Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

130 Nabubuhay Ako sa Presensya ng Diyos

I

Nabubuhay ako sa piling ng Diyos.

Tinitingala Siya, naniniwala ako sa pagsandig.

Bawat tao at bagay na nakikita natin, isinaayos ng mga kamay ng Diyos.

Nabubuhay ako sa presensya ng Diyos, oo, nabubuhay ako sa piling ng Diyos!

Nabubuhay ako sa presensya ng Diyos, binabasa ang Kanyang salita sa bawat araw,

iniisip ang katotohanang nakabaon dito sa liwanag ng tunay kong kalagayan.

Tanging sa pagmumuni-muni ko maaaring makita ang tunay kong mga kulay.

Mayabang, makasarili, at tuso, hindi tulad ng dapat sa isang tao.

Lahat ng ito ang nagpagusto sa akin kay Satanas.

Kinamumuhian ko ang katiwalian, yumuyukod sa paghatol,

at hinahanap ang pagbabago ng aking disposisyon.

Mga salita ng Diyos ang naghahatid sa akin sa tamang landas. Ito ang biyaya ng Diyos!

Nabubuhay ako sa presensya ng Diyos, hinahanap ang Kanyang kalooban sa lahat ng bagay.

Mas kaunting pagsunod sa kaisipan ng tao, mas maraming katotohanang matatagpuan.

Nabubuhay ako sa presensya ng Diyos, oo, nabubuhay ako sa presensya ng Diyos!

II

Malalantad tayo bilang mga walang katotohanan kapag nagreklamo at sumuway tayo.

Tanging sa paghahanap sa katotohanan at kalooban ng Diyos maaari natin Siyang tunay na makita nang harapan.

Nabubuhay ako sa presensya ng Diyos, laging nasa ilalim ng kanyang pagmamatyag.

Ang mga salita Niya ay nilalantad at humahatol sa aking mga kilos at mga iniisip.

Nabubuhay ako sa presensya ng Diyos, oo, nabubuhay ako sa presensya ng Diyos!

Puno ang puso ko ng paggalang.

Nasa ilalim ako ng pangangalaga ng Diyos, hindi kailanman Siya sisiphayuin.

Siyang natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama ang pinakamatalino.

Sa pamamagitan ng mga pagpipino ng Diyos, nalalasahan ko ang Kanyang pagkamakatwiran, napakakaibig-ibig.

Isinasagawa ko ang mga salita ng Diyos, umaasa sa katotohanan, nagmamahal at sumusunod.

Nabubuhay ako sa harap ng Diyos, naglalakad sa landas ng kaligtasan.

Nagbago ang mga disposisyon, ito ang pinakadakilang biyaya!

Nabubuhay ako sa presensya ng Diyos, laging nasa ilalim ng Kanyang pagmamatyag.

Bagaman masakit ang paghatol, nasugpo ang makasalanan kong mga iniisip.

Nabubuhay ako sa presensya ng Diyos, oo, nabubuhay ako sa presensya ng Diyos,

laging nasa ilalim ng Kanyang pagmamatyag.

Bagaman masakit ang paghatol, nasugpo ang makasalanan kong mga iniisip.

Nabubuhay ako sa presensya ng Diyos, oo, nabubuhay ako sa presensya ng Diyos!

Sinundan:Kailangan Nating Piliin ang Sarili Nating Landas

Sumunod:Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos

Baka Gusto Mo Rin