Pagliligtas ng Diyos

Disyembre 22, 2020

Ni Yichen, Tsina

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bawat hakbang ng gawain ng Diyos—masasakit na salita man ito, o paghatol, o pagkastigo—ay ginagawang perpekto ang tao, at talagang angkop. Hindi kailanman nakagawa ng gawain ang Diyos sa lumipas na mga kapanahunan na kagaya nito; sa ngayon, gumagawa Siya sa inyong kalooban kaya napahalagahan ninyo ang Kanyang karunungan. Bagama’t nagtiis na kayo ng kaunting pagdurusa sa inyong kalooban, matatag at payapa ang inyong puso; inyong biyaya ang matamasa ang yugtong ito ng gawain ng Diyos. Anuman ang magagawa ninyong makamit sa hinaharap, lahat ng inyong nakikita sa gawain ng Diyos sa inyo sa ngayon ay pag-ibig. Kung hindi nararanasan ng tao ang paghatol at pagpipino ng Diyos, ang kanyang mga kilos at sigla ay laging mananatiling paimbabaw, at ang kanyang disposisyon ay laging mananatiling hindi nagbabago. Maibibilang ba ito na nakamit ka na ng Diyos? Sa ngayon, bagama’t matindi pa rin ang kayabangan at kapalaluan sa kalooban ng tao, mas matatag na ang disposisyon ng tao kaysa rati. Pinakikitunguhan ka ng Diyos upang iligtas ka, at bagama’t maaari kang makadama ng kaunting pasakit sa panahong iyon, darating ang araw na magkakaroon ng pagbabago sa iyong disposisyon. Sa oras na iyon, aalalahanin mo ang nakalipas at makikita mo kung gaano karunong ang gawain ng Diyos, at sa oras na iyon ay magagawa mong tunay na maunawaan ang kalooban ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). Sa pagbabasa ng siping ito hindi ko maiwasang isipin kung gaano ako kayabang dati. May mga hindi mapigil akong pagnanasa, naghahangad ng katanyaga’t katayuan, at ikinukumpara ang sarili sa iba. Wala akong wangis ng isang tao. Pagkaranas ng paghatol, pagkastigo’t pagdidisiplina ng salita ng Diyos, nagsimula akong maunawaan nang kanuti ang sataniko kong likas. Nagsisi ako’t nasuklam sa sarili, at naging mas tapat at mapagkumbaba. Naramdaman ko talagang ang paghatol ng salita ng Diyos ang kaligtasan ng tao.

Isang taon matapos kong tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, naging pinuno ako ng iglesia. Dahil itinaas ako ng Diyos at pinagkatiwalaan ng mga kapaid, nagdasal ako sa Diyos, nagpasyang gagawin ang tungkulin ko’t susuklian ang pag-ibig Niya. Agad akong nababad sa gawain ng iglesia. Kapag nahihirapan ang ilan, naghahanap ako ng salita ng Diyos para matulungan sila, at kahit mababaw ang ibinahagi ko, may resulta naman. Sabi ng mga kapatid, nakatulong naman ang pagbabahagi ko. Dahil may ilang tagumpay ako sa tungkulin ko, binigyan pa ako ng gawain para sa iba-ibang iglesia. Nasabik ako dahil doon. Lalo na nang makita kong mas mabilis akong umunawa ng salita ng Diyos, at pinuri ako ng pinuno, Talagang natuwa ako sa sarili ko. Akala ko nakita ako ng pinuno bilang isang taong may potensyal, isang talentong hindi maaaring mawala. Sa paglipas ng panahon, mas lalo akong naging mayabang, at akala ko, may realidad na ako ng katotohanan. Hindi na ako nagtuon sa pagkain ng mga salita ng Diyos, hindi ko na hinahanap ang katotohanan kapag may isyu. Laging mataas ang tingin ko sa sarili ko’t hinamak ko ang mga kapatid. Nang nakita ko na ang ang ilan sa kanila’y pinipigil ng katiwalian nila’t hindi maayos na makagawa ng tungkulin, itinigil ko ang pagbabahagi ng katotohanan sa kanila, sa halip ay pinagalitan ko sila: “Umabot na sa ganitong punto ang gawain ng Diyos, pero nagtatamasa pa rin kayo ng laman. Hindi ba kayo takot na mahulog sa sakuna’t maparusahan? Kung hindi niyo aayusin ang tungkulin niyo, aalisin kayo.” Nakita kong napigilan sila’t hindi na nila ako gustong makita, pero hindi ako nagnilay sa sarili, nagmaktol akong hindi nila hinahanap ang katotohanan.

Hindi nagtagal, may pinuno na pumunta sa pagtitipon. Akala ko para iyon sa pagtaas ng tungkulin ako. Pero nagulat ako nang sabihin niyang mababaw ang pagpasok ko sa buhay, na hindi nakakalutas sa problema ang pagbabahagi ko, at hindi ako pwedeng mamahala para sa iba’t ibang iglesia. Nang marinig ko iyon, talagang natigilan ako—nablangko ang isip ko. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi. Ang naaalala ko lang, umiiyak ako, iniisip na: “Nagsumikap ako sa tungkulin ko, pero sa halip na umangat, lumubog ako. Ano na lang ang iisipin sa akin ng mga kapatid? Mukhang hindi ko kaya iyong malakihang gawain, pero paano ko mapapayagan ang sarili ko sa maliliit na tungkulin?” May ilang araw na hindi ako makakain o makatulog, babad ako sa lungkot. Nanalangin lang ako sa Diyos, hiniling kong liwanagan Niya ako para maunawaan ko ang kalooban Niya. Pagkadasal, naging mas kalmado na ako’t nabasa ko ang salita ng Diyos: “Sa inyong paghahangad, napakarami ninyong indibidwal na mga kuru-kuro, pag-asam, at hinaharap. Ang kasalukuyang gawain ay para iwasto ang inyong hangaring magkaroon ng katayuan at ang inyong maluluhong pagnanasa. Ang mga pag-asam, katayuan, at mga kuru-kuro ay pawang mga halimbawang kumakatawan ng satanikong disposisyon. … Kayo ngayon ay mga alagad, at nagtamo na kayo ng kaunting pagkaunawa tungkol sa yugtong ito ng gawain. Gayunman, hindi pa rin ninyo naisasantabi ang inyong pagnanasa sa katayuan. Kapag mataas ang inyong katayuan naghahanap kayong mabuti, ngunit kapag mababa ang inyong katayuan hindi na kayo naghahanap. Palagi ninyong iniisip ang mga pagpapala ng katayuan. Bakit hindi maialis ng karamihan sa mga tao ang pagiging negatibo? Hindi kaya dahil palaging malabo ang mga maaasahan? … Habang mas naghahanap ka sa ganitong paraan, mas kakaunti ang napapala mo. Kapag mas matindi ang paghahangad ng isang tao sa katayuan, kailangan ay mas mahigpit siyang pakitunguhan at mas nararapat siyang sumailalim sa matinding pagpipino. Ang gayong klaseng mga tao ay walang kuwenta! Kailangan silang pakitunguhan at hatulan nang sapat upang lubusan nilang talikuran ang mga bagay na ito. Kung magpapatuloy kayo sa ganitong paraan hanggang sa huli, wala kayong mapapala. Yaong mga hindi naghahangad na matamo ang buhay ay hindi maaaring mabago, at yaong mga hindi nauuhaw sa katotohanan ay hindi matatamo ang katotohanan. Hindi ka nagtutuon sa paghahangad na matamo ang personal na pagbabago at pagpasok, kundi sa halip ay sa maluluhong pagnanasa at mga bagay na pumipigil sa iyong pagmamahal sa Diyos at humahadlang sa iyo na mapalapit sa Kanya. Mababago ka ba ng mga bagay na yaon? Madadala ka ba ng mga iyon papasok sa kaharian?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?). Matapos ko iyong mabasa, naunawaan ko ang kalooban ng Diyos. Ginawa Niya ang sitwasyong iyon para pakitunguhan ang pagnanasa ko sa katayuan, para pagnilayan ang sarili ko’t tahakin ang tamang landas sa pagsunod sa katotohanan. Inisip ko kung iyon bang mga paghahangad at sakripisyo ko sa pananampalataya’y para sa paghahangad ng katotohana’t paggawa ng tungkulin ng isang nilikha. Ang realidad, para lang iyon masiyahan ang ambisyon kong mas mauna sa iba, at hindi para hanapin ang katotohanan! Kaya nang nagkaroon ako ng posisyon, natuwa ako sa sarili ko’t hindi na nagtangkang umusad. Nang matanggal ako, bukod sa hindi ako nagnilay sa sarili, naging negatibo ako’t sinisi ang Diyos. Naisip ko pa ngang sumuko na lang at pagtaksilan Siya. Wala akong konsiyensiya’t katinuan, sakim at kasuklam-suklam. Pagprotekta ng Diyos ang pagkakatanggal ko. Dapat hinanap ko ang katotohanan para lutasin ang katiwalian ko. Noong sandaling napagtanto ko iyon, lumapit ako sa Diyos at nanalangin: “Diyos ko, ayoko nang hanapin ang katayuan. Gusto kong magpasakop sa Iyong pamamahala’t kaayusan, talagang hanapin ang katotohana’t tuparin ang tungkulin ko.” Noong mga sumunod na araw, nagtuon ako sa pagkain ng salita ng Diyos at pagninilay sa sarili, at nang nalantad uli ang kayabangan ko, nagdasal ako sa Diyos at tinalikdan ang sarili. Mas gumaan ang pakiramdam ko matapos akong magsagawa nang ganoon, at maayos na akong makipag-ugnayan sa mga kapatid.

Matapos ang ilang taon na ganito, nahalal uli akong maging pinuno ng iglesia. Hindi nagtagal, nakipagsanib ang iglesia namin sa isa pang iglesia, kaya kailangan uling pumili ng pinuno. Dahil doon, muling nagpakita ang pagnanasa ko sa katayuan, at talagang natakot akong mawalan ng posisyon. Sa pagtitipon kasama ang mga pinuno ng ibang simbahan, nakita kong karaniwan lang ang pagbabahagi nila sa katotohanan, kaya naisip kong sigurado nang ako ang mapipiling maging pinuno. Para masiguro ang posisyon ko at mas marami ang makakita kung gaano ako kahusay, nag-alok ako na lutasin ang ilang isyu sa isang mas mahinang simbahan, nangako ako na lulutasin ko agad ang mga iyon. Araw-araw akong naging abala sa pagtitipon, pagbabahagi’t paglutas sa mga problema, at sa pagbabahagi ko, sadya kong pinag-usapan kung paano ako gumawa dati, kung ano ba iyong malalaki kong nakamit, at kung paano ako pinahalagahan ng mga pinuno noon. Sadya ko ring pinag-usapan iyong tungkol sa kamalian sa gawain ng mga pinuno ng ibang iglesia para patago kong iangat ang sarili ko at ibaba sila. Pero nakikita ng Diyos ang puso’t isip natin, at dahil mali ang motibo ko sa tungkulin, tinago ng Diyos ang sarili Niya mula sa akin. Noong panahong iyon, kahit lagi akong abala, wala akong napala sa gawain ko. Tinubuan ako ng mga singaw sa bibig ko, at kahit na ang pag-inom ay masakit. Talagang nagdusa ako at naisip kong mula nang dumating ako roon, wala pa akong nalulutas at iyong gawain ko, wala pa ring nakakamit na resulta. Ano na ang magiging tingin sa akin ng mga pinuno kapag naisip nila na hindi pala ako mahusay? Paano pala kung matanggal ako bago pa ang halalan? Napakalaki noong kahihiyan. Nang maisip ko iyon, talagang gusto ko nang malutas agad ang lahat ng mga problema, pero kahit anong pagbabahagi ko, patuloy pa rin na nagtagal ang lahat kagaya ng dati. Talagang nahirapan ako, kaya lumapit ako sa Diyos at nanalangin sa Kanya. “Diyos ko! Nahulog ako sa kadiliman at wala akong maunawaang poblema. Diyos ko, nilabanan siguro Kita, kaya hinihiling kong gabayan Mo ako. Nakahanda akong magnilay sa sarili at magsisi.”

Kalaunan, may nabasa akong salita ng Diyos: “Mayroon kayong dila at mga ngipin ng mga taong di-matuwid sa inyong mga bibig. Ang inyong mga salita at gawa ay katulad niyaong sa ahas na tumukso kay Eba na magkasala. Hinihingi ninyo sa isa’t isa ang mata para sa mata at ngipin para sa ngipin, at nagtutunggali kayo sa Aking presensya para mag-agawan ng puwesto, katanyagan, at pakinabang para sa inyong mga sarili, nguni’t hindi ninyo nalalaman na palihim Kong pinagmamasdan ang inyong mga salita at gawa. Bago pa man kayo makarating sa Aking presensya, natunugan Ko na ang kaibuturan ng inyong mga puso. Ang tao ay palaging nag-aasam na tumakas sa pagkakahawak ng Aking kamay at iwasan ang pagmamasid ng Aking mga mata, nguni’t hindi Ako kailanman umilag sa kanyang mga salita o gawa. Sa halip, sadya Kong hinahayaan ang mga salita at gawang yaon na makita ng Aking mga mata, upang maaari Kong kastiguhin ang kasamaan ng tao at ipatupad ang paghatol sa kanyang paghihimagsik. Kaya nga, ang lihim na mga salita at gawa ng tao ay laging nananatili sa harapan ng Aking luklukan ng paghatol, at ang Aking paghatol ay hindi kailanman naalis sa tao, sapagka’t labis ang kanyang paghihimagsik(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao). Lubhang natakot ako dahil sa salita ng paghatol at pagbubunyag ng Diyos. Inalala ko kung papaano ba iyong naging pagkilos at pag-iisip ko dati. Para masiguro ang posisyon ko bilang pinuno at tingalain ako ng mas maraming tao, nagkunwari akong nilulutas ang mga problema sa pamamagitan ng pagbabahagi para patunayan ang sarili ko’t kunin ang loob nila, inangat ko ang sarili ko at ibinaba ang iba. Trinato ko ang mga kapatid na mga kakompetisyon ko, gumamit ng nga taktika’t pandaraya. Wala akong wangis ng isang mananampalataya, wala akong kabaitan. Ano’ng kaibahan ko sa isang hayop na nakikipag-away para lang sa kapirasong pagkain? Napakasakim ko at kasuklam-suklam. Gumawa ako ng kasamaan at nilabanan ang Diyos sa mga kilos ko at nagkasala sa disposisyon Niya. Iyong paghihirap ko sa mga singaw at iyong hindi ko pagkamit ng anuman sa gawain ay pagkastigo’t pagdisiplina sa akin ng Diyos. Kalooban Niya na magnilay ako sa sarili, magsisi at magbago. Pagkatapos, insip ko kung bakit lagi akong naghahangad ng kasikatan at katayuan, kung bakit ba iyon ang inuuna ko sa lahat. Dahil iyon sa nilinlang ako at ginawang tiwali ni Satanas. Ginamit niya ang edukasyon at impluwensyang panlipunan para ibabad ang puso ko sa mga lason at pilosopiyang ito, gaya ng “Yaong mga nagpapagal sa kanilang isipan ay namamahala sa iba, at yaong mga nagpapagal sa kanilang mga kamay ay pinamamahalaan ng iba” at “Mamukod-tangi at magdala ng parangal sa kanyang mga ninuno.” Malalim na nag-ugat sa puso ko ang mga satanikong pilosopiyang ito at naging likas ko na. Namuhay ako sa mga lasong ito, at naging mas mayabang at mas palalo habang tumatagal, sinasamba ko ang katanyagan at katayuan, sinusubok na mauna at maging mas magaling sa iba. Dahil sa wala ako sa tamang landas, sa halip ay namumuhay sa tiwali’t satanikong disposisyong ito, nabulag ako’t hindi makita ang ugat ng problema, di ko rin malutas ang mga problema ng iba’t naantala ko ang gawain ng iglesia. Hindi ko ginagawa ang tungkulin ko, ang ginagawa ko’y kasamaan. Nagpatirapa ako sa harap ng Diyos at nagsisi: “Diyos ko, pinabayaan ko ang tungkulin ko paral sa pangalan at pakinabang, sinubukan Kitang linlangin. Dapat akong isumpa. Diyos ko, ayoko nang maging ganito. Gusto ko nang magsisi sa Iyo.” Tapos nabasa ko ang mga salitas ng Diyos: “Dahil kayo ay mga nilalang ng Diyos, kailangan ninyong gampanan ang tungkulin ng isang nilalang. Wala nang iba pang mga hinihiling sa inyo. Ganito kayo dapat manalangin: ‘Diyos ko! May katayuan man ako o wala, nauunawaan ko na ngayon ang aking sarili. Kung mataas ang katayuan ko iyon ay dahil sa Iyong pagtataas, at kung ito ay mababa iyon ay dahil sa Iyong pagtatalaga. Lahat ay nasa Iyong mga kamay. Wala akong anumang mga pagpipilian, ni anumang mga reklamo. … Hindi ko iniisip ang katayuan; matapos ang lahat, isa lamang akong nilalang. Kung ilalagay Mo ako sa walang-hanggang kalaliman, sa lawa ng apoy at asupre, isa lamang akong nilalang. Kung kakasangkapanin Mo ako, isa lamang akong nilalang. Kung gagawin Mo akong perpekto, isa pa rin akong nilalang. Kung hindi Mo ako gagawing perpekto, mamahalin pa rin Kita dahil isa lamang akong nilalang’(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?). Binigyan ako ng landas ng pagsasakabuhayan ng salita ng Diyos. Pinalitan man ako o nagkaroon ng katayuan, kailangan ko pa ring hanapin ang katotohanan at maayos na gawin ang tungkulin, at isakabuhayan ang katotohanan at iwaksi ang satanikong disposisyon ko. Matapos iyon, itinama ko ang mga motibo ko sa tungkulin ko at nagtuon sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagdarasal. Ipinagpasa-Diyos ko ang mga problema ng iglesia’t tumingin sa Kanya, at hinanap ko ang katotohanan kasama ang mga kapatid. Napakabilis na nalutas ang mga problemang iyon sa iglesia. Napuno ako ng pasasalamat sa Diyos. Tunay ang Diyos at kaibig-ibig, at nasa tabi ko Siya, inaayos ang mga bagay para dalisayin at baguhin ako. Napagtanto ko rin kung gaano kahalaga sa pananalig ko ang paghahanap sa katotohanan at pagbabago.

Matapos ang anim na buwan, pinahawakan sa akin ang gawain ng ilang simbahan. Dahil alam kong malakas ang paghahangad ko sa katayuan, at kung gaano ako kayabang, taimtim akong nagdasal sa Diyos para maitama ko ang mga motibo ko at mapagbuti ang tungkulin ko. Noong panahong iyon, ipinares ako kay Sister Wang, na may malinaw na pananaw sa mga problema’t makaranasan na sa paghawak ng suliranin. Madalas akong humingi ng payo sa kanya’t natuto ako sa mga kalakasan niya. Matapos ang ilang buwan na ganoon, malaki ang naging pag-unlad ko sa pagbabahagi ng katotohanan at paglutas ng mga problema’t paggawa ng iba pang gawain. Tiningala rin ako ng mga kapatid. Hindi ko napansin, nagsimula na naman akong matuwa sa sarili ko, iniisip kong kahit medyo bago lang ako sa pananampalataya, kasinggaling na ako ni Sister Wang sa pagbabahagi at mas may kakayahan na akong humawak ng mga problema. Akala ko, lumago na ang tayog ko. Hindi ko napagtanto na nagpapakita ang kayabangan ko sa lahat ng pagkakataon at bumalik ang pagnanasa ko sa pangala’t katayuan. Ang gusto ko, makinig sa akin si Sister Wang sa lahat ng bagay. Hindi ko gusto at hindi ko matagalan kapag nakikita kong inaayunan ng iba ang pagbabahagi niya o siya ang nangunguna sa mga bagay sa iglesia. Pakiramdam ko, nakapagsanay na naman ako at marami na akong karanasan, na hindi na ako isang baguhang walang muwang, at pantay na ang kakayahan ko sa kakayahan niya. Pareho kaming pinuno, kaya ba’t siya ang laging nangunguna? Ba’t ako makikinig sa kanya? Kung magpapatuloy iyon, hindi ba magiging pinuno na lang ako sa pangalan? Mas sinipagan ko ang pag-aaral ng salita ng Diyos para malampasan ko siya, at sa talakayan ng mga gawain sa iglesia, kapag nagpahayag siya ng opinyon niya, sadya kong binusisi ang mga iyon at hinanapan ng mali. At saka ko ibabahagi ang ideya ko, para ibaba siya at umangat ako. Tapos kalaunan, habang nag-uusap tungkol sa gawain, nagustuhan ang ideya ko ng ilan naming kasamahan at nagsimula silang lumapit sa akin kapag may problema at nakikinig sa mga suhestiyon ko. Gustung-gusto ko na nakikita silang lahat na nagtitipun-tipon at nakapalibot sa akin. Kalaunan, hindi makalabas para gumawa ng tungkulin si Sister Wang dahil sinusundan siya ng CCP, kaya pansamantalang ako ang pumasan sa gawain, pero hindi ako nahirapan sa gawain, sa halip, maluwag ang pakiramdam ko, naisip ko, sa wakas ako na ang masusunod sa lahat. Noong panahong iyon, napagtanto kong mali ang pag-iisip ko, pero hindi ko iyon sineryoso o hindi ako nagnilay sa sarili.

Isang araw, pinadadalo ako ng pinuno sa isang pagtitipon sa ibang lugar. Napag-alaman kong mga sampu lang daw ang napipiling dumalo roon mula sa lugar na sakop ko noon. Narinig ko rin na tumaas ang posisyon ko. Tumaas talaga ang tingin ko sa sarili ko, na ako na ang pinakamagaling sa buong rehiyon namin. Masaya akong sumakay sa tren kasama ang apat pang mga sister, pero may nangyaring hindi inaasahan habang nagbibiyahe kami. Sinundan kami at inaresto ng pulis ng Pulis na Komunista sa Tsina. Walang nangyari sa pagtatanong nila, kaya sinintensyahan ako ng dalawang taong mahirap na pagtatrabaho dahil sa “paggamit ng xie jiao organization para sirain ang pagpapatupad ng batas.” Nahulog ako sa pagdadalisay pagkatapos ng sentensya ko. Nabuo sa puso ko ang pag-aalinlangan sa Diyos: “Bakit ako inaresto at kinulong kung kailan itataas na ang ranggo ko? Pagpipigil ba iyon ng Diyos, ginagamit ito para ilantad at alisin ako? Nawalan na ba ako ng pagkakataong gumawa ng tungkulin at maligtas?” Hirap na hirap ako noon, hindi ko alam ang gagawin. Ilang beses akong umiyak at nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, hindi ko ngayon maunawaan ang kalooban Mo. Pakiramdam ko, para bang ayaw Mo na sa akin. Liwanagan Mo ako’t gabayan para maunawaan ang kalooban Mo, para malaman ko kung paano pumasok sa katotohanan sa sitwasyong ito.” Salamat sa Diyos na dininig Niya ang panalangin ko. Isang araw, isang kapatid ang pumunta sa kulungan at palihim siyang nagbigay sa akin ng isang papel na may nakasulat na salita ng Diyos na kinopya niya. Ang nakalagay sa papel: “Para sa lahat ng mga tao, ang pagpipino ay napakasakit, at napakahirap tanggapin—ngunit sa panahon ng pagpipino ginagawang payak ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa tao, at isinasapubliko ang Kanyang mga hinihingi para sa tao, at nagbibigay ng mas maraming kaliwanagan, at mas maraming pagtatabas at pakikitungo; sa pamamagitan ng paghahambing sa mga katunayan at sa katotohanan, binibigyan Niya ang tao ng higit na kaalaman sa sarili niya at sa katotohanan, at binibigyan ang tao ng higit na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa gayon ay pinahihintulutan ang tao na magkaroon ng mas tunay at mas dalisay na pag-ibig sa Diyos. Iyon ang mga layunin ng Diyos sa pagsasakatuparan ng pagpipino. Lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos sa tao ay may sariling mga layunin at kabuluhan; ang Diyos ay hindi gumagawa ng walang kabuluhang gawain, ni hindi Siya gumagawa ng gawain na walang pakinabang sa tao. Ang pagpipino ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis sa mga tao mula sa harap ng Diyos, at ni nangangahulugan ng pagwasak sa kanila sa impiyerno. Sa halip, nangangahulugan ito ng pagbabago sa disposisyon ng tao sa panahon ng pagpipino, pagbabago sa kanyang mga intensyon, sa kanyang dating mga pananaw, pagbabago sa kanyang pag-ibig sa Diyos, at pagbabago sa kanyang buong buhay. Ang pagpipino ay isang totoong pagsubok sa tao, at isang anyo ng totoong pagsasanay, at sa panahon lamang ng pagpipino magagampanan ng kanyang pag-ibig ang likas nitong tungkulin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig). Agad-agad na nagliwanag ang puso ko. Ang sitwasyong ito ay pagsubok ng Diyos sa akin. Hindi Niya kalooban na alisin ako, kundi para mas makapagnilay ako sa sarili’t makapasok sa katotohanan. Alam kong hindi na ako pwedeng maging mahina, at hindi dapat tumingin sa sarili kong kuru-kuro at pag-isipan ang kalooban Niya. Sa halip, dapat kong hanapin ang katotohanan, at pagnilayan at kilalanin ang sarili.

Isang gabi, hindi ako makatulog, at kahit na hindi ko gusto, inisip ko kung ba’t hinayaan ng Diyos na mangyari iyon. Naisip ko ang salita ng Diyos: “Talaga bang namumuhi kayo sa malaking pulang dragon? Talaga bang tunay ninyong kinamumuhian ito? Bakit ba napakaraming beses Ko na kayong natanong? Bakit Ko ba palaging itinatanong sa inyo ang bagay na ito, nang paulit-ulit?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 28). Paulit-ulit kong tinanong ang sarili ko: “Talaga bang namumuhi ako sa malaking pulang dragon? Talaga bang tunay ang pagkamuhi ko roon?” Tapos naisip ko ang siping ito mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay: “Ilang tao ang nagsasalita ng gaya ng, ‘Kinamumuhian ko ang malaking pulang dragon higit sa ano man. Siniil ako nito at tinugis, at matagal ko nang nakita ang masama nitong mukha. Tinalikuran ko na iyon.’ Sinasabi mong tinalikuran mo na iyon, kaya nangangahulugan ba iyon na ganap ka nang nagpapasakop sa Diyos? Mayroon ka bang tunay na pagmamahal para sa Diyos? Kailangang mayroong ilang kongkretong indikasyon ng pagtalikod doon. Gaano mo man kinamumuhian iyon, kung kulang ka pa rin ng pagkilala sa mga pag-iisip at perspektibo nito, sa mga heresiya at kamalian nito, kung ang iyong mga perspektibo at mga kilos ay pinaghaharian pa rin ng mga lason nito, kung gayon paano mo nasasabi na natalikuran mo na ang malaking pulang dragon? Ang iyong mga iniisip, ang iyong mga pananaw sa buhay, ang iyong mga perspektibo ay ganap na pareho ng sa malaking pulang dragon—nabibilang doon ang lahat ng iyon, at ito ang dahilan kaya nabubuhay ka pa rin sa ilalim ng kontrol ni Satanas. … Upang tunay na matakasan ang impluwensya ni Satanas, kailangan nating sumailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos; dapat nating lubos na alisin at linisin ang lahat ng mga satanikong lason sa loob natin. Dapat magawa nating mahalin at magpasakop sa Diyos mula sa kaibuturan ng ating mga puso. Ito lamang ang tunay na pagtalikod sa malaking pulang dragon. Kapag ito ang katotohanan, kapag ang mga salita ng Diyos ang naghahari sa ating mga puso, kapag pinupuri natin ang Diyos bilang dakila at maayroong hindi namamatay na pagpapasakop at pagsamba sa Diyos, at hindi na tayo sakop ng panlilinlang, pagpigil, at katiwalian ng malaking pulang dragon—doon at doon lamang masasabi na talagang natakasan na natin ang impluwensya ni Satanas.” Dahil sa mga salitang ito, napagtanto kong kinamumuhian ko lang ang malaking pulang dragon dahil sa pang-uusig noon sa mga kapatid, at panggagambala sa gawain ng Diyos, pero hindi iyon tunay na pagkamuhi at pagtalikod doon. Ang tunay na pagkamuhi’t pag-abandona ay magmumula lamang sa lubos na pagkakita ng masamang likas nito, kaya totoong kamumuhian natin iyon nang sagad sa buto, at itatakwil ang mga lason noon na nasa loob natin. Sa pagdanas ng panghuhuli, pang-uusig at pagpapahirap ng malaking pulang dragon, at pwersahang pagtuturo ng doktrina, talagang nakita kong isa iyong demonyong namumuhi sa katotohanan at sa Diyos. Nakita ko ang pangit na mukha no’n bilang isang manlilinlang at tagapagpatiwali ng tao. Sinusuportahan noon ang ateismo at materyalismo, determinado sa pagtanggi sa pag-iral ng Diyos, at ginagawa ang lahat para magpasikat bilang “dakila, maluwalhati at tama.” Itinatanghal nito ang sarili niya bilang tagapagligtas ng mga tao’t gusto niyang paniwalaan ng lahat na Diyos siya, umaasang mapalitan ang Diyos sa puso ng mga tao. Napakasama at kasuklam-suklam ang malaking pulang dragon. At napagtanto kong halos kapantay ng diwa ko ang diwa noon. Halos walang pinagkaiba. Itinaas ako ng Diyos, hinayaan akong magsagawa bilang pinuno, at matutong lumutas sa pamamagitan ng pagbabahagi para makilala ng iba ang Diyos, pero ginamit ko ang pagkakataong iyon para makapagpasikat, gusto ko lang na tingalain ako ng iba’t gawin ang gusto ko. Hindi ba nilalabanan ko ang Diyos dahil doon? Nainggit ako kay Sister Wang at initsa-puwera ko siya, laging hinahanap ang mga kamalian niya at minamaliit siya. Gustung-gusto ko pa nga na matanggal siya para ako na lang ang masusunod sa iglesia. Hindi ba para akong diktador? Hindi ba kinontrol ako ng lason ng malaking pulang dragon, gaya ng, “Isa lang ang lalaking maaaring manguna” at “Ako ang sarili kong panginoon sa buong langit at lupa”? Sabi ng atas administratibo ng Diyos, “Hindi dapat ipagmalaki ng tao ang kanyang sarili, ni itaas ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng Hinirang na Bayan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian). Kung titingnan ang lahat ng pinakita ko, paano iyon naging paggawa ng tungkulin? Paggawa iyon ng masama’t paglaban sa Diyos! Matagal ko nang nalabag ang atas administratibo ng Diyos, at kung hindi ako dinisiplina ng Diyos, kung hindi Niya ginamit ang sitwasyong iyon para pigilan ako sa kasamaan ko, kung nagpatuloy ako ayon sa likas at ambisyon ko, tiyak na gagawin ko ang lahat para sa kasikatan at katayuan hanggang sa makagawa ako ng malaking kasamaan at maparusahan ng Diyos. Napagtanto kong isa itong seryosong panggigising sa akin. Umabot ako sa ganoong kadelikadong punto, pero wala akong kaalam-alam. Sa wakas napilitan akong magnilay sa sarili dahil sa pagkahuli sa akin. Kung wala ang diyablong iyon, ang malaking pulang dragon bilang hambingan, malamang hindi ko makikita kung gaano karaming lason noon ang nasa loob ko, na kauri talaga ako noon. Talagang hindi ko magagawang talikuran iyon at mapalaya ang sarili ko sa mga lason noon. Nakita kong ang lahat ng ginawa ng Diyos ay para linisin ako at pinasalamatan ko Siya sa pagliligtas Niya sa akin.

Maraming beses akong nagnilay sa sarili habang nakakulong at nagsisi ako na hindi ko pinahalagahan ang pagkakataon kong gumawa ng tungkulin, ngunit sa halip, naghanap ako ng katayua’t katanyagan at ipinamuhay ang lason ni Satanas. Marami akong ginawang laban sa katotohanan, na nakasakit sa mga kapatid, at pinigil at ginambala ko ang gawain ng iglesia. Masyado kong nasaktan ang Diyos, napakalaki ng utang ko at napuno ako ng pagsisisi. Doon lang ako nagnasang hanapin ang katotohanan at danasin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos para mawala na sa akin ang mga lasong iyon at maging kawangis ng tao. Pagkalaya ko, pinagpatuloy ko ang tungkulin, at nang mahalal akong maging pinuno uli ng iglesia, hindi na ako naging kasing-kampante at mataas ang tingin sa sarili gaya ng dati. Ramdam kong malaki iyong responsibilidad, utos iyon ng Diyos na dapat kong pahalagahan, at dapat kong gawin ang makakaya ko para hanapin ang katotohana’t gawin ang tungkulin ko. Dahil sa paulit-ulit na pagkastigo’t pagdisiplina, sa wakas nagising na rin ang kaluluwa kong nadaya ni Satanas. Ang paghahanap lang ng katotohanan, pagbabago ng disposisyon, at mabuting paggawa sa tungkulin ng nilalang ang mga tamang gawain. Hindi na kasing-lakas ng dati ang pagnanasa ko ng katanyagan at pabawas na nang pabawas ang kayabangan ko. Kaya ko nang makatrabaho nang mabuti ang iba’t gawin ng tama ang tungkulin ko, ngayon may kaunti na akong wangis ng tao. Labis kong nararamdaman na iyong kaunti kong pagbabago ay hindi madaling nakuha. Nakamit ang lahat ng ito sa paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos. Salamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagliligtas sa akin!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ibang Uri ng Pagpapala

Ni Tao Liang, Tsina Mayroon akong hepatitis B magmula pa noong bata ako. Naghanap ako ng lahat ng klase ng doktor at gamot at gumastos ako...