Paano Natakot si Job sa Diyos at Iniwasan ang Kasamaan?

Agosto 26, 2019

Ni Zhou Ming

Sa tuwing mababanggit ang mga salitang “matakot sa Diyos”, karamihan sa mga tao ay iisipin ang kuwento ni Job sa Biblia. Si Job ay natakot sa Diyos at iniwasan ang kasamaan, nagpatotoo siya para sa Diyos noong panahong siya ay sinusubok, nakamit niya ang papuri at pagpapala ng Diyos, at namuhay siya ng karapat-dapat at makabuluhang buhay na labis nating hinahangaan ngayon. Ngayon, suriin natin ang Aklat ni Job at detalyadong suriin ang mga paraan kung saan ipinamalas ni Job ang kanyang pagkatakot sa Diyos, at ito ay makatutulong sa atin para makakuha ng panibagong pagkaunawa at pagpasok sa katotohanan ng pagkatakot sa Diyos.

1. Si Job ay May Pusong-May-Takot-sa-Diyos at Wala Siyang Ginawa sa Kanyang Buhay na Hindi Ikinatuwa ng Diyos

Sinasabi sa Aklat ng Job 1:5: “At nangyari, nang makaraan ang mga kaarawan ng kanilang pagpipista, na si Job ay nagsugo, at pinapagbanal sila, at bumangong maaga sa kinaumagahan, at naghandog ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat: sapagka’t sinabi ni Job, Marahil ang aking mga anak ay nangagkasala, at itinakuwil ang Dios sa kanilang mga puso. Ganito ang ginawa ni Job na palagi.”

Si Job ay nagtataglay ng malaking kayamanan at tinatawag na pinakadakilang tao sa lahat ng mga naninirahan sa silangan; ang katumbas niya ay isang modernong milyonaryo. Para sa atin, Tila namuhay si Job sa karangyaan at karapat-dapat na magsagawa ng pista paminsan-minsan, at hindi magiging eksaherado na mamuhay siya ng isang marangya at maluhong pamumuhay. Gayunman ay hindi nagsagawa ng mga pista si Job at ni hindi siya dumalo sa mga pista na ginanap ng kanyang mga anak. Marahil ang ilan sa mga tao ay malilito dito, at iisipin kung si Job ba ay masyado lamang makaluma at konserbatibo? Sa katunayan, gumawa si Job ng mahigpit na kautusan sa kanyang sarili at palaging pinapairal ang pinakamaganda niyang pag-uugali sa buhay, at ang pag-uugaling ito ay direktang nauugnay sa kanyang pagkatakot sa Diyos. Bilang mga tao, wala tayong kakayahang madaig ang kasalanan, at kung tayo ay dadalo sa mga piging, tayo ay kinokontrol ng pagnanasang kumain, uminom at maging maligaya, maari tayong maging sakim sa mga kasiyahan ng laman, malaki ang posibilidad na iwasan natin ang Diyos, mawala ang normal na relasyon natin sa Diyos at gumawa pa ng mga bagay na hindi kalugod-lugod sa Diyos. Dalisay ang puso ni Job sa puntong ito, kaya naman mas pinili niyang mamuhay ng simple at payak na buhay kaysa makagawa ng kahit anong maaaring hindi kaluguran ng Diyos. Malinaw na ang ganitong klase ng pag-uugali ay hindi pagiging makaluma at konserbatibo ni Job, kundi pagtahak niya sa landas ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan sa kanyang puso. Hindi siya nagbigay ng konsiderasyon sa kanyang laman at hindi binigyang pansin ang kasiyahan sa marangyang buhay. Sa halip, ang motibo niya sa likod ng lahat ng bagay na kanyang sinabi at ginawa ay para mapaluguran ang kalooban ng Diyos at huwag makagawa ng anumang maaaring ikagalit ng Diyos.

Hindi lamang sa paglihis sa daan ng Diyos natatakot si Job, nangangamba rin siya na makagawa ang kanyang mga anak ng hindi kalugod-lugod sa Diyos dahil sa madalas nilang pagdiriwang. Mula dito, makikita natin na hindi kinunsinte ni Job ang kasalanan ng kanyang mga anak dahil sa pagiging pamilya nila, ngunit sa halip ay kinamuhian at kinasuklaman ang kasiyahan ng kanyang mga anak dahil alam niyang kinamumuhian din iyon ng Diyos. Sa tuwing matatapos ang piging, madalas na pinapapunta ni Job ang isang alagad para sabihin sa kanyang mga anak na gawin nilang banal ang kanilang mga sarili, at madalas siyang naghahandog ng sinusunog na handog para sa kanila. Sinabi sa Biblia, “Ganito ang ginawa ni Job na palagi.” Higit pa nitong ipinapakita higit na pagkatakot ni Job sa Diyos sa kanyang puso. Ang kanyang pagkilos at paghahayag ng pagkatakot niya sa Diyos ay hindi lang mababaw, mas lalong hindi mga kasanayan na hatid ng masidhing damdamin o sa ilang lumilipas na emosyon. Sa halip, isinapuso niya ang pagtahak ng landas ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, at nagsimula siya sa maliliit na bagay. Gaya ng sinabi ng salita ng Diyos: “Hindi pumunta at bumisita si Job sa kanyang mga anak nang paminsan-minsan, o kung nais niya, at hindi rin siya nagkumpisal sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Sa halip, regular niyang sinugo at pinapagbanal ang kanyang mga anak, at nagsakripisyo ng mga handog na susunugin para sa kanila. Ang ‘palagi’ dito ay hindi nangangahulugan na gumawa siya ng gayon para sa isa o dalawang araw, o para sa isang sandali. Sinasabi nito na ang pagpapamalas ng takot sa Diyos ni Job ay hindi pansamantala, at hindi tumigil sa kaalaman, o mga winikang salita; sa halip, ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan ang pumatnubay sa kanyang puso, ito ang nagdikta sa kanyang asal, at ito nga, sa kanyang puso, ang ugat ng kanyang pananatiling buhay. Ang patuloy niyang paggawa dito ay ipinapakita, na sa kanyang puso, madalas siyang natakot na siya mismo ay magkakasala laban sa Diyos at natakot din siya na ang kanyang mga anak na lalaki at babae ay nagkasala laban sa Diyos. Kinakatawan nito kung gaano kabigat ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan na dala sa loob ng kanyang puso(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II).

2. Si Job ay May Pusong-May-Takot-sa-Diyos at Kayang Magpasakop sa Kapangyarihan at Pagsasaayos ng Diyos Habang Siya’y Sinusubok

Inakusahan ni Satanas si Job sa harap ng Diyos at, pagkatapos ibigay ng Diyos ang Kanyang permiso, halos hindi makapaghintay si Satanas para tuksuhin si Job. Hindi nagtagal, mabilis na kumalat ang balitang ninakaw ang mga baka ni Job, ang kanyang mga tagapag-lingkod ay pinatay, at ang kanyang sampung anak ay namatay. Sa isang iglap, mula sa pagkakaroon ng lahat ng bagay ay nauwi si Job sa walang-wala. Maiisip natin kung gaano ito kakila-kilabot, at walang sinuman ang maaaring makatitiis dito, kahit na sino pa sila. Gayunman ay naging mahinahon si Job. Hindi siya nataranta at hindi siya nag-utos kaninuman upang bawiin ang kanyang mga nawalang ari-arian. Sa halip, siya ay “bumangon, at hinapak ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba.” Ang kahinahunang ipinakita niya ay ganap na hindi inaasahan. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Napaka-mahinahon at malinaw ang pag-iisip ni Job noon. Ang kanyang perpekto at matuwid na pagkatao ang tumulong sa kanya upang makatwiran at likas na gumawa ng mga tumpak na paghatol at pagpapasya tungkol sa mga sakunang dumating sa kanya, at dahil dito, nagawa niyang kumilos nang may pambihirang kahinahunan: ‘Nang magkagayo’y bumangon si Job, at pinunit ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba;’ Ang ‘Pinunit ang kanyang balabal’ ay nangangahulugan na wala siyang suot, at walang pagmamay-ari; ang ‘inahitan ang kanyang ulo’ ay nangangahulugang bumalik siya sa Diyos bilang isang bagong silang na sanggol; ang ‘nagpatirapa sa lupa, at sumamba’ ay nangangahulugang dumating siya sa mundo nang hubad, at wala pa ring pag-aari sa ngayon, ibinalik siya sa Diyos bilang isang bagong silang na sanggol. Ang saloobin ni Job sa lahat ng sinapit niya ay hindi maaaring makamit ng anumang nilalang ng Diyos. Ang kanyang pananampalataya kay Jehova ay hindi kapani-paniwala; ganito ang kanyang takot sa Diyos, at pagkamasunurin sa Diyos, at hindi lamang siya nagpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya, ngunit pati na rin sa pagkuha mula sa kanya. Higit pa rito, nagawa niyang ibalik ang lahat ng kanyang pag-aari, pati ang kanyang buhay(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). “Kahit hindi niya nakita ang Diyos, napagtanto niya na tunay na umiiral ang Diyos, at dahil sa pagtatantong ito ay natakot siya sa Diyos—at dahil sa takot niya sa Diyos, nagawa niyang sumunod sa Diyos. Binigyan niya ang Diyos ng kalayaan na kunin ang lahat ng kanyang pag-aari, gayunman wala siyang hinaing, at nagpakumbaba sa harap ng Diyos at sinabi sa Kanya, sa oras na ito, na kahit na kunin ng Diyos ang kanyang laman, masaya siyang hahayaan na gawin Niya ito, nang walang hinaing. Ang kanyang buong asal ay dahil sa kanyang perpekto at matuwid na pagkatao. Ibig sabihin, bunga ng kanyang kawalang-sala, katapatan, at kabaitan, si Job ay di-natinag sa kanyang pagtatanto at karanasan na mayroong Diyos, at mula sa saligang ito inatasan niya ang kanyang sarili at binigyan ng pamantayan ang kanyang pag-iisip, pag-uugali, pag-aasal at mga alituntunin ng mga gawain sa harap ng Diyos na naayon sa patnubay ng Diyos sa kanya at sa mga gawa ng Diyos na nakita niya sa lahat ng bagay. Sa paglipas ng panahon, nagdulot sa kanya ang kanyang mga karanasan ng tunay at totoong takot sa Diyos at nagawa niyang layuan ang kasamaan. Ito ang pinagmulan ng katapatan na mahigpit na pinanghawakan ni Job(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II).

Naharap sa matinding pagsubok, hindi nagreklamo si Job, ngunit nagawang magpatirapa sa lupa at pinuri ang banal na pangalan ni Jehova, at nagpasakop siya sa katotohanang kinuha ng Diyos ang lahat ng bagay sa kanya—ito ang pagpapamalas ni Job ng pagkatakot sa Diyos. Ang pagkatao ni Job ay matuwid, tapat, dalisay at mabuti. Sa mga tao, mga pangyayari at mga bagay na nararanasan niya sa araw-araw, hinangad niyang maunawaan ang katas-taasang kapangyarihan ng Diyos at lumakad sa landas ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Sa buong dekada ng karanasan ni Job, kahit na kailanman ay hindi nagpakita ang Diyos na Jehova sa kanya, tunay na nasaksihan ni Job ang katas-taasang kapangyarihan ng Diyos at mga gawa at lalong nakatiyak na mayroong Diyos, at kaya naman nagkaroon siya ng pusong-may-takot-sa-Diyos. Naunawaan rin niya na ang mga kayamanan, ari-arian at mga anak na mayroon siya sa buhay niya ay ibinigay lahat ng Diyos sa kanya, at ang tao mismo ay hindi matatamo ang ganoong mga bagay sa sarili niyang pagsisikap kung hindi piniling ipagkaloob ng Diyos sa kanya ang mga ito. Samakatuwid, noong ninakaw ang mga pag-aari ni Job at natamo ng mga anak niya ang hindi kanais-nais na kamatayan, malinaw na alam niya sa kanyang puso na pagsubok ng Diyos ang kinakaharap niya. Sinabi ng kanyang pagkamatuwiran na ang lahat ng bagay na mayroon siya ay nagmula sa Diyos. Na ang Diyos ay may karapatan na magbigay at bumawi at na, bilang isang sa mga nilikha ng Diyos, hindi niya dapat na sisihin ang Diyos, magsalita ng makasalanan o galitin ang Diyos. Sa halip, alam niya na dapat siyang magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos, taglay ang pusong-may-takot-sa-Diyos. Sa huli, habang nagdurusa siya, sinabi ni Job, “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nagalis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21), at nanindigan siya sa kanyang patotoo sa Diyos. 

3. Si Job ay May Pusong-May-Takot-sa-Diyos at Sinaway Niya ang Kanyang Asawa—Malinaw na Alam Niya Kung Ano ang Dapat Mahalin at Kung Ano ang Kamumuhian, at Nagtaglay Siya ng Pagiging Makatarungan

Matapos na ang buong katawan ni Job ay magkaroon ng masasakit na bukol, muling sinubukang tuksuhin ni Satanas si Job sa pamamagitan ng kanya mismong asawa. Tulad ng sinasabi sa Biblia: “Nang magkagayo’y sinabi ng kaniyang asawa sa kaniya, Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? itakuwil mo ang Dios, at mamatay ka. Nguni’t sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:9-10). Nahaharap sa pambubuyo ng kanyang asawa, bakit galit siyang sinaway ni Job? 

Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Nang makita ang paghihirap niya, sinubukan ng asawa ni Job na payuhan si Job upang tulungan siyang makatakas sa kanyang paghihirap--ngunit ang kanyang ‘magandang intensyon’ ay hindi sinang-ayunan ni Job; sa halip, binuhay nito ang kanyang galit, sapagkat itinakwil ng asawa ang pananampalataya ni Job, at pagkamasunurin sa Diyos na Jehova, at itinakwil din ng asawa ni Job ang pag-iral ng Diyos na Jehova. Hindi ito katanggap-tanggap kay Job, dahil hindi niya kailanman pinayagan ang sarili niya na gumawa ng kahit anong sumasalungat o nakakasakit sa Diyos, na walang masabi sa iba. Paano siya mananatiling walang malasakit kung nakita niya ang iba na nagwiwika ng mga salitang lumalapastangan at iniinsulto ang Diyos? Kaya tinawag niya ang kanyang asawa na isang ‘hangal na babae.’ Ang saloobin ni Job sa kanyang asawa ay may galit at poot, pati na rin ang kahihiyan at mahigpit na pangangaral. Ito ay ang likas na pagpapahayag ng pagkatao ni Job na kumikilala sa pagkakaiba ng pag-ibig at poot, at isang tunay na pangangatawan ng kanyang matuwid na pagkatao. Si Job ay nagtataglay ng katinuan ng katarungan—na dahilan upang magalit siya sa kabuktutan, at mapoot, magalit, at tanggihan ang walang katotohanang kontra sa pananampalataya, hindi kapani-paniwalang argumento, at katawa-tawang pagpapatunay, at pinahintulutan siyang maging totoo sa kanyang sarili, mga wastong prinsipyo at paninindigan nang siya ay itinakwil ng masa at iniwan ng mga taong malapit sa kanya(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Ang Diyos ay katotohanan, ang daan at ang buhay at Siya ang kumakatawan sa lahat ng mga positibong bagay. Lahat ng mga bagay na ikinakaila ang Diyos o lumalaban sa Diyos ay nauukol kay Satanas at mga negatibong bagay. Natakot si Job sa Diyos at lumayo sa mga kasamaan at minahal niya ang mga positibong bagay. Siya ay lubos na matuwid, nakikita niya ang kaibahan ng pag-ibig at galit at idinambana ang Diyos sa kanyang puso. Hindi niya kayang tiisin ang sinumang nagkakaila sa Diyos, humuhusga sa Diyos o lumalapastangan sa Diyos. At sa tuwing may nakikita siyang nagkakaila sa Diyos, umuusbong ang pagkamuhi sa kanyang puso, at kasama na roon ang kanyang pamilya. Kailangan pa rin niyang mahigpit na isabuhay ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, manindigan sa panig ng hustisya at katotohanan, at hindi matakot na magalit sa kanya ang sinuman. Samakatuwid nang sabihan siya ng kanyang asawa na talikuran ang Diyos at itanggi ang katuwiran ng Diyos, hindi hinayaan ni Job na maapektuhan siya ng kanyang damdamin para sa kanyang asawa sa anumang paraan, ngunit sa halip ay sinaway niya ang kanyang asawa sa pagiging isang hangal na babae. Sa pamamagitan nito, muli niyang napagtagumpayan ang panunukso ni Satanas at nanindigan siya sa kanyang patotoo sa Diyos.

