon ng lugar sa aking puso para sa Diyos?

Nabasa ko ang isa pang sipi mula sa mga salita ng Diyos pagkatapos noon. “Kung walang sinuman sa isang iglesia ang handang magsagawa ng katotohanan at walang sinumang maaaring tumayong saksi para sa Diyos, dapat ay ihiwalay nang lubusan ang iglesiang iyon, at kailangang putilin ang mga koneksyon nito sa ibang mga iglesia. Tinatawag itong ‘paglilibing sa kamatayan’; ito ang ibig sabihin ng palayasin si Satanas. Kung may ilang lokal na maton sa isang iglesia, at sinusundan sila ng ‘maliliit na langaw’ na lubos na hindi makaintindi, at kung ang mga nagtitipon, kahit nakita na nila ang katotohanan, ay wala pa ring kakayahang tanggihan ang mga gapos at manipulasyon ng mga maton na ito, lahat ng hangal na iyon ay aalisin sa huli. Maaaring walang nagawang kakila-kilabot ang maliliit na langaw na ito, ngunit mas mapanlinlang pa sila, mas tuso at mahusay umiwas, at lahat ng kagaya nito ay aalisin. Wala ni isang matitira! Yaong mga nabibilang kay Satanas ay ibabalik kay Satanas, samantalang yaong nabibilang sa Diyos ay tiyak na hahanapin ang katotohanan; ipinapasiya ito ng kanilang likas na pagkatao. Hayaang mapahamak ang lahat ng sumusunod kay Satanas! Walang habag na ipapakita sa gayong mga tao. Hayaan yaong mga naghahanap sa katotohanan na masustentuhan, at nawa’y masiyahan sila sa salita ng Diyos hangga’t gusto nila. Ang Diyos ay matuwid; hindi Siya magpapakita ng paboritismo kaninuman. Kung ikaw ay isang diyablo, wala kang kakayahang magsagawa ng katotohanan; kung ikaw ay isang taong naghahanap sa katotohanan, tiyak na hindi ka mabibihag ni Satanas. Walang kaduda-duda iyan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Sa pagkabasa sa Kanyang mga salita, talagang nararamdaman ko ang banal, matuwid, at di-naaagrabyadong disposisyon ng Diyos. Hindi Niya pababayaan na gambalain ng mga bulaang lider at anticristo ang gawain ng Kanyang tahanan at mapinsala ang Kanyang mga hinirang. Kinamumuhian din Niya yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, hindi nagpoprotekta sa kapakanan ng tahanan ng Diyos kapag lumilitaw ang mga taong iyon. Kung hindi sila magsisisi, lahat sila ay maaalis at mapaparusahan din. Naisip ko kung paanong alam ko na na ang lider ng aming grupo ay isang bulaang lider, ngunit hindi ko isinagawa ang katotohanan o hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na iulat siya. Para lahat iyon sa sarili kong kapakanan. Paulit-ulit akong yumukod kay Satanas, kumakampi rito, na pinagbibigyan at ipinagsasanggalang ang bulaang lider na iyon sa ikapapahamak ng gawain ng tahanan ng Diyos. May bahagi ako sa kasamaang ginagawa niya. Tinatamasa ko ang katotohanang ipinagkakaloob ng Diyos at kumakain at umiinom mula sa Kanyang hapag. Ngunit sa mahalagang sandali noong naninira si Satanas sa tahanan ng Diyos, hindi ko nagawang protektahan ang kapakanan ng tahanan ng Diyos. Sa halip, tinalikuran ko ang sumusuporta sa akin at pinaboran ang isang kaaway. Pagtataksil iyon sa Diyos, at malaki iyong pagkakasala sa Kanyang disposisyon. Sa pagbubulay-bulay sa mga salitang ito ng Diyos, “Hayaang mapahamak ang lahat ng sumusunod kay Satanas!” talagang natakot ako. Alam ko na kapag hindi ako nagsisi, tiyak na aalisin ako ng Diyos, kasama ng bulaang lider. Nakita ko ang kalikasan at masamang kahahantungan ng hindi pag-uulat sa isang bulaang lider at talagang kinamuhian ko ang aking sarili dahil sa pagiging makasarili at kasuklam-suklam. Hindi ko talaga naprotektahan ang kapakanan ng tahanan ng Diyos. Kulang na kulang ako sa pagkatao. Pagkatapos ay humarap ako sa Diyos sa panalangin. “O Diyos ko, napakamakasarili at mapanlinlang ko. Nakakita ako ng isang bulaang lider sa iglesia na hindi ko iniulat o inilantad. Pinagtakpan at pinagbigyan ko siya, at kumilos ako bilang lingkod ni Satanas para lamang protektahan ang sarili kong kapakanan. Dapat akong maparusahan. Diyos ko, hindi ko na uulitin iyon. Nais kong magsisi. Bigyan Mo po ako ng lakas upang maisagawa ko ang katotohanan, maiulat at mailantad ko ang bulaang lider na iyon, at itaguyod ang gawain ng iglesia.”

Nabasa ko ang mga salitang ito mula sa Diyos sa aking debosyonal kinabukasan: “Kailangan mong matutuhang suriin ang iyong mga kaisipan at ideya. Alinmang mga bagay na ginagawa mo ang mali, at anumang mga kilos mo ang hindi magugustuhan ng Diyos, dapat mong labanan kaagad at ituwid ang mga ito. Ano ang layunin ng pagtutuwid sa mga ito? Iyon ay para tanggapin at kilalanin ang katotohanan, samantalang tinatanggihan ang mga bagay sa loob mo na nabibilang kay Satanas at pinapalitan ang mga ito ng katotohanan. Datihan ka nang umaasa sa iyong mga tiwaling disposisyon, tulad ng pagiging tuso at mapanlinlang, ngunit hindi na ngayon; ngayon, kapag gumagawa ka ng mga bagay-bagay, umaasa ka sa mga saloobin, kalagayan, at disposisyon na matapat, dalisay, at bukas. … Kapag naging buhay mo na ang katotohanan, kung may sinumang lalapastangan sa Diyos, walang paggalang sa Diyos, padalos-dalos sa kanilang tungkulin, nagdudulot ng mga pagkaantala o ginagambala ang gawain ng tahanan ng Diyos, at kapag nakita mong nangyayari ito, magagawa mong mawari at mailantad ito kung kinakailangan, at dinudulog ito nang ayon sa katotohanang prinsipyo(“Yaon Lamang Mga Nagsasagawa ng Katotohanan ang May Takot sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na ang pinakapangunahing elemento ng pananampalataya ay ang pagkakaroon ng tapat na puso, pagsasagawa ng katotohanan, pagpoprotekta sa kapakanan ng tahanan ng Diyos, at paggawa ng mga bagay ayon sa prinsipyo. Sa ganitong paraan tayo makapagbibigay ng kasiyahan sa Diyos. Alam ko na kailangan kong isagawa ang katotohanan at iulat ang lider ng aming grupo sang-ayon sa prinsipyo. Kung kaya’t isinulat ko lahat ng kanyang ginawa nang eksakto at detalyado, at ibinigay iyon sa lider ng iglesia. Pagkatapos na mapatunayan lahat, kinumpirma ng lider ng iglesia na pabaya siya sa paggawa ng kanyang tungkulin at hindi talaga siya nakagawa ng tunay na gawain. Isa siyang tunay na bulaang lider at tinanggal siya sa kanyang tungkulin. Nakadama ako ng kapayapaan nang sabihin sa akin iyon. Ipinakita sa akin ng karanasang iyon kung gaano katuwid ang Diyos, sa Kanyang tahanan, si Cristo at ang katotohanan ang naghahari. Gaano man kataas ang posisyon ng isang tao, gaano man siya katagal doon, kailangan nilang magpasakop sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos. Hindi makakatayo nang matibay sa tahanan ng Diyos yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan. Matatanggal sila sa huli. Tanging ang pagiging matapat na tao, pagsasagawa sa mga salita ng Diyos, at pagganap sa mga bagay-bagay sa paraang may prinsipyo ang naaayon sa kalooban ng Diyos at magbubunga ng Kanyang pagsang-ayon.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Nahanap ko ang Lugar Ko

Ni Rosalie, Timog KoreaMatapos kong maniwala sa Diyos, sobrang masigasig akong naghanap. Anuman ang tungkulin na isaayos ng iglesia para sa...