Ang Aking Pinili

Hulyo 5, 2023

Ni Baiyun, Tsina

Noong Marso 2012, ibinahagi ng mama ko sa akin ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sinimulan ko ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos at madalas akong nagbabahagi sa iba ng mga salita ng Diyos. Naaalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nabasa ko sa aking debosyonal. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng tagubilin ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa tagubilin ng Diyos at hindi para sa matuwid na kapakanan ng sangkatauhan, ang ating mga kaluluwa’y makakaramdam ng pagiging hindi karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa tagubilin ng Diyos, at mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at nagmumula sa Kanya ang lahat ng mayroon ako Dapat kong suklian ang pagmamahal Niya at gawin ang tungkulin ng isang nilikhang nilalang. Kaya, sinimulan kong ibahagi ang ebanghelyo sa mga taong kilala ko.

Isang araw noong Disyembre 2012, ilegal akong inaresto ng pulisya dahil sa pangangaral ng ebanghelyo at ikinulong ng labing-apat na araw dahil sa “panggagambala sa kaayusan sa lipunan.” Dumating ang asawa at mga magulang ko para bisitahin ako sa kulungan noong pang-pitong araw ko ro’n. Paglakad ko sa visiting room, nakita kong nakatayo ro’n ang mama at papa kong naghihintay at ang asawa kong hawak ang isang taong gulang kong anak. Tumulo ang mga luha sa mga mata ko pagkakita ko sa kanilang lahat do’n. Tahimik kong binati ang mga magulang ko, nagmadali palapit sa asawa ko at kinuha sa kanya ang bata. Napakalungkot ko nung mga sandaling ‘yon. Nagsama-sama kaming lahat bilang isang pamilya, tapos ay ilegal akong ikinulong ng Partido Komunistang Tsino (CCP) dahil lang sa pagbabahagi ng ebanghelyo. Ngayon nakikita ko ang pamilya ko sa detention center. Sabi ng asawa ko, “Sinabi ko sa troop leader ko ang nangyari matapos kong malaman ang tungkol sa pagkahuli mo at dapat mo raw bitawan ang pananampalataya mo. Nakapagtapos ka ng kolehiyo, mayroon kang pinag-aralan. Masisira ang kinabukasan mo kung patuloy kang maniniwala sa Diyos! Sinabi rin nila na kung hindi mo bibitawan ‘yan, matatanggal ako sa Partido at sa militar. Mawawala rin ang bonus ko sa susunod na taon! Kaya kong balewalain ang lahat ng ‘yon, pero dapat mong isipin ang anak mo at ang pamilya mo. Hindi na magiging ganito kapag naaresto ka na naman. Sisintensyahan kang makulong, tapos ano’ng mangyayari sa anak natin? Hindi siya makakapasok sa unibersidad o sumali sa militar. Paano siya magkakalugar sa lipunan para sa sarili niya? Kakailanganin niya bang mabuhay sa kahihiyan?” Mas lalong sumama ang loob ko nang marinig ko ‘yon sa kanya. Nasaktan ako habang hawak ko ang anak ko, at naisip ko, “Kung talagang humantong ako sa kulungan balang-araw, lalaki bang malusog ang anak ko nang wala sa tabi niya ang kanyang ina sa napakamurang edad? Pagtatawanan ba siya at dadanas ng diskriminasyon? Kung patatalsikin ng Partido sa army ang asawa ko, tapos na ang kinabukasan niya.” Hindi ko na kayang isipin pa ‘yon. Pinigil ko ang pag-iyak ko’t ‘di na ‘ko nagsalita. Nang makitang hindi ako nagsasalita galit na sinabi ng asawa ko, “Sinabi ng lider namin na kung ‘di ka mangangakong bitawan ang pananalig mo, dapat na ‘kong makipagdiborsyo. Dapat kang pumili!” Nang hindi pa rin ako nagsalita, kinuha niya ang anak namin at galit na lumabas. Pakiramdam ko parang tinarak ng kutsilyo ang puso ko at hindi ko na napigil ang mga luha ko. Habang pabalik ako sa selda ko, nalito ako. Bakit sinabi agad ng asawa ko sa lider niya ang tungkol sa pagkakaaresto ko? Alam niyang hindi ‘yon makakatulong sa’kin o sa kanya sa anumang paraan. Bakit napakamalaya niyang ‘binabahagi ‘yun? Pinag-isipan ko ‘yon at naramdaman kong baka sinosolusyunan niya’ng pwedeng mangyari. Nang maisip ko ‘yon, ayaw ko talaga ‘yong tanggapin. Talagang nahirapan ako. ‘Di ko maiwasang isipin na tama’t natural ang pananalig sa Diyos, walang kriminal tungkol doon. ‘Pag nagsasama-sama kami, binabasa lang namin ang mga salita ng Diyos, ginagawa ang aming tungkuli’t, hinahanap ang katotohanan. Bukod do’n, ‘di ba malinaw na tinutulutan ng konstitusyon ang kalayaan ng paniniwala? Kaya bakit kami labis na aapihin ng Partido Komunista at pipilitin ang asawa kong idiborsyo ako? Hindi ko talaga ‘yon maunawaan.

Pagbalik ko sa selda ko, ibinahagi ko ang pagkalito ko sa isang sister sa Iglesia. Tahimik niyang binigkas ang ilang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos para sa’kin. “Hari nga ito ng mga diyablo! Paano matitiis ang pag-iral nito? Hindi ito magpapahinga hangga’t hindi nito nagugulo ang gawain ng Diyos at iniiwan itong ganap na magulo,[1] na para bang nais nitong labanan ang Diyos hanggang sa huli, hanggang sa mamatay ang mga isda o masira ang lambat, na sadyang nilalabanan ang Diyos at palapit pa nang palapit. Matagal nang nalantad ang kasuklam-suklam nitong mukha, ngayo’y lamog at bugbog[2] na ito at nasa kakila-kilabot na kalagayan, subalit hindi pa rin maglulubag ang loob nito sa pagkamuhi sa Diyos, na para bang huhupa lamang ang pagkamuhing tinimpi sa puso nito kapag nilamon na nito nang buo ang Diyos sa isang subuan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 7). “Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga panlalansing lahat para pagtakpan ang kasalanan! … Bakit naglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gumagamit ng iba’t ibang pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Nasaan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gumagamit ng madayang mga pakana upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gumagamit ng puwersa para pigilin ang pagdating ng Diyos? Bakit hindi hinahayaan ang Diyos na malayang gumala sa ibabaw ng lupa na nilikha Niya? Bakit tinutugis ang Diyos hanggang wala na Siyang mapagpahingahan man lamang ng Kanyang ulo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8). Tapos ay ibinahagi niya ito: “Sa mga huling araw, naging tao ang Diyos at pumunta sa lupa para magsalita’t gumawa Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan na nagliligtas sa sangkatauhan, at nadidinig ng mga may puso’t espiritu ang Diyos at bumabaling sa Makapangyarihang Diyos. Pero isang ateistang partido ang Partido Komunista. Masidhi nitong kinamumuhian ang Diyos at ang katotohanan, at takot malaman ng lahat ang katotohanan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, tapos ay susunod sila’t sasaksi kay Cristo, at tatalikuran at tatanggihan ito. Tapos ay wala nang mga susuporta pa rito at ang mabangis nitong ambisyon na panatilihing nakakulong ang mga Tsino’t habang-buhay na kontrolado’y mawawasak. Kaya nag-iimbento ito ng lahat ng uri ng tsismis at kasinungalingan para siraan at ikondena ang Makapangyarihang Diyos at nilalagay ang puwersa ng buong bansa sa paghahanap kay Cristo’t pang-uusig sa mga Kristiyano. Gusto nitong lubusang lipulin ang gawain ng Diyos sa lupa para protektahan ang sariling ateistang diktadura. Ipinapahayag ng CCP na pinapayagan ang kalayaan ng paniniwala para pagtakpan ang masama nitong pang-uusig sa mga relihiyosong paniniwala bilang taktika para linlangin ang mga tao ng mundo. Walang tunay na kalayaan ng paniniwala at walang karapatang pantao sa Tsina. Ang pananalig sa Tsina ay pagharap sa pang-uusig mula sa satanikong rehimen ng Partido Komunista. Isa ‘yong katotohanan.” Matapos ang pagbabahagi niya, mas malinaw na sa ‘kin ang katotohanan at ang masamang kalikasan ng Partido Komunista na pagkamuhi sa Diyos at talagang naramdaman kung gaano kasama ito. Malalim ang pagkakalason sa’kin ng ateistikong edukasyon mula pagkabata. Ang Partido ang “pinakadakilang tagapagligtas” ng mga tao, at talagang minahal ko ‘yon. Lubos akong naniwala at ginawa ang sinabi nito. Nakikita ko ngayon kung gaano ‘yon kahangal! Inisip ko rin ang tungkol sa isang bagay na sinabi ng asawa ko nang ibinahagi ko sa kanya ang ebanghelyo: “Iniutos ng Central Committee na lipulin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at itinaas sa tatlo ang antas ng kahandaan sa labanan ng tropa namin. Nakikita bilang kaaway ang naniniwala sa Makapangyarihang Diyos. At ang lingguhan naming leksyong politikal sa mga klase namin sa Partido ay tungkol na ngayon sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kahit na alam kong isang magandang bagay ang pananalig mo, nasa kapangyarihan ang Partido Komunista, at ‘di matatalo ng mahina ang malakas. Anong magagawa mo kundi ang sundin ‘yon?” Masyado akong nagalit dahil sa pag-iisip sa mga bagay na ito na sinabi niya! Nilalabanan ng Partido Komunista ang Langit. Gusto nitong ilagay ang lahat ng puwersa nito laban sa Diyos, ‘di lang tinatrato ang mga mananampalataya gaya ng mga kriminal, kinokondena’t sinisiil sila, ngunit tinatakot at binubuyo ang masa na manindigan sa tabi nila. Kahit ang asawa ko ay natakot at naligaw. Siniil niya ang aking pananalig. Ayaw ng Partido na sumunod sa Diyos ang sinuman at tahakin ang tamang landas, kundi ang maniwala rito. Masama ‘iyon, nakakasuklam at walang kahihiyan! Mula sa puso kong sinumpa ang mga Komunistang demonyong ‘yon! Binabantaan nila ako gamit ang kinabukasan ng anak ko at asawa ko para pagtaksilan ko ang Diyos. Alam kong ‘di ako maaaring bumigay sa mga pandaraya nila. Puwersahin man ako ng asawa ko, kahit mangahulugan ‘yon ng pagkakakulong, patuloy kong susundin ang Diyos!

Sa gabi, nahihiga ako sa kama habang iniisip ang lahat ng masayang panahon namin ng anak ko. Maliit pa siya at talagang mahaba pa ang landas na tatahakin niya. Iniisip ko kung makakaapekto ba sa kinabukasan niya ang pananalig ko. Nagsimula akong manghina sa pag-iisip nito, kaya tahimik akong nanalangin sa Diyos, at na bantayan Niya ang puso ko. Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos matapos ang aking panalangin. “Sa lahat ng bagay na nagaganap sa sansinukob, walang anuman na hindi Ako ang may huling kapasyahan. Mayroon bang anumang wala sa Aking mga kamay? Anumang Aking sinasabi ay nangyayari, at sino sa mga tao ang makapagpapabago sa Aking isipan?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 1). Naisip ko, “Tama ‘yon. Naghahari ang Diyos sa lahat, at nasa mga kamay Niya rin ang kapalaran ng anak ko. Nasa Kanya ang huling salita, hindi sa sinumang tao. Anong buti ang magagawa ng pag-aalala?” Kaya naman nanalangin ako, ipinagkakatiwala sa Diyos ang aking anak. Mas gumaan ang pakiramdam ko matapos ‘yon, at ‘di na ako gano’n kabalisa. Sa gano’n ko nalagpasan ang labing-apat na araw na pagkakakulong salamat sa pananalig at lakas na binigay sa’kin ng Diyos. Nang pakawalan nila ako, sinundo ako ng papa ko at nasa likod ng sasakyan ang asawa ko. Sabi sa’kin ng asawa ko na namumugto ang mga mata, “Ginagawan ako ng lider ng ideolohikal na gawain sa buong panahong ‘to. Kailangan kitang i-report. Sabi nila kung patuloy kang maniniwala sa Diyos, tatanggalin ako pwera na lang kung ididiborsyo kita. Nababaliw na ‘ko dahil dito! Parang awa mo na—itigil mo na ‘to. Makukulong ka kapag nahuli ka, at mawawasak ang pamilya natin!” Nakita kong umiiyak ang asawa ko habang nagsasalita siya at nakaramdam ako ng labis na kalungkutan. Mabilis akong nanalangin sa Diyos sa puso ko, hinihiling sa Kanya na palakasin ako. Tapos isang sipi ng mga salita ng Diyos ang naisip ko. “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Natanto kong isa ‘yon sa mga pandaraya ni Satanas. Gustong gamitin ni Satanas ang pagbabanta ng asawa ko na diborsyo para ipagkanulo ko ang Diyos. Hindi ako dapat mahulog sa bitag nito! Kaya sinabi ko sa asawa ko: “Ayokong wasakin ang pamilyang ito. Napansin mong nagbago na ‘ko mula nang maging mananampalataya. ‘Di na tayo nag-aaway at mas maayos na’ng pagsasama ng pamilya natin. Narinig mo na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at mga patotoo ng mga kapatid. Mabuti’ng pagkakaro’n ng pananampalataya Pero gusto ako ngayong ikondena at arestuhin ng CCP, sisantehin ka, patalsikin ka sa army, at pilitin kang idiborsyo ako. Sino ba talaga ang gustong magwasak sa pamilyang ito? Sa halip na kamuhian ang CCP, nakikiisa ka sa pang-uusig sa pananampalataya ko. Baka napaghahalo mo na ang tama’t mali? Alam mo kung anong klaseng partido ang Partido Komunista. Kinamumuhian no’n ang Diyos at ang katotohanan, isa ‘yong nanumpang kaaway ng Diyos. Inaresto’t inusig no’n ang maraming Kristiyano, napakaraming kasamaan ang ginawa no’n. Makakatakas ba ‘yon sa kaparusahan ng Diyos? Sinabi ng Diyos noon pa, ‘Saanman nagpapakita ang pagkakatawang-tao ay nalilipol ang kaaway sa lugar na iyon. Unang pupuksain ang Tsina; wawasakin ito ng kamay ng Diyos. Hindi talaga maaawa ang Diyos doon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 10). Dumarami ang mga sakuna sa lahat ng oras. Pagdating ng malalaking sakuna, ang Partido Komunista ang unang wawasakin ng Diyos, at kapag nangyari ‘yon, lahat ng sumunod do’n at lumaban sa Diyos ay mawawala. Hindi sila magkakaroon ng kapayapaan. H’wag mo nang hihilingin na bitawan ko ‘to. Di ako titigil sa paniniwala sa Diyos!” Nang makita niyang hindi ako bibigay, sinampal niya ako sa mukha dahil sa sobrang galit. Nakikita kong ang Partido Komunista ang nagbuyo sa kanya na tratuhin ako nang gano’n. Napakasakit no’n para sa akin, at labis ko silang kinamuhian. Naisip ko, “Mas lalo niyo ‘kong sinisiil, mas nananalig ako.”

Pagdating ko sa bahay, ayaw pa ring tumigil ng asawa ko. “Isagawa mo na lang sa bahay ang pananampalataya mo. Hindi kita ire-report sa lider, maliwanag ba?” Naisip ko, “Natamasa ko ang mga biyaya at pagpapala ng Diyos, at panustos ng katotohanan. Kung wala ang paggawa ng tungkulin ko, pananampalataya ba ‘yon? Bukod do’n, kung sa bahay lang ako nang ‘di nagbabahagi ng mga salita Niya, babagal ang paglago ng buhay ko.” hindi ako dapat makinig sa asawa ko. Tapos nito ay sinimulan niya akong bola-bolahin: “Hindi kita talagang naaalagaang mabuti Nagkamali ako sa’yo. Dito muna ako. Hindi ako magtatrabaho Sasamahan ko kayo ng anak natin. Sasamahan kita palagi kahit sa’n at bibilhan kita ng anumang gusto mo. Gusto kitang maging masaya.” Nag-atubili ako nang kaunti nang marinig kong kausapin niya ako nang malambing, pero natanto ko agad na isa ‘yon sa mga pandaraya na ginagawa ni Satanas. Tahimik akong nanalangin na mananampalataya pa rin ako at gagawin ang tungkulin anumang mangyari. Pero matapos ‘yon, sinimulan na akong sundan ng asawa ko kahit saan. Natakot akong baka manganib ang iba kung sakaling ire-report niya ako, kaya hindi ako nakipagkita sa mga kapatid. Talagang inasam-asam ko ang buhay ko bago ako inaresto. Naisip ko kung paanong noon, pwede akong makipagtipon at magbahagi sa mga kapatid at gawin ang tungkulin ko. Pero ngayon, pinaghigpitan ako Sa bawat galaw ko ‘Di ko na maisagawa ang pananampalataya ko. Ang asawa kong tinakot ng gobyerno ay determinadong pilitin akong tumigil na, kung hindi ay ididiborsyo niya ‘ko. Talagang pinahirapan ako sa pag-iisip ng hinaharap kong pagpili. Ang totoo, umasa akong sasama sa’kin ang asawa ko sa’king pananampalataya at hindi kakailanganing maghiwalay. Nung panahong iyon, parang isang taon ang bawat araw. Lumuluha, nanalangin ako sa harap ng Diyos: “Diyos ko, labis akong nasasaktan at nanghihina sa pagpiling gagawin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiusap, gabayan Niyo ako!” Matapos ‘yon, nabasa ko ‘to sa mga salita ng Diyos: “Hindi magkatugma ang mga mananampalataya at ang mga di-mananampalataya; bagkus ay magkasalungat sila sa isa’t isa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). “Sinumang hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao ay malademonyo at, higit pa rito, wawasakin sila. … Sinumang hindi kumikilala sa Diyos ay isang kaaway; ibig sabihin, sinumang hindi kumikilala sa Diyos na nagkatawang-tao—nasa loob man sila o nasa labas ng daloy na ito—ay isang anticristo! Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Matapos kong basahin ito, inalala ko kung paano kumilos ang asawa ko simula nang arestuhin ako. Paulit-ulit niya akong pinilit na bitawan ang pananampalataya ko, ginamit niya ang panunuyo para akitin ako, pwinersa niya ako gamit ang diborsyo, at sinaktan pa niya ako. Hindi ba ang lahat ng ‘yon ay para ipagkanulo ko ang Diyos? Hindi ba siya ang inilalarawan ng Diyos, isa sa “mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos”? Ang una niyang ginawa nang malaman ang tungkol sa pagkaaresto ko ay sabihin ‘yon sa lider ng tropa niya. Hindi ba ginawa niya ‘yon para protektahan ang sarili niya, na walang pakialam sa’kin? May mas mahalagang lugar sa puso niya ang kinabukasan niya kesa sa akin. Lahat ng magagandang sinabi niya sa’kin sa lahat ng panahong ‘yon ay palabas lang! Mas pinili niya ang CCP, at pinili ko ang Diyos. Nasa dalawang magkaibang landas kami. Hindi kami nakakakita ng tunay na kaligayahan. Ang pag-iisip ko nito ang tumulong sa’kin na matanto na sigurado akong haharapin ko ang pagpili sa pagitan ng pananampalataya at pamilya ko. Pero nang maisip ko ang mga taon na kasama ko ang asawa ko, Nabalisa ako, talagang naging napakalungkot. Kaya naman nanalangin uli ako sa harap ng Diyos at hiniling ang proteksyon Niya. Nabasa ko ‘to sa mga salita ng Diyos: “Dapat kang magdusa ng kahirapan alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at upang higit pang makamit ang katotohanan, dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa isang mapayapang buhay pamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at katapatan ng iyong buhay para sa pansamantalang kasiyahan. Dapat mong hangarin ang lahat ng mainam at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makahulugan. Kung ang pinangungunahan mo ay isang mahalay na buhay, at walang hinahangad na anumang mga layunin, hindi ba’t sinasayang mo ang iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa ganitong pamumuhay? Dapat mong talikuran ang lahat ng kasiyahan ng laman alang-alang sa nag-iisang katotohanan, at hindi mo dapat sayangin ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang mga ganitong tao ay walang katapatan o dangal. Walang kabuluhan ang kanilang pag-iral!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Binigyan Niya ako ng landas ng pagsasagawa at ibinalik ang aking pananalig. Nanalangin ako sa harap ng Diyos: “Diyos ko! Kahit pa mag diborsyo kami, susundan pa rin Kita! Palakasin Mo ‘ko at bigyan ako ng pananalig na sumaksi para sa Iyo.”

Isang araw, nakatakas ako sa asawa ko, kaya dinalaw ko ang mga kapatid. Pag-uwi ko, nakatayo ro’n ang asawa ko kasama ang aming mga kamag-anak. Namumula ang mga mata niya at mukhang masama ang loob niya. Mukhang malungkot at nananamlay ang ilan sa mga kamag-anak namin, habang galit talaga ang iba. Pinalilibutan na naman ako ni Satanas, gamit ang pamilya ko sa pagkakataong ito. Mabilis akong nanalangin nang tahimik sa Diyos. Naisip ko ito mula sa mga salita Niya: “Yaong mga tinutukoy ng Diyos na mga ‘mananagumpay’ ay yaong mga nagagawa pang tumayong saksi at mapanatili ang kanilang tiwala at katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim sila ng impluwensya ni Satanas at nilulusob ni Satanas, ibig sabihin, kapag nasa gitna sila ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring magpanatili ng isang dalisay na puso sa harap ng Diyos at ng tunay na pagmamahal para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay tumatayong saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang ‘mananagumpay’(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos). Binigyan ako ng lakas ng mga salita ng Diyos, at nagpasya ako na ano man ang gawin ng pamilya ko, hindi ko ipagkakanulo ang Diyos. Sasaksi ako para sa Kanya!

Tinanong ako ng tiyahin ko, na may mabagsik na itsura, “Pumunta ka sa isang pagtitipon, ano? Gusto mo pa ba ang pamilyang ito?” Tapos ay sinigawan ako ng tiyuhin ko, “Diyos? Walang Diyos! ateistang bansa ang Tsina at ang Partido ang namumuno. Kung gusto mong maniwala, maniwala ka sa Partido!” Tapos ay binanggit niya ang ilang kasinungalingan ng Partido Komunista at sinabing, “Tingnan mo! Ito Ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan mo. Isa itong pangunahing national target. Kasamang bumabagsak ng mga mananampalataya ang pamilya nila! Kung hindi para sa sarili mo, isipin mo man lang ang anak mo!” Tapos isa pang tiyahin ang nagsalita, “’Di pa kayo ganoong katagal na nakakasal at ‘di madali ang mga bagay para sa inyo. Wag mong hayaang masira ang pamilya mo sa ganitong bagay! Kung hindi ka naniniwala sa Diyos, magugulo ba ngayon ang pamilya mo?” Nagsimulang sumabat ang lahat bilang pagsang-ayon sa kanya. Galit na galit akong marinig silang lahat na sinasabi ang bagay na ‘yon. Tapos ay matigas kong sinabi sa kanila, “Sino bang may gustong wasakin ang pamilyang ito? May masama ba sa pagtahak sa tamang landas? Kinokondena at inaaresto ng Partido Komunista ang mga mananampalataya. Pinagbantaan din kayo at pinilit ang asawa ko na idiborsyo ako. Ang Partido Komunista ang gumawa ng lahat ng ito! Hindi niyo kinamumuhian ang CCP, nakapanig kayo ro’n laban sa’kin para puwersahin akong ipagkanulo ang Diyos. Yon ba ang pinakamabuti para sa lahat?” Matapos ko ‘tong sabihin sinabi ng isa pang tiyuhin, “Totoo ‘yon, hindi mapagkakatiwalaan ang Partido, pero ‘yon ang nasa kapangyarihan ngayon. Kung naniniwala ka sa Diyos, hindi ka no’n pakikitaan ng awa. Makukulong ka. Mga karaniwang tao lang tayo. Papa’no tayo lalaban sa Partido? Sundin mo na lang ang payo ko. Bitawan mo na iyan. Ang pinakamahalaga ay buo ang pamilya mo!” Tapos ay sinabi ko sa kanila, “Palaki na nang palaki ang mga sakuna ngayon. Pagdating ng malalaking sakuna, parurusahan ang lahat ng lumalaban sa Diyos. Ang mga mananampalataya lang na nagsisi sa Diyos ang magkakamit ng proteksyon Niya. Ang mga tunay na mananampalataya lang ang magkakaro’n ng mabuting kinabukasan. Ano ang kinabukasan kung wala ang pananampalataya? Mahal ko kayong lahat. Umaasa talaga ako na maliligtas kayo ng Diyos at hindi mamamatay sa mga sakuna, kaya ibinahagi ko ang ebanghelyo sa inyo nang paulit-ulit. Pero ayaw niyong maniwala kahit na alam niyong iyon ang tama, sa takot na maaresto. Ngayon hinahadlangan niyo ako, pinupwersang ipagkanulo ang Diyos. Hindi ba kayo natatakot na kapag dumating ang mga sakuna, parurusahan kayo kasama ang Partido Komunista?” Matapos ko ‘yong sabihin, namula sa galit ang mukha ng unang tiyuhin at galit na galit niya akong binantaan: “Parurusahan kita kapag pinagpatuloy mo yan! Ire-report kita sa mga pulis!” Habang sinasabi niya ‘yon, nilabas niya ang telepono niya at nagsimulang mag-dial. Nagmadali ang tiyahin ko at inagaw ‘yon sa kanya. Ang makita ang tiyuhin ko na gagawin sana ‘yon ay talagang nakakadismaya Papa’no ‘yon matatawag na pamilya? Gawain ‘yon ng isang demonyo! Sinabi ko sa kanila, “Mga nakatatanda kayo sa’kin at talagang nirerespeto ko kayo, pero pagdating sa pagpili ng landas ko, hindi ko kailanman hahayaang diktahan ako ng kahit sino. Hindi ko bibitawan ang pananampalataya ko, ipagkakanulo ang Diyos, at susundin ang CCP gaya ng gusto niyong gawin ko!” Sinampal ako ng asawa ko nang napakalakas na tumilapon ako sa sahig. Tumalsik ang salamin ko sa kabilang panig ng kuwarto. Tinuro niya ako at sumigaw, “Gusto mo ba ang Diyos, o ang pamilyang ito? Ididiborsyo kita agad kung patuloy kang maniniwala!” Nakita ko na handa ang asawa ko na idiborsyo ako at protektahan ang sarili niyang kinabukasan. Talagang nasaktan ako at napuno ng pagkamuhi para sa Partido. Kaya naman tahimik akong nanalangin sa Diyos, “Palulugurin ko ang Diyos kahit pa ‘yon ay ang pagkawala ng mahal ko!” Matapos ang ilang buwan, dumating na ang araw ng diborsyo namin. Tinawagan ako ng asawa ko at sinabing, “Sasama sa’tin bukas ang troop leader sa Civil Affairs Bureau para hawakan ang paglilitis ng diborsyo.” Nang marinig kong sabihin niya ‘yon, naisip ko kung paanong winasak ng CCP ang perpekto at mabuti naming pamilya. Napakasama ng CCP, talagang kasuklam-suklam! Kinabukasan, tinapos na ang diborsyo naming mag-asawa sa ilalim ng maingat na mata ng troop leader. Naghiwalay na kaming dalawa ng asawa ko. Patuloy akong sumusunod sa Diyos at ginagawa ang tungkulin ko. Ito ang pinili ko, at hindi ko ‘to pagsisisihan! Salamat sa Diyos!

Mga Talababa:

1. Ang “ganap na magulo” ay tumutukoy sa kung paanong hindi makayanang tingnan ang marahas na pag-uugali ng diyablo.

2. Ang “lamog at bugbog” ay tumutukoy sa pangit na mukha ng hari ng mga diyablo.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Paglaya ng Puso

Ni Zheng Xin, USA Noong Oktubre ng 2016, nasa ibang bansa kami ng asawa ko noong tinanggap namin ang gawain. Makalipas ang ilang buwan, si...

Leave a Reply