785 Makakapagpatotoo Ka ba sa Diyos sa Harap ng Malaking Pulang Dragon?

1 Ako ay nasisiyahang pagmasdan ang maliliit na ibong lumilipad sa himpapawid. Bagaman hindi nila naiharap sa Akin ang kanilang paninindigan, at walang mga salita na “maibibigay” sa Akin, nakakasumpong sila ng kasiyahan sa mundong naibigay Ko sa kanila. Ang tao, gayunpaman, ay hindi kaya ito, at ang kanyang mukha ay puno ng kalungkutan—maaari kaya na may utang Ako sa kanya na hindi mababayaran? Bakit ang kanyang mukha ay laging may marka ng luha? Hinahangaan Ko ang mga liryong namumukadkad sa mga bulubundukin. Ang mga bulaklak at damo ay nakahilera patawid sa mga bahaging paakyat, nguni’t ang mga liryo ay nagdaragdag ng kislap sa Aking kaluwalhatian sa lupa bago sumapit ang tagsibol—makakamit ba ng tao ang ganito kaganda? Makakapagpatotoo ba siya sa Akin sa lupa bago ang Aking pagbabalik? Maiaalay ba niya ang kanyang sarili alang-alang sa Aking pangalan sa bansa ng malaking pulang dragon?

2 Ang Aking gawain sa gitna ng pangkat ng mga tao ng mga huling araw ay isang di-pa-kailanman-nangyayaring proyekto, at sa gayon, upang mapuno ng Aking kaluwalhatian ang kosmos, lahat ng tao ay nagdurusa ng huling paghihirap para sa Akin. Nauunawaan mo ba ang Aking kalooban? Ito ang huling kinakailangan Ko sa tao, na ibig sabihin, Ako ay umaasa na lahat ng tao ay malakas at umaalingawngaw na makakapagpatotoo sa Akin sa harap ng malaking pulang dragon, na kanilang maiaalay ang kanilang mga sarili sa Akin sa huling sandali, at tuparin ang Aking mga kinakailangan sa isang huling pagkakataon. Tunay bang magagawa ninyo ito? Hindi ninyo kinayang bigyang-kasiyahan ang Aking puso sa nakaraan—maaari ba ninyong sirain ang tularang ito sa huling pagkakataon? Binibigyan Ko ang mga tao ng pagkakataong magnilay, hinahayaan Ko silang magbulay-bulay nang maingat bago tuluyang bigyan Ako ng tugon—mayroon ba kayong pananampalataya upang tuparin ang Aking mga kinakailangan?

Hango sa “Kabanata 34” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan: 784 Ang Huling Kailangan ng Diyos sa Tao

Sumunod: 787 Hinihikayat ng Diyos ang Tao para Lamang Tumayong Saksi

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messnger

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito