Paano Ko Dapat Salubungin ang Panginoon

Enero 25, 2023

Ni Jenny, Pilipinas

Ipinanganak ako sa isang Katolikong pamilya, at mula sa murang edad, sinunod ko ang mga pamamaraan ng Katolisismo at inasam ang pagbabalik ng Panginoon. Habang lumalaki ako, mas dumalas ang pagbabasa ko ng Bibliya sa pagsubok na maunawaan ang mas marami pang katotohanan. Ipinapaliwanag din ng pari namin ang mga kasulatan, gaya ng sa Pahayag 1:7: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.” Sinabi sa amin ng aming pari na sa pagbabalik ng Panginoon, bababa Siya sakay ng ulap, at makikita Siya ng lahat. Pero nabasa ko ang talatang ito sa Bibliya noong bente anyos ako: “Ngunit tungkol sa araw at oras na yaon ay walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kundi ang Ama lamang(Mateo 24:36). Sinasabi ng talatang ito na sa pagbabalik ng Panginoon, walang makakaalam nito, pero sinabi sa amin ng pari na pagbalik ng Panginoon, bababa Siya sakay ng ulap at makikita ng lahat. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Paano ba talaga babalik ang Panginoon? Labis akong naguluhan. Sa isang pagtitipon, tinanong ko ang isa pang pari, pero sinabi lang niya sa akin, “Ang Bibliya ay napakalinaw: Pagbalik ng Panginoon, Siya ay bababa sakay ng ulap. Hindi na kailangang pag-isipan ito nang husto. Basta’t naniniwala ka rito, ayos na ‘yon.” Nadismaya talaga ako sa ugali ng pari. Nais kong maunawaan ang tunay na kahulugan ng propesiya, pero sa Simbahang Katoliko, ginugugol lang namin ang mga araw sa pagdarasal at mga ritwal. Gayunman, ang mga ito’y hindi nagbigay sa akin ng anumang panustos o pagkaunawa sa salita ng Panginoon. Unti-unti akong nawalan ng interes sa Simbahang Katoliko at nagpatuloy na pumunta sa Misa dahil lang nakagawian na.

Noong 2001, nag-abroad ako para magtrabaho. Isang araw, inimbitahan ako ng kasamahan ko na dumalo sa isang Kristiyanong pagtitipon. Naisip kong baka matutunan ko roon ang tungkol sa katotohanan, kaya tinanong ko ang pastor para malutas ang kalituhan ko. Sumagot ang pastor nang walang pagdadalawang-isip: “Napakalinaw ng Bibliya tungkol dito, kaya ‘di na kailangan ng mga labis na paliwanag. Sa pagbabalik ng Panginoon, siyempre makikita natin Siyang bumababa sakay ng ulap.” Labis akong nadismaya sa sagot ng pastor at hindi pa rin nalutas ang problema ko. Sa paglipas ng panahon, wala rin akong mahanap na panustos kahit sa denominasyong ito at mas lalo lang naging hungkag ang pakiramdam ko. Lumakas nang lumakas ang pagnanais kong makahanap ng mga sagot. Kaya nagsimula akong bumisita sa iba pang mga Kristiyanong organisasyon, pero wala ni isa sa mga iyon ang makalutas sa kalituhan ko. Agad akong nanalangin sa Panginoon: “O Panginoon, pakiusap tulungan Mo po akong mahanap ang tamang simbahan, ang tamang tao na gagabay sa akin, para maunawaan ko ang katotohanan at malutas ang kalituhan ko.”

Pagkatapos, isang araw no’ng Enero 2019, na talagang isang espesyal na araw para sa akin, isang sister mula sa Australia ang nag-add sa akin sa Facebook. Nakita ko ang ilang artikulo na ibinabahagi niya sa kanyang timeline, gaya ng “Ano ang Isang Matalinong Dalaga,” “Paano Iparirinig sa Diyos ang Iyong mga Panalangin,” at iba pa. Labis na naiiba lahat ng content nila para sa’kin, at nadama kong may katotohanan dito, na baka masagot ng simbahan ng sister na ito ang mga katanungan ko. Kalaunan, tinanong niya ako kung gusto kong dumalo sa isang pagtitipon, at masaya akong nagpaunlak. Sa pagtitipon, sinabi ni Sister Camela, “Ngayon, magbabahaginan tayo sa kung paano eksaktong paparito ang Panginoon sa mga huling araw.” Medyo nagulat ako nang marinig ko na sabihin niya ito. Hindi ba ito ang kinalilituhan ko sa buong panahong ito? Hindi na ako makapaghintay sa pagbabahagi niya. Sabi ni Sister Camela: “Nang basahin nila ang propesiya sa Pahayag, ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7). maraming tao ang nag-iisip na pagbalik ng Panginoon, Siya ay bababa sakay ng ulap at makikita ng lahat, at sa isang kahanga-hangang tanawin, mahuhulog ang mga bituin mula sa kalangitan at mayayanig ang langit at lupa. Pero tama ba ang pananaw na ito? Sa katunayan, may iba pang mga talata ang Bibliya na nagpopropesiya sa pagbabalik ng Panginoon, ‘Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15), at ‘Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang(Mateo 24:36). Sinasabi ng mga talatang ito na sa pagbabalik ng Panginoon, paparito Siya ‘gaya ng isang magnanakaw’ at walang makakaalam kung kailan. Sinasabi sa atin ng mga talatang ito na tahimik na paparito ang Panginoon at walang makakaalam ng Kanyang pagbabalik. Kung sa pagbabalik Niya, magpapakita ang Panginoon sa harap ng tao sakay ng ulap upang makita ng lahat, paano matutupad ang iba pang mga propesiya?” Nabigla ako sa sinabi ng sister. Ito ang unang pagkakataon na narinig kong paparito ang Panginoon nang tahimik at “gaya ng isang magnanakaw.” Paanong hindi ito nabanggit ng mga pari at pastor? Pero kung Siya ay “paparito na gaya ng isang magnanakaw,” hindi ba ito sumasalungat sa propesiya ng Kanyang pagbabalik sa pamamagitan ng pagbaba sakay ng ulap? Gusto ko talagang malinawan dito. Nagpatuloy ang sister sa pagbabahagi: “Ang totoo, matutupad lahat ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon. Ito ay usapin lamang ng proseso at pagkakasunud-sunod. Una, palihim Siyang paparito na nagkatawang-tao, magbibigay ng mga katotohanan para linisin at iligtas ang sangkatauhan, pagkatapos, bababa Siya sakay ng mga ulap para hayagang magpakita sa lahat ng tao at bansa. Ganito matutupad ang lahat ng propesiya ng Kanyang pagbabalik.” Talagang namulat ako sa pagbabahagi ng sister na ito. Babalik pala ang Panginoon sa dalawang paraan. Buong puso akong sumang-ayon sa paliwanag niya. Talagang marami pa akong gustong malaman, kaya tinanong ko siya, “Nabanggit mo na lihim na paparito ang Panginoon sa katawang-tao. Ano ang ibig mong sabihin dito?” Binasa sa akin ng sister ang ilang talata mula sa Bibliya: “Kayo rin naman ay magsipaghanda: sapagkat sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating(Lucas 12:40). “Sapagkat gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). “Kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:37). Tapos, nagbahagi ang sister, “Nakikita mo ba kung ano ang susing salita ng lahat ng talatang ito? Binabanggit sa lahat ng talatang ito ‘ang Anak ng tao.’ Ipinapakita nito na sa pagbabalik ng Panginoon, palihim Siyang bababa bilang Anak ng tao. Kaya ano ang ibig sabihin ng ‘ang Anak ng tao’? Tumutukoy ito sa pagkakatawang-tao ng Diyos. Kung Siya ay Espiritu, hindi Siya matatawag na Anak ng tao, gaya ng kung paanong ang Diyos na si Jehova ay isang Espiritu at hindi matatawag na Anak ng tao. Ang Panginoong Jesus ay tinatawag na Anak ng tao dahil Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Bagamat mukha Siyang ordinaryong tao, ipinanganak ng isang tao, at may normal na pagkatao, nananahan sa loob Niya ang Espiritu ng Diyos—Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Kaya, ipinropesiya ng Panginoong Jesus ang pagbabalik Niya bilang ‘ang pagparito ng Anak ng tao,’ na nagpapakita na sa Kanyang pagbabalik, Siya ay magpapakita sa katawang-tao at hindi tuwiran bilang isang espirituwal na katawan.” Sa pagbabahagi ng sister, naunawaan ko ang tunay na kahulugan ng “ang Anak ng tao.” Nalaman ko rin na ang palihim na pagbaba ng Panginoon ay tumutukoy sa pagpapakita ng Diyos nang nagkatawang-tao. Nakaayon sa Bibliya ang pagbabahaging ito. Nagpatuloy na magbahagi ang sister, “Kaya, sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay bababa muna nang palihim nang nagkatawang-tao, magbibigay ng mga katotohanan at isasagawa ang gawain ng paghatol na magsisimula sa sambahayan ng Diyos para linisin at iligtas ang lahat ng itinaas sa harap ng Kanyang trono, at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay bago ang sakuna. Kapag nagawa na ang grupong ito ng mga mananagumpay, darating ang malaking sakuna, at sisimulan ng Diyos na parusahan ang masasama at gantimpalaan ang mabubuti. Pagkatapos ay bababa ang Diyos sakay ng ulap at hayagang magpapakita sa harap ng sangkatauhan, at sa panahong ito, ang buong sangkatauhan ay papalahaw. At bakit nila gagawin ito? Dahil sa pagbaba ng Diyos nang palihim sa katawang-tao, marami ang hindi makakakilala sa Kanya bilang Diyos. Makikita nilang pangkaraniwan Siya, hindi dakila, kaya hindi nila Siya ituturing na Diyos. Hindi lang nila Siya hindi tatanggapin, kundi hahatulan, lalabanan, at tatanggihan nila Siya. Tapos, kapag hayagan nang bababa ang Panginoon sakay ng ulap para gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama, makikita nila na ang totoo’y kinokondena at nilalabanan nila ang nagbalik na Panginoong Jesus, pero sa panahong iyon ay huli na ang lahat, at ang magagawa na lamang nila ay umiyak at magngalit ng kanilang mga ngipin. Sa panahong ito, ang propesiya ng Pahayag 1:7, ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya,’ ay ganap na matutupad! Kaya, napakahalaga na masalubong natin ang Panginoon sa Kanyang pagparito para gumawa sa katawang-tao. Kung maghihintay tayo hanggang sa bumaba na Siyang sakay ng ulap, magiging huli na ang lahat.” Pagkatapos makinig sa pagbabahagi ng sister, pakiramdam ko’y nakalaya na ako sa wakas mula sa bilangguan kung saan ako nakakulong nang napakatagal. Nakita ko ang liwanag at tunay na nakadama ng paglaya. Nilutas ng pagbabahagi ng sister ang kalituhan ko at ipinaunawa sa akin ang mga misteryo ng pagbabalik ng Panginoon. Nadama ko na may gawain ng Banal na Espiritu ang simbahan niya at ‘di na ako makapaghintay pa sa susunod na pagtitipon.

Ang hindi ko inaasahan ay na sa sumunod na pagtitipon, sinabi niya sa akin ang isang nakagugulat na impormasyon. Sabi niya, “Bumalik na ang Panginoon at nagkatawang-tao bilang Makapangyarihang Diyos. Nagbigay Siya ng maraming katotohanan at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos.…” Nang marinig ko ito, tuwang-tuwa akong nagulat, nasabik, at nagka-interes nang husto. Kung sinabi ng Bibliya na walang makakaalam sa pagbabalik ng Panginoon, paano nila nalaman ‘yon? Tinanong ko ang sister tungkol dito. Matiyaga siyang nagbahagi sa akin, “Kung walang nakaaalam sa Kanyang pagbabalik, paano natin Siya masasalubong? Sa katunayan, sinasabi ng Bibliya: ‘Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang(Mateo 24:36). Ibig sabihin nito, walang nakaaalam ng tiyak na oras ng pagbabalik ng Panginoon, pero ‘pag nagsimula na Siyang magsalita at gumawa, makikilala ng mga tao ang tinig ng Diyos mula sa Kanyang mga salita, pagkatapos ay malalaman nilang nagbalik na ang Panginoon, at sasalubungin nila ang Panginoon. Tinutupad nito ang mga propesiya ng Panginoong Jesus, ‘Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). ‘Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Tulad lang ito nang pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa. Sina Pedro, Juan, Santiago, Mateo, at ang iba pa ay hindi alam noong una na ang Panginoong Jesus ang Mesiyas, pero pagkatapos nilang makipag-ugnayan sa Kanya at makilala ang tinig ng Diyos mula sa Kanyang mga salita, nalaman nilang Siya ang Mesiyas. Pagkatapos nito, nagsimulang ipalaganap nina Pedro, Juan, at iba pa ang ebanghelyo ng Panginoon sa lahat ng dako. Ganito nalaman ng mas maraming tao ang pagliligtas ng Panginoon, at unti-unti, lumaganap ang mga nananalig sa buong mundo. Samakatwid, ang pagsalubong natin sa pagbabalik ng Panginoon ay hindi nakasalalay sa kung alam ba natin kung kailan Siya babalik, kundi sa halip ay kung makapag-iimbestiga ba tayo ‘pag maynagpapatotoo sa pagbabalik ng Panginoon, at kung makikilala ba natin ang tinig ng Panginoon kapag nagsasalita Siya. Sa ganitong paraan, masasalubong natin ang Panginoon.” Talagang umalingawngaw sa akin ang pagbabahagi ng sister dahil sa pagbabahagi ng salita ng Panginoon, nalutas ang kalituhan ko. Dati, lagi akong lito, nagtataka, “Paano ba talaga natin dapat salubungin ang Panginoon? Posible bang pasayahin ang Panginoon at salubungin Siya sa pamamagitan ng regular na pagdarasal at pagsunod sa mga tuntunin?” Pero ngayon naunawaan kong tanging sa pakikinig sa tinig ng Diyos natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Pagkatapos naramdaman kong ang kaliwanagang nakamit ko sa dalawang pagtitipong ’yon ay nalampasan nang husto ang nakamit ko sa lahat ng taon ko bilang Katoliko. Gusto kong matuto ng marami pang katotohanan, dahil matutulungan ako nitong mas makatiyak na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoon. Kaya tinanong ko pa ang sister: “Sa mga huling araw, bababa muna nang palihim ang Panginoon sa katawang-tao, at pagkatapos ay hayagang magpapakita sakay ng ulap, naiintindihan ko ito, pero bakit magkakatawang-tao muna ang Panginoon? Bakit hindi na lang Siya direktang magpakita sa anyong espiritu?”

Nagbahagi siya, “Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao para gumawa ay ganap na nakabatay sa pangangailangan ng Kanyang gawain, pati sa pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan.” Tapos, binasa sa’kin ng sister ang dalawang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa gamit ang pamamaraan ng Espiritu at pagkakakilanlan ng Espiritu, sapagkat ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi Siya maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. Kung hindi isinuot ng Diyos ang panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi magkakaroon ang tao ng paraan para tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagkat walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang nakalapit sa ulap ni Jehova. Personal Niyang magagawa ang salita sa lahat ng sumusunod sa Kanya sa pamamagitan lamang ng pagiging isang nilikhang tao, ibig sabihin, sa pamamagitan ng paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang maaaring personal na makita at marinig ng tao ang Kanyang salita, at higit pa rito, taglayin ang Kanyang salita, at nang sa gayon ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging katawang-tao, walang nagtataglay ng laman at dugo ang makakatanggap ng ganoon kadakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa gitna ng sangkatauhan, ang buong sangkatauhan ay babagsak o di kaya ay ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makalapit sa Diyos. … Sa pamamagitan lamang ng pagkakatawang-tao maaaring mamuhay ang Diyos na kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang normal na katawang may laman. Sa ganitong paraan lamang Niya maaaring matustusan ang mga tao ng praktikal na paraan na kailangan nila bilang mga nilalang. Ang tao ay nakakatanggap ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at hindi direkta mula sa langit bilang kasagutan sa kanyang mga panalangin. Sapagkat ang tao ay may laman at dugo, walang paraan ang tao na makita ang Espiritu ng Diyos, at lalong hindi nito malalapitan ang Kanyang Espiritu. Ang makakaugnayan lamang ng tao ay ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, at sa pamamagitan lamang nito nauunawaan ng tao ang lahat ng pamamaraan at lahat ng katotohanan at matatanggap ang ganap na kaligtasan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Ang pinakamahalagang gawain sa tiwaling tao ay yaong nagbibigay ng tumpak na mga salita, malinaw na mga mithiin na dapat pagsumikapang matamo, at na maaaring makita at mahawakan. Tanging makatotohanang gawain at napapanahong patnubay ang angkop sa panlasa ng tao, at tanging tunay na gawain ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at napakasamang disposisyon. Maaari lamang itong makamit ng Diyos na nagkatawang-tao; tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at napakasamang disposisyon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao). Nagpatuloy ang sister sa pagbabahagi: “Ipinropesiya sa Bibliya, ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagkat hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). ‘Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Sa pamamagitan ng mga propesiyang ito, alam natin na sa pagbabalik ng Panginoon, magbibigay Siya ng marami pang salita at isasagawa ang gawain ng paghatol na magsisimula sa sambahayan ng Diyos. Para magtamo ng pinakamainam na mga resulta ang gawaing ito, kailangang pumarito ang Diyos at gumawa sa katawang-tao. Dahil hindi natin nakikita’t nahahawakan ang Espiritu ng Diyos, at dahil ang isang salita mula sa Espiritu ng Diyos ay magpapataranta’t magpapasindak sa’tin, hindi tayo mangangahas na lumapit sa Kanyang Espiritu, at wala tayong paraan para makipag-usap sa Kanya. Paano natin mauunawaan ang katotohanan sa gano’ng paraan? Ang pagparito ng Diyos sa katawang-tao para iligtas ang sangkatauhan ay ang paraan para magtamo ng pinakamainam na mga resulta. Napakadali sa’ting makipag-ugnayan sa Kanya kung namumuhay Siya kasama natin bilang ang Anak ng tao. ‘Tsaka, magagamit ng Diyos ang wika ng tao para magbigay ng mga katotohanan sa anumang oras at saanmang lugar, magbigay ng mga tumpak na pahayag para gabayan tayo, at lutasin ang ating mga tanong at kalituhan. Kaya hindi na tayo bulag na mangangapa o manghuhula kung ano ang naaayon sa kalooban ng Diyos. Tulad noong pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa, tinanong Siya ni Pedro: ‘Panginoon, makailang beses magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? Hanggang sa makapitong beses?’ (Mateo 18:21). Direktang tumugon ang Panginoong Jesus: ‘Hindi pitong beses, kundi hanggang sa makapitumpo’t pitong beses(Mateo 18:22). Malinaw na sinabi ng Panginoon kay Pedro kung paano siya dapat magsagawa. Sa ganitong paraan, madaling mauunawaan ng mga tao ang kalooban ng Diyos, at malalaman kung paano nila dapat isagawa ang katotohanan. Gumamit din ang Panginoong Jesus ng mga bagay na makikita’t mahahawakan ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay, mga bagay na madali nilang mauunawaan, para gumawa ng mga talinghaga. Halimbawa, ang talinghaga ng lebadura, ang talinghaga ng mga mapanirang damo at trigo, ang talinghaga ng manghahasik, ang talinghaga ng buto ng mustasa, at iba pa. Dahil dito, nagkamit ang mga tao ng mas mabuting pagkaunawa sa katotohanan, para maintindihan kung ano ang niloloob at hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan, gayundin ay tunay na makamit ang pakiramdam ng Kanyang kabaitan at pagiging madaling lapitan. Bunga itong lahat ng salita at gawa ng Diyos nang Siya’y nagkatawang-tao. Sa parehong paraan, nagsasalita’t gumagawa sa hanay ng mga tao ang Makapangyarihang Diyos sa katawang-tao, nakikipag-ugnayan sa kanila nang napakapraktikal, at nakikipag-usap sa kanila nang harapan. Inihahayag Niya ang mga misteryo ng 6,000 taong plano ng pamamahala ng Diyos, ang katotohanan ng tatlong yugto ng Kanyang gawain, ang mga misteryo ng Kanyang pagkakatawang-tao, ang katotohanan ng pagtiwali ni Satanas sa sangkatauhan, at ang mga kahihinatnan ng iba’t ibang uri ng tao.… Nagbibigay-daan ito sa ating makakuha ng mas malawak at mas malalim na pag-unawa sa disposisyon at gawain ng Diyos. Kasabay nito, nagbibigay ang Diyos ng mga katotohanan sa anumang oras at saanmang lugar alinsunod sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, ibinubunyag ang ating mga satanikong disposisyon at ang iba’t iba nating kuru-kuro at imahinasyon ukol sa Kanya, at itinutuwid ang mga paglihis sa ating pananampalataya. Binibigyan din tayo ng Makapangyarihang Diyos ng mga landas para maiwaksi ang kasamaan at matamo ang Kanyang kaligtasan, halimbawa, kung paano maglingkod ayon sa Kanyang kalooban, paano maging matapat na tao, paano Siya igalang, sundin, at mahalin, at iba pa. Sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, parami nang parami ang ating nalalaman tungkol sa ating mga tiwaling disposisyon, kinamumuhian natin ang sarili mula sa kaibuturan, at tunay na nagsisisi. Naiintindihan din natin ang kalooban at mga hinihingi ng Diyos, nagkakamit ng kaunting kaalaman sa Kanyang disposisyon, at sa kung sino ang Kanyang inililigtas, kung sino ang Kanyang pinapalayas. Ito ang tanging paraan para tumpak nating maisagawa ang katotohanan, at sa wakas ay maiwaksi ang kasamaan at makamit ang kaligtasan ng Diyos.”

Pagkatapos kong marinig ito, nakita ko ang liwanag. Sinabi ko sa sister: “Naiintindihan ko na ngayon. Kung hindi nagpakita at gumawa sa katawang-tao ang Diyos, magiging mahirap para sa’tin na maunawaan ang katotohanan, pero dahil sa pagkakatawang-tao ng Diyos at pagsasalita gamit ang wika ng tao, nagiging madali sa’ting maunawaan ito, at nagiging posible para sa’tin na wastong isagawa ang katotohanan at sundin ang kalooban ng Diyos.”

Pagkatapos, binasa sa akin ng sister ang dalawa pang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos. “Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan, kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Bukod dito, hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ito rin ang katawan kung saan bumabalik ang Diyos sa katawang-tao. Isa itong napakapangkaraniwang katawang-tao. Wala kang makikitang anumang nagpapabukod-tangi sa Kanya sa iba, ngunit maaari kang magkamit mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi pa narinig dati. Itong hamak na katawang-taong ito ang kumakatawan sa lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, nangangasiwa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos upang maintindihan ng tao. Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na maunawaan ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito—mga lihim na wala pang taong nakapagsabi sa iyo, at sasabihin din Niya sa iyo ang mga katotohanang hindi mo nauunawaan. Siya ang pintuan mo patungo sa kaharian, at gabay mo patungo sa bagong kapanahunan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao). “Kahit na ang nakikita ng tao ngayon ay isang Diyos na katulad ng tao, isang Diyos na mayroong ilong at dalawang mata, at isang hindi kapansin-pansing Diyos, sa huli, ipakikita sa inyo ng Diyos na kung hindi umiral ang taong ito, sasailalim ang langit at lupa sa napakatinding pagbabago; kung hindi umiral ang taong ito, magdidilim ang kalangitan, masasadlak sa kaguluhan ang lupa, at mamumuhay ang buong sangkatauhan sa gitna ng taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung hindi pumarito ang Diyos na nagkatawang-tao upang iligtas kayo sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, magiging mga pangunahing makasalanan kayo magpakailanman, at magiging mga bangkay kayo habang panahon. Dapat ninyong malaman na kung hindi umiral ang katawang-taong ito, haharap ang buong sangkatauhan sa hindi maiiwasang kapahamakan at makikitang imposibleng makatakas sa mas matinding kaparusahang ipapataw ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, lahat sana kayo’y nasa kalagayan kung saan nagsusumamo kayo para sa buhay nang walang kakayahang mamuhay at manalangin para sa kamatayan nang hindi namamatay; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, hindi ninyo makakamit ang katotohanan at makakapunta sa harap ng trono ng Diyos ngayon, kundi sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa mabibigat ninyong kasalanan. Alam ba ninyong kung hindi dahil sa pagbabalik sa katawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; at kung hindi dahil sa pagparito ng katawang-taong ito, matagal na sanang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan? Dahil dito, magagawa pa rin ba ninyong tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang napakaraming pakinabang ang matatamo ninyo sa karaniwang taong ito, bakit hindi ninyo Siya malugod na tatanggapin?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao). Tapos, nagbahagi ang sister: “Ang Diyos na nagkatawang-tao ang bukal ng lahat ng katotohanan at ang lagusan natin sa kaharian. Sa pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, may pagkakataon tayong magkamit mula sa Kanya ng lahat ng katotohanan at pagkaunawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Saka lang tayo magtatamo ng pagsang-ayon ng Diyos at makakapasok sa kaharian ng langit. Kung wala ang pagparito ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw para gawin ang gawain ng paghatol upang iligtas ang sangkatauhan, hindi natin malilinis at mababago ang ating mga satanikong disposisyon, patuloy lang tayong gagawing tiwali ni Satanas, lalo nating lalabanan ang Diyos, at tuluyan tayong mapapahamak sa kalamidad. Samakatwid, ang kakayahang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon at tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay usapin ng buhay at kamatayan para sa atin! Dapat tayong maging lubhang maingat at samantalahin ang napakabihirang pagkakataong ito! Ang mga tumatanggap lamang sa Panginoon pero hindi kay Cristo sa mga huling araw ay hindi matatamo ang kaligtasan sa huli.”

Matapos makinig sa pagbabasa ng sister sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nadama kong nagmula sa Diyos ang mga salitang ito, at walang ordinaryong tao ang makabibigkas nito. Mula sa salita ng Diyos, naramdaman ko rin ang pagmamalasakit Niya sa sangkatauhan. Nagkatawang-tao ang Diyos sa lupa sa mga huling araw, personal na nagbibigay ng mga katotohanan para iligtas tayo mula sa katiwalian ni Satanas. Ang paggawa ng Diyos sa ganitong paraan ay para iligtas ang sangkatauhan. Napakadakila ng pagmamahal ng Diyos sa atin! Sabik na sabik ako, at dama kong tunay akong pinagpala na marinig ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Gusto ko na lamang magbasa ng marami pang salita ng Makapangyarihang Diyos, at ayokong may makaligtaan kahit isang pagtitipon. Kahit na abala ako sa trabaho o may sakit, gusto ko pa ring dumalo sa mga pagtitipon dahil nais kong makaunawa ng mas marami pang katotohanan. Pagkatapos nun, maraming beses akong nakipagtipon sa iba at nakipagbahaginan sa iba ng salita ng Makapangyarihang Diyos, at naunawaan ko ang kaibahan ng tunay na Cristo sa mga huwad, ang mga misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang ugnayan sa pagitan ng Diyos at ng Bibliya. Marami rin akong napanood na pelikula at bidyo mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at nakitang gumawa na ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay sa China. Natupad na ang mga propesiya ng Pahayag. Sa pagsisiyasat, naging tiyak ako sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, desididong ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at sinalubong ko ang Panginoon! Ako’y galak na galak. Para sa akin, walang kasinghalaga ang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Nais kong hangarin ang katotohanan, gumawa ng isang tungkulin para ipalaganap ang salita ng Diyos, magpatotoo sa gawain ng Diyos, at magdala ng mas marami pang taong nananabik sa Kanyang pagpapakita sa harapan Niya. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ibang Klase ng Pagmamahal

Ni Chengxin, Brazil Isang di-sinasadyang pagkakataon noong 2011 ang nagtulot sa akin na makapunta sa Brazil mula sa China. Noong...