518 Ang Pagpapamalas ng Puwersa ng Buhay ng Diyos
I
Lahat ng dumarating sa mundong ito ay kailangang magdaan sa buhay at kamatayan, at karamihan sa kanila ay nagdaan na sa paulit-ulit na siklo ng kamatayan at muling pagsilang. Yaong mga nabubuhay ay malapit nang mamatay, at ang patay ay malapit nang magbalik. Lahat ng ito ay ang landas ng buhay na isinaayos ng Diyos para sa bawat buhay na nilalang. Ngunit ang landas at siklong ito ay ang mismong katunayan na nais ng Diyos na makita ng tao: na ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay walang katapusan, hindi nalilimitahan ng katawan, panahon, o kalawakan. Ito ang hiwaga ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, at patunay na ang buhay ay nagmula sa Kanya.
II
Bagama't maaaring maraming hindi naniniwala na ang buhay ng tao ay nagmula sa Diyos, hindi maiiwasan na tamasahin ng tao ang lahat ng nagmumula sa Diyos, naniniwala man sila o hindi sa Kanyang pag-iral. Kung sakaling dumating ang araw na biglang magbago ang puso ng Diyos at naisin Niyang bawiin ang lahat ng umiiral sa mundo at ang buhay na naibigay Niya, mawawala na ang lahat. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang buhay para tustusan ang lahat ng bagay, kapwa buhay at walang buhay, na dinadala ang lahat sa magandang kaayusan sa bisa ng Kanyang kapangyarihan at awtoridad. Ito ay isang katunayan na walang makakaisip o makakaunawa, at ang mga katunayang ito na hindi maarok ang siya mismong pagpapamalas, at katibayan, ng puwersa ng buhay ng Diyos.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao