20. Hindi na Nakagapos sa Kasikatan at Katayuan

Ni Xiao Han, Tsina

Nagbibisikleta si Ling Xin pababa sa isang bakanteng kalye. Noon ay ang pinakamaginaw na bahagi ng taglamig, at nagpanginig nang husto sa kanya ang nanunuot na hangin. Puno ng pagkabalisa ang kanyang puso. Papunta siya sa isang pagtitipon kasama ang ilang tagadilig, at nabalitaan niyang dalawa sa mga kapatid ang partikular na seryoso sa kanilang gawain, palaging masigasig sa paghahanap ng solusyon sa mga suliranin. Nag-alala si Ling Xin habang kanyang iniisip, “Napakabata ko pa at kasisimula ko pa lamang bilang superbisor. Paano kung hindi ko malutas ang kanilang mga suliranin? Gaano magiging kahihiya-hiya iyon?” Ninais niyang mas bagalan ang pagbibisikleta, ngunit hindi siya hinahayaan ng malamig na ihip ng hangin na magtagal sa kalsada. Binilisan niya ang pagpadyak, nagmamadali patungo sa pagtitipon.

Noong makarating si Ling Xin sa bahay ng nag-anyaya, nagpalitan ng pagbati ang lahat at nagsimulang magbahaginan at maglahad tungkol sa kanilang gawain. Nang lumaon, nabaling ang pagbabahaginan sa kahalagahan ng pagdurusa habang ginagampanan ng isang tao ang kanyang tungkulin. Ibinahagi ni Ling Xin ang pagkaunawa niya sa paksang ito. Matapos makinig sa kanya, sinabi ng isa sa mga tagadilig na si Brother Su Rui, “Upang malutas ang isyu ng takot sa pagdurusa habang ginagampanan ang ating tungkulin, hindi lamang natin kailangang maunawaan ang kahulugan ng pagdurusa kundi kailangan din nating himayin kung aling aspekto ng ating tiwaling disposisyon ang nagbibigay-daan sa palaging pagpapasasa sa mga ginhawa. Dati akong may pakialam sa laman at umiiwas sa pagdurusa, ngunit binasa ko ang mga salita ng Diyos….” Habang nakikinig si Ling Xin, para bang direktang nagbabahagi sa kanya si Su Rui, at bigla niyang naramdamang nag-iinit ang kanyang mga pisngi, iniisip na, “Napansin ba ni Su Rui ang mga pagkukulang ko? Iniisip ba niyang hindi ako masyadong maaasahan bilang superbisor? Iniisip ba niyang napakababaw ng aking buhay pagpasok, subalit narito ako at nakikipagbahaginan sa kanila!” Hindi mapakali si Ling Xin.

Buong hapon na maraming itinanong ang mga kapatid, at hindi natigil sa pag-iisip si Ling Xin, hindi makapangahas na magpahinga kahit sandali. Pagkatapos, may isang pang itinanong si Su Rui na hindi malinaw na masagot ni Ling Xin. Matapos niyang ibahagi ang kanyang mga iniisip, hindi pa rin naunawaan ni Su Rui ang sagot, at natahimik silang lahat. Nagpatuloy ang pagpitik ng orasan, at ang marahang tunog ng paggalaw nito ay talagang malakas at malinaw nang sandaling iyon. “Ano ang dapat nating gawin ngayon?” Pagbasag ni Brother Li Yang sa katahimikan. Sumagot si Su Rui, “Hinihintay nating magbahagi ang superbisor. Hindi pa malinaw na napagbabahaginan ang isyung ito.” Naiilang na ngumiti si Ling Xin at sinubukang manatiling kalmado, sinasabi na, “Iniisip ko pa ang tungkol dito.” Ngunit sa loob-loob niya, magulong-magulo ang kanyang isipan, at balisa at nag-aalala siya. “Paano kung hindi ko malutas ang isyung ito? Hindi ba ito magiging kahiya-hiya?” Sa kabutihang-palad, sunud-sunod na nagsimulang magbahagi ang lahat, at nalutas ang isyu kahit papaano. Mahabang bumuntong-hininga si Ling Xin, at sinulyapan ang oras sa kanyang kompyuter—nagdidilim na— kaya dagli niyang inayos ang kanyang mga gamit at nagmamadaling lumabas.

Nang makabalik siya, lubog na ang araw, at ang huling bahagi ng takipsilim ay unti-unti nang naglalaho, iniiwan si Ling Xin na may mukha na puno ng pagkadismaya at kawalan. Naisip niya, “Matapos ang mahabang araw, nabisto ako ng mga kapatid. Ninais kong makapag-iwan sa iba ng mabuting impresyon, ngunit hindi ako makapaniwalang ganito ang kinalabasan. Sasabihin ba nilang hindi ko ginagawa nang maayos ang trabaho ko bilang isang superbisor? Sasabihin ba nilang mababaw ang aking buhay pagpasok at hindi rin mahusay ang aking mga kasanayan? Bakit napakarami nilang mga tanong? Hindi ba maaaring kakaunti lamang ang itanong nila?” Dumaraing si Ling Xin sa puso niya, “Hindi na ako pupunta sa grupong ito. Mas pumupunta ako, mas mapapahiya ako. Mayroon naman akong katuwang na sister. Hahayaan ko na lamang na siya ang pumunta.”

Pagkatapos ng insidenteng ito, sa loob ng mahabang panahon ay hindi magawa ni Ling Xin na makaramdam ng katiwasayan. Sa tuwing magkakaroon ng mga pagtitipon para sa mga tagadilig, ang nais niya lamang ay tumakbo palayo. Alam niyang namumuhay siya sa isang tiwaling disposisyon, kaya sadya siyang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos hinggil sa kanyang kalagayan. Binasa niya ang mga salita ng Diyos: “Ang pagtayo sa tamang lugar ng isang nilikha at ang maging isang ordinaryong tao: Madali ba itong gawin? (Hindi ito madali.) Ano ang mahirap dito? Ito iyon: Pakiramdam lagi ng mga tao na maraming limbo at titulo ang nakapatong sa kanilang ulo. Binibigyan din nila ang kanilang sarili ng identidad at katayuan ng mga dakilang tao at superman at nakikibahagi sila sa lahat ng pakunwari at huwad na pagsasagawa at pakitang-taong palabas na iyon. Kung hindi mo bibitiwan ang mga bagay na ito, kung laging napipigilan at nakokontrol ng mga bagay na ito ang iyong mga salita at gawa, mahihirapan kang pumasok sa realidad ng salita ng Diyos. Magiging mahirap na huwag kang maligalig na makahanap ng mga solusyon sa mga bagay na hindi mo nauunawaan at dalhin ang gayong mga bagay sa harapan ng Diyos nang mas madalas at mag-alay sa Kanya ng tapat na puso. Hindi mo ito magagawa. Ito ay dahil mismo ang iyong katayuan, mga titulo, identidad, at ang lahat ng gayong mga bagay ay huwad at hindi totoo, dahil sinasalungat at kinokontra ng mga ito ang mga salita ng Diyos, kaya nagagapos ka ng mga bagay na ito para hindi ka makalapit sa harapan ng Diyos. Ano ang idinudulot ng mga bagay na ito sa iyo? Dahil sa mga ito, nagiging mahusay kang magbalatkayo, magkunwaring nakakaunawa, magkunwaring matalino, magkunwaring isang dakilang tao, magkunwaring isang sikat na tao, magkunwaring may-kakayahan, magkunwaring marunong, at magkunwari pa nga na alam mo ang lahat ng bagay, na may kakayahan ka sa lahat ng bagay, at na kaya mong gawin ang lahat ng bagay. Ginagawa mo ito para sambahin at hangaan ka ng iba. Lalapit sila sa iyo dala-dala ang lahat ng kanilang problema, umaasa sa iyo at tinitingala ka. Kaya, para bang isinasalang mo ang iyong sarili sa apoy. Sabihin mo sa Akin, masarap bang masalang sa apoy? (Hindi.) Hindi mo nauunawaan, pero wala kang lakas ng loob na sabihing hindi mo nauunawaan. Hindi mo makita kung ano ang totoo, pero wala kang lakas ng loob na sabihing hindi mo makita kung ano ang totoo. Halata namang nagkamali ka, pero wala kang lakas ng loob na aminin ito. Namimighati ang iyong puso, pero wala kang lakas ng loob na sabihin, ‘Sa pagkakataong ito ay kasalanan ko talaga, may pagkakautang ako sa Diyos at sa aking mga kapatid. Nakapagdulot ako ng matinding kawalan sa sambahayan ng Diyos, pero wala akong lakas ng loob na tumayo sa harapan ng lahat at aminin ito.’ Bakit hindi ka naglalakas loob na magsalita? Naniniwala ka, ‘Kailangan kong ingatan ang reputasyon at limbo na ibinigay sa akin ng aking mga kapatid, hindi ko maaaring madismaya ang mataas na pagtingin at tiwala nila sa akin, lalo na ang mga inaasahan nila sa akin na pinanghawakan nila sa loob ng maraming taon. Samakatwid, kailangan kong patuloy na magkunwari.’ Anong klaseng pagbabalatkayo iyon? Matagumpay mong ginawang dakilang tao at superman ang iyong sarili. Gusto kang lapitan ng mga kapatid para pagtanungan, konsultahin, at hingan pa nga ng payo tungkol sa anumang problemang kinakaharap nila. Tila hindi nila kayang mabuhay nang wala ka. Pero hindi ba’t namimighati ang iyong puso? Siyempre, hindi nararamdaman ng ibang tao ang kapighatiang ito. Hindi nararamdaman ng isang anticristo ang kapighatiang ito. Sa halip, naaaliw siya rito, iniisip na ang kanyang katayuan ay nakahihigit kaninuman. Subalit, ang isang pangkaraniwan at normal na tao ay nakakaramdam ng pighati kapag nasasalang siya sa apoy. Pakiramdam niya ay wala siyang kuwenta, na tulad lamang siya ng isang ordinaryong tao. Hindi siya naniniwala na mas malakas siya kaysa sa iba. Hindi lamang niya iniisip na hindi niya maisakatuparan ang anumang praktikal na gawain, kundi maaantala rin niya ang gawain ng iglesia at maaantala ang mga hinirang ng Diyos, kaya aakuin niya ang sisi at magbibitiw siya. Isa itong taong may katwiran(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananampalataya sa Diyos). Pinagbulayan ni Ling Xin ang mga salita ng Diyos at napagtantong nabubuhay siya para sa reputasyon at katayuan, isinasaalang-alang sa bawat sitwasyon kung paano pananatilihin ang kanyang katayuan at posisyon bilang isang superbisor. Nagbalik-tanaw siya sa panahon bago siya naging superbisor. Hindi pa siya kailanman nakapagdala ng isang pasanin, hindi alintana kung ibinabahagi niya ang katotohanan o ipinararating at sinasaliksik ang mga tanong na hindi niya naunawaan sa mga tao. Ibabahagi niya ang hanggang sa nalalaman niya, hindi natatakot na makapagsabi ng mali ni makaramdam ng kaba sa kawalan niya ng pang-unawa. Alam na niyang mababaw ang kanyang buhay pagpasok at na hindi niya lubos na naarok ang ilang prinsipyo, kaya kinailangan niyang makipagbahaginan at maghanap pa upang mapunan ang pagkukulang niya. Ngunit ngayon, nagbago na ang sitwasyon dahil sa pagiging superbisor. Pakiramdam niya ay kailangan niyang palaging maging mas magaling kaysa sa iba pang mga kapatid, na ang pagbabahagi niya ng katotohanan ay kailangang mas malalim, at hindi puwedeng masyadong mababa ang kakayahan niya sa gawain. Inakala niyang kailangang magawa niyang magbahagi ng mga solusyon sa mga itinatanong ng ibang tao; kung hindi, mamaliitin siya ng mga kapatid. Noong dumalo siya sa mga pagtitipon, ipinunto ni Su Rui ang mga kakulangan niya sa pakikipagbahaginan ng katotohanan. Nakaharap din niya ang ilang suliranin na hindi niya malinaw na nauunawaan, at bagaman hindi niya alam ang mga sagot, ayaw niya itong aminin. Naging abala siya sa pag-iisip sa kanyang sariling dangal at katayuan, at nabagabag. Nag-alala rin siya na kung magpapatuloy siya sa pagdaraos ng mga pagtitipon na kasama ang mga tagadilig, lalo lamang niyang ipapahiya ang kanyang sarili, kaya naging atubili siyang dumalo, iniisip na mapagtatakpan nito ang kanyang mga kakulangan at kamalian, at mapangangalagaan ang kanyang imahe bilang superbisor. Napagtanto ni Ling Xin na inilagay niya ang kanyang sarili sa pedestal, at na sinusubukan niyang magkunwari bilang isang dakilang tao na walang mga pagkukulang. Naging tunay siyang mayabang at walang kaalaman sa sarili! Normal naman para sa kanya ang ilantad ang sarili niyang mga isyu at pagkukulang sapagkat bago lamang siya bilang isang superbisor, at ginagamit ng Diyos ang mga isyu at paghihirap na ito bilang mga oportunidad para isagawa niya. Kinailangan niyang taimtim na hangarin ang mga katotohanang prinsipyo upang lutasin ang mga suliraning ito, kaysa sa piliing iwasan ang mga ito dahil hindi sapat ang tingin niya sa kanyang sarili; higit pa rito, sa paggawa ng huli, hindi niya natutupad ang kanyang mga responsibilidad. Nakita ni Ling Xin ang mga hinihingi ng Diyos sa mga tao: “Huwag kang mabalisang maghanap ng mga solusyon sa mga bagay na hindi mo nauunawaan; dalhin ang gayong mga bagay sa harapan ng Diyos nang mas madalas, at mag-alay sa Kanya ng tapat na puso(Pagbabahagi ng Diyos). Naunawaan ni Ling Xin na nais ng Diyos na kapag humaharap ang mga tao sa mga bagay na hindi nila nauunawaan, na lumapit sana sila nang madalas sa Kanyang harapan upang manalangin at maghangad nang may sinserong puso. Ngunit mahigpit siyang nakagapos sa kanyang alalahanin para sa dangal at katayuan, palaging iniisip kung paanong mapananatili ang kanyang imahe at katayuan. Alam niyang maraming kulang sa kanya, ngunit hindi niya naisip kung paanong lulutasin ang mga suliranin upang isulong ang gawain. Na isang mabuting bagay na ang mga kapatid ay medyo seryoso sa kanilang gawain; samatalang siya, dahil hindi magawang maunawaan ang katotohanan at lutasin ang mga suliranin, ay sinisi ang iba sa pagtatanong ng napakarami— tunay siyang naging manhid sa katwiran! Matapos mapagtanto ang mga bagay na ito, nagpatuloy si Ling Xin sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at natagpuan ang isang landas ng pagsasagawa.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sabihin ninyo sa Akin, paano kayo magiging ordinaryo at normal na mga tao? Gaya ng sinasabi ng Diyos, paano kayo tatayo sa tamang lugar ng isang nilikha—paano ninyo magagawang hindi subukang maging isang pambihirang tao, o maging kung sinong dakilang tao? Paano ka dapat magsagawa upang maging isang ordinaryo at normal na tao? Paano ito magagawa? … Una, huwag mong bigyan ng titulo ang sarili mo at huwag kang magpagapos dito, na sinasabing, ‘Ako ang lider, ako ang pinuno ng grupo, ako ang tagapangasiwa, walang nakaaalam sa gawaing ito nang higit sa akin, walang nakauunawa sa mga kasanayan nang higit sa akin.’ Huwag kang mahumaling sa titulong ibinigay mo sa sarili. Sa sandaling gawin mo ito, itatali nito ang iyong mga kamay at paa, at maaapektuhan ang iyong sinasabi at ginagawa. Maaapektuhan din ang normal mong pag-iisip at paghusga. Dapat mong palayain ang iyong sarili sa mga limitasyon ng katayuang ito. Ibaba mo muna ang iyong sarili mula sa opisyal na titulo at posisyon na ito at tumayo ka sa lugar ng isang pangkaraniwang tao. Kung gagawin mo ito, magiging medyo normal ang mentalidad mo. Dapat mo ring aminin at sabihin na, ‘Hindi ko alam kung paano ito gawin, at hindi ko rin iyon nauunawaan—kakailanganin kong magsaliksik at mag-aral nang kaunti,’ o ‘Hindi ko pa ito nararanasan, kaya hindi ko alam ang gagawin.’ Kapag kaya mong magsabi ng tunay mong iniisip at magsalita nang tapat, magtataglay ka ng normal na katwiran. Makikilala ng iba ang tunay na ikaw, at sa gayon ay magkakaroon ng normal na pagtingin sa iyo, at hindi mo kakailanganing magpanggap, ni hindi ka magkakaroon ng anumang matinding kagipitan, kung kaya’t magagawa mong makipag-usap nang normal sa mga tao. Ang pamumuhay nang ganito ay malaya at magaan; ang sinumang napapagod mabuhay ay idinulot ito sa kanilang mga sarili. Huwag kang magkunwari o magpanggap. Magtapat ka muna tungkol sa iniisip mo sa iyong puso, tungkol sa tunay mong mga saloobin, upang malaman ng lahat ang mga iyon at maunawaan ang mga iyon. Bilang resulta, ang iyong mga alalahanin at ang mga hadlang at mga hinala sa pagitan mo at ng iba ay mawawala lahat. May iba pang nakahahadlang sa iyo. Palagi mong itinuturing ang sarili mo na pinuno ng grupo, isang lider, isang manggagawa, o isang taong may titulo, katayuan, at posisyon: Kung sasabihin mong mayroon kang hindi nauunawaan, o hindi kayang gawin, hindi ba’t nilalait mo ang iyong sarili? Kapag isinantabi mo ang mga gapos na ito sa iyong puso, kapag tumigil ka na sa pag-iisip na isa kang lider o isang manggagawa, at kapag tumigil ka na sa pag-iisip na mas magaling ka sa ibang tao at naramdaman mo na isa kang pangkaraniwang tao, na katulad ng lahat, at na mayroong ilang aspekto kung saan mas mababa ka sa iba—kapag nagbahagi ka ng katotohanan at mga bagay na may kinalaman sa gawain nang may ganitong saloobin, iba ang epekto, gayundin ang atmospera. Kung sa iyong puso, palagi kang may mga pag-aalinlangan, kung palagi kang namomroblema at nahahadlangan, at kung gusto mong alisin sa iyo ang mga bagay na ito pero hindi mo magawa, dapat ay seryoso kang magdasal sa Diyos, pagnilay-nilayan ang iyong sarili, tingnan ang iyong mga pagkukulang, at pagsumikapan ang katotohanan. Kung maisasagawa mo ang katotohanan, magkakamit ka ng mga resulta. Anuman ang gawin mo, huwag kang magsalita at kumilos mula sa isang partikular na posisyon o gamit ang isang partikular na titulo. Isantabi mo muna ang lahat ng ito, at ilagay mo ang sarili mo sa lugar ng isang pangkaraniwang tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananampalataya sa Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ni Ling Xin na kinakailangan niyang bitawan ang kanyang katayuan bilang isang superbisor, at na isa lamang siyang ordinaryong tao, katulad ng iba, ibang tungkulin nga lamang ang kanyang ginagawa. Ngayong isa siyang superbisor, nangangahulugan lamang ito ng pagpasan sa mas marami pang responsabilidad, ngunit ang kanyang tayog ay nanatiling tulad ng dati. Ang pagiging superbisor ay hindi nangahulugang lumago ang kanyang tayog, o na may mas malinaw siyang pagkaunawa sa iba’t ibang aspekto ng katotohanan— di-makatotohanang isipin iyon. Bukod dito, dahil nagsilbi siya sa mahabang panahon bilang isang tagadilig, kilala na siya ng mga kapatid kung sino talaga siya; hindi ba ang katotohanang ninais niyang magpanggap bilang isang taong nakahihigit sa iba ay nangangahulugang sinubukan niyang parehong linlangin ang kanyang sarili at ang iba pa, at itinapon ang kanyang sarili sa apoy? Naunawaan ni Ling Xin na kailangan niyang bitawan ang titulong superbisor, lunasan nang tama ang kanyang mga pagkukulang, makipagbahaginan at tuklasin ang hindi niya naunawaan kasama ang iba, o hangarin niya mismo ang katotohanan upang lutasin ito, at tanggapin ang bawat pagbubunyag bilang isang mabuting oportunidad sa paglago sa buhay.

Unti-unti nang umiinit ang panahon, at naging mas mahinay ang hangin. Hinubad ni Ling Xin ang kanyang mabibigat na damit na gawa sa koton, nakararamdan ng kapahingahan at kasiyahan.

Ilang sandali pagkatapos nito, itinalaga si Ling Xin na pangasiwaan ang gawain ng sermon. Noong makita niyang dati nang nakapagsulat ng mga sermon ang ilan sa mga kapatid at na ang iba ay maraming taon nang may karanasan sa pangangaral ng ebanghelyo, hindi niya maiwasang dumaing, “Sino sa kanila ang hindi mas mahusay kaysa sa akin? Paano ko dapat pangangasiwaan ang gawaing ito?” Napakabigat ng pakiramdam ni Ling Xin, nag-aalala na kung hindi niya mapangangasiwaan nang wasto ang gawain, maaaring maging di-kumbinsido sa kanya ang mga kapatid at sabihing, “Ikaw ang superbisor, ngunit kakayanin mo ba talaga ang pagiging superbisor tulad nito?” Nag-alala siya na kung hindi maganda ang mga resulta at nauwi sa pagkakatanggal sa kanya, lubusan siyang mapapahiya. Natagpuan ni Ling Xin ang kanyang sarili na namumuhay sa gitna ng pagpipigil at pag-aalala.

Tuloy-tuloy ang masinsing pagpatak ng ulan sa labas sa loob ng ilang araw, bagaman hindi ito malakas. Napansin ni Ling Xin na hindi ganoon kaganda ang kalidad ng mga sermon na ipinapasa ng mga kapatid, at ninais niyang makipagbahaginan sa kanila tungkol sa mga prinsipyo. Gayunman, nag-alangan siya, iniisip na, “Noong nakaraan sa pagtitipon, umupo lamang ako sa isang tabi, halos hindi kayaning makapagsalita. Sobrang kahiya-hiya niyon. Ni hindi ko alam kung ano’ng iniisip ng mga kapatid sa akin. Kung pupunta ako sa pagkakataong ito at hindi pa rin makalutas ng anumang mga suliranin, ano ang dapat kong gawin? Marahil ay hindi ako dapat pumunta, sa ganoong paraan ay hindi ako mapapahiya.” Tumanaw sa bintana si Ling Xin; patuloy ang pagbuhos ng ulan. Inaliw niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-iisip na, “Bagaman hindi ako makikipagbahaginan sa kanila, magagawa ko pa ring magbahagi sa pamamagitan ng liham. Parehas lamang naman ito pumunta man ako o hindi.”

Isang araw, nagtakda ng pulong ang lider kasama si Ling Xin upang magkaroon ng pagtitipon. Matapos mag-usisa sa sitwasyon ng gawain, ipinunto ng lider na hindi nagiging responsable si Ling Xin sa kanyang tungkulin, at na nabibigo siyang aktuwal na subaybayan ang gawain at lutasin ang mga suliranin, na nagreresulta sa mababang kalidad ng sermon. Labis na napahiya si Ling Xin, at kinapootan niya ang kanyang sarili sa palaging pag-aalala sa kanyang dangal at katayuan, na nagpaantala sa gawain. Pagkatapos ay ibinahagi ng lider ang ilan sa mga salita ng Diyos, at bahagyang naantig si Ling Xin sa isang partikular na sipi. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi mahalaga kung gaano ka kahusay, kung anong antas ng kakayahan at edukasyon ang taglay mo, kung gaano karaming sawikain ang kaya mong isigaw, o kung gaano karaming salita at doktrina ang naaarok mo; kung gaano ka man kaabala o kapagod sa isang araw, o kung gaano kalayo na ang iyong nalakbay, kung ilang iglesia na ang iyong binisita, o kung gaano kalaking panganib ang iyong hinarap at pagdurusang tiniis—wala sa mga ito ang mahalaga. Ang mahalaga ay kung ginagampanan mo ba ang iyong gawain nang ayon sa mga pagsasaayos ng gawain, kung tumpak mo bang naipatutupad ang mga pagsasaayos na iyon; kung sa ilalim ng iyong pamumuno ay nakikilahok ka ba sa bawat partikular na gawain na iyong responsabilidad, at kung ilang tunay na isyu ang talagang nalutas mo; kung ilang indibidwal ang nakaunawa sa mga katotohanang prinsipyo dahil sa iyong pamumuno at paggabay, at kung gaano umusad at umunlad ang gawain ng iglesia—ang mahalaga ay kung nakamit mo ba o hindi ang mga resultang ito. Anuman ang partikular na gawaing kinabibilangan mo, ang mahalaga ay kung palagi ka bang sumusubaybay at nagdidirekta ng gawain sa halip na umaastang mataas at makapangyarihan at nag-uutos lamang. Bukod dito, ang mahalaga rin ay kung may buhay pagpasok ka ba o wala habang ginagawa mo ang iyong tungkulin, kung kaya mo bang harapin ang mga usapin nang ayon sa mga prinsipyo, kung may patotoo ka ba ng pagsasagawa sa katotohanan, at kung kaya mo bang harapin at lutasin ang mga tunay na isyung kinakaharap ng mga hinirang na tao ng Diyos. Ang mga ganitong bagay at iba pang katulad nito ay pawang mga pamantayan sa pagsusuri kung tinutupad ba o hindi ng isang lider o manggagawa ang kanyang mga responsabilidad. Masasabi ba ninyo na praktikal ang mga pamantayang ito? At patas para sa mga tao? (Oo.) Patas ang mga ito para sa lahat. Hindi mahalaga kung ano ang antas ng iyong edukasyon, kung bata ka ba o matanda, kung ilang taon ka nang nananalig sa Diyos, ang iyong senyoridad, o kung gaano karami na sa salita ng Diyos ang nabasa mo, wala sa mga ito ang mahalaga. Ang mahalaga ay kung gaano kahusay mong ginagawa ang gawain ng iglesia pagkatapos kang mapili bilang isang lider, kung gaano ka kaepektibo at kagaling sa gawain mo, at kung umuusad ba ang bawat aytem ng gawain nang maayos at epektibo, at nang hindi naaantala. Ito ang mga pangunahing bagay na sinusuri kapag sinusukat kung tinutupad ba o hindi ng isang lider o manggagawa ang kanyang mga responsabilidad(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 9). Nakita ni Ling Xin na ibinahagi ng Diyos na ang tungkulin ng mga lider at manggagawa ay gabayan ang mga kapatid na maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo at itaguyod ang pagsulong ng lahat ng mga aytems sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi hinuhusgahan ng Diyos ang isang tao batay sa kung gaano siya mistulang nagdurusa, kundi sa kung ang mga tungkulin niya ay umaani ng tunay na mga resulta at kung natutupad niya ang kanyang mga responsibilidad. Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, tinanong ni Ling Xin ang kanyang sarili, “Gaano karaming tunay na gawain ang nagawa ko na pagkatapos maging isang superbisor? Naresolba ko na ba ang lahat ng mga isyu na natagpuan ko? Nakaani ba ng tunay na mga resulta ang gawain at sumulong?” Hindi masagot ni Ling Xin ang anuman sa mga katanungang ito. Bilang isang lider at manggagawa, kapag napansin ng isang tao na ang gawain ay hindi namumunga ng magagandang resulta, dapat talagang siyasatin ng isang tao ang mga dahilan para sa hindi magagandang resultang ito at, nakasalalay sa kung namumuhay ang mga tao sa kanilang mga tiwilang disposisyon o hindi nauunawaan ang mga prinsipyo, ang isang tao ay dapat lutasin ang mga suliranin sa isang paraang nakatuon sa layunin. Gayunman, sa takot na hindi niya malulutas ang mga suliranin at na mabibisto siya ng iba, nagsulat lamang siya ng mga liham upang dagliang magbahagi ng mga prinsipyo, na nagresulta sa mga suliraning hindi nalulutas at sa patuloy na hindi magagandang mga resulta ng gawain. Hindi ba ang lahat ng ito ay sanhi ng hindi niya paggawa ng tunay na gawain? Pagkatapos ng pagtitipon, agarang nakipagkita si Ling Xin sa mga kapatid na nagsisisulat ng mga sermon. Sa pamamagitan ng detalyadong pagsisiyasat, nalaman niyang tunay ngang hindi sila nagsusulat nang ayon sa mga prinsipyo, kaya ibinahagi niya sa lahat ang ilang prinsipyo. Makaraan lamang ang ilang araw, ipinasa sa kanya ang isang sermong may mas mataas na kalidad. Labis na nasiyahan si Ling Xin, ngunit nakaramdam din siya ng bahagyang pagsisisi. Kung tinugunan lamang niya nang mas maaga ang mga suliraning ito, hindi sana maaantala ng napakatagal ang gawain. Tinanong niya ang kanyang sarili, “Bakit hindi ko mabitawan ang labis kong pagpapahalaga sa aking sarili? Bakit napakahirap para sa akin ang isagawa ang katotohanan?” Determinadong malutas ang suliraning ito, hinanap ni Ling Xin ang mas marami pang mga salita ng Diyos sa usaping ito.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga anticristo ay namumuhay bawat araw para lamang sa reputasyon at katayuan, namumuhay lamang sila para magpakasasa sa mga pakinabang ng katayuan, ito lamang ang iniisip nila. Kahit kapag dumaranas nga sila ng kaunting paghihirap paminsan-minsan o nagbabayad ng kaunting halaga, para ito sa pagtatamo ng katayuan at reputasyon. Ang paghahangad ng katayuan, paghawak ng kapangyarihan, at pagkakaroon ng maginhawang buhay ang mga pangunahing bagay na laging binabalak na matamo ng mga anticristo sa sandaling manampalataya sila sa Diyos, at hindi sila sumusuko hanggang sa makamtan nila ang kanilang mga layon. Kung sakaling nalantad ang kanilang masasamang gawa, natataranta sila, na para bang pagsusukluban sila ng langit. Hindi sila makakain o makatulog, at para silang wala sa ulirat, para silang dumaranas ng depresyon. Kapag tinatanong sila ng mga tao kung ano ang problema, nagsisinungaling sila at sinasabing, ‘Abalang-abala ako kahapon kaya hindi ako nakatulog buong magdamag, pagod na pagod ako.’ Ngunit hindi talaga totoo ang lahat ng ito, lahat ito ay panlilinlang. Ganito ang pakiramdam nila dahil palagi nilang pinagbubulayan, ‘Nalantad na ang masasamang bagay na ginawa ko, kaya paano ko maipanunumbalik ang reputasyon at katayuan ko? Anong mga pamamaraan ang maaari kong gamitin para tubusin ang sarili ko? Anong tono ang maaari kong gamitin sa lahat para ipaliwanag ito? Ano ang maaari kong sabihin para hindi ako mahalata ng mga tao?’ Sa loob ng matagal na panahon, hindi nila maisip kung ano ang gagawin, kung kaya’t nalulumbay sila. Kung minsan ay nakatitig sila sa iisang lugar nang wala namang nakikita, at walang nakakaalam kung ano ang tinitingnan nila. Dahil sa isyu ay nag-iisip sila nang husto, napapagod sa kakaisip, at ayaw nilang kumain o uminom. Sa kabila nito, nagkukunwari pa rin sila na nagmamalasakit sa gawain ng iglesia, at nagtatanong sa mga tao, ‘Kumusta na ang gawain ng ebanghelyo? Gaano kabisa ang pangangaral nito? Nagkamit na ba ng anumang buhay pagpasok ang mga kapatid kamakailan? Mayroon bang nanggagambala o nanggugulo?’ Ang mga tanong nilang ito tungkol sa gawain ng iglesia ay para magpakitang-tao sa iba. Kung malaman man nila ang mga problema, wala silang paraan para lutasin ang mga iyon, kaya ang kanilang mga tanong ay pormalidad lamang na malamang na ituring ng iba na pagmamalasakit sa gawain ng iglesia. Kung sakaling may mag-ulat ng mga problema ng iglesia para lutasin nila, mapapailing lang sila. Walang pakana na makakatulong sa kanila, at kahit na gustuhin nilang magpanggap, hindi nila magagawa, at mamimiligro silang malantad at mabunyag. Ito ang pinakamalaking problemang kinakaharap ng mga anticristo sa buong buhay nila. … Bagama’t nagpapatuloy ang gawain ng iglesia sa ilalim ng pamumuno ng mga anticristo, lubhang nababawasan ang pagiging epektibo nito. Ang ilang mahahalagang gawain ay kontrolado pa rin ng masasamang indibidwal, at hindi pa naisasakatuparan ang mga pagsasaayos ng gawain sa sambahayan ng Diyos. Bagama’t bawat isa sa mga hinirang ng Diyos ay gumagampan sa kanilang tungkulin, walang tunay na resulta, at ang iba’t ibang gampanin ay matagal nang natigil. Ano ang ugat ng mga problemang ito? Ito’y dahil nakontrol na ng mga anticristo ang iglesia. Saan man may hawak na kapangyarihan ang mga anticristo, gaano man kalawak ang kanilang impluwensiya, kahit na isang grupo lamang ito, maiimpluwensiyahan nila ang gawain ng sambahayan ng Diyos at ang buhay pagpasok ng ilan sa mga hinirang ng Diyos. Kung may hawak silang kapangyarihan sa isang iglesia, nahahadlangan doon ang gawain ng iglesia at ang kalooban ng Diyos. Bakit ba hindi maipatupad sa ilang iglesia ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos? Ito ay dahil hawak ng mga anticristo ang kapangyarihan sa mga iglesiang ito. Ang sinumang anticristo ay hindi taos-pusong gugugol para sa Diyos, ang pagganap ng kanilang mga tungkulin ay magiging pormalidad lamang at paggawa nang wala sa loob. Hindi sila gagawa ng tunay na gawain kahit sila ay lider o manggagawa, at magsasalita at kikilos lamang sila alang-alang sa kasikatan, pakinabang, at katayuan, nang hindi man lang pinoprotektahan ang gawain ng iglesia(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikalawang Bahagi)). Inilantad ng Diyos na nabubuhay lamang ang mga anticristo para sa reputasyon at katayuan, at na ginugugol nila ang kanilang mga araw na nakatuon kung paano protektahan ang mga bagay na ito. Hindi sila nagpapakita ng malasakit para sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at iniiwasan nilang gumawa ng partikular na gawain. Ngunit kapag nanganganib ang kanilang reputasyon o katayuan, kahit sa kaunting kawalan lamang, pag-iisipan nila nang mabuti at gagawin ang kahit ano upang magpanggap at magkubli ng kanilang sarili. Malinaw na walang pakialam ang mga anticristo sa gawain ng sambahayan ng Diyos, pinababayaan ang kanilang mga tungkulin, at labis silang makasarili at kasuklam-suklam. Napagtanto ni Ling Xin na umaasal siya nang tulad ng isang anticristo, pinahahalagahan ang reputasyon at katayuan nang higit sa lahat. Wala siyang pakialam sa gawain ng iglesia; basta ligtas ang kanyang reputasyon at katayuan, wala nang iba pang mahalaga. Para bang karagdagang pasanin sa kanya ang paggawa ng gawain ng iglesia. Ang kanyang pangunahing pinagtutuunan ay ang pagpapanatili ng kanyang reputasyon at katayuan. Matapos gawing katawa-tawa ang kanyang sarili sa harap ng mga kapatid sa isang pagtitipon kasama ang mga tagadilig, nakaramdam siya ng labis na pagkasupil at ng sama ng loob na hindi na niya ninais na dumalo sa mga pagtitipon doon. Ngayon, habang sinusubaybayan ang gawaing sermon, natuklasan niyang sa halip na isipin niyang mabilis na matuto matapos matukoy ang kanyang mga pagkukulang, ang ninais lamang niya ay tumakbo at pagtakpan ang kanyang mga suliranin, upang maiwasan niya ang magmistulang walang kakayahan. Ang kanyang responsibilidad ay matukoy sa tamang oras ang iba’t ibang mga isyu sa tungkulin, at gabayan ang mga kapatid na maghangad ng katotohanan at pumasok sa mga prinsipyo upang maayos na umusad ang gawain. Ang kawalan niya ng malinaw na pagkaunawa ng katotohanan at kapos na karanasan sa gawain ay hindi sapat na mga dahilan o mga palusot sa hindi paggawa ng tunay na gawain. Hindi hinihingi ng Diyos ang napakalalaking resulta ngunit umaasang maibibigay ng mga tao ang kanilang puso at sukdulang pagsisikap sa pagtutulungan, upang umusad sila sa kanilang mga tungkulin at mapunan ang kanilang mga pagkukulang. Ngunit nakatuon lamang si Ling Xin sa pagpapanatili sa kanyang reputasyon at katayuan at hindi gumagawa ng anumang tunay na gawain. Upang pagtakpan ang kanyang mga pagkukulang, siya ay naging isang manggagawang di-dumadamay, pinipinsala ang gawain ng iglesia. Hindi lamang siya nabigong mag-ambag sa pag-usad ng gawain, kundi naantala din niya at naapektuhan ang gawain. Paanong hindi kapopootan ng Diyos ang mga kilos niyang ito? Inisip niya kung paanong ang mga pinatalsik na anticristo mula sa iglesia ay labis na nabahala sa kanilang reputasyon at katayuan, at kung paano nila tinamasa ang pagtatangi ng mga kapatid, at ginawa lamang ang mga bagay na nangalaga sa kanilang reputasyon at katayuan, at wala silang pakialam kahit pa ginambala nito ang gawain ng iglesia. Sa huli, ang napakarami nilang masamang gawa ay nauwi sa pagkapatalsik at pagkatiwalag sa kanila. Napagtanto ni Ling Xin na nagbubunyagdin siya ng disposisyon ng isang anticristo, at na kung hindi siya magsisisi, mauuwi siya sa kaparehong kahihinatnan. Sa pagninilay dito, tahimik na nagpasya si Ling Xin na, sa hinaharap, ibibigay niya ang kanyang buong puso sa pakikipagtulungan, na hindi siya magpapapigil sa mga alalahanin tungkol sa kanyang dangal at katayuan, at na gagawin niya ang kanyang tungkulin nang may katapatan. Kung hindi niya naunawaan ang isang bagay, pag-aaralan niya ang mga kaugnay na prinsipyo o isasantabi ang kanyang sarili at maghahanap mula sa mga kapatid. Sa ganitong paraan, unti-unti niyang magagawa nang mabuti ang kanyang tungkulin.

Sa sumunod na mga araw, tumuon si Ling Xin sa aktuwal na pag-aaral at pagsasangkap sa kanyang sarili ng mga kaugnay na katotohanang prinsipyo. Kapag nakikipagbahaginan kasama ang iba, hinaharap niya ito nang may isipang nakatuon sa pagkatuto at pagbabahagi. Sa tuwing nakatatagpo siya ng isang bagay na hindi niya nauunawaan, may pagkukusa siyang humihingi ng payo mula sa iba. Wala siyang pakialam kung paano siya maaaring tingnan ng iba. Basta makapagpupunyagi siya patungo sa mga hinihingi ng Diyos at buong pusong matutupad ang tungkulin niya, sapat na ito.

Naging mapaniil at mabigat ang hangin dahil sa makulimlim at maulang panahon, ngunit ang lahat ng ito ay matatapos din sa huli. Sisikat ang araw. Sa panahong iyon, magiging maliwanag at makulay ang himpapawid.

Sa wakas, tumigil na ang ulan, at ang langit ay unti-unting naging maaraw…

Sinundan: 19. Naalis Na ang Imperyoridad Ko

Sumunod: 21. Matalinong Hakbang ba ang Manahimik sa mga Pagkakamali ng Iba?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito