Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

675 Ang Kahulugan ng mga Pagsubok at Pagpipino ng Diyos sa Tao

1 Pangunahing gawain ng pagpipino ang gawing perpekto ang pananampalataya ng mga tao at sa katapusan maabot ang isang kalagayan na kung saan nais mong umalis nguni’t hindi mo magagawa, kung saan napagkaitan ng kapirasong pag-asa ang ilang tao nguni’t may pananampalataya pa rin sila, kung saan wala nang pag-asa sa kanilang hinaharap ang mga tao, at sa panahon lamang na ito magtatapos ang pagpipino ng Diyos. Hindi pa nakakarating ang sangkatauhan sa yugto ng pagkakabitin sa pagitan ng buhay at ng kamatayan—hindi pa nila natitikman ang kamatayan, kaya ang pagpipino ay hindi katapusan. Maging yaong mga nasa hakbang ng mga taga-serbisyo ay hindi pa lubos na napipino, nguni’t napino na si Job, na walang masandigan. Dapat sumailalim sa pagpipino ang mga tao hanggang sa puntong wala na silang pag-asa at walang masandigan—sa gayon lamang ang mga iyon totoong mga pagpipino.

2 Ang pagsasailalim sa mga pagsubok kay Job ay pagsasailalim din sa mga pagsubok kay Pedro. Nang si Job ay sinubok siya ay tumayong saksi, at sa huli naibunyag si Jehova sa kanya. Pagkatapos lamang niyang tumayong saksi saka siya naging karapat-dapat sa pagpapakita ng mukha ng Diyos. Bakit sinabi ito: “Ako ay nagtago mula sa bayan ng karumihan nguni’t ipinapakita ang Aking Sarili sa banal na kaharian”? Ipinapakahulugan niyan na kapag ikaw ay banal at tumatayong saksi saka ka pa lamang magkakaroon ng dignidad na makita ang mukha ng Diyos. Kung hindi ka maaaring maging saksi para sa Kanya, wala kang dignidad upang makita ang Kanyang mukha. Kung aatras ka o magrereklamo laban sa Diyos sa harap ng mga pagpipino, nabibigo na tumayong saksi para sa Kanya at nagiging katawa-tawa kay Satanas, hindi mo makakamtan ang pagpapakita ng Diyos.

Hango sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Saloobin ni Job sa mga Pagsubok

Sumunod:Ang Saloobin ni Pedro sa mga Pagsubok

Baka Gusto Mo Rin