Ano ang Bumubuo sa Totoong Espirituwal na Debosyon?

Agosto 21, 2019

Ni Li Cheng

Mga Nilalaman
Naniwala Ako na ang Espirituwal na Debosyon ay Binubuo ng Paulit-ulit na Pagbabasa ng Biblia, Pananalangin at Pag-awit ng mga Himno
Ano ang Bumubuo sa Tunay na Espirituwal na Debosyon?
Paano Makamit ang Tunay na Espirituwal na Debosyon

Naniwala Ako na ang Espirituwal na Debosyon ay Binubuo ng Paulit-ulit na Pagbabasa ng Biblia, Pananalangin at Pag-awit ng mga Himno

Naaalala ko ang unang beses na nagsimba ako at nakinig sa pagbibigay ng sermon ng pastor at, kalaunan, nagkaroon ako ng kaalaman tungkol sa kaligtasan ng Panginoong Jesus at noon mismo ay ipinahayag ko ang kagustuhan kong manampalataya sa Panginoon. Habang paalis ako, pinaalala sa akin ng pastor na, “Upang mamuhay bilang isang Kristiyano, dapat isagawa ng tao ang espirituwal na debosyon.” Tinanong ko ang pastor, “Ano ang espirituwal na debosyon? Paano natin iyon isinasagawa?” Noon sinasabi sa’kin ng pastor, “Ang espirituwal na debosyon ay pagbabasa ng Biblia, pananalangin at pag-awit ng mga himno ng papuri araw-araw. Kapag nanalangin tayo, dapat nating ipagdasal ang ating mga pamilya, ipagdasal ang mga mahihinang kapatid sa ating iglesia, at ipagdasal ang mga lingkod ng Diyos. Dapat ding paulit-ulit tayong magbasa ng Biblia at umawit rin ng mga himno araw-araw, at dapat patuloy nating gawin ito nang walang gumagambala. Hangga’t masigasig mong isinasagawa ang esprirituwal na debosyon araw-araw, kung ganoon ay patuloy na yayabong ang iyong espirituwalidad at mapapalapit ka nang mapapalapit sa Panginoon, at pagkatapos ay matutuwa ang Diyos.”

Noon ako nag-umpisang isagawa ang sinabi ng pastor. Tuwing saktong alas-singko ng umaga ay gumigising ako at inuumpisahan ang aking espirituwal na debosyon. Una, magbabasa ako ng dalawang kabanata ng Biblia, pagkatapos ay aawit ako ng mga himno, at pagkatapos ay mananalangin ako tulad ng sinabi sa akin ng pastor. Pinanatili ko ang gawaing ito sa lahat ng panahon, at hindi ako tumigil sa pananalangin ko kahit na minsan ay nangangalay na ang mga binti ko mula sa pagluhod ng matagal. Ilang taon ang lumipas, at naniwala ako na magagawa kong matamo ang higit na kaliwanagan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng espirituwal na debosyon ko. Na higit kong maiintindihan ang mga salita ng Panginoon, at lalo akong mapapalapit sa Panginoon. Ngunit ang totoo, kahit na nagagawa kong bigkasin ang mga klasikong bersikulo sa Biblia at naaalala ang mga salitang madalas kong gamitin sa pananalangin, wala pa rin akong naiintindihan tungkol sa mga salita ng Panginoon, ang kalooban ng Panginoon o Kanyang mga kinakailangan. Umabot iyon sa punto na nakakaidlip o nakakatulog ako habang gumagawa ng espirituwal na debosyon, at ni hindi ko maramdaman ang presensiya ng Panginoon.

Tinanong ko ang ilan sa mga mangangaral gayundin ang marami sa mga kapatid tungkol sa kung paano isagawa ang espirituwal na debosyon ng isang tao upang mapalapit sa Panginoon, ngunit kapareho lang din nang pagsasagawa ko ang kanilang espirituwal na debosyon. Gumigising sila nang maaga upang manalangin, binabasa ang Biblia at umaawit ng mg himno bilang papuri sa Panginoon nang wala ring natatamong malinaw na resulta. Ang iba pa nga ay nakakatulog habang nananalangin sila. Nanghilakbot ako nang husto dito: Sa mga nakalipas na taon ay isinasagawa ko ang aking espirituwal na debosyon gaya nang sinabi sa akin ng pastor, kaya bakit wala akong narating na anumang magandang resulta? Hindi ba kapuri-puri sa Panginoon ang ganitong paraan ng pagsasagawa ng espirituwal na debosyon? Ano na ba talaga ang kalooban ng Panginoon?

Ano ang Bumubuo sa Tunay na Espirituwal na Debosyon?

Isang araw, binisita ko si Sister Song sa kanyang tahanan para sa pag-aaral ng Biblia. Nang nagtanong ako kung paano isagawa ang espirituwal na debosyon upang matamo ang papuri ng Panginoon, inilabas ni Sister Song ang isang aklat na may titulong Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero, at binasa ang isang sipi mula doon: “Ang isang normal na buhay espiritwal ay hindi limitado sa panalangin, awit, buhay iglesia, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at iba pang gayong mga pagsasagawa, nguni’t ito ay nangangahulugan na isabuhay ang isang buhay espiritwal na sariwa at masigla. Ito ay hindi tungkol sa pamamaraan, bagkus sa resulta. Iniisip ng karamihan sa mga tao na upang magkaroon ng isang normal na buhay espiritwal ang isa ay dapat manalangin, umawit, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o subukang unawain ang mga salita ng Diyos. Hindi alintana magkaroon man ng anumang resulta, o magkaroon man ng isang tunay na pagkaunawa, ang mga taong ito ay basta na lamang nagpopokus sa paggalaw sa labas—at hindi nagpopokus sa resulta—sila ang mga tao na nabubuhay sa loob ng mga ritwal ng relihiyon, at hindi mga taong nabubuhay sa loob ng iglesia, at lalong hindi sila mga tao ng kaharian. Ang ganitong uri ng mga panalangin at pagkanta ng tao, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay pagsunod lahat sa mga patakaran, sila ay inuudyukan na gawin ang mga ito, at ang mga ito ay ginagawa upang makisabay sa kalakaran; hindi sila ginagawa nang kusa o ginagawa mula sa puso. Hindi alintana gaano man ang idalangin o awitin ng mga taong ito, hindi magkakaroon ng anumang resulta, sapagka’t lahat ng kanilang isinasagawa ay mga relihiyosong patakaran at mga ritwal, at hindi nila isinasagawa ang salita ng Diyos. Sa pagpokus lamang sa pamamaraan, at pagturing sa mga salita ng Diyos bilang mga patakaran na susundin, ang ganitong uri ng tao ay hindi isinasagawa ang salita ng Diyos, nguni’t pinalulugod ang laman, at gumagawa ng mga bagay upang purihin ng iba. Ang ganitong uri ng relihiyosong ritwal at patakaran ay nagmumula sa tao, hindi mula sa Diyos. Ang Diyos ay hindi nagpapanatili ng mga patakaran, hindi sumusunod sa anumang mga kautusan; gumagawa Siya ng mga bagong bagay araw-araw at gumagawa Siya ng praktikal na gawain. … Kung ang mga tao ay nabubuhay sa loob ng mga patakaran, na ang kanilang mga puso ay buhos sa pagsasagawa, kung gayon ang Banal na Espiritu ay walang paraang gumawa ng gawain, sapagka’t ang puso ng mga tao ay abala sa mga patakaran, abala sa mga pagkaintindi ng mga tao; kung gayon ang Diyos ay walang paraan upang gumawa ng gawain; ang mga tao ay palagi na lamang mabubuhay sa ilalim ng pagkontrol ng kautusan, at ang ganitong uri ng tao ay hindi kailanman matatanggap ang papuri ng Diyos(“May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espiritwal”).

Nayanig ang puso ko sa sipi na binasa ni sister. Nag-aral ako ng teolohiya noon at nagbasa ng maraming espirituwal na aklat, parehong makaluma at moderno, Tsino at banyaga, at nakinig ako sa maraming recordings ng sermon ng mga sikat na mangangaral. Gayunman ay hindi ko kailanman nakita o narinig ang sinuman na magpaliwanag nang ganoon kalinaw kung ano ang bumubuo sa tunay na espirituwal na debosyon at ang mga resultang nakamit sa pagsasagawa ng espirituwal na debosyon. Idagdag pa, inilantad ng sipi kung ano ang naging kalagayan ng aming espirituwal na debosyon—ang ilang mga patakaran at paglilihis ay tunay ngang nakapaloob sa aming espirituwal na debosyon!

Kalaunan, naunawaan ko sa pamamagitan ng pagbabahagi ni sister na ang espirituwal na debosyon ay hindi nangangahulugang madalas na pagbabasa ng Biblia, pag-awit ng mga himno at pananalangin araw-araw. Dahil sa tunay na espirituwal na debosyon ay hindi mahalaga ang kung ano ang panlabas na pagsasagawa ng tao o kung gaano kagaling magsagawa ng mga relihiyosong ritwal ang isang tao, o kung gaano katagal magsagawa araw-araw ang isang tao. Sa halip, ang mahalaga ay ang resulta. Iyon ay, nakadepende sa kung sa pamamagitan ba ng espirituwal na debosyon ay nagagawa nating makamit ang higit na kaliwanagan at pagpapalinaw mula sa Banal na Espiritu. Kung nagagawa ba nito o hindi na magkaroon tayo ng higit na kaalaman tungkol sa kalooban ng Diyos at kung nagagawa ba nito o hindi na mailapit tayo sa Diyos. Halimbawa, hindi tayo umaawit ng mga himno para lang kumilos, ngunit sa halip ay upang isagawa ang pagpapatahimik ng ating mga puso sa harap ng Diyos. Kapag umaawit tayo ng mga himno, nagagawa nating makamit ang kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu, at kaya naman nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Ang pananalangin ay hindi lamang basta pagbibigkas ng kaparehong mga salita nang paulit-ulit, araw-araw, taon-taon, o naniniwala na kapag mas mahaba at mas maraming sinasabi sa panalangin ang isang tao ay mas naaayon iyon sa kalooban ng Diyos. Sa halip, ang pananalangin ay pagbubukas ng puso at pagtatapat sa Diyos tungkol sa lahat ng mga bagay na nasa puso at lahat ng mga paghihirap ng isang tao. Ang panalangin ay pagpunta sa harap ng Diyos, paghahanap sa Kanyang kalooban, at paghahanap para sa daan upang magsagawa. Ang pagbabasa sa mga salita ng Panginoon ay hindi ginagawa para lamang maintindihan ang literal na kahulugan ng mga salita at upang bigyan ang ating mga sarili ng espirituwal na kaalaman at doktrina upang pagkatapos ay ipangaral natin iyon sa iba o lutasin ang mga problema ng ating mga kapatid. Sa halip, binabasa natin ang mga salita ng Panginoon upang mapagnilayan sila, upang maunawaan ang kalooban ng Panginoon at mga hinihingi sa atin, upang mas magawa ng maayos ang mga salita ng Panginoon at upang magsagawa nang naaayon sa kalooban ng Panginoon.

Kailanman ay hindi ako naghanap ng resulta sa aking espirituwal na debosyon, ngunit sa halip ay araw-araw iyong isinagawa na parang may tinatapos lang akong gawain. Kapag umaawit ako ng mga himno, umaawit ako nang walang patutunguhan. Kapag nananalangin ako, palaging iisa ang sinasabi ko, paulit-ulit na sinasabi ang kaparehong mga salita. Kapag nagbabasa ako ng Biblia, naiintindihan ko lamang ang ilang mga literal na kahulugan ng mga salita at aarmahan ang aking sarili ng kaunting espirituwal na teorya. Hindi ko kailanman pinag-isipan kung bakit sinabi ng Panginoon ang Kanyang sinabi, ano ang Kanyang kalooban at mga hinihingi sa likod ng mga bagay na sinabi Niya, at ang mga katotohanang naunawaan ko sa Kanyang mga salita, at iba pa. Ikinukumpara ang aking sarili sa sipi na binasa ni Sister Song, sa wakas ay nakita ko na ang espirituwal na debosyon ko ay pagsunod lamang sa mga tuntunin at pagsali sa relihiyosong ritwal—hindi iyon tunay na espirituwal na debosyon at walang kakayahan na matamo ang papuri ng Diyos. Taimtim kong pinagnilayan ang siping ito at nakita na hindi lamang nito basta inilalantad ang sanhi kung bakit wala tayong natatamo sa ating mga espirituwal na debosyon, ngunit ipinakita din nito sa atin ang daan upang isagawa. Ang siping ito ay tunay na nakakatulong at kapaki-pakinabang sa akin! Nais kong magbasa ng higit pa, kaya naman hiniram ko ang aklat mula kay Sister Song.

Paano Makamit ang Tunay na Espirituwal na Debosyon

Pagkauwi ko, sunud-sunod kong binasa ang ilang mga sipi. Isa sa mga sipi ang nagsasabing: “Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag taos-puso silang nakikiugnay sa mga salita ng Diyos, naaantig sila ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo na ang iyong buong puso sa Diyos saka mo lamang mapapaunlad nang unti-unti ang isang angkop na espirituwal na buhay. … Kung ang iyong puso ay maibubuhos sa Diyos at mananatiling payapa sa harap ng Diyos, kung gayon magkakaroon ka ng pagkakataon at ng mga kwalipikasyon upang kasangkapanin ng Banal na Espiritu, upang tanggapin ang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at higit pa, makakamtam mo ang pagkakataon para sa Banal na Espiritu na makabawi para sa iyong mga pagkukulang. Kapag ibinigay mo ang iyong puso sa Diyos, mas lalo kang makapapasok nang mas malalim sa positibong aspeto at mapupunta sa mas mataas na uri ng pananaw; sa negatibong aspeto, magkakaroon ka ng mas maraming pagkaunawa ukol sa iyong sariling mga pagkakamali at mga pagkukulang, magiging mas masigasig ka na hangaring mapalugod ang kalooban ng Diyos, at hindi ka magiging walang kibo, at aktibong makapapasok. Mangangahulugan ito na ikaw ay isang tamang tao(“Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga”).

Habang pinagninilayan ko ang siping ito, naintindihan ko na kung nais kong magkaroon ng normal na espirituwal na buhay, kung ganoon ay kailangan ko munang bitawan ang lahat ng mga lumang tuntunin at pagsasagawa ng nakaraan, ilayo ang aking puso mula sa lahat ng tao, pangyayari at mga bagay sa mundo sa labas at patahimikin iyon sa harap ng Diyos, at upang manalangin sa Diyos, basahin ang mga salita ng Diyos at pagnilayan ang mga salita ng Diyos nang may tapat na puso. Sa kahit anong hindi ko maunawaan, alam ko na kailangan ko pang higit na manalangin at maghanap kasama ng Diyos—hindi maaaring basta ko na lamang sulyapan ang mga salita ng Diyos at lagpasan ang mga iyon. Tanging sa pamamagitan ng pagsasagawa sa ganitong paraan ko lamang matatamo ang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu at bubuo ng isang normal na relasyon sa Diyos. Kapag ibinubuhos natin ang ating mga puso sa mga salita ng Diyos, sa wakas ay malalaman natin na kung kikilos tayo ayon sa sarili natin mga kagustuhan sa mga bagay na makakasalubong natin sa ating mga buhay o kung magsasagawa tayo nang naaayon sa mga salita ng Diyos, madidiskubre natin na may ilang mga bagay na hindi natin isinasagawa ng buo nang naaayon sa kalooban ng Diyos. At madidiskubre natin na sa loob natin ay mayroon pa ring ilang pagbabago at kakulangan, at iba pa. Kapag nagninilay tayo sa mga bagay na ito, hinahanap natin ang daan upang magsagawa sa mga salita ng Diyos, pagkatapos ay ipinapasok natin iyon sa ating mga buhay, isinasagawa iyon at pumapasok doon upang malutas ang tunay nating mga problema. Tanging isang espirituwal na buhay lamang na nagtamo ng ganito uri ng mga resulta ang bumubuo sa tunay na espirituwal na debosyon. Nang maintindihan ko ito, nag-umpisa akong magsagawa at pumasok dito: Kapag nagsasagawa ako ng espirituwal na debosyon, nananalangin ako sa Panginoon tungkol sa lahat ng mga problema at paghihirap na nangyayari sa akin sa bawat araw at naghahanap ng daan upang magsagawa mula sa loob ng mga salita ng Panginoon. Kapag nanalangin ako, sinasabi ko sa Panginoon ang lahat nang nasa puso ko at tapat na nakikipag-usap sa Kanya, at ipinapaubaya ko sa Panginoon ang lahat ng paghihirap ko at hinihingi ang Kanyang tulong. Ang mga panalangin ko ay hindi na sumusunod sa mga panuntunan at sumasali sa relihiyosong ritwal o sinasabi ang kaparehong mga salita sa aking panalangin. Kapag binabasa ko ang mga salita ng Diyos, hindi na mahalaga kung gaano karami ang basahin ko o gaano karami ang kaya kong tandaan. Sa halip, nagtuon ako sa pagninilay at paghahanap sa kalooban ng Panginoon at mga hinihingi. Pinagninilayan ko kung nagagawa ko bang magsagawa ayon sa mga salita ng Panginoon o hindi kapag may nakakatagpo akong isyu at iba pa. Matapos magsagawa sa ganitong paraan nang ilang panahon, pakiramdam ko ay lalong nagiging normal ang relasyon ko sa Panginoon at madalas akong makaramdam ng kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu kapag binabasa ko ang mga salita ng Panginoon. At kapag nananalangin ako, naaapektuhan ako at malinaw kong nararamdaman na nakikinig ang Panginoon sa mga panalangin ko. Salamat sa Panginoon!

Ang aklat na, Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero, ay nagbahagi din tungkol sa kung ano ang bumubuo sa tunay na espirituwal na buhay, kung paano bubuo ng isang normal na relasyon sa Diyos, kung ano ang bumubuo sa tunay na buhay-iglesia, at iba pa. Habang mas nagbabasa ako, lalong nagiging malinaw ang lahat at mas lalo akong natutuwa doon. Idagdag pa, maraming mga bagay ang ipinaliwanag ng aklat na ito na noon ay hindi ko kailanman naintindihan sa Biblia. Sa pamamagitan ng aklat na ito, maraming mga problema na nagpalito sa akin noon ang nalutas, at bigla kong nakita ang liwanag, na tila lumutang palayo ang mga ulap at inihantad ang liwanag ng Araw. Pakiramdam ko ay hindi maaaring isinulat ng sinumang ordinaryong tao ang aklat na ito, dahil masyado itong nagpapatunay, masyadong kapaki-pakinabang, at hindi ko mapigilang isipin ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Malinaw na isinaad ng Panginoon na, kapag nagbalik Siya, magsasabi Siya ng maraming katotohanan na hindi pa natin naiintindihan. Malinaw na naipaliwanag ng aklat na ito ang lahat ng iyon—maaari kayang ang mga salita sa aklat na ito ay nagmula sa mga pagbigkas ng Banal na Espiritu? Maingat kong pinag-aralan ang aklat at binasa ang pamagat, Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero. Biglang huminto saglit ang tibok ng puso ko nang biglang kong maisip: Maaari kayang ang aklat na ito ay ang maliit na pergamino na iprinopesiya nang maraming beses sa Pahayag? Ngunit ang nakaselyong maliit na pergamino ay maaari lamang buksan ng Kordero.... Iniisip ang mga bagay na ito, hindi ako mapakali at, matapos kong manalangin sa Panginoon, kinuha ko ang aklat at mabilis na nagtungo sa tahanan ni Sister Song ...

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Paliwanag sa Mateo 4:17—Ano ang tunay na Pagsisisi?

Tanging kapag mayroon tayong tunay na pagsisisi sa Diyos natin maaaring matamo ang Kanyang pangangalaga sa gitna ng mga sakuna. Kung gayon ano ang tunay na pagsisisi? At paano natin makakamit ang tunay na pagsisisi? Sasabihin sa iyo ng artikulong ito ang mga kasagutan.