676 Sa Pagpipino Nagkakaroon ng Pananampalataya

I

Sa pananampalataya mo lang

makikita ang Diyos,

‘pag mayroon ka nito

gagawin ka Niyang perpekto.

Kung walang pananalig,

ito’y ‘di Niya magagawa,

ito ay hindi Niya magagawa.


‘Pag ika’y nananalig

na makikita mo ang Kanyang mga kilos

sa’yong karanasan,

magpapakita sa’yo ang Diyos,

at liliwanagan at gagabayan ka Niya

mula sa’yong loob.

Kung wala ang pananalig na ‘yon,

‘di ‘yan magagawa ng Diyos.


Kung nawalan ka na ng pag-asa sa Diyos,

pa’no mo mararanasan ang gawain Niya?

Samakatwid, ‘pag may pananalig lang

at sa Diyos ‘di nag-aalinlangan,

‘pag ika’y mayro’n lang

tunay na pananalig sa Diyos,

saka ka Niya liliwanagan at tatanglawan,

saka mo lang makikita ang mga kilos Niya.

Sa pananalig lang nakakamtan ang lahat ng ito.

Pananalig ay nakakamtan lang sa pagpipino’t

kung walang pagpipino, walang pananalig.


II

Ano ba ang tinutukoy

ng salitang “pananampalataya”?

Ito’y tunay na paniniwala at pusong tapat

na dapat taglayin ng mga tao

‘pag may ‘di sila nakikita’t nahahawakan,

‘pag gawain Niya’y ‘di ayon sa kuru-kuro ng tao,

‘pag ito’y ‘di maarok ng tao.

Ito ang pananampalatayang binabanggit Niya.


Pananampalataya’y kailangan ng mga tao

sa mga panahon ng paghihirap at pagpipino,

at pananampalataya’y sinusundan ng pagpipino;

ang mga ito’y ‘di mapaghihiwalay.


Pa’no man gumagawa ang Diyos

at anumang sitwasyon mo,

nagagawa mong maghangad

ng buhay at katotohanan,

at malaman ang gawain ng Diyos,

at maunawaan ang Kanyang mga kilos,

at nagagawa mong kumilos ayon sa katotohanan.

Paggawa nito’y pagkakaroon

ng tunay na pananalig,

at nagpapakitang ‘di ka nawalan

ng pananalig sa Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino

Sinundan: 675 Ang Layunin ng Gawain ng Pagpipino ng Diyos

Sumunod: 677 Paano Ibigin ang Diyos sa Panahon ng Pagpipino

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito