234 Dapat Hanapin ng mga Mananampalataya ng Diyos ang Kanyang Kasalukuyang Kalooban

I

Marami’ng naniniwalang pag-unawa’t

pagbigay kahulugan sa Biblia’y

tulad ng paghanap ng daang tunay—

ngunit gano’n ba talaga kasimple?

Walang may alam sa realidad ng Biblia.

Ito’y talaan lang ng kasaysayan,

patotoo sa nakaraang gawain ng Diyos,

kaya mithi ng gawain Niya’y ‘di mo malalaman.


Dahil hangad mo’y buhay,

dahil hangad mo’y makilala ang Diyos,

‘di mga doktrina o patay na titik o

kaalaman sa kasaysayan,

dapat hanapin mo’ng kalooban Niya ngayon

at ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu.


II

Ang nakabasa na ng Biblia’y

alam na nakatala rito ang dal’wang yugto

ng gawain Niya sa Panahon ng Kautusan

at ang Panahon ng Biyaya.

Nasa Lumang Tipan ang kasaysayan

ng Israel at gawain ni Jehova

mula sa paglikha hanggang sa katapusan ng

Panahon ng Kautusan.


Nakatala sa Bagong Tipan

ang nagawa ni Jesus sa lupa,

pati na rin ang kay Pablo.

‘Di ba talaan ng kasaysayan ito?


Dahil hangad mo’y buhay,

dahil hangad mo’y makilala ang Diyos,

‘di mga doktrina o patay na titik o

kaalaman sa kasaysayan,

dapat hanapin mo’ng kalooban Niya ngayon

at ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu.


III

Kung nauunawaan mo lang ang Biblia,

ngunit walang alam sa gawain Niya ngayon,

kung ‘di mo hanap ang gawain ng Espiritu,

paghahanap sa Diyos ay ‘di mo nauunawaan.

Kung Biblia’y binabasa upang aralin

ang kasaysayan ng Israel,

saliksikin ang paglikha ng Diyos sa lupa’t langit,

ika’y ‘di mananampalataya.


Kung pinag-aralan mo’ng sinaunang kultura,

mababasa mo ang Biblia,

ngunit ika’y naniniwala sa Diyos,

at kalooban Niya’y dapat hanapin.


Dahil hangad mo’y buhay,

dahil hangad mo’y makilala ang Diyos,

‘di mga doktrina o patay na titik o

kaalaman sa kasaysayan,

dapat hanapin mo’ng kalooban Niya ngayon

at ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu,

gawain ng Banal na Espiritu.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 4

Sinundan: 233 Kung Ito ang Gawain ng Banal na Espiritu, Dapat Mong Tanggapin Ito

Sumunod: 235 Ang Pag-iisip ng Tao’y Masyadong Konserbatibo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito