97. Paano Ko Binago ang Aking mga Kahambugan

Ni Bernard, Cameroon

Akala ko dati ay isa akong napakatalinong tao, isang taong kayang gawin ang kahit na ano at ang lahat ng bagay nang walang tulong ng iba. Kapwa sa paaralan at sa bahay, kaya ko palaging sumabat para sagutin ang isang tanong kapag hindi iyon alam ng mga kapatid ko, at minaliit ko sila dahil doon. Sinasabi ng mga kuya ko na mapagmataas at hambog ako, at na mas dapat kong isaalang-alang ang damdamin ng iba, pero akala ko’y sinasabi lang nila iyon dala ng inggit, kaya hindi ko isinapuso ang mga akusasyon nila.

Noong 2019, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hindi nagtagal, sinimulan kong diligan ang mga baguhan na katatanggap pa lang sa gawain ng Diyos. Sa tatlong sister na katrabaho ko, dalawa sa kanila ang ilang buwan pa lamang mula nang matanggap ang gawain ng Diyos. Ang isa pa ay si Sister Jonna, na tumutulong sa gawain ko. Napili ako bilang lider ng grupo noong panahong iyon, na ang ibig sabihin para sa akin ay ako ang pinakamagaling sa grupo. Habang nagtutulungan kami, kapag tinatanong nila kung “magagawa ba ito nang ganito” o “gusto mo ba itong gawin nang ganoon,” madalas ko silang tinatanggihan, sinasabing “hindi, hindi pwede,” o “hindi, ayaw ko.” Pakiramdam ko ay dapat gawin ang trabaho gaya ng itinagubilin ko. Halimbawa, tuwing pagkatapos ng mga pagtitipon ng mga baguhan, tatanungin ni Sister Jonna, “Dapat ba nating tanungin ang mga baguhan kung naiintindihan nila ang lahat?” Sasagot ako ng, “Hindi na kailangan. Tinanong ko na sila noong pagtitipon. Naiintindihan nila, kaya hindi na natin kailangang itanong ulit.” Nang sabihin ni Sister Jonna na, “Kapag nagbabahagi at nagpapatotoo ka sa katotohanan ng gawain ng Diyos, dapat kang magsalita nang mas detalyado. Makakatulong ito sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo na mabilis na matukoy na ang gawain ng Diyos ay tunay,” tumugon ako nang hindi nag-iisip, “Nasabi ko na ang lahat. Hindi na kailangang ulitin pa.” Kung minsan, sinasabi sa akin ni Sister Jonna na alamin ko ang mga sitwasyon ng mga baguhan, pero ayaw ko. Naisip ko na bilang lider ng grupo ay ako dapat ang nagsasabi sa kanya ng dapat gawin, at hindi ang kabaliktaran. Minsan, tatanungin ni Sister Jonna kung nakatitiyak ba ang mga baguhan sa gawain ng Diyos. Dahil nakita kong lagi siyang nanghihimasok sa gawain ko, nagalit ako at sinabi kong, “Hindi ikaw ang lider ng grupo, kaya wala kang karapatang sabihin sa akin kung paano gawin ang gawain ko!” Noong panahong iyon, napakamapagmataas ko, hindi lang ako tumangging makipagtulungan nang maayos kay Sister Jonna, ayaw ko ring makipagtulungan sa dalawa pang sister. Madalang ko silang atasan ng anumang gawain, sa halip ay mag-isa kong inaasikaso ang mga baguhan. Dahil katatanggap lang nila sa gawain ng Diyos, naisip kong maraming katotohanan tungkol sa mga pangitain ang hindi nauunawaan ng mga sister ko, na makapipigil sa kanila na gawin nang mabuti ang kanilang gawain. Kapag nagho-host ng mga pagtitipon kasama sila, palagi akong maraming sinasabi at hindi ko sila binibigyan ng oras na magbahagi. Nag-aalala ako na hindi sila magbabahagi nang maayos at hindi sila maiintindihan ng mga baguhan. Sa totoo lang, maayos namang naiintindihan ng mga baguhan ang dalawa kong sister. Ayaw ko lang silang magbahagi, dahil minamaliit ko sila. Minsan, para mabigyan ang mga baguhan ng pundasyon sa tunay na daan sa pinakamabilis na paraan, gusto kong magbahagi sa ilan pang aspeto ng katotohanan, pero sabi ng mga sister ko, “Hindi mo pwedeng gawin iyan. Isang oras at kalahati lang ang pagtitipon natin. Kung magbabahagi ka tungkol sa napakaraming bagay, hindi magiging sapat ang oras para ganap na maunawaan ng mga baguhan ang lahat. Pwede nating hati-hatiin ang pagbabahagi sa ilang pagtitipon.” Nag-atubili akong tanggapin ang kanilang mga opinyon noong panahong iyon, at sa halip ay ginawa ang makakaya ko para kumbinsihin silang makinig sa akin. Sa huli, wala na silang ibang nagawa kundi sumang-ayon. Kalaunan, mahigit dalawampung baguhan ang dinidiligan namin. Halos lahat sa kanila ay dumalo sa unang pagtitipon, pero sa mga sumunod na ilang pagtitipon ay nakita kong parami nang parami ang mga baguhan na lumiliban. Sa huli, tatlo na lang sa orihinal na mahigit dalawampung baguhan ang dumadalo pa rin sa mga pagtitipon. Kailanman ay hindi pa ito nangyari sa akin noon at lubha akong naguluhan at naging negatibo dahil dito. Isang araw, tinanong ako ng lider tungkol sa kalagayan ko. Sinabi ko, “Hindi mabuti. Talagang hindi maganda ang mga resulta ng tungkulin ko nitong huli. Sa bawat pagtitipon ay nagbabahagi ako nang maayos sa mga baguhan, tapos ay tinatanong ko sila kung nauunawaan nila at lagi nilang sinasabi na ‘oo, nauunawaan ko,’ pero ngayon ay hindi naman sila bumabalik sa mga pagtitipon at hindi ko maintindihan kung bakit.” Sinabi sa akin ng lider, “Dapat mong pagnilayan ang sarili mo. Maaaring may ginagawa ka kaya umaayaw ang mga baguhan na dumalo sa mga pagtitipon.” Nagpatuloy ang lider, “Tinanong mo na ba ang tatlo mong sister kung may napansin silang mali sa nilalaman o mga pamamaraan ng pagdidilig mo?” Sabi ko, “Hindi, sa tingin ko’y hindi sila magbibigay ng magandang payo.” Tumugon ang lider, “Iyan ang problema. Dapat mong tanungin ang mga opinyon nila sa halip na magtiwala lang sa sarili mo.” Sa ganoong pagkakasabi ng lider, tila tama iyon. Hindi ko kailanman naisip na tanungin ang mga sister ko sa mga opinyon nila. Palagi kong iniisip na mas magaling ako na manggagawa kaysa sa kanila, at na walang pakinabang ang kanilang mga ideya.

Pagkatapos ay pinadalhan ako ng lider ng isang sipi ng salita ng Diyos: “Kapag nakikipagtulungan kayo sa iba upang gampanan ang inyong mga tungkulin, nagagawa ba ninyong maging bukas sa magkakaibang opinyon? Nahahayaan ba ninyong magsalita ang ibang mga tao? (Oo, medyo. Dati-rati, sa maraming pagkakataon ay hindi ako nakikinig sa mga mungkahi ng mga kapatid at iginigiit kong gawin ang mga bagay-bagay sa sarili kong paraan. Kalaunan, nang napatunayan ng mga totoong pangyayari na mali ako, saka ko lamang nakita na karamihan sa kanilang mga mungkahi ay tama, na ang resolusyong pinagtalakayan ng lahat ang talagang angkop, at na sa pag-asa sa sarili kong mga pananaw, hindi ko malinaw na nakita ang mga bagay-bagay at na may mga kakulangan ako. Matapos itong maranasan, natanto ko kung gaano kahalaga ang pagtutulungan nang maayos.) At ano ang maaari mong makita mula rito? Matapos itong maranasan, nakinabang ba kayo nang kaunti, at naunawaan ba ninyo ang katotohanan? Palagay niyo ba may taong perpekto? Gaano man kalakas ang mga tao, o gaano man sila kahusay at katalino, hindi pa rin sila perpekto. Dapat itong tanggapin ng mga tao, totoo ito at ito ang saloobin na dapat mayroon ang mga tao upang wastong maharap ang kanilang sariling mga kagalingan at kalakasan o mga kamalian; ito ang pangangatwirang dapat taglayin ng mga tao. Sa gayong pangangatwiran, maaari mong harapin nang wasto ang iyong sariling mga kalakasan at kahinaan pati na ang sa iba, at ito ang magbibigay sa iyo ng kakayahang makipagtulungan nang maayos sa kanila. Kung naunawaan mo ang aspektong ito ng katotohanan at makakapasok ka sa aspektong ito ng katotohanang realidad, makakaya mong makisama nang maayos sa iyong mga kapatid, na humuhugot ng lakas sa kanilang magagandang katangian upang mapunan ang anumang mga kahinaang mayroon ka. Sa ganitong paraan, anumang tungkulin ang iyong ginagampanan o anuman ang iyong ginagawa, lagi kang magiging mas mahusay roon at pagpapalain ka ng Diyos. Kung lagi mong iniisip na talagang mahusay ka at mas malala ang iba kung ikukumpara sa iyo, at kung lagi mong nais na ikaw ang siyang may huling salita, kung gayon, magiging suliranin ito. Isang problema ito sa disposisyon. Hindi ba’t mapagmataas at mapagmagaling ang gayong mga tao?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Tinutukoy ng mga salita ng Diyos ang problema ko. Sabi ng Diyos: “Kapag nakikipagtulungan kayo sa iba upang gampanan ang inyong mga tungkulin, nagagawa ba ninyong maging bukas sa magkakaibang opinyon? Nahahayaan ba ninyong magsalita ang ibang mga tao?” Habang tinitingnan ko ang mga tanong ng Diyos, pinagnilayan ko kung paano ako nakipagtulungan sa tatlo kong sister noong panahong iyon. Hindi ko tinatanggap ang bawat mungkahi nila sa akin. Kahit na maganda o tama ang mga opinyon nila, hindi pa rin ako sumasang-ayon dahil ayaw kong isipin nila na mas mababa ako sa kanila. Akala ko ay ako ang pinakamagaling, kung kaya’t ako lang ang makapagbibigay ng magandang payo. Ako ang lider ng grupo, kaya dapat silang makinig sa akin, hindi dapat ako ang nakikinig sa kanila. Sinasabi ng mga salita ng Diyos na ang bawat isa ay may mga pagkukulang at nangangailangan ng tulong mula sa iba, pero palagi kong iniisip na ako ang pinakamahusay, at na nakahihigit ako kaysa sa iba. Hindi ba’t pagmamataas at kahambugan ito? Nakita ko sa mga salita ng Diyos na kinasusuklaman ng Diyos ang ganitong mga tao.