43. Natutuhan Ko Kung Paano Kilatisin ang Iba Batay sa Mga Salita ng Diyos

Ni Xiao Wei, Tsina

Noong 2017, ginagawa ko sa iglesia ang tungkuling nakabatay sa teksto. Sa isang pagtitipon, nabalitaan kong tinanggal si Chen Xia, at na itinuring siyang isang anticristo, at hinahanda na ang mga materyal para sa pagpapatalsik sa kanya. Nang marinig ko ang balitang ito, gulung-gulo ako at hindi ko kayang kumalma—hindi ko ito basta matanggap. Nakilala ko si Chen Xia pagkatapos naming parehong matagpuan ang Panginoon, at magkasama naming ginawa ang mga tungkulin namin pagkatapos tanggapin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw. Napakasigasig noon ni Chen Xia. Humadlang ang asawa niya sa daan ng kanyang pananalig, at nagbuhos siya ng maraming luha rito. Kalaunan, diniborsyo niya ang kanyang asawa. Pagkatapos ng diborsyo, ipinagpatuloy niyang gawin ang kanyang mga tungkulin nang may matinding pagpapahalaga sa pasanin. Partikular na kapansin-pansin sa akin kung gaano kahilig ni Chen Xia ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at nang makipagtulungan ako sa kanya, gumigising siya nang madaling araw sa taglamig para basahin ang mga salita ng Diyos. Kokopyahin pa niya sa isang notebook ang mahahalagang sipi mula sa mga salita ng Diyos at kukunin ang mga iyon para basahin tuwing may oras siya. Madalas niyang sabihin sa akin, “Kailangan nating magbasa pa ng mga salita ng Diyos at pagsikapan ang mga ito, kung hindi, hindi natin magagawa nang maayos ang ating mga tungkulin.” Naisip ko, “Napakahilig niyang magbasa ng mga salita ng Diyos, kaya isa siyang taong naghahangad ng katotohanan.” At sa puso ko ay hinangaan ko siya, iniisip na hindi lamang niya nagawang magsakripisyo at gawin ang mga tungkulin niya, kundi nagawa rin niyang pagsikapan nang lubos ang pagbabasa sa mga salita ng Diyos, at na sa bagay na ito, talagang hindi ako maikukumpara sa kanya at kailangan kong matuto mula sa kanya. Pagkatapos niyon, tuwing nahaharap ako sa mga paghihirap o may hindi naunawaan, gusto kong hanapin ang pagbabahagi niya at marinig ang mga pananaw at payo niya. Kalaunan, noong itinalaga si Chen Xia sa ibang lugar para gawin ang mga tungkulin niya, nakadama ako ng tunay na kawalan, inisip ko kung paanong noong isang taon lamang ay inaayos niya ang mga materyal para sa pagpapaalis sa mga tao. Kaunting panahon pa lang ang nakalilipas mula noon, at ngayon ay pinatatalsik siya? May pagkakamali kaya? Pero naisip ko kung paanong may mga prinsipyo ang iglesia para sa pagpapaalis sa mga tao, at na hindi sila maghahanda ng mga materyal para sa pagpapatalsik sa kanya nang walang dahilan. Patuloy na hindi mapakali ang puso ko at hindi ako makatutok sa pagtitipon. Hiniling ng lider na magsulat ako ng isang ebalwasyon kay Chen Xia, at pabasta-basta akong sumang-ayon nang hindi ipinapahayag ang mga tunay kong kaisipan.

Nang makauwi ako at inisip si Chen Xia, nabagabag ako, naisip ko, “Napakadedikado ni Chen Xia, at isinakripisyo niya ang kanyang pamilya at propesyon para gawin ang mga tungkulin niya. Lubos na pagsisikap ang ibinigay niya sa mga salita ng Diyos, pero ngayon ay pinatatalsik siya. Hindi pa ako nagdusa o naggugol ng sarili ko gaya niya, ni nakagawa nang ganoon karami sa aking mga tungkulin, at siguradong hindi pa ako nag-ukol ng ganoong pagsisikap para sa mga salita ng Diyos. Ibig sabihin ba nito ay baka mauwi ako sa pagkakatiwalag at mapatalsik din?” Pinahina ng mga kaisipang ito ang motibasyon ko sa aking mga tungkulin. Nang makita ko ang mga sister na tinatalakay ang gawain, ayaw kong sumali. Sa tingin ko ay walang saysay na sobrang magsikap o magbayad ng halaga, dahil sa huli, sino ang nakaaalam kung ano ang kalalabasan ko? Kaya, sa panahong iyon, nawala ko ang aking pagpapahalaga sa pasanin sa aking mga tungkulin.

Kalaunan, napagtanto kong mali ang kalagayan ko, kaya nanalangin ako at hinanap ang Diyos tungkol dito. Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Maraming kaisipan, ideya, at kalagayan sa loob ng mga tao na madalas ay nakakaimpluwensiya sa ilan nilang mga opinyon, perspektiba, at pananaw. Kung kaya mong lutasin isa-isa ang mga kaisipan, ideya at kalagayang ito sa pamamagitan ng paghahangad sa katotohanan, hindi maaapektuhan ng mga ito ang relasyon mo sa Diyos. Maaaring may maliit kang tayog ngayon, na may mababaw na pagkaunawa sa katotohanan, at dahil kakapanampalataya mo pa lamang sa Diyos o dahil sa iba’t iba pang mga dahilan, hindi pa marami ang nauunawaan mong katotohanan—pero dapat mong maintindihan ang isang prinsipyo: Dapat akong magpasakop sa lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos, mukha man itong mabuti o masama sa labas, tama o mali, at kung umaayon man ito o hindi sa kuru-kuro ng tao. Wala akong karapatang punahin, timbangin, suriin, o aralin kung tama ba ito o mali. Ang dapat kong gawin ay tuparin ang tungkulin ko bilang isang nilikha at pagkatapos ay isagawa ang mga katotohanan na nauunawaan ko, para pasiyahin ang Diyos at hindi lumihis mula sa tunay na daan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kataas-taasang Kapangyarihan ng Diyos). “Sa totoong buhay, dapat mo munang isipin kung aling mga katotohanan ang nauugnay sa mga tao, pangyayari, at bagay na iyong nakaharap na; matatagpuan mo sa mga katotohanang ito ang mga layunin ng Diyos at maiuugnay kung ano ang iyong nakaharap na sa Kanyang mga layunin. Kung hindi mo nalalaman kung aling mga aspeto ng katotohanan ang nauugnay sa mga bagay na iyong nakaharap na subalit sa halip ay dumiretso sa paghahanap sa mga layunin ng Diyos, isang bulag na pamamaraan ito na hindi makapagkakamit ng mga resulta. Kung nais mong hanapin ang katotohanan at maunawaan ang mga layunin ng Diyos, kailangan mo munang tingnan kung anong uri ng mga bagay ang nangyari na sa iyo, sa aling mga aspeto ng katotohanan nauugnay ang mga ito, at hanapin ang partikular na katotohanan sa salita ng Diyos na nauugnay sa kung anong naranasan mo na. At pagkatapos ay hanapin mo ang landas ng pagsasagawa na naaayon para sa iyo sa katotohanang iyon; sa ganitong paraan ay makakamit mo ang isang di-tuwirang pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kapag nahaharap sa mga bagay na hindi umaayon sa aking mga kuru-kuro, kailangan kong magpanatili ng isang puso na may takot sa Diyos, at magpasakop muna at hindi magreklamo sa Diyos, at na kailangan kong makita kung sa aling aspekto ng mga katotohanang prinsipyo ito nauugnay, at hanapin ang katotohanan mula rito upang maunawaan ang mga layunin ng Diyos. Nagsimula kong pagnilayan ang sarili ko. Nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpapatalsik kay Chen Xia, hindi ko man lang hinanap ang katotohanan. Inakala ko na dahil isinakripisyo niya ang kanyang pamilya at propesyon para gawin ang mga tungkulin niya at sobrang pinagsikapan ang mga salita ng Diyos, at nagserbisyo pa bilang isang lider at manggagawa, siya ay isang taong naghangad ng katotohanan, kaya pakiramdam ko ay naagrabyado ako para sa kanya, at nagkimkim ng mga pagrereklamo at maling pagkaunawa sa Diyos, at nawalan ng interes sa aking mga tungkulin. Napagtanto ko na wala talaga akong puso na may takot sa Diyos, at nang maharap ako sa mga usaping hindi naaayon sa mga kuru-kuro ko, nakaramdam ako ng paglaban at nagreklamo ako, at hindi ko talaga hinanap ang katotohanan. Napakamapanganib ng kalagayan ko! Kalaunan, nabalitaan ko na habang ginagawa ang gampanin ng pag-aayos ng mga materyal para sa pagpapaalis sa mga tao, madalas niyang suhulan ang mga kapatid gamit ang maliliit na pabor para makipagkompetensiya sa lider ng pangkat para sa katayuan, at na naghasik din siya ng alitan para magkaroon ng mga negatibong pananaw ang mga kapatid ukol sa lider ng pangkat. Madalas niyang sabihin sa harap ng lahat na walang buhay pagpasok ang lider ng pangkat, hindi raw nito kayang kumilatis ng mga tao, at walang gawain ng Banal na Espiritu, sinasabi ang mga ito para siraan ang lider ng pangkat. Madalas niyang pinalalaki ang mga pagbubunyag ng katiwalian ng mga kapatid para pintasan sila na nagpahina sa kasigasigan ng lahat para sa kanilang mga tungkulin. Maraming beses na nakipagbahaginan sa kanya ang mga lider at kapatid para tulungan siya, pero hindi talaga niya kilala ang kanyang sarili at iginiit ang pagtatanggol sa mga kilos niya. Pagkatapos kong mabalitaan ang mga pag-uugali niya, napagtanto ko na may mga isyu si Chen Xia, at naalala ko ang pag-uugali niya noong nakikipagtulungan ako sa kanya. Noong halalan ng iglesia nang 2012, parehong nahalal bilang mga lider sina Chen Xia at Wang Hui. Bagama’t medyo may mas mahinang kakayahan si Wang Hui, may pagpapahalaga siya sa pasanin para sa kanyang mga tungkulin at nagawa niyang lutasin ang ilang isyu. Gayumpaman, palaging gusto ni Chen Xia na ibang sister ang mahalal dahil mas nakikinig sa kanya ang sister na iyon. Para makamit ang layon niyang ito, ginamit ni Chen Xia ang mga pagkukulang ni Wang Hui at ginawang malaking usapin ang mga ito, minamaliit si Wang Hui sa harap ng mga kapatid sa pagsasabing hindi siya angkop na maging isang lider dahil sa kanyang mahinang kakayahan. Sinabi pa niya nang harapan kay Wang Hui na magbitiw dahil sa kawalan nito ng kakayahan. Nang makita ni Chen Xia na hindi pa nagbibitiw si Wang Hui, nagsimula siyang gumawa ng gulo sa harap ng mga kapatid, sinasabing masyadong nakakapit si Wang Hui sa posisyon nito, at na atubili itong bitiwan iyon sa kabila ng kawalan nito ng kakayahan. Nailihis ni Chen Xia ang ilang kapatid at kumampi ang mga ito sa kanya, sinasabing hindi angkop si Wang Hui sa pamumuno at nagtawag siya ng isa pang eleksyon. Lumikha ito ng gulo sa iglesia, at naiwan sa isang negatibong kalagayan si Wang Hui. Gayundin, sa panahon ni Chen Xia bilang lider noong 2013, napansin ng isang brother na kumilos ang pamunuan laban sa mga prinsipyo habang ginagawa ang kanilang mga tungkulin at nagmungkahi ang brother, pero nang malaman ito ni Chen Xia, sinabi niya sa kapareha niya na dapat nilang bantayan ang brother na iyon at itala ang lahat ng sinabi nito, dahil magsisilbi itong ebidensiya kapag nag-ayos ng mga materyal para paalisin ito kalaunan. Kinondena pa ni Chen Xia ang brother na ito sa panghuhusga sa pamunuan at panggugulo sa gawain ng iglesia. Takot ang mga kapatid na magbigay ng mungkahi sa mga lider pagkatapos itong marinig, dahil takot silang baka makondena at patalsikin sila. Kalaunan, tinanggal si Chen Xia dahil nakipagkompetensiya siya para sa kasikatan at pakinabang, at isinagawa ang gawain nang hindi kinokonsulta ang mga katrabaho niya, madalas na binabalewala ang mga mungkahi ng mga katrabaho niya at kumikilos sa awtoridad niya, na nakapinsala sa gawain ng iglesia.

Sa pagkukumpara ko sa maraming pag-uugali ni Chen Xia, patuloy kong hinanap ang mga salita ng Diyos. Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Paano inihihiwalay at binabatikos ng mga anticristo ang mga naghahangad ng katotohanan? Madalas silang gumagamit ng mga pamamaraang nakikita ng iba bilang makatwiran at akma, gumagamit pa nga sila ng mga debate tungkol sa katotohanan para makakuha ng bentaha, para batikusin, kondenahin, at iligaw ang ibang tao. Halimbawa, iniisip ng isang anticristo na kapag ang kapareha niya ay mga taong naghahangad ng katotohanan, maaari itong maging banta sa kanyang katayuan, kaya magbibigay ang anticristo ng matatayog na sermon at magtatalakay ng mga espirituwal na teorya para iligaw ang mga tao at pataasin ang tingin ng mga ito sa kanya. Sa ganoong paraan, puwede niyang maliitin at supilin ang kanyang mga kapareha at katrabaho, at iparamdam sa mga tao na bagama’t ang mga kapareha ng kanilang lider ay mga taong naghahangad sa katotohanan, hindi sila kapantay ng kanilang lider pagdating sa kakayahan at abilidad. May mga tao pa ngang nagsasabing, ‘Matatayog ang mga sermon ng aming lider, at walang makakapantay roon.’ Para sa isang anticristo, sukdulang kasiya-siya na marinig ang ganoong komento. Iniisip niya, ‘Kapareha kita, wala ka bang ilang katotohanang realidad? Bakit hindi ka makapagsalita nang mahusay at may kataasan gaya ko? Lubos ka nang napahiya ngayon. Wala kang abilidad, pero naglalakas-loob kang makipagkompetensiya sa akin!’ Iyon ang iniisip ng anticristo. Ano ang mithiin ng anticristo? Sinusubukan niya ang lahat ng posibleng paraan para supilin at maliitin ang ibang tao, at para unahin ang kanyang sarili bago ang iba. … Ang mga pinakakinamumuhian ng isang anticristo sa iglesia ay ang mga taong naghahangad sa katotohanan, lalo na iyong mga may pagpapahalaga sa katarungan na maglalakas-loob na maglantad at magsumbong ng huwad na lider at anticristo. Itinuturing ng isang anticristo ang mga ganoong tao bilang karayom sa kanyang mga mata, bilang tinik sa kanyang dibdib. Kung may makita siyang tao na naghahangad sa katotohanan at gumaganap sa tungkulin nito nang maluwag sa kalooban, umuusbong ang pagkainis at pagkamuhi sa kanyang puso, na wala ni katiting na pag-ibig. Hindi lang hindi tutulong at hindi susuporta ang isang anticristo sa mga taong naghahangad sa katotohanan, ano pa man ang kanilang paghihirap o gaano man sila kahina o kanegatibo—hindi niya ito palalampasin lang. Sa halip, patago niyang ikatutuwa ito. At kung may nagparatang o naglantad sa kanya, sasamantalahin niya ang pagkakataong saktan ang taong iyon kapag ito ay mahina, aakusahan niya ito ng lahat ng uri ng pagkakasala upang turuan ito ng leksiyon, upang kondenahin ito, upang maipit ito, at sa huli, upang gawin itong napakanegatibo na hindi na nito magampanan pa ang tungkulin nito. Pagkatapos ay ipagmamalaki ng anticristo ang kanyang sarili at magsisimula siyang magalak sa kamalasan ng taong iyon. Sa ganitong uri ng bagay pinakamahusay ang mga anticristo; ang paghiwalay, pagbatikos, at pagkondena sa mga taong naghahangad sa katotohanan ang kanilang pinakamagaling na kadalubhasaan. … Bilang pagbubuod, batay sa mga pagpapamalas na ito ng mga anticristo, maaari nating matukoy na hindi nila ginagampanan ang tungkulin ng pamumuno, dahil hindi nila inaakay ang mga tao para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos o makipagbahaginan tungkol sa katotohanan, at hindi nila dinidiligan o tinutustusan ang mga tao, para hayaan silang makamit ang katotohanan. Sa halip, ginagambala at ginugulo nila ang buhay iglesia, nilalansag at winawasak ang gawain ng iglesia, at hinahadlangan ang mga tao sa landas ng paghahangad sa katotohanan at pagkakamit ng kaligtasan. Nais nilang iligaw ang mga taong hinirang ng Diyos at magdulot sa mga ito na mawalan ng pagkakataong mapagkalooban ng kaligtasan. Ito ang pangunahing layon na nais matupad ng mga anticristo sa paggambala at panggugulo sa gawain ng iglesia(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Aytem: Inihihiwalay at Binabatikos Nila ang mga Naghahangad sa Katotohanan). Inilalantad ng Diyos na ninanasa ng mga anticristo na mamuno sa iglesia, ginagamit ang mga doktrina at salita para iligaw ang mga walang pagkilatis, at na hindi sila titigil na atakihin at ibukod ang mga naghahangad ng katotohanan. Kinamumuhian pa nga nila ang mga nagmumungkahi sa kanila. Tinatrato nilang balakid ang mga taong ito, sinusunggaban ang kanilang mga kakulangan at mga pagbubunyag ng katiwalian at pinalalaki ang mga ito, sinasadyang hamakin at husgahan sila at binabansagan sila nang hindi patas. Nagdudulot ito para maisantabi at masupil ang mga kapatid na ito, hanggang sa tuluyan silang maging napakanegatibo na hindi nila magawa ang kanilang mga tungkulin. Sa ganito ay nakakamit ang mga layon ng mga anticristo, pinahihintulutan silang magkaroon ng kapangyarihan sa iglesia ayon sa gusto nila. Ganitong-ganito kumilos si Chen Xia. Ninasa niyang mamuno sa iglesia, sadyang sinusunggaban ang mga pagkukulang ni Wang Hui para maliitin, husgahan, at atakihin ito, sa pagtatangkang pagbitiwin ito sa kahihiyan, inililigaw ang mga kapatid para kumampi sa kanya laban kay Wang Hui sa kanyang mga pagtatangkang gawin iyon. Noong magsilbi bilang isang lider ng iglesia si Chen Xia, kung may nagbibigay ng mga mungkahi na nakaaapekto sa posisyon niya, hahanap siya ng mga paraan para pahirapan ang mga ito, binabansagan sila nang may hindi patas na mga akusasyon sa pagtatangka ni Chen Xia na paalisin sila. Matapos ilipat sa kanyang bagong tungkulin, para palitan ang lider ng pangkat, madalas niyang sunggaban ang mga pagbubunyag ng katiwalian ng lider ng pangkat para maliitin, husgahan, at atakihin ito, inililigaw ang mga tao para kumampi sa kanya upang ibukod ang lider ng pangkat. Lubha nitong ginulo ang gawain. Nang makita ko ang walang awang ambisyon ni Chen Xia para sa katayuan, nakita ko kung gaano talaga katraydor, katuso, at kamalisyoso ang mga salita at kilos niya. Hinimay ng mga lider ang diwa ng kanyang mga kilos at ang mga kahihinatnang dinala ng mga ito, pero tumanggi siyang tanggapin ito at nagpatuloy lamang na makipagtalo at bigyang-katwiran ang sarili niya. Hindi lamang ito basta personal na alitan; sa halip, sa ganito ay gumagawa siya ng kasamaan at lumalaban sa Diyos, at sinasalungat ang Diyos hanggang sa dulo! Napagtanto ko na malubha ang mga problema ni Chen Xia, at na isa siyang anticristong nanggulo sa gawain ng iglesia. Nang mapagtanto ko ito, masyado akong nabagabag. Nakita ko kung gaano ako naging hangal at bulag, at kung gaano kagulo ang isip ko at walang pagkilatis, talagang nanindigan ako para sa anticristong ito, at ang pamumuhay ko sa kalagayan ng pagkanegatibo at maling pagkaunawa ay nag-antala ng mga tungkulin ko. Nanalangin ako sa Diyos para sa pagsisisi at iniulat ang masasamang gawa ni Chen Xia sa iglesia. Sa huli, batay sa mga prinsipyo, tinukoy ng lahat na isang anticristo si Chen Xia, at pinatalsik siya mula sa iglesia.

Kalaunan, madalas kong pagnilayan ang usaping ito, iniisip na, “Nakipag-ugnayan ako kay Chen Xia sa loob ng maraming taon, kaya paanong ganap na wala akong pagkilatis sa kanya? Inakala ko pa ngang isa siyang taong naghangad ng katotohanan at tiningala at sinamba ko siya.” Sa aking paghahanap, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos kung saan nakita ko ang dahilan sa likod nito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nagagawa ng ilang tao na magtiis ng mga paghihirap, magsakripisyo, magpakita ng mabuting asal, maging medyo kagalang-galang, at magalak sa paghanga ng iba. Masasabi ba ninyo na maituturing na pagsasagawa ng katotohanan ang ganitong klase ng ipinapakitang pag-uugali? Matutukoy kaya ng isang tao na natutugunan ng gayong mga tao ang mga layunin ng Diyos? Bakit paulit-ulit na nakakakita ang mga tao ng gayong mga indibiduwal at iniisip nila na napapalugod nila ang Diyos, na tumatahak sila sa landas ng pagsasagawa ng katotohanan, at sinusundan ang daan ng Diyos? Bakit ganito ang iniisip ng ilang tao? Isa lamang ang paliwanag para dito. Ano ang paliwanag na iyon? Na para sa napakaraming tao, ang ilang katanungan—tulad ng ano ang ibig sabihin ng isagawa ang katotohanan, ano ang ibig sabihin ng palugurin ang Diyos, at ano ang ibig sabihin ng tunay na taglayin ang katotohanang realidad—ay hindi gaanong malinaw. Sa gayon, may ilang tao na madalas mailigaw ng mga tao na sa tingin ay mukhang espirituwal, marangal, matayog, at dakila. Tungkol naman sa mga taong mahusay bumigkas ng mga salita at doktrina, at ang pananalita at mga kilos ay tila karapat-dapat sa paghanga, yaong mga nalilinlang ng mga ito ay hindi natingnan kailanman ang diwa ng kanilang mga kilos, ang mga prinsipyo sa likod ng kanilang mga gawa, o kung ano ang kanilang mga mithiin. Bukod pa riyan, hindi nila natingnan kailanman kung tunay na nagpapasakop sa Diyos ang mga taong ito, ni hindi nila natukoy kailanman kung tunay na may takot sa Diyos ang mga taong ito o wala at umiiwas sila sa kasamaan o hindi. Hindi nila nahiwatigan kailanman ang pagkataong diwa ng mga taong ito. Sa halip, simula sa unang hakbang ng pagkilala sa kanila, unti-unti na nilang hinangaan at iginalang ang mga taong ito, at sa huli, naging mga idolo nila ang mga taong ito. Bukod pa riyan, sa isipan ng ilang tao, ang mga idolong sinasamba nila—at pinaniniwalaan nila na kayang iwan ang kanilang pamilya at trabaho, at tila paimbabaw na nagagawang magsakripisyo—ang mga tunay na nagpapalugod sa Diyos at talagang magtatamo ng magagandang kahihinatnan at hantungan. Sa kanilang isipan, ang mga idolong ito ang mga taong pinupuri ng Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain). “Ano ang pagkakaiba ng pagsisikap ng mga anticristo sa mga salita ng Diyos at ng pagsisikap ng mga naghahangad sa katotohanan? (Magkaiba ang layunin at mithiin. Pinagsisikapan ng mga anticristo ang mga salita ng Diyos para sa kanilang sariling kapakinabangan at katayuan, para matugunan ang kanilang mga personal na ambisyon.) Ano ang pagsisikap ng mga anticristo sa mga salita ng Diyos? Kinakabisado nila ang bahagi ng mga salita ng Diyos na umaayon sa kanilang mga kuru-kuro, natututunan nilang ipaliwanag ang mga salita ng Diyos gamit ang wika ng tao, at isinusulat ang mga espirituwal na tala at kabatiran. Sinasala, binubuod, at inoorganisa nila ang iba’t ibang pahayag ng Diyos, tulad ng mga pinaniniwalaan ng mga tao na umaayon sa mga kuru-kuro ng tao, iyong madaling mahiwatig na may tono ng pagsasalita ng Diyos, ilang salita tungkol sa mga hiwaga, at ilang salita ng Diyos na popular at madalas na ipinapangaral sa iglesia sa loob ng isang panahon. Bukod sa pagkakabisado, pag-oorganisa, pagbubuod, at pagsusulat ng mga kabatiran, siyempre, may iba pa, kabilang na ang ilang kakaibang aktibidad. Magbabayad ng anumang halaga ang mga anticristo upang magtamo ng katayuan matugunan ang kanilang ambisyon, at makamit ang mithiin nilang makontrol ang iglesia at maging diyos. Madalas silang nagpapakapuyat sa pagtatrabaho at gumigising nang madaling-araw, gumagawa nang dis-oras ng gabi at ineensayo ang kanilang mga sermon sa madaling araw, at itinatala rin nila ang matatalinong bagay na sinasabi ng iba, para lamang sangkapan ang kanilang sarili ng mga doktrinang kailangan nila para makapagbigay ng matatayog na sermon. Araw-araw nilang pinag-iisipan kung paano ipapahayag ang matataas na sermong ito, pinagmumuni-munihan kung alin sa mga salita ng Diyos ang pinakakapaki-pakinabang, at ang makapagpapahanga at makaaani ng papuri mula sa mga hinirang na tao ng Diyos, at pagkatapos ay kinakabisado nila ang mga salitang iyon. Pagkatapos ay pag-iisipan nila kung paano bigyang kahulugan ang mga salitang iyon sa paraang naipapakita ang kanilang dunong at katalinuhan. Upang talagang maikintal ang salita ng Diyos sa puso nila, sinisikap nilang makinig sa salita Niya nang ilang beses pa. Ginagawa nila ang lahat ng ito nang may pagsisikap katulad ng mga estudyanteng iyon na nakikipagkompetensiya para makapasok sa kolehiyo. Kapag may isang taong nagbibigay ng mabuting sermon, o may isang nagbibigay ng kaunting pagtanglaw, o may isang nagbibigay ng ilang teorya, titipunin at pagsasama-samahin ito ng isang anticristo at gagawin niya itong sarili niyang sermon. Walang tindi ng pagsisikap ang masyadong malaki para sa isang anticristo. Ano, kung gayon, ang motibo at intensyon sa likod ng pagsisikap niyang ito? Ito ay ang magawang ipangaral ang mga salita ng Diyos, ang masabi ang mga ito nang malinaw at walang kahirap-hirap, ang magkaroon ng kadalubhasaan sa mga ito, nang sa gayon ay makita ng iba na mas espirituwal ang anticristo kaysa sa kanila, mas mapagpahalaga sa mga salita ng Diyos, at mas mapagmahal sa Diyos. Sa ganitong paraan, maaaring makuha ng isang anticristo ang paghanga at pagsamba ng ilan sa mga taong nasa paligid nila. Pakiramdam ng isang anticristo ay may katuturang gawin ang bagay na ito at sulit ang kahit ano pang pagsisikap, sakripisyo, o paghihirap para rito(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikapitong Bahagi)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto kong mataas ang tingin ko kay Chen Xia at inakala kong hinangad niya ang katotohanan dahil kumapit ako sa maling pananaw. Tiningnan ko ang mga nagsakripisyo, naggugol ng kanilang sarili, at nagpunyagi, at ang mga nagbigay nang lubos na pagsisikap sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, bilang mga taong may mga realidad at mga tunay na naghangad ng katotohanan. Nauunawaan ko na ngayon na ang paggawa lamang ng tungkulin ng isang tao, pagsasakripisyo, paggugugol ng sarili, pagdurusa, at pagbabayad ng halaga ay mabubuting ugali lamang, at hindi ibig sabihin niyon na tunay na hinahangad o isinasagawa ng isang tao ang katotohanan. Napagtanto ko rin na ang paglalagay ng lubos na pagsisikap sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos ay hindi nangangahulugang pinahahalagahan ng isang tao ang mga salita ng Diyos o minamahal ang katotohanan. Dapat itong suriin batay sa mga layunin ng isang tao sa kanyang mga kilos, kung isinasagawa ba niya ang mga salita ng Diyos, at kung nagbago ba ang disposisyon niya. Pagkatapos matagpuan ang Diyos, ginawa ni Chen Xia ang mga tungkulin niya sa iglesia at nagawang magtiis ng mga paghihirap, pero ang mga sakripisyo at paggugugol niya ay hindi para isagawa ang katotohanan upang tugunan ang Diyos, sa halip, hinangad niya ang reputasyon at katayuan para makamit ang paghanga at pagsamba ng iba. Noong panahon ng sobrang taglamig, gumigising si Chen Xia bago magbukang-liwayway upang basahin ang mga salita ng Diyos, minsan ay nagpupuyat pa para basahin, kopyahin, at isaulo ang mga salita ng Diyos. Lubos niyang pinagsikapan ang mga salita ang Diyos, pero ang nakapailalim na motibasyon niya ay para pa rin sa kapakanan ng kanyang posisyon niya. Ginamit niya ang mga salita ng Diyos bilang kasangkapan upang magkamit ng reputasyon at katayuan, ginagamit ang mga pagkakataon nag ibahagi ang mga salita ng Diyos para umani ng paghanga at pagsamba ng mga kapatid. Napakarami niyang binasang salita ng Diyos, pero hindi siya nagpakita ng mga tanda ng pagsasagawa sa mga ito o pag-aayos ng kanyang tiwaling disposisyon. Sa halip, palagi niyang hinangad ang reputasyon at katayuan, madalas na pinangangaralan at pinipigilan ang iba sa mapagmataas na pamamaraan. Kapag tinukoy ng iba ang mga isyu niya, hindi niya tatanggapin ang sinabi nila at susubukang supilin at pahirapan sila. Kitang-kita na hindi niya binasa ang mga salita ng Diyos para isagawa ang katotohanan, kung hindi, paanong nabasa niya ang napakaraming salita ng Diyos nang walang kahit anong pagbabago sa disposisyon niya? Sa halip, unti-unti siyang naging mayabang at mas lalong tumindi ang paghahangad niya sa reputasyon at katayuan. Ganap nitong ibinunyag ang diwa ng pagtutol at pagkamuhi sa katotohanan ni Chen Xia. Ang mga tunay na nagmamahal sa katotohanan ay nagpapahalaga at nagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Gaya ni Pedro, madalas niyang pagnilayan ang mga salita ng Diyos at isinama ito sa kanyang tunay na buhay, at nagawa niyang mahigpit na isagawa at pumasok ayon sa mga salita ng Diyos sa mga bagay na nakaharap niya, at sa huli, nagbago ang buhay disposisyon niya. Mula rito, nakita ko na para masuri kung naghahangad ba ng katotohanan ang isang tao, hindi tayo puwedeng basta tumingin lang sa kanyang mga panlabas na sakripisyo at paggugugol, kung gaano karaming salita ng Diyos ang binasa niya, o kung kaya ba niyang makipagbahaginan sa iba, at na dapat nating pangunahing pagtuunan kung kaya ba niyang isagawa ang mga salita ng Diyos sa mga sitwasyong kinakaharap niya, pagtuunan ang paghahanap sa katotohanan, pagninilay-nilay at pagkilala sa kanyang sarili, at kung mayroon ba siyang buhay pagpasok. Nakita ko lamang ang kitang-kitang abilidad ni Chen Xia na magsakripisyo, gugulin ang sarili niya, at magsumikap sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, kaya sinamba ko siya, iniidolo ko pa nga siya sa puso ko. Noong mabalitaan ko ang pagpapatalsik sa kanya mula sa iglesia, gusto ko siyang ipagtanggol. Nakita ko na hindi ko naunawaan ang katotohanan at nabigong suriin ang mga tao ayon sa mga salita ng Diyos. Naging napakahangal ko!

Tinanong ko rin ang sarili ko, “Bakit kaya nang mabalitaan ko na patatalsikin si Chen Xia, naging napakanegatibo at mahina ako, at tumigil pa nga ako sa kagustuhang gawin ang mga tungkulin ko?” Kalaunan, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa sandaling ang mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao ay maging ang mga prinsipyo at pamantayan ng pagtingin nila sa mga tao at bagay at ng pag-asal at pagkilos nila, kung gayon, paano man sila manampalataya sa Diyos, o paano man sila maghangad, at gaano mang paghihirap ang pagdusahan nila o gaano mang halaga ang bayaran nila, mawawalan ng saysay ang lahat ng ito. Hangga’t ang isang tao ay namumuhay ayon sa mga kuru-kuro at imahinasyon niya, ang taong ito ay lumalaban sa Diyos at mapanlaban sa Kanya; wala siyang tunay na pagpapasakop sa mga kapaligirang isinaayos ng Diyos o sa mga hinihingi ng Diyos. Sa huli, kung gayon, magiging lubhang kalunos-lunos ang kalalabasan niya. Kung maraming taon ka nang nananampalataya sa Diyos, at ginugol mo ang sarili mo para sa Kanya, nagpapakaabala ka at nagbabayad ng malaking halaga, pero ang simula at pinagmulan ng lahat ng ginagawa mo ay ang sarili mong mga kuru-kuro at imahinasyon, hindi ka tunay na tumatanggap at nagpapasakop sa Diyos. … Katulad lang ito mismo ng ipinamalas ni Pablo: Marami siyang ginawang gawain at nagpakaabala siya nang husto, ipinangangaral niya ang ebanghelyo sa malaking bahagi ng Europa, pero gaano mang paghihirap ang pinagdusahan niya at gaano mang halaga ang ibinayad niya, o gaano man siya nagpakaabala, hindi siya kailanman nagkaroon ng mga kaisipan at pananaw na naaayon sa katotohanan, hindi niya kailanman tinanggap ang katotohanan, at hindi siya kailanman nagkaroon ng saloobin at tunay na karanasan ng pagpapasakop sa Diyos—palagi siyang namumuhay sa loob ng sarili niyang mga kuru-kuro at imahinasyon. Ano ang kanyang partikular na karanasan at imahinasyon? Ito ay na kapag natapos na niya ang takbo at nakipagbaka na ng mabuting pakikibaka, may putong ng katuwirang nakahanda para sa kanya—ito ang kuru-kuro at imahinasyon ni Pablo. Ano ang partikular na teoretikal na batayan ng kanyang kuru-kuro at imahinasyon? Na tutukuyin ng Diyos ang kalalabasan ng isang tao batay sa dami ng pagpapakaabalang ginawa niya, sa halagang ibinayad niya, at kung gaano karaming paghihirap ang pinagdusahan niya. Sa ganoon lamang na teoretikal na batayan ng kanyang kuru-kuro at imahinasyon na hindi namalayan ni Pablo na tumahak siya sa landas ng mga anticristo. Bilang resulta, nang marating niya ang dulo ng daan, wala siyang anumang pagkaunawa sa kanyang pag-uugali at mga pagpapamalas ng paglaban sa Diyos o sa kanyang diwa ng paglaban sa Diyos, lalong wala siyang anumang pagsisisi. Pinanghawakan pa rin niya ang kanyang orihinal na kuru-kuro at imahinasyon habang nananampalataya sa Diyos, at hindi lang sa wala siyang ni katiting na pagpapasakop sa Diyos, kundi sa kabaligtaran, naniwala siyang mas may karapatan siyang makatanggap ng mabuting kalalabasan at hantungan mula sa Diyos bilang kapalit. Ang ‘bilang kapalit’ ay magandang pakinggan, sibilisadong paraan ng paglalarawan nito, pero sa katunayan ay hindi ito isang palitan, ni isang transaksiyon—direkta niyang hinihingi sa Diyos ang mga bagay na ito, malinaw na hinihingi ang mga ito sa Diyos. Paano niya hiningi ang mga ito sa Diyos? Tulad lang ng sinabi niya, ‘Natapos ko na ang aking takbo, nakipagbaka na ako ng mabuting pakikibaka—sa akin na ngayon ang putong ng kaluwalhatian. Ito ang nararapat sa akin at ito ang dapat na ibigay ng diyos sa akin.’ Ang landas na tinahak ni Pablo ay isang landas ng paglaban sa Diyos, na nagdala sa kanya sa pagwasak, at ang huling kinalabasang sumapit sa kanya ay ang pagpaparusa. Hindi ito maihihiwalay mula sa kanyang kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 2). Nakadama ako ng pagkanegatibo nang mabalitaan ko na pinatalsik ng iglesia si Chen Xia, dahil pinanghawakan ko ang isang nakalilinlang na pananaw. Inakala ko na ang mga gumugugol ng kanilang sarili at nagsasakripisyo nang marami at nagsikap, ay tatanggap ng isang magandang kalalabasan at destinasyon mula sa Diyos. Kaya nang makita ko na bagama’t nagsakripisyo at nagdusa si Chen Xia, at kahit na pagkatapos ng maraming taon ng paggawa sa kanyang tungkulin, sa huli ay pinatalsik pa rin siya ng iglesia, hindi ko talaga ito maunawaan. Naisip ko rin kung paanong hindi ako nagsakripisyo nang gaya sa kanya, at na hindi pa ako nakagawa ng kasing dami ng tungkuling nagawa niya, kaya sa tingin ko, sa malao’t madali ay maititiwalag din ako, at naging napakanegatibo ko, na ayaw ko nang magbayad ng halaga o gugulin ang sarili ko. Napagtanto ko na pagkatapos ng mga taong ito ng pananampalataya sa Diyos, namumuhay pa rin ako sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao. Itinatakda ng Diyos ang kalalabasan ng isang tao hindi batay sa kung gaano siya katagal nang nananampalataya, kung gaano karaming doktrina ang kaya niyang ipangaral, kung gaano karaming gawain ang nagawa niya, kung gaano siya nagdusa, o kung gaano sa salita ng Diyos ang naisaulo niya, kundi sa halip ay kung hinahangad ba niya ang katotohanan, kung nagbago ba ang kanyang tiwaling disposisyon, at kung ang layunin ba niya sa kanyang mga tungkulin at pagdurusa ay para tugunan ang Diyos. Kung hindi talaga isinasagawa ng isang tao ang mga salita ng Diyos at ginagawa lamang ang kanyang mga tungkulin para subukan at makipagtawaran sa Diyos, kung gayon, kahit pa kayang magsakripisyo ng gayong tao, gugulin ang kanyang sarili, at magsikap, sa huli, kung hindi man lang nagbago ang kanyang buhay disposisyon, at lantaran siyang lumalaban sa Diyos, sasalungatin niya ang disposisyon ng Diyos. Gaya ni Pablo, nagbayad siya ng malaking halaga at sobrang ginugol ang kanyang sarili, pero hindi niya ito ginawa para magtamo ng katotohanan o para kamtin ang isang pagbabago sa kanyang disposisyon, kundi sa halip ay matamo ang mga pagpapala at isang korona. Samakatuwid, kahit pagkatapos ng maraming taon ng paggawa, hindi man lang nagbago ang kanyang mayabang, palalo, at naghahanap ng pakinabang na kalikasan, at sa huli, ginamit pa niya ang kanyang pagsisikap bilang kapital upang humingi ng isang matuwid na korona mula sa Diyos, hayagan Siyang tinutuligsa. Sinalungat nito ang disposisyon ng Diyos at humantong sa kaparusahan kay Pablo. Gusto ko ring ipagpalit para sa isang magandang hantungan ang pagdurusa at paggugol ko, at nang makita ko na wala akong maaasahang mga pagpapala, ni ayaw kong gawin ang mga tungkulin ko. Hindi ba’t katulad ng kay Pablo ang mga pananaw ko sa paghahangad? Ganap na makatwiran at likas para sa mga nilikha na gawin ang kanilang mga tungkulin. Hindi ako tumayo sa posisyon ko bilang isang nilikha para gawin nang taimtim ang mga tungkulin ko. Sa halip, gusto kong gamitin ang pagdurusa at paggugol ko sa aking mga tungkulin para matamo ang isang magandang kalalabasan at hantungan, at nang madama kong hindi ko makuha ang mga bagay na ito, inakala kong hindi matuwid ang Diyos. Sa ganito, nilalabanan ko ang Diyos at sinasalungat ang disposisyon Niya. Sa kalikasan ay napakalala ng problemang ito. Kung hindi ko binago ang pananaw ko, maititiwalag din ako ng Diyos! Ang pagkaunawa rito ay nagpadama sa akin ng labis na pagsisi at pagkakonsensiya, at gusto kong magsisi sa Diyos.

Kalaunan, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Bilang isang nilikha, dapat hangaring tuparin ng tao ang tungkulin ng isang nilikha, at hangaring mahalin ang Diyos nang hindi pumipili ng iba pa, sapagkat ang Diyos ay karapat-dapat sa pagmamahal ng tao. Yaong mga naghahangad na mahalin ang Diyos ay hindi dapat maghangad ng anumang personal na mga pakinabang o hangarin yaong personal nilang inaasam; ito ang pinakatamang paraan ng paghahangad. Kung hinahangad mo ang katotohanan, kung isinasagawa mo ang katotohanan, at kung nagtatamo ka ng pagbabago sa iyong disposisyon, tama ang landas na iyong tinatahak. Kung hinahangad mo ang mga pagpapala ng laman, at isinasagawa mo ang katotohanan ng sarili mong mga kuru-kuro, at kung walang pagbabago sa iyong disposisyon, at hindi ka mapagpasakop kailanman sa Diyos na nasa katawang-tao, at nabubuhay ka pa rin sa kalabuan, siguradong dadalhin ka sa impiyerno ng iyong hinahangad, sapagkat ang landas na iyong tinatahak ay ang landas ng kabiguan. Kung gagawin kang perpekto o ititiwalag ay depende sa iyong sariling paghahangad, na ibig ding sabihin ay ang tagumpay o kabiguan ay depende sa landas na tinatahak ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Nagbalik-tanaw ako noong nanampalataya ako sa Diyos para lang hanapin ang mga pagpapala. Sa madaling salita, hinahangad ko ang personal na pakinabang at isang magandang hantungan, at sa huli, hindi ako magkakamit ng anumang katotohanan, at hindi magbabago ang disposisyon ko, kaya ititiwalag pa rin ako ng Diyos. Ngayon ay nakikita ko na mali ang landas na hinahangad ko dati, at na ang tamang landas sa pananampalataya sa Diyos ay ang hangaring mahalin ang Diyos, ang gawin ang mga tungkulin ng isang nilikha, ang hangarin ang katotohanan sa aking mga tungkulin, at ang iwaksi ang aking tiwaling disposisyon. Ito ay mahalaga at makabuluhan. Katulad lang ito ng landas na tinahak ni Pedro. Tumuon siya sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos sa lahat ng bagay, at tinanggap niya ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, nagkamit ng pagkaunawa sa kanyang tiwaling disposisyon, at sa huli, isinabuhay niya ang realidad ng pagmamahal sa Diyos. Sa pagninilay-nilay ko rito, naunawaan ko na kung matanggap man ng isang tao ang mga pagpapala o hindi ay hindi dapat maging layon ng pananampalataya sa Diyos, at na ang pagkaunawa sa katotohanan at pagwawaksi sa katiwalian ng isang tao sa kanyang mga tungkulin ay ang pinakamakabuluhan at ang tamang landas. Ipinatanto sa akin ng karanasang ito na napakahalaga na tingnan ang mga tao at usapin batay sa mga katotohanang prinsipyo!

Sinundan: 42. Alam Ko Na Ngayon ang Mga Benepisyo ng Pagsusulat ng Mga Artikulo ng Patotoong Batay sa Karanasan

Sumunod: 45. Hindi Ko na Pinipili ang Aking mga Tungkulin Batay sa Kagustuhan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito