Ang Bulag na Pagmamahal ay Isang Kakila-kilabot na Bagay

Disyembre 11, 2024

Ni Xiao Li, Tsina

Noong 1998, tinanggap ko at ng tatlo kong kapatid na babae ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Madalas kaming sama-samang nagbabahaginan ng mga salita ng Diyos, umaawit ng mga himno, at nagpupuri sa Diyos, at hinihikayat din namin ang isa’t isa na taimtim na hanapin ang katotohanan at ang kaligtasan. Kalaunan, sinimulan naming lahat na gumawa ng mga tungkulin sa iglesia, at sa tuwing nagkakasalubong kami ay napag-uusapan namin ang tungkol sa kasalukuyan naming mga sitwasyon at kung ano ang natutunan namin sa aming mga tungkulin. Ngunit ang bunso kong kapatid na babae, si Xiao Zhi, kung hindi nagrereklamo tungkol sa mga paghihirap sa kanyang tungkulin, ay kadalasang nagsasabi ng mga problemang patungkol sa ibang tao. Isang beses, sinabi ni Xiao Zhi na marami siyang kinaharap na isyu sa pagsisimula niya bilang isang lider ng grupo ng pagdidilig, ngunit hindi man lamang siya inabutan ng anumang tulong ng lider ng iglesia. Inireklamo rin niyang hindi nauunawan ng mga kapatid ang mga prinsipyo sa kanilang mga tungkulin, na nabigo ang lider sa pagbabahagi at paglutas ng isyung ito, at na ang lider ay walang kakayahang gumawa ng totoong gawain. Subalit kakilala ko ang lider ng kanyang iglesia at ang totoo ay nakagagawa siya ng totoong gawain. Nang makita ko kung paanong hindi nagsisikap ang aking kapatid na matuto mula sa kanyang karanasan at sa halip ay pinupuna lamang ang mga pagkakamali ng kanyang lider, naisip kong kulang lamang siya sa karanasan at hindi pa nakikilala ang kanyang sarili, kaya madalas ko siyang tinutulungan at binabahaginan siya ng mga salita ng Diyos. Sinabi ko sa kanyang tigilan na ang pagtutuon ng pansin sa ibang tao, magsimulang pagtuunan ang sarili niyang pagpasok sa buhay, at subukang matuto mula sa anumang mga paghihirap na nakakaharap niya. Sa paglipas ng panahon, hindi na namin masyadong nakikita ang isa’t isa, dahil pare-pareho kaming abala.

Isang araw noong Agosto ng 2018, nagkataong nakita ko ang isang liham na isinulat ng isang lider kay Sister Xiang Yuxun, na humihiling sa kanyang magbigay ng mas marami pang detalye para sa isang file tungkol sa isang masamang taong patatalsikin. Sa gulat ko, ang masamang tao ay ang aking bunsong kapatid, si Xiao Zhi. Hindi ako makapaniwala noong oras na iyon. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na maititiwalag ang aking kapatid. Sinuri kong mabuti ang isinulat ni Yuxun at nabasa ko na noong naging superbisor ng gawain ng pagdidilig si Xiao Zhi, madalas niyang ginamit ang kanyang posisyon para kagalitan at maliitin ang iba. Nang banggitin ng isang sister ang kanyang mga pagkukulang, nabigo si Xiao Zhi na tanggapin ang pagpuna at kinutya at inatake pa ang sister na iyon. Sa huli, nakaramdam ang sister na iyon ng sobrang pagpigil at kalungkutan na ayaw na niyang gawin ang kanyang tungkulin. Nakaramdam din ang ibang mga kapatid ng iba’t ibang antas ng pagpigil mula kay Xiao Zhi, at sila mismo ay nasiraan ng loob. Nang mabasa ko ang impormasyong ito, hindi ako makapaniwalang gagawa ng gayong kasamaan si Xiao Zhi at nakabuo pa ako ng ilang ideya tungkol kay Yuxun, inisip na: “May kung anong pagkiling ka ba laban sa aking kapatid? Maaaring wala siyang mahusay na pagpasok sa buhay, ngunit hindi siya masamang tao. Hindi kaya’t pinalalaki mo lamang ang kasong ito?” Habang pinag-iisipan ko ito, mas lalong sumama ang loob ko. Hindi ako makatulog noong gabing iyon. Naisip ko kung paanong iniwan ng kapatid ko ang kanyang pamilya at ang kanyang trabaho, at kung gaano kahirap para sa kanya ang maglakbay noong mga taong iyon para ipalaganap ang ebanghelyo at gawin ang kanyang tungkulin. Naalala ko nang minsang iniulat siya ng isang masamang tao habang nagpapalaganap siya ng ebanghelyo, at napilitan siyang magtago nang isang gabi sa isang sira-sirang bahay upang maiwasan ang pagkakadakip. Sa mga taon niya ng pagbabahagi ng ebanghelyo, nasampal na siya at nasigawan ng pang-aabuso ng mga taong relihiyoso, natulog sa tambak ng mga dayami at sa kulungan ng baboy, at madalas na hindi nakakakain. Maaaring wala siyang gaanong maipakikita para sa maraming taon niya bilang isang mananampalataya, ngunit nagsumikap siya nang husto. Paano siya maititiwalag ngayon bilang isang masamang tao? Gayunpaman, napagnilayan kong kumikilos ang iglesia alinsunod sa prinsipyo, at ang pagtitiwalag ay laging batay sa paulit-ulit na pag-uugali ng isang tao at sa kanyang kalikasang diwa. Hindi kailanman nag-aakusa nang mali ang iglesia. Isa ba talagang masamang tao si Xiao Zhi? Iniisip ko pa lamang ito ay nalulungkot na ako. Kapag tuluyan siyang itiniwalag, hindi siya maililigtas at ang lahat ng paghihirap na tiniis niya ay mawawalan ng saysay. Mabigat sa pakiramdam sa tuwing naiisip ko ito sa mga sumunod na araw, na para bang may isang batong dumadagan sa aking dibdib.

Pagkalipas lamang ng ilang araw, nakatanggap ako ng liham mula sa isa ko pang kapatid, si Xiao Yue, na nagsasabing may malubhang sakit ang aming bunsong kapatid at nangangailangan ng operasyon. Sa pagbabasa ng liham ay naisip ko: “Kung magagamit ni Xiao Zhi ang karamdamang ito para pagnilayan ang sarili at magsisi sa Diyos, baka maiwasan niyang maitiwalag?” Agad akong sumulat kay Xiao Zhi, gamit ang mga salita ng Diyos para sabihin sa kanya ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Sinabi kong kailangan niyang gamitin ang kanyang karamdaman bilang isang pagkakataon para magnilay sa sarili at magsisi, sa halip na maghanap ng mga panlabas na dahilan. Ngunit hindi kasingsimple ang isyu kay Xiao Zhi kaysa sa inaakala ko. Nang bumisita ako sa bahay makalipas ang dalawang buwan, sinabi sa akin ni Xiao Yue ang tungkol sa pag-uugali ng aming nakababatang kapatid. Sobrang mapagmataas ang disposisyon ni Xiao Zhi; matapos maitalaga sa gawain ng pagdidilig, iginiit niyang gawin ang lahat sa kanyang kaparaanan. Nang hindi sumang-ayon sa kanya ang isang sister na nakatambal niya tungkol sa gawain at tumangging tanggapin ang kanyang mga pananaw, naging mapaghinanakit siya at nagsimulang atakihin at ibukod ang sister na iyon. Sinubukan pa nga niyang siraan sa iba ang sister na iyon, nagpakalat siya ng pagkiling laban sa sister kaya nalihis ang iba at hinusgahan nila ang sister kasama niya. Kalaunan, nang nasa hindi mabuting kalagayan ang sister na iyon, hindi lamang nabigo si Xiao Zhi na tulungan ito, nagdulot pa siya ng alitan sa pagitan nito at ng iba, sinasabing hindi magampanan ng sister na iyon ang tungkulin nito dahil nasa masama itong kalagayan at pinipigilan niya ang ibang tulungan ito. Humantong ito sa lalong pagkanegatibo ng sister, hanggang sa hindi na niya magawa ang kanyang tungkulin at matanggal siya. Nang sinabi ng isa pang sister na naramdaman niyang napipigilan siya ni Xiao Zhi, labis na naghinanakit si Xiao Zhi at sinamantala ang bawat pagkakataon para gantihan ang sister na iyon at atakihin siya. Hinuhusgahan at hinahamak din ni Xiao Zhi ang sister sa harap ng ibang mga kapatid. Nang nalungkot at naging negatibo ang sister dahil dito, sinamantala ni Xiao Zhi ang pagkakataong sabihin sa lider at sa iba pa na nawala sa sister na iyon ang gawain ng Banal na Espiritu at na hindi ito nababagay sa kanyang tungkulin, at sinabing gusto niyang matanggal ang sister na iyon. Negatibong naaapektuhan ang mga kapatid ng patuloy na pang-aatake at pagpaparusa ni Xiao Zhi, at ng kung paano niya sila ibinubukod at hinahamak, at bilang resulta ay nabibigo silang umusad sa kanilang gawain. Malubhang nagambala ang gawain ng pagdidilig ng iglesia. Tinukoy ng lider ni Xiao Zhi ang kanyang mga isyu at makailang ulit siyang sinubukang tulungan, subalit bukod sa hindi pagtanggap sa mga pagpuna ay patuloy na nakipagtalo si Xiao Zhi. Hanggang sa sandaling natanggal siya ay hindi siya nagpakita ng pagkakilala sa sarili at nanatiling mapanlaban. Pinuna pa niya ang mga kapintasan ng lider at pinulaan ito nang patalikod. Nang sinubukan ni Xiao Yue na punahin ang kanyang mga isyu, nagreklamo siyang hindi siya nauunawaan ni Xiao Yue at na hindi siya nito ipinagtatanggol. Sinabi pa nga niya: “Walang makapagsasalita nang tapat sa iglesia. Natanggal ako dahil lamang sa lantarang pagsasabi ko ng aking mga iniisip.” Nabigla ako nang marinig ko ito. Hindi ko napagtantong ang aking bunsong kapatid ay abala sa pag-iisip sa katayuan, may malupit na kalikasan, at may kakayahang mang-atake at magparusa sa mga hindi sumasang-ayon sa kanya. Hindi ito ordinaryong katiwalian, problema ito sa kanyang likas na pagkatao! Kalaunan, nang nakipagkita ako sa kanya, agad akong nakipagbahaginan sa kanya at pinayuhan siyang pagnilayan ang kanyang masasamang gawa. Kung hindi siya magsisisi, sabi ko, matitiwalag siya at mawawalan ng pagkakataong mailigtas. Sa gulat ko, sa halip na tanggapin ang aking payo ay pagalit siyang sumagot: “Hindi mo alam kung ano ang nangyari at ayaw ko nang magsalita pa tungkol dito. Kapag may sinabi pa ako, sasabihin ninyong lahat na sinusubukan ko lang magpalusot.” Labis akong nabigla nang makita ang sobra niyang paghihinanakit. Wala akong ideya na napakatigas ng kanyang ulo at na hinding-hindi siya tumatanggap ng katotohanan. Wala na ba siyang pag-asang magbago? Dito ako nanlumo. Naalala ko kung paanong kapag nagkakasama kami, lagi niyang pinipintasan ang ibang tao, nanghuhusga, at hinding-hindi nagninilay sa sarili. Lagi rin niyang pinupuna ang mga pagkakamali ng lider. Naisip ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Yaong mga nagbubulalas ng kanilang makamandag at malisyosong pananalita sa loob ng iglesia, na nagkakalat ng mga tsismis, nagpupukaw ng kawalan ng pagkakaisa, at iginugrupu-grupo ang mga kapatid—dapat ay natiwalag na sila sa iglesia. Subalit dahil ibang panahon na ngayon ng gawain ng Diyos, hinihigpitan ang mga taong ito, sapagkat walang dudang ititiwalag sila. Lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay may mga tiwaling disposisyon. May ilang tao na nagtataglay ng tiwaling disposisyon lamang, samantalang ang iba ay hindi ganito: Hindi lamang sila mayroong mga tiwali at satanikong disposisyon, kundi napakamalisyoso rin ng kanilang likas na pagkatao. Hindi lamang inihahayag ng kanilang mga salita at kilos ang kanilang mga tiwali at satanikong disposisyon; ang mga taong ito, bukod dito, ang totoong mga diyablo at si Satanas. Ang pag-uugali nila ay nakakagambala at nakakagulo sa gawain ng Diyos, nakakagulo ito sa buhay pagpasok ng mga kapatid, at nakakasira sa normal na buhay ng iglesia. Sa malao’t madali, ang mga lobong ito na nakadamit-tupa ay kailangang alisin; dapat gamitan ng walang-awang saloobin, ng saloobin ng pagtanggi, ang dapat gamitin para sa mga alipores na ito ni Satanas. Ito lamang ang pumapanig sa Diyos, at yaong mga hindi nakakagawa nito ay nagtatampisaw sa putikan na kasama ni Satanas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, natutunan kong ang pag-uugali ng aking bunsong kapatid ay hindi lamang panandaliang paglalantad ng isang tiwaling disposisyon, kundi isang repleksyon ng kanyang napakalupit na kalikasan. Pinarurusahan, nililigalig, at ginagantihan niya ang iba, at ibinubukod at inaatake ang sinumang hindi sumasang-ayon sa kanya o lumalabag sa kanyang mga interes. Binaluktot niya ang mga katunayan upang husgahan at kondenahin ang iba hanggang sa maitulak sila sa isang negatibong kalagayan. Makailang ulit siyang pinungusan at tinulungan ng lider at ng ibang mga tao tungkol sa kanyang pag-uugali, ngunit hindi niya kailanman inaming siya ang nagkamali, na lagi siyang tumututol at nakikipagtalo. Wala siyang pagsisisi o pagninilay sa sarili, at kinasuklaman pa niya at inatake ang lider. Ilang beses namin siyang binahaginan at tinulungan ni Xiao Yue, ngunit hindi niya tinanggap ang sinabi namin at naging mapaghinanakit at mapanlaban siya sa amin, iniisip na pinahihirapan namin siya. Matapos matanggal, nabigo siyang magnilay sa kanyang sarili at binaluktot ang mga katunayan, sinasabing hindi ka makapagsasalita nang tapat sa iglesia at na natanggal lamang siya dahil sinabi niya ang kanyang iniisip. Hindi ba iyon pambabaligtad ng katotohanan at panlilinlang sa iba? Hindi ba’t itinatanggi niya ang pagiging matuwid ng Diyos, at itinatanggi na ang katotohanan ang namamayani sa sambahayan ng Diyos? Dati, lagi kong iniisip na siya ay kapos sa pagpasok sa buhay, at na ang kanyang masasamang pag-uugali ay panandaliang paglalantad ng katiwalian lamang, kaya patuloy ko siyang tinulungan at sinuportahan. Ngunit ngayon ay napagtanto kong hindi ito tungkol sa kakapusan sa pagpasok sa buhay o sa panandaliang paglalantad ng katiwalian. Tutol at napopoot siya sa katotohanan, at ang kanyang diwa ay sa isang masamang tao.

Dati, naisip kong dahil nagsakripisyo ang aking bunsong kapatid, naggugol ng kanyang sarili, nagdusa nang husto sa kanyang tungkulin at nagsikap, kahit na wala siyang nakamit na anumang makabuluhang bagay, bibigyang-pansin siya ng Diyos kahit na hindi siya naghahangad sa katotohanan. Subalit napagtanto ko kalaunan, sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, na baluktot ang pagkaunawang ito. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, senyoridad, tindi ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan din ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang di-nababagong katotohanan. Samakatuwid, lahat ng pinarurusahan ay pinarurusahan nang gayon para sa katuwiran ng Diyos at bilang ganti sa kanilang maraming masasamang gawa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Itinuro sa akin ng mga salita ng Diyos na hindi pinagpapasyahan ng Diyos ang destinasyon ng bawat tao batay sa tagal nila sa pananampalataya, o sa kung gaano sila nagdusa, o nagsakripisyo at naggugol, kundi sa halip sa kung nakamit nila ang pagbabago ng disposisyon at natamo ang katotohanan. Lahat ng tumatanggap sa katotohanan, nagsasagawa ng katotohanan, at sa huli ay nagkakamit ng pagbabago ng disposisyon ay magkakamit ng kaligtasan. Iyon namang masasamang tao, mga hindi mananampalataya at mga anticristo na tutol at napopoot sa katotohanan, gaano man sila magdusa, sa huli ay ititiwalag sila at mabibigong makamit ang kaligtasan dahil gumawa sila ng lahat ng uri ng kasamaan at hindi nagkamit ng kahit katiting na pagbabago. Naisip ko kung paanong maraming taon nang tagasunod ng pananampalataya ang aking bunsong kapatid, subalit, sa kabila ng panlabas na paggawa ng mga sakripisyo, paggugol ng kanyang sarili, at pagdurusa para sa kanyang tungkulin, hindi niya hinanap ang katotohanan sa anumang paraan, hindi niya nagawang kilalanin ang kanyang sarili, at hindi siya nakadama ng anumang pagkakonsiyensiya o pagsisisi sa pagdudulot ng labis na pagkagambala sa gawain ng iglesia. Na humantong ito dito, sa pagtitiwalag, ay isang bagay na maaari lamang niyang isisi sa kanyang sarili. Ito ay ang pagiging matuwid ng Diyos. Noon pa man ay pinaniwalaan kong ang kakayahan niyang magsakripisyo, maggugol ng kanyang sarili, at magdusa sa kanyang tungkulin ay nangangahulugang siya ay isang tunay na mananampalataya, ngunit ngayon ko lamang napagtanto na ginawa niya ang lahat ng iyon para sa katanyagan at katayuan, sa halip na maghangad sa katotohanan at magkamit ng pagbabago ng disposisyon. Kahit gaano katagal pa siyang nanampalataya o nagdusa, hindi talaga niya tinanggap ang katotohanan, hindi tunay na nagsisi at nagbago, at siguradong matitiwalag sa huli. Naisip ko kung paanong tila nagsakripisyo, naggugol ng kanyang sarili, at nagsumikap si Pablo sa kanyang tungkulin, nakapaglakbay sa kalahati ng Europa sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, at kung paanong dahil hindi niya inasikaso ang pagbabago ng disposisyon at hindi naghangad na gawin ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha—sa halip ay ginugol ang kanyang sarili sa paghahangad ng korona at ng mga pagpapala ng kaharian ng langit—nanatili siyang may kakayahang sabihin ang sumusunod: “Nakipagbaka na ako ng mabuting pakikibaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Walang kahihiyang hiningi ni Pablo ang korona mula sa Diyos at walang makikitang sinseridad o pagpapasakop sa Diyos sa mga sakripisyong ginawa niya—lahat ng ito ay transaksyonal, dala ng ambisyon at pagnanasa. Tinahak niya ang landas ng paglaban sa Diyos, na sa huli ay lumabag sa disposisyon ng Diyos at nahulog siya sa walang hanggang kaparusahan. Napagtanto kong walang nagiging bunga ang pananampalataya kung hindi hinahanap at tinatanggap ng tao ang katotohanan at sa halip ay tumutuon sa panlabas na sakripisyo at pagdurusa. Maaari pa nga itong mauwi sa kaparusahan, dahil nanganganib na gumawa ng lahat ng uri ng kasamaan ang tao sa ganitong paraan.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng landas ng pagsasagawa. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga taong mapaghimagsik sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga umaangkin na may pananampalataya, subalit salat sa katotohanan? Hindi ba sila yaong mga naghahangad na matamo lamang ang mga pagpapala samantalang hindi magawang magpatotoo para sa Diyos? Nakikihalubilo ka pa rin ngayon sa mga demonyong iyon at tinatrato sila nang may konsensiya at pagmamahal, ngunit sa pangyayaring ito, hindi ka ba nag-aabot ng mabubuting layon kay Satanas? Hindi ka ba kakampi ng mga demonyo? Kung umabot na ang mga tao sa puntong ito at hindi pa rin nila mapag-iba ang mabuti sa masama, at patuloy na bulag na maging mapagmahal at maawain nang walang anumang pagnanais na hangarin ang mga layunin ng Diyos o magawang kunin bilang kanila sa anumang paraan ang mga layunin ng Diyos, magiging higit na kahabag-habag ang kanilang mga katapusan. Kaaway ng Diyos ang sinumang hindi naniniwala sa Diyos sa katawang-tao. Kung nakapag-uukol ka ng budhi at pagmamahal sa isang kaaway, hindi ka ba salat sa pagpapahalaga sa katarungan? Kung bumabagay ka sa mga yaong kinamumuhian Ko at hindi Ko sinasang-ayunan, at nag-uukol pa rin ng pagmamahal o pansariling damdamin sa kanila, hindi ka ba mapaghimagsik kung gayon? Hindi mo ba sinasadyang labanan ang Diyos? Nagtataglay ba ng katotohanan ang gayong tao? Kung nag-uukol ng budhi ang mga tao patungkol sa mga kaaway, pagmamahal sa mga demonyo, at habag kay Satanas, hindi ba nila sinasadyang gambalain ang gawain ng Diyos sa gayon?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Nakaramdam ako ng matinding pagkakonsiyensiya matapos basahin ang mga salita ng Diyos. Hinihingi ng Diyos na mahalin natin ang Kanyang minamahal at kapootan ang Kanyang kinapopootan. Ang mga hindi tumatanggap at namumuhi pa sa katotohanan ay masasamang tao; kauri sila ng diyablong si Satanas at dapat natin silang kasuklaman. Gumawa ng lahat ng uri ng kasamaan ang bunso kong kapatid, nabigo siyang magsisi, at nalantad bilang isang masamang tao, ngunit hindi ko natukoy ang kanyang tunay na diwa ayon sa mga salita ng Diyos at patuloy na iginiit na siya ang ginawan ng pagkakamali dahil nagdusa siya nang husto sa kanyang tungkulin, nagsakripisyo nang marami, at nagsumikap kahit wala siyang masyadong nakamit. Hindi ba’t nakikipagmabutihan lamang ako kay Satanas at pumapanig dito sa paglaban sa Diyos? Maraming taon na akong mananampalataya, kumain at uminom na ng marami sa mga salita ng Diyos, ngunit hindi ko nagawang tingnan ang mga tao at mga sitwasyon batay sa Kanyang mga salita. Sa halip ay hinayaan kong diktahan ng aking damdamin ang aking mga salita, hindi ko nagawang paghiwalayin ang mabuti sa masama, at hindi nagkaroon ng kahit katiting na pag-unawa sa prinsipyo. Naguluhan ako at nalito, at kinasuklaman at kinapootan ako ng Diyos. Nang napagtanto ko iyon, nagawa kong bitiwan ang ilan sa aking damdamin sa aking bunsong kapatid at tingnan ang pagtitiwalag sa kanya nang may wastong saloobin.

Isang araw, makalipas ang tatlong buwan, nang maulinigan kong sinabi ng nakatambal kong sister na naayos na ang lahat ng impormasyong kinakailangan para sa pagtitiwalag sa aking bunsong kapatid, nakaramdam ako ng kirot ng kalungkutan. “Ngayon ay nawala na ang anumang pag-asa ng kaligtasan para sa kanya,” naisip ko. Habang lalo ko itong iniisip ay mas kinaawaan ko ang aking bunsong kapatid. Kumapit pa ako sa pag-asang baka hindi maging sapat ang impormasyong nakalap para sa pagtitiwalag at maaari pa siyang magpatuloy sa pagtatrabaho sa iglesia. Pero napagtanto kong mali ang saloobin ko. Alam na alam kong isang masamang tao sa diwa ang bunsong kapatid ko at hindi makatatanggap ng pagliligtas ng Diyos, ngunit nakisimpatya at naawa pa rin ako sa kanya, umaasang mapananatili siya sa iglesia. Hindi ba ako nakikisimpatya sa isang diyablo at sumasalungat sa Diyos? Kaya, dali-dali akong nanalangin sa Diyos, humihiling sa Kanyang patnubayan ako na mapagtagumpayan ang mga pagpigil ng aking paglilingkod. Matapos manalangin, naisip ko ang sumusunod na mga sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang sangkatauhan ay pawang namumuhay sa kalagayan ng mga damdamin—kaya nga hindi iniiwasan ng Diyos ang isa man sa kanila, at inilalantad ang mga lihim na nakatago sa puso ng buong sangkatauhan. Bakit hirap na hirap ang mga tao na ihiwalay ang kanilang sarili sa kanilang mga damdamin? Higit pa ba ito kaysa sa mga pamantayan ng konsiyensya? Maisasakatuparan ba ng konsiyensiya ang kalooban ng Diyos? Makatutulong ba ang mga damdamin upang malagpasan ng mga tao ang kahirapan? Sa mga mata ng Diyos, ang mga damdamin ay Kanyang kaaway—hindi ba ito malinaw na nakasaad sa mga salita ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 28). “Hindi Ko binibigyan ng pagkakataon ang mga tao na magpahayag ng kanilang mga damdamin, sapagkat wala Akong mga damdamin ng laman, at natutuhan Kong kamuhian nang sukdulan ang mga damdamin ng mga tao. Dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako naitaboy sa isang tabi, at sa gayon ay naging ‘iba’ Ako sa kanilang paningin; dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako nakalimutan; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya sinasamantala ang pagkakataong kunin ang kanyang ‘konsensya’; dahil sa mga damdamin ng tao kaya siya laging tumututol sa Aking pagkastigo; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya Ako tinatawag na hindi patas at hindi makatarungan, at sinasabing hindi Ko iniintindi ang mga damdamin ng tao sa Aking pamamahala sa mga bagay-bagay. May kamag-anak din ba Ako sa ibabaw ng lupa?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 28). Sa pamamagitan ng paglalahad ng mga salita ng Diyos, natutunan ko na ang ating mga paglilingkod ang pinakamalaking hadlang sa pagsasagawa ng katotohanan. Wala tayong kakayahang tingnan ang mga tao at sitwasyon batay sa mga katotohanang prinsipyo kapag namumuhay tayo ayon sa ating mga paglilingkod. Nang malaman kong ititiwalag sa iglesia ang aking bunsong kapatid, nakisimpatya ako at naawa sa kanya, umasa pa nga akong hindi umabot sa pamantayan para sa pagtitiwalag ang kanyang kaso at na maaari pa siyang manatili sa iglesia. Ang lahat ng ito ay dahil sa labis-labis kong damdamin sa kanya. Dahil namumuhay ako ayon sa mga satanikong lason tulad ng “Ang tao ay hindi patay; paano siya magiging malaya mula sa emosyon?” at “Mas matimbang ang dugo kaysa tubig,” nawalan ako ng kakayahang matukoy ang mabuti sa masama at malaman kung ano ang dapat mahalin at kung ano ang dapat kasuklaman. Nang isinumite ni Yuxun ang impormasyon tungkol sa aking bunsong kapatid, ipinagtanggol ko ang aking kapatid laban sa inakala kong kawalang-katarungan nang hindi muna inunawa ang mga katunayan ng sitwasyon. Inakala kong pinalaki lamang ni Yuxun ang kaso sa kanyang ulat, at idinaing kong hindi niya tinulungan ang aking kapatid. Sa katunayan, makailang ulit na nakipagbahaginan at tumulong ang mga kapatid sa aking bunsong kapatid, ngunit hindi niya tinanggap ang tulong nila at pinintasan pa sila nang patalikod. Tunay ngang binaluktot ko ang sitwasyon at nagsalita para kay Satanas. Bagama’t gumawa ng napakaraming kasamaan ang aking kapatid hindi ko siya kinasuklaman at hiniling pang manatili siya sa iglesia; pinahintulutan kong daigin ako ng aking damdamin. Ang bawat araw na pinahihintulutan ang isang masamang taong tulad niya na manatili sa iglesia ay isa pang araw na may nagagawang kasamaan, nagdudulot ng higit pang pinsala sa mga kapatid at sa gawain ng iglesia. Hindi ba’t kinukunsinti ko ang paggawa ng masama ni Xiao Zhi sa pagnanais kong manatili siya sa iglesia at sa pagpapahintulot sa kanyang patuloy na guluhin ang gawain ng iglesia? Naging bahagi ako sa mga maling gawa ng isang masamang tao! Noon ko naunawaan sa wakas ang pakahulugan, sa mga salita ng Diyos, ng pahayag na: “Ang mga damdamin ay Kanyang kaaway.” Napagtanto ko na kung hindi ko hinanap ang katotohanan at hinayaan kong diktahan ako ng damdamin ko kung paano ako kumilos kapag nahaharap sa mga isyu, manganganib akong gumawa ng masama at lumaban sa Diyos anumang oras.

Kalaunan, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos: Ito ang prinsipyong dapat sundin. Mahal ng Diyos ang mga naghahanap ng katotohanan at nakasusunod sa Kanyang kalooban; ito rin ang mga taong dapat nating mahalin. Ang mga hindi nakasusunod sa kalooban ng Diyos, mga napopoot at naghihimagsik sa Diyos—ito ang mga taong kinasusuklaman ng Diyos, at dapat din natin silang kasuklaman. Ito ang hinihingi ng Diyos sa tao. Kung hindi naniniwala sa Diyos ang iyong mga magulang, kung alam na alam nila na ang pananampalataya sa Diyos ang tamang landas, at na maaari itong humantong sa kaligtasan, subalit ayaw pa rin nila itong tanggapin, walang duda na sila ay mga taong tumututol at namumuhi sa katotohanan, at na sila ang mga taong lumalaban at namumuhi sa Diyos—at natural lang na kinapopootan at kinamumuhian sila ng Diyos. Magagawa mo bang kapootan ang gayong mga magulang? Nilalabanan at nilalapastangan nila ang Diyos—kung magkagayon ay tiyak na mga demonyo at Satanas sila. Magagawa mo ba silang kapootan at sumpain? Mga totoong katanungan ang lahat ng ito. Kung hinahadlangan ka ng iyong mga magulang na manalig sa Diyos, paano mo sila dapat tratuhin? Gaya ng hinihingi ng Diyos, dapat mong mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos. Noong Kapanahunan ng Biyaya, sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Sino ang Aking ina? At sino-sino ang Aking mga kapatid?’ ‘Sapagkat sinumang gumagawa ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit, ay siyang Aking kapatid na lalaki at Aking kapatid na babae, at ina.’ Umiiral na ang mga salitang ito noon pang Kapanahunan ng Biyaya, at lalo pang mas malinaw ang mga salita ng Diyos ngayon: ‘Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos.’ Diretsahan ang mga salitang ito, ngunit madalas na hindi naaarok ng mga tao ang tunay na kahulugan ng mga ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, nadama ko ang Kanyang pagiging matuwid. Tinatrato ng Diyos ang mga tao ayon sa prinsipyo at hinihinging gawin din natin ang gayon. Dapat nating mahalin ang mga naghahanap ng katotohanan, taos-pusong nananalig sa Diyos, at tapat na gumaganap ng kanilang mga tungkulin, gayundin naman, pawang masasamang tao na dapat nating tanggihan at kamuhian ang mga taong patuloy na gumagambala sa iglesia, nagpaparusa at umaatake sa mga kapatid habang napopoot sa katotohanan at napopoot sa Diyos. Kahit sarili pa natin silang mga kamag-anak, dapat natin silang tingnan batay sa mga salita ng Diyos, mahalin ang minamahal ng Diyos at kapootan ang kinapopootan ng Diyos. Ngunit wala akong katotohanan noon. Tiningnan ko ang lahat mula sa perspektibo ng aking mga damdamin. Wala akong prinsipyo at pag-unawa, nagpakita ako ng pagmamahal at pakikisimpatya sa isang masamang tao, isang demonyo na malinaw na nailantad. Ito ay bulag na pagmamahal! Nang mapagtanto ko ito, pinapurihan ko ang pagiging matuwid ng Diyos at nakita ko mismo na ang katotohanan at pagiging matuwid ay naghahari sa sambahayan ng Diyos kung kaya’t walang masamang tao ang maaaring manaig sa loob nito. Ngayon, sa tulong ng mga salita ng Diyos, nagawa kong palayain ang aking sarili mula sa mga gapos ng aking mga damdamin at magkaroon ng kaunting pagkaunawa sa aking sarili. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman