750 Mga Dahilan Kung Bakit Nakamtan ni Job ang Pagsang-ayon ng Diyos

I

‘Di nakita ni Job ang mukha ng Diyos

o narinig ang mga salita Niya,

at lalong ‘di niya naranasan nang personal

ang gawain ng Diyos.

Gayunpaman, ang kanyang takot sa Diyos,

patotoo sa pamamagitan ng pagsubok

ay hinahangaa’t kinaiinggitan ng lahat,

sinang-ayunan ng Diyos.


Buhay niya’y karaniwan;

isang ordinaryong tao.

Buong araw magtatrabaho’t pahinga’y sa gabi;

isang karaniwang uri ng buhay.

Ang kaibahan, sa buhay niya’y

nagkamit siya ng kabatiran

tungo sa daan ng Diyos, kapangyariha’t

paghahari Niyang ‘di nakamit ninuman.


Ang unang rason bakit nakamit ni Job

mga bagay na ‘di makamit ng normal na tao’y

ang dalisay niyang pusong

pag-aari’t inakay ng Diyos.

Ang pangalawa’y ang pagsusumikap niyang

maging perpekto,

lumayo sa masama, mahalin siya ng Diyos,

sundin ang kalooban Niya.


II

‘Di isinilang na henyo,

walang matibay, matatag na buhay,

walang tinatagong espesyal na kakayahan,

ngunit kay Job mahahanap mo’ng

pagmamahal sa katarungan,

mabait na puso, katapatan,

pag-ibig sa pagiging matuwid

na ‘di natagpuan sa karamihan.


Kaibahan ng pag-ibig at poot, nakita ni Job,

nagtiyaga’t ‘di sumuko,

likas siyang makatarungan,

metikuloso sa detalye sa pag-iisip niya.


Kaya sa normal niyang buhay,

nakita niya’ng kabanalan ng Diyos,

kababalaghang natamo ng Diyos,

kadakilaan, pagiging matuwid,

kagandahang-loob ng Diyos,

kung pa’no Niya iningatan ang tao’t

kung p’ano Siya nagkaro’n

ng gayong karangala’t sukdulang awtoridad.


Ang unang rason bakit nakamit ni Job

mga bagay na ‘di makamit ng normal na tao’y

ang dalisay niyang pusong

pag-aari’t inakay ng Diyos.

Ang pangalawa’y ang pagsusumikap

niyang maging perpekto,

lumayo sa masama, mahalin siya ng Diyos,

sundin ang kalooban Niya.


Kung tao’y may pagkatao,

paghahangad tulad ng sa kanya,

makapagtatamo sila ng pagtanto,

pang-unawa’t kaalamang tulad ng kay Job

sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Sinundan: 749 Ang Saloobin ni Job Tungo sa mga Pagpapala ng Diyos

Sumunod: 751 Ginugol ni Job ang Buong Buhay Niya sa Paghahangad na Makilala ang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito