Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

895 Hindi Tinutulutan ng Diyos si Satanas na Saktan ang mga Nais Niyang Iligtas ayon sa Gusto Niya

1 Pagkatapos ng pagtanggap ng patotoo mula kay Job kasunod na matapos ang kanyang mga pagsubok, nagpasiya ang Diyos na Siya ay makakakuha ng isang grupo—o higit pa sa isang grupo—ng mga tao na kagaya ni Job, ngunit nagpasiya Siya na hindi na kailanman muling payagan si Satanas na lusubin o abusuhin ang sinumang tao gamit ang mga paraan na kung saan tinukso, nilusob, at inabuso nito si Job, sa pamamagitan ng pakikipagpustahan sa Diyos; hindi pinahintulutan ng Diyos si Satanas upang kailanman muling gawin ang mga gayong bagay sa tao, na mahina, hangal, at mangmang—sapat nang tinukso ni Satanas si Job! Ang hindi na pagpapahintulot kay Satanas na abusuhin ang mga tao sa anumang paraan na nais nito ay ang awa ng Diyos.

2 Hindi pinahintulutan ng Diyos si Satanas upang kailanman muling gawin ang mga ganoong bagay, dahil ang mga buhay at lahat ng bagay ng mga taong sumunod sa Diyos ay pinamamahalaan at isinasaayos ng Diyos, at si Satanas ay hindi karapat-dapat upang manipulahin ang mga hinirang ng Diyos sa anumang paraang gusto nito—dapat malinaw sa inyo ang puntong ito! Nagmamalasakit ang Diyos sa kahinaan ng tao, at nauunawaan ang kanyang kahangalan at kamangmangan. Bagaman, para ang tao ay ganap na maaaring mailigtas, kailangan siyang ibigay ng Diyos kay Satanas, ang Diyos ay hindi handang makita ang tao na pinaglalaruan ni Satanas at inaabuso ni Satanas, at hindi Niya nais na makita ang tao na laging nahihirapan. Ang tao ay nilalang ng Diyos, at ito ay ganap na makatwiran na ang Diyos ang namamalakad at nag-aayos sa lahat ng tao; ito ay ang responsibilidad ng Diyos, at ang awtoridad kung saan pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay!

3 Hindi pinahihintulutan ng Diyos si Satanas na abusuhin at tratuhin ang tao nang masama kung kailan nito gusto, Hindi Niya pinahihintulutan si Satanas na gumamit ng iba’t ibang paraan upang iligaw ang tao, at higit pa rito, hindi Niya pinahihintulutan si Satanas na makialam sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa tao, at hindi niya pinahihintulutan si Satanas na tapakan at sirain ang mga batas kung saan pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, bukod pa sa dakilang gawain ng Diyos na pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan! Sinumang ibig ng Diyos na iligtas, at ang mga taong nagawang magpatotoo sa Diyos, ay ang buod at tiyak na pagpapalinaw sa gawain ng anim na libong taon na plano ng pamamahala ng Diyos, pati na rin ang halaga ng Kanyang mga pagsusumikap sa Kanyang anim na libong taong gawain. Paano maaaring basta na lang ibibigay ng Diyos ang mga taong ito kay Satanas?

Hango sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Nililigtas ng Diyos ang Sumasamba sa Kanya at Lumalayo sa Kasamaan

Sumunod:Lahat ng Bagay ay Nabubuhay at Namamatay ayon sa Awtoridad ng Diyos

Baka Gusto Mo Rin