57. Tanging sa Responsableng Paggampan ng Tungkulin Mayroong Konsensiya ang Isang Tao

Ni Li Guo, Tsina

Noong kalagitnaan ng Hunyo 2023, napili ako para maging isang lider ng iglesia. Pagkatapos ng ilang araw na pag-aaral sa gawain, hinati namin ng katuwang kong sister na si Yang Xin ang aming mga responsabilidad sa gawain ng iglesia. Ako ang pangunahing responsable sa gawain ng ebanghelyo at gawain ng pag-aalis. Naalala ko na hindi pa nagtatagal, may ilang lider at manggagawa na responsable sa gawain ng ebanghelyo ang tinanggal dahil sa hindi paggawa ng aktuwal na gawain. Ang ilan sa mga ginawa nila ay may mapaminsalang kalikasan, sumasalungat sa mga pagsasaayos ng gawain at ginagawa ang mga bagay-bagay sa sarili nilang paraan, nililinlang kapwa ang mga nasa itaas at nasa ibaba nila, na nagdudulot ng matinding panggugulo at pagkagambala sa gawain ng iglesia, at sa huli ay humahantong sa kanilang pagpapatalsik. Nag-alala ako na kung hindi ko magagawa nang maayos ang gawain ng ebanghelyo, mabubunyag din ako bilang isang huwad na lider. Kung makapipinsala ako sa gawain, at makakaipon ng napakaraming pagsalangsang, baka hindi ako magkaroon ng positibong kalalabasan at hantungan. Nang nasa isip ito, ayoko nang maging responsable para sa gawain ng ebanghelyo. Pero naramdaman ko rin na hindi naaayon sa layunin ng Diyos ang ganoong pag-iisip, kaya nag-aatubili kong tinanggap ang responsabilidad.

Makalipas ang ilang araw, nagpadala ng liham ang isang nakatataas na lider na pumupungos kay Yang Xin dahil sa mabagal na pagganap niya sa kanyang mga tungkulin noong siya pa ang responsable sa gawain ng ebanghelyo, at dahil sa hindi pakikipagtulungan nang may pagkakaisa sa mga manggagawa ng ebanghelyo, kaya naantala ang gawain ng ebanghelyo. Pagkakita ni Yang Xin sa liham, sobrang sama ng loob niya kaya napaiyak siya. Nakipagbahaginan ako sa kanya na dapat niyang tratuhin nang tama ang sitwasyon, pero sa loob-loob ko, labis akong nabagabag, iniisip na, “Ako na ngayon ang namamahala sa gawain ng ebanghelyo. Magagawa ko kaya ito nang maayos? Kung maaantala ko ang gawain, ako na ang susunod na pupungusan. Kulang ako sa kapabilidad sa gawain, at pagdating sa pagtugon sa mga kuru-kuro at problema ng mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, kulang din ako. Kung maaantala ko ang gawain ng ebanghelyo, magiging isa itong masamang gawa, at kung pananagutin ako ng mga nakatataas na lider, hindi lang ako pupungusan, kundi baka tanggalin pa ako. Kung makakaipon ako ng masasamang gawa sa halip na mabubuting gawa sa paggampan ng mga tungkulin ko, makukuha ko pa kaya ang pagsang-ayon ng Diyos?” Nagsimula kong maramdaman na hindi madaling gawin ang mga tungkulin ng isang lider, at binalak kong magbitiw kapag may nakita nang taong angkop na papalit sa akin. Pagkatapos noon, naging napaka-pasibo ko sa aking mga tungkulin. Pinaalalahanan ako ni Yang Xin na dapat kong italaga sa ibang tungkulin ang mga hindi angkop na manggagawa ng ebanghelyo, at pinaalalahanan niya ako kung paano kumustahin at isakatuparan ang gawain ng ebanghelyo, pero nakinig lang ako nang hindi talaga nakatuon ang puso ko. Isang araw, biglang namula at namaga ang mukha ko, at makalipas ang dalawang araw, hindi pa rin nawawala ang pamamaga. Sa isip-isip ko, “Ito na kaya ang pagdidisiplina ng Diyos sa akin? Biniyayaan ako ng Diyos ng pagkakataong magsanay sa pagiging isang lider, pero nagpapakaduwag ako at gusto kong tanggihan ang tungkulin ko. Hindi ba ito pagkakanulo sa Diyos?” Kaya nanalangin at naghanap ako sa Diyos tungkol sa kasalukuyang kalagayan ko.

Habang naghahanap ako, nakita ko ang mga salita ng Diyos: “Natatakot ang ilang tao na umako ng responsabilidad habang ginagampanan ang kanilang tungkulin. Kung binibigyan sila ng iglesia ng isang trabahong gagawin, iisipin muna nila kung hinihingi ng trabaho na umako sila ng responsabilidad, at kung oo, hindi nila tatanggapin ang trabaho. Ang mga kondisyon nila sa paggampan ng isang tungkulin ay, una, na ito ay dapat na isang maluwag na trabaho; pangalawa, na hindi ito matrabaho o nakawkapagod; at pangatlo, na kahit anong gawin nila, wala silang aakuing anumang responsabilidad. Ito lang ang uri ng tungkuling tinatanggap nila. Anong uri ng tao ito? Hindi ba’t isa itong tuso at mapanlinlang na tao? Ayaw niyang pasanin kahit ang pinakamaliit na responsabilidad. Kinatatakutan pa nga niya na mababasag ng mga dahon ang kanyang bungo kapag nahulog ang mga ito mula sa mga puno. Anong tungkulin ang magagampanan ng taong tulad nito? Ano ang pakinabang niya sa sambahayan ng Diyos? Ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay may kinalaman sa gawain ng pakikipaglaban kay Satanas, gayundin sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Anong tungkulin ang walang mga kaakibat na responsabilidad? Masasabi ba ninyong may kaakibat na responsabilidad ang pagiging lider? Hindi ba’t mas mabigat ang kanilang mga responsabilidad, at hindi ba’t mas lalo silang dapat na umako ng responsabilidad? Nangangaral ka man ng ebanghelyo, nagpapatotoo, gumagawa ng mga video, at iba pa—anuman ang iyong gawain—hangga’t nauukol ang mga ito sa mga katotohanang prinsipyo, may mga kaakibat itong responsabilidad. Kung walang prinsipyo ang paggampan mo ng iyong tungkulin, makakaapekto ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at kung natatakot kang umako ng responsabilidad, hindi mo magagampanan ang anumang tungkulin. Duwag ba ang isang taong natatakot na umako ng responsabilidad sa paggampan ng kanyang tungkulin, o may problema sa kanyang disposisyon? Dapat ay masabi mo ang pagkakaiba. Ang katunayan ay hindi ito isyu ng karuwagan. Kung kayamanan ang habol ng taong iyon, o gumagawa siya ng isang bagay para sa kanyang sariling interes, paanong siya ay napakatapang? Aakuin niya ang anumang panganib. Subalit kapag gumagawa siya ng mga bagay-bagay para sa iglesia, para sa sambahayan ng Diyos, wala siyang inaako na anumang panganib. Ang gayong mga tao ay makasarili at ubod ng sama, ang pinakataksil sa lahat. Ang sinumang hindi umaako ng responsabilidad sa paggampan ng isang tungkulin ay walang ni katiting na sinseridad sa Diyos, lalong wala siyang katapatan. Anong uri ng tao ang nangangahas na umako ng responsabilidad? Anong uri ng tao ang may tapang na magbuhat ng mabigat na pasanin? Ang sinumang nangunguna at buong tapang na humaharap sa pinakamahalagang sandali sa gawain ng sambahayan ng Diyos, na hindi natatakot na magpasan ng isang mabigat na responsabilidad at magtiis ng matinding paghihirap kapag nakita niya ang gawain na pinakaimportante at pinakamahalaga. Iyon ay isang taong tapat sa Diyos, isang mabuting sundalo ni Cristo. Ito ba ay ang kaso kung saan ang lahat ng natatakot na umako ng responsabilidad sa kanilang tungkulin ay ginagawa iyon dahil hindi sila nakakaunawa sa katotohanan? Hindi; isa itong problema sa kanilang pagkatao. Wala silang pagpapahalaga sa katarungan o responsabilidad, sila ay mga taong makasarili at ubod ng sama, hindi tunay na mananampalataya ng Diyos, at hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti. Dahil dito, hindi sila maliligtas(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos: Ang mga taong takot umako ng responsabilidad ay iniisip lang ang sarili nilang mga interes. Ayaw nilang magdusa o magsakripisyo sa pagganap ng kanilang mga tungkulin. Ang gayong mga tao ay makasarili at kasuklam-suklam, at sila ang pinakatusong mga tao. Pero ang mga tapat sa Diyos ay may lakas ng loob na pasanin ang mabibigat na pasanin, at kaya nilang humarap at akuin ang gawain ng sambahayan ng Diyos sa mga kritikal na sandali. Pinagnilayan ko ang sarili ko, at kung paanong noong marinig kong napili ako bilang lider at maging responsable sa gawain ng ebanghelyo, paulit-ulit ko itong binali-baliktad sa isip ko, maingat na pinag-aralan ang desisyon, iniisip kung magiging kapaki-pakinabang ba sa akin ang tungkuling ito, nag-aalala na kung magagambala at magugulo ko ang gawain, baka matanggal o mapaalis ako. Dahil dito, nag-atubili akong tanggapin ang tungkuling ito. Kalaunan, kahit na labag sa loob kong tinanggap ito, namuhay ako sa araw-araw na pakiramdam na para akong isang ibong nabigla, takot na managot sa hindi maayos na paggawa, at iniisip pa ngang magbitiw. Sa isang simpleng pagsasaayos lang ng tungkulin ko, paulit-ulit na akong nag-iisip at tinitimbang ang mga bagay-bagay. Talagang napakamapanlinlang ko! Napagtanto ko rin na sa sambahayan ng Diyos, anuman ang tungkuling ginagawa ng isang tao, dapat itong gawin ayon sa mga katotohanang prinsipyo para magawa ito nang maayos. Kung padalos-dalos at walang prinsipyo ang pagkilos ng isang tao, at dahil doon ay naantala ang gawain, dapat niyang pasanin ang responsabilidad na iyon. Totoo ito hindi lang sa tungkulin ng isang lider, kundi sa bawat tungkuling ginagawa ng isang tao. Kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos ko, ang palagi kong pagnanais na iwasan ang tungkulin ko bilang lider ay hindi naaayon sa mga layunin Mo. Ayoko nang iwasan ang responsabilidad. Hinihiling ko na bigyan Mo ako ng pananalig at lakas na kailangan para mapasan ang tungkuling ito.” Pagkatapos niyon, mas naging aktibo ako sa mga tungkulin ko, aktibong nakikibahagi sa gawain ng ebanghelyo, inaalam ang mga detalye ng gawain, at sinusubaybayan at pinangangasiwaan ang mga usapin. Matapos kong magsikap sa ganitong paraan sa loob ng ilang panahon, nagkaroon ng kaunting pag-unlad ang gawain ng ebanghelyo.

