Mga Aral na Natutunan sa Pagyayabang

Marso 4, 2022

Noong Mayo 2021, ang lahat ng iglesia na pinangangasiwaan ko ay nagdaos ng halalan. Sa mga pagtitipon, maraming isyu tungkol sa mga halalan ang binanggit ng mga kapatid, at nalutas ko ang lahat ng iyon sa pamamagitan ng pagsandig sa Diyos. Naging maayos ang takbo ng lahat ng halalan. Nadama kong napamahalaan ko nang mag-isa ang mga halalan na ito kaya bilib na bilib ako sa sarili ko. Pakiramdam ko’y mayroon akong mahusay na kakayahan at ilang kasanayan sa gawain.

At sa isang pagtitipon, sinabi ng sister na katuwang ko na ang isang lider ng iglesia na nagngangalang Li ay naghahasik ng hidwaan at ginugulo ang iglesia. Hindi sila sigurado sa diwa niya, at hindi sila naglakas-loob na basta-basta siyang tanggalin. Hindi rin ako sigurado kung anong klase siyang tao, kaya nagdasal ako sa Diyos at hiniling ang Kanyang kaliwanagan at patnubay. Tapos sinabi ng isa pang sister na hindi pinayagan ni Li si Sister Liu, na itinalaga naming katuwang ni Li, na gumawa ng tungkulin, at ang sabi raw ni Li ay hindi niya alam kung ano ang dapat gawin ni Sister Liu. Nang marinig ito, naisip ko na malinaw na sinabi kay Li na pamamahalaan ni Sister Liu ang gawain ng iglesia kasama niya. Paano niya nasabing hindi niya alam? Hindi niya pinapasali si Sister Liu sa gawain. Hindi ba’t nangangahulugan ito na ayaw niyang ibahagi ang kapangyarihan niya? At naalala ko na minsan, isang sister ang nagpunta sa iglesiang iyon para gumawa ng isang proyekto. Tumanggi si Li na makipagtulungan, at sa halip ay ginawa lang siyang tau-tauhan. Tapos naisip ko ang sinabi ng Diyos na ang mga anticristo ay mahilig magtayo ng sarili nilang imperyo, at habang lalo ko itong pinag-iisipan, mas nakita ko na ganoon ang pag-uugali ni Li. Kaya nagbahagi ako sa dalawang sister na ito, binabanggit ang mga salita ng Diyos, tungkol sa mga motibo at taktika ni Li, at sa kalikasan at mga kahihinatnan ng mga ito. Sinabi ko rin na dapat kilalanin at tukuyin si Li bilang isang anticristo, at nagbahagi ako tungkol sa ilang nauugnay na katotohanan. Nagbigay ito sa kanila ng kakayahang makilala si Li. Noong una, nadama ko na ang lahat ng ito ay kaliwanagan at patnubay ng Diyos, pero kalaunan naisip ko na ako ang nakaunawa sa ganoong kahirap na problema at nagbigay sa mga sister ng isang landas pasulong. Kung wala ang pagkaunawa ko sa katotohanan, hindi ako mabibigyan ng Diyos ng kaliwanagan. Pagkauwi ko, tuwang-tuwa kong sinabi sa isa pang sister kung paano ako umasa sa Diyos upang makilala na si Li ay isang anticristo, at kung paano ko tinuruan ang iba ng ilang mahahalagang punto sa pagkilala sa mga anticristo. Nakita ko na nakikinig siya nang mabuti sa akin, at naisip ko na kaya kong lumutas ng anumang problema sa pamamagitan ng pagbabahagi, gaano man ito kahirap. Marahil mayroon talaga akong pagkakilala at medyo mahusay na kakayahan. Nagsimula akong maging kumpiyansa sa sarili ko, pakiramdam ko’y mas magaling ako sa iba, na may malalim akong pagkaunawa. Madalas kong ipagyabang ang sarili ko. Kalaunan, lumalapit siya sa akin sa tuwing hindi siya sigurado sa isang bagay na may kinalaman sa pagkilala, at lalo akong naging kumpiyansa sa pagkaunawa ko sa katotohanan, na isa akong kailangang-kailangang talento. Tuwang-tuwa talaga ako. Kalaunan, itinakda akong mamahala ng isa pang halalan. Sa isang pagtitipon, nagtanong si Sister Luo tungkol sa isang isyu na walang sinuman ang makakita ng ugat o makalutas. Tapos nagbigay sa akin ng malalim na pagkaunawa ang pagbabahagi ng isa pang sister, at nagbahagi ako batay sa malalim na pagkaunawang iyon para magnilay si Sister Luo sa kanyang sarili, at sa huli, nalutas ang problema. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng malalim na pagkaunawa sa isang problema na wala ang iba. Kaya kong gamitin ang pagbabahagi para malutas ang isang problema na hindi kayang gawin ng iba, kaya marahil ay may kakayahan talaga ako. Nang magsimula ang halalan, binanggit ng ilang sister ang ilang katanungan na hindi alam sagutin ng lahat ng kandidato. Pakiramdam ko’y wala sa kanila ang kayang lumutas ng mga problema, kaya kailangan kong ipakita sa kanila kung paano ito ginagawa. Nagsimula kong tukuyin ang diwa ng mga problemang ito, at sinabi sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin. Humahangang sinabi ng isang sister, “Wala sa amin ang nakakita ng lahat ng ito o nakaalam kung ano ang gagawin. Paano mo nagawa ’yon?” Natuwa ako na marinig iyon at, bilib na bilib sa sarili ko, sinabi kong, “Mas marami akong karanasan, kaya mas nauunawaan ko ang mga bagay na ito.” Pagkatapos no’n, nang magbanggit ang mga kapatid ng mga isyu, umasta ako na gusto kong subukan ng mga kandidato na lutasin ang mga iyon, pero nang makita ko silang nahihirapan na humanap ng tamang mga salita ng Diyos, naisip ko lang na hindi nila kaya ang gawain. Ginusto kong ipakita sa kanila kung gaano kahusay kong malulutas ang mga bagay-bagay gamit ang mga salita ng Diyos. Sa mga sumunod na pagbabahagi, tumuon lang ako sa sasabihin ko, at hindi hiniling sa iba na magsalita. Unti-unting tumigil na talaga sa pagsasalita ang lahat ng kandidato, kaya naiwan akong nag-iisang nagsasalita. Naging personal ko iyong entablado. Tapos napagtanto ko na mayroong mali, na dapat ang mga kandidato ang mas matagal na nagsasalita, para makita ng mga tao kung mayroon silang pagkakilala at kakayahan, kung kaya nilang lumutas ng mga totoong problema, pagkatapos ay magpasya kung paano bumoto. Pero dahil hindi nagsasalita ang mga kandidato, walang makakita kung kaya nilang ibahagi ang katotohanan upang lumutas ng mga problema. Paano sila makakaboto? Hindi ba’t magiging palpak ang halalan dahil doon? Nagsimula kong hanapin kung ano ang nagsanhi para mangyari iyon, at humiling ako ng feedback sa iba. Sinabi ng ilang kandidato na ipinagyayabang ko lang kung gaano karaming katotohanan ang naunawaan ko, na nagparamdam sa kanila na hindi sila makapantay, at nag-atubili silang magsabi ng anuman. Nang sabihin nila ’yon, naisip ko kung paanong hindi ko maiwasang magpakitang-gilas at magyabang, at medyo nakonsiyensiya ako. Tumigil ako sa basta-bastang pagsasalita, natakot na mapabulaanan ko ang opinyon ng iba at mapigilan sila, at makasagabal sa halalan.

Pagkatapos ng pagtitipon, agad akong naghanap ng katotohanan na nauugnay sa problema ko, at nakita ito sa mga salita ng Diyos: “Malamang na maging mataas ang tingin sa sarili ng mga taong hindi nakauunawa ng katotohanan—at kapag masyado nang mataas ang tingin nila sa kanilang sarili, madali ba silang ibabang muli? (Hindi.) Hindi iniisip ng mga normal na tao na may kaunting pag-unawa na mataas sila nang walang dahilan. Kapag wala pa silang anumang naaabot, wala pang maiaalok sa mga tao, at wala pang sinumang miyembro ng grupo ang pumapansin sa kanila, hindi mataas ang tingin nila sa kanilang sarili. Maaaring medyo mayabang at narsisistiko sila nang kaunti, o maaaring pakiramdam nila’y medyo talentado sila, at mas mahusay kaysa sa iba, subalit hindi malamang na isipin nilang mataas sila; mas praktikal sila kaysa sa karamihan ng mga tao. Sa anong mga pagkakataon nagiging mataas ang tingin ng mga tao sa kanilang sarili? Kapag napupuri sila ng ibang tao dahil sa ilang munting bagay na kanilang nagawa. Iniisip nilang mas mahusay sila kaysa sa iba, na ordinaryo at hindi magaling ang ibang tao, na sila’y isang taong may katayuan, at hindi kapareho ng uri, hindi kapareho ng antas, ng ibang tao, na mas mataas sila kaysa sa kanila. At sa ganitong paraan, nagiging mataas ang tingin nila sa kanilang sarili. At iniisip nilang tama lang na mataas ang tingin nila sa kanilang sarili. Paano nila hinuhusgahan ang kanilang sarili? Ang pinaniniwalaan nila ay, ‘May lakas, kakayahan, at utak ako, at handa akong hanapin ang katotohanan. May narating na rin ako ngayon—nakagawa na ako ng pangalan para sa sarili ko, mas mataas na ang aking reputasyon at halaga kaysa sa ibang tao, kaya dapat mamukod-tangi ako sa karamihan, dapat akong tingalain ng lahat, kaya tama lang na maging mataas ang tingin ko sa sarili ko.’ Ito ang laman ng kanilang isipan, kaya naman sa huli’y—asahan mo na—kailangang maging mataas ang tingin nila sa kanilang sarili. Naniniwala silang makatwiran ito. Kung hindi magiging mataas ang tingin nila sa kanilang sarili, pakiramdam nila’y mayroong mali, na para bang hindi sila karapat-dapat para sa kanilang identidad at sa pagsang-ayon ng ibang tao; kaya natural lamang na maging mataas ang tingin nila sa kanilang sarili(“Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Diyos na sa sandaling may makamit ang mga tiwaling tao, tuwang-tuwa sila, iniisip na mas magaling sila sa lahat, na may katayuan sila at mas mahusay sa iba. Hindi nila maiwasang magpakitang-gilas at magyabang—mababaw talaga. Nakita kong ganoon ako. May nagawa akong ilang bagay, nagkaroon ng kaunting pagkakilala sa ilang tao, kaya akala ko’y kamangha-mangha ako, na mayroon akong malalim na pagkaunawa at kakayahan, na isa akong kailangang-kailangang talento. Nang makita kong hindi malutas ng mga kandidato ang ilang problema sa halalan, hinamak ko sila. Hindi talaga ako nakikinig sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu sa pagbabahagi nila. Hindi ko magawang itikom ang bibig ko, ipinagyayabang ang kakayahan kong maunawaan ang katotohanan at malutas ang mga problema, na nakagambala sa halalan. Ang papel ko ay pangunahan ang halalan, kaya dapat ay ginabayan ko ang iba na ipahayag ang mga ideya nila, upang maunawaan nila ang isa’t isa, at pagkatapos ay pumili ng isang mabuting lider batay sa mga prinsipyo. Iyon ang tungkulin ko. Pero naging mayabang ako na ganap akong nawalan ng katwiran, nagpapakitang-gilas lang at nagpapasikat. Paano ’yon naging paggawa ng tungkulin ko? Hindi ba’t dinidiskaril ko lang ang halalan? Naging sobrang yabang ko, nagkaroon ako ng ilang tagumpay, tapos ay tuwang-tuwa na ako, iniisip na mas magaling ako sa lahat.

Kalaunan, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na talagang nagpamulat sa akin. “Bilang isang taong kinakasangkapan ng Diyos, lahat ng tao ay karapat-dapat na gumawa para sa Diyos, ibig sabihin, lahat ay may pagkakataong kasangkapanin ng Banal na Espiritu. Gayunman, may isang punto kayong kailangang matanto: Kapag ginagawa ng tao ang gawaing itinagubilin ng Diyos, nabigyan na ng pagkakataon ang tao na kasangkapanin ng Diyos, ngunit ang sinasabi at alam ng tao ay hindi ang buong tayog ng tao. Ang tanging magagawa ninyo ay mas alamin ang inyong mga kakulangan habang ginagawa ninyo ang inyong gawain, at tanggapin ang higit na kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. Sa ganitong paraan, mas mahusay kayong makakapasok sa paggawa ng inyong gawain. Kung itinuturing ng tao ang patnubay na nagmumula sa Diyos bilang sarili nilang pagpasok at bilang isang bagay na likas sa kanilang kalooban, walang potensyal na lumago ang tayog ng tao. Ang kaliwanagang ibinibigay ng Banal na Espiritu sa tao ay nagaganap kapag sila ay nasa normal na kalagayan; sa gayong mga pagkakataon, madalas mapagkamalan ng tao ang kaliwanagang natatanggap nila bilang sarili nilang aktwal na tayog, dahil ang paraan na nagbibigay ng liwanag ang Banal na Espiritu ay lubhang normal, at ginagamit Niya kung ano ang likas sa kalooban ng tao. Kapag gumagawa at nagsasalita ang tao, o kapag nagdarasal sila at gumagawa ng kanilang mga espirituwal na debosyon, biglang lumilinaw sa kanila ang isang katotohanan. Gayunman, ang totoo ay nakikita lamang ng tao ang kaliwanagang bigay ng Banal na Espiritu (natural, ang kaliwanagang ito ay konektado sa pakikipagtulungan ng tao) at hindi kumakatawan sa tunay na tayog ng tao. Pagkaraan ng isang panahon ng karanasan kung saan nakakaharap ng tao ang ilang paghihirap at pagsubok, ang tunay na tayog ng tao ay lumilitaw sa ilalim ng gayong mga pangyayari. Noon lamang matutuklasan ng tao na ang kanyang tayog ay hindi gaanong mataas, at lumalabas lahat ang pagkamakasarili, personal na mga pagsasaalang-alang, at kasakiman ng tao. Pagkaraan lamang ng ilang ulit na mga karanasang katulad nito matatanto ng marami sa mga napukaw sa loob ng kanilang espiritu na ang kanilang naranasan noong araw ay hindi ang sarili nilang indibiduwal na realidad, kundi isang panandaliang pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at na natanggap lamang ng tao ang liwanag na ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 2). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na ang pagkamit ng ilang bagay sa isang tungkulin ay hindi nangangahulugang nauunawaan ko ang katotohanan o may mataas akong tayog. Ang anumang tagumpay ay nagmumula sa kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu, hindi dahil nauunawaan ko ang katotohanan. Sa paggunita sa anticristong si Li, hindi ko rin nakita ang tunay na sitwasyon noong una, o kung paano siya pakikitunguhan. Ang komento ng isang kapatid ang nagpaisip sa akin, tapos ay binigyan ako ng Espiritu ng kaliwanagan. Ganoon ako nagkaroon ng pagkakilala at nakita na isa siyang anticristo. Hindi iyon dahil sa aktwal kong tayog o malalim na pagkaunawa sa kanya. At noong una, hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari kay Sister Luo, hanggang sa mabigyan ako ng kaliwanagan ng pagbabahagi ng isang sister kaya naunawaan ko ang aktwal niyang kalagayan at nalutas ang kanyang mga isyu. Nagmula rin iyon sa Banal na Espiritu. Patnubay ng Diyos ang lahat ng iyon. Kung wala ang pagbabahagi ng kapatid na iyon, kung wala ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, wala sana akong anumang nakita o naunawaan. Pero walang kahihiyang inangkin ko ang lahat ng papuri para sa lahat ng nagawang gawain, iniisip na mayroon akong pagkakilala at mahusay na pagkaunawa sa katotohanan. Naging mapagmalaki talaga ako. Hindi ko naunawaan ang gawain ng Banal na Espiritu o malinaw na nakita ang sarili kong tayog. Nagkamali ako, iniisip na dahil nakakagawa ako ng ilang gawain, mayroon na akong realidad ng katotohanan. Nabilib ako sa sarili ko, namumuhay sa isang kalagayan ng pagpupugay sa sarili. Inangkin ko ang lahat ng papuri para sa gawain ng Banal na Espiritu, para sa pagbabahagi at nakakatulong na mga komento ng mga kapatid. Lagi kong inakala na napakahusay ko, at lalo akong naging mas mayabang at walang kahihiyan. Hindi ko mapigilang magyabang para hangaan ako ng mga kapatid. Naging napakayabang ko at mangmang. Pagkatapos no’n, naging mas mapagpakumbaba na ako. Sa mga pagtitipon, kapag may ibabahagi akong ilang malalim na pagkaunawa o paraan ng pagsasagawa, magpapasalamat ako sa patnubay ng Diyos. Tumigil na ako sa pag-iisip na akin ang lahat ng tagumpay, at tumigil akong magyabang.

Pero hindi nagtagal, dahil wala akong tunay na pagkaunawa sa likas kong katiwalian, nagsimula na naman akong magyabang nang dumating ang tamang sitwasyon. Sa isang pagpupulong ng mga katrabaho, sinabi ni Sister Zhang na ang isang lider sa isang iglesia na nagngangalang Chen ay hindi nag-aalis ng ilang hindi nananalig at gumagawa ng masama, at na sila’y mga kamag-anak ni Chen. Hindi sigurado si Sister Zhang tungkol kay Chen, at hindi niya alam kung paano ito aasikasuhin. Dahil dito’y naisip ko ang sinabi ng Diyos na ang mga anticristo ay mahilig magsagawa ng nepotismo, at nakita ko na iyon ang ginagawa ni Chen. Kaya ginamit ko ang mga salita ng Diyos upang magbahagi sa mga kapatid tungkol sa diwa ng pag-uugali ni Chen. Sumang-ayon ang lahat, at tuwang-tuwang sinabi na isa iyong magandang pagtitipon at nakatulong sa kanilang maunawaan ang katotohanan upang malutas ang problema. Lumaki ang ulo ko dahil dito. Naisip ko rin na noong huli, tumpak kong natukoy na isang anticristo si Li, na may ganoon siyang diwa. Sa pagkakataong ito, natukoy ko ang mga problema ni Chen, kaya akala ko’y talagang naunawaan ko ang katotohanan. Naisip ko na kung bibisitahin ko ang bawat iglesia at magbabahagi nang kaunti, maaaring makakilala nang kaunti ang mga kapatid. Matapos ang konklusyong ito, tuwang-tuwa na naman ako. Sa isang pagtitipon kinabukasan, nagsimula kong ikuwento ang naging pagkakilala ko sa mga tao kamakailan, at kung gaano kahalaga na magkaroon ng mahusay na lider sa isang iglesia, kung paanong kapag nakakagawa lang ng praktikal na gawain ang mga lider nagiging posibleng tanggalin ang mga taong nakakagambala sa mga bagay-bagay. Sa puntong iyon, napagtanto ko na sa pagsasalita sa ganoong paraan, maaaring isipin ng iba na ipinagyayabang ko na nakakakilala ako, na kaya kong gumawa ng tunay na gawain. Tapos nagmadali kong sinabing ang makilala ang anticristong ito ay patnubay ng Diyos. Tapos sinabi ng isang kapatid, “Tunay ngang patnubay iyon ng Diyos, hindi ikaw ang may gawa no’n.” Hindi ako masyadong natuwa nang marinig iyon, at hindi lubos na sumang-ayon sa kanya. Inisip ko: Paanong hindi ako ang may gawa no’n? Siyempre patnubay iyon ng Diyos, pero may bahagi rin ako roon. Kung hindi, bakit ako lang ang nakakita sa mga problema ni Chen? Ako lang ang may pasanin at may kakayahan, kaya binigyan ako ng Diyos ng kaliwanagan. Pagkatapos ng pagtitipon na iyon, sumakit nang husto ang tiyan ko kaya hindi ako makakain, at nagkaroon ako ng mataas na lagnat nang gabing iyon. Napagtanto ko na pagdidisiplina iyon ng Diyos sa akin. Nagsimula akong magyabang, pinahahalagahan ulit ang sarili ko nitong nakaraang ilang araw. Agad akong lumapit sa harap ng Diyos upang pagnilayan ang sarili ko.

Tapos nabasa ko ito sa Kanyang mga salita: “Sa pagganap ninyo ng inyong tungkulin, nadadama ba ninyo ang patnubay ng Diyos at ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu? (Oo.) Kung nagagawa ninyong maramdaman ang gawain ng Banal na Espiritu at mataas pa rin ang tingin ninyo sa inyong sarili, at nagtataglay kayo ng realidad, ano ang nangyayari rito? (Kapag nagbunga na ang pagganap natin ng ating tungkulin, unti-unti nating naiisip na ang kalahati ng papuri ay para sa Diyos, at ang kalahati naman ay para sa atin. Pinapalaki natin nang husto ang ating naitulong, iniisip na wala nang mas hahalaga pa kaysa sa ating naitulong, at na hindi naging posible ang pagbibigay-kaliwanagan ng Diyos kung wala ito.) Kaya bakit nga ba binigyan ka ng kaliwanagan ng Diyos? Mabibigyan din ba ng Diyos ng kaliwanagan ang ibang tao? (Oo.) Kapag binibigyang-liwanag ng Diyos ang isang tao, biyaya ito ng Diyos. At ano naman ang kaunting naitulong mo? Dapat ka bang purihin para sa bagay na ito—o tungkulin at responsibilidad mo ba ito? (Tungkulin at responsibilidad.) Kapag kinikilala mong tungkulin at responsibilidad ito, ito ang tamang lagay ng pag-iisip, at hindi mo maiisip na subukang umani ng papuri. Kung lagi kang naniniwala na ‘Puhunan ko ito. Magiging posible kaya ang pagbibigay ng Diyos ng kaliwanagan kung wala ang naitulong ko? Kailangan nito ng pagtutulungan ng mga tao; malaki ang bahagi ng pagtutulungan ng mga tao sa bagay na ito,’ kung gayon ay mali ito. Paano mo nagawang makipagtulungan kung hindi ka naman binigyan ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at kung wala namang ginawa ang Diyos, at wala namang nagbahagi ng mga prinsipyo ng katotohanan sa iyo? Ni hindi mo malalaman kung ano ang hinihingi ng Diyos; ni hindi mo man lang malalaman ang landas ng pagsasagawa. Kahit pa nga ginusto mong sundin ang Diyos at makipagtulungan sa gawain ng Diyos, hindi mo malalaman kung paano. Hindi ba mga salitang walang kahulugan ang ‘naitulong’ mong ito? Kapag walang tunay na pakikipagtulungan, kumikilos ka lang nang ayon sa sarili mong mga ideya—kung ganito ang kaso, nakakaabot kaya sa pamantayan ang tungkuling ginagampanan mo? (Hindi.) Hindi, na nagpapahiwatig ng problema. Anong problema ang ipinapahiwatig nito? Anuman ang tungkuling ginagampanan ng isang tao, ang pagkakamit ng mga resulta para mapalugod ang Diyos at matamo ang Kanyang pagsang-ayon at ang pagsasagawa ng kanilang tungkulin na tumutugon sa pamantayan ay nakasalalay sa mga kilos ng Diyos. Kung isasakatuparan mo ang iyong mga responsibilidad, kung gagawin mo ang iyong tungkulin, ngunit hindi kumikilos ang Diyos at hindi sinasabi sa iyo ng Diyos kung ano ang gagawin, hindi mo malalaman ang iyong landasin, ang iyong direksyon, o ang iyong mga mithiin. Ano ang resulta niyan sa huli? Magiging pagsasayang ito ng pagsisikap, wala kang mapapala. Sa gayon, ang paggawa ng iyong tungkulin na tumutugon sa pamantayan at pagkakaroon ng kakayahang manindigan sa loob ng sambahayan ng Diyos, ang magkaloob ng pagpapatibay para sa mga kapatid at ang pagtatamo ng pagsang-ayon ng Diyos ay lubos na nakasalalay sa Diyos! Maaari lamang gawin ng mga tao ang mga bagay na personal na kaya nilang gawin, na dapat nilang gawin, at na likas silang may kakayahang gawin—wala nang iba. Samakatuwid, ang mga resultang nakamtan sa huli mula sa iyong tungkulin ay ipinapasya ng patnubay ng mga salita ng Diyos at ng kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu, na nagpapaunawa sa iyo sa landasin, mga mithiin, direksyon, at mga prinsipyong ipinagkaloob ng Diyos(“Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Kapag nakamit ka na ng Diyos, hindi mo lamang taglay ang gawain ng Banal na Espiritu; sa pangunahin, naisasabuhay mo ang mga hinihingi ng praktikal na Diyos. Ang pagkakaroon lamang ng gawain ng Banal na Espiritu ay hindi nangangahulugang mayroon ka nang buhay. Ang pinakamahalaga ay kung kaya mo bang kumilos ayon sa mga hinihingi ng praktikal na Diyos sa iyo, na kaugnay sa kung makakamit ka ba ng Diyos. Ito ang mga pinakadakilang kabuluhan ng gawain ng praktikal na Diyos sa katawang-tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo). Nahiya talaga ako pagkatapos kong basahin ’yon. Nakikita ko na anumang nakakamit natin sa isang tungkulin ay dahil sa patnubay ng Diyos. Kung wala ang Kanyang kaliwanagan, kung wala ang mga katotohanang ipinapahayag Niya, gaano man tayo magsikap, walang-wala tayong matatapos na kahit ano. Isa pa, ang paglutas sa anumang problemang lumilitaw sa gawain ay tungkulin ng isang lider, responsibilidad niya ito. Kapalpakan ang hindi paggawa nito, at ang pagtapos dito ay paggawa lang ng iyong trabaho. Hindi ito dapat ipagmalaki. Pero mali kong naisip na sarili kong mga tagumpay ang lahat ng ito, kaya nagpakitang-gilas ako, nagmalaki. Ako’y naging labis na wala sa katwiran. Hindi ba’t ang kakayahan kong makakilala ng ilang tao ay lubos na dahil sa mga salita ng Diyos? Kung wala ang Diyos na nagpapahayag ng mga katotohanan, na nagbubunyag ng kanilang diwa at mga pag-uugali, gaano man ako magsikap o gaano man ako mag-isip nang husto, hinding-hindi ako makakakilala ng isa. Napagtanto kong wala akong dapat ipagmalaki. Patnubay at mga salita ng Diyos ang nagturo sa akin ng paraan ng pagsasagawa at ng mga prinsipyo, para alam ko kung ano ang dapat kong gawin. Kung hindi, hinding-hindi ko mauunawaan ang katotohanan, at hindi ko kailanman magagawa ang kahit ano. Pero naging bulag at hangal ako, at hindi sumunod sa mga salita ng Diyos, sa halip ay tinangka kong agawin ang kaluwalhatian ng Diyos, nagyayabang para sa pagsamba ng mga kapatid. Ang malala pa, nang sabihin ng isang kapatid na patnubay iyon ng Diyos, hindi sarili kong gawa, sumama ang loob ko, iniisip na napakahalaga ng gawain ko. Naging napakayabang ko at wala sa katwiran! Ang landas na tinahak ko ay landas ng isang anticristo na laban sa Diyos. Nagkamali rin akong naniwala na nakamit ko ang gawain ng Banal na Espiritu dahil naunawaan ko ang katotohanan, pero ngayon alam ko na na ang pagkakaroon ng gawain ng Espiritu ay hindi nangangahulugan ng pagkakaroon ng katotohanan o buhay, kundi ang susi ay kung kayang isagawa ng isang tao ang mga salita ng Diyos. Tanging ang pagdanas at pamumuhay ayon sa mga salita ng Diyos ang tunay na pag-unawa sa katotohanan at pagkakaroon ng realidad nito. Napakatagal ko nang pinupuri ang sarili ko, laging iniisip na kung hindi ako makikipagtulungan, hindi gagawa sa akin ang Banal na Espiritu, na maaari kong angkinin ang kalahati ng papuri. Walang kahihiyang inagaw ko ang kaluwalhatian ng Diyos. Paano magtataglay ng realidad ng katotohanan ang isang taong kasing yabang at wala sa katwiran na gaya ko? Lagi kong inisip na kaya kong makakilala ng mga anticristo, pero wala akong anumang kamalayan sa sarili kong landas patungo sa pagiging isang anticristo. Naging napakayabang ko at mangmang. Tapos lumapit ako sa harap ng Diyos at nagdasal, “Diyos ko, hindi ko po kilala ang sarili ko, at inagaw ko po ang kaluwalhatian Mo. Nasa isang landas ako na laban sa Iyo. Pakiusap, Diyos ko, iligtas Mo po ako.”

Matapos ang dasal na ’yon, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Hindi angkop ang salitang ‘kaluwalhatian’ sa mga tao, kundi sa Diyos lamang, ang Lumikha; wala itong kaugnayan sa mga tao. Maaaring magsikap ang mga tao, at maaaring nakikipagtulungan sila, subalit nasa ilalim pa rin ito ng patnubay ng gawain ng Banal na Espiritu; ano ba ang magagawa nila kung wala ang gawain ng Banal na Espiritu? Ganoon din naman para sa salitang ‘patotoo’: ‘Pagpapatotoo’ man ito bilang pandiwa o ‘patotoo’ bilang pangngalan, walang kaugnayan ang alinman sa dalawa sa mga taong nilalang. Ang Lumikha lamang ang karapat-dapat sa patotoo ng mga tao at ang karapat-dapat na patotohanan; ang identidad, katayuan, at diwa ng Diyos ang nagdedetermina nito, at marapat Siya para rito dahil sa lahat ng ginawa ng Diyos, at dahil sa lahat ng sakripisyong ginawa Niya. Ang kayang gawin ng mga tao ay masyadong limitado, at walang iba kundi produkto lamang ng patnubay ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Gayon ang kalikasan ng mga tao na kapag nakauunawa sila ng kaunting katotohanan, at nakagagawa ng kaunting gawain, nagiging suwail sila. Kapag wala ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, walang kakayahan ang sinuman na sumunod at magpatotoo sa Diyos. Dahil itinadhana na ng Diyos noong una pa lang na magkaroon sila ng ilang kaloob o kalakasan, o matuto ng ilang propesyon o kasanayan, o maging medyo matalino, nagiging hambog ang mga tao at palaging sinusubukang tumanggap ng bahagi ng kaluwalhatian at patotoong para sa Diyos—na wala sa katwiran, hindi ba? Lubos na wala ito sa katwiran; halimbawa ito na sumosobra na sila at nakikita nila ang kanilang sarili na iba kaysa sa kung ano talaga sila. Ang kababaang-loob ng tao ay hindi dahil sa nagpakumbaba ang mga tao. Lagi namang mapagpakumbaba at mababang-loob ang mga tao. Ang kababaang-loob ng Diyos ay dahil nagpapakababa Siya. Ang pagsasabing mapagpakumbaba ang isang tao ay katumbas ng pagtataas sa taong iyon, na sa katotohanan, mababa naman ang kalagayan. Laging gusto ng mga taong makipagkumpitensya laban sa Diyos. Inilalagay sila nito sa papel ni Satanas; ito ang kalikasan ni Satanas. Tunay nga silang mga inapo ni Satanas(“Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Unang Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Nakapagbibigay talaga ng kaliwanagan ang pagbabasa nito. Ang Diyos ang Lumikha na gumawa sa ating lahat. Naging tao ang Diyos at ibinigay ang lahat, para lang iligtas tayo sa kapangyarihan ni Satanas. Nakagawa siya ng napakadakilang gawain, ngunit ni katiting ay hindi Siya kailanman nagpakitang-gilas. Hindi rin Niya nadama na para bang nakagawa Siya ng isang bagay na labis na kamangha-mangha, o kapuri-puri, sa halip ay naging mapagpakumbaba Siya at tago, tahimik na ginagawa ang Kanyang gawain. Labis na kaibig-ibig ang diwa ng Diyos, napakabait. Ang Diyos lang ang karapat-dapat sa kaluwalhatian, ang nararapat sa ating walang hanggang papuri at pagsamba. Isa lang akong nilikha, isang tiwaling tao. Pinagkalooban ako ng Diyos ng ilang kaloob, ilang kakayahang maunawaan ang Kanyang mga salita upang maunawaan ko ang katotohanan para magkaroon ng kaunting malalim na pagkaunawa. Biyaya ito ng Diyos. Napakarami kong nakamit mula sa Diyos, pero hindi kailanman nagpatotoo sa Kanya o nagbigay sa Kanya ng kaluwalhatian. Sa halip, naging sukdulan ang kayabangan ko, iniisip na napakagaling ko, at ginusto kong agawin ang kaluwalhatian ng Diyos, na dalhin ang mga kapatid sa harap ko. Tunay na wala akong kahihiyan. Pero pagkatapos napagtanto ko na pinuno ako ni Satanas ng satanikong disposisyon, at wala akong taglay na anumang katotohanan. Ang anumang tagumpay na nagawa ko ay dahil sa patnubay ng Diyos, kaya dapat mapunta sa Kanya ang lahat ng kaluwalhatian, at dapat kong gawin ang tungkulin ko bilang isang nilikha.

Pagkatapos no’n, tinanong ko ang sarili ko, bakit labis akong naging wala sa katwiran? Nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na nakatulong sa aking maunawaan ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Pagmamataas ang ugat ng tiwaling disposisyon ng tao. Kapag mas mayabang ang mga tao, mas malamang na lumaban sila sa Diyos. Gaano kaseryoso ang problemang ito? Hindi lang isinasaalang-alang ng mga taong mayabang ang mga disposisyon ang lahat ng iba pa na mas mababa kaysa kanila, kundi, ang pinakamasama, hinahamak pa nila ang Diyos. Bagama’t, sa tingin, maaaring mukhang naniniwala sa Diyos ang ilang tao at sinusunod Siya, ni hindi nila Siya itinuturing na Diyos. Pakiramdam nila palagi ay taglay nila ang katotohanan at napakataas ng tingin nila sa kanilang sarili. Ito ang diwa at ugat ng mayabang na disposisyon, at nagmumula ito kay Satanas. Kaya, kailangang malutas ang problema ng kayabangan. Ang pakiramdam na mas magaling ka kaysa iba—walang kuwenta iyan. Ang kritikal na isyu ay na nakakapigil sa isang tao ang kanyang mayabang na disposisyon na magpasakop sa Diyos, sa Kanyang kapamahalaan, at sa Kanyang mga pagsasaayos; laging nadarama ng ganitong tao na makipagpaligsahan sa Diyos na magkaroon ng kapangyarihan sa iba. Ang ganitong tao’y hindi iginagalang ang Diyos ni katiting, ni hindi niya mahal ang Diyos o nagpapasakop sa Kanya. Ang mga taong mayayabang at palalo, lalo na iyong mga nawalan na ng katinuan sa sobrang yabang, ay hindi kayang magpasakop sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, at pinaparangalan pa nila at nagpapatotoo sa kanilang sarili. Ang gayong mga tao ang pinakalumalaban sa Diyos. Kung nais nilang umabot kung saan iginagalang nila ang Diyos, kailangan nilang lutasin ang mayayabang nilang disposisyon. Habang mas ganap mong nilulutas ang mayabang mong disposisyon, mas magpipitagan ka sa Diyos, at saka ka lang makakapagpasakop sa Kanya at magagawang makamit ang katotohanan at kilalanin Siya(Pagbabahagi ng Diyos). “Ang pinakamabuting gawin ay maglaan kayo ng higit na pagsisikap sa katotohanan ng pagkilala sa sarili. Bakit hindi kayo nagugustuhan ng Diyos? Bakit kasuklam-suklam sa Kanya ang inyong disposisyon? Bakit pinupukaw ng inyong pananalita ang Kanyang galit? Sa sandaling magpamalas kayo ng katiting na katapatan, pinupuri ninyo ang inyong sarili, at humihingi kayo ng gantimpala para sa maliit na ambag; hinahamak ninyo ang iba kapag nakapagpakita kayo ng kaunting pagsunod, at nawawalan kayo ng galang sa Diyos kapag may simpleng gawain kayong naisasakatuparan. Sa pagtanggap sa Diyos, humihingi kayo ng pera, mga regalo, at mga papuri. Masakit sa inyo ang magbigay ng isa o dalawang barya; kapag nagbigay kayo ng sampu, umaasam kayo ng mga pagpapala at nais ninyong kilalanin kayo. Ang pagkataong katulad ng sa inyo ay positibong masakit sabihin o pakinggan. Mayroon bang anumang kapuri-puri sa inyong mga salita at kilos? Yaong mga gumaganap sa kanilang tungkulin at yaong mga hindi; yaong mga namumuno at yaong mga sumusunod; yaong mga tumatanggap sa Diyos at yaong mga hindi; yaong mga nag-aabuloy at yaong mga hindi; yaong mga nangangaral at yaong mga tumatanggap ng salita, at iba pa: lahat ng taong iyon ay pinupuri ang kanilang sarili. Hindi ba ito nakakatawa sa inyo? Lubos na nababatid na naniniwala kayo sa Diyos, magkagayunma’y hindi kayo nakaayon sa Diyos. Lubos na nababatid na hindi kayo karapat-dapat, patuloy pa rin kayong nagyayabang. Hindi ba ninyo nadarama na nabawasan na nang kaunti ang inyong katinuan kaya wala na kayong kontrol sa sarili?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos). Inilalantad ng mga salita ng Diyos ang ugat ng pagyayabang ng mga tao. Pangunahin itong nagmumula sa likas na kayabangan, sa hindi pagkakilala sa iyong sarili. Kapag may nagagawa akong kaunti sa gawain ko, hindi ko maiwasang ipagmalaki ang sarili ko at magyabang nang walang anumang pagkakilala sa sarili. Nakagawa ako ng ilang bagay at tuluyang nawala sa sarili ko, hindi man lang iniisip ang Diyos. Akala ko’y sa akin lang ang lahat ng nagawa ko, at walang kahihiyan kong inangkin ang papuri para sa gawain ng Diyos upang idolohin ako ng iba. Akala ko’y taglay ko ang realidad ng katotohanan, at nagkaroon ako ng mga magagarbong ideya na pumunta sa bawat iglesia upang maaaring matuto ng ilang katotohanan ang lahat mula sa akin. Nakita kong naging labis na mayabang ako. Hindi ko talaga kilala ang sarili ko at hindi ko alam ang sarili kong diwa o kung sino ako, sa halip nakita ko ang sarili ko bilang isang bukal ng katotohanan. Hindi ba’t tinangka kong angkinin ang lugar ng Diyos sa mga salita at kilos ko, kumikilos bilang ang Diyos Mismo? Habang lalo kong pinagninilayan ang sarili ko, mas lalo akong natakot sa kung anong naihayag sa sarili ko. Labis akong nagkakasala sa Diyos. Napakamapanganib na kalagayan ’yon. Hindi ko kailanman itinuring dati na malaking bagay ang pagyayabang, pero ngayon ay nakikita kong isa itong paraan para iligaw at kontrolin ang mga tao, na isa itong landas ng anticristo. Kung hindi dahil sa agarang pagdidisiplina ng Diyos, hindi ko talaga alam kung hanggang saan aabot ang kayabangan ko. Kung magkagayon ay magiging huli na ang lahat upang magsisi sa anumang kasamaan na ginawa ko. Matapos mapagtanto ang lahat ng ito, medyo natakot ako, at nakadama ng pagkasuklam sa likas kong kayabangan. Nagsumamo rin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako na tunay na magsisi at kumilos nang may katapatan.

Kalaunan, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Sa mga mata ng Diyos, ikaw ay magiging munting nilalang magpakailanman, at kahit pa gaano kagaling ang iyong mga kasanayan at abilidad, kahit pa gaano karaming kaloob ang mayroon ka, ang kabuuan mo ay nasa ilalim ng pamamahala ng Lumikha. … Bilang isa sa mga nilalang, kailangang panatilihin ng tao ang kanyang sariling posisyon, at kumilos nang maingat. Matapat na bantayan kung ano ang ipinagkatiwala sa iyo ng Lumikha. Huwag kumilos nang wala sa lugar, o gawin ang mga bagay-bagay na labas sa saklaw ng iyong kakayahan o na kasuklam-suklam sa Diyos. Huwag subukang maging dakila, o maging superman, o mataas sa lahat, o maghangad na maging Diyos. Ito ang hindi dapat nasain ng tao. Katawa-tawa ang paghahangad na maging dakila o superman. Ang paghahangad na maging Diyos ay lalo pang mas kahiya-hiya; ito ay karima-rimarim, at kasuklam-suklam. Ang kapuri-puri, at ang dapat na panghawakan ng mga nilalang nang higit pa sa anumang mga bagay, ay ang maging tunay na nilalang; ito lamang ang tanging mithiin na dapat hangarin ng lahat ng tao(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng isang paraan ng pagsasagawa. Ordinaryong tao lang ako, at anumang mga kaloob ang maaaring ibigay ng Diyos sa akin o kung ano man ang makamit ko sa tungkulin ko, magiging isang nilikha lang ako sa harap ng Diyos. Hinding-hindi magbabago ang aking pagkakakilanlan at katayuan. Hindi ako dapat magkaroon ng anumang ambisyon o pagnanasa, kailangan lang na alam ko ang lugar ko at ginagawa ko ang tungkulin ko. Malaking kaluwagan sa loob ko ang mapagtanto ito, at alam ko kung paano magpapatuloy.

Sa mga pagtitipon namin pagkatapos no’n, kapag nalulutas ko ang mga problema ng mga tao, kapag may nakakamit akong ilang bagay, hindi ko ito ipinapalagay na dahil sa sarili kong kakayahan, at sa halip ay ibinibigay ko ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos. Minsan, habang tinatalakay ang gawain sa isang kapatid, binigyan ko siya ng isang partikular na mungkahi at nakita kong nakinig siya nang mabuti sa akin. Napaisip ako kung hinangaan niya ako, kung inisip niya na naunawaan ko ang katotohanan at kaya kong lumutas ng mga problema. Pero pagkatapos ay napagtanto ko na dahil lamang sa kaliwanagan ng Diyos kaya nagawa kong magbahagi ng isang paraan ng pagsasagawa. Tungkulin ko rin ito bilang lider, at walang dapat ipagmalaki. Ang lahat ng kaluwalhatian ay dapat mapunta sa Diyos. Pagkatapos no’n, inayos ko ang pag-iisip ko at tumuon ako sa pagbabahagi sa kanya upang malutas ang kanyang isyu, sinusubukang gawin nang maayos ang tungkulin ko. Pagkatapos gawin ’yon, mas gumaan ang pakiramdam ko. Ang pagkakaroon ng ganitong pagkaunawa at pagbabago ay lubos na dahil sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Luwalhati sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Hindi Mabuburang Desisyon

Ni Bai Yang, TsinaNoong ako ay 15 taong gulang, namatay ang tatay ko dahil sa isang biglaang sakit. Hindi nakayanan ng nanay ko ang dagok...