Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

226 Yaon Lamang mga Tahimik sa Harap ng Diyos ang Nagtutuon sa Buhay

1 Ang isang tao na kayang tunay na tumahimik sa harap ng Diyos ay nagagawang palayain ang kanilang mga sarili mula sa lahat ng makamundong mga ugnayan at matatamo ang pagiging sinasakop ng Diyos. Ang lahat ng tao na hindi nagagawang maging tahimik sa harap ng Diyos ay tiyak na buktot at hindi masawata. Ang lahat ng nakakatahimik sa harap ng Diyos ay mga taong banal sa harap ng Diyos, mga taong nasasabik sa Diyos.

2 Ang mga tao lamang na tahimik sa harap ng Diyos ang nagtutuon ng pansin sa buhay, nagtutuon ng pansin sa pagsasamahan sa espiritu, na nauuhaw sa mga salita ng Diyos, at naghahangad sa katotohanan. Lahat silang hindi nagtutuon ng pansin sa pagiging tahimik sa harap ng Diyos, na hindi isinasagawa ang pagiging tahimik sa harap ng Diyos ay mga taong walang kabuluhan na ganap na nakakabit sa mundo, na mga walang buhay; kahit sabihin nilang naniniwala sila sa Diyos sila lamang ay hindi tapat na sumasang-ayon.

3 Ang mga taong sa huli ay gagawing perpekto at gagawing ganap ng Diyos ay ang mga tao na kayang maging tahimik sa harap ng Diyos. Kung gayon, ang mga tao na tahimik sa harap ng Diyos ay mga taong binibiyayaan ng mga dakilang pagpapala. Ang mga tao na sa araw ay gumugugol ng kaunting oras upang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, na ganap na abalang-abala sa panlabas na mga gawain, at hindi nagtutuon ng pansin sa pagpasok sa buhay ay mga ipokritong lahat na walang inaasahan na pag-unlad sa hinaharap. Yaong mga kayang maging tahimik sa harap ng Diyos at tunay na nakikipagniig sa Diyos ay mga tao ng Diyos.

Hango sa “Tungkol sa Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Mahalagang Magkaroon ng Normal na Kaugnayan sa Diyos

Sumunod:Paano Pumasok sa Tunay na Panalangin

Baka Gusto Mo Rin