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos: “Kapag palaging kailangang uliting gawin ang trabaho habang ginagampanan ng mga tao ang kanilang tungkulin, ang pinakamalaking problema ay hindi ang kakulangan sa dalubhasang kaalaman o kawalan ng karanasan, kundi dahil lubha silang mapagmagaling at mayabang, dahil hindi sila maayos na nagtutulungan, kundi nagpapasya at kumikilos sila nang mag-isa—na ang resulta ay ginugulo nila ang trabaho, at wala silang natatapos, at nasasayang ang lahat ng pagsisikap. At ang pinakamatinding problema rito ay ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao. Kapag napakatindi ng mga tiwaling disposisyon ng mga tao, hindi na sila mabubuting tao, masasamang tao na sila. Ang mga disposisyon ng masasamang tao ay mas higit na matindi kaysa sa mga ordinaryong tiwaling disposisyon. Malamang na makagawa ng masasamang gawa ang masasamang tao, malamang na gambalin at guluhin nila ang gawain ng iglesia. Ang tanging kayang gawin ng masasamang tao kapag ginagampanan nila ang isang tungkulin ay ang hindi maayos na gawin at guluhin ang mga bagay-bagay; ang kanilang pagtatrabaho ay mas nakasasama kaysa nakabubuti. Ang ilang tao ay hindi masama, ngunit ginagampanan nila ang kanilang tungkulin ayon sa sarili nilang mga tiwaling disposisyon—at wala rin silang kakayahang gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin. Sa kabuuan, ang mga tiwaling disposisyon ay labis na nakasasagabal sa mga taong ginagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin. Aling aspekto ng mga tiwaling disposisyon ng mga tao, sa palagay ninyo, ang may pinakamalaking epekto sa bisa ng pagganap nila sa kanilang tungkulin? (Pagmamataas at pagmamagaling.) At ano ang mga pangunahing pagpapamalas ng pagmamataas at pagmamagaling? Paggawa ng desisyon nang mag-isa, paggawa ng kung ano ang gusto ninyo, hindi pakikinig sa mga mungkahi ng ibang tao, hindi pagkonsulta sa iba, hindi pakikipagtulungan nang maayos, at palaging pagsisikap na kayo ang may huling desisyon sa mga bagay-bagay. Kahit na may ilang kapatid na nagtutulungan sa paggawa ng isang partikular na tungkulin, ginagawa ng bawat isa ang kanilang sariling gawain, may ilang lider ng grupo o tagapangasiwa ang palaging gustong sila ang may huling desisyon; anuman ang kanilang ginagawa, hindi sila nakikipagtulungan nang maayos sa iba, at hindi sila nakikipagbahaginan at padalus-dalos na ginagawa ang mga bagay-bagay nang hindi nakikipagkasundo sa iba. Gusto nilang makinig ang lahat sa kanila, at narito ang problema(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Maayos na Pagtutulungan). Labis akong naantig sa mga salitang ito ng Diyos. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawa nang epektibo ang aking tungkulin noon. Pagkatapos mabasa ang salita ng Diyos, saka ko lang naunawaan na ginawang imposible ng mapagmataas kong disposisyon na makipagtulungan ako sa iba. Sa panahon na nakatrabaho ko ang tatlong sister, ako ang laging may huling salita. Malinaw ito sa tuwing tinatalakay namin ang lalamanin ng isang nalalapit na pagtitipon: Magbibigay ang lahat ng mga pananaw at opinyon nila, pagkatapos niyon ay dapat na magkakasama naming piliin ang pangunahing tema ng pagtitipon para matiyak na magiging epektibo ito. Sa halip, gumawa ako ng sarili kong mga desisyon nang hindi kailanman isinasaalang-alang ang kanilang mga opinyon dahil inakala ko na ang opinyon ko ang pinakamainam at hindi ko kailangang makinig sa iba. Kapag may nagpapahayag ng pagtutol, naghahanap ako ng iba’t ibang dahilan para tanggihan ito. Masyado akong mapagmataas para tanggapin ang payo ng ibang tao, kung kaya’t walang patnubay ng Diyos ang tungkulin ko at samakatuwid ay hindi epektibo. Para sa akin, ang kabiguang ito ay isang paghahayag.

Isang araw, pinadalhan ako ng isang sister ng dalawang sipi ng salita ng Diyos. Sinasabi ng Diyos: “Kung tunay mong nauunawaan ang katotohanan sa iyong puso, malalaman mo kung paano isagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos, at natural na matatahak ang landas ng paghahanap ng katotohanan. Kung tama ang landas na tinatahak mo, at nakaayon ito sa mga layunin ng Diyos, hindi ka iiwanan ng gawain ng Banal na Espiritu—kung magkagayon ay mababawasan nang mababawasan ang pagkakataon mong pagtaksilan ang Diyos. Kung wala ang katotohanan, madaling gumawa ng masama, at gagawin mo iyon kahit ayaw mo. Halimbawa, kung mayroon kang mapagmataas at palalo na disposisyon, walang kaibahan kung sabihan kang huwag kalabanin ang Diyos, hindi mo mapigilan ang sarili mo, hindi ito sakop ng kontrol mo. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong likas na pagmamataas at kapalaluan. Dahil sa iyong pagmamataas at kapalaluan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para dakilain mo ang iyong sarili, palaging ibandera ang iyong sarili; magiging dahilan ang mga ito para hamakin mo ang iba, para wala nang matira sa puso mo kundi ang sarili mo; nanakawin ng mga ito ang puwang ng Diyos sa puso mo, at sa huli ay magiging sanhi ang mga ito para ilagay mo ang iyong sarili sa puwesto ng Diyos at hingin sa mga tao na magpasakop sila sa iyo, at magiging dahilan para igalang mo ang sarili mong mga kaisipan, ideya at kuru-kuro bilang katotohanan. Napakaraming kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang mapagmataas at palalong kalikasan! Upang malutas ang problema ng paggawa ng masama, kailangan muna nilang resolbahin ang kanilang likas na pagkatao. Kung walang pagbabago sa disposisyon, hindi posibleng maghatid ng pangunahing resolusyon sa problemang ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon). “Tandaan mo: Ang pagganap sa iyong tungkulin ay hindi pagsasagawa ng sarili mong mga negosyo o sarili mong pamamahala. Hindi mo ito personal na gawain, gawain ito ng iglesia, at nag-aambag ka lamang ng mga kalakasang taglay mo. Ang ginagawa mo sa gawain ng pamamahala ng Diyos ay maliit na bahagi lamang ng kooperasyon ng tao. Maliit na papel lamang ang ginagampanan mo sa isang sulok. Iyan ang responsabilidad na pinapasan mo. Sa puso mo, mayroon ka dapat nitong katwiran. Kaya nga, ilang tao man ang sama-samang gumagampan ng kanilang tungkulin, o anumang paghihirap ang kinakaharap nila, ang unang dapat gawin ng lahat ay manalangin sa Diyos at sama-samang magbahaginan, hanapin ang katotohanan, at pagkatapos ay tukuyin kung ano ang mga prinsipyo ng pagsasagawa. Kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin sa ganitong paraan, magkakaroon sila ng isang landas ng pagsasagawa. Ang ilang tao ay palaging nagsisikap na magpakitang-gilas, at kapag nabigyan ng responsabilidad sa isang trabaho, palagi nilang gusto na sila ang huling magpasya. Anong klaseng ugali ito? Ito ay pagiging isang diktador. Pinaplano nila nang mag-isa ang mga ginagawa nila, nang hindi ipinagbibigay-alam sa iba, at hindi tinatalakay ang kanilang mga opinyon sa sinuman; hindi nila ibinabahagi ang mga ito sa sinuman o ipinahahayag ang mga ito, sa halip ay itinatago ang mga ito sa kanilang mga puso. Kapag panahon nang kumilos, nais nilang palaging pahangain ang iba sa pamamagitan ng kanilang mga mahuhusay na gawain, upang bigyan ang lahat ng isang malaking sorpresa, upang maging mataas ang pagtingin ng iba sa kanila. Iyon ba ay pagganap sa kanilang tungkulin? Sinisikap nilang magpakitang-gilas; at kapag mayroon na silang katayuan at kabantugan, magsisimula silang magpatakbo ng sarili nilang operasyon. Hindi ba’t matitindi ang ambisyon ng mga taong ito? Bakit hindi mo sasabihin sa sinuman kung ano ang iyong ginagawa? Dahil hindi lang sa iyo ang gawaing ito, bakit ka kikilos nang hindi ito