Paano Tingnan ang Iyong Tungkulin

Setyembre 28, 2020

Ni Zhongcheng, Tsina

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pinakamahalagang kailangan sa pananampalataya ng tao sa Diyos ay na mayroon siyang matapat na puso, at na lubos niyang inilalaan ang kanyang sarili, at tunay siyang sumusunod. Ang pinakamahirap para sa tao ay ibigay ang kanyang buong buhay kapalit ng tunay na pananampalataya, at sa pamamagitan nito ay matamo niya ang buong katotohanan, at magampanan ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). “Ang mga tungkulin ay mga atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa mga tao; ang mga ito ay mga misyong dapat tapusin ng mga tao. Gayunman, ang tungkulin ay hindi gawaing personal mong pinamamahalaan, ni pambalanse sa iyong pamumukod-tangi sa maraming tao. Ginagamit ng ilang tao ang kanilang mga tungkulin bilang mga oportunidad ng sariling pamamahala at bumubuo ng mga pangkat; ang ilan upang tugunan ang kanilang mga pagnanais; ang ilan upang punan ang mga kahungkagang nadarama nila sa kanilang kaloob-looban; at ang ilan upang masapatan ang kanilang mentalidad na tamang magtiwala sa swerte, iniisip na hangga’t ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, magkakaroon sila ng bahagi sa tahanan ng Diyos at sa kamangha-manghang hantungang isinasaayos ng Diyos para sa tao. Ang ganoong mga pag-uugali tungkol sa tungkulin ay hindi tama; niyayamot nito ang Diyos at dapat kaagad iwasto(“Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na ang mga tungkulin ay atas ng Diyos sa sangkatauhan, at dapat nating asikasuhin ang ating tungkulin nang may matapat na puso. Mahalaga na isantabi natin ang ating mga sariling interes at gawin ang ating makakaya upang tuparin ang ating mga responsibilidad. Ito ang pag-uugaling dapat nating taglayin para sa ating tungkulin. Ngunit sa nakalipas, palagi kong tinatrato ang aking tungkulin na para bang isa iyong gawain, ginagamit iyon upang tulungan ang aking sarili na mangibabaw at magkamit ng paghanga ng iba. Hindi ako nakatuon sa pagsasagawa ng katotohanan, ngunit sa halip ay iniisip ko kung ano ang aking makakamit o maiwawala. Hinadlangan nito ang gawain ng iglesia. Ang pagdaan ko sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng ilang pagkaunawa sa likas at resulta ng pagsasagawa ng aking tungkulin sa ganoong paraan, at ngayon inilipat ko roon ang aking pananaw.

Noong 2017, ang tungkulin ko ay pag-eedit ng mga dokumento para sa iglesia. Inayos kalaunan ng pinunong iglesia na makatrabaho ako ni Brother Lin at sinabihan akong tulungan siya. Masaya akong sumang-ayon at naisip ko, “Balita ko magaling talaga si Brother Lin. Kung mauunawaan niya agad ang mga prinsipyo, tiyak na magiging mabunga ang aming gawain. Iisipin ng pinuno na may kakayahan at mahalaga ako; kaya dapat ko siyang tulungan.” Ibinigay ko kay Brother Lin ang mga prinsipyong tinipon ko, para maunawaan niya ang lahat ng kailangan niya sa lalong madaling panahon. Kapag hindi siya makausad sa gawain niya, matiyaga akong magbabahagi kasama siya at tutulungang iresolba ang kanyang mga problema. Matapos ang ilang panahon, naintindihan niya ang ilang prinsipyo, at nakakamit ng ilang resulta sa kanyang tungkulin. Natuwa akong makita ang kanyang pagbuti. Napakabilis niyang naunawaan ang mga bagay. May potensiyal siya! Naging lalo pang mahusay ang aming pangkat. Matapos iyon, malaki ang nabawas sa gawain ko. Naisip ko na kung mas marami ang oras para sanayin si Brother Lin, mas magagandang resulta pa ang makukuha namin.

Isang araw, sinabi ng aming pinuno na kailangan ng isang iglesia ng tao na gagabay sa kanilang pagsusulat, at dahil nasa amin si Brother Lin, na napakahusay sa kanyang trabaho, ililipat siya sa iglesiang iyon para gawin ang kanyang tungkulin. Nabigla ako, at naisip ko, “Ano? Ililipat siya? Hindi ninyo puwedeng gawin iyon. Pinagpaguran kong mabuti para lang maging pamilyar siya sa trabaho at sa mga prinsipyo, at nagsimulang bumuti ang gawain sa aming pangkat. Kung ililipat siya ngayon, masisira ang aming gawain. Ano’ng iisipin ng mga tao sa akin? Baka sabihin nila, wala akong kakayahan.” Lalo akong nadismaya habang iniisip ko ito. Sabi ng pinuno, kapag wala na si Brother Lin, magsasanay ako ng iba pang tao. Tutol ako roon. Naisip ko, “Sinasabi mo iyon na parang wala lang iyon. Sa tingin mo ba, madali lang magsanay ng tao? Grabeng trabaho at oras iyon! Bukod pa, kapag wala na si brother Lin, nasa akin na ulit lahat ng responsibilidad Abala na nga kami. Kaya kung mababawasan pa kami ng gagawa, magiging mas mahirap ang trabaho namin.” Habang lalo kong iniisip iyon, lalo akong nakakaramdam ng pagtutol. Pinasulat ako ng pinuno ng pagsusuri kay Brother Lin Naisip ko, “Pagtutuunan ko ang kahinaan at katiwalian niya, sa halip na ang mabuti. At baka hindi na siya ilipat pa.” Medyo nakonsyensya ako nang tapos ko nang isulat ang pagsusuri ko sa kanya, at inisip ko kung nagiging sinungaling ba ako. Pero ipinagpalagay kong iniisip ko lang ang gawain ng pangkat. Ibinigay ko sa pinuno ang pagsusuri ko. Lumipas ang ilang araw na hindi ako nakatanggap ng kahit anong sagot, at nagsimula akong mag-alala at naisip ko, “Baka hindi niya binasa ang pagsusuri, at ililipat pa rin niya si Brother Lin? Hindi puwede iyon. Dapat may gawin ako. Tiyak na may paraan para mapanatili siya sa pangkat ko.” Kaya’t sinubukan kong makiramdam at tinanong ko si Brother Lin, “Ano’ng iisipin mo kung hingin sa iyong gawin ang tungkulin ng pag-eedit para sa ibang iglesia?” Sagot niya, “Magpapasakop ako sa mga pagsasaayos ng iglesia. Paparoon ako.” Agad kong sinabi, “Kapag ginagampanan ang gawain ng pag-eedit, kailangan nating unawain ang mga prinsipyo at maging mahusay. Kung wala iyon, babagal ang pag-usad. Sa tingin ko, pinakamainam na ipagpatuloy mo ang pagganap sa tungkulin mo dito.” Sa gulat ko, hindi man lang naapektuhan si Brother Lin. May kumpiyansa niyang sinabi, “Kung bibigyan ng pagkakataon, susubukan ko iyon.” Hindi ko nakuha ang binalak ko, at medyo nadismaya ako sa kanya. Minsan, nakita ko na may mga kaunting problema sa kanyang tungkulin, at nagalit ako, at pinangaralan ko siya. Noon, kapag naiisip ko ang paglipat niya, natataranta ako. Hindi ako makaramdan ng kahit anong hinahon sa gawain ko, at hindi ako makapagtuon. Hindi ko maisip kung paano iyon aayusin. Nahihirapan ako na para bang natutuliro. Kaya’t nanalangin ako sa Diyos at hiniling sa Kanyang tulungan akong makilala ang sarili ko.

Tapos ay binasa ko ang mga salitang ito mula sa Diyos. “Bihirang isinsagawa ng mga tao ang katotohanan, na kadalasa’y tumatalikod sila sa katotohanan, at nabubuhay sila sa tiwaling mala-satanas na disposisyong makasarili at masama. Pinahahalagahan nila ang kanilang sariling karangalan, reputasyon, katayuan, at mga kapakinabangan, at hindi nila nakamit ang katotohanan. Dahil dito, labis ang kanilang pagdurusa, marami ang kanilang mga alalahanin, at di mabilang ang mga gumagapos sa kanila(“Ang Pagpasok sa Buhay ay Dapat Magsimula sa Karanasan ng Pagganap sa Tungkulin ng Isa” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Ano ang pamantayan kung paano hinuhusgahan ang mga gawa ng isang tao bilang mabuti o masama? Depende ito sa kung taglay mo o hindi, sa iyong mga iniisip, pagpapahayag, at kilos, ang patotoo tungkol sa pagsasagawa ng katotohanan at pagsasabuhay ng katotohanang realidad. Kung wala ka ng realidad na ito o hindi mo ito isinasabuhay, walang duda na ikaw ay isang masamang tao. Ano ang tingin ng Diyos sa masasamang tao? Ang mga iniisip at ipinapakita mong mga kilos ay hindi sumasaksi sa Diyos, ni pinapahiya o tinatalo ng mga ito si Satanas; sa halip, pinapahiya ng mga ito ang Diyos, at puno ng mga markang nagpapahiya sa Diyos. Hindi ka nagpapatotoo para sa Diyos, hindi mo ginugugol ang sarili mo para sa Diyos, ni hindi mo ginagampanan ang responsibilidad at mga obligasyon mo sa Diyos; sa halip, kumikilos ka para sa iyong sariling kapakanan. Ano ang ipinahihiwatig ng ‘para sa iyong sariling kapakanan’? Para kay Satanas. Samakatuwid, sa bandang huli, sasabihin ng Diyos, ‘Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.’ Sa mga mata ng Diyos, hindi ka nakagawa ng mabubuting gawa; sa halip, naging masama ang iyong asal. Hindi ka gagantimpalaan at hindi ka aalalahanin ng Diyos. Hindi ba ito ganap na walang kabuluhan?(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Habang pinag-iisipan ko ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na pinagpapasyahan ng Diyos kung gumagawa ng mabuti ang mga tao, hindi kung gaano nila ginugugol ang kanilang sarili, o nagdurusa, o nagsasakripisyo kundi ayon sa kanilang mga motibo, at kung ang kanilang mga kilos ay para ba sa Diyos, o para sa kanilang sarili, at kung isinasagawa ba nila ang katotohanan. Pinagnilayan ko ang aking kalagayan at nakita ko na ang mga pagsisikap kong tulungan si Brother Lin na maunawaan agad ang mga prinsipyo ay hindi para sa iglesia. Inisip ko lang na magiging mas mahusay ang aming pangkat at magmumukha akong magaling dahil sa kanya. Nang makita kong ililipat siya, natakot akong masira ng pag-alis niya ang gawain ng pangkat at ang reputasyon at katayuan ko, kaya binigyang-diin ko sa pagsusuri ang mga mali niya para linlangin ang pinuno. Nagsabi pa ako ng ilang negatibong bagay para patamlayin siya sa tungkulin. Paano iyon naging pagsasagawa ng katotohanan at paggawa ng aking tungkulin? Makasarili kong ginawa ang tungkulin ko, nang hindi isinasaalang-alang ang gawain ng iglesia kundi ang gawain lang na pinanagutan ko, at kung masisira ba ang katayuan ko. Nagsinungaling ako, at hinadlangan ang gawain ng iglesia Ginagambala ko ang gawain ng bahay ng Diyos, at nilalabanan ang Diyos. Nang makita ko ang mapanganib na kinalalagyan ko, nanalangin ako sa Diyos “Diyos ko, naging lubos akong makasarili. Ginambala ko ang gawain ng bahay ng Diyos para sa sarili kong interes. Diyos ko, gusto kong magsisi sa Iyo.”

Tapos ay binasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag isipin ang iyong sariling katayuan, katanyagan, o reputasyon. Huwag mo ring isaalang-alang ang mga interes ng tao. Kailangan mo munang isipin ang mga interes ng bahay ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at magsimula sa pamamagitan ng pagmumuni-muni kung ikaw ay naging dalisay o hindi sa pagtupad mo sa iyong tungkulin, kung nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya upang maging matapat, nagawa ang lahat ng iyong makakaya upang matupad ang iyong mga pananagutan, at naibigay ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo nang naisaisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng bahay ng Diyos. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Isipin mong madalas ang mga ito, at magiging higit na madali sa iyong gampanan nang maayos ang iyong tungkulin(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nakatagpo ako ng landas ng pagsasagawa sa loob ng mga salita ng Diyos. Kinailangan ko ng mga tamang motibo sa tungkulin ko para tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos, at itaguyod ang gawain ng bahay ng Diyos, hindi ang aking mga interes. Mahusay ang kakayahan ni Brother Lin, at hinanap niya ang katotohanan, kaya kung magtrabaho siya sa ibang iglesia mapapakinabangan iyon ng gawain ng bahay ng Diyos. Bukod pa sa higit siyang makakapagsanay sa ganoong paraan. Kaya dapat ko siyang suportahan. Hinanap ko ang pinuno at nagtapat ako tungkol sa sarili kong mga makasariling motibo at nagbigay ng tapat na pagsusuri kay Brother Lin. Inilipat siya sa kabilang iglesiang nangangailangan sa kanya, at sa wakas ay nakaramdam ako ng kaunting kapayapaan sa kalooban.

Sa buong panahong iyon, akala ko’y nagbago na ako. Hindi ko naisip na sa katulad na sitwasyon, lalabas ulit ang mala-demonyo kong likas.

Taglamig noon ng 2018, at kami ni Brother Chen ay mga pinuno ng isang pangkat. Pinupunuan namin ang mga pagkukulang ng isa’t isa, at sa patnubay ng Diyos, nakakita kami ng magagandang resulta sa gawain namin. Lubos akong natuwang makatrabaho si Brother Chen. Pagkatapos ng isang pagtitipon, sinabi ng pinuno sa akin na kailangan ng tulong ng isa pang pangkat, at ililipat nila si Brother Chen. Mahusay ang kakayahan ni Brother Chen, at nauunawaan niya ang katotohanan, at responsable siya sa kanyang tungkulin, kaya nakakatulong siya sa pag-usad ng gawain ng pangkat namin. Kung umalis siya at bumaba ang kalidad ng gawain namin, hindi ba’t magmumukha akong masama? Iisipin kaya ng pinuno na wala akong kakayahan? Ayokong mawala si Brother Chen, pero para sa gawain ng iglesia, pumayag ako. Sa gulat ko, sinabi ng pinuno pagkatapos na may isa pang iglesia na may agarang pangangailangan, at gusto niyang tumulong si Sister Lu. Nang narinig ko ito, talagang nabigla ako. “Gusto mong kunin si Sister Lu? Ililipat na si Brother Chen, ngayon pati si Sister Lu? Mawawala ang dalawa sa pinakamahusay na miyembro ng pangkat namin, kaya tiyak na magdudusa ang gawain namin. Hindi puwede. Hindi mo puwedeng kunin si Sister Lu.” Pero pagkatapos ay naisip ko, “Kung tatanggi ako sa kanya, hindi ba niya iisiping makasarili ako?” Nagmungkahi ako ng isang kapatid na hindi ganoon kahusay. Sinuri ng pinuno ang lahat at pinili pa rin niya si Sister Lu, at inatasan akong magbahagi sa kanya sa bagong tungkulin niya. Sinabi ko na gagawin ko iyon kahit hindi ko gusto. Kinalaunan, umangal ako sa isang kapatid tungkol sa kawalan ng konsiderasyon sa akin ng pinuno, at paglilipat ng mga taong ito. Paano ko ba dapat gampanan ang gawain ko? Nagpatuloy ako, pero napagtanto kong mali ang sinasabi ko. Sinusubukan ko lang na kumampi sa akin ang kapatid na ito. Pagkakasala iyon sa Diyos. Mas lumala ang pakiramdam ko habang lalo ko itong iniisip. Pinagnilayan ko ang sarili ko, at nanalangin sa Diyos. Pagkatapos manalangin, naisip ko kung bakit sa tuwing may inililipat na tao mula sa pangkat ko, ginagawa ko ang lahat ng kaya ko para pigilan iyon. Ano ang tunay na likas sa likod ng ganoong pagkilos ko?

Binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos. “Ang mga tungkulin ay mga atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa mga tao; ang mga ito ay mga misyong dapat tapusin ng mga tao. Gayunman, ang tungkulin ay hindi gawaing personal mong pinamamahalaan, ni pambalanse sa iyong pamumukod-tangi sa maraming tao. Ginagamit ng ilang tao ang kanilang mga tungkulin bilang mga oportunidad ng sariling pamamahala at bumubuo ng mga pangkat; ang ilan upang tugunan ang kanilang mga pagnanais. … Ang ganoong mga pag-uugali tungkol sa tungkulin ay hindi tama; niyayamot nito ang Diyos at dapat kaagad iwasto(“Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Sa konteksto ng gawain ngayon, gagawin pa rin ng mga tao ang kaparehong uri ng mga bagay gaya ng kinakatawan ng mga salitang ‘higit na dakila ang templo kaysa sa Diyos.’ Halimbawa, itinuturing ng mga tao ang pagtupad ng kanilang tungkulin bilang kanilang trabaho; itinuturing nila ang pagpapatotoo sa Diyos at ang pakikipaglaban sa malaking pulang dragon bilang mga pagkilos na pulitikal sa pagtatanggol sa mga karapatang pantao, para sa demokrasya at kalayaan; ginagawa nilang karera ang kanilang tungkulin na gamitin ang kanilang mga kakayahan, nguni’t itinuturing nila ang pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan bilang isang piraso lang ng relihiyosong doktrina na susundin; at iba pa. Hindi ba sadyang katulad ang mga gawing ito ng ‘higit na dakila ang templo kaysa sa Diyos’? Ang pinagkaiba, dalawang libong taon na ang nakaraan, isinasagawa ng mga tao ang kanilang personal na gawain sa pisikal na templo, nguni’t ngayon, isinasagawa ng mga tao ang kanilang personal na gawain sa mga di-nahahawakang mga templo. Ang mga taong nagpapahalaga sa mga patakaran ay itinuturing ang mga patakaran na higit na dakila kaysa sa Diyos, ang mga taong umiibig sa katayuan ay itinuturing ang katayuan na higit na dakila kaysa sa Diyos, ang mga umiibig sa kanilang karera ay itinuturing ang kanilang karera na higit na dakila kaysa sa Diyos, at iba pa—ang lahat ng kanilang mga pagpapahayag ang nag-udyok sa Akin upang sabihing: ‘Pinupuri ng mga tao ang Diyos bilang pinakadakila sa pamamagitan ng kanilang mga salita, nguni’t sa kanilang mga mata ang lahat ng bagay ay higit na dakila kaysa sa Diyos.’ Ito ay dahil sa sandaling makakita ng pagkakataon ang mga tao sa kanilang daan ng pagsunod sa Diyos upang maitanghal ang sarili nilang mga talento, o upang maisagawa ang sarili nilang gawain o sarili nilang karera, inilalayo nila ang kanilang mga sarili mula sa Diyos at inilalagak ang kanilang mga sarili sa minamahal nilang karera. At tungkol naman sa ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos, at sa Kanyang kalooban, matagal nang naitapon ang mga bagay na iyon. Anong pinagkaiba ng katayuan ng mga taong ito at yaong nagsagawa ng kanilang sariling gawain sa loob ng templo dalawang libong taon na ang nakararaan?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III).

Sa mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng higit na kalinawan sa diwa ng mga kilos ko. Lumalaban ako at humahadlang sa tuwing gustong ilipat ng pinuno ang isang tao dahil tinrato ko ang tungkulin ko na personal kong alalahanin. Ang tingin ko sa mga nasa sarili kong pangkat ay mga tao na sinanay ko, kaya dapat nilang gawin ang kanilang tungkulin sa loob ng saklaw ko, sa loob lamang ng sarili naming pangkat, at hindi sa iba Hindi makatuwiran ang paraan ko ng pag-iisip. Walang katuturan. Ang anumang mga kalakasang mayroon ang mga kapatid na iyon ay itinakda sa una ng Diyos para sa Kanyang gawain. Dapat silang ilagay saanman sa bahay ng Diyos na kinakailangan sila. Iyon ang totoo. Pero sinusubukan kong panatilihin sila sa aking kontrol at tinatrato silang parang mga kasangkapan para sa sarili kong gawain, na nagtatrabaho para sa akin Ayokong may ilipat na kahit sino. Sinubukan ko pa ngang gumawa ng sariling mga grupo, at manghusga. Hindi ba’t kumikilos ako na parang mga Fariseo sa unang panahon, na lumalaban sa Panginoong Jesus? Noon, ang tingin nila sa templo ay sarili nilang saklaw ng impluwensiya at ayaw nilang sumunod ang mga mananampalataya sa Panginoong Jesus. Ginagawa nila ang lahat para kontrolin ang mga mananampalataya upang mapanatili ang sarili nilang katayuan, na sinasabing pag-aari nila ang mga mananampalataya At ako? Pinailalim ko sa aking kontrol ang mga kapatid, at hindi sila pinapakawalan. Hindi ba’t pinapalawak ko ang sarili kong saklaw ng impluwensiya at nilalabanan ang Diyos? Tinatahak ko ang landas ng anticristo, nilalabanan ko ang Diyos, at nagkasala ako sa Kanyang disposisyon. Nakakatakot ang inisip kong ito, at nagsimula akong kapootan ang sarili kong kamuhi-muhi at makasariling mga paraan. Nanalangin ako sa Diyos sa pagsisisi. Kinausap ko si Sister Lu tungkol sa kanyang paglipat, at ang kapatid na nalinlang ko, at nagbahagi tungkol sa likas ng sinabi ko kaya nakapag-isip-isip siya. Sa wakas ay nagtamo ako ng kaunting kapayapaan.

Pagkatapos mailipat sina Sister Lu at Brother Chen, sumali si Sister Li sa aming pangkat. May kakayahan siya at mabilis matuto. Hindi naantala ang gawain ng aming pangkat. Napagtanto kong ang paggawa ng tungkulin ko para sa bahay ng Diyos, hindi sa sarili kong layunin, ay isang paraan para pagpalain. Isasaayos ng Diyos ang tamang mga tao para itaguyod ang gawain Niya. Tatlong buwan matapos iyon, dumating si Sister Lin, na kasama ko sa gawain, mula sa isang pagtitipon, at sinabi sa aking mabuti ang ginagawa ng kalapit na iglesia, at kailangan nila ng tulong para sa mga bagong dating. Iminungkahi ng pinuno na pumaroon si Sister Li at magbigay ng tulong sa iglesiang iyon. Nakaramdam ulit ako ng inis pero napagtanto ko agad na mali ang kalagayan ko. Inisip ko ang lahat ng pagkakataong binalewala ko ang mga interes ng iglesia para sa sarili kong katayuan. Nalungkot talaga ako at nakonsyensya, at pagkatapos ay naalala ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang tungkulin mo ay hindi mo sariling gawain, at sa pagganap nito hindi ka gumagawa ng isang bagay para sa sarili mo o namamahala ng sarili mong gawain. Sa tahanan ng Diyos, anuman ang ginagawa mo, hindi ka nagtatrabaho sa sarili mong proyekto; ito ay gawain ng tahanan ng Diyos, ito ay gawain ng Diyos. Dapat palagi mong isaisip ang kaalamang ito at sabihin, ‘Hindi ko ito sariling gawain; ginagawa ko ang aking tungkulin at ginagampanan ko ang aking responsibilidad. Ginagawa ko ang gawain ng tahanan ng Diyos. Ito ay gawaing ipinagkatiwala ng Diyos sa akin at ginagawa ko ito para sa Kanya. Hindi ko ito sariling gawain.’ Kung iniisip mo na ito ay iyong sariling gawain at ginagawa mo ito ayon sa iyong sariling mga intensyon, prinsipyo, at motibo, kung gayon malalagay ka sa peligro(“Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Naging malinaw sa akin dahil sa mga salita ng Diyos na ang tungkulin ko ay tagubilin ng Diyos para sa akin, hindi isang personal na gawain. Hindi puwedeng gawin ko lang ang gusto ko para sa sarili kong mga personal na interes. Dapat kong isaalang-alang ang mga interes ng bahay ng Diyos at gawin ang ipinag-uutos ng Diyos. Iyon lang ang saloobing dapat taglayin ng isang nilikha sa kanyang tungkulin. Dati’y sarili ko lang ang iniisip ko, at gumagawa ako ng mga bagay na nakasira sa mga interes ng bahay ng Diyos. Hindi na ako puwedeng mamuhay sa ganoong paraan. Kailangan kong talikuran ang sarili kong mga kagustuhan, at isagawa ang katotohanan. Gumaan ang pakiramdam ko sa inisip kong ito. Sabi ko kay Sister Lin, “Ang lahat ng ito’y para sa gawain ng bahay ng Diyos. Dapat tayong makipag-usap kay Sister Li tungkol sa kanyang pagbabago sa tungkulin. Hindi natin puwedeng maapektuhan ang gawain ng bahay ng Diyos.”

Sa tungkulin ko, ang matutuhang bitawan ang sarili kong mga kagustuhan, isipin ang bahay ng Diyos, magkaroon ng konsensiya at katinuan, at makilala ang lugar ko ay galing lahat sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagkalas sa mga Buhol ng Puso

Ni Chunyu, Tsina Nangyari ’yon nung nakaraang tagsibol habang nasa tungkuling pang-ebanghelyo ako sa iglesia. Noong panahong ’yon, nahalal...