Nasiyahan Ako sa Masaganang Handaan

Oktubre 8, 2019

Xinwei Lalawigan ng Zhejiang

Ang Hunyo 25 at 26, 2013 ay mga araw na hindi malilimutan. Ang aming rehiyon ay nakaranas ng isang malaking kaganapan, na halos lahat ng pinuno at manggagawa ng rehiyon ay dinakip ng malaking pulang dragon. Kakaunti lamang sa amin ang nakatakas nang hindi nasaktan at, sa aming mga puso na puno ng pasasalamat, nagkaroon kami ng sekretong panunumpa sa Diyos: na makipagtulungang mabuti sa susunod na gawain. Pagkatapos nito ay nagsimula kami sa abalang gawain ng pakikitungo sa bunga ng pangyayari. At pagkatapos ng halos isang buwan, ang mga kasunduan ay nalalapit nang matapos. Ang buwan na iyon ay naging mainit, at bagama’t pisikal kaming nagdusa, ang aming mga puso ay nakuntento, dahil umusad ang aming gawain nang matiwasay sa ilalim mismo ng ilong ng malaking pulang dragon. Nang natapos na ang gawain ay hindi ko namalayan ang aking sarili na nasa estado ng pagkatuwa sa sarili, iniisip ko kung gaano ako katalino na nakayanan kong ayusin nang mahusay ang gawain. Napakahusay ko talagang manggagawa! At dito sa sandaling ito ay ipinataw ng Diyos ang Kaniyang pagkastigo at paghatol

Isang gabi, marami sa aming magkakapatid ang nag-uusap-usap. Iminungkahi ng isang kapatid na sumulat ako sa XX at XX, nagtalaga ng ilang mga gawain sa akin, at nagdagdag ng isang panghuling pangungusap: “Huwag basta madaliin ito, ngayon ang panahon para magtago at isagawa ang mga espirituwal na panalangin. Pagtuunan ang mga espirituwal na panalangin at pagpasok sa buhay.” Sa sandaling narinig ko ang mga salitang ito ay tinutulan ito ng aking puso: Kailangan kong sumulat ng mga liham, kailangan kong magtrabaho. Nasaan ang oras para sa mga espirituwal na panalangin? Ikaw ay bagong dating, ako ay tagarito, pinoprotektahan kita sa pamamagitan ng pagbabawal ko sa iyo na lumabas at magtrabaho, at pinupuna mo ako? Kung umupo ako sa bahay na nagsasagawa ng mga espirituwal na panalangin sa buong maghapon tulad ng ginagawa mo, sino ang pupunta at gagawa sa gawain? Kailangang isaalang-alang ang dami ng gawain kapag nagtatalaga ng mga gawain; at dapat isaalang-alang ang sitwasyon bago ako pungusin. … Kinabukasan, lahat ay kumakain at umiinom at pinag-uusapan ang mga salita ng Diyos, subalit ako ay nagambala, walang nararamdamang kasiyahan sa pagkain at pag-inom. Lahat ng mga kapatid ay pinag-uusapan ang kanilang pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, samantalang ako ay nanatiling tahimik. Tinanong ako ng kapatid na iyon: “Bakit hindi ka nagsasalita?” Pagalit akong sumagot: “Wala akong pagkaunawa.” Nagpatuloy ang kapatid: “Nakikita ko na wala ka sa mabuting estado.” Sumagot ako nang hindi nag-iisip: “Wala akong napansin na anumang problema.” Ngunit ang totoo, ang aking mga iniisip ay malapit nang sumabog. Sa bandang huli, hindi ko na mapigilan ang mga ito at sinabi ko sa kanya kung ano ang bumabagabag sa akin. Ang kapatid na iyon ay nakinig at kaagad na inamin na siya ay naging mapangahas at hindi dapat nagtalaga sa akin ng mga gawain ayon sa kagustuhan niya. Subalit hindi ito sapat para isantabi ko ang aking pagtutol—sa kabaligtaran, naramdaman ko na naisagawa ko na ang katotohanan sa aking gawain sa panahong ito, at hindi niya dapat sinabing wala ako sa mabuting estado. Ano na lang ang iisipin ng mga pinuno sa distrito sa tabi namin? Pagkatapos ay nagpatuloy ang kapatid: “Nag-aalala ako dahil kung magtatrabaho ka nang walang oras para sa iyong sariling pagpasok, ikaw ay magiging masama….” Habang mas marami siyang sinasabi, mas lalo naman akong tumututol, iniisip ko: Tinawag mo akong masama? Sa palagay ko ay nasa mabuti akong estado, hindi ako magiging masama! Hindi talaga ako sumang-ayon sa kaniyang sinasabi. Pagkatapos ng almusal ay lumabas ako para magtrabaho, ramdam ang pagkayamot at iniisip ko: Magbibitiw ako bilang pinuno, gagawin ang mga karaniwang gawain at nang matapos ang mga ito. Kung sasabihin niyang masama ako at walang pagpasok sa buhay, paano ko pamumunuan ang mga iba kung ganoon? Habang lalo akong nag-iisip, lalo akong nalulungkot, iniisip na: Kapag natapos ang mga gawaing ito, magbibitiw ako. Pagkatapos ay nakaramdam ako ng panghihina sa aking buong katawan, na para bang ako ay may sakit. Nabatid ko na ang aking estado ay mali. Nang bumalik ako sa bahay, humarap ako sa Diyos at nagdasal: “Makapangyarihang Diyos, naging mayabang at mapagmataas ako, hindi ko minahal ang katotohanan, hindi ko nakayang tanggapin ang Iyong pagkastigo at paghatol, ang Iyong pakikitungo sa akin at pagpupungos. Umaasa ako na matutulungan Mo ako at mapoprotektahan ang aking puso, ang aking espiritu, magawa kong sumuko sa Iyong gawain, para taos-puso kong suriin ang aking sarili, at magkaroon ng tunay na pag-unawa tungkol sa aking sarili.” Pagkatapos, nakita ko ang mga sumusunod na salita: “Ang susi sa pagmumuni-muni-sa-sarili at pagkilala sa iyong sarili ay ito: Kapag mas nararamdaman mong nakagawa ka ng mabuti sa ilang tukoy na larangan o nagawa ang tama, at kapag mas naiisip mong nabibigyang-kasiyahan mo ang kalooban ng Diyos o kaya mong magmalaki sa ilang aspeto, mas karapat-dapat para sa iyo na kilalanin ang iyong sarili sa mga larangang iyon at mas karapat-dapat para sa iyo na saliksikin pang mabuti ang mga iyon para makita kung anong mga karumihan ang naroon sa iyo, at kung anong mga bagay sa iyo ang hindi makakapagbigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos. … Ang kuwentong ito tungkol kay Pablo ay nagsisilbing babala para sa lahat ng nananalig sa Diyos, na tuwing nadarama natin na may nagawa tayong talagang maganda, o naniniwala tayo na talagang may talento tayo sa isang bagay, o iniisip natin na hindi natin kailangang magbago o mapakitunguhan sa isang bagay, dapat nating sikaping magnilay at kilalanin ang ating sarili sa aspetong iyon; napakahalaga nito(“Makikilala Mo ang Iyong Sarili sa Pamamagitan Lamang ng Pagkilala sa Iyong mga Maling Pananaw” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Nasalamin ng mga salita ng Diyos ang aking puso na parang maliwanag na salamin. Hinihingi ng Diyos sa atin na unawain ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pag-unawa kung saan iniisip natin na nakagagawa tayo ng mabuti, kung saan iniisip natin na gumagawa tayo ng tama, at para mas lalo nating maunawaan ang ating mga sarili sa mga aspekto kung saan inaakala natin na hindi tayo kailangang pakitunguhan. Kapag iniisip ko ang panahong iyon, nakikita ko na nagdadala ako ng isang pasanin. Ang aking gawain ay nagpapakita ng mga bunga at nagagawa ko nang maayos ang maraming malalaking gawain, iniisip ko na isinasagawa ko ang katotohahan, na ang lahat ng ito ay positibo at aktibong mga pagpasok at ang aking estado ay napakaganda—kaya hindi ako humarap sa Diyos at sinuri ang aking sarili. Ngayon, salamat sa pagliliwanag ng mga salita ng Diyos ay nabatid ko na noong panahong iyon ay nagagawa ko ang aking gawain nang maayos, subalit laganap ang mapagmataas kong kalikasan. Inakala ko na ang mga bunga ng aking gawain ay dahil sa aking mga pagsusumikap, na ako ay magaling na manggagawa. Ako ay lubusang nakuntento sa aking sarili. Ang totoo, kapag nagbabalik-tanaw ako sa panahong iyon ay nababatid ko na ngayon na ako ay nagtatrabaho lamang, ginagawa ang aking makakaya sa ilalim ng pamumuno at proteksyon ng Banal na Espiritu, subalit habang nagtatrabaho ay hindi ko hinangad ang katotohanan. Hindi ko taglay ang pagpasok sa buhay, at sa ilang panahon ay wala akong pag-unawa sa aking sarili, wala akong pag-unawa sa Diyos, ni hindi rin nagdulot sa akin ang aking karanasan sa gawain ng Diyos ng mas malinaw na pag-unawa sa anumang aspekto ng katotohanan. Sa kabaligtaran, naging mapagmataas ako hanggang sa puntong hindi na ako nakikinig sa sinuman at ninakaw ang kaluwalhatian ng Diyos para sa aking maliit na bahagi sa Kaniyang dakilang gawain. Ang malasatanas na disposisyon na aking ibinunyag ay sapat na para tawagin Niya akong makasalanan! Subalit sa pamamagitan ng kapatid na iyon, pinaalalahanan ako ng Diyos ngayon na magtuon sa mga espirituwal na panalangin, para maiwasang maging masama. Subalit hindi ko pa rin ito tinanggap. Totoong hindi ko alam ang tama mula sa mali at masyado akong mangmang tungkol sa aking sarili. Kasabay nito ay naramdaman ko na ako ay nasa nakakatakot na estado. Kung hindi pinukaw ng Diyos ang kapatid na iyon para ipakita ang aking estado at mabilis na pabalikin ako sa Diyos, nanatili sana akong namumuhay sa kasamaan, hindi nababatid na nawala ko na ang gawain ng Banal na Espiritu, at tuluyan sanang nakagawa ng malalang kasalanan laban sa Diyos. Natakot ako na masyado nang huli para magsisi. Sa puntong ito ay nakita ko kung gaano ko kailangan ang paghatol ng Diyos at mapakitunguhan para maprotektahan ako sa daang hinaharap. Bagama’t sa papalapit na paghatol at pagkastigo, na mapungos at mapakitunguhan, naramdaman ko na ako ay napahiya at ito ay isang paghihirap, ito ay pagliligtas ng Diyos. Nakahanda ako na tumanggap ng mas marami pang ganitong uri ng gawain mula sa Diyos.

Pagkatapos maranasan ang pagkastigo at paghatol ay nagbago ang aking estado. Naging mas payapa ang aking pag-uugali at asal, at naunawaan ko nang kaunti ang gawain ng Diyos, isang gawain na hindi naaakma sa mga palagay ng tao. Ngunit hindi nagtagal, salamat sa isa pa sa mga pagbubunyag ng Diyos, nakita ko ulit na masyadong mababaw ang aking pag-unawa. Noong umpisa ng Agosto, itinaas ang aking posisyon para magtrabaho sa rehiyon. Sa panahong iyon, ako ay masigla at sekretong nanumpa: O Diyos ko, salamat sa Iyong pagpapataas at sa pagbibigay sa akin ng malaking kautasan. Hindi ko gusto na biguin ang Iyong pagtitiwala sa akin, at gusto kong gawin ang lahat ng aking magagawa sa aking kapangyarihan, at umaasa na gagabayan at aakayin Mo ako. Kaya isinubsob ko ang aking sarili sa maabalang takda ng gawain. Araw-araw, humaharap ako sa maraming problema na isinumbong ng mga kapatid na kailangan kong tugunan, nagbibigay ng patnubay sa bawat isa. Kadalasan ay napupuyat ako, ngunit nasisiyahan akong gawin ito. Madalas ay mahaharap ako sa isang sitwasyon na hindi ko maunawaan o hindi malinaw, at magdarasal ako sa Diyos at makikita ang Kaniyang pamumuno at patnubay, at ang gawain ay umusad nang maayos. At wala akong kamalay-malay na naging mapagmataas na naman ako, iniisip na: Mahusay ako, magaling ako na manggagawa. Isang araw ay naharap ako sa ilang paghihirap. Kaya nagdasal ako at pinag-isipan ko kung paano palinawin ang aking pag-iisip, at pagkatapos, paano ayusin at harapin ang gawaing ito ay unti-unting naging malinaw sa aking pag-iisip. Kaya sumulat ako sa aking pinuno para imungkahi ito at tanungin kung ito ay maaaring gawin o hindi. Habang sinusulat ko ang liham, inakala ko na siguradong iisipin ng pinuno na binalikat ko ang isang pasanin at ako ay isang magaling na manggagawa. Naghintay ako ng sagot, umaasa sa kanilang papuri. Pagkatapos ng ilang mga araw ay nagalak ako na makatanggap ng kasagutan, ngunit nang binuksan at binasa ko ito ay nakaramdam ako ng pagkalungkot. Hindi lamang sa hindi ako pinuri ng pinuno, ang kasagutan ay punong-puno ng pakikitungo sa akin at pagpupungos, na nagsasabing: “Wala kang prinsipyo para gawin ito, at kung magpapatuloy ka sa ganitong paraan ay aabalahin mo ang gawain ng Diyos! Kung kayang harapin ng mga pinuno ng karaniwang tao ang kanilang sariling gawain, pabayaan mo sila, at kung hindi ay isantabi na lamang ito. Dapat mong isagawa kaagad ang mga espirituwal na panalangin at magsulat ng mga artikulo….” Sa panahong iyon ay nahumaling ako sa tama at mali at naramdaman ko na ako ay hindi itinuring nang tama: “Anong klaseng pinuno ito, na hindi lumulutas ng mga problema ng kaniyang mga nasasakupan? Nagkaroon ng insidente sa aming rehiyon, nagkagulo ang lahat ng aming gawain: Hindi ba namin kailangan ng ilang kaayusan? Kung haharapin ng mga pinuno ng karaniwang tao ang kanilang sariling gawain, ano ang mangyayari sa lahat ng mga liham na ito?” Tuluyan akong nabigo na suriin ang aking sarili at lubha akong nagalit kaya nagreklamo ako sa aking nag-anyayang kapatid, at inisip ko pa: Magbibitiw ako, kung hindi ako magbibitiw ay makakaabala ako, nagtatrabaho akong mabuti at nakakaabala pa rin ako. Bakit pa? Kinabukasan, pumunta ako sa harapan ng Diyos at sinuri kung ano ang aking ibinunyag, iniisip kung paano ito sinabi sa mga sermon na ang pagtanggi na mapungos at mapakitunguhan ay pagpapakita ng kabiguan na mahalin ang katotohanan, at ang mga tao na hindi mahal ang katotohanan ay may masamang kalikasan. Kaya sinadya kong tingnan ang “Ang Prinsipyo ng Pagtanggap sa Pagkakapungos at ang Mapakitunguhan.” Nakita ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Nagiging balintiyak ang ibang tao matapos tabasan at pakitunguhan; ganap silang nawawalan ng lakas para gampanan ang kanilang mga tungkulin, at naglalaho rin ang kanilang katapatan. Bakit ganoon? Isang dahilan nito ang kawalan nila ng kamalayan sa diwa ng kanilang mga kilos, at humahantong ito sa kawalan nila ng kakayahang tumanggap ng pagtatabas at pakikitungo. Isa pang dahilan ay ang hindi pa rin nila nauunawaan kung ano ang kabuluhan ng pagiging natabas at napakitunguhan. Naniniwala ang lahat ng tao na nangangahulugan ang pagiging natabas at napakitunguhan na natukoy na ang kanilang kalalabasan. Dahil dito, mali nilang pinaniniwalaan na kung medyo tapat sila sa Diyos, hindi sila dapat pakitunguhan at tabasan; at na kung pinakikitunguhan sila, hindi iyon pagpapahiwatig ng pag-ibig at katuwiran ng Diyos. Ang ganoong maling pagkaunawa ay nagsasanhi na mangahas ang mga tao na hindi maging ‘tapat’ sa Diyos. Sa katunayan, kapag tapos na ang lahat, iyon ay dahil masyado silang mapanlinlang; ayaw nilang dumanas ng hirap. Gusto lang nilang magtamo ng mga pagpapala sa madaling paraan. Walang kamalayan ang mga tao sa katuwiran ng Diyos. Hindi naman dahil wala pa Siyang nagawang anumang matuwid o wala Siyang ginagawang anumang matuwid; sadyang hindi lang kailanman naniniwala ang mga tao na ang ginagawa ng Diyos ay matuwid. Sa mga mata ng tao, kung hindi umaayon ang gawain ng Diyos sa mga kagustuhan ng tao, o hindi iyon umaayon sa inaasahan nila, malamang ay hindi Siya matuwid. Subalit, hindi alam ng mga tao kailanman na ang kanilang mga kilos ay hindi angkop at hindi umaayon sa katotohanan, ni natatanto nila kailanman na nilalabanan ng mga kilos nila ang Diyos(“Ang Kahulugan ng Pagpapasya ng Diyos sa Kalalabasan ng Mga Tao Base sa Kanilang Paggawa” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang aking panloob na katotohanan. Hindi ko tinanggap ang aking pagkakapungos at ang pakikitungo sa akin dahil hindi ko naunawaan ang kalikasan ng aking ginawa. Inakala ko na walang masama sa aking ginawa, subalit ang aking gawain at ang pagtupad sa aking tungkulin ay matagal nang lumihis sa mga kasunduan sa gawain, ngunit inakala ko na ako ay nagpapakita nang buong debosyon. Inisip ko kung paano ito sinabi sa mga pagsasaayos ng gawain na ang mga pinuno at mga manggagawa ang dapat mangasiwa ng mga pangunahin at mahalagang gawain. Gayunpaman, ang aking pananaw ay ang lahat ng tanong na ipinadala mula sa ibaba ay dapat makatanggap ng pagpatnubay at kasagutan, kahit gaano kalaki ang isang isyu. Tanging kapag natugunan na ang mga problema ay saka lang ako maaaring kumalma at isagawa ang mga espirituwal na panalangin. Nang naharap ako sa mga katotohanan ay nakita ko na hindi pa ako sumuko nang tuluyan at walang kondisyon sa mga pagsasaayos ng sa gawain. Napakarami kong mga alalahanin na hindi ko maiwanan at naging mapagmataas hanggang sa puntong wala na ako sa katuwiran. Ginagamit ng Diyos ang pinuno para makitungo sa mga bagay sa aking kalooban na hindi naaayon sa kagustuhan ng Diyos, para maunawaan ko ang aking kalikasan na sumasalungat at nagtataksil sa Diyos at sa kagustuhan ng Diyos: Ngayon ang kalikasan ay masama. Ang mga espirituwal na panalangin at pagsusuri sa sarili ay dapat na pangunahin, at hindi ako dapat nakatuon lamang sa aking gawain. Ngunit hindi ko nabatid na ang kalikasan ng aking mga gawa ay salungat sa mga pagsasaayos ng gawain at naging salungat at tumutol sa Diyos. Ako ay nahumaling sa tama at mali. Nabigo akong unawain ang espiritu, nabigo akong unawain ang gawain ng Diyos. Pagkatapos ay naalala kong muli ang mga salita sa isang sermon: “Hindi mahalaga kung sinong tao, sinong pinuno, sinong manggagawa ang pupungos at makikitungo sa akin, at hindi mahalaga kung ito ay lubusang tutugma sa mga katotohanan. Hanggang ito ay bahagyang tumutugma sa mga katotohanan, pagkatapos ay tinanggap ko ito at sinunod; hanggang ito ay bahagyang tumutugma sa mga katotohanan, pagkatapos ay ganap ko itong tinanggap. Hindi ako gumagawa ng mga dahilan sa iba o sinasabi na tinatanggap ko ang ilang sa mga ito ngunit hindi ang iba pa, at hindi ako gumagawa ng mga dahilan. Ito ang mga pagpapahayag ng isang taong sumusuko sa gawain ng Diyos. Kung hindi ka susuko sa ganitong paraan sa mga salita ng Diyos at gawain ng Diyos, magiging mahirap para sa iyo na makamit ang katotohanan, at magiging mahirap para sa iyo na isabuhay ang mga salita ng Diyos” (Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay). Oo, kahit na ang mga salita ng pinuno ay hindi lubusang tumutugma sa aking sitwasyon ay kailangan kong sumuko at tanggapin ang mga ito. At sa anumang kaso, ang pagtupad ko sa aking tungkulin ay matagal nang sumalungat sa mga pagsasaayos ng gawain. Hindi ba sana ay naging mas mabilis akong sumuko, para tumanggap at para magbago? Pagkatapos kong bumuti nang kaunti at naging kalmado, para makilahok sa mga espirituwal na panalangin, para magasanay sa pagsusulat ng mga artikulo, nakita ko na ang Diyos mismo ang nagpoprotekta sa Kaniyang gawain, at ito ay nagpapatuloy tulad nang normal, nang walang pagkaantala.

Itong dalawang pangyayari ng pagkastigo at paghatol, ng mapungusan at mapakitunguhan ay mga paghihirap, ngunit nag-iwan sa akin ng mas maraming pag-unawa tungkol sa aking sarili at mabilis na bumago sa aking estado. Pagkatapos, nakita ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Mabuti ang Kanyang diwa. Siya ang pagpapahayag ng lahat ng kagandahan at kabutihan, gayundin ng lahat ng pagmamahal(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit). “Isinusumpa ka Niya upang mahalin mo Siya, at upang maunawaan mo ang diwa ng laman; kinakastigo ka Niya upang ikaw ay magising, upang tulutan kang malaman ang mga kakulangan sa iyong kalooban, at upang malaman ang lubos na kawalang-halaga ng tao. Sa gayon, ang mga sumpa ng Diyos, ang Kanyang paghatol, at ang Kanyang kamahalan at poot—lahat ng ito ay upang gawing perpekto ang tao. Lahat ng ginagawa ng Diyos sa ngayon, at ang matuwid na disposisyon na nililinaw Niya sa inyong kalooban—lahat ng ito ay upang gawing perpekto ang tao. Gayon ang pag-ibig ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). Hindi ko mapigilan ang mapabuntong-hininga: Oo, ang Diyos ang pagpapahayag ng lahat ng kagandahan at kabutihan, ang Kaniyang diwa ay kagandahan at kabutihan, ang Kaniyang diwa ay pagmamahal, kaya ang lahat ng nanggagaling sa Diyos ay mabuti at maganda, ito man ay paghatol, ito man ay pagkatigo, o kung ang mga tao, pangyayari at bagay sa paligid natin ay ginamit para tayo ay pungusin at pakitunguhan—ito ay maaaring parang paghihirap o pag-atake sa katawan ng tao, ngunit ang ginagawa ng Diyos ay makabubuti sa ating mga buhay, ang lahat ng ito ay pagliligtas at pagmamahal. Ngunit hindi ko naunawaan ang Diyos o ang Kaniyang gawain, ni hindi ko nakita ang Kaniyang mabubuting hangarin. Kapag nahaharap sa paghatol o pagkastigo, pagkakapungos o pakikitungo, tumutol ako sa pamamagitan ng pagbabanta na ako ay magbibitiw sa aking gawain, hindi makayang tanggaping ito ay galing sa Diyos, na para bang ang mga tao ang nagdadala sa akin ng suliranin. Sa pamamagitan ng dalawang pagbubunyag ng Diyos, nakita ko na sa kabila ng pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos sa loob ng maraming taon, pakikinig sa napakaraming pangangaral, ang aking simbuyo na mag-alsa kapag nahaharap sa paghatol at pagkastigo, sa pagpupungos at pakikitungo, ay napakalakas at lubusan ko itong tinanggihan. Nakikita ko na kahit naniniwala ako sa Diyos sa buong panahon na ito, ang aking disposisyon ay hindi nagbago, ang kalikasan ni Satanas ay nagka-ugat nang malalim, isang kalikasan na tumututol at nagtataksil sa Diyo. Bigla kong nabatid na kinakailangan ko ang paghatol at pagkastigo, ang mapungos at mapakitunguhan. Kung wala ang ganitong uri ng gawain ng Diyos ay hindi ko makikita ang sarili kong tunay na mukha, hindi sana ako magkakaroon ng tunay na pag-unawa sa aking sarili, lalo na ang mabatid kung gaano kalalim na umugat ang kalikasan ni Satanas sa kalooban ko. Ngayon ko lamang nauunawaan kung bakit sinasabi ng Diyos na kaaway Niya ang baluktot na sangkatauhan, at na tayo ay nagmula sa angkan ni Satanas…. Sa pagnilay-nilay sa mga salita ng Diyos, naliwanagan ang aking puso. Nakita ko kung paano ito maingat na inayos ng Diyos para maranasan ko ang Kaniyang gawain, para maisabuhay ang katotohanan, na inaakay ako sa totoong landas ng buhay. Itinataas ako ng Diyos at itinuturing ako nang mabuti. Nabatid ko rin na ang lahat ng ginagawa ng Diyos para sa tao ay pagmamahal. Ang paghatol at pagkastigo, pagpupungos at pakikitungo ng Diyos ay ang pinakamalaking pangangailangan ng tao at ang pinakamabuting pagliligtas.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagsaksi sa isang Himala sa Gitna ng Kawalan ng Pag-asa

Sa mga pangyayaring kaugnay sa sakunang ito, nananalangin siya sa Diyos at umaasa sa Diyos, at sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, nakakatagpo siya ng pananampalataya at lakas, at nakakasaksi ng isang himala sa gitna ng kawalan ng pag-asa.

Isang Hindi Matatakasang Pasakit

Ni Qiu Cheng, Tsina No’ng mag-edad 47 na ako, nagsimulang mabilis na lumabo ang paningin ko. Sabi ng doktor na kung hindi ko aalagaan ang...