Noong Hulyo 2023, nagsagawa ng mga pag-aresto ang CCP sa iglesia, at maraming kapatid ang dinakip. Kabilang sa kanila ang isang Hudas na isinuplong ang 32 katao, itinuro pa sa mga pulis ang mga bahay ng mga kapatid na ito. Galit na galit ako. Nang maisip ko ang gawaing kakailanganing gawin pagkatapos, medyo nag-alala ako, iniisip na, “Napakaraming kapatid ang ipinagkanulo, paano ko pangangasiwaan ang sitwasyong ito? Kung hindi ko ito mapangangasiwaan nang maayos at mapinsala ang mga aklat ng salita ng Diyos, o mas marami pang kapatid ang maaresto, magiging isang malubhang pagsalangsang iyon!” Sa pag-iisip sa mga bagay na ito, sobrang kinabahan ako, at naramdaman kong napakalaki talaga ng mga panganib na pinapasan ng isang lider. Mabuti na lang, kasama ko si Yang Xin sa pangangasiwa sa sitwasyon. Mas matagal na siyang gumagawa ng tungkulin kaysa sa akin, at dahil siya ang nangunguna, medyo nabawasan ang presyur sa akin nang kaunti. Pero laking gulat ko, makalipas lang ang ilang araw, may biglaang lakad si Yang Xin at kinailangan niyang umalis. Nataranta ako, iniisip na, “Paano ko pangangasiwaan mag-isa ang lahat ng gawaing ito? Kung hindi ko ito mapapangasiwaan nang maayos at makapinsala ako, sa akin lahat mapupunta ang sisi!” Bahagya akong nagsisi, at naisip ko, “Kung hindi ko sana tinanggap ang tungkuling ito, hindi ko sana kailangang pasanin ang ganito kabigat na responsabilidad.” Pero ngayon, wala nang ibang mangangasiwa sa sitwasyon, at hindi ko naman puwedeng basta na lang pabayaan ang gawain. Kaya nanalangin ako sa Diyos, hinihiling na protektahan at pakalmahin Niya ang puso ko, sinasabing, “O Diyos ko, hindi ko puwedeng basta na lang balewalain ang gawaing ito, dapat kong gawin ang lahat ng makakaya ko para maipagpatuloy ito. Hinihiling ko na alisin Mo ang takot na ito sa loob ko at bigyan Mo ako ng pananalig.”

Pagkatapos noon, pabalik-balik ako sa ganitong kalagayan. Sa isang banda, gusto kong gawin nang maayos ang tungkulin ko, pero sa kabilang banda, natatakot akong kung hindi ko mapangangasiwaan nang maayos ang mga bagay-bagay, mapipinsala ko ang gawain, na magiging isang pagsalangsang na ako ang magpapasan ng responsabilidad. Labis akong nabagabag, kaya naghanap ako ng mga salita ng Diyos para basahin, at isang sipi ang talagang nakaantig sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi aksidente na nakakayang gawin ng mga anticristo ang tungkulin nila—tiyak na ginagawa nila ang tungkulin nila nang may sarili nilang mga intensyon at pakay, at pagnanais na magkamit ng mga pagpapala. Anuman ang tungkuling ginagawa nila, ang pakay at saloobin nila ay tiyak na hindi maihihiwalay sa pagkamit ng mga pagpapala, sa magandang hantungan at kinabukasan at tadhana na iniisip at inaalala nila araw at gabi. Katulad sila ng mga negosyanteng walang ibang pinag-uusapan kundi ang trabaho nila. Ang anumang ginagawa ng mga anticristo ay pawang nauugnay sa kasikatan, pakinabang, at katayuan—lahat ng ito ay nauugnay sa pagkamit ng mga pagpapala at kinabukasan at tadhana. Sa kaibuturan, ang puso nila ay punung-puno ng mga gayong bagay; ito ang kalikasang diwa ng mga anticristo. Dahil mismo sa ganitong uri ng kalikasang diwa kaya malinaw na nakikita ng iba na ang magiging pinakawakas nila ay ang maitiwalag(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na palaging isinasaalang-alang ng mga anticristo ang sarili nilang mga interes kapag ginagawa ang kanilang mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos. Napakahalaga para sa kanila ng kanilang kinalabasan at hantungan. Sa tuwing may nagbabanta rito, palagi nilang pinipiling protektahan ang sarili nilang mga interes at mag-iwan ng paraan para makatakas sila, at wala silang katapatan sa kanilang tungkulin. Kumikilos akong tulad mismo ng isang anticristo. Palagi kong iniisip kung paano iiwasan ang responsabilidad at kung paano makakuha ng magandang kinalabasan at hantungan para sa sarili ko, sa halip na isipin ang gawain ng iglesia. Nang magsagawa ng mga pag-aresto ang CCP sa iglesia, natakot akong pananagutin ako kung hindi maayos ang pangangasiwa sa sitwasyon, at na kung makapagdudulot ako ng malaking pinsala, hindi magiging maganda ang kalalabasan ko. Dahil doon, umurong ako. Nang makita kong umalis na si Yang Xin at ako na lang ang natirang haharap sa gawaing ito, lalo pa akong nag-alala, dahil naramdaman kong kung hindi ko mapangangasiwaan nang maayos ang mga bagay-bagay, sa akin lahat mapupunta ang sisi, kaya pinagsisihan kong tinanggap ko ang tungkuling ito ng pagiging lider. Alam na alam ko na bilang isang lider ng iglesia, napakahalagang pangasiwaan ang sitwasyon sa kritikal na sandaling ito, pero palagi ko pa ring inuuna ang sarili kong mga interes, at tinitimbang ang mabubuti at masasamang bunga. Sa sandaling makita kong maaaring mapahamak ang aking kalalabasan at hantungan, gusto kong mag-iwan ng daan para makatakas ako. Nakita ko kung gaano ako naging makasarili at kasuklam-suklam, at kung paanong ang disposisyon ko ay tulad mismo ng sa isang anticristo. Alam kong kung hindi ako magsisisi at magbabago, mabubunyag at ititiwalag din ako ng Diyos sa huli. Kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos ko, ayoko nang magtuon sa sarili kong mga interes. Handa akong pasanin ang pasaning ito.”

Pagkatapos noon, nagbasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hindi naniniwala ang ilang tao na kayang tratuhin nang patas ng sambahayan ng Diyos ang mga tao. Hindi sila naniniwala na naghahari ang Diyos sa Kanyang sambahayan, at na naghahari doon ang katotohanan. Naniniwala sila na anumang tungkulin ang ginagawa ng isang tao, kung magkakaroon ng problema roon, didisiplinahin kaagad ng sambahayan ng Diyos ang taong iyon, tatanggalin ang kanyang karapatan na gumawa ng tungkulin, palalayasin siya, o papaalisin pa nga siya sa iglesia. Ganoon ba talaga ang kaso? Siguradong hindi. Pinakikitunguhan ng sambahayan ng Diyos ang bawat tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ang Diyos ay matuwid sa Kanyang pagtrato sa bawat tao. Hindi lamang Niya tinitingnan kung paano kumilos ang isang tao sa isang pagkakataon; tinitingnan Niya ang kalikasang diwa ng isang tao, ang mga intensyon nito, at ang saloobin nito. Sa partikular, kapag nagkakamali ang isang tao, tinitingnan Niya kung kaya ba nitong pagnilayan ang sarili nito, kung nagsisisi ba ito, at kung kaya ba nitong matarok ang diwa ng problema batay sa Kanyang mga salita, nang sa gayon ay nagagawa nitong maunawaan ang katotohanan, kamuhian ang sarili nito, at tunay na magsisi. Kung wala ng ganitong tamang saloobin ang isang tao, at ganap na siyang nabahiran ng mga personal na intensyon, kung puno siya ng maliliit na pakana at nagbubunyag lang ng mga tiwaling disposisyon, at kung, kapag may mga lumilitaw na problema, nauuwi pa nga siya sa pagkukunwari, mapanlinlang na pangangatwiran, at pangangatwiran sa sarili, at nagmamatigas na tumatangging aminin ang kanyang nagawa, kung gayon, ang ganoong tao ay hindi maliligtas. Hindi talaga niya tinatanggap ang katotohanan at ganap na siyang nabunyag. Iyong mga hindi tamang tao, at hindi kayang tanggapin ang katotohanan kahit kaunti, ay mga hindi mananampalataya sa diwa at maaari lamang na itiwalag. … Sabihin mo sa Akin, kung nakagawa ng pagkakamali ang isang tao, ngunit naaabot niya ang isang tunay na pagkaunawa at handa siyang magsisi, hindi ba’t bibigyan siya ng pagkakataon ng sambahayan ng Diyos? Habang papatapos na ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos, napakaraming tungkuling kailangang magawa. Pero kung wala kang konsensiya o katwiran, at hindi mo inaasikaso ang iyong nararapat na gawain, kung nagkaroon ka ng pagkakataong gawin ang isang tungkulin ngunit hindi mo alam kung paano iyon pahahalagahan, kung hindi mo hinahangad ang katotohanan kahit kaunti, nang hinahayaan mong makalampas ang pinakamagandang pagkakataon, kung gayon ay mabubunyag ka. Kung palagi kang pabasta-basta sa paggawa sa iyong tungkulin, at hindi ka man lang nagpapasakop kapag nahaharap ka sa pagkakapungos, puwede ka pa rin kayang gamitin ng sambahayan ng Diyos para gumawa ng tungkulin? Sa sambahayan ng Diyos, ang katotohanan ang naghahari, hindi si Satanas, at ang Diyos ang may huling pasya sa lahat ng bagay. Siya ang gumagawa ng gawain ng pagliligtas sa tao, Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Hindi mo kailangang suriin kung ano ang tama at mali; kailangan mo lang makinig at magpasakop. Kapag nahaharap sa pagkakapungos, dapat mong tanggapin ang katotohanan at itama ang iyong mga pagkakamali. Kung gagawin mo iyon, hindi aalisin sa iyo ng sambahayan ng Diyos ang iyong karapatan na gumawa ng tungkulin. Kung natatakot ka palagi na matiwalag, laging pinangangatwiranan ang iyong sarili, laging gumagamit ng mapanlinlang na pangangatwiran para ipagtanggol ang iyong sarili, problema iyan. Makikita ng iba na hindi mo tinatanggap ang katotohanan ni katiting, at na ganap kang hindi makatwiran. Gulo ang kasunod nito, at kakailanganin ng iglesia na disiplinahin ka. Talagang hindi mo tinatanggap ang katotohanan sa paggawa mo sa iyong tungkulin at lagi kang natatakot na mabunyag at matiwalag. Ang takot mong ito ay nababahiran ng intensyon ng tao; sa loob ng takot na ito, may mga tiwaling satanikong disposisyon, gayundin ng paghihinala, pagiging mapagbantay, at maling pagkaunawa. Wala sa mga ito ang mga saloobin na dapat mayroon ang isang tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na matuwid ang Diyos sa lahat, at na tinatrato rin ng sambahayan ng Diyos ang lahat ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Walang sinumang kinokondena o itinitiwalag dahil sa isang pagkakamali. Naalala ko na noong ginagawa ko ang gawain ng pag-aalis dati, kumilos ako batay sa mapagmataas kong disposisyon at nagkamali ako ng paghusga sa isang tao nang hindi sumusunod sa mga prinsipyo. Kalaunan, napagtanto ko ang pagkakamali ko at labis ko itong pinagsisihan, pero hindi ako tinanggal o itiniwalag ng iglesia dahil lang sa isang pagkakamaling iyon. Nakita ko na hindi naman nakakatakot ang magkamali, at ang mahalaga ay kung kaya bang tanggapin ng isang tao ang katotohanan at tunay na magsisi pagkatapos magkamali. Ang ilang tao ay nabubunyag bilang mga anticristo hindi dahil sa isang pagkakamali nila, kundi dahil hindi sila sumusunod sa mga hinihingi o prinsipyo ng sambahayan ng Diyos kapag ginagawa ang kanilang mga tungkulin, at kumikilos sila nang walang pakundangan. Kahit na pagkatapos makatanggap ng pagbabahaginan at tulong, hindi lang sila nabigong magbago kundi ayaw rin nilang makinig at nakikipagtalo, iginigiit ang sarili nilang paraan, at lubhang ginugulo ang gawain ng iglesia. Pagkatapos lang ng kanilang lubos na pagtangging magsisi sila pinapatalsik. May ilang kapatid din na sumasalangsang, pero kaya nilang hanapin ang katotohanan at mahanap ang pinakaugat ng paglaban nila sa Diyos, tunay na magsisi at magbago, at gawin ang kanilang mga tungkulin ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Iniaangat at ginagamit pa rin ng sambahayan ng Diyos ang gayong mga tao. Nakita ko na binibigyan ng Diyos ang lahat ng maraming pagkakataong magsisi, at na ang diwa ng Diyos ay matuwid at tapat. Alam kong hindi ko na puwedeng pagdudahan ang Diyos o iwasan ang mga tungkulin ko.

Kalaunan, bumuti ang pananaw ko sa aking mga tungkulin, at pumili ang iglesia ng isa pang sister para makipagtulungan sa akin. Hindi nagtagal, narinig kong mayroon pang dalawampung kapatid o higit pa ang inaresto, at pinuntahan sila ng mga pulis para bigyan ng babala, pinipilit silang pirmahan ang “Tatlong mga Pahayag.” Nang marinig ko ang balitang ito, natakot na naman ako, nag-aalala na kung hindi maayos ang pangangasiwa sa sitwasyon, ako ang papapanagutin. Habang iniisip ko ito, napagtanto kong wala ako sa tamang kalagayan, kaya nanalangin ako sa Diyos sa puso ko. Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Kung ano ang kayang makamit ng mga tao, dapat nilang gawin ang lahat ng magagawa nila para maisakatuparan ito; ang lahat ng iba ay ang Diyos na ang gagawa, para gamitan Niya ng Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, pamatnugutan, at gabayan. Ito ang pinakahindi natin inaalala. Nasa likod natin ang Diyos. Bukod sa nasa puso natin ang Diyos, may tunay na pananalig din tayo. Hindi ito espirituwal na pagsuporta; sa katunayan, hindi man nakikitang naririyan ang Diyos, nasa piling Siya ng mga tao, palaging kasama nila. Sa tuwing gumagawa ng anumang bagay ang mga tao o gumagawa ng anumang tungkulin, nanonood Siya; naroon Siya para tulungan ka sa anumang oras at saanmang lugar, inaalagaan at pinoprotektahan ka. Ang dapat gawin ng mga tao ay gawin ang pinakamakakaya nila para isakatuparan ang dapat nilang isakatuparan. Hangga’t may kamalayan ka, nakadarama sa puso mo, nakakakita sa mga salita ng Diyos, napapaalalahanan ng mga tao sa paligid mo, o nabibigyan ng anumang tanda o pahiwatig ng Diyos na nagbibigay sa iyo ng impormasyon—na isa itong bagay na dapat mong gawin, na ito ang atas ng Diyos sa iyo—kung gayon, dapat mong tuparin ang responsabilidad mo at hindi lang basta umupo sa isang tabi o manood sa gilid. Hindi ka isang robot; may utak at mga kaisipan ka. Kapag may nangyayari, alam na alam mo ang dapat mong gawin, at tiyak na mayroon kang mga damdamin at kamalayan. Kaya ilapat mo ang mga damdamin at kamalayang ito sa mga aktuwal na sitwasyon, isabuhay at gawin mong mga kilos ang mga ito, at sa ganitong paraan, matutupad mo ang responsabilidad mo. Para sa mga bagay na maaari kang magkaroon ng kamalayan, dapat kang magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyong nauunawaan mo. Sa ganitong paraan, ginagawa mo ang pinakamakakaya mo at nagsisikap ka nang husto para gawin ang tungkulin mo(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (21)). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng pananalig at lakas. Ang mga unang bagay na dapat kong gawin ay ang pasanin ang aking mga responsabilidad, gawin ang lahat ng makakaya ko para pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, protektahan ang kaligtasan ng mga kapatid ko, at bawasan ang mga kawalan hangga’t maaari. Ito ang responsabilidad ko. Hindi na ako puwedeng maging sobrang makasarili at kasuklam-suklam at magtuon na lang sa sarili kong kinabukasan at hantungan. Sa pagbabalik-tanaw kung paano ko laging sinusubukang protektahan ang sarili ko at iwasan ang responsabilidad, napagtanto kong sa pagkakataong ito, kailangan kong isagawa ang katotohanan at magkaroon ng lakas ng loob na umako ng responsabilidad. Kahit na magkaroon ako ng ilang paglihis sa proseso, kailangan kong pasanin ang mga responsabilidad na dapat kong pasanin. Para sa ilang kumplikadong bagay kung saan hindi ako sigurado sa naaangkop na gawin, puwede akong sumangguni sa nakatataas na pamunuan, at kung may mga pagkakamali o pagkukulang sa gawain ko, kailangan kong ibuod ang mga iyon at gumawa ng napapanahong pagwawasto. Kalaunan, nakipagtulungan ako sa katuwang kong sister para pangasiwaan ang sitwasyon, at ibinahagi namin ang mga layunin ng Diyos sa mga kapatid, at tinalakay kung paano tutuparin ang aming mga tungkulin sa mahirap na panahong ito. Aktibong nakipagtulungan ang mga kapatid, at mabilis na natapos ang pangangasiwa sa sitwasyon.

Ngayon, hindi ko na iniisip ang sarili kong mga interes, kinalabasan, at hantungan gaya ng dati. Sa halip, buong puso ko nang ginagawa ang aking mga tungkulin, at mas panatag na ang puso ko. Kung hindi ko naranasan ang ganitong pagbubunyag, hindi ko sana makikilala ang satanikong disposisyon ko o ang mga mali kong pananaw sa likod ng paghahangad ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa paggabay sa akin para matutuhan ang mga aral na ito!

Sinundan: 56. Hindi Na Ako Nagrereklamo Tungkol sa Aking Mahinang Kakayahan

Sumunod: 58. Bakit Ba Palagi Kong Gustong Tumaas ang Ranggo Ko?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

70. Hindi Na Isang Pasikat

Ni Mo Wen, SpainNaalala ko noong taong 2018, nasa tungkuling ebanghelyo ako sa iglesia, at pagkatapos ay ginawang tagapamahala ng gawaing...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito