52. Pag-aaral na Tanggapin ang Paggabay at Pamamahala
Noong Hunyo 2022, nahalal ako bilang lider ng pangkat na responsable para sa gawaing video. Pagkalipas ng ilang panahon, nasanay na ako sa gawain at nagawa kong subaybayan at maunawaan ang kalagayan ng mga miyembro ng pangkat at ang pag-usad ng gawain. Kahit na kulang pa ako sa aking mga kasanayan, pakiramdam ko ay kaya kong pangasiwaan ang gawain.
Isang araw, nalaman ng lider ang sitwasyon ng gawain ng pangkat. Nagkataong kamakailan ko lang naunawaan ang mga dahilan ng mabagal na pag-usad ng gawain, tulad ng kawalan ng malapit na pagtutulungan sa mga miyembro ng pangkat, mga pagtatalo-talo na nangangailangan ng maayos na komunikasyon at kung saan walang napagkasunduan, na kalaunan ay humantong sa pag-ulit ng gawain at mga pagkaantala sa pag-usad nito, at ilang masalimuot na proseso na nakapagpabagal din sa pag-usad. Matapos maunawaan ang mga sitwasyong ito, nakipagbahaginan ako at itinama ang mga ito, at iniulat ko sa lider ang mga sitwasyong ito. Akala ko, dahil may nagawa akong ilang aktuwal na gawain, pupurihin ako ng lider sa mabuting pagtatrabaho. Pero sa gulat ko, pagkatapos na pagkatapos kong magsalita, tinanong ako ng lider, “Bakit hindi maayos na nagtutulungan ang mga miyembro ng pangkat? Ano ang mga pangunahing problema nila?” Sa pagharap sa tanong na ito, hindi ko alam kung ano’ng isasagot dahil hindi ko talaga nauunawaan ang mga dahilan. Hindi ako sigurado kung saan sila nahihirapan; basta napapansin ko lang sa panlabas na hindi nila kayang magtulungan nang maayos. Pagkatapos, nagtanong pa ang lider ng ilan pang tanong, at hindi ko pa rin nasagot. Sinabi sa akin ng lider pagkatapos, “Pinakikinggan mo lang ba kahit ano ang sabihin sa iyo ng mga kapatid nang hindi inaalam ang ugat ng mga problema mula sa mga iniuulat nila? Kaya mo bang lutasin ang mga problemang gaya nito?” Nang marinig ko ang sinabi ng lider, napahiya ako. Hindi ko maiwasang isipin na, “Hindi ba’t ipinapahiwatig mo na hindi ko alam kung paano lumutas ng mga problema? Ang dating ay parang hindi ko kayang pamahalaan ang gawain.” Pagkatapos, tinukoy ng lider na mababaw ko lang tiningnan ang mga problema at hindi kayang lutasin ang pinag-ugatan ng mga ito, at nag-ugnay ng mga prinsipyo sa pagbabahagi sa akin, tinutulungan ako na maunawaan na sa paggawa ng gawain, kailangang matutuhan ng isang tao kung paano unawain ang mga pangunahin at pinakamahalagang mga isyu. Hindi ako masyadong kumbinsido: ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang tuklasin ang mga problema at makipag-usap sa mga miyembro ng pangkat, at hindi naman ito sa hindi ko alam kung paano pamahalaan ang gawain. Nakabusangot akong tumitig sa kompyuter, ayaw tumingin sa lider. Sa pagtipa, sadya kong nilalakasan ang pagpindot sa keyboard para ilabas ang pagkayamot ko, iniisip na, “Sinabi ito ng lider sa harap ng dalawang katrabaho ko, paano na lang ako titingnan ng iba? Bakit ang mga problema ko lang ang tinukoy niya? Perpekto bang nagagawa ng ibang mga katrabaho ko ang trabaho nila?” Pakiramdam ko, sa mga salita ng lider ay parang hindi pinahahalagahan ang lahat ng mga pagsisikap ko. Habang lalo ko itong naiisip, lalo akong nagagalit. Pakiramdam ko ay naging sobrang higpit sa akin ng lider.
Pagkatapos ng pagpupulong, nakaramdam ako ng matinding pagkapahiya nang muling maalala ang mga puna ng lider. Inakala kong tiyak na iisipin ng mga katrabaho ko na hindi ako magaling sa gawain ko, kaya medyo nainis ako at naisip ko na, “Mula ngayon, hindi ko na pagsusumikapang gawin ang tungkulin ko tutal wala rin namang makakikita nito! Sa susunod na magtanong ang lider, hindi na ako masyadong ganadong sasagot.” Masamang-masama ang loob ko, puno ng galit at pagdaramdam, at naiiyak pa. Kinagabihan, nakabasa ako ng isang pangungusap sa liham na isinulat ng isang katrabaho, “Kung tunay na gusto ng mga kapatid na gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin, dapat ay handa silang tanggapin kapag sumusubaybay ang mga lider upang pangasiwaan ang gawain at agarang tinutukoy ang kanilang mga problema at paglihis.” Habang binabasa ang pangungusap na ito, hiyang-hiya ako. Nang maharap sa pangangasiwa at mga payo ng lider, hindi ako nalungkot dahil sa hindi ko nagampanan nang maayos ang tungkulin ko kundi nagalit dahil nagsalita ang lider nang hindi isinaalang-alang ang dangal ko. Sa paanong paraan ako naging isang tao na taos-pusong ginagampanan ang aking tungkulin? Lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “Diyos ko, ngayong araw ay tinukoy ng lider ang mga problema ko, at nakaramdam ako ng paglaban. Alam ko na hindi ayon sa Iyong layunin ang saloobing ito, pero anong mga aral ang dapat kong matutuhan, at paano ko dapat pagnilayan at kilalanin ang aking sarili? Nawa’y bigyang-liwanag at gabayan Mo ako.”
Kinaumagahan, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Isang magandang bagay kung matatanggap mong pangasiwaan, obserbahan, at subukang unawain ka ng sambahayan ng Diyos. Makakatulong ito sa pagtupad mo sa iyong tungkulin, sa pagkakaroon mo ng kakayahang magawa ang iyong tungkulin nang pasok sa pamantayan at para matugunan ang mga layunin ng Diyos. Kapaki-pakinabang at nakakatulong ito sa iyo, nang wala talagang negatibong epekto. Kapag naunawaan mo na ang prinsipyong ito, dapat ba na hindi ka na makaramdam ng paglaban o pagbabantay laban sa pangangasiwa ng mga lider, manggagawa, at mga taong hinirang ng Diyos? Bagama’t paminsan-minsan ay sinusubukan kang unawain ng isang tao, inoobserbahan ka, at pinangangasiwaan ang gawain mo, hindi mo ito dapat personalin. Bakit Ko sinasabi ito? Dahil ang mga gampani waing nasa iyo ngayon, ang tungkuling ginagampanan mo, at anumang gawaing ginagawa mo ay hindi mga pribadong gawain o personal na trabaho ng sinumang tao; may kinalaman ang mga ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos at may kaugnayan sa isang bahagi ng gawain ng Diyos. Samakatuwid, kapag may sinumang gumugugol ng kaunting oras para pangasiwaan o obserbahan ka, o umuunawa sa iyo nang malalim, sumusubok na kausapin ka nang masinsinan at tuklasin kung ano ang naging kalagayan mo sa panahong ito, at kapag medyo mabagsik pa kung minsan ang kanilang pag-uugali, at pinupungusan, dinidisiplina, at pinagsasabihan ka nila nang kaunti, lahat ng ito ay dahil tapat at responsable sila sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi ka dapat magkaroon ng anumang negatibong saloobin o emosyon tungkol dito. Ano ang ibig sabihin kung kaya mo itong tanggapin kapag pinapangasiwaan, inoobserbahan, at sinusubukan kang unawain ng iba? Na, sa puso mo, tinatanggap mo ang pagsisiyasat susuri ng Diyos. Kung hindi mo tinatanggap ang pangangasiwa, pag-oobserba, at pagtatangka ng mga tao na unawain ka—kung ayaw mong tanggapin ang lahat ng ito—magagawa mo bang tanggapin ang pagsisiyasatsusuri ng Diyos? Ang pagsisiyasatsusuri ng Diyos ay mas detalyado, malalim, at tumpak kaysa kapag sinusubukan ng mga tao na unawain ka; ang mga hinihingi ng Diyos ay mas partikular, mahirap, at malalim. Kung hindi mo matanggap ang pangangasiwa ng mga hinirang na tao ng Diyos, walang kabuluhang mga salita lamang ba ang sinasabi mo na kaya mong tanggapin ang pagsisiyasatsusuri ng Diyos? Para magawa mong tanggapin ang pagsisiyasatsusuri at pagsusuriisiyasat ng Diyos, dapat mo munang tanggapin ang pangangasiwa ng sambahayan ng Diyos, ng mga lider at manggagawa, o ng mga kapatid. … Isang magandang bagay na pinangangasiwaan ng isang lider ang gawain mo. Bakit? Dahil nangangahulugan ito na umaako siya ng responsabilidad para sa gawain ng iglesia; ito ang tungkulin niya, ang responsabilidad niya. Ang magawang tuparin ang responsabilidad na ito ay nagpapatunay na siya ay isang mahusay na lider, isang mabuting lider. Kung bibigyan ka ng ganap na kalayaan at mga karapatang pantao, at magagawa mo ang anumang gusto mo, masusunod ang mga pagnanais mo, at matatamasa ang buong kalayaan at demokrasya, at anuman ang ginawa mo o paano mo man ito ginawa, ang lider ay walang pakialam o hindi nangasiwa, hindi ka kailanman kinuwestiyon, hindi sinuri ang gawain mo, hindi nagsalita nang matuklasan ang mga isyu, at maaaring nanghikayat o nakipagkasundo lang sa iyo, maituturing ba siya na mabuting lider? Malinaw na hindi. Pinipinsala ka ng gayong lider. Kinukunsinti niya ang paggawa mo ng masama, pinapahintulutan kang lumabag sa mga prinsipyo at gawin ang nais mo—tinutulak ka niya patungo sa isang hukay ng apoy. Hindi ito isang lider na responsable at pasok sa pamantayan na lider. Sa kabilang banda, kung nagagawa ng isang lider na regular kang pangasiwaan, tukuyin ang mga isyu sa gawain mo, at maagap kang paalalahanan o sawayin at ilantad ka, at ituwid at tulungan ka sa iyong mga maling paghahangad at paglihis sa maagap na paggampan sa tungkulin mo, at, sa ilalim ng kanyang pangangasiwa, pagsaway, pagtustos, at pagtulong, nagbabago ang mali mong saloobin sa tungkulin mo, nagagawa mong iwaksi ang ilang kakatwang pananaw, unti-unting nababawasan ang sarili mong mga ideya at mga bagay na umuusbong mula sa pagkamainitin ng ulo, at nagagawa mong mahinahong tanggapin ang mga pahayag at pananaw na tama at ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hindi ba’t kapaki-pakinabang ito para sa iyo? Napakalaki nga ng mga pakinabang!” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 7). Pinakalma ng mga salita ng Diyos ang puso ko. Napagtanto ko na ayaw ng Diyos na makita akong nagkikimkim ng labis na hinanakit. Sa halip, inaasam ng Diyos na magawa kong payapain ang sarili ko, pagnilayan muna ang mga paglihis at problema sa aking gawain, at tanggapin ang pangangasiwa at paggabay ng lider. Nabasa ko na sinabi ng Diyos na ang mga responsableng lider at manggagawa ay susubaybay at uunawa sa gawain ng bawat isa, tutuklasin ang mga problema at paglihis, at magbibigay ng paggabay at pagtutuwid sa tamang oras. Minsan, maaaring medyo mahigpit ang kanilang saloobin, at may kasama pang pagpuna at pagpupungos. Sa totoo lang, nagiging responsable lang sila sa gawain, at ito ay upang matiyak na nagagawa ito nang maayos. Ito ang dapat gawin ng isang pasok sa pamantayan na lider. Kapag humaharap sa pangangasiwa at paggabay ng lider, ang isang makatwirang tao ay dapat aktibong tanggapin ang mga ito. Gayumpaman, ang unang reaksiyon ko sa mga ito ay ang paglaban, at sinubukan ko pang ipagtanggol ang sarili ko sa puso ko upang hindi mapahiya. Sa paanong paraan ako mayroong tunay na saloobin ng pagtanggap? Habang pinagninilayan ko kung paanong kahahalal ko lang bilang lider ng pangkat at maraming mga pagkukulang, naunawaan ko na ang pangangasiwa, pagtatanong, at paggabay ng lider ay nangangahulugang nagiging responsable siya sa gawain. Tulad noong tinukoy ng lider na mababaw ko lang tiningnan ang mga isyu at hindi ko nauunawaan ang pinag-uugatan ng kawalan ng maayos na pagtutulungan sa mga miyembro ng pangkat, na nagdulot ng hindi ganap na paglutas sa mga problema. Sa masusing pagninilay, napagtanto ko na gayon nga ang nangyari. Mababaw pala ang pamamahala ko sa gawain at hindi ko nilulutas ang ugat ng mga problema, na natural na humantong sa hindi magagandang resulta. Dapat sana ay tinanggap ko nang maluwag sa loob ang paggabay ng lider at hindi lumaban dito o ipinagtanggol ang sarili ko. Nang maisip ko ito, wala na akong naramdaman pang paglaban sa lider. Pagkatapos, naalala ko na sinabi ng Diyos na dapat nating pagnilayan at kilalanin ang ating sarili sa bawat sitwasyong nararanasan natin, at tanging sa ganitong paraan lang tayo magkakaroon ng pag-usad at pagbabago. Kaya, sinadya ko na maghanap ng mga salitang may kaugnayan sa Diyos upang magmuni at magnilay tungkol sa sarili ko, habang tahimik din na nananalangin sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bigyang-liwanag at gabayan ako sa pagkilala sa sarili ko.
Isang umaga sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi sa mga salita ng Diyos: “Kapag itinalaga ng Itaas ang ilang tao sa isang proyekto, lumilipas ang ilang panahon nang wala talagang anumang pag-usad. Hindi nila sinasabi sa Itaas kung ginagawa nila ito, o kung kumusta ito, o kung nagkaroon ba ng anumang nakaaabalang mga paghihirap o problema. Hindi sila nagbibigay ng feedback. Ang ilan sa gawain ay apurahan at hindi maaaring maantala, pero nagmamabagal sila, pinatatagal ito nang mahabang panahon nang hindi tinatapos ang gawain. Dapat nang magtanong ang Itaas. Kapag ginagawa ito ng Itaas, nakararamdam ng matinding pagkahiya ang mga taong iyon mula sa mga pagtatanong, at nilalabanan nila ang mga ito sa kanilang puso: ‘May sampung araw pa lang mula nang itinalaga sa akin ang trabahong ito. Hindi pa nga ako nasasanay, at agad, nagtatanong na ang Itaas. Masyado lang mataas ang hinihingi nila sa mga tao!’ Nandiyan sila, naghahanap ng mga pagkakamali sa mga pagtatanong. Ano ang problema rito? Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t talagang normal para sa Itaas na magtanong? Bahagi nito ay ang pagnanais na higit na malaman ang tungkol sa kalagayan ng pag-usad ng gawain, pati na rin ang kung anong mga paghihirap ang nananatiling dapat lutasin; bukod pa riyan, ito ay isang pagnanais na higit pang malaman ang tungkol sa kung anong uri ng kakayahan mayroon ang mga taong itinalaga nila sa gawaing ito, at kung talagang malulutas ng mga ito ang mga problema at magagawa ang trabaho nang maayos. Gustong malaman ng Itaas kung ano talaga ang mga totoong nangyayari, at kadalasan, nagtatanong sila sa gayong mga kaganapan. Hindi ba’t isang bagay iyon na dapat nilang gawin? Nag-aalala ang Itaas na hindi mo alam kung paano lutasin ang mga problema at hindi mo kayang pangasiwaan ang trabaho. Kaya nagtatanong sila. Medyo palaban at nasusuklam ang ilang tao sa gayong mga pagtatanong. Ayaw nilang hayaang magtanong ang mga tao, at hangga’t ginagawa ito ng mga tao, lumalaban sila at may mga pag-aalinlangan, palaging nag-iisip, ‘Bakit palagi silang nagtatanong at naghahanap na mas marami pang malaman? Ito ba ay dahil wala silang tiwala sa akin at minamaliit nila ako? Kung wala silang tiwala sa akin, hindi nila ako dapat gamitin!’ Hindi nila kailanman nauunawaan ang mga pagtatanong at pangangasiwa ng Itaas, sa halip ay nilalabanan ang mga ito. May katwiran ba ang ganitong mga tao? Bakit hindi nila pinahihintulutan ang Itaas na magtanong at mangasiwa sa kanila? Saka bakit sila mapanlaban at mapanuway? Ano ang problema rito? Wala silang pakialam kung epektibo ang pagganap nila sa kanilang tungkulin o kung nakahahadlang ito sa pag-usad ng gawain. Hindi nila hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo kapag ginagawa nila ang kanilang tungkulin, sa halip ay ginagawa nila ang anumang gustuhin nila. Hindi nila iniisip ang mga resulta o kahusayan ng gawain, at talagang hindi nila iniisip ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, lalong hindi ang kung ano ang nilalayon at hinihingi ng Diyos. Ang pag-iisip nila ay, ‘May sarili akong mga paraan at nakagawian sa paggawa ng aking tungkulin. Huwag masyadong humingi sa akin o maging masyadong detalyado sa paghingi sa akin ng mga bagay-bagay. Sapat na na nagagawa ko ang aking tungkulin. Hindi ako puwedeng masyadong mapagod o magdusa nang sobra.’ Hindi nila nauunawaan ang mga katanungan at mga pagtatangka ng Itaas na malaman ang higit pa tungkol sa kanilang gawain. Ano ang kulang sa kawalan nilang ito ng pang-unawa? Hindi ba’t nawawala rito ang pagpapasakop? Hindi ba’t nawawala rito ang pagpapahalaga sa responsabilidad? Katapatan? Kung tunay silang responsable at tapat sa paggawa ng kanilang tungkulin, tatanggihan ba nila ang mga pagtatanong ng Itaas sa kanilang gawain? (Hindi.) Mauunawaan nila ito. Kung talagang hindi nila ito nauunawaan, iisa lang ang posibilidad: Nakikita nila ang kanilang tungkulin bilang bokasyon nila at kabuhayan nila, at sinasamantala nila ito, itinuturing ang tungkulin na kanilang ginagawa bilang isang kondisyon at pang-negosasyon para makakuha ng gantimpala sa lahat ng oras. Gagawa lang sila ng kaunting prestihiyosong gawain para makalusot sa Itaas, nang walang anumang pagtatangka na tanggapin ang atas ng Diyos bilang tungkulin nila at obligasyon nila. Kaya, kapag nagtatanong ang Itaas tungkol sa kanilang gawain o pinangangasiwaan ito, nagkakaroon sila ng nasusuklam at mapanlaban na balangkas ng pag-iisip. Hindi ba’t ganoon iyon? (Ganoon nga.) Saan nagmumula ang problemang ito? Ano ang diwa nito? Ito ay na mali ang kanilang saloobin sa proyektong gawain. Iniisip lang nila ang kaginhawahan at kasiyahan ng laman, ang kanilang sariling katayuan at karangalan, sa halip na isipin ang pagiging epektibo ng gawain at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Hindi talaga nila hinahangad na kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung mayroon talaga silang kaunting konsensiya at katwiran, mauunawaan nila ang mga pagtatanong at pangangasiwa ng Itaas. Masasabi nila, mula sa puso, ‘Mabuti na lang at nagtatanong ang Itaas. Kung hindi, palagi akong susunod sa sarili kong kalooban, na makahahadlang sa pagiging epektibo ng gawain, o masisira pa nga ito. Nagbabahagi ang Itaas at nagsusuri ng mga bagay-bagay, at talagang nakalutas ito ng mga aktuwal na problema—napakabuting bagay niyon!’ Ipapakita nito sa kanila na maging isang responsableng tao. Natatakot sila na kung gagawin nila ang gawain sa sarili nila, kung nagkaroon ng pagkakamali o aberya, at nagdulot ito ng kawalan sa gawain sa sambahayan ng Diyos na walang paraan para lunasan, iyon ay magiging isang responsabilidad na hindi nila makakayanan. Hindi ba’t pagpapahalaga iyon sa responsabilidad? (Ganoon nga.) Ito ay pagpapahalaga sa responsabilidad, at senyales ito na tinutupad nila ang kanilang katapatan” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na iyong mga tunay na responsable at tapat sa kanilang tungkulin ay masayang tumanggap ng pangangasiwa at paggabay mula sa iba upang mapunan ang kanilang mga kakulangan at maibigay ang pinakamahusay nilang kakayanan sa maayos na paggampan sa kanilang tungkulin. Gayumpaman, iyong mga hindi tapat sa kanilang tungkulin ay laging isinasaalang-alang ang kanilang sariling kahihiyan at katayuan sa bawat sitwasyon. Kapag nangangasiwa o nagtatanong ang iba tungkol sa kanilang gawain, pakiramdam nila ay hindi sila pinahahalagahan ng iba o hindi sila binibigyan ng konsiderasyon, at nagiging mapanlaban at mapanalungat sila, walang ipinapakitang kahit anupamang saloobin ng pagtanggap sa katotohanan. Nang pagnilayan ko kung paano ako tumugon sa pangangasiwa ng lider, hindi ba’t nagpapahiwatig ito na wala akong katapatan? Nang iulat ko sa lider ang sitwasyon ng gawain ko, inakala ko na may nagawa akong ilang aktuwal na gawain, at na magkakaroon siya ng magandang pagtingin sa akin. Pero sa hindi inaasahan, natuklasan ng lider ang maraming problema sa gawaing sinusubaybayan ko at tinukoy na ang nakita ko lang ay ang mabababaw na isyu at hindi ko naunawaan ang mga ugat na problema upang makapagbahagi at malutas ang mga ito. Pakiramdam ko ay pinawawalang-saysay ng lider ang gawain ko, at naging mapanlaban ako at hindi nasiyahan. Lalo na nang maisip ko kung paanong mahigpit na tinanong ng lider ang gawain ko sa harap ng aking mga katrabaho at tinukoy ang aking mga problema at napahiya ako at nagalit nang husto. Sa puso ko ay patuloy kong ipinagtatanggol at binibigyang-katwiran ang sarili ko, sinusubukang hindi mapahiya, at naghinanakit pa. Sa katunayan, ang pangangasiwa at paggabay ng lider ay para tulungan akong magampanan nang maayos ang tungkulin ko, na kapaki-pakinabang para sa gawain ng iglesia. Pero wala akong kahit anong saloobin ng pagtanggap at pakiramdam ko pa nga ay sinasadya ng lider na maliitin at hamakin ako. Tanging ang kahihiyan at katayuan ko lang ang iniintindi ko, nang hindi man lang isinasaalang-alang ang gawain sa sambahayan ng Diyos. Hindi ako naging isang tao na tapat sa pagtupad ng kanyang tungkulin. Bukod pa rito, lubos akong naging mapagmataas at mapagmagaling, laging iniisip na ang gawaing nasa responsabilidad ko ay medyo maayos naman, at hindi kasingsama tulad ng sinabi ng lider. Kaya’t naging napakamapanlaban ko at sinasalungat ko ang may mabuting layuning paggabay at tulong ng lider, nang walang kahit anong saloobin ng paghahanap o pagtanggap. Talagang naging sobrang mapagmagaling at mapagmatigas ako, na nagbubunyag ng satanikong disposisyon ng pagtutol sa katotohanan. Paano ko matatanggap ang katotohanan at makakamit ito kung hindi ko man lang matanggap ang normal na paggabay ng iba habang ginagawa ko ang aking tungkulin? Matapos mapagtanto ang mga bagay na ito, sinuri ko ang mga isyung tinukoy ng lider, at sa tuwing tinatalakay namin ng mga miyembro ng pangkat ang tungkol sa gawain, sadya kong pinag-iisipan nang mabuti ang kalikasan at ugat ng mga problema na lumitaw. Pagkatapos ay tinutukoy ko ang mga solusyon sa mga tunay na isyung ito. Sinabi nila na ang ganitong uri ng pagbabahaginan ay epektibo at maaaring makalutas ng ilang mga problema. Nagpasaya sa akin ang makita ang resultang ito. Minsan, may mga bahagi pa rin sa gawain ko na hindi ko lubusang napag-isipan, at ang mga ito ay tinutukoy sa akin ng lider. Sadya akong tumanggap, nagbago, at nagkaroon ng kaunting pagpasok, at unti-unti kong naramdaman na may natutuhan ako.
Kinalaunan, naatasan akong pangasiwaan ang gawain ng ilan pang pangkat. Pagkalipas ng ilang buwan, isang araw ay tinanong ako ng lider tungkol sa sitwasyon ng gawain. May ilang detalye na hindi ko maipaliwanag nang malinaw. Pagkatapos ay mahigpit na sinabi sa akin ng lider, “Medyo matagal ka nang responsable sa mga pangkat na ito, pero ni hindi mo alam ang mga detalyeng ito. Hindi ba’t ito ay pagiging iresponsable at hindi paggawa ng aktuwal na gawain?” Nang marinig ko ang mga salita ng lider, naramdaman kong uminit ang mukha ko sa pagkapahiya. Kahit na alam kong nagsasabi ng totoo ang lider, nahirapan pa rin akong tanggapin ito, nag-aalala ako na mayroong masamang pananaw ang lider sa akin at sa kung ano ang iisipin ng mga katrabaho ko tungkol sa akin. Ngunit pagkatapos ay naalala ko ang mga salita ng Diyos na nabasa ko ilang panahon na ang nakararaan: “Kung mayroon talaga silang kaunting konsensiya at katwiran, mauunawaan nila ang mga pagtatanong at pangangasiwa ng Itaas. Masasabi nila, mula sa puso, ‘Mabuti na lang at nagtatanong ang Itaas. Kung hindi, palagi akong susunod sa sarili kong kalooban, na makahahadlang sa pagiging epektibo ng gawain, o masisira pa nga ito. Nagbabahagi ang Itaas at nagsusuri ng mga bagay-bagay, at talagang nakalutas ito ng mga aktuwal na problema—napakabuting bagay niyon!’ Ipapakita nito sa kanila na maging isang responsableng tao” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)). Habang pinagbubulayan ko ang mga salita ng Diyos, unti-unting napayapa ang puso ko. Ang mga pagtatanong ng lider sa gawain ko ay dahil sa kanyang responsabilidad para sa gawain; ako ang hindi nakaganap ng aktuwal na gawain. Anong dahilan ang mayroon ako para lumaban sa pagpuna at pagpupungos ng iba? Patuloy akong nag-aalala para sa kahihiyan ko, hindi ba’t sa ganito ay sinusubukan ko pa ring ipagtanggol ang sarili ko? Hindi ba’t sa ganito ay inuuna ko pa rin ang kahihiyan ko, bago ang gawain ng sambahayan ng Diyos? Kung iisipin, dahil ako ang responsable para sa gawain ng mga pangkat na ito, dapat ako ang may responsabilidad na akuin ang gawain. Pero ngayon, nang detalyado nang tinanong ng lider ang gawain, naging malinaw na hindi ko nauunawaan ang mga detalye ng mga gampaning ito at na wala akong ginawang aktuwal na gawain. Pero gusto ko pa ring hindi mapahiya at ayaw ko na isiwalat o punahin ako ng iba. Hindi ba’t ito ay hindi pa rin pagtanggap sa katotohanan? Nang mapagtanto ko ito, nakaramdam ako ng kaunting pagsisisi sa sarili at handa akong tanggapin ang paggabay ng lider upang itama ang mga problema ko. Pagkatapos, nagsimula akong magkusang makibahagi sa gawain ng pangkat at aktuwal na maunawaan ang mga tiyak na sitwasyon ng bawat aspekto nito. Ipinabatid ko sa mga miyembro ng pangkat ang mga problemang natukoy ko, at ipinahayag din nila ang pagpayag na agad na lutasin ang mga isyung ito. Sa pamamagitan ng aktuwal na pakikilahok sa gawain, marami akong natutuhan. Maingat kong pinagbulayan ang mga problemang umiral sa gawain at kalaunan ay nakaisip ako ng ilang ideya. Mas naging magaan ang pakiramdam ko sa pagsasanay sa ganitong paraan.
Sa pamamagitan ng karanasang ito, napagtanto ko na ang pagtanggap sa pangangasiwa at paggabay sa paggawa ng tungkulin ng isang tao ay isang saloobin ng pagiging responsable sa gawain ng iglesia. Marami pang mga paglihis at kapintasan sa aking tungkulin na nangangailangan ng pangangasiwa at paggabay ng lider. Kung aasa lang ako sa sarili ko, hindi ko magagampanan nang maayos ang maraming gampanin at maaaring makaantala pa sa gawain ng iglesia. Ang pangangasiwa at paggabay ng lider sa gawain ko ay hindi para gawing mahirap ang mga bagay para sa akin. Sa kabilang banda, ang mga ito ay kapaki-pakinabang sa akin para magampanan ko nang maayos ang tungkulin ko at makapagnilay at malaman ang mga kakulangan at kahinaan ko. Ngayon, kaya ko nang pakitunguhan nang tama ang pangangasiwa at paggabay mula sa mga kapatid at handa akong tanggapin ang mga ito, magnilay sa aking sarili, at iwasto ang aking mga paglihis.