138 Saan Ka man Pumunta Magiging Kasama Mo Ako

I

Naibigay ko na sa Iyo’ng puso ko,

Ikaw lang ang iniibig.

Pag-ibig ko sa ‘Yo’y napakalalim,

pinakamamahal ko.

Nais kong sundin Ka buong buhay ko,

taimtim ko ‘tong panata.

Nilupig ako ng ‘Yong maharlikang pananalita.

Nadudurog puso ko sa masakit na pagpipino.


Katuwiran Mo’y nakita ko,

nararapat Kang igalang.

Maraming beses, mahigpit Mo ‘kong iwinasto.

Pagtapos lang ng maraming tagong luha,

nalaman kong pinakakaibig-ibig Ka.

Wala ‘kong nais liban sa ‘Yo.

Ibibigay ang buhay para ibigin Ka.


Mamahalin Kita hanggang wakas,

hanggang wakas.

Handa akong makasama ka

magpakailanman, magpakailanman.


Sa kabila ng pasakit, kahit nilulusob ni Satanas,

‘di ako magsisising ibigin Ka,

lahat ng aki’y alay ko sa Iyo.

Saan Ka man pumunta, sasama ako.

At nananabik akong makasama Kang muli.

Oo, nananabik akong makasama Kang muli.


II

Sinong ‘di iibig sa Iyo? Pinakakaibig-ibig Ka.

Pag-ibig ko sa Iyo’y tapat

at walang makakalaban.

Pag-ibig ko’y isang matatag na puno

sa tabi ng ilog.

Sa init ‘di natatakot, sa tagtuyot ‘di nalalanta.


Nagdurusa sa pag-ibig sa Iyo,

‘di ako nababahala sa kinabukasan.

Mapahangin man o bagyo,

tanggap ko lahat para sa Iyo.

Pasan ko’ng kahihiyan, para maging saksi Mo.

Inaalay ko’ng lahat para suklian

ang dakilang pag-ibig Mo.


Mamahalin Kita hanggang wakas,

hanggang wakas.

Handa akong makasama ka

magpakailanman, magpakailanman.


Sa kabila ng pasakit, kahit nilulusob ni Satanas,

‘di ako magsisising ibigin Ka,

lahat ng aki’y alay ko sa Iyo.

Saan Ka man pumunta, sasama ako.

At nananabik akong makasama Kang muli.

Oo, nananabik akong makasama Kang muli.


III

Nag-aalab ang puso ko,

nais kong lumago nang mas mabilis,

upang ibigin Ka nang mas dalisay

at ibigay lahat sa Iyo.

Nananalangi’t tumatangis,

‘di ko kayang makadismaya.

Dapat kong iwaksi mga karumihan

at sumama sa ‘Yo sa piging.

Labis akong nananabik

na makita Ka’t ‘di na mahiwalay muli.

Sa matinding paghihirap,

salita Mo’ng umaalo sa’kin.

Handa ‘kong tiisin pagtatanggi’t paninirang-puri.

Pag-iisip sa Iyo’ng nagpaalab ng pag-ibig ko.

Maririnig Mo ‘to sa’king nananalanging tinig.


Sa kabila ng pasakit, kahit nilulusob ni Satanas,

‘di ako magsisising ibigin Ka,

kaya lahat ng akin, alay ko sa Iyo.

Saan Ka man pumunta, sasama ako.

At nananabik akong makasama Kang muli.

Oo, nananabik akong makasama Kang muli.

Labis kong pananabik na makasama Kang muli.

Sinundan: 137 Mamahalin Ko ang Diyos Magpasawalang-hanggan

Sumunod: 139 O Diyos, Alam Mo Ba Kung Gaanong Nananabik Ako sa Iyo?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito