Ang Karanasan ng Isang Doktor sa Pagbabagong-anyo

Setyembre 20, 2018

Liu Jing

Mga Nilalaman
Ang Aking Panaginip ay Nagsisimulang Magkalamat
Ang Pakikiayon sa Pandaraya sa mga Tinatanggap sa Ospital
Ang mga Materyal na Kaginhawaan ay Hindi Kailanman Makapagpapaginhawa ng Espiritwal na Pagdurusa
Ang Biyaya ng Kaligtasan sa mga Huling Araw ay Dumating sa Akin
Ibinubunyag ng mga Kaganapan ang Lalim ng Aking Pagkakalugmok
Ang Pamumuhay sa Tunay na Kaligayahan sa Batayan ng mga Salita ng Diyos
Ang Simula ng Isang Bagong Buhay

Nang ako ay bata pa, sa tuwing dinadala ako ng aking ina sa ospital upang patingin sa isang doktor at nakita ang lahat ng mga doktor at mga nars sa kanilang puting toga na nagmamadali sa paligid, madalas kong naiisip na mukha silang mga anghel na nakaputi. Puno ako ng paghanga para sa kanila, at nasanay akong isipin na: Kung maaari din akong maging anghel na nakaputi paglaki ko, napakagaling noon! Bilang isang kabataan, ang aking mga grado sa paaralan ay talagang napakaganda at nagawa kong makapasa sa pang-unang pagsusulit para sa kolehiyong medikal, at hindi nagtagal ang aking taus-pusong pag-asam ay natupad nang ako ay ipinadala sa isang partikular na ospital sa siyudad upang simulan ang aking karera bilang isang doktor. Hindi mo maaaring maisip kung gaano ako kasaya sa unang araw na isinuot ko ang isang puting toga! Ang propesyonal na tungkulin ng mga doktor ay pagalingin ang karamdaman at pigilan ang kamatayan, at yaon ang nagiging sanhi upang tumaas ang paggalang sa propesyon, napakatayog! Ako ay determinadong mamuhay sa tag-uring, mga anghel na nakaputi, sa pagiging ganap na responsable at propesyonal na doktor na nakatuon sa pagpapagaan ng pagdurusa ng aking mga pasyente.

Ang Aking Panaginip ay Nagsisimulang Magkalamat

Sa pagsunod sa takbo ng pagbabago at pagbubukas ng Tsina, ang aking ospital ay masigasig na tumugon sa sawikain ng pamahalaang sentral na: “Hindi mahalaga kung ang pusa ay itim o puti hangga’t nakakahuli ito ng mga daga.” Ang lumang sistema ng mga trabaho para sa buhay sa mga pirmihang sahod ay inalis na, at ang lahat ay naging kaugnay sa paggawa. Ako ay nagtrabaho sa mga klinika sa ospital at ang ospital ay nagtalaga ng isang itinakdang bilang para sa dami ng mga pasyente na kailangang ilipat naming mga doktor sa klinika sa mga silid ng pag-aalaga. Sa bawat pasyente na kulang sa itinakdang bilang kami ay minumultahan ng limampung RMB. Nang una kong nalaman ang ganito ako ay nagalit nang husto. Naisip ko: Kaya kahit walang malalang suliranin sa pasyente, kailangan pa din namin silang ipadala sa mga silid ng pag-aalaga? Hindi ba eto isang uri ng pandaraya? Ito ay ganap na walang puso.

Kaya nagpatuloy ako na gumawa ng mga pasya tungkol sa pananatili ng bawat pasyente batay lamang sa aking pagsusuri sa kanilang mga karamdaman at hindi pinansin ang direktiba ng ospital. Sa pagtatapos ng buwan, ang hindi pagsunod ay humantong sa limangdaang RMB na ikinaltas mula sa aking lalagyan ng sahod Ang lalagyan ng sweldo ng ibang mga doktor ay makapal at mabigat habang ang sa akin ay kahabag-habag sa nipis. Lahat sila ay tumingin sa akin sa isang kakaibang paraan, at narinig ko silang sinasabi ang mga bagay tulad ng: “Siya ay hangal. Hindi niya man lang maabot ang itinakdang bilang para sa mga pagtanggap sa mga silid ng pag-aalaga.” “Hindi ba siya makatarungan! Ang ating klinika ay lumampas sa itinakdang bilang.” Tinawag ako ng punong tagapangasiwa ng ospital upang pagalitan: “Xiaoliu! Binibigyan tayo ng pamahalaan ng napakaunting pera sa mga araw na ito, kaya kailangan natin ibalanse sa ating mga sarili ang mga kuwenta. Kung hindi natinkukunin ang pera mula sa mga pasyente, paano natin mababayaran ang sahod ng mga manggagawa? Kung bawat doktor ay itatrato ang kanilang mga pasyente kagaya ng ginagawa mo, kakailanganin ng ospital na magsara kaagad!” nang marinig ko ito, hindi ko mapigilan sa sumigaw sa aking sarili: Ginagawa mong magnanakaw ang mabubuting tao! Umalis ako sa opisina ng tagapangasiwa na may luha sa mga mata. Isa sa mga kasamahan ko na nakasama ko nang mabuti ay inudyokan ako na isaalang-alang muli: “Huwag kang masyadong magmatigas. Sino ba ang walang pakialam sa pera sa mga araw na ito? Kagaya ng kasabihan, ‘Dapat alalahanin ng bawat isa ang kanilang mga sarili at huwag ng mag-alala pa tungkol sa iba.’ Lahat tayo ay gumagawa sa parehas na bilang ng haba ng trabaho sa loob ng isang buwan at nakikita mo ang kasingdami ng pasyente kagaya ng sa sinuman at ang iyong propesyonal na kakayahan ay kasing-galing ng sa sinuman, ngunit ang iyong sahod ay higit na kaunti. Talaga bang mala-anghel ka na hindi mo na kailangan kumain? Nakikita mo ba ang iyong sarili bilang bodhisattva na dinadala ang mga masa sa ilang Budistang kalangitan?” Sa pagsunod sa payo ng aking kasamahan, unti-unti kong naunawaan ang tunay na kahulugan ng kasabihan, “Ang kalikasan ang namimili, ang pinakamatibay ang natitira.”

Ang Pakikiayon sa Pandaraya sa mga Tinatanggap sa Ospital

Sa pagharap sa malupit na katotohanan ng buhay sa ospital, wala akong ibang pagpipilian kundi baguhin ang aking mga pamamaraan at makiayon sa mga patakaran ng namamahala. Upang magawa ang trabaho na ibinigay sa akin at bayaran ng mas malaki, nagsimula din akong ibaon ang aking konsiyensiya at ipinadadala ang mga pasyenteng hindi naman kailangan manatili sa ospital papunta sa mga silid ng pag-aalaga. Madalas akong may ngiti sa aking mukha habang inuudyukan at nililinlang ang mga pasyenteng ito, at hindi nila kailanman nalaman kung ano ang nangyayari. Upang makuha ang nararapat na panggagamot, lagi silang nagtitiwala at sumusunod sa lahat ng aking sinasabi, at nagpapasalamat pa nang husto. Paano nila malalaman na sa likod ng ngiti ng doktor ay mayroong isang bihasang tagabitay? Naalala ko minsan nang suriin ko ang isang babae na kakakaroon lang ng isang kaunting ginekolohikal na pamamaga. Upang makakuha ng mas malaking pera mula sa kanya tinakot ko siya sa pagsasabing: “Ang iyong karamdaman ay masyadong malala. Kung hindi tayo magmadali at ipasok ka sa ospital, magiging malaking sakit sa ulo ito upang gamutin.” Maamong itinanong sa akin ng pasyente kung ano ang “karamdaman” at sinabi ko sa kanya na ito ay xxx, isang uri ng nakahahawang impeksiyon. Ang babae ay lubhang natakot at nagsimulang umiyak. Kaagad akong nakadama ng pagsisisi sa panlilinlang sa kanya at ninais na sabihin ang katotohanan sa kanya, ngunit naisip ko pagkatapos na ang hindi paggawa sa ibinigay sa aking trabaho ay hindi lamang nangangahulugan na ako ay makukutya ng aking mga kasamahan at pupunahin ng aking mga tagapamahala ngunit mangangahulugan din ng mas maliit na sahod. Kaya nagngalit ang aking mga ngipin at nanatiling tahimik. Dahil sa aking pananakot ang babae ay nagtapos sa pananatili sa ospital sa ilang panahon. Nang una akong magsimula naumasal ng ganito, mararamdaman ko pa rin ang kaunting malasakit para sa mga pasyente, ngunit sa paglipas ng panahon ang aking konsiyensiya ay nagsimulang unti-unting nawawala at sa pakiramdam ko ay lalong naging mas manhid.

Ang mga Materyal na Kaginhawaan ay Hindi Kailanman Makapagpapaginhawa ng Espiritwal na Pagdurusa

Ang aking buong pagkatao ay natupok sa kagustuhang kumita ng salapi, at bukod sa pandaraya sa mga pasyente sinamantala ko ang anumang pagkakataon na dumating sa ospital upang lalo pang magkamal ng mas maraming salapi. Sa aming departamento, kapag ang mga doktor ay gumawa ng pag-oopera sa mga pasyente maaari nilang ibulsa sa sarili nila ang bayad nang hindi na ibinabahagi ang mga ito sa ospital. Kaya upang magkaroon pa ng mas maraming pera sinimulan naming sunggaban ang mas maraming operasyon hangga’t makakaya namin. Mayroon laging panganib na kaakibat ang operasyon, ngunit upang dagdagan ang aming mga sahod kami ay naging pabaya, at sa loob ng isang buwan ang mga patagong bayad ay ilang beses na mas malaki kaysa sa aming mga buwanang sweldo. Sa pagkakaroon ng isang pitakang palaging puno ng salapi nagsimula akong bumili ng mga mamahaling mga gamit. Ang kalidad ng aking mga damit at mga palamuti ay lubos na tumaas, at kapag nakakita ako ng ilang pampaganda na nais ko hindi ako mag-aalinlangan upang ilabas ang aking kard sa pangungutang at binibili ang mga ito. Ang aking mga kaibigan at mga kamag-anak ay nagsimulang tingnan ako nang may paghanga. Ngunit sa kalagitnaan ng gabi, kapag tahimik na ang lahat, maiisip ko kung paano ko ginagawa ang mga operasyon nang patago. Ano ang mangyayari kapag nadulas ako isang araw? Ang pag-iisip nito ay sapat na upang ako ay manginig. Araw-araw lahat ng aking enerhiya at lakas sa pag-iisip ay papunta sa pagkita ng salapi nang wala ni pinakamaliit na piraso ng konsiyensiya. Ako ay nabubuhay na parang patay na buhay at hindi ko alam kung bakit ako nabubuhay dito sa mundo o kung ano ang tungkol sa kamatayan. Ako ay ganap na walang direksyon sa aking buhay... Ang aking espirituwal na walang kapahingahan at pagdurusa ay nagpapahirap sa akin hanggang sa puntong nawawalan ng tulog, at ito ay nang mapagtanto ko na ang materyal na kaginhawaan ay hindi kailanman malulutas ang suliranin ng takot sa aking puso. Sa katunayan, habang lalong dumadami ang aking imoral na mga pakinabang mas lalo akong nabuhay sa takot at pagkabalisa...

Ang Biyaya ng Kaligtasan sa mga Huling Araw ay Dumating sa Akin

Isang araw noong Mayo 2007, ako ay nakikipag-usap sa isang kasamahan na nakikilala ako nang husto, na nagsabing: “Lahat tayo ay nagkaroon ng maraming salapi at nawiwili tayo sa pagkakaroon ng lahat ng mga mamahaling damit na ito at mga matataas na uri ng gamit. Sa anumang pagpapakahulugan, dapat tayong maging masaya at makuntento ngunit wala ni isa sa atin ang nakadadama sa gayong paraan. Sa katunayan, nakakaramdam tayo ng kahungkagan at nababalisa.” Nilarawan ng mga salita ng kasama ko kung ano eksakto kong nararamdaman. Hindi ba ako ganoon mismo? Ngunit sino ang malinaw na makapagsasabi kung ano ang ugat ng suliranin? Habang ako ay nagbubulay sa tanong na ito, sinabi ng aking kasama na naniniwala siya sa Diyos at sa mga salita ng Diyos niya natagpuan ang mga sagot na kinailangan niya. Kinuha niya ang isang aklat at nagbasa sa akin ng isang talata ng mga salita ng Diyos: “Halimbawa, kung tatanungin mo ang ilang masamang tao kung bakit nila ginagawa ang isang bagay, Sasagot sila: ‘Iniisip lang ng tao ang sarili niya at hindi ang kapakanan ng iba.’ Ipinahahayag ng isang pariralang ito ang ugat ng suliranin: Ang lohika ni Satanas ay nagiging buhay ng mga tao, at anuman ang kanilang ginagawa, para lang ito sa kanilang sarili. Sa palagay ng lahat, ‘Iniisip lang ng tao ang sarili niya at hindi ang kapakanan ng iba,’ Ito ang buhay at ang pilosopiya ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. ‘Iniisip lang ng tao ang sarili niya at hindi ang kapakanan ng iba,’ ang pahayag na ito ni Satanas ang malinaw na lason nito, at pag isinabuhay ito ng tao nagiging kalikasan ito ng tao. Ang kalikasan ni Satanas ay nailalantad sa pahayag na ito; lubos nitong kinakatawan ito. Ang lasong ito ay nagiging buhay ng tao at nagiging saligan ng kanyang pag-iral; ang sangkatauhan na ginawang tiwali ay patuloy na pinangingibabawan nito sa loob ng libu-libong taon(“Paano Tahakin Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ibinahagi ng kasamahan sa akin pagkatapos ang tungkol dito: “Sa nakaraang ilang libong taon, ang sangkatauhan ay napasailalim sa impluwensiya ni Satanas at hinihigop ang hangal na mga maling aral ni Satanas. Lahat itong ‘Ang salapi ang una,’ ‘Dapat alalahanin ng bawat isa ang kanilang mga sarili at huwag ng mag-alala pa tungkol sa iba,’ ‘Ang kalikasan ang namimili, ang pinakamatibay ang natitira,’ at iba pa. Ang ganitong mala-satanas na mga pilosopiya ng buhay ay naging patakaran at salawikain para sa ating pag-iral sa mundo. Tinatrato natin ang kakatwang mga ideya ni Satanas bilang isang bagay na positibo na dapat sundin, at kapag hindi tayo nabuhay sa mga bagay na ito makikita tayo ng ibang tao na wala sa uso at kakaiba at hindi tayo magkakaroon ng paraan upang magkaroon ng katayuan at matirang buhay sa lipunan. Ngunit upang tayo ay mabuhay sa pamamagitan ng mga mala-satanas na pilosopiyang ito at palaging naghahanap ng paraan upang kumita ng salapi mula sa ating mga pasyente ay nangangahulugang sa kabila ng pagkakaroon ng mga karangyaan at kaginhawaan na kayang bilhin ng salapi, sa kabila ng pagkakaroon ng katayuan sa lipunan, hindi tayo kailanman magiging masaya at kuntento. Ang ating mararamdaman sa halip ay takot, pagkabalisa, kahungkagan at kapighatian. Ginagamit ni Satanas ang mga nakalalasong pamamaraan na ito upang sirain tayo at linlangin tayo upang sa gayon tayo ay manatili sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, patuloy na pinahihirapan at inaabuso.... Kung nais nating alisin ang ating mga sarili sa mahapding pag-iral na ito at pigilan ang pagpapasama ni Satanas, kailangan nating lumapit sa Panginoon ng Paglikha at tanggapin ang kaligtasan ng Diyos at mga pagtustos para sa buhay. Ito ang tanging paraan upang matakasan ang mahigpit na mga paghawak ni Satanas at mabuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Kagaya ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: ‘Kapag natanggap na ng tao ang pagliligtas ng Diyos at ang Kanyang panustos ng buhay sa kanila, saka lamang malulutas ang mga pangangailangan, kasabikang tumuklas, at espirituwal na kahungkagan ng tao’ (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan.”

Ang mga salitang ito ng Diyos at at ng pagbabahagi ng aking kasamahan ay umantig sa akin sa kaibuturan ng aking puso. Naalala ko kung paano ako nasanay na umakto na may konsiyensiya kapag ginagamot ang aking mga pasyente, na palaging pinagtitibay ang sinumpaan ng doktor upang maiwasan ang kamatayan at pagalingin ang karamdaman. Ngunit pagkatapos kutyain ng aking mga kasama, batikusin ng aking nakatataas na namamahala, at inakit sa pamamagitan ng pag-iisip sa materyal na pakinabang ako din ay unti-unting sumuko sa masasamang kalakaran. Bumagsak sa pinakamababa ang aking moralidad at ngayon lahat ay aking gagawin upang kumita ng salapi ng walang pinakamaliit na konsiderasyon para sa kalagayan ng aking mga pasyente o kung sila man ay nabuhay o namatay. Oo, nabigyang kasiyahan ko ang lahat ng aking materyal na mga pagnanasa at nakamit ang paghanga ng mga tao sa paligid ko, ngunit hindi kailanman nabura ng panlabas na halina ang kapighatian na aking nararamdaman sa sa kaibuturan ng aking kaluluwa. Ang lubos na kailangan ng malalim na lugar sa aking kaluluwa ay hindi ang materyal na kaginhawaan kundi ang pagliligtas ng Diyos, at ito ay tanging sa paglapit sa Diyos, pagkakamit ng panustos para sa buhay sa Kanyang mga salita na nagawa kong alisin ang aking sarili sa pagsira at dalamhati ni Satanas at nabawi ang pagkakawangis ng isang nilalang na may paggalang sa sarili at integridad. Bilang resulta, tinanggap ko nang may galak ang gawain sa mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos at hindi nagtagal ay sinimulan ang aking buhay iglesia kasama ang mga kapatiran. Nagbabasa kami ng mga salita ng Diyos at ibinahagi ang tungkol sa mga katotohanan, at nakita ko kung paanong ang mga kapatiran ay inosenteng lahat at bukas, at nagiging matapat. Sa tuwing ibinubunyag nila ang kanilang tiwaling disposisyon, nagagawa nilang gamitin ang mga salita ng Diyos upang magbulay sa sarili at sa gayon nakakamit ang kaalaman ukol sa kanilang mga sarili, at nagawang hanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga suliranin. Sinuportahan nila ang isa’t-isa at nakakasundo nang may pagkakaisa nang hindi kailanman nakikibahagi sa intriga o sa paninirang-puri. Sa lahat ng aking mga taon hindi pa ako kailanman nakatagpo ng isang grupo tulad nito; ito ay tulad ng isa pang mundo, at ito ay ang buhay na akingkinasasabikan sa kaibuturan ng aking kaluluwa. Minahal at pinahalagahan ko ang aking bagong buhay at mabilis na nabuo sa malaki at masiglang pamilya.

Ibinubunyag ng mga Kaganapan ang Lalim ng Aking Pagkakalugmok

Isang araw habang ako ay nasa pagtupad ng tungkulin isang matandang mag-asawa ang pumasok, at sa pagsusuri sa kanila natuklasan ko na mayroon silang karaniwang impeksyon sa bakterya na kayang gamutin gamit ang ilang karaniwang gamot na nabibili lamang sa botika. Ngunit kung irereseta ko lang ang mga gamot na ito, wala akong kikitaing anumang salapi. Kaya sa nakasanayang pagbukadkad ng aking panulat nagreseta ako ng mga gamot na maraming beses na mas mahal upang ako ay magkaroon ng komisyon. Ngunit nang magtungo ang matandang mag-asawa sa botika at pinagsama ang kanilang bayarin para sa mga gamot, natuklasan nila na wala silang sapat na dalang salapi at kinailangan na umuwi na walang dala.

Pagkatapos tapusin ang aking oras ng trabaho bigla akong nakaranas ng parang nasusuka at sobrang pagkahilo. Nagtaka ako: Ako ay palaging malusog kaya paanong bigla akong nakaramdam ng ganito. Sa pag-uwi sa bahay nagmadali akong lumuhod sa Diyos at nanalangin at nagsaliksik. Kinalaunan, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Maaaring gumagawa ka ng isang bagay at walang nararamdamang anumang partikular na damdamin para dito, at hindi rin nalalaman ng iba, nguni’t alam ng Diyos. Hindi ka Niya pakakawalan, at didisiplinahin ka Niya. Napakadetalyado ng gawain ng Banal na Espiritu. Buong ingat Niyang pinagmamasdan ang bawat salita at pagkilos ng mga tao, ang kanilang bawat kilos at galaw, at ang kanilang bawat kaisipan at ideya upang makamtan ng mga tao ang panloob na kamalayan sa mga bagay na ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). At saka ito tumama sa akin na ang pagkabalisa na aking nararamdaman ay ang mapagmahal na kamay ng Diyos, ang Kanyang paghatol at pagkastigo, na dumadating sa akin. Ako ay nagbulay sa aking pag-uugali at pagkilos sa buong araw at kung paanong inalala ko lamang ang pakikinabangan ko at inireseta ang mga mamahaling gamot na iyon kapalit ng matandang mag-asawa na kinailangan umalis ng ospital na walang anumang gamot. Sa pagdulot na maantala ang kanilang paggagamot hindi ko ba sila dinadaya? Naisip ko ang tungkol sa kung paanong sa bawat araw ako ay nababahala sa pagkalkula kung gaano karaming komisyon ang makukuha ko para sa bawat pagrireseta o kung gaano kalaki ang masisingil ko sa bawat operasyon. Ang aking ulo ay sobrang puno ng mga kaisipan ukol sa salapi na ako ay naging walang puso, hindi makataong doktor na walang malasakit na naitala sa mga pasyente. Ngunit sinuri ng Diyos ang lahat ng aking mga adhikain at intensyon—wala kahit isa sa mga kaisipan ko ang nagawang makaligtas sa paningin ng Diyos —kaya sa pagkakataong ito nang gumawa ako ng masama, hindi taglay ng Diyos puso upang hayaan ako na mahulog sa patibong at bitag ni Satanas, at sa halip ay nagdulot sa akin ng pisikal na pagkabalisa upang magawa kong magbulay sa sarili at mas makilala pa ang aking sarili. Hinayaan ng Diyos na makita ko na napoot Siya sa aking pag-uugali at mga kilos, na hindi kabilang sa isang wastong nilalang. Nang maisip ko ito naramdaman ko ang taimtim na pagsisisi, at sa paglapit sa Diyos ako ay nanalangin: “O Diyos! Salamat sapagkat hinayaan mo na makita ko na ako ay lubos na pinasama ni Satanas sa punto na nawala ko ang mabuti kong konsiyensiya. O Diyos! Bukal sa loob ko na magsisi sa Iyong pangalan at susubukan na maging isang tao na may konsiyensiya at pagkatao ayon sa Iyong mga salita...”

Ang Pamumuhay sa Tunay na Kaligayahan sa Batayan ng mga Salita ng Diyos

Isang araw isang dalaga ang dumating sa aking klinika para magpagamot, at pagpasok niya sa aking silid nagsimula siyang makiusap sa akin: “Doktor, pakiusap, pakiusap magreseta ka ng ilang disenteng gamot para sa akin. Nangangati ang buong katawan ko, matagal ko na itong nararanasan. Nanggaling na ako sa lahat ng ospital, malaki at maliit, at gumastos nang halos sampung libong yuan ngunit ang pangangati ay naririto pa rin. Kung matutulungan mo ako, babayaran kita hanggang sa kinakailangan.” Nang marinig ko agad ito, ako ay napuno ng palihim na galak at naisip ko: Gayong marami kang salapi—ito na marahil ang masuwerte kong araw. Lumapit ka sa akin, kaya nararapat kang talupan. Sa ilang saglit kaagad kong isinaalang-alang kung anong mamahaling gamot ang makapagdadala sa akin ng pinakamalaking komisyon, at pagkatapos, sa pagbukadkad ng aking panulat, isinulat ko ang reseta. Ngunit nang ibibigay ko na ang reseta sa pasyente, agad kong naisip ang ilang salita ng Diyos na nabasa ko nang nakaraang ilang mga araw: “Ang mala-ahas mong dila ay sisirain kalaunan ang iyong laman na gumagawa ng pagwasak at nagsasakatuparan ng mga kasuklam-suklam, at yaong mga kamay mo na nababalutan ng dugo ng maruming mga espiritu ay hihilahin din ang iyong kaluluwa kalaunan sa impiyerno, kaya bakit hindi mo samantalahin ang pagkakataong ito upang linisin ang iyong mga kamay na nababalot ng dumi? At bakit hindi mo samantalahin ang pagkakataong ito na putulin ang dila mong iyan na nagsasalita ng di-matuwid na mga salita? Maaari kaya na handa kang magdusa sa ilalim ng mga ningas ng impiyerno para sa iyong dalawang kamay at iyong dila at mga labi?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Masyadong Hamak ang Pagkatao Ninyong Lahat!). Ang mahigpit na mga salita ng Diyos ay ipinaramdam sa akin na Siya ay halos nasa harapan ko, na nagtatanong: “Maaari kaya na handa kang magdusa sa ilalim ng mga ningas ng impiyerno para sa iyong dalawang kamay at iyong dila at mga labi?” Nakaramdam ako ng saglit na takot at pagkapahiya. Lahat ng bagay na aking iniisip ay masama, na wala ni ang pinakamaliit na piraso ng kabutihan dito. Alam ng Diyos na wala akong lakas upang mapagtagumpayan ang kasalanan nang mag-isa at inisip na baka malihis “akong muli mula sa Kanyang landas at kaya pinili ang mahigpit na mga salitang ito upang humatol at magkastigo sa akin sa tamang oras. Ginawan Niya ng paraan na makita ko na ang Kanyang matuwid na disposisyon ay hindi maiinsulto, at ang aking puso ay bumalik muli sa Diyos na may takot at paggalang at tinalikuran ko ang paggawa ng masama. Madali kong binawi ang reseta mula sa pasyente at sinabi sa kanya: “Bakit hindi kaya ako gumawa ng buong pagsusuri upang makita kung ano ang dahilan ng iyong karamdaman, at saka ako magsusulat ng reseta?” Pagkatapos ko siyang suriin sinabi ko sa kanya: “Ang pangangating ito ay hindi dulot ng isang impeksyon ng bakterya. Nagkaroon ka ng lisa, at maaalis mo ang mga ito nang mura at madali. Aking ginagarantiya na makatutulog ka nang napakahimbing ngayong gabi.” Tila ang pasyente ay hindi talagang naniniwala sa aking sinabi, kaya tumingin ako sa kanya na may pagbibigay-katiyakan habang tumatango. Pagkatapos niya umalis naramdaman ko sa unang pagkakataon ang kasiyahan ng pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos. Pagkaraan ng dalawang araw nakatagpo kong muli ang pasyente, at humagulgol siya sa iyak habang ang mga salita ng pasasalamat ay lumabas: “Salamat Doktor Liu! Salamat sa iyo, Doktor Liu! Magaling ka talagang doktor. Ginugol ko ang lahat ng salaping iyon sa nakaraan sa ibang mga doktor ngunit sinabi mo sa akin kung paano gamutin ang aking karamdaman nang ilang yuan lang. Napakaswerteko na nakatagpo ko ang gayong isang mabuting doktor. Hindi kita lubos mapasalamatan...” Sa pakikinig sa sinabi ng pasyente, tahimik kong pinasalamatan at pinuri ang Diyos. Alam ko na hindi ito dahil sa ako ay talagang mabuti kundi dahil sa epekto ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa akin.

Ang Simula ng Isang Bagong Buhay

Ginamit ng Diyos ang Kanyang mga salita upang hatulan ako, magtustos sa akin, manguna at gumabay sa akin, at ibalik unti-unti ang aking nawalang konsiyensiya upang bahagya akong makapamuhay kagaya ng isang tunay na nilalang. Ngayon ang buhay ko ay hindi na tungkol lamang sa pagkita ng pera, hindi ko na ibinabatay ang aking buhay sa mala-satanas na mga lason tulad ng “Ang pera ang una,” “Dapat alalahanin ng bawat isa ang kanilang mga sarili at huwag ng mag-alala pa tungkol sa iba,” “ang pinakamatibay ang matitira” at iba pa. Hinayaan ko ang mga salita ng Diyos na maging aking bagong buhay at mga patnubay kung saan ako ay kumikilos. Sa mga salita ng Diyos natagpuan ko ang tunay na direksyon para sa buhay at nagkaroon ng layunin kung paano kumilos. Umaawit pa din ako ng mga awit at nagbabasa habang nananalangin ng mga salita ng Diyos kasama ang kapatiran araw-araw at ginagawa ko ang makakaya ko upang tuparin ang aking mga tungkulin bilang isang nilikha. Ako ay parang isang alibughang anak na nawala sa loob ng maraming taon at naramdaman ang kagilagilalas na kasiglahan, kapayapaan at kapanatagan nang sa wakas ay nakabalik sa yakap ng kanyang ina. Lahat ng luwalhati ay sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply