Paliwanag sa Mateo 6:9–10: Alam Mo ba ang Tungkol sa mga Misteryo sa Panalangin ng Panginoon?
- Mga Nilalaman
- Isang Pangunahing Natuklasan: Hindi nasa Langit ang Lugar na Inihanda para sa Atin ng Panginoon
- Ang Kalooban ng Diyos ay Masusunod sa Lupa, at ang Hantungan ng Sangkatauhan ay nasa Lupa
- Ang Pagbabalik sa Realidad ay Kasang-ayon sa Kalooban ng Diyos
Maraming kapatid na lalaki at babae ang napaka-pamilyar sa Panalangin ng Panginoon, at binibigkas natin ito sa tuwing nagdarasal tayo: “Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:9–10). Ngunit kahit na madalas nating dasalin ang Panalangin ng Panginoon, bihira naman nating pinagninilay-nilayan ang tunay na kahulugan ng Panalangin ng Panginoon. Aling mga aspeto ng katotohanan ang sinasabi ng Panginoong Jesus tungkol sa Panalangin ng Panginoon, ano ang kalooban ng Panginoon, at anong mga misteryo ang nakapaloob sa Panalangin ng Panginoon? Pag-usapan natin ang mga bagay na ito ngayon.
Isang Pangunahing Natuklasan: Hindi nasa Langit ang Lugar na Inihanda para sa Atin ng Panginoon
Dahil naniniwala sa Diyos, lagi na nating naisip na nasa langit ang lugar na inihanda ng Panginoon para sa atin. Naghintay na tayo na maitataas kapag bumalik ang Panginoon, kumain at uminom ng bunga at tubig ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos, at walang hanggang magtamasa ng mga pagpapala ng Panginoon sa Kanyang presensiya. Ngunit ang iniisip ba natin ay umaayon sa kalooban ng Panginoon? Ang lugar bang inihanda ng Panginoon para sa atin ay totoong nasa langit? Tingnan natin kung ano ang sinasabi nito sa Panalangin ng Panginoon. Sinasabi sa Mateu 6:10, “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.” Malinaw na sinasabi sa atin ng Panginoong Jesus na ang kaharian ng Diyos ay nasa lupa, hindi sa langit, at ang kalooban ng Diyos ay masusunod sa lupa, gaya ng sa langit. Ang Pahayag ay nagbibigay din ng propesiya sa maraming bahagi na ang kaharian ng Diyos ay nasa lupa, hindi sa langit. Halimbawa, sinasabi sa Pahayag 11:15, “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man.” Sinasabi rin sa Pahayag 21:2–3, “At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila.” Sinasabi ng mga propesiyang ito, “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo,” “Ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, at na “Ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao.” Ang lahat ng bagay na ito ay nagpapahiwatig na ang kaharian ng Diyos ay magaganap sa lupa, at ang mga kaharian sa mundong ito ay magiging mga kaharian ni Cristo. Ang ibig sabihin, kapag bumalik ang Panginoong Jesus, magtatatag Siya ng Kanyang kaharian sa lupa. Sa panahong iyon, pamumunuan pa rin ng Diyos ang mga tao sa pamumuhay sa lupa at pagsamba sa Diyos, mabubuhay ang lahat ng tao sa pamamagitan ng salita ng Diyos, magiging mga tagubilin ang mga salita ng Diyos kung saan ginagawa ang mga bagay at pundasyon ng pag-iral, sasambahin ng lahat sa lupa ang isa at totoong Diyos sa langit at igagalang Siya bilang pinakamataas at pinakadakila sa lahat, at sa gayon magaganap sa lupa ang kaharian ng Diyos. Kung maniniwala tayong ang kaharian ng Diyos ay nasa langit ayon sa ating mga pagkaunawa, at itataas tayo ng Diyos sa langit, kung gayon ang mga propesiya bang ito ay mga salitang walang kahulugan lamang?
Ang Kalooban ng Diyos ay Masusunod sa Lupa, at ang Hantungan ng Sangkatauhan ay nasa Lupa
Marahil ang ilang mga kapatid na lalaki at babae ay hindi pa rin nakakaunawa, at sasabihing ang Panginoong Jesus ay sinasabi sa atin, “Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2–3). Dahil ang Panginoong Jesus ay umakyat sa langit pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, Siya ay nasa langit na naghahanda ng isang lugar, kaya’t paanong nasa lupa ang ating huling hantungan? Mga kapatid, totoong sinabi ng Panginoong Jesus na maghahanda Siya ng isang lugar para sa atin, ngunit sinabi ba ng Panginoon na ang inihandang lugar para sa atin ay nasa langit? Sinabi ba ng Panginoong Jesus na tatanggapin Niya tayo sa langit? Hindi ba ang mga ito ay sarili nating mga pagkaunawa at imahinasyon? Una, tingnan natin kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus. Sinabi ng Panginoon, “At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa langit” (Juan 3:13). Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus na walang sinuman maliban sa Kanya Mismo ang nakaakyat na sa langit, at sinasabi rin sa Salmo 115:16, “Ang mga langit ay mga langit ni Jehova; nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao.” Makikita natin na langit ang tirahan ng Diyos, at ang lupa ang lugar na naipagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan para panirahan, ngunit tayong mortal, mga tao sa laman ang palaging nais manahan sa langit. Hindi ba ito ang isa sa maluluhong pagnanais ng sangkatauhan?
Sa katunayan, alam nating lahat na nang nilikha ng Diyos ang mundo ay nilikha Niya ang sangkatauhan sa lupa, at ang kalooban ng Diyos ay palaging nasusunod na sa lupa. Sinasabi sa Genesis 2:7–8, “At nilalang ni Diyos na Jehova ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay. At naglagay ang Diyos na Jehova ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silanganan: at inilagay niya roon ang taong kaniyang nilalang.” Mula sa mga kasulatan, alam natin na nang nilikha ng Diyos ang tao, ginawa ito sa lupa, at nasa lupa ang Hardin ng Eden. Nang unang nilikha ng Diyos sina Adan at Eba, hindi Niya sila nilagyan ng mga pakpak, ni dinala sila ng Diyos sa langit para manirahan. Sa halip, inilagay Niya sina Adan at Eba sa lupa upang bantayan ang lahat ng nilikha.
Sa kalaunan, tinukso ng ahas sina Adan at Eba upang kainin ang ipinagbawal na prutas, nagtaksil sa Diyos, at isinumpa ng Diyos at pinaalis sa Hardin ng Eden. Mula noon, nabuhay ang sangkatauhan sa ilalim ng sakop ni Satanas. Ginawa silang tiwali at pinahamak ni Satanas, at mas lalo pa silang naging masama. Sinamba nila ang mga diyus-diyosan, gumawa ng maraming bagay na nilabanan ang Diyos, at hindi talaga sinamba ang totoong Diyos. Hindi nais ng Diyos na makita ang ganoong sangkatauhang napakarumi at napakatiwali, kaya ginawa Niya ang gawain ng pagbaha sa mundo upang wasakin ito. Tanging ang pamilya ni Noah na walong katao ang pinagpala ng Diyos at pinahintulutang maligtas at magparami sa lupa. Pagkatapos noon, sinimulan ng Diyos ang Kanyang plano ng pamamahala upang iligtas ang sangkatauhan. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ginamit ng Diyos si Moises upang ipahayag ang mga batas at Kanyang mga utos, na gumabay sa mga buhay ng mga Israelita sa lupa, para malaman ng mga tao kung paano sumamba sa Diyos, paano makisalamuha sa isa’t isa, ano ang mga nagpapasaya at nagpapagalit sa Diyos, at iba pa. Ang mga Israelita ay tinupad ang batas at namuhay at sinamba ang Diyos sa lupa nang dalawang libong taon. Sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, ang mga nilalang na tao ay naging lalo pang tiwali, nabigong tuparin ang mga batas at utos, at nasa panganib na mahatulan ng kamatayan ayon sa batas. Ang Diyos ay personal na nagkatawang-tao upang akayin ang sangkatauhan sa lupa at ipahayag ang mga turo ng pagsisisi para mabigyan ang mga tao ng bagong direksiyon, at tinuruan ang mga tao na maging mapagparaya, matiyaga, mapagmahal sa kanilang mga kaaway, at iba pa, kaya nga kapag nagkasala ang mga tao, kinailangan lang nilang manalangin sa Diyos at magsisi para mapatawad ang kanilang mga kasalanan. Sa huli, ang Panginoong Jesus ay ipinako bilang handog sa kasalanan upang tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan, kung saan pinahintulutan ang sangkatauhang magpatuloy na mabuhay sa lupa hanggang sa kasalukuyan. Nagbigay ng propesiya ang Panginoong Jesus na sa mga huling araw ay paparito Siyang muli, magtatatag ng Kanyang kaharian sa lupa, at gagawin ang kaharian ng mundo na kaharian ni Cristo magpasawalang hanggan. Sa ganito, makikita natin na mula sa sandaling nilikha ng Diyos ang sangkatauhan hanggang sa katapusan ng pagbaha, at ang gawain sa buong Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang gawaing dapat matapos ng bumalik na Panginoon sa mga huling araw, lahat ay nagawa na sa lupa, at ang kalooban ng Diyos ay palaging nasunod na sa lupa.
Ang huling hantungan ng sangkatauhan ay sa lupa rin, hindi sa langit. Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawa’t tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. … Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na likha ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao ay hindi na magiging suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba. Ito ang kanya-kanyang mga buhay at mga hantungan ng Diyos at sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingahan. … Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang nagpapahinga ang tao, sasambahin niya ang Diyos at mamumuhay din sa lupa, at habang nagpapahinga ang Diyos, aakayin Niya ang natitirang bahagi ng sangkatauhan; aakayin Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa. Ang Diyos ay magiging ang Espiritu pa rin, habang ang tao ay magiging laman pa rin. Ang Diyos at tao ay kapwa may kanya-kanyang mga paraan ng pagpapahinga” (“Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan”). Napakalinaw na sinasabi ng mga salita ng Diyos na nang matapos ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan, ang Diyos at ang sangkatauhan ay magkakaroon ng kani-kanilang mga paraan ng pamamahinga. Magpapatuloy ang Diyos na pamunuan ang buhay ng sangkatauhan sa lupa at sasambahin ng sangkatauhan ang Diyos sa lupa. Ito ang perpektong hantungang inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Sa panahong iyon, ang sangkatauhan ay hindi na magiging mapaghimagsik laban sa Diyos o lalaban sa Diyos, at magiging katulad lang nina Adan at Eba sa simula, nagagawang pakinggan ang mga salita ng Diyos at sumusunod sa mga pangangailangan at utos ng Diyos. Ngunit, sa panahong iyon, ang sangkatauhan ay magkakaroon din ng katotohanan bilang buhay, kaya hindi na gagawing tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at mabubuhay nang maligaya sa lupa sa gitna ng patnubay at pamumuno ng Diyos. Mula sa pagbabahagi sa itaas, makikita nating laging maisasakatuparan sa lupa ang kalooban ng Diyos, na nasa lupa ang hinaharap na hantungan ng sangkatauhan, na walang hanggang mabubuhay sa lupa ang sangkatauhan, at matagal na itong pinagpasiyahan ng Diyos.
Ang Pagbabalik sa Realidad ay Kasang-ayon sa Kalooban ng Diyos
Kung titingnang muli natin ang Panalangin ng Panginoon, ang mga salitang “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” ay lalo pa ngang pinapatunayang magtatatag ang Diyos ng Kanyang kaharian sa lupa, hindi sa langit, at ang kalooban ng Diyos ay masusunod sa lupa. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). Maraming beses ding nabanggit ang propesiya sa Pahayag 2–3: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Nagpapamalas sa atin ang mga propesiyang ito na sa mga huling araw, ang bumalik na Panginoon ay magsasalita sa mga iglesia upang sabihin sa atin ang kabuuan ng Kanyang katotohanan at mga misteryo. Kaya, dapat tayong maging matatalinong dalaga, makinig nang mabuti sa tinig ng Diyos, at kumilos nang maingat at magsiyasat nang masigasig kapag ang isang tao ay nagpapatotoo na bumalik na ang Panginoon, dahil saka lamang natin magagawang salubungin ang pagpapakita ng Panginoon at makamit ang kaligtasan sa mga huling araw, at saka lamang tayo magkakaroon ng pagkakataong maging bayan ng kaharian ng Diyos at gawin ang kalooban ng Diyos dito sa lupa.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.