Ang mga nasa taas ay pagpapamalas ni Job ng pagkatakot sa Diyos, at mula dito ay mauunawaan natin na ang pagkatakot sa Diyos ay hindi isang bagay na maangkin ng mga salita lamang. Sa halip ay kinakailangan nating ituon ang pansin sa pagpasok sa mga tao, mga kaganapan, bagay at kapaligiran na inihanda sa atin ng Diyos, at hinihiling nito na tularan natin si Job. Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, halimbawa, kinakailangan nating tandaan na iwasan ang lahat uri ng panunukso: May ilang lugar ng aliwan o lugar na kung saan maaaring mapasama at malayo ang puso natin sa Diyos na hindi natin dapat puntahan o magkaroon ng ugnayan. Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga lugar na ito ay magiging protektado tayo. Kapag dumadaan tayo sa pagsubok, tulad ng isang sakuna sa ating tahanan o malaki ang problema ng miyembro ng ating pamilya, kung ganoon ay kahit ano pa man ang gawin ng Diyos, hindi tayo dapat magkaroon ng maling pag-unawa sa Diyos o sisihin ang Diyos, ngunit dapat na magawang magpasakop sa Kanyang katas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos. Kapag tayo ay ginulo at nilinlang ng mga tao, pangyayari o ng bagay, dapat ay palagi nating panindigan ang katotohanan at hustisya, hindi mapipigilan ninuman, at huwag umayon sa pagsuway ninuman sa Diyos sa puntong tatalikuran natin ang Diyos at lalayo sa Kanya. Si Job ang ating pamantayan sa pagpasok natin sa katotohanan ng pagkatakot sa Diyos. Kung lahat tayo ay magiging katulad ni Job at dadalhin ang totoong pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan sa ating buhay, isasagawa at papasok doon, at magsisimula sa maliliit na bagay, kung gayon ay madalas tayong makatatanggap ng gabay ng Diyos at mga pagpapala, at tayo ay magiging mga taong may takot sa Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

What is the meaning of rapture in Tagalog?

Ano ang meaning of rapture in Tagalog? Nangangahulugan ba talaga ito ng pagiging nadala sa isang ulap upang makatagpo ang Panginoon? Basahin ang artikulong ito para malaman ang tunay na kahulugan ng rapture.