85. Kaya Ko Nang Tratuhin Nang Wasto Ang Aking Mga Kapintasan

Ni Chen Gang, Tsina

Noong bata pa ako, madalas akong pagtawanan ng matatanda kapag nagsasalita ako. Sa walang kamuwang-muwang na edad na iyon, hindi ko maunawaan kung ano ang nangyayari at noong paglaki ko, saka ko lang napagtanto na may pagkautal ako. Sinubukan ko itong ayusin, pero hindi ko magawa, kaya labis talaga akong nabagabag. Dahil sa kapintasang ito, madalas akong pagtawanan at kutyain ng iba, at unti-unti akong naging tahimik at ayaw ko nang makisalamuha sa mga tao, gusto ko nalang mapag-isa. Noong nag-aaral ako, hindi ako pumupunta sa mga party ng mga kaklase ko at tuwing bakasyon sa taglamig at tag-init, ayaw kong lumabas o bumisita sa mga kamag-anak. Naging napakailap ko sa tao at nawalan ako ng kumpiyansa sa sarili. Minsan sa bahay, kapag naririnig ako ng nanay kong nauutal, pinagsasabihan niya ako, “Hindi mo ba kayang magsalita nang mas mabagal? Huwag kang magmadali! Kung patuloy kang magiging ganito, hindi ka makakahanap ng mapapangasawa paglaki mo!” Nang magsimula akong magtrabaho, narinig ng katrabaho ko na nautal ako isang beses at tinukso ako, sabi niya, “Bakit ka nauutal? Nakakatawa ka talaga!” Kahit biro lang iyon, namula ang pisngi ko sa kahihiyan, at namuhi ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang ayusin ang aking pagkakautal.

Noong Setyembre 2008, tinanggap ko ang bagong gawain ng Diyos. Nang mapansin ng mga kapatid ang aking pagkakautal, sa halip na pagtawanan o laitin ako, pinalakas nila ako at tinulungan. Minsan kapag may nakakasalamuha akong mga kapatid na hindi ko kilala sa mga pagtitipon, kinakabahan ako. Kapag nauutal ako habang binabasa ang mga salita ng Diyos, sinasabayan ako sa pagbabasa ng mga kapatid, at hinihimok nila ako na huwag malilimitahan. Nakaramdam ako ng natatanging pagmamahal sa loob ng sambahayan ng Diyos. Tatlong taon ang nakalipas, inihalal ako ng mga kapatid bilang lider ng iglesia, at alam kong ito ang paraan ng Diyos para itaas ako. Pero kasama sa paggawa ng mga tungkulin ng isang lider ang pakikipagbahaginan sa katotohanan at paglutas ng mga problema, at madalas na pakikipagtipon sa mga kapatid, at sa malalaking pagtitipon sa partikular, pakiramdam ko ay nalilimitahan ako ng pagkautal ko at labis akong kinakabahan, natatakot na kung mauutal ako habang nakikipagbahaginan, mapapahiya ako at pagtatawanan ng mga kapatid. Naalala ko sa isang pagtitipon, nakita ko ang isang sister na hindi ko masyadong kilala, at nag-alala ako sa kung ano ang iisipin niya kung hindi maayos ang pakikipagbahaginan ko. Dahil dito, nautal ako nang husto habang binabasa ang mga salita ng Diyos. Hindi napigilan ng sister at bumulalas ito ng tawa. Sobra itong nakaapekto sa pagpapahalaga ko sa sarili.. Bagaman taos-pusong humingi ng paumanhin sa akin ang sister, labis pa rin akong nasaktan sa loob-loob ko at palagi akong nanliliit, kaya madalas akong magreklamo, “Bakit mayroon ako ng ganitong kapintasan? Bakit hindi ko ito kayang ayusin?” Kalaunan, kapag nakikisalamuha sa mga kapatid, naging sobrang sensitibo ako, at pagkatapos ng bawat pagbabasa ng mga salita ng Diyos o pakikipagbahaginan, pinagtutuunan ko ng pansin ang mga ekspresyon sa mukha ng mga kapatid, at kapag may nakikita akong hindi natural na kilos, iisipin ko na, “Pinagtatawanan ba nila ako?” Mas lalo akong kinakabahan dahil dito at minsan sa sobrang kaba ko ay pinagpapawisan ang mga kamay ko. Sa huli, nagkaroon ako ng takot sa mga pagtitipon, at sa malalaking pagtitipon sa partikular, ipinapasa ko ang aking mga responsabilidad sa katuwang ko na brother. Matagal akong namuhay sa masakit at napipigilang kalagayang ito, at sa huli, hindi ko na kinaya ang presyur, kaya nagbitiw ako. Pagkatapos magbitiw, kumuha ako ng tungkuling nakabatay sa teksto, ginugugol ang lahat ng araw ko sa pagpili ng mga artikulo nang hindi kailangang magsalita o makisalamuha sa iba, kaya hindi na ako nalilimitahan ng pagkakautal ko.

Noong Setyembre 2020, muli na naman akong inihalal bilang lider ng iglesia, pero dahil sa matinding presyur sa gawain at madalas na pakikisalamuha sa mga hindi kilalang kapatid, lalong lumala ang problema ko sa pagkautal. Kapag oras na para sa pagtitipon, labis akong nag-aalala tungkol sa kung ano ang tingin ng iba sa akin, at pakiramdam ko ay nalilimitahan ako na hindi ko mapigilang mangulila sa mga araw na ginagawa ko ang tungkulin kong nakabatay sa teksto, kung saan hindi ko kailangang makisalamuha sa napakaraming tao, at mas mababa ang presyur. Umaasa akong makababalik sa tungkuling nakabatay sa teksto. Nang hindi inaasahan, noong Hulyo 2021, ininomina ako ng mga kapatid na maging isang mangangaral. Naisip ko, “Paano ko ba ito gagawin? Sapat na ang presyur ng pagiging isang lider ng iglesia, hindi ako nangangahas na nanaisin pang muling iangat.” Pero batay sa katwiran, pumunta pa rin ako para makilahok sa eleksiyon. Sa panahon ng pagtitipon para sa eleksiyon, naisip ko kung paano nakikisalamuha ang isang mangangaral sa maraming tao at responsable para sa maraming iglesia, at kung paano nakadepende ang kanilang gawain sa pakikipagbahaginan sa katotohanan para malutas ang mga problema. Naisip ko: Sa tindi ng pagkautal ko, magagawa ko kayang makipagbahaginan nang malinaw? Kung pagtawanan na naman ako ng mga kapatid, hindi ba ako tuluyang mapapahiya? Sa huli, umatras ako. Pagkatapos nito, ilang eleksiyon pa ang dumating. Alam ko na pagkatapos manampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon, dapat kong isaalang-alang ang Kanyang mga layunin at umako ng higit pang responsabilidad. Pero sa sandaling maisip ko ang aking pagkautal, umaatras ako, umaatras sa bawat pagkakataon.

Noong Disyembre 2023, nakatanggap ako ng isang liham mula sa pamunuan, na nagsasabing inirekomenda ako ng mga kapatid bilang lider ng distrito at gusto nilang lumahok ako sa eleksiyon. Naisip ko, “Sa kapintasan ko, hindi ako nararapat na makilahok man lang, at kahit na ihalal ako, hindi ko mapapangasiwaan ang responsabilidad. Ano ang dapat kong gawin?” Kung umatras ako, natatakot ako na baka hindi ito pagtataguyod sa gawain ng iglesia, pero kung lumahok ako, pakiramdam ko ay hindi ako kalipikado. Labis akong nagdadalawang-isip. Sa panahon ng isa sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Pagkabulol at pagkautal kapag nagsasalita—anong klaseng problema ito? (Isang likas na kondisyon.) Isa itong likas na kondisyon at isa rin itong uri ng pisikal na depekto. Siyempre, magkakaiba ang mga anyo ng pagkabulol. May ilang taong nabubulol na nag-uunat ng isang pantig, samantalang may iba naman na palaging paulit-ulit sa isang pantig, inaabot ng buong araw nang hindi nakakapagbigkas ng isang kompletong pangungusap. Sa madaling salita, isa itong likas na kondisyon at siyempre, isa rin itong uri ng pisikal na depekto. Kaugnay ba rito ang isang tiwaling disposisyon? (Hindi.) Wala itong kaugnay na tiwaling disposisyon. Kung may magsasabi na, ‘Nauutal ka kapag nagsasalita; siguradong tuso ka!’ o, ‘Nabubulol ka pa nga kapag nagsasalita; paanong napakayabang mo?’—tumpak ba ang mga gayong pahayag? (Hindi.) Ang pagkabulol, bilang isang depekto o kapintasan, ay walang kinalaman sa anumang aspekto ng mga tiwaling disposisyon ng isang tao. Kaya, ang pagkabulol ay isang likas na kondisyon at isang uri ng pisikal na depekto. Malinaw na wala itong kinalaman sa mga tiwaling disposisyon ng isang tao at walang anumang koneksiyon sa mga ito(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (9)). “May ilang problema na hindi kayang lutasin ng mga tao. Halimbawa, maaaring madali kang kabahan kapag nakikipag-usap sa iba; kapag nahaharap sa mga sitwasyon, maaaring may sarili kang mga ideya at pananaw pero hindi mo malinaw na maipahayag ang mga ito. Lalo kang kinakabahan kapag maraming tao sa paligid; hindi malinaw ang iyong pagsasalita at nanginginig ang iyong mga labi. Ang ilang tao ay nauutal pa nga; para sa iba naman, kung may mga miyembro ng kabilang kasarian sa paligid, lalong hindi sila naiintindihan, sadyang hindi alam kung ano ang sasabihin o gagawin. Madali ba itong malampasan? (Hindi.) Sa loob ng maikling panahon, kahit papaano, hindi madali para sa iyo na malampasan ang kapintasang ito dahil parte ito ng iyong likas na mga kondisyon. … Samakatwid, kung kaya mong lampasan ang depektong ito, ang kapintasang ito, sa loob ng maiksing panahon, gawin mo. Kung mahirap itong lampasan, huwag ka nang mag-abala pa, huwag makipaglaban dito, at huwag hamunin ang iyong sarili. Siyempre, kung hindi mo malampasan ito, hindi ka dapat makadama ng pagkanegatibo. Kahit hindi mo ito kailanman malampasan sa buong buhay mo, hindi ka kokondenahin ng Diyos, dahil hindi ito ang iyong tiwaling disposisyon. Ang iyong pagkatakot sa harap ng mga tao, ang iyong nerbiyos at takot—ang mga pagpapamalas na ito ay hindi sumasalamin sa iyong tiwaling disposisyon; ang mga ito man ay likas sa iyo o dulot ng kapaligiran sa buhay kalaunan, sa pinakamalala, ito ay isang depekto, isang kapintasan ng iyong pagkatao. Kung hindi mo ito mababago pagkalipas ng mahabang panahon, o maging sa buong buhay mo, huwag mo itong pakaisipin, huwag hayaang pigilan ka nito, at hindi ka rin dapat maging negatibo dahil dito, dahil hindi mo ito tiwaling disposisyon; walang silbi na subukang baguhin o labanan ito. Kung hindi mo ito kayang baguhin, tanggapin mo ito, hayaan itong umiral, at ituring ito nang tama, dahil maaari kang umiral kasama ng depektong ito, ng kapintasang ito—ang pagkakaroon mo nito ay hindi nakakaapekto sa iyong pagsunod sa Diyos at paggawa ng mga tungkulin mo. Hangga’t kaya mong tanggapin ang katotohanan at gawin ang mga tungkulin mo sa pinakaabot ng iyong mga abilidad, maaari ka pa ring maligtas, hindi ito nakakaapekto sa iyong pagtanggap sa katotohanan at hindi nakakaapekto sa pagtatamo mo ng kaligtasan. Samakatwid, hindi ka dapat madalas na mapigilan ng isang partikular na depekto o kapintasan sa iyong pagkatao, hindi ka rin dapat maging negatibo at panghinaan ng loob, o bumitiw pa nga sa iyong tungkulin at sa paghahangad sa katotohanan, at mawalan ng pagkakataong maligtas, dahil sa parehong dahilan. Ito ay lubos na hindi sulit; iyan ang gagawin ng isang hangal at mangmang na tao(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko, na ang pagkautal at pagkabulol ay likas na mga kondisyon, mga pisikal na depekto, at hindi isang tiwaling disposisyon o bagay na kinokondena ng Diyos. Hindi ito nakakaapekto sa paghangad ko sa katotohanan o sa paghahangad ko ng kaligtasan. Hindi ako dapat malimitahan ng mga diperensiya ko. Kung dahil sa isang pisikal na diperensiya, ay isusuko ko ang paghahangad sa katotohanan, at ang pagkakataong maiangat at malinang, na nagpaantala sa mahalagang bagay na may kinalaman sa kaligtasan, hindi ba’t isinasakripisyo ko ang mas malaking bagay para sa mas maliit na bagay? Hindi ba’t kahangalan iyon at hindi karapat-dapat? Noong nabasa ko ang mga salitang ito mula sa Diyos, nakaramdam talaga ako ng ginhawa. Sa pagbabalik-tanaw, palagi kong pinagtutuunan ng pansin ang diperensiya ko sa pagsasalita simula pagkabata, sa paniniwala na madalas itong magdulot ng abala at nakakaapekto sa akin, sa buhay ko, gawain, at mga tungkulin, dahilan para maging partikular na mailap ako sa tao, at nagpababa ng pagpapahalaga ko sa sarili, ibig sabihin ay wala akong tiwala sa sarili o motibasyon sa anumang bagay na ginagawa ko. Sa panahon ng mga pagtitipon, kapag bukas na nakikipagbahaginan sa isa’t isa ng kanilang pagkaunawang batay sa karanasan ang mga kapatid, dapat ay makapagpapalaya at makapagpapagaan ito ng loob, kasama nito ay mas madali ring matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagbabahaginan, pero dahil sa pagkautal ko, naramdaman kong naaapi ako at hindi makahanap ng kaganan ng loob sa mga pagtitipon, natatakot pa nga ako at iniiwasan ang mga ito hangga’t maaari, ibig sabihin, maraming pagkakataon ang napalampas ko para makamit ang katotohanan. Kapag may nangyayaring eleksiyon sa iglesia, palagi akong umiiwas sa pakikilahok, at kapag kailangan ng gawain ng iglesia ng mga taong makakatulungan, hindi ko magawang akuin ang responsabilidad at bigo akong isaalang-alang ang layunin ng Diyos. Nakita ko kung paanong madalas akong nagagapos at nalilimitahan ng pagkautal ko, nabubuhay sa pasakit at pagkapigil at lahat ng ito ay dulot ng hindi ko pagtrato nang wasto sa aking mga kapintasan. Hindi ko naunawaan ang katotohanan, at hindi ko alam kung paano tingnan ang mga tao at mga bagay ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi lang ako iginapos at nilimitahan nito kundi naging sanhi din ng paulit-ulit kong pagtanggi sa mga tungkulin ko. Nililimitahan ko pa nga ang sarili ko, sa naniniwalang dahil sa aking pagkautal, ay hindi ako angkop na maging isang lider, na naging sanhi ng maling pagkaunawa at paglayo ko sa Diyos—napakahangal ko! Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang pagiging negatibo, kailangan kong tratuhin nang wasto ang aking diperensiya at harapin ang eleksiyong ito nang mahinahon.

Ilang araw ang nakalipas, nalaman kong hindi makakalahok ang dalawang sister sa eleksiyon dahil sa partikular na dahilan. Naisip ko, “Ang dalawang kapatid na ito ang pinakaposibleng mahalal, kaya kung hindi sila makakalahok, hindi ba’t mas tataas pa ang tyansa kong mahalal?” Nang maisip ko ang aking pagkautal, nakaramdam agad ako ng matinding presyur. Isang bagay ang mapahiya sa loob ng iglesia, pero kung magiging lider ako ng distrito, mas matindi ang ganoong uri ng kahihiyan. Ibinahagi ko ang kalagayan ko sa isang sister, at sinabi niyang masyado akong nag-aalala tungkol sa kung ano ang magiging tingin sa akin ng iba, at labis kong pinahahalagahan ang sarili at banidad. Sa paalalang ito ng sister nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Lahat ng tao ay may ilang maling kalagayan sa loob nila, gaya ng pagkanegatibo, kahinaan, pagkasira ng loob, at karupukan; o mayroon silang napakababang intensyon; o palagi silang nababagabag ng kanilang pride, mga makasariling pagnanais, at pansariling interes; o iniisip nila na may mahina silang kakayahan, at dumaranas sila ng ilang negatibong kalagayan. Magiging napakahirap para sa iyo na matamo ang gawain ng Banal na Espiritu kung palagi kang namumuhay sa ganitong mga kalagayan. Kung mahirap para sa iyo na matamo ang gawain ng Banal na Espiritu, magiging kaunti lang ang mga positibong elemento sa loob mo, at lilitaw ang mga negatibong elemento at guguluhin ka. Palaging umaasa ang mga tao sa kanilang sariling kalooban para supilin ang mga negatibong kalagayang iyon, ngunit gaano man nila ito supilin, hindi nila ito maiwawaksi. Ang pangunahing dahilan nito ay dahil hindi lubusang makilatis ng mga tao ang mga negatibong bagay na ito; hindi nila makita nang malinaw ang diwa ng mga iyon. Kaya nagiging napakahirap para sa kanila na maghimagsik laban sa laman at kay Satanas. Dagdag pa roon, palaging naiipit ang mga tao sa mga negatibo, nalulumo, at tiwaling kalagayang ito, at hindi sila nananalangin o tumitingala sa Diyos, sa halip ay iniraraos lang nila ang mga ito. Bilang resulta, hindi gumagawa sa kanila ang Banal na Espiritu, at dahil dito ay hindi nila nauunawaan ang katotohanan, wala silang landas sa lahat ng kanilang ginagawa, at hindi nila nakikita nang malinaw ang anumang bagay. Napakaraming negatibong bagay sa loob mo, at pinuno na nito ang puso mo, kaya madalas kang negatibo, malungkot ang espiritu, at palayo ka nang palayo sa Diyos, at nanghihina nang nanghihina. Kung hindi mo makakamit ang kaliwanagan at gawain ng Banal na Espiritu, hindi mo matatakasan ang mga kalagayang ito, at hindi magbabago ang negatibo mong kalagayan, dahil kung hindi gumagawa sa iyo ang Banal na Espiritu, hindi ka makakahanap ng landas. Dahil sa dalawang kadahilanang ito, napakahirap para sa iyo na iwaksi ang iyong negatibong kalagayan at pumasok sa isang normal na kalagayan. Bagama’t kapag ginagampanan ninyo ang inyong tungkulin ngayon, tinitiis ninyo ang hirap, nagtatrabaho kayo nang husto, nagsusumikap kayo, at nagagawa ninyong talikuran ang inyong pamilya at propesyon, at bitiwan ang lahat, hindi pa rin talagang nagbago ang mga negatibong kalagayan sa loob ninyo. Napakaraming pagkakagapos ang pumipigil sa inyo na hangarin at isagawa ang katotohanan, tulad ng inyong mga kuru-kuro, imahinasyon, kaalaman, pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, makasariling pagnanais, at tiwaling disposisyon. Pinuno na ng mga masamang bagay na ito ang puso ninyo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na palagi akong nagiging pasibo pagdating sa mga eleksiyon, hindi lang dahil nalilimitahan ako ng aking pagkautal, kundi pati na rin sa mga gapos ng banidad at pagpapahalaga sa sarili. Naisip ko, “Kapag mas marami akong responsibilidad, mas maraming kapatid ang makakasalamuha ko, at bilang lider, kailangan kong makipagbahaginan sa katotohanan para malutas ang mga problema at kung mauutal ako sa panahon ng pakikipagbahaginan sa mga pagtitipon, mas maraming tao ang makakaalam tungkol sa pagkautal ko. Hindi ba’t hihilahin nito pababa ang aking pangalan?” Dahil sa mga kaisipang ito, natakot akong lumahok sa mga eleksiyon, at ayaw kong maiangat o malinang. Nabubuhay ako sa satanikong lason ng “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,” at palagi kong pinagsisikapang pagtakpan ang aking mga kapintasan para hindi makita ng iba ang mga kahinaan ko. Hindi ko isinaalang-alang ang mga pangangailangan ng gawain ng iglesia, at paulit-ulit kong tinatalikuran ang pagkakataon na tumakbo sa mga eleksiyon. Kahit na kailangang-kailangan ng gawain ng iglesia ang pakikipagtulungan ng mga tao, pinanood ko lang ito at umatras ako. Talagang makasarili at kasuklam-suklam ako! Diniligan at nilinang ako ng iglesia sa loob ng maraming taon, at dapat sana ay pinasan ko ang gawain ng iglesia. Isa rin ito sa responsabilidad ko bilang isang nilikha, at dapat ay tinanggap at nagpasakop ako rito nang walang kondisyon. Pero para hindi mapahiya, umiwas at tumanggi akong tumakbo sa mga eleksiyon, ayaw kong tanggapin ang pasanin para sa sambahayan ng Diyos, at hindi man lang kinikilala ang karangalang ito. Isa itong bagay na kinasusuklaman at kinamumuhian ng Diyos. Doon ko lang naunawaan na ang buhay kong puno ng pagkapigil at pagdurusa ay dulot ng sobrang pagtuon ko sa banidad at pagpapahalaga sa sarili, at ng labis kong pag-aalala sa mga opinyon ng iba. Kasabay nito, naramdaman ko ang masidhing layunin ng Diyos. Hindi ako hinamak ng Diyos dahil sa mga kapintasan ko, sa halip ay binigyan ako ng pagkakataong maitaas at malinang nang paulit-ulit. Noong ako ay nalilimitahan at nakagapos sa mga kapintasan at tiwaling disposisyon ko, nawalan ako ng pag-asa at umatras ako. Ginamit ng Diyos ang Kanyang mga salita para bigyang-liwanag at tanglawan ako, tinutulungan akong maunawaan ang katotohanan at makawala mula sa pagkakagapos sa mga negatibong emosyon. Nakita ko na tunay ang pag-ibig ng Diyos, at alam ko na hindi ako dapat magpatuloy sa pagiging pasibo at mawalan ng pag-asa, pero kailangan kong bitiwan ang maling layunin ko at maayos na makipagtulungan at makilahok sa eleksiyon.

Kalaunan, nagbasa ako ng mas marami pang mga salita ng Diyos: “Kung normal ang katwiran ng iyong pagkatao, dapat mong harapin ang iyong mga depekto at kapintasan sa tamang paraan; dapat mong aminin at tanggapin ang mga ito. Ito ay kapaki-pakinabang para sa iyo. Ang pagtanggap sa mga ito ay hindi nangangahulugang napipigilan ka ng mga ito, ni ibig sabihin na madalas kang negatibo dahil sa mga ito, bagkus, ibig sabihin nito ay hindi ka napipigilan ng mga ito, kinikilala mo na isa ka lang ordinaryong miyembro ng tiwaling sangkatauhan, na may sariling mga kapintasan at depekto, nang walang maipagmamalaki, na ang Diyos ang Siyang nagtataas sa mga tao para magawa nila ang kanilang tungkulin at na nilalayon ng Diyos na ikintal sa kanila ang Kanyang salita at buhay, binibigyang-kakayahan sila na magkamit ng kaligtasan at makatakas sa impluwensiya ni Satanas—na ito ay ganap na pagtataas ng Diyos sa mga tao. Lahat ay may mga kapintasan at depekto. Dapat mong hayaang umiral kasama mo ang iyong mga kapintasan at depekto; huwag iwasan ang mga ito o pagtakpan ang mga ito, at huwag madalas na makaramdam ng panunupil sa loob-loob mo, o palaging makaramdam pa nga ng pagiging mas mababa dahil sa mga ito. Hindi ka mas mababa; kung nagagawa mo ang iyong tungkulin nang buong puso, buong lakas, at buong isipan, sa abot ng iyong makakaya, at mayroon kang taos na puso, kung gayon, ikaw ay kasinghalaga ng ginto sa harap ng Diyos. Kung hindi mo kayang magbayad ng halaga at wala kang katapatan sa paggawa ng iyong tungkulin, kahit na ang iyong mga likas na kondisyon ay mas mabuti kaysa sa mga ordinaryong tao, hindi ka mahalaga sa harap ng Diyos, ni hindi ka kasinghalaga ng isang butil ng buhangin(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na Hindi humihingi nang labis ang Diyos sa mga tao, kundi ipinapagawa Niya sa mga ito kung ano ang kanilang makakaya. Kapag kumikilos sila ayon sa kanilang kakayahan at abilidad sa gawain, lubos na ginagamit ang kanilang potensyal batay sa kanilang likas na kondisyon, at nakikipagtulungan sa Kanya ng buong puso at sa abot ng kanilang makakaya, matutuwa ang Diyos. Hindi gusto ng Diyos ang pagkukunwari ng mga tao, kundi nais Niya na gawin nila ang kanilang mga tungkulin nang may matapat na puso. Pinagnilayan ko kung paano ang pagkautal ko ay nagbigay sa akin ng mababang pagpapahalaga sa sarili at naging dahilan kung bakit nanlumo ako, naging sensitibo, at marupok, at kung bakit labis kong pinahahalagahan ang opinyon ng iba, at kung paanong dahil dito, patuloy kong tinatanggihan ang pakikilahok sa mga eleksiyon, at hindi ako handang umako ng mga mabibigat na responsabilidad. Ngayon ay nauunawaan ko na ang pagkautal ko ay isang diperensiya na mahirap pagtagumpayan, at na kailangan kong matutuhang tanggapin ito at tratuhin ito nang wasto. Kung kinakailangan, dapat kong ipagtapat sa mga kapatid ang diperensiya ko, nang hindi itinatago o pinagtatakpan ito. Ito ang dapat na saloobin ko sa aking kapintasan.

Pagkatapos ng ilang araw, inanunsyo na ang mga resulta ng eleksiyon, at ako ang nahalal bilang lider ng distrito. Lubos akong naantig, at tahimik akong nagdasal sa Diyos, “Diyos ko, ang mahalal bilang isang lider ay Iyong labis na kagalakan. Pahahalagahan ko ang pagkakataong ito upang gampanan ang aking tungkulin at handa akong gawin ang makakaya ko para gawin ito nang maayos para masuklian ang Iyong pag-ibig.” Pagkatapos, naisip ko, “Paano ko magagawa nang maayos ang tungkulin ko sa kabila ng diperensiya ko?” Isang araw, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na lubos na nakapagpaantig sa akin, at itinuro ang landas ng pagsasagawa para sa akin. Sabi ng Diyos: “Huwag mong subukang baguhin ang iyong personalidad dahil lang sa gumagawa ka ng ilang tungkulin o naglilingkod bilang isang superbisor ng isang partikular na aytem ng gawain—maling kaisipan ito. Ano ang dapat mong gawin kung gayon? Anuman ang iyong personalidad o likas na mga kalagayan, dapat mong sundin at isagawa ang mga katotohanang prinsipyo. Sa huli, hindi sinusukat ng Diyos kung sumusunod ka sa Kanyang daan o kung makakamit mo ang kaligtasan batay sa iyong personalidad, o sa kung ano ang taglay mong likas na kakayahan, mga kasanayan, mga abilidad, kaloob, o talento, at siyempre ay hindi rin Niya tinitingnan kung gaano mo napigilan ang iyong mga likas na gawi at pangangailangan ng katawan. Sa halip, tinitingnan ng Diyos kung, habang sinusundan mo ang Diyos at ginagawa ang iyong mga tungkulin, isinasagawa at dinaranas mo ba ang Kanyang mga salita, kung mayroon ka bang kahandaan at determinasyong hangarin ang katotohanan, at sa huli, kung nakamit mo ba ang pagsasagawa sa katotohanan at pagsunod sa daan ng Diyos. Ito ang tinitingnan ng Diyos(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). “Ang paghahangad sa katotohanan ang pinakamahalagang bagay, sa alinmang perspektiba mo ito tingnan. Maaari mong iwasan ang mga depekto at pagkukulang ng pagkatao, ngunit hinding-hindi mo maaaring iwasan ang landas ng paghahangad sa katotohanan. Kahit gaano pa kaperpekto o karangal ang iyong pagkatao, o maaari mang mas kaunti ang iyong mga kapintasan at depekto, at nagtataglay ka man ng mas maraming kalakasan kaysa sa ibang tao, hindi ito nangangahulugan na nauunawaan mo ang katotohanan, hindi rin nito mapapalitan ang iyong paghahangad sa katotohanan. Sa kabaligtaran, kung hahangarin mo ang katotohanan, kung marami kang nauunawaan sa katotohanan, at kung may sapat at praktikal kang pagkaunawa tungkol dito, mapupunan nito ang maraming depekto at problema sa iyong pagkatao. Halimbawa, sabihin nang ikaw ay kimi at introvert, nauutal ka, at hindi ka masyadong edukado—ibig sabihin, marami kang depekto at kakulangan—pero mayroon kang praktikal na karanasan, at bagama’t nauutal ka kapag nagsasalita, malinaw mong naibabahagi ang katotohanan, at ang pakikipagbahaginang ito ay nakakapagpatibay sa lahat kapag naririnig nila ito, naglulutas ng mga problema, nagbibigay-kakayahan sa mga tao na makaahon mula sa pagkanegatibo, at pumapawi sa kanilang mga reklamo at maling pagkaunawa tungkol sa Diyos. Kita mo, bagama’t nauutal ka sa iyong mga salita, nakakalutas ng mga problema ang mga ito—napakahalaga ng mga salitang ito! Kapag naririnig ng mga karaniwang tao ang mga ito, sinasabi nila na isa kang taong walang pinag-aralan, at hindi ka sumusunod sa mga tuntunin ng gramatika kapag nagsasalita ka, at kung minsan ay hindi rin talaga naaangkop ang mga salitang ginagamit mo. Maaaring gumagamit ka ng wika na pangrehiyon, o ng pang-araw-araw na wika, at na ang iyong mga salita ay walang sopistikasyon at estilo na kagaya sa mga taong may mataas na pinag-aralan na napakahusay magsalita. Gayumpaman, ang iyong pakikipagbahaginan ay naglalaman ng katotohanang realidad, kaya nitong malutas ang mga paghihirap ng mga tao, at pagkatapos itong marinig ng mga tao, naglalaho ang lahat ng madilim na ulap sa paligid nila, at nalulutas ang lahat ng problema nila. Kita mo, hindi ba’t mahalaga ang pagkaunawa sa katotohanan? (Oo.) Sabihin nang hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at kahit na mayroon kang kaunting kaalamang pang-akademiko at mahusay kang magsalita, kapag naririnig ka ng lahat na magsalita, iniisip nila na, ‘Mga doktrina lang ang mga salita mo, wala ng kahit katiting na katotohanang realidad sa mga ito, at hindi nakakapaglutas ang mga ito ng mga tunay na problema kahit kaunti, kaya hindi ba’t hungkag lahat ang mga salita mong ito? Hindi mo nauunawaan ang katotohanan. Hindi ba’t isa ka lamang Pariseo?’ Bagama’t nagsasalita ka ng maraming doktrina, nananatiling hindi nalulutas ang mga problema, at iniisip mo na, ‘Nagsasalita ako nang napakasinsero at napakataimtim. Bakit hindi ninyo naunawaan ang sinabi ko?’ Puro doktrina ang sinabi mo, pero iyong mga negatibo ay nananatiling negatibo, at iyong mga mayroong mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos ay mayroon pa rin ng ganoong mga maling pagkaunawa, at wala sa mga paghihirap na umiiral sa kanilang paggampan ng kanilang mga tungkulin ang nalutas—nangangahulugan ito na ang mga salitang sinabi mo ay puro walang-saysay lang. Kahit gaano karaming depekto at kapintasan mayroon sa iyong pagkatao, kung ang mga salitang sinasabi mo ay naglalaman ng katotohanang realidad, ang iyong pakikipagbaginan ay kayang maglutas ng mga problema; kung ang mga salitang sinasabi mo ay mga doktrina, at ang mga ito ay wala ni kahit kaunting praktikal na kaalaman, kahit gaano ka magsalita, hindi mo magagawang lutasin ang mga tunay na problema ng mga tao. Paano ka man tinitingnan ng mga tao, hangga’t ang mga bagay na sinasabi mo ay hindi nakaaayon sa katotohanan, at hindi kayang matugunan ng mga ito ang mga kalagayan ng mga tao, o malutas ang mga paghihirap ng mga tao, kung gayon, hindi gugustuhin ng mga tao na makinig sa mga ito. Kaya, alin ang mas mahalaga: ang katotohanan o ang sariling mga kondisyon ng mga tao? (Ang katotohanan ang mas mahalaga.) Ang paghahangad sa katotohanan at ang pag-unawa sa katotohanan ang mga pinakamahalagang bagay. Kaya, anumang mga depekto ang mayroon ka sa usapin ng iyong pagkatao o ng iyong mga likas na kondisyon, hindi ka dapat magpapigil sa mga ito. Sa halip, dapat mong hangarin ang katotohanan, at bumawi ka sa iyong iba’t ibang depekto sa pamamagitan ng pag-unawa sa katotohanan, at kung makakatuklas ka ng ilang pagkukulang sa iyong sarili, dapat kang magmadali na itama ang mga ito. Ang ilang tao ay hindi tumutuon sa paghahangad sa katotohanan, at sa halip ay palagi silang tumutuon sa paglutas sa mga paghihirap, kapintasan, at depekto sa kanilang pagkatao, at sa pagtutuwid sa mga problema sa kanilang pagkatao, at lumalabas na gumugugol sila ng ilang taon ng pagsisikap nang hindi nakakakuha ng malilinaw na resulta, at dahil dito ay nadidismaya sila sa sarili nila, at iniisip nila na masyadong mababa ang kanilang pagkatao at na hindi na sila matutubos. Hindi ba’t labis na kahangalan ito?(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Lubos akong naantig sa mga salita ng Diyos, at nakita ko na talagang aktuwal na ipinapakita Niya sa atin ang daan. Sa paggawa ng ating tungkulin, hindi tayo dapat malimitahan ng personalidad, kakayahan, o edad. Ang sukatan ng Diyos kung nagagampanan ba ng isang tao ang kanyang tungkulin nang pasok sa pamantayan ay hindi nakabatay sa kung introvert o extrovert ang isang tao, sa kung ano ang kanyang katayuan, o sa kanyang kakayahan o edad, lalong hindi sa kung mayroon man siyang anumang kapintasan o diperensiya, kundi sa kung kaya niyang isagawa ang katotohanan at gampanan ang kanyang mga tungkulin ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at kung siya ba ay taong sumusunod sa daan ng Diyos. Halimbawa, sa tungkulin ng pamumuno, mahalagang lutasin ang mga problema sa buhay pagpasok at mga tungkulin ng mga kapatid. Basta’t nakatuon ako sa pagsasangkap sa sarili ko sa katotohanan at pagsasagawa nito, magkaroon ng realidad, at ng kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu sa pagbabahagi ko ng katotohanan, at kaya kong lutasin ang mga problema ng mga kapatid at ituro ang landas ng pagsasagawa, sa gayon, kahit nahihirapan akong sabihin ang gusto kong sabihin, makikinabang pa rin dito ang mga kapatid. Kung hindi ako magsusumikap sa paghahangad sa katotohanan, kahit na magsalita ako nang maayos at malinaw, kung hindi ko kayang makipagbahaginan ng katotohanan o lumutas ng tunay na mga problema, hindi ko magagampanan ang gawain ng pamumuno. Dati, palagi kong iniisip na para magampanan ang tungkulin ng isang lider, kailangan ay may mahusay kang kakayahan sa pagsasalita at malinaw magpahayag, at ang taong tulad ko, na nauutal at nahihirapang sabihin ang gustong sabihin, ay hindi naaangkop para sa mga tungkulin ng pamumuno, kaya patuloy kong tinatanggihan ang pagtakbo para sa pamumuno. Pero mali pala ang pamantayan ko sa paghalal ng mga lider. Ang paghalal ng mga lider sa sambahayan ng Diyos ay naaayon sa mga prinsipyo, hindi sa panlabas na anyo ng isang tao, o sa kung ano man ang diperensiya mula kapanganakan ng isang tao, kundi sa kung naghahangad ba ito sa katotohanan, at sa kanyang pagkatao at kakayahan. Habang mas iniisip ko ang tungkol dito, mas lalo kong nauunawaan na ang mga diperensiya ko mula kapanganakan at mga kapintasan ko ay hindi mga balakid o hadlang sa paggawa ng aking tungkulin, at na hindi ito dapat gamiting dahilan para tanggihan ang tungkulin ko. Ang pag-unawa sa katotohanan at pagsasagawa ayon sa mga hinihingi ng Diyos ay ang susi sa maayos na paggawa ng isang tao sa kanyang tungkulin! Nakita ko ang landas ng pagsasagawa upang magpatuloy, at kahit na nauutal ako at pahinto-hinto kung magsalita, handa akong gampanan ang tungkulin ko ayon sa mga hinihingi ng Diyos, sinasangkapanan ang sarili ko ng mga katotohanang prinsipyo, isantabi ang aking banidad at pagpapahalaga sa sarili, at maging praktikal at realistiko sa kung paano ako umasal at gumawa ng mga bagay-bagay. Ngayon, kapag nakikipagbahaginan ako sa mga pagtitipon o nagbabasa ng mga salita ng Diyos, nauutal pa rin ako, pero kaya ko na itong tratuhin nang tama, at naging mas kalmado na ang aking pag-iisip. Minsan, sadyang nagsusumikap ako na malampasan ito, at naaalala ko ang mga paalala sa akin ng mga kapatid na nagsasabing, “Mabilis kang magsalita, kaya parang mas nauutal ka; mas maganda kung mas babagalan mo ang pagsasalita,” at “Kapag nahihirapan ka, puwede mong pahabain ang huling pantig; sa ganitong paraan, hindi ka masyadong mauutal.” Kapag nakikipagbahaginan sa mga pagtitipon, sinusubukan kong bagalan ang pagsasalita ko at pahabain ang mga salita kung kinakailangan, sinasadyang magsikap na makipagtulungan. Hindi na ako gaanong kinakabahan gaya ng dati, kaya naging mas malaya na ako sa mga pagtitipon. Isang beses, nakipagkita ako sa superbisor ng gawaing nakabatay sa teksto para pag-usapan ang gawain, pero medyo nag-alala ako, iniisip na, “Mas nauunawaan niya ang mga prinsipyo kaysa sa akin. Paano kung kabahan ako at mautal nang sobra? Ano ang iisipin niya sa akin?” Ngunit naisip ko ang tungkol sa paghihirap na kinaharap ng gawain, at kung bakit hindi nagkaroon ng magandang resulta ang nakaraang liham, kaya kailangang makipagkita nang personal para talakayin at lutasin ang isyu. Hindi ko puwedeng hayaang hadlangan ng pagkautal ko ang paglutas ng problema dahil makakaantala iyon sa gawain. Nang maisip ko ito, hindi na ako nakaramdam ng pagkalimita, kaya nagsaayos ako ng isang pagtitipon kasama ng superbisor para pag-usapan ang gawain.

Sa pagbabalik-tanaw kung paano ko paulit-ulit na tinanggihan ang mga tungkulin ko dahil sa aking pagkautal, hanggang sa matutuhan kong matiwasay na tanggapin ang mga tungkulin ko nang hindi nalilimitahan ng pagkautal ko, nakita ko na pinaginhawa, hinikayat, at ginabayan ako ng mga salita ng Diyos sa buong paglalakbay na ito. Taos-puso akong nagpapasalamat sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso!

Sinundan: 84. Hindi Ko na Pinananatili ang Aking Mabuting Imahe

Sumunod: 86. Ang Pagharap sa Karamdaman Ay Biyaya ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito