Hindi Ako Mapipigil ng mga Paghihirap sa Aking Tungkulin

Enero 10, 2022

Ni Yan Ping, Tsina

Naaalala kong nangyari ’to matapos akong mapili na maging isang lider ng iglesia. Noong panahong ’yon, kakasimula pa lang ng CCP ng isang bagong round ng mga malawakang pag-aresto ng mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi ko mapigil na medyo mag-alala—dahil sa sama ng kasalukuyang sitwasyon, kung pupunta ako sa mga pagtitipon at iba’t ibang mga lugar na tinitipunan araw-araw, maaaring maaresto nga ako ng pulis. Kung maaresto ako, tiyak na daranas ako ng pagpapahirap at kalupitan. Dati na akong may mahinang konstitusyon at hindi ko kailanman kinailangan na magtiis ng paghihirap, kaya papa’no ko matitiis ang pagpapahirap? Natakot ako sa pag-iisip ng lahat ng ito at ayoko nang tanggapin ang tungkulin. Pero nang maisip ko kung paano ako pinili ng mga kapatid na maging isang lider, at kung paanong ipinapakita nito ang tiwala nila sa akin, hindi ko mabigyang katwiran ang hindi pagtanggap sa atas dahil lang sa natakot ako. Kaya maingat akong sumagot: “Talaga bang handa ako para rito? Hindi pa ’ko kailanman nakahawak ng posisyon ng lider noon, kung mahaharap ako sa ilang problema na hindi ko malutas, hindi ba maaantala ko ang gawain ng Iglesia?” Sinagot ako ng lider sa pagbabahagi, sinasabing, “Ang mga tungkuling ibinigay sa’tin ay kumakatawan sa pagkakataon para sanayin ang sarili natin. Subukan mo lang gawin ang lahat ng kaya mo.” Matapos marinig ang pagbabahagi ng lider, tinanggap ko ang tungkulin. Pero kalaunan matapos ’yon, nagsimulang sunud-sunod na dumating ang mga mensahe mula sa lider ko, ipinapaalam sa’kin na inaresto ang mga kasamahan kong sina Sister Li at Sister Wu at ilan pang ibang miyembro, kasama ang anim na mga lider at mga kasamahan mula sa ibang iglesia, at hinihiling na manatili kaming lahat na alerto at nagbabantay. Nataranta ako, paanong gano’n karaming mga kapatid ang naaresto? Napagtanto ko na kakakita ko pa lang kay Sister Li ilang araw na ang nakakaraan, binabantayan din kaya ako ng mga pulis? Kung nagsimula na silang subaybayan ako, ilang panahon na lang bago nila ako arestuhin, dahil may mga security camera kahit saan. Talagang delikado ang pagganap sa mga tungkulin ko sa ganitong uri ng kapaligiran … Talagang natatakot ako sa tuwing naiisip ko ito. Labis akong natakot na bigla na lang akong aarestuhin isang araw habang gumagawa. Sa labas, parang tinutupad ko ang mga tungkulin ko, pero hindi ko maisapuso ang ginagawa ko, at bihira akong huminto para isipin kung paano ko mas matutupad ang mga tungkulin ko. Minsan, kapag pumupunta sa’kin ang mga kapatid na may mga problema, ni wala ako sa mood para tumulong.

Hindi nagtagal matapos ’yon, nakakuha ako ng isa pang mensahe mula sa lider ko, sinasabing ipinapatukoy ng mga pulis sa inarestong mga kapatid ang mga miyembro ng iglesia mula sa isang salansan ng mga litrato, at naglalagay sila ng harang sa mga kalye at intersection at hinahalughog ang bag ng mga tao. Pinaalalahanan niya kami na maging napakaingat sa tuwing lumalabas kami. Pagkarinig nito, mas lalo akong nag-alala. Mukhang nakapangolekta na ang mga pulis ng maraming impormasyon sa’king mga kapatid. Nakunan kaya kami ng litrato nung panahon na nakipagkita kami kay Sister Li? Kung nakunan ’yon ng video, siguradong malalaman ng mga pulis na nagsasagawa ako ng gawaing pang-iglesia nang makita nila ako sa buong footage. Kung talagang maaaresto ako, siguradong pahihirapan nila ako at pupuwersahin na magtapat! Habang pauwi sakay ng electric scooter ko, tensyunado at kabado ako sa buong byahe—dinala ako sa isang napakadilim na lugar ng mga mensahe sa akin ng lider. Kahit madilim na sa labas, hindi ako nangahas na alisin ang sunglasses ko. Ayokong sumugal na makunan ng isang security camera at maaresto anumang oras ng mga pulis. Isang napakamakasariling ideya ang naisip ko nung oras na ’yon. Naisip ko, “Baka puwede akong makipagkasundo sa lider ko, at ipasa na lang sa mas matandang sister ang trabaho ko. Mahigit limampu na ang edad niya—kahit pa maaresto siya, marahil hindi na gamitin sa kanya ng mga pulis ang taktika nila ng pagpapahirap.” Pero napagtanto ko agad kung gaano kasakim ang ideyang ’yon. Dahil takot ako na mahuli at sumailalim sa pagpapahirap at naramdaman kong delikado ang sitwasyon, ginusto kong ipasa ang trabaho sa mas matandang sister. Napakapangit at napakababa ko! Pero kasabay nito, hindi ko mapigil na medyo kabahan at matakot. Madalas pumasok sa isip ko ang mga imaheng ito ng mga kapatid na pinahihirapan at nagdurusa. Mas lalo akong natakot sa pag-iisip tungkol dito at hindi ko matiis na magreklamo sa sarili ko: “Bakit kasi gano’n kadelikado ang trabahong pinagagawa nila sa’kin? Pa’no kung maaresto ako, pa’no na? Napakabata ko pa, kailangan ko bang humarap sa pagpapahirap at pagdurusa at makulong para mahirapan habang nabubuhay ako?” Labis akong nababagabag at natatakot, kaya nanalangin ako sa Diyos, sinasabi sa kanya ang tungkol sa kalagayan ko: “O, Makapangyarihang Diyos! Patuloy akong natatakot na maaresto ako at sumailalim sa pagkakakulong, pagpapahirap at pagdurusa. Hindi ko mapayapa ang puso ko habang ginagampanan ang mga tungkulin ko at gusto ko pang ipasa ang tungkulin ko sa iba, at palagi akong makasariling iniisip lang ang sarili kong laman. Ayokong mabuhay sa takot at pagkangimi. Ayokong malinlang ni Satanas. Diyos ko, panalangin kong paliwanagan Mo ako at tulutan akong maunawaan ang kalooban Mo. Hinihiling ko ring taniman Mo ako ng lakas para makatayo akong matatag sa mahirap na sitwasyong ito.”

Pagkatapos, naalala ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos na tinatawag na “Tularan ang Panginoong Jesus.” “Habang nasa daan patungong Jerusalem, si Jesus ay nagdurusa, na para bang isang kutsilyo ang pinipilipit sa Kanyang puso, subali’t Siya ay wala ni bahagya mang intensyong talikuran ang Kanyang salita; palaging mayroong isang makapangyarihang puwersang humihimok sa Kanya na sumulong kung saan Siya ay ipapako sa krus. Sa kahuli-hulihan, Siya ay ipinako sa krus at naging wangis ng makasalanang laman, tinatapos ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Nakawala Siya sa mga gapos ng kamatayan at ng Hades. Sa harap Niya, ang mortalidad, impiyerno, at Hades ay nawalan ng kapangyarihan, at nalupig Niya. Siya ay nabuhay sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon, sa kabuuan nito ay palagi Niyang ginawa ang Kanyang makakaya upang tuparin ang kalooban ng Diyos ayon sa gawain ng Diyos sa panahong iyon, hindi kailanman isinasaalang-alang ang Kanyang pansariling pakinabang o kawalan, at palaging iniisip ang kalooban ng Diyos Ama. Dahil sa Kanyang serbisyo sa harap ng Diyos na ayon sa kalooban ng Diyos, inilagay ng Diyos ang mabigat na pasanin ng pagtubos sa buong sangkatauhan sa Kanyang mga balikat at pinahayo Siya upang tuparin ito, at Siya ay kwalipikado at nararapat na tumapos sa mahalagang gawaing ito. Sa kabuuan ng Kanyang buhay, tiniis Niya ang di-masusukat na pagdurusa para sa Diyos, at Siya ay tinukso ni Satanas nang di-mabilang na beses, nguni’t Siya ay hindi kailanman pinanghinaan ng loob. Binigyan Siya ng Diyos ng gayong napakalaking gawain dahil ang Diyos ay nagtitiwala sa Kanya, at nagmamahal sa Kanya. Kung, katulad ni Jesus, may kakayahan kayo na masusing pangalagaan ang pasanin ng Diyos, at talikuran ang inyong laman, ipagkakatiwala sa inyo ng Diyos ang Kanyang mahahalagang gawain sa inyo, upang inyong matugunan ang mga kondisyon sa paglilingkod sa Diyos. Sa gayong mga pagkakataon lamang kayo mangangahas magsabi na inyong ginagawa ang kalooban ng Diyos at tinatapos ang Kanyang tagubilin, at doon lamang kayo mangangahas magsabi na kayo ay tunay na naglilingkod sa Diyos(Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Talagang naantig ako habang inaawit ang kantang ito. Habang nahaharap sa sakit at paghihirap ng pagkakapako sa krus, hindi nagpakita ang Panginoong Jesus ng mga senyales ng pagsisisi o pagkatakot sa kabila ng kahinaan ng laman Niya. Sa halip, matatag Siyang naglakad patungo sa krus, tinitiis ang lahat ng sakit para isagawa ang handog para sa kasalanan, at tubusin ang lahat ng sangkatauhan mula sa paghawak ni Satanas, napakadakila ng pagmamahal ng Diyos para sa sangkatauhan. At ano ang kaibahan ng naging pagtrato ko sa Diyos? Sa pagsasagawa ko ng atas ng Diyos, sariling kaligtasan ko lang ang isinaalang-alang ko, at palagi akong takot na maaresto, makulong, pahirapan at magdusa. Nabuhay ako sa kakimihan at takot, at nagpadala lang sa pagganap sa mga tungkulin ko, hindi kailanman nagkakamit ng anumang tunay na epekto. Nang makita ko kung gaano kadelikado ang sitwasyon, naisip ko pang ipasa ang mga tungkulin ko sa isang mas matandang sister. Napakamakasarili ko at kasuklam-suklam! Sa mga oras ng pagsubok na ’yon, ni hindi ko inisip ang pagpapatotoo para sa Diyos at pagpapahiya kay Satanas. Sariling laman ko lang ang inisip ko, at kung pa’no ko ligtas na matutupad ang mga tungkulin ko nang hindi dumaranas ng paghihirap o mga pagsasakripisyo, para sa huli ay magkamit ako ng pagliligtas ng Diyos at tumanggap ng mga pagpapala Niya kasama ang lahat ng mga ipinangako Niya. Sa harap ng kahirapan, ginusto kong talikuran ang mga tungkulin ko alang-alang sa sarili kong kaligtasan, at nangatwiran pa sa Diyos at nagrebelde sa Kanya, pero nang mapagtanto ko kung paanong transaksyunal ang lahat ng ideyang ito na meron ako sa paniniwala ko sa Diyos, hindi ko magawang magsalita ng anuman. Naisip ko si Pedro, na ganap na nagpasakop sa Diyos sa gitna ng paghihirap. Hindi niya kailanman inalala ang sarili niyang kapakanan, sa halip ay inilaan ang sarili sa pagpapalugod sa kalooban ng Diyos, at pag-aliw sa puso ng Diyos. Sa huli, ipinako siya sa isang baligtad na krus bilang isang maningning na patotoo para sa Diyos. Sa pagkukumpara sa sarili kong mga kilos sa ikinilos ni Pedro, napahiya ako at nakonsiyensya, kaya lumapit ako sa Diyos at nanalangin sa Kanya: “Diyos ko! Inilantad ng sitwasyong ito ang kasakiman at kababaan ko. Natakot ako na makulong at maghirap, at hindi kailanman naisip kung paano ako makakapagpatotoo para sa Iyo. Diyos ko, ayoko nang mag-alala tungkol sa personal kong kapakinabangan o makukuha at malulugi. Gusto ko lang tuparin ang tungkulin ko para palugurin Ka. Kung talagang maaaresto at mauusig ako, handa akong magpasakop. Isinusumpa ko sa buhay ko na hindi ako magiging isang Hudas at pagtataksilan ang aking mga kapatid at magpapatotoo para sa Iyo.” Matapos tapusin ang panalangin ko, talagang napayapa ako at matino.

Pagkatapos, naalala ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa lahat ng bagay na nagaganap sa sansinukob, walang anuman na hindi Ako ang may huling kapasyahan. Mayroon bang anumang wala sa Aking mga kamay?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 1). Bigla kong naunawaan ang lahat. Siyempre! Kahit dumalo ako ng mga pagtitipon at gumawa ng tungkulin ko araw-araw, hindi ako aarestuhin hangga’t walang pahintulot ng Diyos. Kung itinalaga ng Diyos na dapat akong dumanas ng pang-uusig at paghihirap, kahit buong araw akong magtago sa loob, maaaresto pa rin ako. Nasa mga kamay ng Diyos ang lahat ng bagay, kaya dapat ko na lang yakapin ang anumang sitwasyon na kinakaharap ko. Gagawin ko ang lahat para isagawa ang estratehiyang pangkaligtasan namin, pero pagdating sa pagkakaaresto, nakahanda akong magpasakop sa mga pakana at pagsasaayos ng Diyos. Binigyan ako ng lakas at pananalig ng kaliwanagan at tanglaw na natanggap ko mula sa mga salita ng Diyos, at agad akong napalaya. Simula no’n, kapag lumalabas ako para sa mga pagtitipon, mas kalmado ako at bawas na ang takot. Ipinagpatuloy ng CCP ang matindi nilang pang-aaresto, pero nang makita ko kung paanong nagdala ng pananalig sa nga kapatid ang mga salita ng Diyos, na nagtulot sa kanila na ituloy ang gawain nila, masyado akong napukaw, at nagawa kong magtuon at magsakripisyo sa mga tungkulin ko. Malinaw kong nararamdaman na ginagabayan ako ng Diyos, at nagawa kong lutasin ang ilan sa mga problema ng mga kapatid. Normal din na umuusad ang gawain ng iglesia. Ipinakita nito sa’kin na gaano man kabangis at kasutil si Satanas, hindi niya kailanman magagambala ang gawain ng Diyos. Mas lalong lumakas ang pananalig ko sa Diyos.

Inakala ko na matapos danasin ang lahat ng ’yon, maaaring nagkamit na ako ng kaunting tayog, kaya hindi ko kailanman inakala na kapag nagsaayos uli ang Diyos ng isang senaryo para sa’kin, muli akong lubusang malalantad.

Nitong nakaraang Hulyo, nakatanggap ako ng mensahe mula sa lider ko, sinasabing si Sister Liu, na madalas kong makaugnay, ay sinundan ng mga pulis sa nakalipas na dalawa hanggang tatlong buwan. Ang mahigit dalawampung mga kapatid na nakaugnayan ni Sister Liu ay minamatyagan din ng mga pulis, at kasama ako roon. Sinabi niya rin na malaki ang posibilidad na kinunan ng litrato ng pulis ang mga lugar kung saan dumalo ng mga pagtitipon si Sister Liu. Dahil dito, pinayuhan ako ng lider ko na kinakailangan kong umiwas sa pakikipag-ugnayan sa aking mga kapatid. Matapos basahin ito, hindi ko na kayang maging kalmado, naisip ko: “Madalas kong makita si Sister Liu, at nakasama ko pa siyang magbisikleta papunta sa probinsya kamakailan lang. Nalilinyahan mula taas hanggang baba ang kalsadang ’yon ng mga security camera; kung nakakuha sila ng footage namin, magkakaro’n ako ng malaking problema. Mas malayang inaaresto at inuusig ng CCP ang mga Kristiyano. Kapag naaresto ako sa mahalagang panahong ito, sino’ng nakakaalam sa klase ng pagpapahirap na ipaparanas sa’kin ng pulis. Bubugbugin ba nila ako hanggang sa mamatay?” Habang lalo ko ’yong iniisip, mas lalo akong natatakot at hindi ko mapakalma ang sarili ko at nagbasa ng mga salita ng Diyos. Hindi nagtagal, nalaman ko na iniimbak ang mga libro ng mga salita ng Diyos sa bahay na inuupahan ni Sister Liu. Kung hindi aalisin agad ang mga ’yon, madidiskubre ’yon ng mga pulis, at magkakaro’n ng mga pinsala ang bahay ng Diyos. Pero salungat ang naramdaman ko: Kung sabagay, nasa gitna ng isang matinding kampanya ng paghahanap at pang-aaresto ng mga mananampalataya ang mga pulis. Kung nagkataon na makasalubong ko ang mga pulis habang nililipat ang mga libro, hindi ba magkakaro’n na sila ng lahat ng ebidensyang kailangan nila? Kung gano’n, imposibleng walang makakasamang pagpapahirap ang interogasyon, at maaari ’yong maging nakamamatay para sa’kin. Sa pagsasaalang-alang ng lahat ng ito, ayokong umalis. Pero naisip ko rin na kapag hindi ako umalis, talaga bang payag akong magbulag-bulagan sa katotohanan na magkakaro’n ng mga pinsala ang bahay ng Diyos? Nakipagbuno ako sa mga isipjng ito nang ilang panahon, pero hindi ako makapagdesisyon.

Kinabukasan, may nakita akong isang sipi ng mga salita ng Diyos. “Ang mga anticristo ay lubhang makasarili at hindi mabait. Wala silang tunay na pananampalataya sa Diyos, lalong walang debosyon sa Diyos; kapag nakakasagupa sila ng isyu, sarili lamang nila ang kanilang pinoprotektahan, sarili lamang nila ang kanilang iniisip. Para sa kanila, wala nang mas mahalaga pa kundi ang maisalba at mailigtas ang kanilang sarili. Wala silang pakialam kung gaano kalaki ang pinsala sa sambahayan ng Diyos—basta’t buhay pa rin sila at walang anumang nangyayari sa kanila, iyon lang ang mahalaga para sa kanila. Malupit ang disposiyon ng gayong mga tao, hindi nila iniisip ang mga kapatid, o ang sambahayan ng Diyos, sarili lamang nila ang kanilang iniisip. Sila ay mga anticristo. Kaya kapag may gayong mga pangyayari sa mga tapat sa Diyos at may tunay na pananampalataya sa Diyos, paano nila hinaharap ito? (Iisip sila ng anumang paraan para maingatan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, upang maprotektahan ang mga handog ng sambahayan ng Diyos nang huwag itong mapinsala, at gagawin ang mga kinakailangang pagsasaayos para sa mga kapatid. Sa kabilang dako, ang unang ginagawa naman ng mga anticristo ay protektahan ang kanilang sarili at balewalain ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Kaya nga, kapag nang-aaresto na ang malaking pulang dragon, lubhang grabe ang pinsala sa mga iglesia.) Ang ginagawa ng mga anticristo ay katumbas lamang ng pagsuko ng gawain at mga handog ng sambahayan ng Diyos sa malaking pulang dragon, isa itong uri ng pagtataksil—at wala silang pakialam. Alam na alam ng mga taong tapat sa Diyos na may kaakibat na mga panganib, at handa silang harapin ang mga panganib na iyon upang harapin ang kinahinatnan ng mga pangyayari at maingatang huwag masyadong mawalan ang sambahayan ng Diyos bago sila mismo ang umatras. Hindi nila inuuna ang sarili nilang kaligtasan. Ano ang masasabi ninyo rito: Magagawa ba ng mga taong hindi intindihin kahit bahagya ang sarili nilang kaligtasan? Sino nga ba ang hindi nakababatid sa mga panganib sa kanilang paligid? Gayunpaman, dapat kang sumuong sa mga panganib upang matupad ang iyong tungkulin. Responsibilidad mo ito. Hindi mo dapat unahin ang pansarili mong kaligtasan. Ang gawain ng sambahayan ng Diyos at ang bagay na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos ang pinakamahalaga, at ang mga ito ang dapat unahin higit sa lahat. Mas inuuna ng mga anticristo ang pansarili nilang kaligtasan; naniniwala sila na walang kinalaman sa kanila ang anupamang bagay. Wala silang pakialam kapag may nangyaring anuman sa ibang tao, kahit sino pa ito. Basta’t walang masamang nangyayari sa mga anticristo mismo, panatag ang loob nila. Wala silang katapatan. Ito ang diwa ng isang anticristo(“Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikalawang Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Talagang nasaktan ako sa siping ito ng mga salita ng Diyos. Masama at talagang makasarili at kasuklam-suklam ang disposisyon ng isang anticristo. Pagdating sa kanilang personal na kaligtasan, mas gugustuhin pa nilang mawalan ang gawain ng bahay ng Diyos kaysa malagay sa panganib ang mga sarili nila. Wala sila ni katiting na konsiyensya o katwiran, at wala rin sila kahit kaunting katapatan sa Diyos. Ako naman, nang maharap ako sa panganib, inisip ko lang kung paano ko poprotektahan ang sarili ko at paano ko maiiwasan ang mga panganib. Nang marinig ko na nasa bahay pa rin ang mga libro ng mga salita ng Diyos, malinaw kong naunawaan na kung hindi ko aalisin ang mga ’yon, baka kumpiskahin ang mga libro ng mga pulis at magkakaro’n ng mga pinsala ang bahay ng Diyos. Dapat inuna ko ang mga interes ng bahay ng Diyos at inalis kaagad ang mga librong ’yon, pero natakot ako na kung ipapakita ko ang mukha ko, aarestuhin ako ng mga pulis at sasailalim sa pagpapahirap at pagdurusa, at maaari ko pa ’yong ikamatay, kaya ayokong umalis. Hindi ba parang ibinibigay ko na sa mga pulis ang mga librong ’yon ng mga salita ng Diyos? Anuman ang sitwasyon, palagi kong inuunang isaalang-alang ang sarili kong kaligtasan at hindi ko gaanong pinapansin ang mga interes ng bahay ng Diyos. Gusto kong maniguro sa mga tungkulin ko, pero sa paggawa nito pinagtataksilan ko ang mga interes ng bahay ng Diyos. Napakalupit ko! Bagaman sa pablabas, tila hindi naman ako kasing-makasalanan gaya ng isang anticristo, walang kaibahan ang disposisyon ko sa disposisyon ng isang anticristo. Makasarili ako, kasuklam-suklam at kumikilos lang ako dahil sa pansariling interes. Kung hindi ako nagsisi, tiyak na matatamo ko ang matinding galit at pagtanggi ng Diyos. Ang mga tunay na naniniwala at nanalig sa Diyos ay hindi nagsasaalang-alang sa sarili nilang kaligtasan. Sa mahahalagang sandali, isinasantabi nila ang personal nilang mga interes at pinoprotektahan ang mga interes ng bahay ng Diyos. Iisa ang puso at isip nila para sa Diyos. Doon ko na nasigurado na kailangan kong talikuran ang sataniko kong disposisyon, at gaano man kadelikado ang sitwasyon, o gaano man karaming kagipitan ang harapin ko, dapat akong maging handa na isugal ang lahat para protektahan ang mga interes ng bahay ng Diyos. Nakahanda akong ilagay ang pananalig ko sa Diyos at alisin ang mga librong ’yon para mabawasan ang mga pinsala hangga’t maaari. Matapos ’yon, patuloy na umikot sa problemang ito ang mga panalangin ko, at hiniling ko rin sa Diyos na bigyan ako ng pananalig at alisin sa’kin ang lahat ng pagkakimi at takot. Naisip ko ang isang pelikula na napanood ko nung nakaraang dalawang araw na tinawag na Markado. Sumailalim sa mga pag-aresto at pang-uusig ng CCP ang bida simula sa murang edad na 13. Sa loob ng 28 na taon, tatlong beses siyang inaresto at sumailalim sa lahat ng uri ng pang-uusig. Ngunit kahit gaano man kasakit at kahirap ang mga bagay at kahit nanganganib ang buhay niya, umasa siya sa mga salita ng Diyos para makatayong matatag sa bawat hakbang, at sa huli ay matalo si Satanas at makatayong saksi. At saka, kahit matapos makalabas sa kulungan, patuloy niyang tinupad ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang. Naisip ko rin ang maraming mga kapatid na inaresto, pinahirapan at brinainwash ng CCP, at kung paano nila ginamit ang mga salita ng Diyos para mapagtagumpayan ang pamimilit at pang-uusig ni Satanas. Napagtanto ko na gaano man kasama at kalupit si Satanas, hangga’t maaari tayong taos-pusong umasa sa Diyos at magabayan ng mga salita ng Diyos, mapagtatagumpayan natin si Satanas at tatayong saksi. Labis na nakakapagpalakas ng loob ang lahat ng ito at nakatulong na magpabago sa pananalig ko—hindi na ako gaanong natakot.

Pagkatapos, nagnilay din ako sa sarili ko: Ang dahilan kaya napakatutol ko na tanggapin ang ganitong uri ng mapanganib na tungkulin, ay dahil sa takot akong mapahirapan ng mga lis. Ayokong maghirap, at mas lalong ayokong mamatay. Pagkatapos, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang landas kung saan ginagabayan tayo ng Diyos ay hindi diretso, bagkus ay isang paliku-likong daan na puno ng mga lubak; sinasabi ng Diyos, bukod dito, na habang mas mabato ang landas, mas maibubunyag nito ang ating mga pusong mapagmahal. Gayunman ay wala ni isa man sa atin ang makapagbubukas ng gayong landas. Sa Aking karanasan, lumakad na Ako sa maraming mabato, mapanganib na mga landas at dumanas na Ako ng matinding pagdurusa; may mga sandali na lubos Akong namimighati hanggang sa punto na gusto Kong maghumiyaw, nguni’t nilakaran Ko na ang landas na ito hanggang sa ngayon. Naniniwala Ako na ito ang landas na pinangungunahan ng Diyos, kaya tinitiis Ko ang pagpapahirap ng lahat ng pagdurusa at nagpapatuloy na sumulong. Sapagka’t ito ang naitalaga na ng Diyos, kaya sinong makatatakas dito? Hindi Ko hinihingi na makatanggap ng anumang mga pagpapala; ang hinihingi Ko lang ay makaya Kong lumakad sa landas na dapat Kong lakaran ayon sa kalooban ng Diyos. Hindi Ko hinahangad na gayahin ang iba, na lumakad sa landas na kanilang nilalakaran; ang hinahangad Ko lang ay nawa matupad Ko ang Aking debosyon na lumakad sa itinalaga sa Aking landas hanggang sa katapusan. … Kung gaano man ang dapat ipagdusa ng isang indibidwal at kung gaano man kalayo ang dapat nilang lakarin sa kanilang landas ay itinakda ng Diyos, at na walang sinuman ang tunay na makatutulong sa kaninuman(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Landas … 6). Naisip ko rin kung paanong sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Sapagka’t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon(Mateo 16:25). Doon ko napagtanto, na nasa mga kamay ng Diyos ang tadhana ng bawat tao, pati na ang buhay at kamatayan niya. Kung maaaresto at makukulong o mapapahirapan at magdurusa man ako, nasa sa Diyos na ’yon. Ganap akong magpapasakop. Gaya ng kuwento ng panunukso ni Satanas kay Job, kinuha ang ari-arian ni Job, pinatay ang mga anak niya at napuno ng mga pigsa ang buong katawan niya. Hindi papayagan ng Diyos si Satanas na kunin ang buhay ni Job, kaya hindi nangahas si Satanas na salungatin Siya. Ito ang awtoridad ng Diyos. Alam ni Job ang kapangyarihan ng Diyos, kaya kahit pinangingibabawan ng matinding paghihirap, hindi niya sinisi ang Diyos at sinabi pang: “Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nagalis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). Sa huli, labis na pinahiya ni Job si Satanas at nagkamit ng dobleng mga pagpapala mula sa Diyos. Mula nang sinimulan ng Diyos ang gawain Niya, itinalaga at plinano Niya na kung sino ang mamamatay para sa kanilang pananalig, sino ang makukulong at anong uri ng paghihirap ang daranasin ng bawat isa, at, sa bawat kaso, nasa loob no’n ang mabubuting intensyon ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, maraming mga santo ang namatay habang nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Gaya na lang ni Pedro: Makikitang tila ipinako siya sa krus, pero bumangon sa kaharian ng langit ang kaluluwa niya at nagkamit ng walang-hanggang papuri at pagpapala ng Diyos. Marami sa mga kapatid natin na tumanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, ay inaresto ng CCP at sumailalim sa lahat ng uri ng malulupit na pagpapahirap at pang-aabuso, pero hindi sila sumuko kay Satanas. Matapos makalabas sa kulungan, pinagpatuloy nilang hanapin ang katotohanan at humarap sa panganib para tuparin ang mga tungkulin nila, nagbibigay ng maraming magaganda, nagniningning na patotoo sa Diyos. Mga mananagumpay silang lahat na kinumpleto ng Diyos. Maaaring naghirap ang kanilang laman, pero nagkamit sila ng katotohanan at natanggap ang papuri at pagpapala ng Diyos. Ngunit, mayroon ding mga matapos maaresto, ay takot nang mapahirapan at magdusa, kaya ipinagkanulo nila ang DIyos at ang kanilang mga kapatid at ipinahiya kagaya ni Hudas. Nilabag nila nang matindi ang disposisyon ng Diyos at permanente nang nawalan ng pagliligtas ng Diyos. May ilan tao rin na takot na makulong, kaya nabubuhay sila sa pagkakimi at takot at hindi nangangahas na tuparin ang mga tungkulin nila. Nalalayo sila at ipinagkakanulo ang Diyos, at nagiging mga damong-ligaw at di-mananampalataya. Sa katunayan, inihayag ng mga pag-aresto at pang-uusig ng CCP kung sino ang tunay na mga mananampalataya at sino ang mga huwad na mananampalataya, ihinihiwalay ang bawat isa ayon sa kanilang uri. Mula rito, makikita natin kung gaano katalino at katuwid ang Diyos! Doon ko naunawaan, na ang pag-aalis sa mga libro ng bahay ng Diyos ang paraan ng Diyos para subukin ako para makita kung ako ay tapat at totoo sa Diyos at kung magpapatotoo ako sa Kanya. Matapos ko itong mapagtanto, nagpasya ako na gawin ang lahat ppara tuparin ang tungkulin ko. Kung talagang maaaresto ako, isusugal ko ang lahat, pati na ang sarili kong buhay, para tumayong saksi sa Diyos, at hindi susuko kay Satanas kahit mangahulugan pa ’yon ng kamatayan ko. Nakaramdam ako ng labis na kapayapaan at katinuan, at nagpasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng puso ko para sa pagliligtas Niya, kaliwanagan at patnubay, na tumulot sa akin na maunawaan ang ilang katotohanan sa pamamagitan ng mga paghihirap na ito, at tinuruan ako ng isang mas praktikal na leksyon. Kinaumagahan, nagising ako at nanalangin sa Diyos, hinihiling na bigyan Niya ako ng pananalig at tapang at sinasabi sa Kanya na handa akong magpasakop sa Kanyang patnubay. Nagkataon na umuulan noong araw na ’yon; walang tao sa labas, kaya sinamantala ko ang pagkakataon para pumasok sa bahay, at alisin mula sa loob ang lahat ng mga libro ng mga salita ng Diyos.

Matapos ang karanasang ’yon, nakaramdam ako ng labis na kasiyahan at kahinahunan. Ang pagdanas ko ng lahat ng ’yon ang naglantad at pumerpekto sa’kin. Inilantad no’n kung gaano ako kasakim at kulang sa pagkatao, at ginawa no’ng perpekto ang pananalig at pagpapasakop ko. ’Yon ang patnubay ng salita ng Diyos na nagbigay sa’kin ng isang bagong pag-unawa sa pagiging makapangyarihan ng Diyos, soberanya at karunungan, at tinulutan akong isagawa ang katotohanan sa pag-iingat sa mga interes ng bahay ng Diyos. Maaaring hindi ko alam kung ano ang mga senaryo na naghihintay, pero hindi na ako napakakimi at takot. Handa akong magpasakop sa soberanya at mga pagsasaayos ng Diyos, at tuparin ang aking mga tungkulin at responsibilidad. Salamat sa Diyos sa pagliligtas sa akin!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply