684 Lahat ng Tunay na Naghahanap sa Diyos ay Matatamo ang Kanyang mga Pagpapala

Pa’no dapat makipagtulungan ang tao sa Diyos

sa yugtong ito ng gawain Niya?


I

Sinusubok ng Diyos ang tao ngayon,

‘di nagsasalita.

Sarili Niya’y ‘kinukubli,

malayo sa haplos ng tao.

Sa tingin mukhang

wala Siyang ginagawa;

ang totoo patuloy Siyang

gumagawa sa loob ng tao.


Siyang hangad makapasok sa buhay

ay may pangitain sa paghahangad niya’t

walang pagdududa kahit pa siya’y mabigo

sa pag-unawa sa gawain ng Diyos.


Maniwalang kailanma’y ‘di lilipulin

ng Diyos ang lahat ng tao.

Sa halip, bigay Niya’y mga pangako’t biyaya.

Lahat yaong hangad Siya’y

tatanggap ng biyaya Niya,

ngunit itatakwil Niya yaong hindi.

Ikaw na’ng bahala.

Dapat kang maniwalang

‘pag tapos na’ng gawain Niya,

bawat tao’y darating kung sa’n siya nabibilang.


II

Habang pinagdaraanan mo’ng pagsubok Niya

kahit na ‘di mo alam

kung ano’ng nais makamit ng Diyos,

malaman mong saloobin Niya’y mabuti.

Kung hangad mo Siya nang may pusong tunay,

lagi ka Niyang sasamahan;

peperpektuhin ka Niya sa huli,

at tao’y dadalhin sa maayos na lugar.


Maniwalang kailanma’y ‘di lilipulin

ng Diyos ang lahat ng tao.

Sa halip, bigay Niya’y mga pangako’t biyaya.

Lahat yaong hangad Siya’y

tatanggap ng biyaya Niya,

ngunit itatakwil Niya yaong hindi.

Ikaw na’ng bahala.

Dapat kang maniwalang

‘pag tapos na’ng gawain Niya,

bawat tao’y darating kung sa’n siya nabibilang.


III

Anumang pagsubok

ang ibibigay ng Diyos ngayon,

darating ang araw

gagantimpalaan o paparusahan Niya lahat

ayon sa nagawa nila.

Tao’y ‘di Niya aakayin sa isang punto

pagkatapos ay itatakwil.

Yamang Diyos ay laging mapagkakatiwalaan,

‘di Niya sila babalewalain.


Nang maranasan ang gawain ng Diyos,

dapat maunawaan ng lahat

ang ginagawa ng Diyos ngayon,

at pa’no makipagtulungan.


Maniwalang kailanma’y ‘di lilipulin

ng Diyos ang lahat ng tao.

Sa halip, bigay Niya’y mga pangako’t biyaya.

Lahat yaong hangad Siya’y

tatanggap ng biyaya Niya,

ngunit itatakwil Niya yaong hindi.

Ikaw na’ng bahala.

Dapat kang maniwalang

‘pag tapos na’ng gawain Niya,

bawat tao’y darating kung sa’n siya nabibilang.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos

Sinundan: 683 Hindi Makikilala ng Isang Tao ang Diyos sa Pagtatamasa ng Kanyang Biyaya

Sumunod: 685 Panindigan ang Dapat Gawin ng Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito