234 Maging Bagong Tao at Aliwin ang Puso ng Diyos

I

Lubha na akong napasama ni Satanas,

nagiging mapagmataas ako

sa anumang mayroon ako.

Nagpapasikat ako sa aking trabaho at mga sermon,

palagay ko’y kagulat-gulat ako.

Lubha akong mapagmagaling,

lubhang mapagmapuri!

Wala akong wangis ng tao.

Masyado akong mababa,

masyadong kasuklam-suklam!

‘Di kakikitaan ng bahid ng pagkatao.

Palaging ikinukubli ang sarili ko

at nagkukunwaring tapat,

paanong ‘di Ka magdadalamhati?

Nakita Mo ang puso ko,

napahiya ako sa ibinunyag ng mga salita Mo.

Labis na nahiya para makita ang Iyong mukha,

mahirap ipahayag ang aking sakit

at wasak ang puso ko.

Matagal na akong nakasunod sa Iyo,

pero ‘di ko naisaalang-alang ang puso Mo.

Mayroon akong mga titik at doktrina,

gayunman ‘di nagbago ang disposisyon ko.

Lahat ay nagawang malinaw ng salita Mo,

ako ang ‘di nagtataguyod sa puso ko.


II

Sa pagsailalim sa paghatol at pagkastigo

ng Iyong mga salita,

sa huli ako’y nagising.

‘Di na ako magrerebelde laban sa Iyo,

‘di na ako magkukulang muli ng konsensya.

Para mailigtas ang sangkatauhan,

Ikaw ay nagpakumbaba upang maging tao.

Ako’y marumi at mababa,

mayroon ba akong anumang karangalan?

Dahil sa kapalaluan,

nawala ang aking pagkatao at katwiran,

talagang ‘di ako marapat na tawaging tao.

Naantig ng mga salita Mo ang puso ko,

napukaw ako ng mga salita Mo.

Nalupig ng Iyong pagmamahal ang puso ko,

‘di na ko muling maghahangad

ng katanyagan o pakinabang.

Nais ko lang na magampanan ang aking tungkulin

upang masuklian ang pagmamahal Mo.

Gugugulin ko ang sarili ko para sa Iyo,

magiging bagong tao para maaliw ang puso Mo.

Aking isasagawa ang katotohanan,

ipamumuhay ang Iyong mga salita,

at tatahakin ang landas ng liwanag sa buhay.

Sinundan: 233 Itangi ang mga Huling Sandali

Sumunod: 235 Pagsisisi at Panibagong Pagsisimula

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito