Sa Gitna ng Pagsubok ng Kamatayan

Disyembre 22, 2020

Ni Xingdao, South Korea

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Diyos ay naparito para gumawa sa lupa upang iligtas ang tiwaling sangkatauhan; walang kasinungalingan dito. Kung mayroon, tiyak na hindi sana Siya naparito upang gawin ang Kanyang gawain nang personal. Dati-rati, ang Kanyang paraan ng pagliligtas ay may kasamang pagpapakita ng sukdulang pag-ibig at habag, kaya ibinigay Niya ang lahat Niya kay Satanas kapalit ng buong sangkatauhan. Ang kasalukuyan ay hindi kagaya ng nakaraan: Ang kaligtasang ipinagkaloob sa inyo ngayon ay nangyayari sa panahon ng mga huling araw, kung kailan ibinubukod ang bawat isa ayon sa uri; ang paraan ng inyong kaligtasan ay hindi pag-ibig o habag, kundi pagkastigo at paghatol, upang ang tao ay maaaring mas lubusang maligtas. Sa gayon, ang natatanggap lamang ninyo ay pagkastigo, paghatol, at walang-awang paghampas, ngunit dapat ninyong malaman ito: Sa walang-pusong paghampas na ito wala ni kakatiting na kaparusahan. Gaano man kabagsik ang Aking mga salita, ang sumasapit sa inyo ay iilang salita lamang na maaaring magmukhang lubos na walang puso sa inyo, at gaano man katindi ang Aking galit, ang dumarating sa inyo ay mga salita pa rin ng pagtuturo, at hindi Ko layon na saktan kayo o patayin kayo. Hindi ba totoo ang lahat ng ito? Dapat ninyong malaman na sa panahong ito, matuwid na paghatol man o walang-pusong pagpipino at pagkastigo, lahat ay para sa kapakanan ng kaligtasan. Ibinubukod man ngayon ang bawat isa ayon sa uri o inilalantad ang mga kategorya ng tao, ang layunin ng lahat ng salita at gawain ng Diyos ay upang iligtas yaong mga tunay na nagmamahal sa Diyos. Ang matuwid na paghatol ay pinasasapit upang dalisayin ang tao, at ang walang-pusong pagpipino ay ginagawa upang linisin sila; ang masasakit na salita o pagkastigo ay kapwa ginagawa upang magpadalisay at alang-alang sa kaligtasan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao). Inaantig talaga ako ng mga salita ng Diyos at ipinapagunita sa akin ang hindi ko malilimutang karanasan mahigit dalawampung taon na ang nakakaraan sa panahon ng pagsubok ng kamatayan. Tunay kong napahalagahan na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay ang Kanyang pagmamahal at pagliligtas sa tao. Gaano man kalupit o nakakasama ng loob ang mga salita ng Diyos, para lang iyon maglinis at magpabago sa atin.

Pebrero 1992 noon. Matapos ang pagsubok ng mga taga-serbisyo, iniangat kami ng Diyos upang maging bayan ng Kapanahunan ng Kaharian at ibinigay Niya sa amin ang Kanyang mga hinihingi: magtuon sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at isagawa ang mga ito, maghangad na makilala ang Diyos, magpatotoo sa Diyos sa pamamagitan ng mga pagsubok at makamtan ang pamantayan ng bayan ng kaharian sa lalong madaling panahon. Noon, madalas banggitin ng mga salita ng Diyos ang “mga tao sa Aking sambahayan” at “ang mga tao ng Aking kaharian.” Laging pinaparamdam sa akin ng mga salitang ito na nakikita kami ng Diyos bilang sarili Niyang pamilya. Mayroon akong pakiramdam ng init at pampalakas ng loob, kaya’t nagsikap akong maging isa sa bayan ng Diyos. Idinarasal at binabasa ko ang mga salita ng Diyos at pinagbubulayan ang kalooban Niya mula sa Kanyang mga salita. Ginawa ko ang tungkulin ko sa abot ng aking makakaya at nagpasyang sumunod sa Diyos sa buong buhay ko. Dalawampu’t dalawang taong gulang ako noon. Karamihan sa mga ka-edad ko noon ay ikinasal na at may mga anak na. Patuloy na sinusubukan ng pamilya kong hindi mananampalataya na ihanap ako ng asawa, pero tinanggihan ko silang lahat.

Gustong-gusto kong kinakanta noon ang “Awit ng Kaharian,” lalo na ang parteng ito: “Sa tunog ng pagpupugay ng kaharian, bumabagsak ang kaharian ni Satanas, nawasak sa dagundong ng awit ng kaharian, hindi na babangong muli kailanman!” “Sino sa lupa ang nangangahas na bumangon at lumaban? Habang bumababa ang Diyos sa lupa, hatid Niya’y pagkasunog, hatid Niya’y poot, hatid Niya’y lahat ng klaseng kapahamakan. Ang mga kaharian sa lupa ay kaharian na ngayon ng Diyos!(“Awit ng Kaharian (I) Bumababa ang Kaharian sa Mundo” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Sa tuwing kinakanta ko ang himnong ito, iniisip ko kung paano lilitaw sa lupa ang kaharian ng Diyos, at kapag tapos na ang gawain ng Diyos, darating ang malalaking sakuna at lahat ng sumasalungat sa Diyos ay wawasakin. Subalit, kaming mga sumusunod sa Diyos ay makakaligtas at aakayin kami ng Diyos patungo sa kaharian para magtamasa ng walang hanggang mga pagpapala. Labis na kamangha-manghang isipin ang lahat ng ito. Noon, inakala ko na ang pagtanggap sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos at pag-aangat upang sumama sa bayan ng kaharian ay nangangahulugan na ang pagpasok sa kaharian ng Diyos sa buhay na ito ay pinagpasyahan na at wala nang makakakuha noon sa akin. Labis akong nasabik. Sumigla ang aming mga espiritu at napuno kami ng kagalakan. Walang pagod kaming gumugol ng sarili para sa Diyos.

Pero matuwid at banal ang Diyos, nakikita Niya ang aming mga puso, at alam Niya ang mga kuru-kuro, mga haka-haka, at mga ganid na pagnanasang kinikimkim namin. Nang puno na kami ng pag-asa na makakapasok kami sa kaharian at magsasaya sa mga pagpapala ng Diyos, sa huling bahagi ng Abril, bumigkas ang Diyos ng mga bagong salita, inihahatid kaming lahat patungo sa pagsubok ng kamatayan.

Isang araw, nagdaos ng isang pagtitipon ang isang lider ng iglesia at binasa ang mga salita ng Diyos: “Habang nangangarap ang mga tao, naglalakbay Ako sa mga bansa ng mundo at nagkakalat sa tao ng ‘amoy ng kamatayan’ na nasa Aking mga kamay. Tinatalikuran kaagad ng lahat ng tao ang kasiglahan at pumapasok sa susunod na baitang ng buhay ng tao. Sa gitna ng sangkatauhan, hindi na makikita ang anumang mga bagay na may buhay, nagkalat ang mga bangkay kung saan-saan, ang mga bagay na puno ng sigla ay naglalaho kaagad nang walang bakas, at pumupuno ang nakasusulasok na amoy ng mga bangkay sa lupain. … Ngayon, dito, magulo ang pagkahimlay ng mga bangkay ng lahat ng tao. Hindi alam ng mga tao, pinakakawalan Ko ang salot na nasa Aking mga kamay, at nabubulok ang katawan ng mga tao, na walang iniiwang bakas ng laman mula ulo hanggang paa, at lumalayo Ako nang husto mula sa tao. Hinding-hindi na Ako muling makikitipon sa tao, hinding-hindi na Ako muling lalapit sa tao, sapagkat dumating na ang wakas ng huling yugto ng Aking buong pamamahala, at hindi Ko na muling lilikhain ang sangkatauhan, hindi Ko na pakikinggang muli ang tao. Matapos basahin ang mga salita mula sa Aking bibig, nawawalan ng pag-asa ang lahat ng tao, sapagkat ayaw nilang mamatay—ngunit sino ang hindi ‘namamatay’ para ‘mabuhay’? Kapag sinasabi Ko sa mga tao na wala Akong mahika para buhayin sila, bumubulalas sila ng iyak sa sakit; tunay nga, bagama’t Ako ang Lumikha, mayroon lamang Akong kapangyarihang patayin ang mga tao, at wala Akong kakayahang buhayin sila. Dito, humihingi Ako ng paumanhin sa tao. Sa gayon, sinabi Ko nang maaga sa tao na ‘may utang Ako sa kanya na hindi mababayaran’—subalit akala niya ay gumagalang lamang Ako. Ngayon, sa pagdating ng mga katotohanan, sinasabi Ko pa rin ito. Hindi Ko ipagkakanulo ang mga katotohanan kapag Ako ay nagsalita. Sa kanilang mga kuru-kuro, naniniwala ang mga tao na napakarami Kong paraan ng pagsasalita, kaya nga lagi silang nakakapit sa mga salitang ibinibigay Ko sa kanila habang umaasa sila ng iba pa. Hindi ba ito ang mga maling motibo ng tao? Sa ilalim ng mga sitwasyong ito Ako nangangahas na ‘buong-tapang’ na sabihin na hindi totoong mahal Ako ng tao. Hindi Ko tatalikuran ang konsiyensiya at babaluktutin ang mga katotohanan, sapagkat hindi Ko dadalhin ang mga tao sa kanilang ulirang lupain; sa huli, kapag natapos ang Aking gawain, aakayin Ko sila sa lupain ng kamatayan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 40). Nang mabasa ko ang “bagama’t Ako ang Lumikha, mayroon lamang Akong kapangyarihang patayin ang mga tao, at wala Akong kakayahang buhayin sila,” labis akong naguluhan. “Bakit sasabihin ng Diyos ang ganoong bagay?” naisip ko. “Nasa mga kamay ng Diyos ang buhay at kamatayan ng tao. Bakit sinasabing kulang Siya sa ‘kakayahan’ para buhayin ang tao? Talaga bang mamamatay pa rin kaming mga mananampalataya sa huli? Kami ang bayan ng kaharian, kaya paano kami mamamatay? Hindi iyon maaari! Pero hindi makikipagbiruan sa amin ang Diyos. Malinaw na isinasaad ng Kanyang mga salita, ‘Kapag natapos ang Aking gawain, aakayin Ko sila sa lupain ng kamatayan.’ Hindi ba iyon nangangahulugan na hahantong kami sa pagharap sa kamatayan? Tungkol saan ang lahat ng ito?” Hindi ko lang maintindihan kung bakit sasabihin ng Diyos ang ganoong bagay. Mukhang nalilito rin ang ibang mga kapatid sa paligid ko. Pagkatapos ay nagbahagi sa amin ang lider ng iglesia: “Labis na ginawang tiwali ni Satanas ang ating laman. Puno ito ng mga satanikong disposisyon. Mapagmataas tayo, mapanlinlang, makasarili, at sakim, at nagsisinungaling at nandaraya pa rin tayo sa lahat ng oras. Maaaring naniniwala tayo sa Diyos at gumugugol ng sarili para sa Kanya, pero hindi natin maisagawa ang Kanyang mga salita. Hinahatulan at sinisisi pa rin natin Siya kapag dumarating ang mga pagsubok at pagdurusa. Ipinapakita nito na kay Satanas ang ating laman at lumalaban tayo sa Diyos. Matuwid, banal, at hindi nalalabag ang disposisyon ng Diyos. Paano Niya hahayaan na pumasok sa kaharian Niya ang mga taong pag-aari ni Satanas? Kaya kapag natapos ang Kanyang gawain, darating ang malalaking sakuna, at kung tayong mga mananampalataya ay hindi pa nagkakamit ng katotohanan, kung hindi pa nababago ang ating mga disposisyon sa buhay, kung gayon mamamatay pa rin tayo.”

Nang marinig ang pagbabahagi na ito mula sa lider, binaha ako ng mga emosyon at hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko. Pakiramdam ko bigla akong pinagsakluban ng langit at lupa—gulat na gulat ako. Napuno ang isip ko ng pagkalito at sama ng loob, at naisip ko, “Bilang ang huling henerasyon, hindi ba kami ang pinakapinagpala? Iniangat kami ng Diyos upang maging ang bayan ng Kapanahunan ng Kaharian. Kami ang mga haligi ng kaharian ng Diyos. Paano kami mamamatay sa katapusan? Isinuko ko ang kabataan ko at ang pag-asang makapag-asawa para sumunod sa Diyos. Nagsikap ako, gumugol ng sarili para sa Diyos, at naghirap nang husto. Naaresto na ako at nausig ng CCP, kinutya at siniraang-puri ng mga hindi mananampalataya. Bakit dapat pa rin akong mamatay sa pinakakatapusan? Nauwi ba sa wala ang lahat ng paghihirap ko?” Napakasakit na isipin ito. Pakiramdam ko ay may malaking nakadagan sa akin at halos hindi ako makahinga. Napansin kong lahat ng nasa paligid ko ay pareho ng nararamdaman. May ilang tahimik na umiiyak, habang isinubsob ng iba ang kanilang mukha sa mga kamay nila at humagulhol. Matapos ang pagtitipon, sinabi ng aking ina nang may buntong-hininga, “Mahigit animnapung taong gulang na ako, at tinanggap ko na ang kamatayan. Pero napakabata mo pa, nagsisimula pa lang ang buhay mo….” Mas lalo akong nabalisa nang marinig kong sabihin niya iyon at hindi ko na napigil ang mga luha ko. Hindi ako mapalagay tuwing gabi, hindi ako makatulog. Hindi ko talaga maintindihan. Masigasig akong gumugol ng sarili para sa Diyos at isinuko ko ang lahat para sumunod sa Kanya, kaya bakit kailangan kong mamatay sa malalaking sakuna? Talagang hindi ko ito matanggap, kaya nagsimula akong magbuklat ng mga salita ng Diyos, umaasang makakita ng isang tanda, para makita kung puwedeng mabago ang aming mga kahihinatnan. Pero hindi ko nakita ang mga gusto kong kasagutan. Tulala, naisip ko, “Mukhang talagang kinondena kami ng Diyos at sigurado na ang kamatayan namin. Walang makapagbabago nito. Ito ang ipinasiya ng Langit.”

Sa mga sumunod na ilang araw, talagang nalungkot ako. Halos hindi ako marinig kapag nagsasalita at ayokong gumawa ng kahit ano. Noon, lagi akong nagtatrabaho nang mahahabang oras sa pagta-transcribe ng mga salita ng Diyos hanggang sa sumakit ang kamay ko, pero hindi iyon nakaabala sa akin. Gusto ko lang na mabasa ng mga kapatid ang mga bagong pagbigkas ng Diyos sa lalong madaling panahon, pero wala na ngayon ang pakiramdam ng responsibilidad na iyon. Biglang nanlamig ang nag-aalab kong kasiglahan. Kapag nag-transcribe ako ngayon ng mga salita ng Diyos, maiisip ko, “Bata pa ako at hindi ko pa natatamasa ang mga pagpapala ng kaharian ng langit. Ayoko talagang mamatay nang ganito!” Nagsimula akong umiyak habang iniisip ko ang lahat ng ito. Mabigat ang puso ko noong panahong iyon, at masakit na para bang isang kutsilyo ang ibinaon doon. Nawalan na ng lasa ang mundo para sa akin. Pakiramdam ko parang darating na ang malalaking sakuna anumang minuto, at hindi ko alam kung kailan ako mamamatay. Pakiramdam ko nagwakas na ang mundo.

Kalaunan, binasa ko ang mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng ilang kaalaman sa sarili, pagkatapos dahan-dahan, sa paglipas ng panahon, naging malaya ako. Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Ngayon, sa panahon ng pagsulong tungo sa tarangkahan ng kaharian, lahat ng tao ay nagsisimulang sumulong—nguni’t pagdating nila sa harap ng tarangkahan, isinasara Ko ang tarangkahan, pinagsasarhan Ko ang mga tao sa labas, at hinihinging ipakita nila ang kanilang pahintulot sa pagpasok. Ganap na salungat sa inaasahan ng mga tao ang gayong kakaibang kilos, at nagugulat silang lahat. Bakit ang tarangkahan—na lagi nang nakabukas nang malaki—ay biglang isinara na nang mahigpit ngayon? Pumapadyak at palakad-lakad ang mga tao. Iniisip nila na makalulusot sila papasok, nguni’t nang iniaabot na nila ang kanilang huwad na mga pahintulot sa pagpasok, itinatapon Ko kaagad-agad ang mga iyon sa hukay ng apoy, at nang makita na ang kanilang sariling ‘mabusising mga pagsisikap’ ay natutupok sa apoy, nawawalan sila ng pag-asa. Sinasapo nila ang kanilang mga ulo, umiiyak, pinanonood ang magagandang tanawin sa loob ng kaharian nguni’t hindi makapasok. Gayunman ay hindi Ko sila pinapapasok dahil sa kanilang kaawa-awang kalagayan—sinong maaaring sumira sa Aking plano kung gugustuhin nila? Ang mga pagpapala ba ng hinaharap ay ibinibigay kapalit ng kasigasigan ng mga tao? Ang kahulugan ba ng pag-iral ng tao ay nakasalalay sa pagpasok sa Aking kaharian ayon sa kagustuhan ng isang tao? … Matagal na Akong nawalan ng pananampalataya sa tao, at matagal na Akong nawalan ng pag-asa sa mga tao, sapagka’t wala silang ambisyon, hindi nila nagawa kailanman na bigyan Ako ng pusong nagmamahal sa Diyos, at sa halip ay laging ibinibigay sa Akin ang kanilang mga pangganyak. Napakarami Ko nang nasabi sa tao, at yamang binabalewala pa rin ng mga tao ang Aking payo ngayon, sinasabi Ko sa kanila ang Aking pananaw upang maiwasan nila ang maling pagkaunawa sa Aking puso sa hinaharap; problema na nila kung mabubuhay o mamamatay man sila sa darating na mga panahon; wala Akong kontrol dito. Umaasa Akong makikita nila ang kanilang sariling landas upang manatiling buhay. Wala Akong kapangyarihan dito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 46). “Kapag handang isakripisyo ng mga tao ang kanilang mga buhay, ang lahat ng bagay ay nagiging walang halaga, at walang makagagapi sa kanila. Ano ang maaaring maging higit na mahalaga kaysa buhay? Sa ganitong paraan nawawalan si Satanas ng kakayahang gumawa pa sa mga tao, walang anumang magagawa ito sa tao. Bagaman sa pakahulugan ng ‘laman’ ay sinasabi na ginawang tiwali ni Satanas ang laman, kung tunay na ibinibigay ng mga tao ang kanilang mga sarili, at hindi nahihimok ni Satanas, kung gayon walang sinuman ang makagagapi sa kanila—at sa sandaling ito, gagampanan ng laman ang isa pa nitong tungkulin, at magsisimulang opisyal na tanggapin ang patnubay ng Espiritu ng Diyos. Ito ay isang kinakailangang proseso, dapat itong mangyari nang isa-isang hakbang; kung hindi, hindi magkakaroon ang Diyos ng paraan para makagawa sa sutil na laman. Ganoon ang karunungan ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 36). Masyado akong balisa habang pinagninilayan ang mga salita ng Diyos. Hindi ba’t nakakaramdam ako ng ganoong pagka-negatibo at sakit dahil takot ako sa kamatayan at labis na naghahangad ng mga pagpapala? Noong mga unang araw, naniwala ako sa Diyos para sa mga pagpapala at para makapasok sa kaharian ng langit. Kahit pinagdaanan ko ang pagsubok ng mga taga-serbiyso, at kayang bitawan nang kaunti ang paghahangad ko ng mga pagpapala at desidido nang gumawa ng serbisyo sa Diyos, malalim na nakaugat ang mapanlinlang at masamang satanikong kalikasan ko. Nang gawin kami ng Diyos bilang bayan Niya, muling umasa ang puso ko. Naisip kong siguradong makakapasok na ako sa kaharian ng langit sa pagkakataong ito. Akala ko sa pamamagitan ng pagtanggap sa pangalan ng Diyos, sa pag-aangat ng Diyos para maging isa ako sa bayan ng kaharian, pag-iwan sa lahat, at paggugol ng sarili, ay siyempre makakapasok ako sa kaharian ng langit. Isa iyong sertipiko ng kamatayan. Nang basagin ng gawain ng Diyos ang aking mga kuru-kuro at kinuha ang aking mga inaasam at destinasyon, naging mahina at negatibo ako at nagreklamo sa Diyos. Pinagsisihan ko pa nga ang mga sakripisyong ginawa ko noon. Nakita ko na ang lahat ng mga pagsisikap ko ay para makakuha ng mga pagpapala ng kaharian ng langit bilang kapalit. Hindi ba ako nakikipagtawaran sa Diyos, dinadaya Siya at ginagamit Siya? Wala akong inihayag kundi paghihimagsik at mga reklamo sa harap ng bawat pagsubok. Gusto ko Siyang sundin pero hindi ko magawa, at hindi ako makapagsagawa ng mga katotohanang alam na alam ko. Napagtanto kong likas akong lumalaban sa Diyos, na pag-aari ako ni Satanas. Ang isang tulad ko, na puno ng mga satanikong disposisyon, ay dapat mamatay at puksain. Ganap akong hindi karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos. Ito ay itinakda ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang pagkakaroon ng pagkakataong sundin ang Diyos at malaman ang Kanyang matuwid na disposisyon ay nangangahulugan na hindi nasayang ang buhay ko! Pagkatapos ay nanalangin ako sa Diyos: “Ayoko nang mabuhay para sa laman ko, sa halip gusto kong magpasakop sa Iyong paghahari at mga pagsasaayos. Anuman ang kahinatnan ng aking katapusan, kahit mamatay man ako, pupurihin ko pa rin ang Iyong pagiging matuwid.” Nang itigil ko ang pag-iisip tungkol sa aking katapusan at destinasyon at ninais na sundin ang mga pagsasaayos ng Diyos kahit sarili kong buhay ang maging kabayaran, nakaramdam ako ng kamangha-manghang pakiramdam ng pagpapalaya.

Pero noong panahong iyon, kahit nagawa naming sumunod at tumalima sa Diyos anuman ang aming kahihinatnan, wala kaming hinahangad na isang layunin. Pero noong Mayo 1992, nagpahayag ang Diyos ng mas maraming salita, sinasabi sa aming hangarin ang pagmamahal ng Diyos habang nabubuhay at magsabuhay ng makabuluhang mga buhay. Hinatid kami ng Diyos patungo sa panahon ng pagmamahal sa Diyos, at tapos na ang pagsubok ng kamatayan. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pagtitipon at pagbabahagi, napagtanto ko na bagama’t nasa mga kamay ng Diyos ang kapalaran ng tao at walang makakatakas sa kamatayan, hindi kalooban ng Diyos na negatibo naming harapin ang kamatayan. Gusto Niyang hangarin namin na mahalin Siya habang buhay kami, na makapagsagawa ng katotohanan, itapon ang aming mga tiwaling disposisyon, at lubos na mailigtas. Saka lang kami magiging angkop na pumasok sa Kanyang kaharian. Naunawaan ko sa wakas na sa paggabay sa amin patungo sa pagsubok ng kamatayan, hindi kami ginagabayan ng Diyos sa aming mga kamatayan, ngunit inihahayag sa amin ang Kanyang matuwid na disposisyon. Ginawa Niya ito para maunawaan namin kung sino ang inililigtas Niya, kung sino ang winawasak Niya, at kung sino ang angkop na pumasok sa kaharian Niya. Nakita ko rin kung gaano ako ginawang tiwali ni Satanas at nagawa kong pakawalan ang aking mga kuru-kuro, mga haka-haka, at ang pagnanasa ko para sa mga pagpapala. Nagawa kong magpasakop sa paghahari at mga pagsasaayos ng Diyos at talagang nagsimula akong hanapin ang katotohanan. Ito ang pagliligtas sa akin ng Diyos! Mas nakita ko pa na hindi humahatol at kumakastigo ng mga tao ang Diyos dahil sa kinamumuhian Niya tayo o gusto Niya tayong pahirapan, kundi para gabayan tayo patungo sa tamang landas ng paghahanap ng katotohanan at pagkakaligtas! Ang lahat ng ginagawa ng Diyos sa atin ay hindi sa pamamagitan ng pagdating ng mga katotohanan. Kumukuha Siya ng mga resulta sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga salitang humahatol, kumakastigo, sumusubok at pumipino sa atin. Napakatalino ng gawain ng Diyos at napakatotoo ng Kanyang pagmamahal at pagliligtas sa tao!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Desidido Ako sa Landas na Ito

Ni Han Chen, TsinaIlang taon na ang nakararaan, inaresto ako ng mga pulis dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Sinentensyahan ako ng Partido...