tinatalakay sa sinuman at nagpapasyang mag-isa? Bakit ka kikilos nang palihim, na gumagawa sa kadiliman, upang walang makaalam tungkol dito? Bakit palagi mong sinusubukan na ikaw lang ang pakikinggan ng mga tao? Malinaw na tiningnan mo ang gawaing ito bilang sarili mong personal na gawain. Ikaw ang amo, at ang lahat ng iba pa ay mga manggagawa—lahat sila ay nagtatrabaho para sa iyo. Kapag palagi kang may ganitong pag-iisip, hindi ba’t problema ito? Hindi ba’t ang uri ng taong ito ay nagpapakita ng mismong disposisyon ni Satanas. Kapag gumaganap ng tungkulin ang ganitong mga tao, sa malao’t madali ay paaalisin sila(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Maayos na Pagtutulungan). Sa pamamagitan lamang ng pagbabasa ng salita ng Diyos ko napagtanto na naging kalikasan ko na ang pagmamataas, at natural ko itong inihahayag. Sa sandaling magkaroon ako ng kaunting katayuan sa iglesia, gusto ko na itong gawing pagkakataon para ipangalandakan ang mga kakayahan ko. Gusto kong patunayan na ako ang pinakamagaling at na tamang desisyon ang pagpili sa akin bilang lider ng grupo. Gusto ko ring patunayan sa mga kapareha ko na mas magaling ako kaysa sa kanila at hindi ko kailangan ang kanilang payo o tulong. Dahil sa kayabangan ko, lagi kong iniisip na alam ko ang lahat at na walang silbi na makinig sa iba. Itinuring ko ang sarili kong mga iniisip na para bang katotohanan, pinagawa ko sa iba ang mga bagay-bagay kung paano ko gustong gawin, at hindi ko hinanap ang katotohanan o inasahan ang Diyos sa aking tungkulin. Sa halip, umasa ako sa sarili kong karanasan at katalinuhan sa pagdidilig ng mga baguhan, pinipilit ang iba na sumunod sa akin. Namuhay akong nakakulong sa aking mapagmataas na disposisyon, hindi tinanggap ang katotohanan, at pinakinig sa akin ang iba. Hindi ba’t disposisyon iyon ni Satanas? Bago ako nanalig sa Diyos, isa na akong masyadong mapagmataas na tao. Minamaliit ko ang mga taong mas mababa sa akin, pati na ang mga kapatid ko. Naaalala ko noong bata ako, pagagalitan ako nang malakas ng tatay ko kapag hindi ako ang may pinakamataas na marka sa klase ko, “Ikaw dapat ang makakuha ng pinakamataas na marka sa mga pagsusulit mo, nangunguna sa lahat!” Sinasabi rin sa akin ng lola ko noon, “Kailangan mong magsikap na maging pinakamahusay, iyon lang ang paraan para respetuhin ka.” Dahil dito, palagi kong sinisikap na mamukod-tangi sa lahat at manguna. Para sa akin, iyon lang ang paraan para maipakita ko sa iba na ako ang pinakamagaling. Akala ko na magmumukha akong walang kakayahan kung makikinig ako sa iba, kaya ayaw kong tumanggap ng payo mula sa kanila. Sa salita ng Diyos ko lang napagtanto na maling-mali ang pananaw na ito. Palagi kong itinuturing na mas mataas ako sa iba at tumatanggi akong makinig sa kahit kanino, at disposisyon iyon ni Satanas. Kung hindi ako magbabago, hindi lang ako mabibigo na magtamo ng magagandang resulta sa aking tungkulin, gagawa ako ng kasamaan at lalabanan ang Diyos. Sa huli, matitiwalag ako ng Diyos. Ipinaunawa rin sa akin ng pagbabasa ng salita ng Diyos na ang paggawa ng aking tungkulin ay hindi ko personal na usapin, ito ay gawain ng iglesia at dapat kong gawin ang gawaing ito alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos. Kapag nahaharap ako sa mga paghihirap, dapat akong makipagtulungan sa iba at dapat naming hanapin ang katotohanan nang magkakasama para malagpasan ang mga paghihirap. Bago magdesisyon, dapat din akong humingi ng payo sa iba. Kung hindi ko isasaalang-alang ang mga opinyon ng iba at palagi akong kikilos nang mag-isa, inaantala ang gawain ng iglesia, ang paggawa ng tungkulin ko sa ganitong paraan ay hindi paghahanda ng mabubuting gawa, kundi sa halip ay masasamang gawa. Nang mapagtanto ito, gusto ko nang baguhin ang saloobin ko sa aking tungkulin at magawang makipagtulungan nang maayos sa aking mga kapatid.

Sa aking mga debosyonal, nakita ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos: “Ano ang masasabi ninyo, mahirap bang makipagtulungan sa ibang tao? Hindi naman, sa totoo lang. Masasabi pa nga ninyong madali ito. Subalit bakit pakiramdam pa rin ng mga tao ay mahirap ito? Dahil mayroon silang mga tiwaling disposisyon. Para sa mga nagtataglay ng pagkatao, konsensiya, at katwiran, ang pakikipagtulungan sa iba ay medyo madali, at nararamdaman nilang ito ay isang bagay na nakakagalak. Ito ay dahil hindi madali para sa kahit sino na magawa ang mga bagay-bagay nang mag-isa, at anuman ang larangan na kanilang kinasasangkutan, o anuman ang kanilang ginagawa, palaging mabuti na may isang taong naroon para tukuyin ang mga bagay-bagay at mag-alok ng tulong—mas madali kaysa gawin ito nang mag-isa. Gayundin, may mga limitasyon sa kung ano ang magagawa ng kakayahan ng mga tao o kung ano ang kaya nila mismong maranasan. Walang sinuman ang maaaring maging dalubhasa sa lahat ng bagay: imposible para sa isang tao na malaman ang lahat, maging may kakayahan sa lahat, magawa ang lahat—imposible iyon, at dapat taglayin ng lahat ang gayong katwiran. At kaya, anuman ang gawin mo, mahalaga man ito o hindi, palagi kang mangangailangan ng isang taong tutulong sa iyo, para bigyan ka ng mga paalala at payo, o para gumawa ng mga bagay-bagay sa pakikipagtulungan sa iyo. Ito ang tanging paraan para masigurong magagawa mo ang mga bagay-bagay nang mas tama, mas magiging kaunti ang mga pagkakamali at mas malamang na hindi ka maliligaw—mabuting bagay ito(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Matapos pagnilayan ang salita ng Diyos, naunawaan ko na matutupad ko lang ang aking mga tungkulin at maisasabuhay ang normal na pagkatao sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba. Iniisip ko noon na dahil ang ilan sa kapareha ko ay katatanggap lamang sa gawain ng Diyos nang ilang buwan at kasisimula pa lamang sa pagdidilig ng mga baguhan, maraming bagay ang hindi nila nauunawaan, samantalang ako naman ay tatlong taon nang nananalig sa Diyos at mas maraming karanasan kaysa sa kanila, kaya hindi ko kailanman tinanggap ang kanilang mga mungkahi at opinyon. Ngayon ko lang nakita na mali ang pananaw na ito. Bagamat mas matagal na akong nananalig sa Diyos at mas maraming karanasan kaysa sa kanila, hindi ibig sabihin niyon na mas magaling na ako sa kanila sa lahat ng bagay. Kung hindi makikipagtulungan sa mga kapatid ko, imposible para sa akin na magampanan nang maayos ang aking tungkulin. Halimbawa, hindi matibay ang pagkaunawa ko sa ilang katotohanan, kaya hindi ako makapagbahagi nang maganda sa ilang pagtitipon. Kailangan ko ng kapareha para tumulong na magdetalye para maging malinaw ang pagbabahagi. Minsan, hindi makapunta ang mga baguhan sa mga pagtitipon dahil sa karamdaman o trabaho, at hindi ako makahanap ng kahit anong salita ng Diyos na angkop sa kanilang mga sitwasyon, kaya kailangan ko rin ng tulong ng mga kapareha ko. Sa katunayan, lahat ay may pagkakataon na mabigyan ng kaliwanagan ng Diyos. Hindi lang ako ang binigyan ng kaliwanagan ng Diyos. Masyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko at inisip kong mangmang ang iba. Isa itong pagkakamali, at ito ay kahangalan. Ang kaliwanagan at patnubay ng Diyos ay hindi nakasalalay sa kung gaano karaming karanasan sa trabaho ang mayroon tayo, ito ay nakasalalay sa kung kaya nating hanapin at tanggapin ang katotohanan. Ang totoo, lahat ay may kanya-kanyang mga kalakasan, tulad ni Sister Jonna, na nagdala ng pasanin sa kanyang tungkulin at madalas na nagbibigay ng magagandang mungkahi. Dapat ay nakipagtulungan ako sa sister ko at natuto mula sa kanyang mga kalakasan para mapunan ang aking mga pagkukulang.

Kalaunan, sinubukan kong makinig sa mga opinyon ng mga sister na nakasama ko sa aking tungkulin. Sa pagtatapos ng bawat pagtitipon, kapag hinihiling sa akin ng mga sister ko na isa-isang tanungin ang mga baguhan kung naiintindihan nila ang nilalaman ng pagtitipon sa araw na iyon, ginagawa ko ang iminumungkahi nila at hindi na tumututol gaya ng dati. Kapag hinihiling nila sa akin na mas detalyadong magbahagi sa mga baguhan para subukang mabawasan ang kanilang kalituhan, ginagawa ko rin iyon. Minsan, binibigyan din nila ako ng ilang ideya para sa mas mahusay na pagdidilig sa mga baguhan, at pagkatapos tanggapin ang mga ito, isinasakatuparan ko. Pagkatapos magsagawa sa ganitong paraan, mas marami akong nakitang baguhan na dumadalo sa mga pagtitipon, at labis akong natuwa dahil dito. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang gumagawa sa ilang taong ginagamit ng Diyos, kundi, higit pa rito, sa iglesia. Maaaring gumagawa Siya sa sinuman. Maaaring gumagawa Siya sa iyo sa kasalukuyang oras, at mararanasan mo ang gawaing ito. Sa susunod na yugto, maaari Siyang gumawa sa ibang tao, kung gayon dapat kang magmadaling makasunod; kapag mas malapit mong sinusundan ang kasalukuyang ilaw, higit na lalago ang buhay mo. Kahit na ano pang uri ang isang tao, kung gumagawa sa kanya ang Banal na Espiritu, dapat kang sumunod. Gamitin mo ang mga karanasan niya sa sarili mo, at tatanggap ka ng mas higit pang mga bagay. Sa paggawa nito mas mabilis kang uunlad. Ito ang landas ng pagkaperpekto para sa tao at ang paraan kung saan lalago ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos). Mas malinaw pang ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na hindi ako pwedeng maging mapagmataas at hambog at ipagpilitan ang gusto ko habang ginagawa ang aking tungkulin. Sa halip, kailangan kong mas makinig sa payo ng iba. Ito ay dahil binibigyang-liwanag at tinatanglawan ng Banal na Espiritu ang lahat. Gaano man katagal nang nananalig sa Diyos ang isang tao o kung may katayuan man siya, hangga’t naaayon sa katotohanan ang sinasabi niya, dapat tayong tumanggap at magpasakop dito. Kung tatanggi tayong makinig, hindi tayo tatanggap ng patnubay ng Diyos sa ating tungkulin. Sa pamamagitan ng karanasang ito, natutunan ko ang kahalagahan ng pakikipagtulungan nang maayos sa aking mga kapatid at hindi pagpipilit ng sarili kong kagustuhan sa aking tungkulin.

Sinundan: 96. Mga Pagninilay-nilay sa Hindi Agad Pagtatanggal sa Isang Huwad na Lider

Sumunod: 98. Ang Pag-uusig na Aking Dinanas Dahil sa Pananampalataya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

60. Ang Diyos ay Napakamatuwid

Ni Zhang Lin, JapanNoong Setyembre 2012, ako ang namamahala sa gawain sa iglesia nang makilala ko ang pinuno kong si Yan Zhuo. Nalaman kong...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito