Ang Kawalan ng Kaalaman ay Hindi Dahilan

Disyembre 11, 2024

Ni Susanna, Sweden

Noong Mayo ng 2021, pinili akong maglingkod bilang lider ng iglesia at pangunahing inatasan na mangasiwa sa aming paggawa ng mga video. Medyo nag-alala ako tungkol sa pagganap sa tungkuling ito at naisip kong, “Nagkaroon na ako ng karanasan sa paggawa ng video noon, ngunit ang aking mga kakayahan ay medyo kulang pa sa larangang ito. Magagawa ko ba talagang pamahalaan nang maayos ang gawaing ito? Kung hindi ko ito magampanan nang maayos at mapalitan ako, ano ang iisipin ng mga kapatid ko tungkol sa akin? At isa pa, mas maraming teknikal na kaalaman ang mga taong pangangasiwaan ko kaysa sa akin—kapag hindi ko natukoy ang mga isyu sa kanilang mga tungkulin at hindi ako nakapagbigay ng mga makabuluhang mungkahi, siguradong iisipin nila na ako ay baguhan na hindi isang epektibong tagapangasiwa at hindi karapat-dapat na maging lider.” Medyo pinakaba ako ng ideyang ito, ngunit alam ko na kailangan ko munang tanggapin ang bagong tungkuling ito at magpasakop sa mga pagsasaayos ng iglesia.

Upang malaman ko ang mga dapat malaman sa gawain sa lalong madaling panahon, nakikiupo ako sa anumang mga talakayang mayroon ang aking mga kapatid tungkol sa gawain. Noong una, nakikinig ako sa kanila nang maigi, ngunit paunti-unti kong napagtanto na hindi ko nauunawaan ang karamihan sa mga propesyonal na kasanayang ginagamit at na wala rin akong masabi. Nangamba ako na kapag hiningi ng aking mga kapatid ang aking opinyon at hindi ako nakapagbigay ng anumang makabuluhang mungkahi, baka isipin nila na inaakala kong masyadong mataas ang aking kakayahan at hindi ako kuwalipikadong subaybayan ang kanilang gawain dahil ni hindi ko ito nauunawaan. Bababa ba ang tingin nila sa akin? Upang mapanatili ang aking imahe bilang isang lider, bukod sa pagbabahagi ng aking pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, hindi ako nagsasalita sa aming mga talakayan at pagbubuod ng gawain sa panahon ng mga pagtitipon. Ayaw kong lumahok o masyadong pagtuunan ng pansin ang mga talakayang may kinalaman sa propesyonal na aspekto ng paggawa ng video. Huminto na ako sa pagdadala ng kahit na ang pinakamagaan na pasanin at lagi kong iniisip na, “Hindi ko naman nauunawaan ang teknikal na aspekto ng mga bagay-bagay, kaya’t ang pangunahing gagawin ko na lang ay ang lutasin ang anumang problema nila sa buhay pagpasok. Tungkol naman sa mga teknikal na isyu, hahayaan ko na lang sila na magtiwala at magdasal sa Diyos at mag-usap-usap tungkol dito.” Naaalala ko isang beses, isang kapatid ang nagpadala sa grupo ng video na kanyang ginagawa para humingi ng mga mungkahi. Noong panahong iyon, naisip ko na dahil hindi ko nauunawaan ang teknikal na aspekto ng produksyon, hindi ako makakakita ng anumang problema sa video, at saka mawawala ang aking dangal kapag may sinabi akong mali sa harap ng lahat, kaya’t hindi ko pinlanong magbigay ng anumang mungkahi, at hindi ko rin pinanood nang mabuti ang video. Kinalaunan, nakakita ng isyu ang isang lider ng grupo sa video ng kapatid na iyon at tinanong niya ako kung napansin ko ba iyon. Naramdaman kong namula ang mukha ko dahil hindi ko napanood nang maayos ang video. Upang hindi mahuli, naghihintay ako hanggang sa pagtatapos ng bawat talakayan upang magbigay ng pangkalahatang ideya at buod ng mga sinabi ng bawat isa o kung hindi naman ay magbigay lang ng maikli at pabasta-bastang komento gaya ng, “Sumasang-ayon naman ako sa lahat ng nasabi, wala na akong ibang idadagdag.” Wala akong masyadong sinabi sa kabuuan ng pagtitipon at nakaramdam ako ng labis na kahihiyan at kalungkutan—naramdaman ko pa nga na para bang hindi naman ako kailangan doon. Pagkatapos nito, nagsimula akong mas iwasan pa ang mga teknikal na aspekto ng gawain at bihira ko nang kumustahin ang gawain ng lider ng grupo. Sa mga pagtitipon, pinapakiramdaman ko lang ang kasalukuyang kalagayan ng mga tao, pinagmamasdan kung sila ba ay may pasanin sa kanilang tungkulin o iniraraos lang ito. Pagdating naman sa mga isyu at hirap na may kinalaman sa kanilang produksyon ng video, hindi ko na inaalam ang mga detalye kasama nila, iniisip ko na kaya naman itong ayusin ng lider ng grupo at mas mabuti pang hayaan ko na lang ang mga taong may tamang teknikal na kasanayan na lutasin ang mga problema. Ito rin ay makaiiwas sa akin na mailantad bilang walang silbi kung hindi ko kayang lutasin ang mga problema nila. Upang magbigay ng impresyon na kaya ko pa ring gumawa ng aktuwal na gawain, tuwing napapansin ko o naririnig kong may tao na nasa masamang kalagayan o naging negatibo, agad akong naghahanap ng mga salita ng Diyos upang makipagbahaginan sa kanila bilang suporta. Gayunpaman, sa sandaling banggitin nila ang anumang hirap na nararanasan nila sa kanilang gawain, pabasta-basta lang akong sasagot na, “Kapag itinuwid natin ang ating kalagayan at nagtiwala tayo sa Diyos, gagabayan Niya tayong malutas ang mga problemang ito.” Kapag sinasabi ko ito, pansamantalang bumubuti ang kanilang mga kalagayan, ngunit sa sandaling maharap sila sa isa pang problema sa kanilang tungkulin at manatiling hindi nalulutas ang kanilang mga isyu, nagiging negatibo silang muli. Dahil hindi ako nakalutas ng mga aktuwal na isyu at hindi ko nasubaybayan at napangasiwaan ang gawain, maraming problema ang lumitaw sa paggawa ng video, ang aking mga kapatid ay hindi gaanong umuunlad sa kanilang mga teknikal na kasanayan, hindi nila naarok ang mga prinsipyong may kinalaman sa tungkulin, paulit-ulit nilang ginagawa ang parehong mga pagkakamali at, bilang resulta, bumaba ang kalidad ng gawain. Bagaman sinabi sa akin ng aking nakatataas na pinuno ang isyung ito at sinubukan niya akong tulungan, wala akong anumang tunay na pagkakilala sa sarili ko. Hindi nagtagal pagkatapos noon, pinalitan ako dahil hindi ako nakagawa ng aktuwal na gawain sa aking tungkulin.

Napakabigat ng aking pakiramdam matapos akong biglang palitan at patuloy akong nagtaka, “Bakit ako nauwi sa pagiging isang huwad na lider na hindi nakagawa ng aktuwal na gawain kahit na napakaabala ko naman sa aking tungkulin araw-araw? Ano nga ba talaga ang dahilan ng aking pagkabigo?” Noong panahong iyon, nakabasa ako ng maraming katotohanan tungkol sa pagkilala sa mga huwad na lider, at nakita kong halos lahat ng pag-uugali ng mga huwad na lider na hindi nakagagawa ng aktuwal na gawain, na hinihimay ng Diyos, ay mga bagay na nagawa ko rin mismo. Para bang personal akong inilalantad ng Diyos. Ito ay lalong totoo sa mga sumusunod na sipi: “Ang isang katangian ng mga huwad na lider ay ang kanilang kawalan ng kakayahan na ipaliwanag o linawin nang lubusan ang anumang isyu na may kinalaman sa mga katotohanang prinsipyo. Kapag may naghahanap mula sa kanila, ilang walang kabuluhang salita at doktrina lang ang kaya nilang sabihin sa mga ito. Kapag nahaharap sa mga problemang nangangailangan ng solusyon, madalas silang sumasagot ng pahayag na tulad nito, ‘Eksperto kayong lahat sa paggawa ng tungkuling ito. Kung may mga problema kayo, dapat kayo mismo ang lumutas sa mga ito. Huwag ninyo akong tanungin; hindi ako eksperto, at hindi ko nauunawaan ito. Kayo mismo ang umayos nito.’ … Madalas gumagamit ang mga huwad na lider ng mga dahilan at palusot tulad ng ‘Hindi ko nauunawaan, hindi ko ito kailanman natutunan, hindi ako eksperto’ upang iwasan ang mga tao at takasan ang mga tanong. Maaaring mukha silang napakamapagkumbaba; gayumpaman, nilalantad nito ang isang malubhang isyu sa mga huwad na lider—wala silang anumang pag-unawa sa mga problemang may kinalaman sa propesyonal na kaalaman sa ilang gampanin, pakiramdam nila ay wala silang kapangyarihan at mukha silang asiwang-asiwa at nahihiya. Ano ang ginagawa nila kung gayon? Maaari lamang nilang tipunin ang ilang sipi ng mga salita ng Diyos upang ibahagi sa lahat sa mga pagtitipon, tinatalakay ang ilang doktrina upang himukin ang mga tao. Ang mga lider na may kaunting kabutihan ay maaaring magpakita ng malasakit sa mga tao at tanungin sila paminsan-minsan, ‘May mga kinaharap ba kayong suliranin sa inyong buhay kamakailan? May sapat ba kayong damit na masusuot? Mayroon bang sinuman sa inyo ang hindi umaasal nang maayos?’ Kung sasabihin ng lahat na wala silang mga ganoong isyu, sasabihin nila, ‘Kung gayon ay walang problema. Ipagpatuloy ninyo ang inyong gawain; may iba pa akong kailangang asikasuhin,’ at agad na silang umaalis, natatakot sila na may magtanong at hilingin sa kanila na ayusin ito, inilalagay sila sa nakakahiyang sitwasyon. Ganito gumagawa ang mga huwad na lider—hindi nila kayang lutasin ang anumang tunay na problema. Paano nila epektibong maisasagawa ang gawain ng iglesia? Dahil dito, humahadlang kalaunan sa gawain ng iglesia ang mga naipong isyu na hindi nalutas. Pangunahin itong katangian at pagpapamalas ng kung paano gumawa ang mga huwad na lider(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 2). “Siyempre, ang pagiging lider ay hindi nangangahulugan na kailangan nilang maunawaan ang bawat uri ng propesyon, ngunit dapat nilang malinaw na ibahagi ang mga katotohanang prinsipyo na kailangan upang malutas ang mga problema, anuman ang uri ng propesyon na kaugnay ng mga problemang iyon. Hangga’t nauunawaan ng mga tao ang mga katotohanang prinsipyo, maaaring malutas ang mga problema nang naaayon. Ginagamit ng mga huwad na lider ang ‘Hindi ako bihasa rito; hindi ko nauunawaan ang propesyong ito’ bilang dahilan upang iwasan ang pagbabahagi sa mga katotohanang prinsipyo para sa paglutas ng mga problema. Hindi ito paggawa ng totoong gawain. Kung patuloy na ginagamit ng mga huwad na lider ang ‘Hindi ako bihasa rito; hindi ko nauunawaan ang propesyong ito’ bilang dahilan upang iwasan ang paglutas ng mga problema, kung gayon ay hindi sila nababagay para sa gawain ng pamumuno. Ang pinakamagandang bagay na dapat nilang gawin ay ang magbitiw at hayaan ang iba na pumalit sa kanilang posisyon. Ngunit may ganito bang uri ng katwiran ang mga huwad na lider? Magagawa ba nilang magbitiw? Hindi. Iniisip pa nga nila, ‘Bakit sinasabi nilang wala akong ginagawang trabaho? Nagdaraos ako ng mga pagtitipon araw-araw, at dahil napakaabala ko ay hindi na ako nakakakain sa tamang oras, at kulang na ako sa tulog. Sino ang nagsasabing hindi nalulutas ang mga problema? Nagdaraos ako ng mga pagtitipon at nakikipagbahaginan ako sa kanila, at naghahanap ako ng mga sipi ng mga salita ng Diyos para sa kanila.’ … Kita mo, hindi kayang gumawa ng mga huwad na lider ng totoong gawain pero napakarami pa rin nilang dahilan. Talagang wala silang kahihiyan at nakakasuklam sila! Napakahina ng kanilang kakayahan, wala silang nauunawaan na anumang propesyon, at wala silang pagkaarok sa mga katotohanang prinsipyo na may kinalaman sa bawat aytem ng propesyonal na gawain—ano ang silbi ng pagiging lider nila? Sadyang mga hangal sila at walang silbi! Dahil hindi sila nakakagawa ng anumang totoong gawain, bakit naglilingkod pa rin sila bilang mga lider ng iglesia? Sadyang wala silang katwiran. Dahil wala silang kamalayan sa sarili, dapat nilang pakinggan ang mga puna mula sa mga hinirang na tao ng Diyos at suriin kung natutugunan ba nila ang mga pamantayan para sa pagiging lider. Ngunit, hindi kailanman isinasaalang-alang ng mga huwad na lider ang mga bagay na ito. Kahit gaano pa kadami ang naantala sa gawain ng iglesia, at kahit gaano kalaki ang kawalang naidulot sa buhay pagpasok ng mga hinirang na tao ng Diyos sa loob ng maraming taon ng kanilang paglilingkod bilang lider, wala silang pakialam. Ito ang pangit na anyo ng mga tunay na huwad na lider(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 2). Ang mga salita ng Diyos ay tumagos sa aking damdamin. Ang mga pag-uugali at katangian ng mga huwad na lider na inilantad ng Diyos ay lubos na tumutugma sa aking aktuwal na kalagayan. Sinasabi ng Diyos na gagamitin ng mga huwad na lider ang kanilang kawalan ng teknikal na kaalaman bilang palusot upang hindi aktuwal na makilahok sa pangangasiwa at pagsubaybay sa lahat ng aspekto ng gawain, at bilang palusot para hindi malutas ang mga tunay na isyu at paghihirap ng mga kapatid sa kanilang mga tungkulin. Masaya na sila na magsabi lang ng mga salita at doktrina at iwasan o layuan ang pagharap sa mga partikular at aktuwal na isyu. Ganito mismo ako kumilos. Simula nang mapili bilang lider, nag-alala ako na dahil wala akong teknikal na kaalaman sa paggawa ng video, malalantad ang aking mga kakulangan kapag sinubaybayan ko ang gawaing ito. Natakot ako na makita ng mga kapatid ang aking mga kahinaan at mapahiya ako sa harap ng lahat. Upang mapangalagaan ang sarili kong katayuan at reputasyon, ginagamit ko ang aking kawalan ng teknikal na kaalaman bilang palusot para hindi makilahok sa mga pagtalakay sa gawain. Bihira akong magtanong sa aking mga kapatid tungkol sa mga isyu at paghihirap nila, nangangambang hindi ko maayos ang mga problema nila at mapahiya ako sa proseso. Paminsan-minsan, kapag nagtatanong sila sa akin, sinasagot ko lang sila ng ilang salita at doktrina. Hindi ba’t nililinlang ko sila? Sa panlabas, tila abalang-abala ako—abala sa pagtitipon, pakikipagbahaginan at sa tila paglutas ng mga isyu ng mga tao at paggawa ng aktuwal na gawain—ngunit ang totoo, gumagawa lang ako upang mapaganda ang aking reputasyon at bumibigkas lang ako ng mga salita at doktrina. Nagkukunwari ako sa mga tao at, sa totoo lang, sinusubukan kong umiwas na humarap sa mga pinakaaktuwal na isyu ng mga kapatid hangga’t maaari. Kahit na malinaw kong nakikita ang mga kapatid na puno ng mga isyu na nakaiimpluwensiya sa kanilang mga kalagayan at nakaaapekto sa mga resulta ng kanilang tungkulin, wala akong naramdamang pasanin na lutasin ang mga isyu nila. Sa halip, ginamit ko ang aking kawalan ng teknikal na kaalaman bilang palusot upang ipagpaliban at isantabi ang mga isyu, o maging ipaubaya ang responsabilidad sa mga lider ng grupo at hayaan silang harapin ito. Sa pagninilay sa aking pag-uugali, nakita ko na hindi ako gumagawa ng aktuwal na gawain. Kumikilos lang ako nang pabasta-basta, wala sa loob ang ginagawa at nagiging mapanlinlang. Bilang isang lider, hindi ba’t ako iyong tinatawag ng Diyos na “hangal” at “walang kuwenta”? Hawak ko ang titulong lider, ngunit wala ako ni katiting na responsabilidad, kumilos lamang ako upang mapangalagaan ang aking sariling reputasyon at katayuan, hindi ako gumawa ng anumang aktuwal na gawain na dapat kong gawin bilang isang lider at hindi ako tumupad ng anumang responsabilidad na kailangan kong tuparin, lahat ng ito ay lubhang nakaapekto sa paggawa ng video. Ako ay hindi maipagkakailang isang huwad na lider at hindi karapat-dapat sa anumang tiwala. Nang matanto ko ang lahat ng ito, nakaramdam ako ng labis na panghihinayang at nanalangin ako sa Diyos nang nagsisisi, “O Diyos ko, alam kong nakasakit at nagpasuklam sa Iyo ang aking mga kilos. Handa akong magsisi at hinihiling ko lang na gabayan at liwanagan Mo ako nang sa gayon ay malaman ko ang aking sariling katiwalian at pagrerebelde.”

Nang maglaon, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Kumpara sa mga normal na tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at isa itong bagay na nasa loob ng kanilang disposisyong diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay, at ang kanilang panghabambuhay na mithiin. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng magandang reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at diwa ng mga anticristo; kung hindi, hindi nila isasaalang-alang ang mga problemang ito. Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, at hindi rin isang bagay na kayang-kaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Hindi masasabing ang mga anticristo ay walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang pag-uugali. Kung gayon, ano ang kanilang pag-uugali? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang hinahangad sa araw-araw. At kaya para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, ano man ang kapaligiran na tinitirhan nila, ano man ang gawain na kanilang ginagawa, ano man ang kanilang hinahangad, ano man ang kanilang mga mithiin, ano man ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo, at ang kanilang diwa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Ibinunyag ng Diyos na labis na pinahahalagahan ng mga anticristo ang reputasyon at katayuan at itinuturing nila ito bilang kanilang buhay. Anuman ang kalagayan nila, o anuman ang kanilang ginagawa, ang kanilang motibo at panimulang punto ay palaging nakasentro sa reputasyon at katayuan. Sa pagninilay sa aking sarili, napagtanto kong wala akong pinagkaiba. Matapos akong mapili bilang lider, hindi ko inisip kung gaano kahalaga ang gawain o kung paano ko maisasaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at magagawa ang gawain nang maayos, kundi sa halip ay isinaalang-alang ko ang sarili kong reputasyon at katayuan. Nag-alala ako na baka mapansin ng ibang mga kapatid na hindi ko nauunawaan ang teknikal na bahagi ng gawain at hindi ko magawa nang maayos ang aking gawain. Nag-alala pa nga ako na malantad ako at mapalitan. Sa buong panunungkulan ko bilang lider, palagi akong nagsisikap na mapangalagaan ang aking reputasyon at katayuan, at, upang maitago ang sarili kong mga kakulangan, palagi akong umiiwas at hindi nagtatanong tungkol sa anumang teknikal na gawain. Nag-alala ako na makikita ng mga tao ang aking aktuwal na mga teknikal na kakayahan at isipin nila na hindi ko kayang pangasiwaan ang gawain at hindi ako karapat-dapat na maging lider. Higit pa rito, upang maitago ang katotohanan na hindi ako gumagawa ng aktuwal na gawain at mapangalagaan ang aking katayuan bilang isang lider, nag-abala ako sa pagdaraos ng mga pagtitipon, paggawa ng mga gawaing nagpapatibay sa aking reputasyon, pagsasalita tungkol sa doktrina, pagsigaw ng mga islogan, at pagkilos nang pabasta-basta. Sinubukan kong magpakita ng pagiging abala at pakiramdam ng pasann para ilihis ang aking mga kapatid at linlangin sila para maniwalang gumagawa ako ng aktuwal na gawain. Nakilahok lang ako sa ganitong huwad at mapanlinlang na pag-uugali at, bilang resulta, naantala ang paggawa ng video. Napagtanto ko na ako ay lubhang nagawang tiwali ni Satanas. Ang mga lason ni Satanas tulad ng “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito” at “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad” ay naging sarili kong kalikasan. Nabuhay ako ayon sa gayong mga lason at isinaalang-alang ko lang ang aking sariling reputasyon at katayuan habang ginagawa ko ang aking tungkulin sa aking pananampalataya sa Diyos. Wala akong kahit katiting na pakialam sa gawain ng iglesia o sa buhay pagpasok ng aking mga kapatid. Umiiwas pa nga ako sa paggawa ng mga tungkuling alam kong dapat kong gawin—labis akong makasarili, kasuklam-suklam, mapanlinlang, at tuso!

Inisip ko kung paanong, bilang isang lider ng iglesia, kahit pa wala akong teknikal na kaalaman sa paggawa ng video, dapat ay nakipagtulungan pa rin ako sa aking mga kapatid para malutas ang mga aktuwal na isyu na kinakaharap namin sa aming gawain. Iyon ay aking responsabilidad at ang pinakamaliit na dapat kong gawin bilang bahagi ng aking tungkulin. Gayunpaman, hindi ko man lang inisip ang mga layunin ng Diyos at ang inalala ko lang ay ang pangangalaga sa aking reputasyon at katayuan. Palagi kong ginagawang dahilan ang aking kawalan ng kaalaman upang maipasa ko sa iba, maiwasan ko at hindi ko maisakatuparan ang aktuwal na gawain, na humantong sa pagkaantala sa paglutas sa mga isyu ng aking mga kapatid, na pinigilan silang makahanap ng landas ng pagsasagawa at negatibong naapektuhan ang paggawa ng video. Ang lahat ng ito ay aking mga pagsalangsang. Napagtanto ko na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nalalabag—ang pagpalit sa akin ay ganap na bunga ng aking paghahangad ng reputasyon at katayuan at pagtahak sa landas ng isang anticristo. Kung hindi ako magsisisi at magbabago, tiyak na malalantad at matitiwalag ako.

Nang maglaon, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Sa katunayan, bilang isang lider, kapag natapos mo na ang mga pagsasaayos ng gawain, dapat mong subaybayan ang pag-usad ng gawain. Kahit hindi ka pamilyar sa larangang iyon ng gawain—kahit wala kang anumang kaalaman tungkol dito—makakahanap ka ng paraan para magawa ang gawain mo. Makakahanap ka ng isang taong may kaalaman, na nauunawaan ang gawaing pinag-uusapan, na suriin ang mga bagay-bagay at magbigay ng mga mungkahi. Mula sa kanilang mga mungkahi matutukoy mo ang angkop na mga prinsipyo, kaya magagawa mong subaybayan ang gawain. Pamilyar ka man o hindi o nauunawaan mo man o hindi ang uri ng gawaing pinag-uusapan, sa pinakamababa ay kailangan mo itong pangunahan, subaybayan ito, at patuloy na mag-usisa at magtanong tungkol sa pag-usad nito. Kailangan mong magkaroon ng pagkaintindi tungkol sa gayong mga bagay; ito ang responsabilidad mo, bahagi ito ng iyong trabaho. Ang hindi pagsubaybay sa gawain, hindi paggawa ng higit pa sa sandaling naitalaga na ito—ang paghuhugas mo ng mga kamay rito—ay ang paraan ng mga huwad na lider sa paggawa ng mga bagay-bagay. Ang hindi pagsusubaybay o pagbibigay ng gabay sa gawain, hindi pag-uusisa o paglulutas sa mga isyung lumilitaw, at hindi pag-aarok sa pag-usad o kahusayan ng gawain—mga pagpapamalas din ang mga ito ng mga huwad na lider(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 4). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na mapagtanto na hindi kailangang nauunawaan at kayang gawin ng isang tao ang lahat upang maging isang lider ng iglesia. Mayroon man o walang teknikal na kaalaman ang mga lider at manggagawa, dapat pa rin silang aktibong lumahok sa gawain, sumubaybay sa pag-usad, mangasiwa, tumukoy ng mga isyu sa isang napapanahong paraan at lumutas ng mga ito. Ito ang dapat nilang saloobin sa kanilang tungkulin at ito ang hinihingi ng Diyos sa mga lider at manggagawa. Naisip ko ang ilang lider at manggagawa sa iglesia na namamahala sa ilang uri ng gawain na nangangailangan ng mga teknikal na kasanayan—sa kabila ng pagkakaroon nila ng ilang kakulangan at kahinaan, nagdadala sila ng pasanin sa kanilang gawain, nagagawa nilang pangasiwaan at subaybayan ang pag-usad ng gawain sa isang napapanahong paraan, pinagtutuunan nila ang paggabay sa mga kapatid na gawin ang kanilang mga tungkulin nang ayon sa prinsipyo, at nakikipagtulungan sila sa mga kapatid upang mabalanse ang kani-kanilang mga kalakasan at kahinaan. Unti-unti, magsisimula silang matuto ng ilang teknikal na kasanayan, pati na rin ng mga katotohanang prinsipyo, at ang mga resultang nakakamit nila sa kanilang tungkulin ay patuloy na bumubuti. Dahil dito, naalala ko ang kuwento ni Noe. Nang itayo ni Noe ang arka, talagang hindi pa siya nakagawa ng arka noon at hindi man lang niya alam kung ano ang maaaring itsura ng isang arka. Gayunpaman, dalisay ang kanyang puso, nagdala siya ng pasanin at isinaisip niya ang mga layunin ng Diyos. Kapag sinabihan siya ng Diyos na gumawa ng isang bagay, kumikilos siya nang ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Sa huli, unti-unting nabuo ang arka at matagumpay na naisakatuparan ni Noe ang atas ng Diyos. Samantalang ako, paano ko tinrato ang aking tungkulin? Bilang isang lider ng iglesia, hindi ko isinaalang-alang kung paano maging maalalahanin sa mga layunin ng Diyos, gawing mabuti ang gawain ng iglesia at tuparin ang aking tungkulin, at sa halip ay umupo ako sa puwesto ko bilang lider at naghanap palagi ng mga paraan para magmukha akong mas mahusay at mas may kakayahan kaysa sa iba. Dahil natatakot ako na kung makikilahok ako sa gawaing teknikal ay mabubunyag ang aking mga kakulangan at kahinaan at mamaliitin ako ng aking mga kapatid, palagi kong ginagamit ang kawalan ng kaalaman sa mga teknikal na aspekto ng paggawa ng video bilang isang palusot para huwag makisali—napakayabang kong mapagpaimbabaw! Doon ko lang napagtanto na ang tinatanggap ng isang lider ay hindi isang titulo o katayuan, kundi isang responsabilidad at pasanin. Kailangan kong harapin nang tama ang sarili kong mga kakulangan at kahinaan at tanggalin ang aking pagkahumaling sa titulo at katayuan ng posisyon ng lider. Kailangan kong pangalagaan ang mga layunin ng Diyos, magkaroon ng pasanin para sa gawain ng iglesia, makipagtulungan nang maayos sa aking mga kapatid upang mabalanse ang aming mga kalakasan at kahinaan at gawin nang maayos ang gawain ng iglesia. Hindi ako pamilyar sa ilang teknikal na aspekto ng gawain, ngunit maaari akong lumapit sa mga kapatid na pamilyar doon at kumonsulta at makipagtalakayan sa kanila. Maaari kong hilingin sa kanila na magbigay ng higit pang mga mungkahi at ideya at gawin ang lahat na magtulungan upang makahanap ng mga landas ng pagsasagawa at malutas ang aming mga isyu. Ang paggawa sa ganitong paraan ay magbibigay-daan sa lahat ng aspekto ng gawain na magpatuloy nang normal. Kung hindi pa rin namin malutas ang aming mga isyu pagkatapos kumonsulta at magtalakayan, maaari kaming humingi ng tulong sa nakatataas na pamunuan—titiyakin nito na ang anumang mga problema sa aming gawain ay matutukoy at malulutas sa isang napapanahong paraan at hindi magiging sanhi ng pagkaantala sa gawain ng iglesia. Ito ang dapat at ganap kong kayang gawin. Dapat akong magkaroon ng responsableng saloobin sa gawain ng iglesia at gawin ang lahat ng aking makakaya upang maisakatuparan ang aking kayang gawin. Tanging sa paggawa nito ko matutupad ang aking tungkulin at responsabilidad. Napagtanto ko na sa nakaraan, masyado kong pinahalagahan ang reputasyon at katayuan. Palagi kong ginagamit ang aking kakulangan sa teknikal na kaalaman bilang palusot, aktibong gumagawa upang mapangalagaan ang aking reputasyon at katayuan, at sa huli ay nagdulot ako ng pagkaantala sa paggawa ng video ng iglesia.

Nang maglaon, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Para sa lahat ng gumaganap ng tungkulin, gaano man kalalim o kababaw ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan, ang pinakasimpleng paraan para isagawa ang pagpasok sa katotohanang realidad ay ang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng bagay, at bitiwan ang kanilang mga makasariling hangarin, mga personal na layunin, mga motibo, pagmamalaki, at katayuan. Unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos—ito man lang ay dapat gawin ng isang tao. Kung ni hindi man lang ito magawa ng isang taong gumaganap ng tungkulin, paano masasabi na ginagampanan niya ang kanyang tungkulin? Hindi iyon pagganap ng kanyang tungkulin. Dapat mo munang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, at isaalang-alang ang gawain ng iglesia. Unahin mo muna ang mga bagay na ito; pagkatapos niyan, saka mo lamang maaaring isipin ang katatagan ng iyong katayuan o kung ano ang tingin sa iyo ng iba. Hindi ba ninyo nararamdaman na mas dumadali ito nang kaunti kapag hinahati ninyo ito sa dalawang hakbang at gumagawa kayo ng ilang kompromiso? Kung magsasagawa ka nang ganito sa maikling panahon, madarama mo na hindi naman pala mahirap na bigyang-kasiyahan ang Diyos. Bukod pa riyan, dapat mong magawang tuparin ang iyong mga responsabilidad, gampanan ang iyong mga obligasyon at ang iyong tungkulin, at isantabi ang iyong mga makasariling hangarin, layon, at motibo; dapat kang magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, at unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ang gawain ng iglesia, at ang tungkulin na dapat mong gampanan. Pagkatapos danasin ito sa sandaling panahon, madarama mo na magandang umasal sa ganitong paraan. Ito ay pamumuhay nang prangka at tapat, at hindi pagiging isang hamak at kasuklam-suklam na tao; pamumuhay ito nang makatarungan at marangal sa halip na pagiging kasuklam-suklam, hamak, at walang silbi. Madarama mo na ganito dapat kumilos ang isang tao at ito ang wangis na dapat niyang isabuhay. Unti-unti, mababawasan ang hangarin mong bigyang-kasiyahan ang sarili mong mga interes(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Sa pag-iisip tungkol sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na anuman ang ating tungkulin, dapat nating itama ang ating mga layunin, isantabi ang mga pansarili nating pagnanasa, o hangarin para sa reputasyon at katayuan, at sikaping mapanatili ang gawain ng iglesia. Hindi tayo dapat mag-alala sa kung ano ang iniisip ng iba sa atin, kundi dapat kaya nating tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos at tuparin ang ating mga responsabilidad—sa gayon lamang tayo makapamumuhay nang tuwiran at matapat. Naisip ko kung paanong ang pagkapili sa akin bilang isang lider ay isang pagkakataon lang para makapagsagawa ako at hindi ibig sabihin niyon na ganap akong kuwalipikado para sa posisyon. Kailangan ko pa ring patuloy na hanapin ang katotohanan sa proseso ng paggawa ng aking tungkulin at makipagtulungan sa aking mga kapatid upang magampanan nang maayos ang aking tungkulin. Gayunpaman, ako ay masyadong mapaghimagsik, isinaalang-alang ko lang ang aking katayuan at reputasyon at nabigo akong gumawa ng aktuwal na trabaho, lahat ng ito ay nakapinsala sa gawain ng iglesia at humantong sa pagpalit sa akin. Pagkatapos kong maunawaan ang mga layunin ng Diyos, nagpasya akong kumilos ayon sa mga salita ng Diyos sa aking tungkulin mula noon, tumigil na sa pagsasaalang-alang sa aking reputasyon at katayuan at tuparin ang aking tungkulin upang mapalugod ang Diyos.

Hindi nagtagal, inatasan ako ng iglesia na diligan ang mga baguhan at, makalipas ang ilang buwan, itinaas ang ranggo ko para maging lider ng grupo. Muli, hindi ko maiwasang mag-alala: “Hindi ko pa matagal na nadidiligan ang mga baguhan, kulang ako sa karanasan, at ang aking kakayahang diligan ang mga baguhan ay hindi mas mahusay kaysa sa ibang mga kapatid. Magagawa ko ba talagang maging epektibong lider ng grupo? Kung hindi ko magampanan nang maayos ang aking trabaho at hindi ako makapagmungkahi ng mga aktuwal na landas ng pagsasagawa para sa aking mga kapatid, iisipin kaya nila na hindi ako kuwalipikado para maging lider ng grupo? Iisipin kaya ng aking lider na kulang ako sa kakayahan at kahusayan?” Napagtanto ko na muli akong nagnanais na mapangalagaan ang aking reputasyon at katayuan. Naalala ko ang mga aral na natutunan ko mula sa aking nakaraang pagkabigo at nagmadali akong lumapit sa Diyos sa panalangin. Pagkatapos kong manalangin, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Dapat mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang anumang problemang lumilitaw, anuman iyon, at huwag magbalatkayo o magkunwari para sa iba sa anumang paraan. Ang iyong mga kamalian, iyong mga kakulangan, iyong mga kasalanan, iyong mga tiwaling disposisyon—maging ganap na bukas tungkol sa lahat ng ito, at magbahagi tungkol sa lahat ng ito. Huwag mong itago ang mga ito. Ang pagkatutong buksan ang iyong sarili ang unang hakbang tungo sa buhay pagpasok, at ito ang unang sagabal, na siyang pinakamahirap daigin. Kapag nalampasan mo na ito, madali nang pumasok sa katotohanan. Ano ang ipinahihiwatig ng paggawa sa hakbang na ito? Nangangahulugan ito na binubuksan mo ang puso mo at ipinapakita ang lahat ng nasa loob mo, mabuti o masama, positibo o negatibo; inilalantad ang iyong sarili para makita ng iba at ng Diyos; walang itinatago sa Diyos, walang pinagtatakpan, walang ikinukubling anuman, walang panlilinlang at panloloko, at bukas at tapat din maging sa ibang mga tao. Sa ganitong paraan, nabubuhay ka sa liwanag, at hindi ka lamang susuriing mabuti ng Diyos, kundi makikita rin ng ibang mga tao na kumikilos ka nang may prinsipyo at may antas ng kalinawan. Hindi mo kailangang gumamit ng anumang mga pamamaraan para protektahan ang iyong reputasyon, imahe, at katayuan, ni hindi mo kailangang pagtakpan o ikubli ang iyong mga pagkakamali. Hindi mo kailangang makisangkot sa mga walang saysay na pagsisikap na ito. Kung mapapalagpas mo ang mga bagay na ito, labis kang mapapahinga, mamumuhay ka nang hindi napipigilan o walang pasakit, at mamumuhay ka nang lubusan sa liwanag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos ay nakatulong sa akin upang magkaroon ng kaliwanagan at nagbigay sa akin ng landas ng pagsasagawa. Hindi ko dapat itago at ilihim ang aking mga kakulangan at kahinaan alang-alang sa reputasyon at katayuan. Sa halip, dapat akong magkaroon ng tamang saloobin sa aking mga kakulangan, magsagawa na maging isang matapat na tao, magsagawa ng lahat ng nauunawaan ko, at tuparin ang aking tungkulin at responsabilidad. Pagkatapos niyon, aktibo kong sinubaybayan ang pag-usad ng gawain at kapag nakatatagpo ako ng mga isyu na wala akong kaalaman o hindi ko kayang ayusin mag-isa, humihingi ako ng tulong sa aking mga kapatid upang magkakasama naming lutasin ang problema. Tuwing may mga pagtitipon ang mga kapatid para magtalakayan, masigasig akong natututo mula sa kanila at inaaral ko ang mga kapaki-pakinabang na landas ng pagsasagawa na kanilang binanggit. Madalas ko ring sinasangkapan ng katotohanan ng mga pangitain ang aking sarili. Pagkaraan ng ilang panahon ng ganitong pagsasagawa, unti-unti kong naarok ang ilang prinsipyo, at unti-unti, humusay ang pagganap ko sa aking tungkulin at nakaramdam ako ng kapayapaan at kaginhawahan.

Sa aking pagninilay sa karanasang ito na mapalitan, ang mga salita ng Diyos ay nagbigay ng liwanag at patnubay sa akin, at nagbigay sa akin ng kaalaman tungkol sa katotohanan ng aking pagsisikap para sa reputasyon at katayuan, at ang mga epekto ng ganitong mga aksyon. Nakatulong din ang Kanyang mga salita upang maituwid ang aking mga nakalilinlang na pananaw. Lahat ng ito ay pagmamahal at pagliligtas ng Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagkalag sa mga Taling Gumagapos

Ni Cuibai, ItalySabi ng mga salita ng Diyos, “Para sa kapakanan ng kapalaran ninyo, dapat ninyong hanapin ang pagsang-ayon ng Diyos. Ibig...

Leave a Reply