Kwento ni Joy

Marso 28, 2023

Ni Joy, Pilipinas

Noon, palagi kong tinatrato ang mga tao batay sa emosyon. Basta mabait sa akin ang mga tao, mabait din ako sa kanila. Wala akong pagkakilala sa mga tao, at higit pa roon, wala akong prinsipyo. Ito ay hanggang sa dumanas ako ng ilang bagay na nagpaunawa sa aking ang mga prinsipyo kung paano ako nakikisama sa mga tao at tumitingin sa iba ay mali.

Noong Pebrero ng 2021, inimbitahan ako ng butihin kong kaibigang si Emma sa isang pagtitipon ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa pagbabahaginan sa mga pagtitipon, nakatiyak akong ang Makapangyarihang Diyos ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus at masaya kong tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang ilang buwan, ako ang napili bilang diyakono ng pagdidilig ng iglesia.

Isang araw, napansin kong sa isang grupo ng pagtitipon ay biglang nagkakalat si Emma ng mga tsismis at maling paniniwala na kumukwestiyon sa Diyos at umaatake sa iglesia, pati na ng masasamang palagay tungkol sa mga lider at diyakono. May pagkayamot at pangungutya sa kanyang mga salita. Sinabi rin niyang ang mga bagay na ito ay hindi niya personal na mga pananaw, at na ito ay mga pananaw mula sa iba, at umaasa siyang magkakaroon ng pulong para masagot ng mga lider ang mga tanong na ito. Nabigla ako matapos mabasa ang mga maling paniniwala at tsismis na ipinadala ni Emma. Kasabay niyon, nag-alala rin ako, dahil lahat ng tao sa grupong iyon ay mga kapatid na katatanggap pa lamang ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Tiyak na magdudulot ng kaguluhan ang pagpapadala ng mga ganoong uri ng mensahe sa grupo, at baka dahil dito, magkamali pa ang ilan na may mabababaw na pundasyon at walang pagkakilala. Lubos akong hindi mapalagay at hindi ko alam kung bakit ito ginagawa ni Emma. Kung gusto niya talaga ng sagot sa mga tanong niya, puwede naman niyang ipadala ang mga ito direkta sa lider. Bakit niya ikinakalat ang mga ganitong bagay sa mga baguhan? Hindi nagtagal, gaya ng kinatakutan ko, nagdulot ng kalituhan at pagkagambala sa iglesia ang mga tsismis na ipinakalat ni Emma, na may naimpluwensyahang ilang kapatid, dahilan para kumiling sila laban sa mga lider at diyakono at makaramdam ng paglaban. Tinanong ako ng isa sa mga lider ng grupo, “Totoo ba ang mga sinabi ni Emma?” Nang makita ko ang sitwasyong ito, lalo akong nabalisa. Kaya, nagmadali akong hanapin si Emma para itanong kung saan nanggagaling ang mga tsismis na ito. Sabi sa akin ni Emma, “Hindi ko itinanong ang mga ito. Gusto ko lang na magpapulong ang mga lider para masagot ang mga ito.” Tinanong ko ulit siya kung sino ang nagpadala sa kanya ng mga tsismis na ito, ngunit hindi pa rin sinabi ni Emma. Inulat ko ang isyung ito sa lider, na gusto ring malaman kung sino ang mismong nagtanong ng mga ito para mabilis na malutas ang ugat ng problema. Pero walang sinabi sa kanya si Emma. Kalaunan, pagkatapos ng pagsisiyasat, natuklasan na wala sa mga kapatid ang nagbanggit ng mga tanong na ito at na si Emma mismo ang may mga kuru-kuro tungkol sa gawain ng Diyos. Nangolekta siya ng ilang tsismis mula sa Internet at inayos bilang mga katanungan, pero ayaw niyang aminin ito. Matapos malaman ang katotohanan tungkol sa usapin, agad na nag-organisa ang lider ng isang pagtitipon, at nakipagbahaginan para sagutin ang bawat tsismis at maling paniniwala ni Emma, na nagbigay sa mga kapatid ng pagkaunawa sa mga sinabi ni Emma. Gayunpaman, si Emma mismo ay walang kamalayan o pagsisisi para sa kanyang mga ikinilos.

Pagkatapos ng pangyayaring ito, tinanong ako ng lider, “Ano ang gagawin mo kung hindi tamang tao si Emma? Magagawa mo ba siyang tratuhin ayon sa mga katotohanang prinsipyo?” Kaharap ang mga tanong ng lider, hindi ko alam kung paano sasagot. Mayamaya, magkasama naming binasa ng lider ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Anong prinsipyo ang dapat pagbatayan ng pagtrato ng mga tao sa iba ayon sa hinihingi ng mga salita ng Diyos? Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos: Ito ang prinsipyong dapat sundin. Mahal ng Diyos ang mga naghahanap ng katotohanan at nakasusunod sa Kanyang kalooban; ito rin ang mga taong dapat nating mahalin. Ang mga hindi nakasusunod sa kalooban ng Diyos, mga napopoot at naghihimagsik sa Diyos—ito ang mga taong kinamumuhian ng Diyos, at dapat din natin silang kamuhian. Ito ang hinihingi ng Diyos sa tao. … Noong Kapanahunan ng Biyaya, sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Sino ang Aking ina? At sino-sino ang Aking mga kapatid?’ ‘Sapagkat sinumang gumagawa ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit, ay siyang Aking kapatid na lalaki at Aking kapatid na babae, at ina.’ Umiiral na ang mga salitang ito noon pang Kapanahunan ng Biyaya, at lalo pang mas malinaw ang mga salita ng Diyos ngayon: ‘Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos.’ Diretsahan ang mga salitang ito, ngunit madalas na hindi naaarok ng mga tao ang tunay na kahulugan ng mga ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago). Matapos mabasa ang mga salita ng Diyos, mas naunawaan ko nang kaunti ang kalooban ng Diyos. Hinihingi ng Diyos na tratuhin natin ang mga tao nang may mga prinsipyo, at dapat nating mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos. Sa anumang usapin ng prinsipyo, at kahit sino man ito, dapat natin silang tratuhin batay sa mga salita ng Diyos: “Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos.” Sadyang pinapakalat ni Emma ang mga tsismis at maling paniniwalang ito, na nagbigay sa mga tao ng mga kuru-kuro at maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, at kalituhan tungkol sa gawain ng Diyos. Ginulo nito ang buhay ng iglesia, na sa kalikasan ay paggawa ng kasamaan. Kinapopootan ng Diyos ang mga gumagawa ng masama. Dapat panigan ng mga tao ang Diyos, tanggihan ang masasamang tao, at pigilan ang kanilang masasamang gawa, para mapigilan ang kanilang patuloy na panggugulo sa iba na normal na nagtitipon at nagbabasa ng salita ng Diyos. Nang maintindihan ko ito, sinabi ko sa lider, “Bagamat mahirap para sa’kin na tanggapin ang katunayang gumawa ng masama si Emma, ito ang katotohanan. Hindi niya ako magugulo o mapipigilan. Tatratuhin ko siya ayon sa mga prinsipyong ibinigay ng Diyos. Kung magdesisyon ang iglesia na ibukod siya, isasantabi ko ang damdamin ko para sa kanya, at hindi ko sisisihin ang Diyos.” Sinabi sa akin ng lider, “Sa ganitong klase ng sitwasyon, para maprotektahan ang mga kapatid mula sa patuloy na panlilinlang ni Emma, nagpasya ang iglesia na ibukod si Emma para mapagnilayan niya ang kanyang sarili.” Bagama’t nag-aalala ako sa kalagayan ni Emma, alam ko ring kumilos si Emma bilang lingkod ni Satanas, nanggagambala at nanggugulo sa buhay ng iglesia, at na ang pagsasaayos ng lider ay para protektahan ang mga kapatid mula sa pagkalinlang o pagkagambala dahil sa mga tsismis at maling paniniwala, kaya wala na akong sinabi pa. Pagkaraan ng ilang araw, lumapit sa akin si Emma, sinabi sa aking nag-aalala siyang baka alisin siya sa grupo ng pagtitipon. Sinabi ko sa kanya, “Mali ang ginawa mo. Kung gusto mo talagang lutasin ang mga problemang ito, maaari mong isangguni ang mga ito sa lider at matutulungan ka ng lider na lutasin ang mga ito, sa halip na ipagkalat ang mga tsismis at maling paniniwalang ito sa mga kapatid at makagulo sa kanila.” Gusto kong magsisi si Emma, ngunit hindi siya tumugon sa akin. Sinabi lang niya na ayaw niyang maalis sa grupo, at kung matatanggal siya, gagawa na lang siya ng pekeng account na may pekeng impormasyon at pekeng address para muling makapasok sa iglesia bilang isang taong nagsasaliksik ng tunay na daan, na ibig sabihin ay maisasaayos na pumunta siya sa ibang iglesia. Nagulat talaga ako nang marinig ko ang sinabi ni Emma. Walang anumang intensyong magsisi si Emma. Gusto pa nga niyang gumawa ng pekeng account para makalusot sa iglesia para manggambala at manabotahe. Hindi ba’t isa lang siyang lingkod ni Satanas? Ipinakita rin ng mga ikinilos ni Emma na hindi siya matapat na tao. Binabalak niyang linlangin ang mga kapatid at ang iglesia. Noong oras na iyon, naisip ko ang responsabilidad ng diyakono ng pagdidilig: “Kapag natuklasan ang problema, dapat nilang lutasin iyon kaagad sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan; ang malalaking problema ay kailangang lutasin sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan sa mga lider ng iglesia. Hindi dapat itago ang mga tunay na pangyayari” (Mga Plano ng Gawain). Pakiramdam ko, bilang diyakono ng pagdidilig, kailangan kong sumunod sa mga katotohanang prinsipyo at protektahan ang aking mga kapatid mula sa panggugulo at pagliligaw ng landas. Kaya, sinabi ko sa lider ang tungkol dito at ipinadala sa kanya ang mga screenshot ng aming usapan. Pero pagkatapos ay naisip ko kung paanong si Emma ang unang nagbahagi sa akin ng ebanghelyo at kung paanong kami ay magkaibigan, kaya tinanong ko ang lider kung puwede bang hayaan si Emma na manatili sa kanyang grupo. Sa ganoong paraan, hindi siya gagamit ng pekeng account para manggulo sa ibang mga iglesia. Sabi sa akin ng lider, “Kung hindi siya gagawa ng masama o magdudulot ng anumang kaguluhan, maaari siyang manatili. Pero sa ngayon, wala siyang pagkaunawa sa masasamang gawa niya at sa kaguluhang idinulot niya. Gusto pa rin niyang mandaya, manlinlang, at pumuslit sa ibang iglesia. Ipinapakita nito na hindi pa siya nagsisisi! Kung may diwa talaga siya ng masamang tao, hindi siya magsisisi o magbabago, at hindi siya titigil sa paggawa ng masama.” Ang mga salita ng lider ay nagbababala sa akin, at noon ko lamang napagtanto na kumikilos ako batay sa emosyon sa kagustuhan kong panatilihin si Emma sa iglesia. Hindi kilala ni Emma ang sarili niya. Walang makapagsasabi kung kailan siya makagagawa ng masama at makagugulo na naman sa iglesia. Wala akong prinsipyo sa pagsusumamo ko para kay Emma.

Kalaunan, nagsiyasat ang lider at natuklasan na noong may mga kuru-kuro si Emma, hindi niya hinanap ang katotohanan para lutasin ang mga ito. Sa halip, sadya niyang sinunggaban ang mga bagay para atakihin ang Diyos, binaluktot ang katotohanan, nagpakalat ng mga tsismis at maling paniniwala, at iniligaw ang mga kapatid para magkaroon sila ng mga kuru-kuro sa gawain ng Diyos. Madalas din niyang sinasabi sa mga pagtitipon na hindi nagagawa nang maayos ng mga lider at pinuno ng grupo ang kanilang mga gawain para atakihin ang pagiging positibo ng kanilang pagganap sa tungkulin, dahilan para maging negatibo sila, na nakaapekto sa mga resulta ng kanilang mga tungkulin. Lubhang nakagambala sa iglesia ang mga ikinilos ni Emma, at hindi siya nagsisi, kaya isa talaga siyang masamang tao. Sa huli, itiniwalag ng iglesia si Emma ayon sa mga prinsipyo ng pag-aalis ng mga tao, at hindi ko na pinrotektahan si Emma. Pero nasaktan ako nang husto sa sumunod na nangyari.

Isang umaga, bigla akong pinadalhan ni Emma ng mensahe na nagtatanong kung bakit ko ito ginagawa sa kanya, at sinabi niya na sinira ko ang tiwala niya sa akin, at na labis kong pinalala ang sitwasyon. Kinalaunan, napagtanto kong ang dahilan kung bakit siya nagalit ay ang usapin ng pekeng account. Ang nilalaman ng mga screenshot na ipinadala ko sa lider ay nakasulat sa aming lokal na wika na hindi naiintindihan ng lider, kaya hiniling nito sa isa pang sister na isalin ang usapan. Subalit, nagkataong ang sister na ito ay isa sa mga kaibigan ni Emma at sinabi nito sa kanya lahat ng tungkol dito. Ito ang dahilan kung bakit pinadadalhan ako ni Emma ng mga mensahe na kumukuwestiyon sa akin tungkol dito. Ilang beses akong umiyak nang umagang iyon. Pakiramdam ko ay magtatapos na ang pagkakaibigan namin ni Emma. Sinimulan kong magbalik-tanaw sa mga sandaling kasama ko si Emma. Tinutulungan ako ni Emma na makaisip ng mga ideya kapag nahihirapan ako, at madalas naming ibinabahagi ang aming mga naiisip sa isa’t isa…. Pero ngayon, hindi ko alam kung paano harapin si Emma. Hindi ko mapakalma ang puso ko. Hindi man lang ako makatutok nang matagal para makapag-host ng mga pagtitipon. Paulit-ulit kong sinisisi ang sarili ko, “Pinalala ko ba talaga ang lahat? Baka may mas magandang paraan para pigilan siyang gumawa ng pekeng account at guluhin ang iglesia.” Nagsimula akong magduda kung tama ba ang naging desisyon ko. Labis akong nabagabag. Ginusto ko pa ngang isara ang account ko, iwasan ang mga kapatid, at takasan ang lahat, pero alam kong hindi ko puwedeng bitawan ang mga tungkulin ko, na hindi ko dapat takbuhan ang mga problema at na dapat maagap akong humanap ng mga solusyon. Kaya, sinabi ko sa lider ang tungkol sa kalagayan ko. Nagpadala sa akin ang lider ng isang sipi ng salita ng Diyos: “Kailangan mong pumasok mula sa panig ng pagiging positibo, maging aktibo at huwag kang balintiyak. Hindi ka dapat mayanig ng kahit sino o kahit ano, sa lahat ng sitwasyon, at hindi ka dapat maimpluwensyahan ng mga pananalita ng sinuman. Kailangan mong magkaroon ng isang matatag na disposisyon; anuman ang sabihin ng mga tao, kailangan mong isagawa kaagad ang nalalaman mong katotohanan. Kailangan mong isaloob palagi ang Aking mga salita, kahit sino pa ang kaharap mo; kailangan mong magawang manindigan sa iyong patotoo sa Akin at magpakita ng konsiderasyon sa Aking mga pasanin. Hindi ka dapat pikit-matang sumasang-ayon sa iba nang wala kang sariling mga ideya; sa halip, dapat kang maglakas-loob na manindigan at tumutol sa mga bagay na hindi umaayon sa katotohanan. Kung alam na alam mo na may mali, subalit wala kang lakas ng loob na ilantad ito, hindi ka isang taong nagsasagawa ng katotohanan. May gusto kang sabihin, ngunit hindi ka naglalakas-loob na magsalita, kaya nagpapaliguy-ligoy ka at pagkatapos ay binabago ang paksa; nasa loob mo si Satanas na pinipigilan ka, na nagiging dahilan para magsalita ka nang walang anumang epekto at hindi mo magawang magtiyaga hanggang katapusan. May takot pa rin sa puso mo, at hindi ba ito ay dahil puno pa rin ng mga ideya ni Satanas ang puso mo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 12). Matapos basahin ang salita ng Diyos, nagbahagi sa akin ang lider, “Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Kung may matuklasan kang pumipinsala sa gawain ng iglesia at nakasasakit sa mga kapatid mo, o kung may panggugulo mula kay Satanas, dapat kang manindigan, maglakas-loob na ilantad ito, pigilan ito, at ipagtanggol ang gawain ng iglesia. Ito lang ang isang taong nagsasagawa ng katotohanan. Kung alam nating may mali, ngunit napipigilan pa rin tayo ng ating damdamin, natatakot na masira ang mga relasyon natin sa iba, at hindi tayo makasunod sa mga katotohanang prinsipyo, pumapanig tayo kay Satanas, at labag ito sa kalooban ng Diyos! Natuklasan mong nagpapakalat ng mga maling paniniwala ang kaibigan mo, at inilantad at pinigilan mo siya, pinoprotektahan ang mga kapatid mula sa kapahamakan. Tama ang pasya mo, at hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo o malungkot.” Matapos basahin ang salita ng Diyos at pakinggan ang pagbabahagi ng sister, nakita kong napakababa pa rin ng tayog ko, at wala akong pagkakilala. Malinaw na kumilos ako ayon sa prinsipyo, pero nang magreklamo si Emma at akusahan ako, nabagabag ako, at nagduda kung nagkamali ba ako. Ngayon alam ko nang tama ang pagpili at pagsasagawa ko. Sa mga usaping may kinalaman sa gawain ng iglesia at sa buhay ng aking mga kapatid, dapat akong magkaroon ng mga prinsipyo at manindigan. Kailangan kong matutuhang makilala ang tama sa mali at hindi magpapigil sa emosyon.

Matapos maunawaan ang kalooban ng Diyos, pinakalma ko ang sarili ko at tumutok ako sa aking tungkulin. Pero hindi nagtapos doon ang mga bagay-bagay. Biglang nagpadala ng isa pang mensahe si Emma sa akin, sinasabing, “Naalis na ako sa grupo. Masaya ka na ba ngayon? Lahat ito’y dahil sa’yo. Maraming salamat!” May panunuya at pang-uuyam sa mga salitang iyon. Saglit na hindi ko alam kung anong isasagot kay Emma. Alam kong sa sandaling iyon ay tapos na ang pagkakaibigan namin, at sobra akong nalungkot. Napakaganda ng relasyon namin, at siya ang nangaral ng ebanghelyo sa akin. Pero ngayon, iniulat ko na sa lider ang problema niya. Hindi ba’t pinagtaksilan ko siya? Ano na ang iisipin niya sa akin? Ano nang gagawin ko ngayon? Dapat ba akong humingi ng tawad sa kanya? Sinira ko ba ang tiwala niya sa akin? Nabigo ba akong pahalagahan ang pagkakaibigan namin? Tama ba talaga ang ginawa ko? Sa aking pagkalito at sakit, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang pag-uugaling hindi kayang lubusang sumunod sa Akin ay pagtataksil. Ang pag-uugaling hindi kayang maging tapat sa Akin ay pagtataksil. Ang pagdaya sa Akin at paggamit ng mga kasinungalingan upang linlangin Ako ay pagtataksil. Ang pagtataglay ng maraming kuru-kuro at pagpapakalat sa mga ito sa lahat ng dako ay pagtataksil. Ang kawalan ng kakayahang itaguyod ang Aking mga patotoo at mga interes ay pagtataksil. Ang paghahandog ng mga huwad na ngiti kapag malayo sa Akin ang puso ay pagtataksil. Ang lahat ng ito ay mga gawain ng pagtataksil na palagi na ninyong nagagawa, at ang mga ito ay karaniwan din sa inyo. Maaaring wala sa inyo ang nag-iisip na ito ay isang problema, ngunit hindi iyon ang iniisip Ko. Hindi Ko maaaring tratuhin ang pagtataksil sa Akin ng isang tao bilang isang maliit na bagay, at lalo namang hindi Ko maaaring hindi ito pansinin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagtataksil 1). Matapos basahin ang salita ng Diyos, nabigyan ako ng kaliwanagan. Palagi kong iniisip noon na ako ang nagtaksil sa kaibigan ko. Bakit ba hindi ko inisip kung ang mga opinyon at pag-uugali ko ay naaayon sa katotohanan o kung nagtataksil ba ako sa Diyos? Hindi ko lang dapat alalahanin ang damdamin ng kaibigan ko at balewalain ang saloobin ng Diyos. Napakalinaw ng mga salita ng Diyos: “Ang kawalan ng kakayahang itaguyod ang Aking mga patotoo at mga interes ay pagtataksil.” Nagpakalat si Emma ng mga kuru-kuro tungkol sa gawain ng Diyos, nilinlang ang mga kapatid, at ginulo ang buhay-iglesia. Ginusto rin niyang gumawa ng pekeng account para manlinlang ng iba. Lahat ng ito’y mga kilos ni Satanas, at sinisira nito ang gawain ng iglesia. Kung pinili kong pumanig kay Emma at hindi isagawa ang katotohanan, iyon ay pagpanig kay Satanas at pagkakanulo sa Diyos! Naisip ko rin ang mga salita ng Diyos: “Maging tapat sa Akin anuman ang mangyari, at sumulong nang may katapangan; Ako ang iyong matibay na sandigan, kaya manalig sa Akin!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). Dapat taos-puso akong manalangin at magtiwala sa Diyos, at maniwalang gagabayan ako ng Diyos na malaman ang tama at mali, matutong kumilala ng mga tao, at hindi mawalan ng aking mga prinsipyo at posisyon sa usaping ito.

Kalaunan, napaisip ako, “Nang malaman ko na may ginagawang mali si Emma, iniulat ko ito sa lider. Malinaw na para ito pangalagaan ang gawain ng iglesia. Bakit ba lagi akong naaawa kay Emma?” Kalaunan, ang salita ng Diyos ang sumagot sa katanungan ko. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Kung wala kang normal na kaugnayan sa Diyos, anuman ang gawin mo upang mapanatili ang iyong mga kaugnayan sa ibang tao, gaano ka man magsumikap o gaanong lakas man ang iyong ibuhos, ang lahat ng ito ay magiging sa isang pilosopiya lamang ng tao sa pamumuhay. Pangangalagaan mo ang iyong katayuan sa mga tao at makakamit ang kanilang papuri sa pamamagitan ng mga pananaw ng tao at mga pilosopiya ng tao, sa halip na magtatag ng mga normal na interpersonal na kaugnayan ayon sa salita ng Diyos. Kung hindi ka magtutuon ng pansin sa iyong mga kaugnayan sa mga tao, at sa halip ay magpapanatili ka ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung handa kang ibigay sa Diyos ang puso mo at matutuhan Siyang sundin, natural lamang na magiging normal ang iyong mga interpersonal na kaugnayan. … Ang mga normal na interpersonal na kaugnayan ay itinatatag sa pundasyon ng pagbaling ng isang tao ng kanyang puso sa Diyos, hindi sa pamamagitan ng pagsisikap ng tao. Kung wala ang Diyos sa puso ng isang tao, ang mga kaugnayan ng taong ito sa iba ay mga kaugnayan lamang ng laman. Hindi normal ang mga ito, mga mapagnasang pagpapalayaw ang mga ito, at kinamumuhian at kinasusuklaman ng Diyos ang mga ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos). “Sa lahat ng iyong ginagawa at lahat ng iyong sinasabi, itama ang iyong puso at maging matuwid sa iyong mga kilos, at huwag patangay sa iyong mga damdamin, ni huwag kumilos ayon sa sarili mong kalooban. Ito ang mga prinsipyong kailangang sundin ng mga sumasampalataya sa Diyos sa kanilang pag-uugali(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?). Naunawaan ko mula sa salita ng Diyos na masyado kong inaalala ang pangangalaga sa mga relasyon ko sa iba at na napabayaan ko ang aking normal na ugnayan sa Diyos at namuhay sa makalamang damdamin. Ang totoo, ang pagpapanatili ng mga relasyon sa iba ay ganap na para lang sa kapakanan ng mga pansariling interes, reputasyon, at katayuan ng isang tao. Nagmumula ang lahat ng ito sa laman. Nababahiran din ito ng mga emosyon at personal na layunin, at hindi umaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Napagtanto kong natangay ako ni Emma sa usaping ito at wala akong naging posisyon, dahil napigilan ako ng mga emosyon, na humadlang sa akin sa paggawa ng tama. Inisip ko lang panatilihin ang pagkakaibigan namin, ang aking imahe, at lugar sa puso ng mga tao, at dahil dito, nabilanggo ako ng emosyon. Kaya hindi ko magawang tratuhin ang mga tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at lalong hindi maisaalang-alang ang mga interes ng iglesia. Ginusto ko pa ngang bitawan ang aking tungkulin, layuan ang mga kapatid, at ipagkanulo ang Diyos. Noon ko lang nakita na makasarili ang mga emosyon. Ginagamit ni Satanas ang mga emosyon para kontrolin ang mga tao, gawin silang ipagkanulo ang katotohanan at ang Diyos. Napagtanto ko rin na, sa totoo lang, nang ipangaral ni Emma ang ebanghelyo sa akin at imbitahan ako sa pagtitipon, ito ay mga makapangyarihang pagsasaayos ng Diyos. Dapat ay sa Diyos ako tumanaw ng utang na loob, hindi kay Emma. Nang maunawaan ko ang mga bagay na ito, labis na gumaan ang pakiramdam ko at hindi na ako gaanong nakaramdam ng pighati.

Kalaunan, sa isang pagtitipon, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos, na nagbigay-daan sa aking makita nang mas malinaw ang kalikasang diwa ni Emma. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Yaong mga kapatid na palaging nagbubulalas ng kanilang pagkanegatibo ay mga utusan ni Satanas, at ginugulo nila ang iglesia. Ang mga taong ito balang araw ay kailangang itiwalag at alisin. Sa kanilang paniniwala sa Diyos, kung ang mga tao ay walang may-takot-sa-Diyos na puso, kung wala silang sumusunod-sa-Diyos na puso, hindi lamang sila hindi makakagawa ng anumang gawain para sa Kanya, kundi bagkus ay magiging mga taong gumagambala sa Kanyang gawain at sumusuway sa Kanya. Ang paniniwala sa Diyos ngunit hindi sumusunod o natatakot sa Kanya, at sa halip ay nilalabanan Siya, ang pinakamalaking kahihiyan para sa isang mananampalataya. Kung kaswal lang at walang pagpipigil ang pananalita at pag-uugali ng mga mananampalataya na tulad ng mga hindi mananampalataya, mas masama pa sila kaysa mga hindi mananampalataya; sila ay napakatipikal na mga demonyo. Yaong mga nagbubulalas ng kanilang makamandag at malisyosong pananalita sa loob ng iglesia, na nagkakalat ng mga tsismis, nagpupukaw ng kawalan ng pagkakaisa, at iginugrupu-grupo ang mga kapatid—dapat ay natiwalag na sila sa iglesia. Subalit dahil ibang panahon na ngayon ng gawain ng Diyos, hinihigpitan ang mga taong ito, sapagkat walang dudang palalayasin sila. Lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay may mga tiwaling disposisyon. Ang ilan ay walang anumang taglay kundi mga tiwaling disposisyon, samantalang ang iba ay hindi ganito: Hindi lamang sila mayroong mga tiwali at satanikong disposisyon, kundi napakamalisyoso rin ng kanilang likas na pagkatao. Hindi lamang nahahayag sa kanilang mga salita at kilos ang kanilang mga tiwali at satanikong disposisyon; ang mga taong ito, bukod dito, ang totoong diyablong si Satanas. Ang pag-uugali nila ay nakakagambala at nakakagulo sa gawain ng Diyos, nakakagulo ito sa buhay pagpasok ng mga kapatid, at nakakasira sa normal na buhay ng iglesia. Sa malao’t madali, ang mga lobong ito na nakadamit-tupa ay kailangang mapalayas; hindi dapat kaawaan at tanggapin ang mga utusang ito ni Satanas. Ito lamang ang pumapanig sa Diyos, at yaong mga hindi nakakagawa nito ay nagtatampisaw sa putikan na kasama ni Satanas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Ang siping ito ay babala ng Diyos sa mga tao. Naiintindihan kong ang mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, ang mga laging nagpapakalat ng mga tsismis, at naghahasik ng hidwaan ay mga taong nagrerebelde at lumalaban sa Diyos. Ang mga gayong tao’y hindi hinirang ng Diyos, sa halip, sila ay mga lingkod ni Satanas at masasamang tao. Lahat ng ginagawa nila ay laban sa Diyos, at ayon sa mga prinsipyo ng iglesia, ang gayong mga tao ay dapat itiwalag. Salamat sa Diyos! Ngayon, maliwanag na ang puso ko, at may pagkakilala na ako. Batay sa inasal ni Emma, sigurado akong isa siyang masamang tao. Naalala ko rin na sa “Ang mga Prinsipyo ng Pakikitungo sa Iba Ayon sa Kanilang mga Diwa” sinasabing: “(4) Kung ang isang tao ay nakumpirma na isang masamang tao, masamang espiritu, anticristo, o walang pananampalataya, dapat na patalsikin o itiwalag ang taong iyon ayon sa kapasyahan ng iglesia; (5) Ibinibilang sa mga hindi mananampalataya ang mga mapanlinlang na tao na madalas na naghahayag ng mga maling pananaw, na madalas mayroong mga haka-haka tungkol sa Diyos at nagsasanggalang laban sa Kanya. Dapat silang patalsikin o itiwalag” (170 Mga Prinsipyo ng Pagsasagawa ng Katotohanan, 132. Ang mga Prinsipyo ng Pakikitungo sa Iba Ayon sa Kanilang mga Diwa). Ayon sa mga prinsipyo, ang masasamang tao ay dapat na itaboy palabas ng iglesia para pigilan silang magdulot ng mga paggambala sa iglesia, para hindi maabala ang iba kapag nagtitipon o gumaganap sa kanilang mga tungkulin. Naunawaan ko rin na pinahihintulutan ng Diyos ang masasamang tao na guluhin ang iglesia para maunawaan ng mga hinirang ng Diyos ang katotohanan, matuto silang kumilala sa mga tao, at tratuhin nila ang mga tao ayon sa salita ng Diyos. Kasabay nun, nagbibigay-daan ito na malaman natin ang ating tunay na tayog, at matuto tayong isagawa ang katotohanan at pangalagaan ang mga interes ng iglesia. Matapos mapagtanto ang mga ito, nagpasalamat ako sa Diyos. Kung wala ang proteksyon ng Diyos at ang patnubay ng mga salita ng Diyos, mapipigilan pa rin ako ng mga emosyon, magsasalita para sa isang masamang tao, at malilinlang ni Emma. Mapanganib ito! Nang matanto ko ang mga ito, hindi na ako nabagabag ng usaping ito, at nakaramdam ako ng matinding ginhawa.

Pagkatapos niyon, ilang beses nakipag-ugnayan sa akin si Emma, ngunit hindi na niya ako naimpluwensyahan o nagulo. Pagkatapos pagdaanan ang karanasang ito, napuno ako ng pagpapasalamat sa Diyos. Ang Diyos ang umakay sa aking maunawaan ang ilang katotohanan, magkaroon ng kaunting pagkakilala, at makalaya sa paggapos ng damdamin. Ang katotohanan ay napakahalaga para sa mga tao. Kapag itinuturing natin ang mga tao at mga bagay batay sa katotohanan, saka lang tayo pwedeng magkaroon ng mga prinsipyo at hindi maililigaw at magagamit ni Satanas. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Nakagapos

Ni Li Mo, TsinaNoong 2004, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at hindi nagtagal, isinumbong ako dahil sa...

Kung Bakit Napakayabang Ko Noon

Ni Joanne, Timog KoreaIsang araw, binanggit sa akin ng dalawang lider ng iglesia ang isang isyu. Sinabi nila na si Isabella, na siyang...